Share

CHAPTER 7

Author: dustlesswriter
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

CHAPTER 7

WALANG humpay ang pagsigaw ko nang bumulusok ang katawan ko sa isang napakahabang tunnel. Nauubusan na ako ng hininga hanggang sa tila kidlat na lumitaw ang liwanag at iniluwa ang nanlalambot ko nang katawan.

Hindi ako makagalaw. Tila kinuryente ang mga kalamnan at buto ko sa hindi malamang dahilan.

“Ugh,” I cough multiple times catching my breath and calm myself. Napakurap-kurap ako at unti-unting iminulat ang mga mata. Nakasisilaw na liwanag na naman ang sumalubong sa akin kaya napatakip ako sa mukha gamit ang palad.

Kahit masasakit pa ang kasu-kasuan ay pinilit kong bumangon habang nanginginig pa ang dalawang tuhod. Pinagmasdan ko ang paligid at napanganga na lamang ako.

“N-Nasaan ako?” Isang malawak na batuhan ang tumambad sa akin. Mabato at maalikabok kaya hindi ko maiwasang mapangiwi nang maalalang baka tumama kung saan ang ulo ko. Sht, ano bang nangyari?

“T*ngina nasaan ako?” mura ko at paika-ikang naglakad sa ilalim ng sikat ng araw. Tuyot na tuyot na ang paligid. Halos malanta na ang mga halaman at punong-kahoy.

Nasapo ko na lamang ang noo ko nang maalala muli na nasa silid-aklatan lang ako kanina. Hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon. Ang tanging natatandaan ko lamang ay kusang nagliwanag ang libro at hinigop ako.

Inayos ko ang bagpack ko na hanggang ngayon ay dala ko pa rin. Itinago ko rin ang gusot nang polaroid at isinilid ito sa bulsa ng skirt ko. I need to find my way home. Hindi ako pwedeng manatili rito. Kinapa-kapa ko ang bulsa ko at nakahinga ng maluwag nang mahawakan ang cellphone ko.  Sana hindi pa lowbat.

“Pakshet! Walang signal! Argh!” Napapadyak ako sa inis. “T*ngina paano na ‘to?” Naiiyak kong sambit sa sarili habang iginagala ang paningin. Saan ako pupunta? Saan ako dadaan? Alangan namang hintayin ko rito ang liwanag na ‘yon at antayin kong kusa akong higupin ulit pabalik? Fudge.

“Maybe there’s another way. Someone might be here so I could get help. C’mon Celeste. Don’t panic, okay? It’s okay…okay…” I slap my face trying to be calm. I have to get through this ! I need to get out of this place as soon as possible.

Naglakad-lakad pa ako hoping na makahanap ako ng tulong. Hanggang sa naramdaman ko ang pagkatuyot ng aking lalamunan dahil sa uhaw.

“Taragis, ang init!” reklamo ko at mabilis na naglakad pa upang makahanap ng masisilungan. Mayamaya pa ay natanaw ko ang isang maliit na balon. Nangislap ang mga mata kong halos matuyot na sa init, napalunok-laway ako.

“Mygad, ngayon lang ulit ako makakainom ng tubig sa balon. Teka, malinis ba ‘to? Ba’t parang ang luma na nito?” Napangiwi ako nang makita ang medyo nilulumot nang paligid ngunit pagsilip ko sa loob ay nakita ko ang kristal na tubig ngunit kakaunti na rin. Halata talaga ang tagtuyot sa lupaing ito. Muli akong napalunok. Siguro naman walang lason ‘to eh noh. Gamit ang tabo na gawa sa kahoy ay nagawa kong sumalok at nilagok agad.

“So refreshing!” pikit-mata kong komento tsaka sumalok pa para ibuhos sana sa napapaso ko nang katawan nang magawi ang tingin ko sa ibaba ng aking kinaroroonan. Napanganga ako sa sobrang pagkamangha at nabitawan ang hawak na tabo.

