Share

CHAPTER 2

Author: bossybeasty
last update Huling Na-update: 2024-12-12 19:15:58

DIANA'S POV

Nakita ko nang ihatid nang asawa ko si Mirella sa labas. Agad ko naman siyang sinalubong nung nakita kong muli siyang papasok sa loob.

Pinag krus ko ang mga braso at naka taas ang kilay na tumingin sakaniya.

Agad naman siyang lumingon sa gawi ko.

"So, hahayaan mo nalang talaga siyang suwayin tayo?" Mataray na tanong ko.

Bumuntong hininga siya at tinignan ako ng walang emosyon.

"Diana, hayaan muna siya sa kung anong gusto niyang gawin. May sariling pag–iisip na si Ella."

Inikot ko ang mga mata at sarkastikong natawa.

"Ano nalang magiging ambag niya sa pamilyang 'to kung ganon?"

"Bakit kailangan ba talaga lahat sa atin ay may ambag?"

"Oo, Joseph! Dahil noong nabubuhay palang ang papa ay napakarami kong sinakripisyo sa pamilyang ito."

Nakapamewang ang kaliwang kamay niya habang ang isa ay hinawak sa sentido niya, senyales iyon na nagpipigil siya ng inis.

"Just please Diana, give me some time to think."

"Hindi na talaga kita maintindihan."

"Look, hon. I'm doing everything na maayos ang lahat, just give me some time."

"Hah! Kailan pa Joseph? Kung kailan tumaob na ang kompanya?"

Hindi niya ako sinagot bagkus ay tumalikod siya at pumunta ng living room, pagkabalik ay dala dala na niya ang susi ng sasakyan niya.

"Babalik na muna ako sa kompanya."

Lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi ko, saka siya lumabas at sumakay sa sasakyan niya.

Nanatili ako sa kinatatayuan at galit na tumingin sa papa–andar niyang sasakyan.

Hindi maaaring bumagsak nalang ang kompanya, andami kong binuwis noon para lang maging parte ng pamilyang ito.

Maayos ang takbo ng kompanya noon, nung mga panahong nabubuhay palang ang papa, ang ama ni Joseph. Katunayan ay naging pangalawa sa listahan ang kompanya dahil sa maayos na pagpapatakbo ng papa. Pero nagbago ang lahat ng namayapa ito, ginawa ko rin ang lahat para lang maisalba ang kompanya pero ngayon ay basta na lang itong gumuho.

Hindi ko maintindihan, maayos pa naman ito nung mga nagdaang mga buwan at ngayon basta basta nalang bumagsak.

Bumalik ako ng living room at pabagsak na umupo sa sofa. Nanatiling masama ang tingin sa kung saan.

Nang walang ano–ano'y nag–ring ang aking cellphone, agad ko naman 'yong kinuha. Hindi pamilyar sa akin ang numero ng tumatawag.

"Hello?"

"Good morning," may awtoridad na ani ng isang lalaki sa kabilang linya.

"Good morning. Who's this?"

"Romano Salvador. Mas kilala bilang Don Salvador."

Nanlaki ang mga mata ako at agarang napatayo.

"D—don Salvador? Ano pong maipaglilingkod ko sainyo?"

Ang kompanya niya ay nasa pangatlong listahan. Katulad ko ay ang tanging hangad niya ay kapangyarihan.

"Sino ka sa pamilyang Vitalle?"

"This is Diana Vitalle, Don Salvador. I am Joseph Vitalle's wife."

"Gusto kong makipag kita sa'yo at sa asawa mo, may mahalagang bagay akong iaalok na tiyak na ikatutuwa ninyo."

Agad akong nabuhayan ng pag–asa.

"Sure, Don Salvador. Saang lugar niyo po gusto nang makapag–book na po ako."

"Maaari bang sa bahay niyo na lamang? Itext mo na lamang sa akin ang address."

"Yes naman po Don Salvador, wala pong problema."

"Mabuti, sige magkita na lamang tayo riyan."

"Aantayin po namin kayo."

Matapos ay isang malaking ngiti ang pinakawalan ko at agad na tinawagan ang aking asawa.

Naka ilang ring pa bago ito nakasagot. "Hon, I'm driving."

