Share

CHAPTER 47.2

"Hexy, hindi gano'n 'yon. It's not what you think," sagot naman ni Maverick.

"Gano'n 'yon sa paningin ko, Maverick. Wala ba akong karapatang malaman na magkasama kayo?" Halos nahihirapang tanong ni Hexy dahil sa pag-iyak.

"May karapatan ka sa lahat, Hexy. Natatakot lang akong masaktan ka."

"P-Pero sinasaktan mo na ako, Mavs. Pinalagpas ko 'yong nangyari noong birthday ko," wika niya.

Bigla namang napatigil si Maverick at nagbago ang ekspresyon niya sa mukha. Nagulat siya at hindi makapagsalita.

"Oo, Mavs. Nakalimutan mo ang birthday ko. Nakakapanibago nga, eh. Ngayon mo pa talaga nakalimutan, ngayong tayo na. Noong wala pang tayo, binabati mo ako. Ang akala mo siguro ay hindi ako masasaktan," saad ni Hexy habang umiiyak.

Pinunasan niya agad ang kaniyang luha dahil nanlalabo na ang kaniyang paningin.

"Okay lang na hindi nila ako batiin, pero sana ikaw, sana naalala mo. Dahil espesyal ka sa'kin, eh."

"I'm sorry, Hexy. I'm just too busy," wika ni Maverick saka bahagyang lumapit kay Hexy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status