“A-Anong lugar ba ‘to?” nauutal kong tanong sa sarili. Mula sa kinaroroonan ko ay kitang-kita ko ang kapatagan kung saan napupunan ng isang sibilisasyon. Maraming bahay na gawa sa bato at kahoy ang natatanaw ko, tila mga langgam naman ang mga tao sa sobrang dami. Rinig ko rin mula rito ang ingay ng karwahe, musika, mga nagkuwkwentuhan at nagsisigawan.

Nanlaki ang mata ko nang may marealize. Hindi kaya napunta ako sa ibang panahon? Kung ganoon anong era ‘to? Napatakip na lamang ako sa bibig at inalala ang hitsura ng sibilisasyon na nakita kong naka-drawing sa libro na kanina ay hawak ko lamang sa library. Ganitong-ganito.

Tama! Nasa library lang ako kanina at…

“Nagkakamatay na ang mga pananim, natutuyot na rin ang mga halaman. Napepeste na rin ang mga hayop. Lumalaganap na talaga ang tagtuyot.” Otomatiko akong napatago sa likod ng malalaking bato nang makarinig ako ng boses papalapit sa balon. Sinilip ko ang mga ito. Dalawang lalaki ang iigib ng tubig. Kakaiba ang pananamit nila kumpara sa suot ko. Parang…makaluma.

“Iyan nga ang hinaing ng taong-bayan sa emperor. Bali-balita ay gagawin na ang ritwal sa makalawa, magbabakasakaling bubuhos na ang ulan.”

“Sana nga, kung hindi, lahat tayo apektado ng El Nino na ito.”

“Eh wala pa kasi ang handog natin kay Bathala,” ani ng isa. Napakunot ang noo ko sa pinagkukwentuhan nila.  Naagaw naman ang atensyon ko ng mga ingay at yabag ng kabayo. Nakita kong pababa sa kapatagan ang isang  karitela na puro dayami ang sakay. Pinatatakbo ito ng lalaking hindi ko ang pagmumukha dahil natatakpan ng salakot. Inayos ko ang bagpack ko saka tuluyang humabol upang makasama. Mabuti na lamang at hindi ako napansin ng dalawang lalaki na nag-iigib ng tubig sa balon.

“Ouch!” mahina kong bulong dahil sa lubak-lubak na daan na binabagtas ng kabayo pababa. Tinakpan ko na lamang ang bibig ko upang hindi makagawa ng ingay. Bakit nga ba ako sumama rito? Nasapo ko ang noo ko sa sobrang depresyon.

Paano kung malaman nilang hindi pala ako tagarito? Baka mapahamak ang buhay ko.

“Ang bobo mo talaga Celeste,” nakangiwi kong sambit sa sarili. Makalipas ang ilang minuto ng paglalakbay pababa, naramdaman kong medyo gumaan ang paggalaw ng karitelang sinasakyan ko. Napasilip ako at hinawi ang mga dayami na natatakip sa akin.

“What the heck? Is this for real?” Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang isang  maingay na sibilisasyon. Tama nga ang nakikita ko kanina mula sa taas, napakaraming tao na naglalakaran, mga nag-aawitan, nagsasayawan, hindi magkamayaw ang iba sa pamimili. Kakaiba ang nakikita ng mga mata ko ngayon. Tila napadpad ako sa isang hindi pangkaraniwan ngunit historical na lugar?

Sa sobrang excitement na nararamdaman ay inilabas ko ang cellphone ko at agad kumuha ng mga litrato habang nakatago pa rin sa napakaraming dayami.

Kahit hindi ko alam kung nasaan ako ay hindi ko mapigilang hindi mamangha dahil sa naiisip. Posible kayang napadpad ako sa mundong ito dahil sa liwanag na nakita ko sa libro?

Kung ganoon, n-nasa loob ako ng libro?!                    