"Come back home, may bibisita sa atin na makapangyarihang tao." Nakangiting tugon ko.

"Who?"

"Just get back here, now! Hindi pwedeng mahuli ka pa sakaniya."

"Okay."

Agad ko namang pinutol ang tawag at nagmamadaling umakyat sa taas. Deretso akong pumasok sa kwarto saka nagbihis at nag–ayos.

Nang matapos ay agad akong bumaba at inutusan ang mga maids na maghanda ng makakain.

Ilang minuto ang nakalipas ay rinig ko agad ang sasakyan ng aking asawa.

Agad akong dumiretso sa living area at naupo sa sofa.

"Hon?" Tawag ng aking asawa ng makalapit ito sa gawi ko.

Agad ko naman siyang nilingon at nginitian.

Nagtataka naman siyang tumitig sa akin. "What's with that smile?"

"Tumawag sa akin kanina si Romano Salvador o Don Salvador. May mahalaga raw siyang sasabihin sa atin, may gusto siyang ialok," tumayo naman ako at lumapit sakaniya. "Pakiramdam ko ay mag–iinvest siya sa atin."

"Pangatlo sa listahan ang kompanya niya, at tayo ay hindi manlang nangalahati sakaniya. Pero bakit naman tayo ang pipiliin niyang pag–aksayahan ng salapi?"

"Why not? Maybe, he see's any potential from us."

"Sigurado akong may kapalit 'yon."

Tumingin ako sakan'ya at inayos ang tie niya. "Hon, kung ano mang hihingiin niyang kapalit. Syempre malugod nating tatanggapin 'yon."

Buntong hininga naman siyang tumango.

Makalipas ang kalahating oras ay may narinig na kaming mga busina ng sasakyan, agad naman kaming tumayo at nagtungo sa pinto. Binuksan ng mga maid's ang gate at bumungad roon ang napakaraming bodyguard's ng Don Salvador, nakalahilera ito kaliwa't kanan habang binigyan ng daan ang Don sa gitna.

Agad namang lumabas ang Don. May itsura ito at makisig. Kahit nasa 50's na ito ay halatang inaalagaan pa rin ang sarili. Ang mga pilak niyang buhok at malalim na mata ay nagbibigay sa kanya ng karisma, pero kasabay nito, ramdam ang yabang sa bawat kilos niya. Lagi siyang nakaayos, pormal man o casual parang siya lang ang mahalaga sa mundo. Hindi ko pa masyadong kabisado ang ugali niya pero sa tindig niya ay alam niyang kaya niyang makuha ang gusto niya, dahil sa pera at impluwensya. Kahit makikita mo ang pagka-gentleman niya sa panlabas, alam mong ang respeto niya ay binibili at hindi kusang binibigay.

Agad niyang tinanggal ang suot na mamahaling black shade's at nakangiting humarap sa amin.

"Good morning. Mrs and Mr Vitalle, masaya akong nakaharap kayo." Nakangiting bati niya.

Agad naman akong ngumiti sakaniya at bahagyang tumungo.

"Good morning Don Salvador, it was nice to meet you too. Pasok po tayo," nakangiting bati ko rito at iginayak siya papasok kasama ng kan'yang dalawang tauhan.

Dumiretso kami sa living room at agad na naupo roon, agad ko namang inutusan ang mga maid's na hatiran kami ng makakain.

Magkatabi kami ng aking asawa habang ang kaharap namin ay ang Don na swabeng nakaupo habang ang dalawang tauhan niya ay nakatayo sa bawat gilid niya.

Tumikhim pa muna ang aking asawa bago nagsalita. "Ano pong sadya niyo at naparito po kayo?" Magalang na tanong niya rito.

Ngumiti naman ang Don at tumingin sa akin bago muling tumingin kay Joseph.

"Isang magandang alok," simple ngunit may kapangyarihang aniya.

"Ano po iyon Don Salvador?" Nakangiting tanong ko rito.

Sabik akong malaman iyon, alam kong tungkol sa negosyo ang sadya ng matandang ito.

"Nabalitaan ko kasi ang pagbagsak ng inyong kompanya," muling dagdag niya.

Napayuko kaming pareho mag–asawa dahil sa kahihiyan.

