Pagkatapos ng kasal, tulad ng inasahan ni Calynn, sa penthouse ng five-star hotel na Gazzer Palace pala ang pangalan sila huling napadpad ng kanyang bagong asawa. Na kung hindi sa pa-trivia ulit ni Yeyet kanina ay hindi niya malalaman na ang hotel ay pag-aari rin mismo nina Reedz. Nalula ulit siya sa kayamanang meron ng kanyang naging asawa. Mukhang kailangan na niyang masanay agad. “Let's stay here temporarily for now,” sabi ni Reedz nang makapasok sila sa loob ng penthouse. “Kapag nagkaroon ako ng oras—” “Hindi, okay lang. Ang ganda nga rito, eh,” pamumutol niya sa sasabihin nito. Hindi na nito kailangang magpaliwanag dahil para sa kanya’y sobra-sobra na ang penthouse na tirahan para sa kanya. “Kahit saan ay okay lang.” Pinakatitigan na naman siya ni Reedz.Napangiwi naman siya. Habit ba talaga ng tipaklong na ito ang tumitig? Minsan nakakailang na, eh. “Okay, pero lilipat din tayo. May ipinapaayos lang ako konti sa bahay na talagang titirhan natin,” sabi pa rin ni Reedz. Tuman
Panay ang tingin ni Calynn sa suot na wristwatch. Ang usapan nila ni Gela ay magkikita sila bandang alas nueve ng umaga, ngunit wala pa rin ang kapatid. Nasa may pabarito nilang café siya at naghihintay pa rin. Bumuntong-hininga siya at nagpasyang umpisahan na ang paglamon. Nasa harapan niya ang paborito nilang magkapatid na spicy chicken wings, chickpea salad sandwich, at buddha bowl. Sa drink ay matcha latte kay Gella at brewed coffee naman sa kanya ang in-order niya, ngunit wala siyang gana. She felt like poking the chicken wings, imagining it was Reedz arms. “Tss!” Maasim ang mukhang ibinaba niya iyon sa nasa harapang plato at sumimsim ng kape. Pagkatapos ay natulala habang ngumingiwi-ngiwi. Naalala niya ang matinding kahihiyan na nagawa niya kagabi kay Reedz.…“Wait, are you nervous dahil virgin ka pa?” naniningkit ang mga matang tanong sa kaniya ni Reedz. Wala sa sarili na tumango lang siya. Dagling sumeryoso ang mukha ni Reedz. Unti-unting umawang ang mga labi nito. Hindi
Habang sakay ng taxi patungo sa Le Bernadez na restaurant kung saan doon na lang daw sila magkikita ni Reedz ay yakap na yakap ni Calynn sa kaniyang dibdib ang cellphone. Hindi pa rin siya makapaniwala na may isang milyon na laman ang kaniyang bangko. Alam niya, kahit kumayod siya na parang kalabaw buong buhay niya ay hindi niya magagawang lagyan ng milyon ang kaniyang bank account. Apat na zero pa nga lang ay hirap na siya, ni hindi pa nga niya naranasan dahil napupunta agad sa bayarin ang kaniyang mga sahod, anim na zero pa kaya? Hindi talaga siya masisisi kung parang tanga siya ngayon. May suot-suot na nga siyang mga singsing na mga milyon ang halaga tapos may pera pa siyang isang milyon. Hindi kaya nanganganib na ang kaniyang buhay ngayon nito? Matatakot na naman ba siya? “Kuya, sa tingin mo? Mukha ba akong mayaman? Kakidnap-kidnap ba ako?” katangahan man ay hindi niya napigilang usisa sa mamang driver. Mula sa rearview mirror ay kinilatis naman siya ng lalaki na may edad