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jho Tejada Paden
di ko alam maiinis ako oh nagagandahan.. iwan.
goodnovel comment avatar
Robelyn Senador
ano yan "bayani" ang ganap...hehehehe..pero gusto konto ms.a....
goodnovel comment avatar
Marie Beth
pa unlock po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 8

    CHAPTER 8

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 9

    CHAPTER 9

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 10

    CHAPTER 10

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 11

    CHAPTER 11

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 12

    CHAPTER 12

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 13

    CHAPTER 13

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 14

    CHAPTER 14“ATE, anong hitsura ng Tokyo?” Napangiti ako dahil sa naging tanong ni Yuri, ang bunsong kapatid ni Tsuyu. Katabi ko sila ngayon ni Yamaro habang pinagmamasdan ang kalangitan na tadtad ng bituin. Tanging huni lamang ng panggabing ibon ang maririnig at mga kulisap. Napakarami ring mga alitaptap ang nagliliparan.“Bakit mo natanong?” tanong ko pabalik at napatingala sa langit.“Tulad rin ba ng lugar na ito ang lugar na pinanggalingan mo?” inosenteng tanong rin ni Yamaro na ngayon ay nakatingin na rin sa akin habang naghihintay ng sagot ko. Napakagat-labi ako.“Ang lugar na ito ay kakaiba. Ibang-iba sa Tokyo...” bulalas ko at saka inalala ang mga lugar at pangyayaring kinagawian ko bilang isang normal na teenager sa Tokyo.Naalala ko ang paggising ko ng tanghali kahit may pasok sa school. Ang sermon ni kuya Chester tuwing hindi ko kinakain ang mga pagkaing niluluto niya. Ang pagtambay ko sa Onibus Cafe malapit lamang sa Hirokoshi High kung saan ako nag-aaral. Ang palagi kong pa

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 15

    THIRD PERSON'S POV"Sabihin mo sa akin kung sino ang nagmamay-ari ng bagay na iyan," utos ni Kaisei sa manghuhula at inilapag sa pabilog na mesa ang hairpin at isang supot na ginto. Napatingala naman ang matandang babae sa binatang kararating lamang sa kanyang tahanan. Dahan-dahan niyang ibinaba sa mesa ang hawak na mga baraha at agad hinawakan ang hairpin."Malakas ang pwersang dumadaloy. Saan mo natagpuan ang bagay na ito?" tanong ng matanda ngunit hindi sumagot si Kaisei. Bagkus, naupo siya kaharap ng manghuhula at desididong malaman ang nababasa nito."Ang bagay na ito ay hindi pangkaraniwan. Pagmamay-ari ng isang dalagang...malayo ang pinanggalingan," wika ng matanda habang nakapikit at hinihimas ang hairpin. Tila kusang nanginig ang mga kamay nito at napamulat habang nanlalaki ang mata."May nagbabalik!" bulalas niya dahilan para matigilan ang nakikinig na si Kaisei."A-ano? Sinong nagbabalik?" Kahit alam niyang isa lamang ang tinutukoy ng matanda ay mas pinili niyang itanong pa

Pinakabagong kabanata

  • HIRAETH (Tagalog)   EPILOGUE

    EPILOGUEFOUR MONTHS LATER“Sotsugyosei no minasan, omedetogozaimasu!”[Congratulations to all graduates!]“Congratulations, guys! Road to college na us!”Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa dalawang malalapit ko na kaibigan, sina Patrice at Truce. We’re now both wearing togas and holding our diplomas. Kakatapos lamang ng graduation and awarding ceremonies at inimbitahan pa kami na umakyat ng stage for picture taking.Napakabilis ng panahon. Two years of being a senior-high school student made me realize that I am nearing to face my third struggle, to pass the entrance exam in college and pick the right course where I belong.Matapos kong kumawala sa yakap nila ay agad hinanap ng paningin ko si kuya Chester. Sa dami ng tao ay halos mag-ala giraffe ako upang tanawin siya. I need to flex my certificates and