"Kaya narito ako upang tulungan kayo," muling dagdag niya nang nakapagpa–angat ng aming tingin sakaniya.

Hindi kami nagsalita at hinayaan lamang siya, kalmado kaming nakikinig pero sa loob–loob ko ay isang kaginhawaan at tagumpay ang nararamdaman.

"Kaya kong ibalik sa pang–apat o panglima sa listahan ang inyong kompanya at mapanitili itong nasa ganoong pwesto. Kapag tinanggap ninyo rin ang alok ko ay hindi lang 'yan ang matatanggap niyo mula sa akin. Bibigyan ko kayo ng maraming bodyguard's at mas papatunugin pa ang apelido ninyo. Magagantipalaan ko rin kayo ng aking mga lupa at ari–arian."

Agad kaming nagtinginan ng aking asawa, ang mga mata namin ay nagniningning sa tuwa.

"Kung ganoon ay ano pong magiging kasunduan?" Sabik na tanong ko sa Don.

Agad na sumilay ang malokong ngisi nito. Kung tignan niya ako ay nasisiguro niyang hindi ako mag–aalinlangan na tanggapin kung ano man ang ninanais niya.

"Ang inyong anak. Ang inyong nag–iisang anak," nakangising dagdag niya.

Ang kaninang pananabik ko ay basta nalang umurong. Agad 'kong nilingon ang aking asawa at nakita ang namumuong inis sa mukha nito.

"Anong ibig niyong sabihin?" Mahinahong tanong niya ngunit masyado ng nag–iiba ang timpla ng mukha niya kaya hindi ko na masasabing mahinahon pa ito.

Umayos ng upo ang Don at deretsong tinignan ang aking asawa.

"Nais kong ipakasal ninyo sa'kin ang nag–iisang anak ninyo. Gusto ko siyang maging kabiyak at magmahala ng aking mga negosyo. Nakita ko na ang kaniyang itsura sa iba't–ibang mga magazine at talaga namang nakakapang–akit ang taglay niyang ganda."

Nakita ko agad ang pagkuyom ng mga kamao ng aking asawa. Natigilan ako ng bigla siyang tumayo kaya agad kong hinawakan ang braso niya.

"Hon.." tinignan ko siya ng may paki–usap na tingin.

Pero hindi siya natinag at muling tumingin sa Don na kalmado lang ding nakatingin sakan'ya.

"Hindi ako makakapayag sa inaalok ninyo, Don Salvador. Hingin niyo na ang lahat sa amin ngunit huwag ang anak ko." Inis na tugon niya.

Insultong ngumisi ang Don. "Anong lahat ang pinagmamayabang mo Mr. Vitalle? Ang mga kakarampot ninyong lupa? Ang pabagsak ninyong kompanya? Para sa akin ang dalaga mo na lamang ang natitirang kayamanan."

Agad akong tumayo at hinawakan ang dalawang braso ng aking asawa. Ramdam ko ang pagpipigil niya na masaktan ang kaharap.

"Oo Don Salvador, handa akong maubos ang lahat sa amin pero hinding hindi ako makakapayag sa kagustuhan niyo."

"Hon..Please." Pakiusap ko rito.

"Matatanggap ko ang ibang alok ninyo kahit ano paman ang mga 'yon, pero kung ang anak ko lang ang gugustuhin niyo bilang kapalit ay nakiki–usap ako na umalis nalang po kayo."

Nagulat ako sa sinabi ng aking asawa kaya agad akong humarang sa harap niya at tinignan siya ng masama.

"Hon! Anoba?"

Pero hindi siya nakasagot ng muling tumikhim ang Don.

"Huwag kayong mag–alala, bibigyan ko kayo ng panahong makapag–isip sa aking alok. Kapag napagdesisyunan niyo na ang inyong pasya ay tawagan niyo ako at papipirmahin ko kayo ng kasulatan na inyo ng pina–uubaya sa akin ang inyong anak. Kapag napirmahan niyo na ay agad 'kong ibabalik sa ayos ang mga nawala sainyo, agad ko ring isasa–ayos ang kasalan. At wala ng karapatang tumanggi ang inyong anak oras na tinanggap niyo ang kasunduang ito."

