Share

CHAPTER 1

Penulis: bossybeasty
last update Terakhir Diperbarui: 2024-12-06 09:07:40

ELLA'S POV

"One more time, another pose! Isa pa. Perfect! Cut muna." Sigaw 'yan ng designer.

I've been pursuing modeling for the past three months after graduating with a degree in Business Management. My background in business has given me a strong foundation in personal branding and networking, which I’m applying to build my career in the fashion industry.

"Ella!" Tawag sa akin ng designer ng makalapit na ito sa akin.

"Tita V." Nakangiting tugon ko rito.

He's a gay man which prepared to call tita V,  he's actually the best designer and my family's personal designer. I've been modeling his work.

"You've never disappointed me ever since, grabeng face card naman kasi 'yan. Kahit anong pose hindi pumapangit hahaha!" Biro niya.

I smiled confidently. "Thank you Tita."

"Change outfit tayo ha? Sige, go back to dressing room," utos niya.

Tumango ako at agad na sumunod.

I'm genuinely happy with what I'm doing, even though my mom don’t fully agree with it. But this is my choice, and I will always stand by what I love to do, no matter what.

Agad akong pumasok ng dressing room at nagpalit ng bagong outfit na e–momodel. Agad naman akong inayusan ng mga staffs and make up artist na naroon.

Nang matapos ay agad akong lumabas at bumalik sa studio kung saan kami nag–shoot.

Agad naman lumapit sa akin si tita V at nakangiting pinagmamasdan ako.

"Napakaganda talaga ng unica iha ng mga Vitalle. You should maintain this body figure ha. Dapat always na 24 ang waistline mo hahaha!"

"That's always 24 tita, since birth. Hehe!" Pagmamayabang ko.

"And your face never declines. Hahaha!"

"Part of the blood." Kibit balikat kong sagot.

"Osya, get back to stage. Let's shoot," utos niya sa akin na agad ko namang sinunod. "Guys, let's shoot." Utos niya naman sa mga staffs at camera man.

Nag paulit–ulit lang kami sa ganoon, kuha ng iilang pictures, magpapalit at shoot nanaman ulit. Ganoon ang takbo ng modeling.

Ilang oras ang lumipas ay napagdesisyunan na naming tapusin  at mag sipag–uwian.

Agad akong dumiretso ng kotse at nagmaneho pauwi.

Ilang minuto lang ay nakarating rin ako ng bahay, agad naman akong sinalubong ng naka taas na kilay ni mommy.

"Where the hell have you been?" Mataray na tanong niya.

"Somewhere."

"Somewhere? Tinawagan ko ang bakla! Nag–shoshoot raw kayo!"

Yeah, as always. Mas close sila.

Hindi ko siya sinagot at naupo sa couch.

"Mirella! Wala kaba talagang pakialam ha? Pinag–aral kita sa business para ikaw ang mag manage ng company natin. And ngayon ginamit mo sa walang Kakwenta–kwentang bagay? Are you thinking?!"

Agad ko naman siyang tinignan ng may pananaray na tingin.

"Mom, modeling is not a useless thing. It's my dream and my passion."

"Wala kang mapapala sa modeling. Your dad needs help! Pabagsak na ang kompanya natin."

"Tsh. Paanong hindi babagsak? Hindi kayo patas, kung bigyan niyo nga ng sweldo 'yung mga employees parang kulang na kulang pa sa pagiging loyalty nila sainyo. Your investors? Labas sila ng labas ng pera, pero parang hindi naman bumabalik sakanila. Kasi palagi niyong sinasabi na it's worth to wait. The hell mom? Bakit ba kasi hindi niyo matanggap na top 6 lang ang company natin sa bansa."

"Hindi mo naiintindihan! Mag isip ka nga. Kailangan makapasok ang company natin sa top list na pinakabest and rich company dito sa bansa. Dahil kapag nagkataon mas marami tayong magiging investors and mas malaki ang sales natin."

"That's not the main reason. Gusto niyo lang talaga magkaroon ng mas mataas na kapangyarihan."

"Shut up! We all doing this for the family at hindi ko hahayaang bumagsak ang apelido natin."

Hindi ako muling sumagot sakaniya, nakakapagod makipagtalo.

