ELLA'S POV "Put your things in there and feel at home," utos ni Frank nang makarating kami sa pribadong bahay niya. Ang bahay ay nasa tapat mismo ng dalampasigan, malayo sa ingay at gulo ng siyudad. Paglabas mo sa harap ng bahay, makikita mo agad ang malawak na asul na dagat, at maririnig ang banayad na hampas ng mga alon sa pampang. Sa likod ng bahay, may mga puno at halaman na nagbibigay ng sariwang hangin na tila walang katulad. Sobrang aliwalas ng lugar, at kapag tumingin ka sa malayo, para bang ang langit at dagat ay nagiging isa sa abot-tanaw. Walang kahit anong gusali o trapiko, kaya napaka-payapa ng paligid, perpekto para sa mga naghahanap ng katahimikan."Mamaya ay mamimili tayo ng mga kakailanganin mo. Wala rin kasi akong stocks diyan," muling dagdag niya habang pinagbubuhat ang mga gamit ko at dinala sa isang kwarto na nasa ikalawang palapag. Dalawang pinto ang naroon kaya nasisiguro kong sakaniya ang isang iyon.Sa baba naman ay malawak, may sariling malaking kusina, may
"M–mommy..." Ngumisi ito. "Long time no see my dear daughter, kamusta ka naman na? Kung saan–saan kita hinanap andito ka lang pala?" Sarkastikong aniya.Akma kong isasara ang bintana pero agad niyang hinawakan ang kamay ko."Umuwi na tayo!"Sumilip ako sa labas ng bintana kung naka labas na ba si Frank pero hindi ko siya makita. "Sinong hinahanap mo?! Boyfriend mo? Hahaha! Pinatalsik ko na siya," parang nababaliw na dagdag niya.Nanlaki ang mga mata kong tumingin sakaniya."Anong ibig niyong sabihin?""Huwag nang maraming tanong! Open the door now!" Sigaw niya na pilit binubuksan ang pinto ng sasakyan pero hinahawakan ko ang siradura sa loob. "Hindi ako sasama sainyo!" "Huwag mong antayin na ipasira ko sa mga tauhan ko ang sasakyan na ito!"Dali–dali kong tinanggal ang seatbelt ko. Agad naman umaliwalas ang mukha ni mommy. "Good girl, now open the door and get out." Masama akong tumingin sakaniya at walang ano–ano'y sumampa sa driver's seat. Akma kong bubuksan iyon pero nabuksa
ELLA'S POV Tatlong buwan na ang nakalipas at ngayon ay anim na buwan na ang tiyan ko na kasing laki na ng siyam na buwan. Ramdam ko na rin ang bigat nito, pero nagagawa ko pa rin namang makapaglakad kahit papaano. Ilang buwan na rin akong nakatira sa bahay ni Frank pero hindi nagbago ang pag–aalaga niya sa akin. Galing sa trabaho ay dumidiretso siya rito para asikasuhin ako. Kung tratuhin niya ako ay para niya na ring asawa. Kaya bilang pambawi ay pinagluluto ko siya ng sa ganon ay may nakakain siya pagka–uwi niya. Isang hapon, habang wala pa si Frank ay lumabas ako ng bahay at naglakad sa buhanginan papuntang dalampasigan. Hindi ako lumayo sa bahay, sakto lang na matatanaw ko ang payapang dagat.Agad na sumalubong sa akin ang napaka sariwang hangin. Nang magsawa ay kinuha ko ang cellphone at agad na nag–dial roon. Naka ilang ring ito bago nasagot."Hello?" Matamlay na sagot mula sa kabilang linya.Napangiti ako. Namimiss ko ang boses niyang 'yon. "Dad..""Sino 'to?""Ako po it