“Salamat, Calex,” kiming pasasalamat ni Calynn sa naghatid sa kaniya na bodyguard ni Reedz.“Welcome, Ma’am,” tugon nito.Ngumiti siya rito. Kung siguro dalaga pa lang siya ay magka-crush siya kay Calex. He was super handsome bodyguard, indeed. Matangos ang ilong nito at mapupula ang mga labi. Lalaking-lalaki ang guhit ng panga. Maputi rin ang balat nito. Kung tutuusin mas bagay rito ang mag-modelo kaysa ang maging bodyguard dahil matangkad ito at maganda ang tindig.“Sige po, Ma’am. Pasok na po kayo. Nandito lang po ako sa tabi-tabi kapag may kailangan kayo.” He smiled at her reassuringly.“Okay,” aniya’t pumasok na nga. Madaling isinara ang pinto at baka saan pa mapunta ang paghanga niya kay Calex.Hindi siya taksil na babae. Marunong lang talaga siyang mag-appreciate ng tao. Isa pa ay ang gentleman kasi ni Calex, hindi katulad ng amo nitong tipaklong.Napaingos siya nang maalala niya ang asawa. Imagine iniwan na lang siya sa may restaurant? Ano naman kung ihatid siya saglit dito sa
Hindi pa sumisikat ang haring araw, gising na si Calynn. Sandaling nagtaka pa siya nang parang may mabigat sa dibdib niya, iyon pala ay ang nakayakap na braso sa kanya ni Reedz. Ang aga-aga ay kinikilig na naman siya. Kung hindi nga lang niya kailangan na magbawas sa pantog ay hindi niya aalisin ang kamay nito, at lalong hindi siya aalis ng kama. Ang kaso kailangan niyang bumangon at baka mag-amoy panghi silang dalawa. Ew! May ngiti siya sa labi na nagtungo sa banyo. At wala sana siyang balak na maligo agad, pero may magandang pumasok na ideya sa isip niya kasi. Iyon ay ang ipagluto niya ang asawa niya ng almusal. Hindi niya tiyak kung nag-aalmusal ba ang asawa, pero wala naman siguro masama kung susubukan niyang gampanan na ang pagiging mabuting misis.Masigla siyang nagbihis. Medyo natigilan pa siya nang makita niya na wala pa pala ang mga damit at mahahalagang gamit niya sa penthouse. Mukhang kailangan niyang kunin iyon sa apartment dahil kahit nami-miss na niya ang kuwarto niya
“Clear naman, Sir. Wala pong hidden cameras or any bugging devices po na nakita,” pagre-report sa kanya ni Calex na inatasan niyang sumuri sa kanyang penthouse pagkaalis na pagkaalis ni Calynn. “Good.” Reedz exhaled with profound relief. “But next time, be vigilant, Calex. You knew from the start that I prefer my relatives not to access my personal property, yet you neglected to inform me." “Sorry, Sir, nawala sa isip ko. ‘Tsaka inakala ko kasi okay lang dahil baka kako dinadalaw lang ni Madam Angela at Sir Denver si Miss Calynn dahil kakasal niyo.” "Next time, you'll be out of a job.” “Yes, Sir.” Isa pang maluwag na paghinga ang kumawala mula sa binata. “By the way, go pick up Calynn kung tapos ka na d’yan. Make sure my wife stays safe at all costs.” “Areglado, Sir.” Ibinaba na ni Reedz ang cellphone. Nasa opisina na siya’y nagpupuyos pa rin ang kanyang dibdib. Isa’t kalahating oras na siya roon pero wala pa rin siyang nasimulang gawin. Tumatakbo pa rin ang kanyang isip sa kany
Kung saan-saan ipinagtatago ni Gela ang mga kalat sa salas, huwag lang makita ni Reedz.“Okay na?” tanong ni Calynn sa kapatid habang hawak ang doorknob. Ngiwing-ngiwi siya. Disaster pa naman ang hitsura ng bahay kapag si Gela lang ang nakatira. At hindi niya inayos o nilinis pagdating niya dahil malay ba niyang susunduin siya ni Reedz.Thumbs-up ang itinugon sa kaniya ng burarang kapatid. Nagtatakbo na sa may kusina.Matapos ang ilang beses na inhale at exhale, kagat ang labing pinagbuksan na nga ni Calynn ang asawa. At muntik na siyang mapa-‘nanay ko po’ nang makita niya ang hitsura nito.“P-pasok ka,” pasalamat niya’t nagawa pa rin niyang ibigkas.Reedz’ expression was blank. Parang tipaklong na kakain na naman ng buhay na tao. Yay!Hands in his pockets, walang imik na pumasok nga si Reedz. Imbes na ngumiti o batiin siya’y pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng maliit na salas. Salas na hindi maikakaila na mga babae ang nakatira. Maliban sa magulo ay halos kulay pink ang lahat. Pati a