"At ang gusto kong gawin mo ay itigil mo ang modeling na 'yan at humanap ka ng mga tosong investors na pwedeng mag invest sa company natin. Mas madali silang utuin dahil ang nais lang nila ay mas maraming pera. Pwede mong ipangako sakanila na magiging doble pa ang kayamanan nila if nag invest sila sa atin."

Tumayo ako at tinignan siya ng may tutol na mukha.

"I will never do that. Kung nagagawa niyong mang uto at mang loko ng tao, ako hindi."

Lumapit siya sa akin at galit na tinitigan ako.

"Stop being so dumb! Kapag sa negosyo ay kailangan mong maging praktikal! Sumunod ka sa mga sinabi ko sayo kung ayaw mong mamulubi ka."

Sarkastiko akong ngumisi. "Mas pipiliin ko pang mamulubi nalang keysa naman sa ganito na marami kangang pera galing naman sa panloloko."

"Ano?!"

"Aakyat na ako mom. Pagod ako."

Agad ko siyang tinalikuran at naglakad papuntang hagdanan.

"Mirella! Come back here!" Sigaw niya, pero hindi ko siya pinakinggan at umakyat saka dumiretso ng kwarto.

She's always like that, ever since. Masaya lang siya kapag sinusunod ko ang mga gusto niya. Business management actually is not my prepared course, pero dahil kagustuhan niya ay sinunod ko. Well, masasabi kong nagustuhan ko siya kalaunan dahil pwede ko rin naman siya magamit for modeling.

Strict palagi si mommy, kapag sumuway ka ay halos itakwil kana. Minsan iniisip ko kung bakit malupit siya sa akin.

If you are gonna ask my dad? He's my favorite. Spoiled ako sakanya, katunayan nga siya nagbigay ng kotse sa akin nitong nag 20 ako. Pero, pagdating kay mommy ay nabubulag rin siya. Kapag gusto ko ang isang bagay ay agad niyang ibibigay, pero kapag umayaw si mommy? Kahit gusto niya ay masusunod pa din ang mommy.

Agad akong pumasok ng banyo at naligo. Nang matapos ay nagsuot ako ng roba at nag ayos ng sarili.

Nagkulong ako sa kwarto at hindi lumabas. Ayokong makita si mommy. Simula kasi ng pinasok ko ang modeling, kapag nagkakasalubong kami ay nakikipagtalo siya sa akin.

Hindi ko kayang mamahala ng isang kompanya dahil hindi ko naman ito gusto, lalo na kung makikipag lokohan ako para lang magkaroon ng mas mataas na kapangyarihan.

Modeling is one of my dream. Kahit tutol ang mommy roon ay sinunod ko parin ang gusto ko. Ito lang din ang unang bagay na sinuway ko sakanya.

Our company was actually included in the top list before. Pero sa business  talagang hindi maiiwasan ang mga competitors na talagang naghahabulan sa mga pwesto. Isa naroon si mommy na hangad makapasok sa top 5 famous company ng bansa. Minsan ay hangad niyang mapunta sa top 1, pero ang top 1 ng bansa ngayon ay wala pang sino mang nakapagpababa. Hindi ko alam kung sino ang taong may ari ng kompanyang nasa pinaka unang listahan, basta ang alam ko walang nakapag pabagsak rito.

Agad akong natigilan ng may kumatok  sa pintuan ng kwarto ko. Tumayo ako sa pinagbuksan ito. Agad lumiwanag ang mukha ko.

"Dad." Nakangiting bati ko.

"Let's eat dinner?" Nakangiting anyaya niya.

"Sure. Anong oras ka nakauwi?"

"Kani kanina lang iha."

"I miss you dad," nakangusong ani ko.

"I miss you too my princess, how's modeling?"

Yep, he's my number 1 supporter.

"Maraming kumukuha sa akin na companies, they'll want me to be their ambassadors dad."

Ngumiti ito at hinaplos ang ulo ko. "That's good. Let's go sa baba?"

Tumango ako. Agad niya naman akong inakbayan at sabay kaming bumaba sa hagdan.

Nang makababa ay dumeretso kami sa dining area, agad naman namin nasalubong ang mataray na mukha ni mommy.

