"What? Do you know her?" Tanong ni Joaquin habang nakatingin kay Hexy. Sumama naman ang tingin niya saka tumango."Siya 'yong babaeng may gusto dati kay Mavs sa restaurant na pinagtrabahuhan namin," sagot niya saka ibinalik ang cellphone ni Joaquin at napakuyom ang mga palad."What?" Gulat na sambit ni Joaquin saka napaawang ang kaniyang bibig.Tumango naman si Hexy."Oo. Nakaaway ko na siya dati. Pero mabuti na lang at nauna siyang natanggal kaysa sa'kin.""Why are they together?" Kunot-noong tanong ni Joaquin saka tumingin sa litrato nina Maverick at Sasha."Baka may negosyo rin ang pamilya niya. May mga kasama naman sila sa mga ibang picture," saad ni Hexy at hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng kaniyang mukha."Eh, bakit may picture silang dalawa na sila lang? Is she flirting with Maverick?" "Malandi naman talaga siya. Grabe siya magpapansin kay Mavs noon. Pero hindi ko naman alam na pagkatapos niyang matanggal sa restaurant ay magkikita pa sila ni Mavs," wika ni Hexy saka n
"Gosh, Hexy, are you okay?"Napatigil si Hexy at saka ibinaling ang paningin kay Joaquin na tumabi sa kaniya."H-Huh?"Napalunok siya saka tumingin sa kaniyang paanan. Nandoon pa rin ang mga bubog. Agad naman siyang yumuko at pinulot isa-isa saka inilagay sa kaniyang palad.Napad*ing siya nang matusok ang kaniyang kamay dahil sa bubog. Agad niya rin iyong binitawan.Napatingin si Joaquin sa kaniya at napansing nanginginig ang kaniyang mga kamay.Hinawakan niya ang kanang kamay ni Hexy kung saan may sugat ito.Napatingin naman sa kaniya si Hexy. Napalunok si Joaquin nang makitang tumutulo na ang luha nito."H-Hex, mauna ka na sa locker. Susunod ako. Huwag ka nang tumingin sa kanila," malumanay na sambit ni Joaquin at halata ang pag-aalala nito.Tumango si Hexy saka tumayo at hindi pa rin umaalis. Kumuha naman agad si Joaquin ng walis at dustpan, saka ibinasura iyon.Sumulyap si Joaquin kay Maverick na nasa loob. Nakatayo pa rin ito sa gilid ng kanilang lamesa at halatang hindi alam an
Dahil sa bilis ng lakad ni Shantal ay nakalapit siya agad sa dalawa habang sumusunod si Hexy na gulong-gulo pa rin sa nakita.Nanlaki ang mga mata ni Maverick, at agad namang bumitaw si Sasha sa kaniya.Pagkalingon ni Sasha sa kanila ni Hexy ay agad nang sinunggaban ni Shantal ang kaniyang buhok at sinabunutan siya."Aray! Let me go!" Tili ni Sasha ngunit ayaw naman siyang bitawan ni Shantal kahit mas matangkad siya sa kaniya."M*landi ka! May girlfriend na 'yang nil*landi mong hayop ka!" Sambit ni Shantal habang hawak pa rin ang buhok nito. Si Sasha naman ay pilit na tinatanggal ang kamay ni Shantal.Nakatayo naman si Hexy sa gilid at blangko ang mukha habang nakatingin sa kanila."I know! Just let me go!" Sagot ni Sasha."Ah, gano'n?" Sambit ni Shantal saka kinaladkad si Sasha habang hawak ito. "Stop that already," saway naman ni Maverick ngunit sinamaan siya ng tingin ni Shantal kaya wala siyang nagawa.Hinatak niya si Sasha papunta sa gilid ng kalsada saka malakas na itinulak, da
"Hexy, hindi gano'n 'yon. It's not what you think," sagot naman ni Maverick."Gano'n 'yon sa paningin ko, Maverick. Wala ba akong karapatang malaman na magkasama kayo?" Halos nahihirapang tanong ni Hexy dahil sa pag-iyak."May karapatan ka sa lahat, Hexy. Natatakot lang akong masaktan ka.""P-Pero sinasaktan mo na ako, Mavs. Pinalagpas ko 'yong nangyari noong birthday ko," wika niya.Bigla namang napatigil si Maverick at nagbago ang ekspresyon niya sa mukha. Nagulat siya at hindi makapagsalita."Oo, Mavs. Nakalimutan mo ang birthday ko. Nakakapanibago nga, eh. Ngayon mo pa talaga nakalimutan, ngayong tayo na. Noong wala pang tayo, binabati mo ako. Ang akala mo siguro ay hindi ako masasaktan," saad ni Hexy habang umiiyak.Pinunasan niya agad ang kaniyang luha dahil nanlalabo na ang kaniyang paningin."Okay lang na hindi nila ako batiin, pero sana ikaw, sana naalala mo. Dahil espesyal ka sa'kin, eh.""I'm sorry, Hexy. I'm just too busy," wika ni Maverick saka bahagyang lumapit kay Hexy
