[57]
Cathalina's POV:
Inis kong binaba ang cellphone ko, huminga ako ng malalim at hinaplos ang tiyan ko. Nangilid ang luha sa mga mata ko hindi ko alam pero nagiging madrama na naman ako, kakabukas ko lang ng laptop ko at account ko sa social media. Tapos ganoon ang bumungad sa'kin natulala pa ako sandali dahil sa nakita ko na ilang picture.
Nakita ko lang naman ang picture ni tristan na may babae pang kasama, 'yung isa ay nasa photoshoot pa at magkahalikan pa sila ng labi. Madami pang sila pictures nung babae, minsan pa ay magkakasama sila sa bar at sa kung saan pa. Hindi ko kinaya at dapat uuwi ako ngayon pero hindi nalang, dahil naninikip ang dibdib ko habang nakikita ang pictures nilang dalawa.
Tangina! Magkaka anak na kami n'yan ha! Nakuha pang lumandi ni Tristan! Sarap kalbuhin!
Sinara ko ang laptop ko, hinilot ko ang sentindo ko dahil nas-stress na naman ako. Kanina ay bigla akong nahimatay, mabuti nalang at nakita ako ni hades nalaman na rin ni dad ang nangyari at galit na galit si daddy, kaya mas minabuti naming umuwi bukas. Madaming sinabi ang doctor sa akin at sobrang stress na daw ako at kailangan kong iwasan dahil makakasama sa anak ko at kailangan kong panatilihing malusog ang katawan ko.
Nagaalala ako sa kapatid ko pati si dad ay galit, ngayon lang na nangyari kay noemi ang ganoon at walang nakakaalam sa totoong nangyari. Kapag nalaman ko lang talaga ang nangyari! Hindi ako magdadalawang isip pumatay ng tao! Hindi nila alam kung sino ang kinanti nila! Wala silang ideya kung ano ang kaya kong gawin.
Hindi ko pinansin ang sunod sunod na mensahe ni tristan sa cellphone ko. Naiinis lang ako sa kanya, pumunta ako sa balkonahe at doon lumanghap ng sariwang hangin. Hinaplos ko ang tiyan ko medyo malaki na at halata na ang baby bump ko kaya naeexcite ako na malaman ang gender niya.
"Excited na si mommy na makita ka baby, stay ka lang ha? Sorry, kung palaging stress si mommy madami lang talagang ginagawa. At isa pa, sarap kalbuhin ng papa mo!" nakangusong saad ko at hinaplos ang tiyan ko. "Kapag umuwi tayo doon sa pinas, you will see your daddy at gusto ko na makumpleto tayo." saad ko pa sa anak ko.
Pagkatapos kong uminom ng gatas ay agad na akong humiga sa kama. Binalot ko ang katawan ko ng comforter at pinikit ang mata ko, bukas na kami uuwi at bukas rin ang birthday ni tristan.
Maaga akong nagising, ngayon ang alis namin. Kaya nagimpake pa ako ng damit ko dahil kukunin ko ang iba ko pang gamit dito sa mansyon, dalawang maleta ang dala ko ang kaunti lang naman kasi ang dala kong damit sa pilipinas. Halos lahat ay nandito at nasa malaking closet ko, nandito rin ang mga gown na ginagamit ko kapag aalis o hindi kaya'y may bisita.
Nakakapagod rin maging prinsesa, hindi ka nakakagalaw ng maayos dahil marami ang pupuna sa'yo at nanonood.
Pagkatapos kong magimpake ay naligo na agad ako, tinatamad na naman akong kumilos. Kaagad akong nagbihis ng gray long sleeve turtle neck at isang itim na lether pencil skirt na above the knee ang haba. Kinuha ko ang brown kong coat na hanggang tuhod ko ang haba, sinuot ko rin ang high heels kong boots kaya bumagay sa damit ko. Nang makita na maayos ay agad akong lumabas ng kwarto ko, bawat isa sa mga madadaanan ko ay nag bibigay galang sa'kin na panay ang tango ko.
"Dad," humalik ako sa pisngi niya at umupo sa upuan ko. "I'm ready, ikaw nalang ang hinihintay ko sa pag alis natin." mahinahon na saad ko.
"I need to see your twin now, kaya kailangan na nating umalis at bumalik." seryosong saad niya. "Gusto ko na ring asikasuhin ang divorce paper." malamig na saad niya napatango nalang ako.
"Ako na ang bahala, si hades na ang mag aasikaso nun." saad ko sa kanya.
Pagkatapos naming kumain ay agad na akong pumunta sa silid ko para kunin ang shoulder bag at cellphone ko. Kasama ko ang tauhan sila ang nagdadala ng mga gamit ko, bumaba kami at nandoon na si dad. Sumabay ako sa kanya at pumunta sa kotse na nasa labas ng kaharian namin.
"Hades, ang divorce paper kailangan ko na agad mamaya." utos ko sa kanya habang kami ay naglalakad.
"Yes, milady naayos ko na ang papel. Pirma nalang ang kulang at nandoon na rin ang abogado." saad niya tumango ako.
Sumakay kami sa sasakyan ng royalties, ang mga kawal ay nandoon na sa harapan ng castle, yumukod sila ng makaalis ang sasakyan namin. Tahimik lang ako sa byahe hindi naman naiipit ang baby ko dahil medyo maluwag ang suot ko, paano ang laki na ng tiyan ko halata na nga na buntis ako.
"Sinabihan ko na ang mga tauhan milady na susunduin kayo sa airport." saad ni hades na katabi ko.