"Hindi mo dapat iniispoil ng ganiyan ang anak mo, Joseph!" Inis na singhal niya.

Hindi siya pinansin ni daddy, bagkus sa akin siya tumingin at pinaghila pa ako ng upuan.

"Have a seat."

"Thanks dad."

Agad naman akong naupo. Lumapit naman si daddy kay mommy at tumabi rito.

"Hanggat walang nagagawa ang anak mo sa kompanya, hindi mo dapat siya iniispoil!"

"Diana? Stop it. Nasa hapagkainan tayo," saway ni daddy rito.

Tinaasan lang siya ng kilay ni mommy.

"Pabagsak na ang kompanya Joseph!"

"Marami parin tayong stocks."

"Ano?! Dati nasa pang apat pa tayo, ngayon nasa pang anim na? Ano sa tingin mo ha?! Pabagsak na ang kompanya! Mag aantay ka paba naman na maubos ang stocks natin?!"

"Kaya nga ginagawan ko na ng paraan."

"Tinawagan ko na lahat ng pwedeng mag invest, lahat sila ay umaayaw na. Yung mga dati nating investors, nagsisipag alisan na. Ano pang inaantay natin ang magkaubusan na at pati ang kompanya ay tuluyang gumuho at mawala rin?"

"Diana, please?" Mahinahong pakiusap ni daddy.

"No. Gusto kong kumbisihin mo 'yang anak mo na tulungan ka."

"Mom?"

"What?! Modeling nanaman?" Galit na tanong niya.

"Diana. She has nothing to do with," depensa ni daddy, alam niya kasing ayaw ko rin.

"Meron! Kaya nga pinag aral ko siya ng business management diba?! Saan na pala ang mga natutunan mo kung ganoon? Nasa flash ng camera?"

"Tsh." Iling na singhal ko.

"Let's eat."

"Nawalan na ako ng gana," dagdag ni mommy na agad na tumayo.

"Honey?"

Hindi siya pinansin ni mommy at basta nalang itong umakyat sa taas.

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si daddy kaya tumayo ako at tumabi sakaniya.

"Dad, sorry."

Bahagya siyang nagulat. "Para saan?"

"Wala akong maitutulong."

"Huwag mong intindihin ang mommy mo, wala kang dapat gawin. Gusto ko ay pag tuunan mo ng atensyon ang mga pangarap mo."

"Pero daddy, kompanya iyon ni Lolo diba? Paano nga kung tuluyan ng bumagsak iyon?"

"Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko anak. Kung sakali mang bumagsak ng tuluyan ang kompanya ay hindi naman tayo mamumulubi dahil may mga lupa pa tayo. Pero malaking kawalan iyon, lalo na sa pamilya natin at kay papa na namayapa na."

"Papaano na dad?" Nag aalalang tanong ko.

"Magagawan ko ito ng paraan, kukumbisihin ko ang iba pang mga investors."

"Pero ansabi ni mommy, umaayaw na raw lahat?"

"May isa pa nga akong problema."

"Ano 'yon? Baka sakaling makatulong ako."

Tumingin siya sa akin ng may pag aalalang tingin.

"Bumaba ng bumaba ang sales natin, dahil roon nasa pang walo nalang ang kompanya natin."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"P–papaanong nangyari 'yon? Akala ko ba pang anim lang?"

Kapag ang kompanya mo ay lumagpas na sa pang sampu, ibig sabihin ay mapapasama ka sa pinakamababang uri ng mga negosyo na may maliliit ring mga sales dahil hindi na dinadayo. Kahit gaano pa kamura ang presyo ng mga paninda mo kung nasa pinakamababa ang kinabibilangan nitong kompanya ay tatanggihan ito ng mga tao, dahil iisipin nila na hindi nila mapapakinabangan ang mga ito o sa madaling salita peke na.

"Ubos na ang investors ng kompanya. Hindi ko pa pinaalam sa mommy mo ito, pero alam kong malalaman niya rin dahil kakalat ito dahil mababasa na sa mga dyaryo."

"Paano na 'yan ngayon dad?"

"Huwag na muna nating problemahin 'yan ngayon, kumain na tayo."

