Share

CHAPTER 21

Bukas na ang nasabing gaganapin na welcoming party pero hindi niya man lang magawang tumulong dahil ayaw ni Xavion na pakialam pa siya sa ganoong bagay na hindi niya naman responsibilidad in the first place.

"You'll just exhaust my child,"

Umikot ang mga mata niya dahil sa mga paalala nitong masyadong exaggerated. Hindi naman siya magbubuhat ng isang toneladang mesa. Matagal din siyang nagtrabaho bilang waitress kaya hindi na siya bago doon. A little help will do.

Pero sa huli ay nagtagumpay si Xavion kaya wala rin siyang nagawa. Mas lalo lang siyang na-stress na wala siyang ginagawa. Nababagot lang siya lalo.

Napagdesisyunan niyang umakyat na lang sa terrace at magpahangin. Bitbit ang isang mangkok na may lamang gummies ay tinungo na niya iyon. Napapikit siya nang sumalubong sa kanya ang maaliwalas na hangin. Mula sa kinatatayuan niya ay tanaw niya ang kabuuhan ng bakuran kung saan ang venue ng party.

Nilapag niya sa lamesa ang mangkok at akmang uupo na nang mapansin niya ang isang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status