Ilang ulit ko nang pinakiramdaman ang sarili ko kung may gusto na ba ako sakaniya pero ang tanging nararamdaman ko ay parang kaibigan lang. Oo, minsan gusto ko siyang tumayo bilang ama ng mga anak ko dahil napaka responsable niya.Hindi siya mahirap mahalin at magustuhan dahil bukod sa napakabuti ng puso niya ay swerte rin siya sa tindig at itsura. Gwapo siya, matangkad at may maganda ring pangangatawan.Kung ikukumpara ko siya sa taong nakabuntis sa akin, masasabi kong mas lamang pa rin ang isang 'yon. Ang mga mata noon ay kulay asul at ang ilong noon ay halos pwede nang pangtuhog sa sobrang tangos. Singkit ang mga mata niya at mala sleepy eyes ang mga ito. Maganda rin ang pangangatawan niya na kayang mang–akit ng sinumang dadaan. May maangas at nakakatakot siyang awra kapag wala itong emosyon. Pero kapag ngumiti naman ay parang anghel na. Higit sa lahat ay ang boses niyang napaka lalim at napakasexy. Iyong boses na may dalang hipnotismo na kayang magparupok ng sino mang babae. "I
FRANK'S POVHininto ko ang sasakyan nang makarating kami sa harap ng malaking hospital. Bababa na sana ako pero masyadong nakakapang–akit ang ganda ni Mirella kaya pinagmasdan ko ang mala anghel niyang mukha habang mahimbing na natutulog.I couldn’t help but to smile, I've never expected that I had fallen for this woman. Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko pero mas lalo itong lumala, simula pa lang noong mga panahong nagtatrabaho na siya sa kompanya ko. Napakaswerte ng taong umangkin saiyo. Ang taong ama ng mga anak mo. Minsan ko na rin siyang tinanong kung bakit ayaw niyang ipakilala o ipaalam sa ama ng mga anak niya na may nabuo sila sa isang gabing hindi inaasahan, pero tumanggi siya dahil natatakot siyang baka kunin ang mga anak niya rito dahil hindi naman siya nito mahal.Natatawa ako sa rason niyang 'yon kahit wala naman siyang kasiguruduhan. Kaya kahit sa maikling panahon ay inangkin ko ang responsibilidad dahil ang opinyon o desisyon niya ang mas mahalaga sa akin.
FRANK'S POVNang matapos kaming kumain ay agad ko siyang dinala sa mga damitan at namili roon ng mga damit para sa kambal. Tuwang–tuwa pa siyang makita ang mga maliliit na damit na naroon, hinayaan ko lang siyang pumili nang pumili ng mga gusto niya. Nang matapos kami roon ay agad kaming pumasok sa mga groceries at namili ng pang stocks sa bahay. Matapos ang isang oras na mamili ng mga groceries ay agad ko siyang hinatid sa sasakyan at doon na pinag–antay. Lahat ng ginagawa kong ito ay may rason. Pero hindi ko akalaing gagawin ko ito ng buong puso, dahil kahit walang mag–utos sa akin ay gagawin ko talaga ang bagay na ito. Dahil mahal siya ng puso ko.Hindi ko maitatangging mahal ko na nga siya at gusto ko siyang ipaglaban sa ngayon dahil ako naman ang nasa harapan niya. Umaasa rin ako na sa kabila ng lahat ng ito ay may nararamdaman ka rin para sa akin kahit katiting. Sana balang araw ay makita mo ang halaga nang pagmamalasakit ko saiyo, hindi ko ito ginagawa para humingi ng ka
SOMEONE'S POINT OF VIEW"Nahanap mo na ba?""Masyadong tago ang pinagtataguan ng babaeng 'yon boss," nakatungong sagot ko rito."Lintik! Masyado naman atang magaling magtago 'yon?" Galit na aniya."Nakakapagtaka nga boss, noong una ay nakikita pa namin siyang umuuwi sa isang iskwater area. Pero noong muli kaming nagbalik at nagtanong ay umalis na raw ito at may kasamang lalaki." Lalong kumuyom ang kamao ng Don sa narinig."Lalaki? Hinayupak! Hindi ako makakapayag na mapunta siya sa ibang lalaki!" Galit na sigaw niya."Baka naman tinago lang ng mga magulang niya.""Hindi iyon gagawin ng ina niya, masyadong hayok sa kapangyarihan ang babaeng 'yon at kahit sariling anak ay kayang ibenta." "Ganoon rin ba ang pananaw ng kaniyang asawa?" Seryosong tumingin sa akin ang Don habang nilalaro ang isang basong alak sa kamay."Gusto kong tiktikan niyo ang taong 'yon, malapit sakaniya ang anak niya. Sigurado akong may nalalaman siya," seryosong dagdag niya.Agad akong ngumisi. Ilang buwan muna a