Tahimik kaming nagsimulang kumain. Gustuhin ko mang tumulong ay wala akong magawa, hindi ko rin naman alam kung anong kilos ba dapat ang gawin ko.

Malaking problema nga ang meron sa kompanya namin ngayon. At alam ko na kapag umabot pa ang kompanya sa pang sampu ay pag uusapan kami, iyon ang ayaw mangyari ni mommy.

Natapos kaming kumain ay hinatid pa ako ni daddy sa kwarto ko saka siya tumungo sa kwarto nila mommy.

Buntong hininga akong nahiga sa kama at tumitig lang puting kisame.

It's really hard to live in this kind of life. Mayaman ka nga pero hindi ka naman masaya. Kaya mas gusto kong mamuhay lang sa isang simple at normal.

Sa tinagal tagal kong nakatitig sa kisame ay dinalaw ako ng antok kaya naman napagdesisyunan ko ng matulog.

KINABUKASAN, nagising ako sa tunog ng cellphone ko kaya dali dali ko naman itong kinuha at nakapikit pang sinagot iyon.

"Hello?" Matamlay kong sagot, inaantok pa.

"Ella?"

Agad ko namang tinignan ang nasa caller id at tita V iyon.

"Tita V?"

"May shoot tayo today ha, kailangan nating damihan dahil yung ibang companies na kukuha sana saiyo ay nagsisipag atrasan na."

Nagulat ako sa sinabi niya kaya napabalikwas ako ng bangon.

"Ha? Bakit daw?"

"Nabalitaan siguro ang pagbaba ng kompanya niyo sa listahan."

"Ano namang kinalaman ko roon?"

"Aba'y ewan ko sa mga iyon. Basta kumilos kana riyan at pumunta dito ng matapos tayo ng maaga. May lakad kasi ako mamayang hapon."

"Sige po."

Agad ko namang binaba ang tawag at bumangon, dumiretso na ako sa banyo para maligo.

Nang matapos ay agad akong nagbihis at nag ayos ng sarili.

Nang makababa ay dinig na dinig ko ang sigaw ni mommy na nagmumula sa living area.

"Ano na ang gagawin natin ngayon Joseph! Top 8? Jusko!"

"Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko Diana."

"Pero walang nangyayari? Kahapon nasa pang anim palang tayo. Ayokong mapahiya Joseph!"

"Please Diana, magagawan natin ito ng paraan."

"Anong paraan pa ha?! Lahat ng investors ay nagsisipag atrasan na!"

"Pakiramdam ko ay may sumisira sa atin patalikod."

"Who the hell was that? Pagkakaalam ko kasi ay kapag nasa negosyo ka magsisiraan talaga kayo. Hindi naman na lingid sa kaalaman natin iyon Joseph, pero hindi rin pwedeng magpatalo tayo."

"Ano nga dapat ang gawin ko Diana?"

"Si Mirella! Kumbisihin mo siya, total maganda ang anak mong iyon. Makipag usap siya sa iba't ibang may ari ng kompanya at kunin ang mga loob nila. Akitin niya, offeran ng kung ano ano."

Napaamang ako sa sinabi ni mommy at hindi mapakaniwalang nasasabi niya ang mga 'yon.

"What?! Akitin? Are you out of your mind Diana?"

"That's the least she can do!"

"Hayaan mo siya sa mga gusto niya, kaya kong gawan ng paraan ito."

"Hah! Talaga? Sa papaanong paraan? Hindi ko maintindihan kung anong paraan ang ginagawa mo kung bakit mas lalong bumabagsak ang kompanya."

"Just please. I need your help too, tulungan mo nalang akong mag isip at kumilos."

"Kailan ba kita pinabayaan Joseph? Sa pamilyang ito ako ang mas maraming nagawa!"

"Diana anoba?"

"Hindi ako makakapayag na gumuho nalang ang pinaghirapan ko. Kung may natatanging paraan ay hindi ako mag aatubiling gawin 'yon."

Naramdaman ko agad ang mga yabag ng paa na papalapit sa gawi ko.

Nagulat pa si mommy ng makita ako, agad din naman niya akong tinignan ng masama.

"Gusto kong umalis kana sa kalokohan mo," galit na aniya.