"Huwag na kayong mag–aksaya ng oras. Dahil hindi mangyayari ang ninanais ninyo," inis na dagdag ng aking asawa.

Kalmadong tumayo ang Don at nakapalmusang tumingin sa amin.

"Aasahan ko ang tawag ninyo," dagdag niya at tumingin sa akin saka makahulugang ngumisi na siyang kinagulat ko. "Mauuna na ako."

Akma akong susunod sa papatalikod na Don pero agad na hinila ang braso ko ng aking asawa.

"Hindi natin tatanggapin ang alok niya."

Agad kong binawi ang braso ko at tinignan siya ng masama.

"Hindi mo pa rin siya dapat binastos ng ganoon."

"Hindi ko siya binastos Diana. Kung tutuusin siya ang nangbastos sa atin in the first place."

"Tsk! Ihahatid ko lang siya at hihingi ng pasensya," inis na dagdag ko at hindi na siya inantay na makasagot, basta nalang ako sumunod sa Don.

Nasa bakuran na ito ng maabutan ko agad naman itong huminto at lumingon ng isenyas ako ng tauhan niya.

"May kailangan ka pa ba?" Kalmadong tanong niya.

"Gusto ko lang pong humingi ng tawad sa naging reaksyon ng aking asawa." Nakatungo kong ani.

"Wala 'yon, naiintindihan ko siya. Dahil tunay nga namang kayamanan ang inyong dalaga."

"Pasensya na po ulit at salamat po sa pagbisita."

Natahimik siya at nakangiting pinagmamasdan ako.

"Kakaiba ang reaksyon mo at ng iyong asawa, nakita ko ang bawat galaw ninyo kanina. Wala akong nakitang naging pagtutol saiyo," nakangising dagdag niya.

Napapalunok akong tumingin sakaniya.

"Kapag nagkataong nagustuhan mo nga ang aking alok ay bibigyan kita ng sarili mong kompanya at kapangyarihan, tawagan mo lang ako."

Nababasa ko sa mga mata niya na sigurado siyang tatanggapin ko ang alok niya.

"Mauuna na ako, salamat sa pagpapatuloy."

Agad niya akong tinalikuran ngunit natigilan din ng makasalubong si Mirella.

Tinignan naman siya nito ng may pagtatakang tingin bago bumaling sa akin, ngunit nag–iwas lamang ako ng tingin.

"Napakaganda mo sa personal," magalang na bati ng Don rito.

"P—po?"

"Nakikita kita sa mga magazines, isa ako sa mga humahanga saiyo."

Naiilang man ay ngumiti si Mirella sa Don. "Salamat po."

Pero nagulat ang dalaga nang kunin nang Don ang kaniyang kamay at hinalikan. Dahil nga sa pagkagulat ay agad niyang nabawi ang sariling kamay. Ngunit hindi ito pinansin ng Don at bahagya pang natawa rito.

"Pasensya na, mauuna na ako." Dagdag niya na may nang–aakit na tono.

Bahagya lang tumango si Mirella at lumapit sa gawi ko saka pinagmasdan ang mga papalabas na sasakyan.

"Anong sadya nila dito mom?"

"Business matters, pumasok na tayo sa loob."

Agad naman siyang tumango at naunang pumasok.

I know hindi mo matatanggap ito, pero ito na lang ang pinakamalaking tiyansa na maiisalba ang kompanya at ang buhay na pinapangarap ko.

Wala na roon sa living room si Joseph, sigurado akong nasa kwarto na ito namin at nag–iisip.

Agad akong lumapit kay Mirella na kasalukuyang naka–upo sa sofa.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo bang ipaghain kita?" Malumanay na tanong ko na siyang kinagulat niya.

"P—po? Sige mom," naiilang na sagot niya.

"Ano gusto mong pagkain?"

"Just cake and apple juice mom, salamat po."

"Wait here."

Agad akong dumiretso sa kusina at kinuhanan siya ng cake at noong paborito niyang apple juice.

Bata pa siya ay paborito niya na ang mga ito, palagi niyang paborito ang binabake kong cake. Pero sa tuwing nanghihingi ay hindi ko siya inaasikaso kaya dederetso siya sa daddy niya at doon mang–iistorbo.