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 40

    CHAPTER 40IMINULAT ko ang mga mata ko.Kumikirot pa rin ang kalamnan ko tulad ng dati. Para akong kinuryente sa hindi malamang dahilan. Napangiwi ako.I found myself again in the middle of nowhere. But this time, alam ko na kung nasaan ako ngayon. I am here in Mount Hida, nearby a well. Kahit hinang-hina ay pilit akong bumangon. Napahawak ako sa pulso ko at natutop ang bibig.“Fudge, I thought this will heal,” bulong ko at napangiwi nang mapansing sugat pa rin ang kaliwa kong pulso matapos ko itong hiwain. Pero bakit ganoon? Ang weird ng oras rito kumpara sa Tokyo. Sobrang laki ng pagkakaiba nila.Napakagat-labi na lamang ako upang indain ang sakit. Hindi na naman nagdurugo pero kita ko pa rin ang pagkakahiwa nito. Shit, I never thought I’d hurt myself for the first time.Now, I have to find my way back to the palace. I have to find Tsuyu and his siblin

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 39

    CHAPTER 39“CELESTE, you’re insane!” Patrice bursts out after I told them that I was able to enter that freaking book and had a chance to be part of the tale.“I’m telling the truth,” I look at them sincerely.“Noong una, ang sabi mo nakakarinig ka lang ng mga boses. Tapos ngayon naman, pinagpipilitan mong na-adapt ka ng isang libro. Oh my gosh, Cel!” Nasapo niya ang sariling mukha na parang nag-aalala na sa akin.“It was...it was a rollercoaster ride! I got a chance to meet the four princes too, including the queen and the king! Guys, I’m telling you the truth!” depensa ko pa at tiningnan sila isa-isa.I can’t find the right words. Pero siguradong-sigurado ako. Those characters inside the book were alive! They’re giving justice to their own roles. They’re portraying their characters like what the auth

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 38

    CHAPTER 38“HERA! Hera!”“Hera gumising ka!”Unti-unti kong iminulat ang hanggang ngayo’y nanlalabo kong mga paningin at tumambad sa akin ang kwartong purong kulay puti ang pintura. Puting bedsheet, puting kurtina, kisame at isang nakapinid na bintana. Kumurap-kumurap ako dahil naninibago ako sa nakikita ko sa aking paligid. Nasaan ako?“Hija? Mabuti naman at nagising ka na. Dalawang araw ka nang narito sa hospital at walang-malay. Tiyak matutuwa ang kuya at mga kaibigan mo oras na malaman nilang nagka-ulirat ka na.” Isang ginang na nakasuot na kulay-puting coat ang pumasok sa silid na kinaroroonan ko at may malapad na ngisi. “Ako nga pala si Doctora Cordero,” dagdag pa nito na hindi ko na binigyang-pansin pa.“N-Nasaan ako?” Gustuhin ko mang makapagtanong pa ng il

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 37

    CHAPTER 37NAPAHIGPIT ang yakap ko kay Kaisei habang nakasakay kami sa kabayo. Tinatahak namin ngayon ang daan paakyat ng Hida, ang pinakamataas na kabundukan rito sa Gokayama. Gustuhin ko mang lingunin ang hitsura ng kaharian, ay natatakot ako.Napapikit na lamang ako at yumuko.“S-sa tingin mo ayos lang sila roon?” tanong ko sa tahimik na si Kaisei.“Naroon si Jin at Itsoru para protektahan ang kaharian maging ang hari at reyna. Matitibay ang pader na humaharang sa buong palasyo. Hindi basta-basta makakapasok ang mga armadong iyon,” sagot niya na walang lingon-lingon. Napabuntong-hininga na lamang ako.Gusto ko pang magtanong nang magtanong. Kung nasaan si Tsuyu sa mga panahong ito. Kung ayos lang rin ba siya? Alam ba niyang wala na ako sa palasyo?Sa hindi inaasahan ay agad humalinghing ang kabayong sinasakyan namin. Wala kaming nagawa kundi mapaatras