“Dad?” agaw-pansin ni Reedz sa ama nang makarating siya sa Rovalez mansyon. Matapos niyang ihatid si Calynn sa penthouse ay dumiretso siya agad doon dahil sa natanggap nitong tawag mula sa executive assistant nito. Pinapunta sira roon at clueless siya sa kung anong dahilan.“P*****a ka!” Hindi pa man siya nakakapagsalita ay inihambalos na ng Chairman ang tungkod nito sa kaniya. Tumama iyon sa balikat ng anak na bagong dating.Hindi naman tuminag si Reedz. Tinanggap niya ang napakalakas na hampas na iyon. Napatiim-bagang lang siya kahit na parang nabiyak ang kalamnan ng kaniyang braso.“What have I done wrong this time?” sa halip ay parang walang pakiramdam na tanong niya sa noon pa man ay malupit nang ama sa kaniya.“Ano ang pumasok sa isip mo at iniwan mo ang kompanya para lang sa babaeng iyon?! Since when have you been negligent in your job, huh?!”Sandali lang ang pagkabigla sa mukha ni Reedz. Pagkuwa’y, “Dad, hindi lang basta babae lang ang dahilan bakit iniwan ko ang opisina. She’
Ngiting-ngiti si Calynn habang nakatanaw sa malayo na parte ng dagat. Feel na feel din niya ang mga malakas na hangin na tumatangay sa kaniyang buhok at laylayan ng kaniyang bestida. Kanina pa siya roon pero wala siyang kasawaan sa panonood sa paligid. Talaga naman kasing napakaganda ng kaniyang kinaroroonan na lugar ngayon. Napakaliwalas pati ng langit. Ang gaan-gaan ng kaniyang pakiramdam, parang ang problema o stress pa ang mahihiya na maligaw roon.Matingkad na asul ang kulay ng karagatan. It was like crystal-clear waters. Malambot sa paa ang puting mga buhangin. Green na green din ang mga puno na karamihan ay mga palm trees. Parang mga kabute ang mga canopy na hilira sa gilid ng dagat na nagsisilbing tambayan ng mga turista. At ang mga villa na thatched-roof ay talaga namang nakakamangha sa ganda—overlooking the sea.Sa di-kalayuan, hindi naman inaalis ni Reedz ang tingin sa asawa habang palapit siya sa kinaroroonan ng asawa. Simula dumating sila sa Maldives upang ituloy ang kanil
Tatlong araw lamang ang ginawang burol ng anak nina Calynn at Reedz na pinangalanan nilang Recca. Katulad nang parang napakabilis na ipinagbuntis at ipinanganak ni Calynn si Baby Recca, ganoon din kabilis ang lumipas na araw. Kasalukuyan na nilang pinapanood ang dahan-dahang pagbaba sa napakaliit na kabaong nito sa hukay.Maliban sa may bahay ang puntod ng baby nila, pinili rin nilang mag-asawa na sa malalim na hukay din ilibing ang kanilang anak upang anila ay hindi malapastangan ng mga walang respeto sa patay na mga tao katulad ng mga napapanood sa TV.At kung noon sa ospital ay grabe ang pag-iyak nilang dalawa, ngayon ay tahimik na lamang silang lumuluha. Malamang ay dahil nailuha na lahat nila, lalo na si Calynn na halos walang humpay ito sa pag-iiyak sa nagdaang mga araw. Nakapaloob si Calynn sa yakap ni Reedz. Sa isa’t isa pa rin sila humuhugot ng tapang upang makayanan nila ang pagkawala ng panganay nilang anak.Mula namatay si Baby Recca ay hindi sila humiwalay sa isa’t isa. Pa