Kaya ito ang unang pagkakataong naasikaso ko siya sa bagay na ito.

Hindi ko maintindihan, meron sa loob kong nakokonsensya pero mas lamang ang kapangyarihan at kayamanang nag–aantay.

Nang matapos ay agad akong bumalik sa sala para maihatid ang request niya. Nilagay ko iyon sa mesang nasa harapan niya.

"Thank you mom," nakangiting tugon niya.

Hindi ako sumagot at umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan niya.

"This is my first time serving your favorite snacks."

Seryoso siyang tumingin sa akin habang ngumunguya.

"I was actually shock with this mom...but thank you."

Bahagya akong ngumiti. "How's modeling?"

Nasamid naman siya at muntikan ng mabulunan, kaya dali–dali akong tumayo at kinuha ang isang basong juice saka inabot 'yon sakan'ya.

"Magdahan–dahan ka."

Agad akong kumuha ng tissue saka pinahid 'yon sakan'ya.

"Sorry po, ano nga po ulit ang tanong n'yo?"

"How's your modeling?"

Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Are you serious mommy?"

"Do I look like I'm joking?"

"No...I mean, akala ko ba ayaw mo sa ginagawa ko?"

Bumuntong hininga ako at seryosong tumitig sakaniya.

"I just realized na you are now in your adult phase. May sariling isip kana at alam kong suporta lang namin ng daddy mo ang kailangan mo. So, simula ngayon hahayaan na kita sa kung anong gusto mong gawin."

Hindi siya makapaniwalang tumitig sa akin, pinoproseso kung tama ba ang mga narinig niya.

"Kakausapin ko na rin ang kompanyang kukuha sana saiyo."

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at niyakap ako.

"Thank you mom, I also really need your support." Bulong niya.

Agad ako namang tinapik ang likod niya. "Gusto ko lang bumawi."

Kumalas siya ng yakap at nakangiting tinignan ako. "Kahit suportahan mo ako sa hindi, mahal na mahal pa rin kita."

Hindi ko alam pero parang kinurot ang puso ko sa sinabi niyang 'yon, kaya bago ako lamunin ng emosyon ay tumayo na ako.

"Magpahinga kana, pupuntahan ko lang ang daddy mo sa kwarto."

"Andito na pala siya? Bakit hindi man lang ako sinalubong," nakangusong bulong niya.

"May inaasikaso siya saka hindi niya alam na uuwi ka ng maaga ngayon."

"Sige po."

Tumango ako at tinalikuran siya saka deretsong umakyat ng hagdanan.

Hindi ako pwedeng magpadala sa nararamdaman ko.

Dumiretso ako ng kwarto at nakita ko nga roon ang aking asawa.

Tulog?

Lumapit ako at naupo sa tabi niya saka bahagya siyang tinapik.

"Hon.."

"Hmm..." Minulat niya ang mga mata at bumangon.

"Are you alright?"

Nagtataka naman siyang tumango. "Of course, ikaw ba? Are you alright?"

Ngumiti ako at tumango. Agad akong lumapit sakaniya at marahang hinalikan ang labi niya, nagulat man ay ginantihan niya naman ito.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay agad siyang ngumisi ng nakakaloko.

"Tsk! Anong ngisi 'yan Joseph?" Mataray na tanong ko.

"Bakit hindi natin bigyan ng bunsong kapatid si Elle?" Nakangising tanong niya.

Agad ko naman siyang hinampas sa braso. "Puro ka kalokohan!"

Hinapit niya ako papalapit sakaniya, hawak–hawak ang bewang ko ay inaamoy–amoy niya ang buhok ko.

Simpleng bagay na gustong–gusto kong ginagawa niya.

"I'm just comforting you. I know hindi naging maganda ang takbo ng usapan niyo kanina ni Don Salvador."

Seryoso siyang tumingin sa akin. "Ikaw ba? Tutol ka rin ba sa alok ng matandang 'yon?"

Bahagya akong nagulat at hindi agad nakasagot sa deretsang tanong niya. Nag–iwas ako ng tingin para hindi niya mahalata ang pagkagitla ko.

"Of course hindi," pagsisinungaling ko. "Sino ba namang magulang ang matutuwa sa ganoong kasunduan."