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 36

    CHAPTER 36THIRD PERSON’S POV“TSUYU!” halos takpan na ng binata ang tenga dahil sa paulit-ulit na pagtawag sa kanya ni Hera. Naiirita niya itong nilingon at sinamaan ng titig. Hindi gaya ng iba, ni hindi man lang ito natinag at nakipagtitigan pa sa kanya.Kakaiba talaga ang babaeng ito.“Bakit mo ba ako iniiwasan? Ikaw rin, hahanapin mo ako araw-araw kapag nawala ako,” nangongonsensyang sambit pa ni Hera kaya napaiwas ng tingin si Tsuyu.&ldq

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 35

    CHAPTER 35CELESTE’S POVBAKIT ako umiiyak? Bakit may luha?Pinahid ko ito at bumangon habang nakatitig sa pintong nakasarado. Mayamaya ay bumukas ito at nakita ko ang nag-aalalang si Mira.“Mira---” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sunggaban niya ako ng isang napakahigpit na yakap. Pagkaraa’y narinig ko ang pag-iyak niya.“Akala ko tuluyan ka nang mawawala. Nakakainis ka, Hera!” aniya sa pagitan ng pag-iyak kaya hinagod ko na lamang ang likod niya at napangiti. The thought of how sweet is this lady infront of me, reminds me of someone from the other world. It’s none other than, Patrice. My one and only girl bestfriend.“Hindi ako mawawala. Bakit naman kita iiwan?” sambit ko na lamang matapos siyang kumawala sa yakap.“May lason ang tsaa na ipinainom sa&rs

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 34

    CHAPTER 34THIRD PERSON’S POVNAGMAMADALING naglakad palabas si Tsuyu bitbit ang sama ng loob sa kamahalan. Habol naman siya ni Takumi. Agad nitong hinawakan ng mahigpit ang braso ng binata at pinilit iniharap sa kanya. Ngunit wala itong emosyon nang titigan siya.“Hindi kita pakakasalan. Kung iyan ang iniisip mo,” determinadong saad ng prinsipe. Kumirot ang puso ni Takumi at napahigpit ang hawak sa pulso ng binata.“Bakit? Si Hera ba ang gusto mong pakasalan?” sarkastikong tanong nito at hindi makapaniwalang tinitigan ang prinsipeng matagal na niyang gusto.“Hindi kayo pwede. Ako ‘to, Tsuyu! Ako ‘yung nandito pero bakit ang ilap mo? Tsuyu, ako ang pakasalan mo.” Tila nagsusumamo ang prinsesa. Kitang-kita ang kagustuhang makaisang-dibdib ang binata pero hindi natinag si Tsu

  • HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 33

    CHAPTER 33CELESTE’S POVHUMUGOT muna ako ako ng lakas ng loob bago maglakad patungo sa silid ng reyna. Medyo malayo ito sa mismong silid kung saan naroroon kami.“Ano kaya ang dahilan at bakit ako gustong makita ng reyna?” sambit ko sa sarili habang dahan-dahan ang ginawang paglalakad. Maya’t maya kong itinataas ang laylayan ng mahaba kong damit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako masanay sa ganitong kasuotan. Napakahaba, ang hirap maglakad!“Fudge!” Muntikan na ako matisod. Mabuti na lamang at may mabuting kamay ang biglaang napahawak sa braso ko kaya napatungo lamang ako. Agad kong iniangat ang tingin ko. Nakita ko ang unang prinsipe na seryosong nakatitig sa akin. Si Jin.“Napakalampa talaga,” naiiling nitong sambit kaya napaayos ako ng tayo.“S-salamat,” naiilang ak

DMCA.com Protection Status