“Calex, Oseph, manganganak na si Calynn!” malakas na malakas na sigaw ni Reedz sa kaniyang dalawang tauhan. Nataranta naman ang mga ito. Si Oseph ay lumapit sa kanila, habang si Calex ay tumawag agad ng ambulansya.“Kaya mo bang tumayo?” tanong ni Reedz kay Calynn.Napapangiwi na sinubukang tumayo si Calynn, subalit halos hindi na niya mabuhat ang kaniyang katawan. Gayunman, pinilit niya. Kailangan niyang kayanin. Heto na ang huling yugto ng pagiging ina niya sa kaniyang anak. Kailangan niya itong maipanganak, tiyaking buhay ang baby niya para sila ay magkita ng kahit saglit lang, ng kahit segundo lang.“Oh, God. Masakit, Reedz,” da*ng niya. At nang maramdaman niyang basa na ang bandang ibaba ng katawan niya’y nayanig ang buo niyang pagkatao. In slow motion tulad sa mga pelikula, muntik na siyang matibag ng tuluyan nang makita niya ang pula sa kaniyang paanan.Manganganak na talaga siya!May dugo nang umaagos sa paanan niya!“Dalhin niyo na ako sa ospital! Bilisan niyo!” malakas na mal
“Ibig sabihin, pagkatapos na pagkatapos na manganak ni Calynn ay mamamatay agad ang baby niya?”“Hindi naman, Madam, maaari pa rin namang magtagal ng ilang oras ang sanggol o aabot ng ilang araw.”“But Reedz and Calynn's baby will still die?”“Yes, Madam, dahil sa kondisyon ng sanggol wala pang paraan upang maisalba ang buhay niya kahit sa ibang bansa.”In the midst of conversation, Avy flashed her sweetest smile at the man. Mayamaya ay may ibinigay na siya ritong puting sobre. “Well done, Mr. Bonalos. I appreciated the information you provided about the couple. Hanggang sa susunod natin ulit nating pagkikita.”Kinuha ng lalaking private investigator ang puting sobre, yumukod bilang pasasalamat at saka umalis na.Ang ngiti sa mga labi ni Avy ay kasabay nang papalayong pigura ng lalaki sa paningin niya ang pagkabura niyon. Lumabas ang totoong ekspresyon ng kaniyang mukha na gigil at selos para kay Calynn.Kanina ay nakita niya ang larawan na pinost ni Meredith sa social media. Mga laraw
Nakadama si Calynn ng bikig sa kaniyang lalamunan habang pinagmamasdan niya ang ginawa nilang dekorasyon sa labas ng Villa Berde para sa gaganapin na gender reveal ng kaniyang baby.Gayunman ay magaan ang kaniyang kalooban dahil totoong tanggap na niya ang nangyayari o mangyayari. Ang lagi na lang niyang ipinagdarasal sa Diyos ay ang sana bigyan na lang siya ng lakas at tatag sa damdamin upang tanggapin ang lahat kapag matatapos na ang lahat. At higit sa lahat ay sana biyayaan ulit siya ng anak.“Are you okay? Aren't you tired?” tanong ni Reedz sabay akbay sa kaniya.Nakangiting tiningala niya ang asawa. “Ayos lang. Wala naman akong halos ginawa. Iyong dalawang iyon ang mga napagod.” Ininguso niya sina Meredith at Gela na abala sa pagkuha ng picture sa katatapos nilang dekorasyon.“Hayaan mo sila. May bayad naman na hiningi sa akin ang dalawang iyan.”“Huh?”“They asked for the latest model of cellphone. Iphone 16 pro max daw.”“Sandali! Ang mahal ng mga cellphone na ganoon, ah? Hindi
“Oh, my ghad, Reedz!” Kamuntik nang atakehin sa puso si Calynn sa nakita niyang ginagawa ng asawa sa likod-bahay. Grabe ang nerbyos niya dahil napakataas kasi talaga ng niyog na inaakyat ni Reedz. Kung titingalain nga ito ay parang maabot mo na ang mga ulap sa langit kapag nandoon ka sa dulo niyon.“Lord, gabayan niyo ang asawa ko!” patiling aniya nang nagkukumahog na siya palabas ng silid. Mangiyak-ngiyak na rin siya dahil alam naman niya agad kung bakit ginagawa iyon ni Reedz. Walang iba kundi dahil sa kaniya, dahil gusto siyang pasayahin.“Ate Calynn?!”“Ate?!”Sina Meredith at Gela ay nagulat nang makita siya. Palabas ang dalawang dalaga sa kusina. May hawak si Gela na mga baso at si Meredith ay pitsel. Lalagyan malamang ng tubig ng niyog na makukuha ni Reedz.“Bakit niyo hinayaang umakyat ng puno ang Kuya Reedz niyo?” Nilampasan niya sila. Dire-diretso pa rin siya ng lakad palabas.“Eh, iyon ang gusto niya. Sabi niya kailangang makakuha siya ng niyog para mapasaya ka,” sabi ni Gel