Malalim siyang bumuntong hininga. "Hinding–hindi ko kayang ipakasal ang anak ko sa matandang 'yon, alam ng lahat kung gaano ito kahayok sa babae. Pero kahit iba pa ang mag–alok ay hindi ko kayang ipagpalit ang anak ko sa salapi. Gusto kong matupad niya lahat ng mga pangarap niya at maging masaya."

Patawad mahal ko, pero hindi ko matutupad ang mga minimithi mo para sa anak mo.

"Naiintindihan kita," nakangiting tugon ko.

"Huwag mo sana siyang tatawagan hon kung sakaling magbago ang isip mo," muling dagdag niya na seryosong nakatitig sa mga mata ko.

"What do you mean? What do you think of me?" Inis na singhal ko at tinanggal ang mga braso niyang naka pulupot sa bewang ko.

"Hey, hey! Wala akong ibig sabihin doon. Bakit ba ang sungit mo?" Natatawang aniya.

Inirapan ko lang siya. "Ewan ko sayo."

Muli niya akong hinila palapit sakaniya at inabot ang mukha ko saka marahang hinawakan ang pisngi ko.

Agad niya akong sinunggaban ng halik na agad ko naman iyong ginantihan. Nang tumagal ang aming mga halikan ay naging mapusok iyon at pareho na kaming nag–iinit, kaya pinaubaya ko na ang aking sarili at nagsalo kami sa mga oras na 'yon.

Kinabukasan ay inasikaso ko ang mag–ama, habang ang aking asawa ay papasok sa trabaho ay nagpaalam akong mag grocery. Gusto niya pang pasamahan ako kay Mirella dahil wala naman itong shoot, pero tumanggi ako at hayaan na lamang siyang makapagpahinga.

Ang totoo ay hindi grocery ang totoong dahilan ng pag–alis ko. Makikipag kita ako sa isang mahalagang tao na tinawagan ko kagabi.

Nang makarating sa lokasyon ay agad akong hinatid ng kaniyang tauhan.

Nang makapasok sa sarili niyang opisina ay hindi na ako nag–aksaya ng oras at agad na inayos kung ano mang pakay ko.

Nang matapos ay dumiretso na ako sa mall at nag–grocery.

Lumipas ang dalawang araw ay magandang balita ang bumungad sa amin. Ngunit hindi 'yon nagustuhan ng aking asawa.

"Hon? What's the problem?

"Nakakapagtaka lang na napakaraming nag–invest sa atin ngayon at ang kompanya ay nakapasok na sa panglima sa listahan sa loob lang ng dalawang araw?" nagtatakang aniya.

"What's the problem of it? Hindi ba't ito naman ang inaantay natin? I mean, nagawan na natin ng paraan. Bumabalik na ang lahat sa ayos honey. Natupad na ang mga dasal natin."

Seryoso siyang tumingin sa akin.

"What's with that look?" Mataray na tanong ko.

"Ginawa ko ang lahat, pero mas lalo lamang bumagsak ang kompanya. Lumapit sa atin si Don Salvador at nag–alok na ibabalik sa pwesto ang kompanya kapalit ng anak natin. Ngunit tinanggihan natin 'yon, maliban nalang kung..."

Agad na tumaas ang kilay ko sa kahina-hinala niyang tingin.

"What are you trying to say then?"

Lumapit siya sa akin at sa pagkakataong ito ay nakaramdam na ako ng kaba dahil kakaiba na ang mga tingin niya.

Sumusunod siya sa lahat ng gusto 'ko at kampante ako roon pero ang kinakatakot ko sakaniya ay sa tuwing nagagalit siya.

"Anong ginawa mo?!" Halata na sa boses niya ang namumuong galit.

Napapa–atras ako ngunit palapit rin siya ng palapit.

"Ano ba Joseph! What are you trying to say? I didn't do anything!"

"Sabihin mo sa akin ngayon, Diana! What did you do? Tinawagan mo ba siya? Nakipag sundo ka ba sa matandang 'yon? Tinanggap mo ang alok niya?!"

"Ano bang sinasabi mo? How dare you accusing me?!"

"Just answer me," nagpipigil na aniya.