"No, mom. Kahit anong mangyari."

"Tignan natin kung tumagal ka pa kapag wala ng kompanyang tumanggap saiyo."

Bahagya akong nagtaka sa sinabi niya.

"Paano niyo nalaman 'yon?"

Sarkastiko siyang ngumisi habang pinagkrus ang mga braso.

"Blinack mail ko ang mga kompanyang 'yon at hindi ako mahihirapang gawin iyon sa bakla."

Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya, buong buhay ko ay hawak niya. Pati ba naman ang pangarap ko?

"Kaya mag isip isip kana at tigilan muna ang modeling na 'yan," muling dagdag niya saka ako nilagpasan.

Hindi ko maigalaw ang mga paa ko, hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit ganito siya sa akin. Kung bakit simula noong bata palang ako may malupit na siya na kailangan lahat ng utos niya ay masusunod kung hindi ay papaluin ka niya. Hindi ko maintindihan kung anak niya ba talaga ako, kasi kung ituring niya ako ay parang utusan niya.

"Anak?"

Natinag ako at lumingon kay daddy na papalit na rin sa gawi ko.

"Dad."

"Anong ginagawa mo riyan? May lakad kaba?"

"Ah opo."

"Gusto mo bang ihatid kita?"

"No dad, ayos lang ako. Magmamaneho nalang po ako."

"Sige, mag iingat ka ha. Pagpasensyaan muna ang mommy mo ha?"

"Ayos lang dad."

Ngumiti siya sa akin at bahagyang ginulo ang buhok ko.

"Dad!" Nakangusong sita ko at bahagyang inayos ang nagulong buhok.

Natawa naman siya at inakbayan ako saka ako hinatid palabas.

"Alis na ako, I love you."

Lumapit ako sakaniya at niyakap siya, mahigpit niya naman akong ginantihan ng yakap na parang miss na miss ako.

"I'm sorry, I know this is not the life you've wish for." Bulong niya.

"What are you apologizing dad? I'm fine okay? Mahal ko kayo ni mommy."

"I know, I love you too my princess."

Agad naman akong kumalas ng yakap sakaniya.

"Alis na ako."

Tumango siya at sumenyas na pumasok na ako ng sasakyan. Agad ko namang sinunod iyon at bumusina pa muna bago tuluyang lumabas.

Pareho ko silang mahal ni mommy at kahit ganoon akong ituring ni mommy ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko sakaniya.

Ilang minuto lang ay narating ko ang studio.

"Tita V." Tawag ko nang makapasok sa loob.

Agad naman siyang tumunghay sa akin at ngumiti.

"Oh andito kana pala, magpahinga ka muna bago magbihis."

Agad akong umupo sa isa sa mga upuan na naroon, kasalukuyang nasa harap kami ng studio.

"Si mommy."

Agad naman tumingin sa akin si tita ng may pagtataka.

"Anong si mommy?" Takang tanong niya.

"Blinack mail nya 'yung mga kompanyang kukuha sana sa akin bilang ambassador nila."

Nagulat naman siya. "Ha? Totoo? Bakit naman?"

"Alam mo naman si mommy diba? Ayaw niyang mag model ako, kaya gagawin niyang lahat masunod lang  ang gusto niya."

"Pambihira naman ito si Diana."

"Ilalaban ko 'to kahit anong mangyari."

"Aba dapat lang!"

"Mas close kayo ni mommy tita diba?"

"Anong mas close?! Pinaplastik ko lang ang mommy mo."

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Hahaha!" Natawa siya sa naging reaksyon ko.

"M*****a kasi 'yon, pero hindi ko naman mabitawan. Siya ang maraming orders, halos lahat ng designs ko kinukuha niya."

"Tsh."

"Ano kaba? Huwag kangang magselos, huwag kang mag alala kapag inaway ka niya tungkol dito sa pag momodeling mo, andito lang ako."

"Anong magselos? Hindi kaya. Saka tita, huwag ka ng makisali doon, ayoko lang na mawalan ka ng trabaho. Hindi kasi magdadalawang isip si mommy na siraan ka sa lahat, baka mawalan ka ng sales."

"Sino bang nagsabi saiyong makikisali ako?"