Matapos basahin ni Maverick ang sulat ni Hexy ay napaupo siya sa kama nito. Ilang segundo siyang natahimik at tumingin sa mga unan."H-Hexy," mahinang sambit niya at bumuhos na ang kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi. Naalala niya ang mga sinabi nito sa kaniya, at kung paano niya hindi napansin na gano'n pala ang nararamdaman ni Hexy.Napahawak siya sa kaniyang bibig habang umiiyak.Nanikip ang kaniyang dibdib at napapikit siya sa sakit."I love you, babe," wika niya sa pagitan ng kaniyang paghikbi.Ilang minuto siyang gano'n at napagpasyahang lumabas.Hindi na siya nag-abalang maligo at agad na umalis.Bahagya pang nagulat si Blessie nang makitang pumasok si Maverick sa kaniyang office."What are you doing here?" Takang tanong ni Blessie habang nakakunot-noo at pinasadahan ng tingin ang itsura ni Maverick dahil nakapambahay lang siya."I'm looking for Hexy, Tita. Puwede ko ba siyang kausapin sandali?"Ilang segundo namang natahimik si Blessie dahil naguguluhan siya kay Maverick."S
"Bakit ka nandito?" Pag-uulit na tanong ni Hexy at hindi makapaniwala sa taong nakatayo sa kaniyang harapan."Eh, ate, ang sabi kasi ni Papa, maghanap daw muna ako ng trabaho habang bakasyon namin," sagot ni Harold.Napatingin naman si Hexy sa mga hawak niyang bag saka siya huminga nang malalim."Sige. Pumasok ka. Kaya pala tinatanong mo ako kung nasaan ako," wika niya saka tinulungan ang kapatid niyang ipasok ang mga gamit nito."Mahina ba ang puwesto ni Mama? Bakit ka tinutulak na naman ni Papa?" Kunot-noong tanong ni Hexy habang nakapamewang ang isa niyang kamay."Wala raw kasi akong ginagawa sa bahay, ate," kamot-ulong sambit ni Harold.Tumango-tango naman si Hexy saka ipinagpatuloy ang ginagawa."Puwede bang dito muna ako, ate?""Oo. Wala ka namang ibang pupuntahan dito. Tsaka delikado kapag mag-isa ka lang," sagot ni Hexy saka nagsalang ng paglulutuan.Tumango-tango naman si Harold saka tumayo at tumabi sa kaniya."Bukas na bukas ay tutulungan kitang maghanap ng trabaho. Kaso la
Biglang dumating si Maverick at hindi na gumawa pa ng ingay saka sinunggaban ang isa sa kanila at nakipagsuntukan.Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Hexy at nanginig ang kaniyang mga kamay sa gulat.Napatakip naman si Hexy sa kaniyang bibig habang pinapanuod ang kaniyang boyfriend na makipag-away para sa kaniya.Hinatak naman siya ni Harold saka umatras para hindi sila madamay."J-Joaquin," mahinang sambit ni Hexy nang makitang dumating din ito at tumabi kay Maverick."Mavs!" Sigaw niya nang makitang papalapit sa kaniya ang isang lalake. Agad namang nakailag si Maverick.Naluha naman si Hexy dahil sa takot at pag-aalala.Hinawakan naman siya ni Harold nang mahigpit sa kaniyang braso nang akmang lalapitan niya si Maverick nang makitang nasugatan ito sa kaniyang bibig."Ate, hayaan mo na sila," wika ni Harold. Naramdaman naman ni Hexy na pati siya ay nanginginig.Ilang minuto pa ang nakalipas ay parehong napagod sina Joaquin at Maverick habang nakahiga na sa kalsada ang mga nakaaw
"M-Mavs, huwag dito," mahinang sambit ni Hexy saka napalunok nang makitang nakatingin si Maverick sa kaniyang hinaharap.Inilapit nito ang kaniyang mukha kay Hexy saka hinawakan ang baba nito para magkasalubong ang kanilang mga bibig.Napapikit naman si Hexy.Naramdaman niya ang paghinga ni Maverick habang hawak nito ang kaniyang likod na malayang nahahawakan ang kaniyang balat.Ngunit napatigil si Maverick nang may bumusinang sasakyan sa likod.Nagmulat agad ng mga mata si Hexy at sabay silang napalingon ni Maverick.Inilayo ni Hexy ang kaniyang sarili nang makitang may van sa likod. Mabuti na lang at hindi sila maaaninag dahil nasa gilid sila ng sasakyan at hindi masyadong maliwanag."Maverick, ano'ng nangyari?""Bigla na lang pong huminto, Papa," sagot ni Maverick.Agad na tumabi si Hexy kay Maverick at bumilis ang tibok ng kaniyang puso dahil natatakot siyang makita ni Maximus ang likod niya."Sumabay na kayo sa'kin. Ipapa-pick-up ko na lang ang sasakyan mo," wika ng ama ni Maveri