ELLA'S POVIsang tanghali habang mag–isang nanonood ng palabas ay biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ko roon ang pangalan ni daddy kaya nakangiti ko iyong sinagot."Hi, daddy." Masayang bati ko rito."Anak.." humahangos na aniya."What happen?""May sumusunod sa akin.." Nanlaki ang mga mata ko at walang ano–ano'y napatayo. "What? Nasaan ka ngayon?""Maayos na ako, nasa kotse ako ngayon at andito na sa harap ng bahay natin." "Hindi ka ba nila nasundan diyan?" Nag–aalalang tanong ko."Hindi. Hindi sila basta–basta makakapasok sa village natin dahil kailangan pa ng pahintulot iyon sa kung sino mang nakatira rito.""Paano ka nila sinundan dad?""Noong palabas ako ng kompanya, napansin ko agad na parang may nakasunod sa akin. Pero hindi naman ako sigurado dahil nasa highway ako at maraming kasabayang sasakyan kaya baka nagkataon lang," muling dagdag niya pa.Nagsimulang umusbong ang kaba sa didbib ko."Paano mo nalaman?" Kinakabahang tanong ko."Dumaan ako roon sa shortcut. Doon
ELLA'S POV Araw ng sabado ngayon at wala akong pasok. Isang araw lang binigay ni Van sa akin na day–off, tuwing sabado dahil hindi raw siya papasok ng sabado. At ngayon ay nagkukulitan ang mag–lolo, wala ngayon si Frank at pumasok sa kompanya niya. Pinagpahinga ko na rin muna sa pag–aalaga si Erica sa kambal dahil narito naman ako. Lumapit naman ako sa mag lolo at nakangiti silang pinagmamasdan. Nag–angat ng tingin sa akin si daddy. "Bakit hindi tayo lumabas?" Nakangiting tugon niya. Lumapit ako at naupo sa tabi niya na nakaupo sa sofa habang ang dalawa ay nasa sahig, hindi naman sila malalamigan dahil may rug naman. "Hindi ba masyadong complicated dad? Baka makita tayo." Pag–aalinlangan ko. "Hindi naman tayo pupunta sa siyudad, dumito lang tayo sa mga lugar na narito. Napakaganda kasi ng tanawin na narito," nakangiting dagdag niya. "Kung sa bagay, hindi pa rin ako nakakapag ikot–ikot dito dad." "Tamang–tama, marami akong nakitang mga resorts sa 'di kalayuan an
ELLA'S POV "What the fuck are you doing?!" Inis na sigaw ni Van rito.Nadatnan kong pinulupot ni Morgana ang mga braso niya sa leeg ni Van.Agad iyong tinanggal ni Van at masamang tumingin kay Morgana."Why are you doing this to me?" Malanding tanong ni Morgana. "Do what? I didn't do anything to you.""Van, Come on! You know what I am saying. Bakit mas pinili ang babaeng 'yon kaysa sa akin? Is she good in bed than me?"Nangunot ang noo ko at napaamang na nakikinig sakanila.Hindi nila ako napapansin, dahil si Van natatakpan ng pagmumukha ni Morgana."What the fuck are you saying? Don't you dare talk nonsense behind her back."Sarkastiko siyang natawa. "Do you like her?""Yes." Walang alinlangan na sagot ni Van."What the hell Van? Gan'yan na ba kababa ang taste mo at pumatol ka sa ka—"Hindi niya natapos ang sasabihin nang pwersahang hawakan ni Van ang braso niya."Van! Nasasaktan ako!" Maarteng pag pupumiglas niya. "Watch your words if you don't want me to cut out your fucking ton