Nangunot naman ang noo ko.

"Eh anoba? Sabi mo kapag inaway ako ng mommy andiyan ka?"

"Oo nga andito ako kapag inaway ka ng mommy mo, andito sa studio. Hahaha!"

"Tsh." Nakangusong singhal ko. Minsan talaga hindi ko magets biro niya.

"Biro lang, ito naman. Magbihis kana nga roon, ayokong pumangit ang mood mo. Baka umapoy bigla ang camera hahaha!"

"Ewan ko sayo tita," nakanguso paring singhal ko saka tumayo.

Agad akong pumasok ng dressing room at nagsuot ng panibagong design niya.

Hindi ko talaga maiwasang hindi mamangha kapag may bago nanaman siyang designs, napakaganda nga naman kasi talaga ng mga iyon.

Nang matapos magbihis ay agad akong inayusan at nilagyan ng mga kolorete sa mukha.

Paglabas ko ay agad namang sumalubong si tita V.

"Ang ganda ganda talaga ng designs ko."

"Gumaganda lang naman ang mga 'yan kapag ako ang nagsuot," nakangising biro ko saka siya nilampasan.

"Aba!" Pahabol niya pa.

Agad akong lumapit sa stage. Maya maya pa ay nagsimula kaming mag shoot, mga limang pose lang ay magpapalit nanaman ng bagong design.

Nang naka tatlong designs ay sandali kaming nagpahinga.

"Bukas wala muna tayong shoot," ani ni tita.

"Bakit?"

"May aasikasuhin ako," dagdag niya na hindi inaalis ang tingin sa mga pictures kong kinuha kanina.

"Tita?"

"Hmm? Bakit?"

"Kapag kinausap ka ni mommy na tigilan na natin tong—"

"Papayag ako," pagputol niya sa sinabi ko. Nanlaki naman agad ang mga mata ko.

"Ha?"

"Papayag ako tapos mag shoshoot parin tayo ng hindi niya nalalaman."

Agad akong napangiti. "Dabest ka talaga tita V."

"Aba, ano ba siya? Nang dahil saiyo ang taas taas ng sales ko."

"Akala ko ay bibitawan mo na rin ako."

"Huwag kang mag alala, palihim mo akong kakampi," nakangiting dagdag niya.

Agad niya naman akong inutusan mag palit, kaya agad rin akong sumunod.

Naka ilang designs rin kami bago namin napagdesisyunang umuwi.

Agad akong nagmaneho pauwi at nang makarating ay bahagya pa akong nagulat sa dami ng sasakyan sa labas at sa dami ng bodyguards na nasa bakuran. Agad naman yumuko ang mga ito ng makita ako.

Anong meron?

Bigla akong kinabahan.

Bab terkait

  • HIDING THE DEVIL'S DEAL    CHAPTER 2

    DIANA'S POVNakita ko nang ihatid nang asawa ko si Mirella sa labas. Agad ko naman siyang sinalubong nung nakita kong muli siyang papasok sa loob.Pinag krus ko ang mga braso at naka taas ang kilay na tumingin sakaniya. Agad naman siyang lumingon sa gawi ko."So, hahayaan mo nalang talaga siyang suwayin tayo?" Mataray na tanong ko. Bumuntong hininga siya at tinignan ako ng walang emosyon."Diana, hayaan muna siya sa kung anong gusto niyang gawin. May sariling pag–iisip na si Ella." Inikot ko ang mga mata at sarkastikong natawa."Ano nalang magiging ambag niya sa pamilyang 'to kung ganon?""Bakit kailangan ba talaga lahat sa atin ay may ambag?""Oo, Joseph! Dahil noong nabubuhay palang ang papa ay napakarami kong sinakripisyo sa pamilyang ito." Nakapamewang ang kaliwang kamay niya habang ang isa ay hinawak sa sentido niya, senyales iyon na nagpipigil siya ng inis. "Just please Diana, give me some time to think.""Hindi na talaga kita maintindihan.""Look, hon. I'm doing everything

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-12
  • HIDING THE DEVIL'S DEAL    PROLOGUE