"I didn't do anything! Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi ba't ito naman ang inaantay na'tin, hindi ba? Ang maiayos ang la—"

Hindi ko natapos ang sasabihin nang mahigpit niyang hinawakan ang dalawang braso ko.

"So, tinawagan mo nga siya?!" Nagagalit na tanong niya.

Hindi ako nakasagot at napapalunok na tumingin sakaniya.

Ang pananahimik ko ang naging kasagutan sa tanong niya. Binitawan niya ako at may nanlilisik na mga mata na tumingin sa akin.

"Bakit mo ginawa 'yon, Diana?!"

"Sinalba ko lang ang kompanya na iniwan ng papa, Joseph! I did the right th—"

"Ako, Diana! Ako ang dapat na magsasalba ng kompanya dahil sa pangalan ko iniwan ng papa iyon."

"Hindi ba't dapat mo akong pasalamatan dahil hanggang ngayon ay tinutulungan kita?"

"Nanununumbat ka? Hindi ba't sa una pa lang ay ikaw nagsiksik ng sarili mo sa pamilyang ito—"

Nang walang pag–aalinlangan ay sinampal ko siya.

"How dare you? All my life Joseph! Ginampanan ko ang papel ko sayo bilang asawa mo at ina sa anak mo!" Galit na sigaw ko sakaniya.

"Kung ganoon, bakit mo tinanggap ang alok ng matandang iyon na ipakasal sakaniya ang anak ko? Nagdesisyon ka ng iyo at hindi mo muna inantay ang magiging pasya ko!"

"Dahil iyon nalang ang natatanging paraan para magampanan mo ang mga pinapangarap mo para sa akin! Hindi ba't nangako ka na bibigyan mo ako ng mas magandang buhay at mataas pa na posisyon sa bansang ito."

"Oo Diana! Kaya nga kumikilos ako, kaya nga ginagawa ko ang lahat para maibigay sainyo iyon ni Ella, pero pinangunahan mo ako!"

"Wala na tayong magagawa, alam mong malaking tao si Don Salvador. Alam rin na'ting may mga marumi siyang negosyo at sanay sa pakikipagdayaan!"

"Ayon naman pala! Bakit tinanggap mo pa rin? Bakit tinanggap mo paring ipakasal ang anak ko sakaniya?!

Bumuntong hininga ako tumingin sa kung saan.

"Hindi na na'tin pwedeng bawiin pa."

"Pwede! Kakausapin ko siya at ipapaurong ang lahat! Kahit bawiin niya pa ang mga binigay niya! Kahit bumagsak ng lahat sa atin."

Akma siyang tatalikod pero pinigilan ko na. "Napirmahan ko na."

Natigilan siya at nagtatakang tumingin sa akin.

"Napirmahan ko na ang kasunduan na pumapayag tayo na mapasakaniya si Mirella, wala na tayong magagawa dahil pare–pareho tayong mapapahamak." Dagdag ko na kinaguho ng mundo niya.

"Binenta niyo ako?"

Nagulat kami sa nagsalita at sabay na nilingon iyon.

"Ella..." Nanlulumong tawag ng aking asawa.

Kaugnay na kabanata

  • HIDING THE DEVIL'S DEAL    PROLOGUE

    WARNING ⚠️🔞This part contains explicit R18 content. If you are under 18, this content is not suitable for you, please skip ahead.However, if you decide to continue, proceed at your own risk. Be aware that I am not responsible for any consequences of your choice to keep reading.I was about to leave the VIP room at the bar when a woman suddenly approached me. She was struggled to walk, it was clear that she was intoxicated. Her flushed cheeks only highlighted her beauty, but I sensed that her drinking was a way to cope with her pain. Her red, tear-streaked eyes revealed the depth of her distress, as she seemed to be crying non-stop.As she stumbled and nearly fell, I instinctively caught her in my arms, steadying her before she hit the floor.She gazed up at me, her eyes brimming with a desperate longing that spoke volumes without uttering a word."Ilayo mo ako, please. K—kahit anong gawin mo sa akin. B—basta ilayo mo lang ako," her voice trembling as she begged, and her eyes reflec

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • HIDING THE DEVIL'S DEAL    CHAPTER 1