ELLA'S POV "Tapos ka na ba?" Tanong niya. Tumango ako, agad siyang tumayo at kinuha ang plato ko. Naka kunot ang noo kong pinunasan ang mesa. Nakatalikod si Frank sa akin dahil siya ang naghugas ng pinagkainan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may pinupunto siya sa huling sinabi niya, nagbigay tuloy ito nang isipin sa akin. Nang matapos kami roon ay agad na rin kaming nagsipag pasukan sa kanya–kaniyang kwarto. Naligo pa muna ako at nagbihis pantulog. Habang nagpapatuyo ng buhok ay sumilip ako sa kambal na mahimbing na natutulog. Agad akong napangiti dahil sa mga inosente nilang mga mukha na agad ring nabura. Mas lalo kong nakikilala ang ama ninyo. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko nadagdagan ko ang suliranin niya sa buhay. Namatayan siya ng ina, tinakwil siya ng kaniyang ama at ngayon naman ay tinaguan ko ng mga anak. Dapat ko na ba kayong ipakilala sakaniya? Pero hindi pa ako handa. Patawarin niyo ako mga anak ko kung naging mahina ako at hindi ko pa kayo
ELLA'S POV Kasalukuyan akong nasa sasakyan ni Frank, pauwi na kami ng bahay.Gusto pa akong ihatid ni Van, pero tumanggi ako at mahirap na. Kanina pa kami tahimik at hindi nagkibuan, hindi ko rin alam pero pakiramdam ko kasi ay parang nawala ako sa katinuan dahil sa naging pagitan namin ni Van kaninang umaga. Mabuti ay nalusutan ko ang isang 'yon at nakakagalaw naman ng maayos sa opisina niya kahit ilang na ilang ako."Bakit ang tahimik mo? Pinagod ka ba ni Van?" Hindi ko inaasahan ang biglaang pagbasag ni Frank sa katahimikan. Agad akong napalingon sakaniya. "H–ha? Hindi naman. Nakaupo lang ako kanina," sagot ko sakaniya at pinanatili ang sariling maging kaswal."Nagkaharap ba kayo ni Morgana?" Muling tanong niya ng hindi lumilingon at nanatili sa daan ang paningin. "Oo.""Inaway ka?""Medyo. Hindi ko siya maintindihan, pinapaalis na nga siya ni Van. Pinagpipilitan niya pa rin ang sarili niya," naiinis na sagot ko. Sa tuwing nababanggit ang pangalan ng babaeng 'yon, naiinis n
ELLA'S POV Maganda siya at matangkad, pero hindi naman ata ayon ang kasuotan niya bilang empleyado. Ang blouse niyang suot ay nakabukas ang iilang butones at talagang kitang–kita ang dalawang biyak ng kaniyang dibdib. Hapit na hapit rin ito sa katawan niya na halos magmistulang balat na niya. Ang kaniyang skirt naman ay napaka–ikli na lantad na lantad na ang dalawang makikinis niyang binti, na kapag umupo siya ay pwede na siyang masilipan ano mang oras.Agad nangunot ang noo niyang nagpalipat–lipat nang tingin sa amin ni Von.Sinara niya ang pinto at bahagyang lumapit sa amin.Mataray siyang tumingin sa akin."Who are you? Papaano ka nakapasok rito without my consent?! Alam mong bawal pumasok ang sino mang empleyado sa opisina ni Van ng hindi nakakapag paalam sa akin," mataray na aniya."Don't talk to her like that, I am the one who brought her here." Tugon ni Van rito."What?! And why?!""She will be my secretary from now on, your position will be an assistant. And you can't enter i
ELLA'S POV"I want to take her, and be my secretary." Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabing 'yon ni Van."Pero, sekretarya ko na siya?" Nagugulat na tanong ni Frank.Nanatili lang na nakapamulsa si Von at seryosong tumitig kay Frank."I don't care." Van responded with his deep voice. "Van naman? May sekretarya ka na, maging loyal ka naman." Kunwaring asar ni Frank.Pero nanatili lang na seryosong tumitig sakaniya si Van."Seryoso ka ba?" Muling tanong ni Frank. "Yes." "Pero may sekretarya ka na.""Then take her.""The hell no! Napaka arte nga ng babaeng 'yon," agad na dipensa ni Frank."Then find someone else.""Tss.""Ah, sir.." tawag ko rito, agad naman siyang lumingon sa akin.Agad akong tumungo, hindi ko kayang makipag titigan sakaniya."I think, h–hindi po tama na kunin niyo ako bilang sekretarya niyo. Kung dito naman na po ako nagtatrabaho," malumanay na tugon ko."How much does he pay you? I'll triple it.""Hindi po mahalaga sa akin kung gaano kataas ang sahod ko," agad