Naglalakad daw siya sa gitna ng mausok at madilim na kalsada. Nagtataka na palinga-linga sa napakadaming punong nagtatayugan.God, nasaang lupalop ako ng mundo?Hindi alam ni Calynn kung paanong napadpad siya sa lugar na iyon. Ang natatandaan lamang niya ay hiniling niya agad kay Reedz na gusto niyang matulog pagdating na pagdating nila sa Villa Berde galing sa prenatal checkup niya at sa mall. Hindi lang sa naiinis siya sa asawa dahil kay Avy kaya nais niya munang hindi ito makita, kundi dahil pakiramdam niya ay napagod talaga siya sa araw na iyon kahit wala naman siya halos ginawa.“Mommy…” hanggang sa tawag sa kaniya ng boses batang babae.Mas naging takang-taka ang ekspresyon ng mukha ni Calynn na hinanahap ng tingin niya ang nagsalita. Sa kaniyang likuran, doon niya nakita ang napa-cute na batang babae. Nakasuot ito ng puting bestida. Tuwid na tuwid ang mahaba at itim nitong buhok. Ngiting-ngiti habang nakatitig sa kaniya.Ninais niyang ibuka ang bibig. Tanungin ang bata kung ano
Pasakay na silang mag-asawa sa kanilang kotse nang bigla ay nangatog ang mga tuhod ni Calynn. Kung hindi siya nakakapit sa braso ng asawa ay malamang natumba na siya.Saglit na naantala ang kaniyang pagsakay. Binalanse niya muna ang sarili at pinakiramdaman. Nakailang buga siya ng hangin sa bunganga upang kumalma kahit kaunti ang dumadagundong niyang dibdib.“Are you really fine?” Maagap na hinawakan siya ni Reedz.She slowly nodded, saying that she’s just fine. Pagkuwa’y walang imik na sinubukan niya ulit na pumasok sa kotse. Awa ng Diyos ay nakaupo naman na siya nang maayos.“No, Calynn. I think you are not okay. You look like you’re dying,” sa sobrang pag-aalala sa asawa ay madiing naisabi ni Reedz nang nakasakay na rin ito sa likod ng manibela.“At ano ang gusto mo masaya ako, Reedz? Dapat ba nakangiti ako sa sitwasyon na ito?” Magkasalubong ang mga kilay at namamasa ng mga luha ang mga mata niyang tiningala ang asawa.Napahiya na nagbuntong-hininga naman si Reedz. Wari ba’y na-par
One month later.Mabilis na lumipas ang mga puno ng agam-agam na araw ng mag-asawang Reedz at Calynn. At sumapit na naman ang araw na kailangang bumalik si Calynn sa kaniyang OB. Hindi lamang para sa normal na checkup niya kundi para malaman ang totoong kondisyon ng anak nila.Limang buwan na ang ipinagbubuntis ni Calynn. Matitiyak na kung ang anak niya ay may bilateral renal agenesis o wala. Na sana nga ay wala. Na sana nagkamali lang ang doktor.Samakatuwid, sa ikalawang trimester ng pagbubuntis, ayon sa kaniyang OB ay malinaw na makikita na raw sa ultrasound kung ang mga bato ng fetus kung totoo ngang hindi nabuo, at maaari ring makita ang iba pang palatandaan ng kondisyon, tulad ng mababang dami ng amniotic fluid o oligohydramnios.“Ano’ng ginagawa mo?” malumanay na tanong ni Calynn sa asawa nang nagising siya dahil sa naramdaman niyang nakatitig sa kaniya. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay si Reedz pala. Naroon ito nakaupo sa gilid ng kama at pinapanood ang kaniyang pagtul