    WARNING ⚠️🔞This part contains explicit R18 content. If you are under 18, this content is not suitable for you, please skip ahead.However, if you decide to continue, proceed at your own risk. Be aware that I am not responsible for any consequences of your choice to keep reading.I was about to leave the VIP room at the bar when a woman suddenly approached me. She was struggled to walk, it was clear that she was intoxicated. Her flushed cheeks only highlighted her beauty, but I sensed that her drinking was a way to cope with her pain. Her red, tear-streaked eyes revealed the depth of her distress, as she seemed to be crying non-stop.As she stumbled and nearly fell, I instinctively caught her in my arms, steadying her before she hit the floor.She gazed up at me, her eyes brimming with a desperate longing that spoke volumes without uttering a word."Ilayo mo ako, please. K—kahit anong gawin mo sa akin. B—basta ilayo mo lang ako," her voice trembling as she begged, and her eyes reflec

    Terakhir Diperbarui : 2024-12-06

Bab terbaru

  • HIDING THE DEVIL'S DEAL    CHAPTER 2

    DIANA'S POVNakita ko nang ihatid nang asawa ko si Mirella sa labas. Agad ko naman siyang sinalubong nung nakita kong muli siyang papasok sa loob.Pinag krus ko ang mga braso at naka taas ang kilay na tumingin sakaniya. Agad naman siyang lumingon sa gawi ko."So, hahayaan mo nalang talaga siyang suwayin tayo?" Mataray na tanong ko. Bumuntong hininga siya at tinignan ako ng walang emosyon."Diana, hayaan muna siya sa kung anong gusto niyang gawin. May sariling pag–iisip na si Ella." Inikot ko ang mga mata at sarkastikong natawa."Ano nalang magiging ambag niya sa pamilyang 'to kung ganon?""Bakit kailangan ba talaga lahat sa atin ay may ambag?""Oo, Joseph! Dahil noong nabubuhay palang ang papa ay napakarami kong sinakripisyo sa pamilyang ito." Nakapamewang ang kaliwang kamay niya habang ang isa ay hinawak sa sentido niya, senyales iyon na nagpipigil siya ng inis. "Just please Diana, give me some time to think.""Hindi na talaga kita maintindihan.""Look, hon. I'm doing everything

  • HIDING THE DEVIL'S DEAL    CHAPTER 1

    ELLA'S POV"One more time, another pose! Isa pa. Perfect! Cut muna." Sigaw 'yan ng designer.I've been pursuing modeling for the past three months after graduating with a degree in Business Management. My background in business has given me a strong foundation in personal branding and networking, which I’m applying to build my career in the fashion industry. "Ella!" Tawag sa akin ng designer ng makalapit na ito sa akin."Tita V." Nakangiting tugon ko rito.He's a gay man which prepared to call tita V, he's actually the best designer and my family's personal designer. I've been modeling his work."You've never disappointed me ever since, grabeng face card naman kasi 'yan. Kahit anong pose hindi pumapangit hahaha!" Biro niya.I smiled confidently. "Thank you Tita.""Change outfit tayo ha? Sige, go back to dressing room," utos niya.Tumango ako at agad na sumunod. I'm genuinely happy with what I'm doing, even though my mom don’t fully agree with it. But this is my choice, and I will a

  • HIDING THE DEVIL'S DEAL    PROLOGUE

    WARNING ⚠️🔞This part contains explicit R18 content. If you are under 18, this content is not suitable for you, please skip ahead.However, if you decide to continue, proceed at your own risk. Be aware that I am not responsible for any consequences of your choice to keep reading.I was about to leave the VIP room at the bar when a woman suddenly approached me. She was struggled to walk, it was clear that she was intoxicated. Her flushed cheeks only highlighted her beauty, but I sensed that her drinking was a way to cope with her pain. Her red, tear-streaked eyes revealed the depth of her distress, as she seemed to be crying non-stop.As she stumbled and nearly fell, I instinctively caught her in my arms, steadying her before she hit the floor.She gazed up at me, her eyes brimming with a desperate longing that spoke volumes without uttering a word."Ilayo mo ako, please. K—kahit anong gawin mo sa akin. B—basta ilayo mo lang ako," her voice trembling as she begged, and her eyes reflec

DMCA.com Protection Status