VANDRIX POV"Here's your coffee Van." Morgana response with flirtatious tone as she handed me the cup of coffee I had her make.She's my childhood friend and also works as my secretary. I never asked her to take the job, she chose to step into the role on her own.Inabot ko 'yon at nanatili ang paningin sa mga papers na nasa table ko. "Do you need anything?" She asked in her soft tone."Leave." Walang ka gana–gana kong utos."Psh! Why are you like that?" Maarteng tanong niya.Damn this girl, I really hate that kind of actions. It's disgusting for me."I'm busy Morgana." I added. "Fine! Dito na lang ako sa so—""Leave my office. I want some time alone. I’ll call you if I need anything." Pagputol ko sa sasabihin niya. "Argh!" Singhal niya at padabog na lumabas sa opisina ko.I need some time to think, and I don't want any distractions. It make's me pissed.I am currently looking at a piece of paper containing information about the woman I have been searching for over the past two yea
FRANK'S POVNang makalabas si Mirella ay agad na seryosong tumingin sa akin si Van."You found her?" Seryosong tanong niya."I don't know," kaswal na sagot ko.Agad nangunot ang noo niya. "Bullshit!" "Tss. Hindi ko nga alam. Narinig mo naman siya 'di ba? Fernandez 'yung apelido niya, Vitalle ang pinapahanap mo." Agad na dipensa ko, sinisikap na hindi madulas. "And you believe her?" Inis na tanong niya."She has information. Noong nag–apply siya Fernandez ang nakalagay sa Bio–data niya.""Stupid! What if she fake it?" "Malay ko," inosente kunwaring sagot ko. "Stop acting like you don't know anything."Nagsisimula na siyang manghinala kaya dapat mas lalo akong mag–ingat."Look Van, hindi ko alam at lalong hindi ako sigurado kung siya nga 'yon okay? We don't have any proofs." "Then I'll find proofs," seryoso at deretsang sagot niya.Agad naman akong tumingin sakaniya."I'll prove to you that she's the one I've been looking for, and I'll make sure that this time she can't fucking esc
ELLA'S POV "I don't know what you we're saying sir," deretsang sagot ko. Bahagya siyang ngumisi. "You can't fool me, I remember every piece of you. Even your sweet voice and your captivating scent that make's me obsessed," dagdag niya. "I'm sorry sir, p–pero nagkakamali po ata kayo." Depensa ko na nagsisimula nang manginig ang boses.Agad nangunot ang noo niya. "Can't you remember me?" Nagtatakang tanong niya pa.Inosente naman akong umiling. "I'm the one who fucked you 2 years ago," deretsang tugon niya.Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko inaasahan ang pagiging prangka niya. Agad siyang ngumisi ng nakakaloko. "Can you remember me now?" Muli akong napapalunok na tumingin sakaniya. "Elle, may naiwan pa ba—"Agad kaming napalingon sa pintuan at bumungad roon si Frank na gulat na gulat ring naka–tingin sa amin.Agad siyang tumingin sa lalaking nasa tabi ko."Van.." Tanging nabigkas niya. Van? Van ang pangalan niya?"Guess what who I found in your office," nakangising tugon ni Va