    ELLA'S POV"One more time, another pose! Isa pa. Perfect! Cut muna." Sigaw 'yan ng designer.I've been pursuing modeling for the past three months after graduating with a degree in Business Management. My background in business has given me a strong foundation in personal branding and networking, which I’m applying to build my career in the fashion industry. "Ella!" Tawag sa akin ng designer ng makalapit na ito sa akin."Tita V." Nakangiting tugon ko rito.He's a gay man which prepared to call tita V, he's actually the best designer and my family's personal designer. I've been modeling his work."You've never disappointed me ever since, grabeng face card naman kasi 'yan. Kahit anong pose hindi pumapangit hahaha!" Biro niya.I smiled confidently. "Thank you Tita.""Change outfit tayo ha? Sige, go back to dressing room," utos niya.Tumango ako at agad na sumunod. I'm genuinely happy with what I'm doing, even though my mom don’t fully agree with it. But this is my choice, and I will a

    Huling Na-update : 2024-12-06

Pinakabagong kabanata

  • HIDING THE DEVIL'S DEAL    CHAPTER 2

    DIANA'S POVNakita ko nang ihatid nang asawa ko si Mirella sa labas. Agad ko naman siyang sinalubong nung nakita kong muli siyang papasok sa loob.Pinag krus ko ang mga braso at naka taas ang kilay na tumingin sakaniya. Agad naman siyang lumingon sa gawi ko."So, hahayaan mo nalang talaga siyang suwayin tayo?" Mataray na tanong ko. Bumuntong hininga siya at tinignan ako ng walang emosyon."Diana, hayaan muna siya sa kung anong gusto niyang gawin. May sariling pag–iisip na si Ella." Inikot ko ang mga mata at sarkastikong natawa."Ano nalang magiging ambag niya sa pamilyang 'to kung ganon?""Bakit kailangan ba talaga lahat sa atin ay may ambag?""Oo, Joseph! Dahil noong nabubuhay palang ang papa ay napakarami kong sinakripisyo sa pamilyang ito." Nakapamewang ang kaliwang kamay niya habang ang isa ay hinawak sa sentido niya, senyales iyon na nagpipigil siya ng inis. "Just please Diana, give me some time to think.""Hindi na talaga kita maintindihan.""Look, hon. I'm doing everything

  • HIDING THE DEVIL'S DEAL    CHAPTER 1

    ELLA'S POV"One more time, another pose! Isa pa. Perfect! Cut muna." Sigaw 'yan ng designer.I've been pursuing modeling for the past three months after graduating with a degree in Business Management. My background in business has given me a strong foundation in personal branding and networking, which I’m applying to build my career in the fashion industry. "Ella!" Tawag sa akin ng designer ng makalapit na ito sa akin."Tita V." Nakangiting tugon ko rito.He's a gay man which prepared to call tita V, he's actually the best designer and my family's personal designer. I've been modeling his work."You've never disappointed me ever since, grabeng face card naman kasi 'yan. Kahit anong pose hindi pumapangit hahaha!" Biro niya.I smiled confidently. "Thank you Tita.""Change outfit tayo ha? Sige, go back to dressing room," utos niya.Tumango ako at agad na sumunod. I'm genuinely happy with what I'm doing, even though my mom don’t fully agree with it. But this is my choice, and I will a

  • HIDING THE DEVIL'S DEAL    PROLOGUE

    WARNING ⚠️🔞This part contains explicit R18 content. If you are under 18, this content is not suitable for you, please skip ahead.However, if you decide to continue, proceed at your own risk. Be aware that I am not responsible for any consequences of your choice to keep reading.I was about to leave the VIP room at the bar when a woman suddenly approached me. She was struggled to walk, it was clear that she was intoxicated. Her flushed cheeks only highlighted her beauty, but I sensed that her drinking was a way to cope with her pain. Her red, tear-streaked eyes revealed the depth of her distress, as she seemed to be crying non-stop.As she stumbled and nearly fell, I instinctively caught her in my arms, steadying her before she hit the floor.She gazed up at me, her eyes brimming with a desperate longing that spoke volumes without uttering a word."Ilayo mo ako, please. K—kahit anong gawin mo sa akin. B—basta ilayo mo lang ako," her voice trembling as she begged, and her eyes reflec

DMCA.com Protection Status