"Gusto kong wag mong ipalaam kila amara na darating kami." malamig na saad ko. "Gusto kong surpresahin ang step-mother ko." saad ko pa.
Nakarating kami sa eroplano na naghihintay sa amin, agad na umalalay ang mga tauhan. May mga taong nagpupumilit na kami ay lapitan ngumiti lang ako sa kanila at kumaway ng kaunti at natuwa naman sila. Sumakay na kami sa private plane nandoon pa rin ang mga taong sumusuporta sa'min kaya hindi ko maiwasang matuwa sa kanila.
"I want to talk to the father of your child, franches." basag ni dad sa katahimikan.
"Sure, pero wag muna ngayon dad," nakasimangot na saad ko sa kanya na nakataas na ang kilay. "H'wag muna ngayon dahil hindi kami magkaayos." saad ko sa kanya.
"Dapat ko na bang gilitan ng leeg huh?" nakangising saad niya at natawa ako. "Ayusin niya lang at kailangan niyong magpakasal sa lalong madaling panahon..." saad niya tumango nalang ako.
"Ayokong pakasalan niya ako dahil sa magkakaanak na kami dad, gusto ko 'yung kusa niya ako yayayain." nginisian ko s'ya kaya napailing s'ya.
Tahimik kaming nakarating sa pilipinas nakakapagod rin pala ang byahe, inalalayan ako ni hades pababa ng erolano at agad na sumalubong ang hangin ng pilipinas sa'kin. Pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim, agad na kaming sumakay sa kotse na nakalaan para sa aming tatlo nila dad. Sumandal ako sa upuan, ngayon nga pala ang birthday ni tristan pupunta ako at aawayin ko nalang s'ya dahil galit pa rin ako.
"Nandito na po tayo." saad ng driver namin at pinasok ang sasakyan paikot sa fountain, agad na pinarada ang sasakyan.
Bumaba ako at nangunot ang noo ng may makitang kotse, tinignan ko ang bahay nakabukas naman at may ilang katulong na nagulat pa sa pagdating namin. Kaagad na kaming pumasok at rinig ko ang ingay na nanggaling sa garden ng mansyon.
"Nasaan sila?" si dad ang nagtanong.
"Nasa garden po." halatang takot ang isang kasambahay.
Pumunta kami doon ni dad at napatanga ng marami ang tao sa bahay namin, ang iba pa ay nasa swimming pool. Nakita ko agad ang step-mom ko nakakandong sa lalaki at naghaharutan pa sila napangiwi ako, tinignan ko si dad na nagtatagis ang bagang.
"THE PARTY IS OFF!" malamig na sigaw niya sa lahat maski ako ay napatalon sa gulat.
Lahat sila ay napatingin sa amin tinanggal ko lahat ng emosyon na mayroon ako, napatingin ako kay belinda na nagulat. Tinignan ko ang mga tao lahat sila ay mga nakainom pa tanghaling tapat at nandito sila.
"D-darling.." mahinang saad ni Belinda at ngumiti. "Hindi mo sinabi na uuwi ka pala, sana e, sinundo kita." nakangiting saad niya at hinalikan si dad na agad umiwas.
"Sinong may sabing magparty kayo sa bahay ko?" malamig na saad ni dad. "Ang kalat ng bahay ko, maski sa loob ay makalat at ano ang ginagawa ninyo? Pati ang mga wines ay nagkalat na sa sahig!" galit na saad ni daddy.
"Dad.." mahinang saad ko "Ako na ang bahala dito." mahinahon na saad ko sa kanya.
"D-darling, nagkakatuwaan lang naman kami. Isa pa, bahay ko rin naman 'to kaya pwede akong magpaparty kung kailan ko gusto diba?" saad pa niya nakaswim suit pa ang bruha.
"Pamamahay ko ata ang sinasabi mo belinda." walang kabuhay buhay na saad ko. "Imbes na abalahin ninyo si noemie na nasa hospital, nandito ka nagpaparty." saad ko sa kanya.
Tinignan ko lahat ng tao dito at kaagad kong sinenyasan ang ilan sa mga tauhan ko, tumango lang ako sa kanila. Isa-isang nilabas ang mga bisita, hindi ko na sila pinagbihis at hinayaan ko silang kalakadkarin ng mga tao ko, ang iba ay masama ang tingin sa'kin.
"Baka gusto mo isama pa kita sa mga 'yan?" matalim na saad ko sa kanya. "Wala kang karapatan ni katiting sa bahay na 'to at 'yan ang lagi mo tatandaan. Kaya umayos ka at baka palayasin kita dito." saad ko at tumalikod na doon pero isa hablot sa braso ko.
"Wag mo akong subukan cathalina, ako pa rin ang nanay mo." galit na saad niya madiin ang kapit sa braso ko. "Huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan at baka makatikim ka sakin." saad niya.
"Let her go, belinda." malamig na saad ni dad. "Ngayon palang ay umpisahan mo ng magimpake ng damit mo, ipapadala ko ang divorce paper at pipirmahan mo sa ayaw at sa gusto mo." huling sinabi ni dad at marahan akong pinasok sa bahay.
I gave her a victory smirked. "Bye step-mom." i mouthed at her at iniwan s'yang tulala doon.
[58]Tristan's POV:Birthday ko ngayon wala pa rin akong balita kay cathalina, nung tumawag si cathalina simula nun ay wala na. Nagalit ako kasi 'yung picture namin ni ayesha ay kumalat maski rin ang pictures namin na magkasama, ang dami ko na ngang problema dumagdag pa talaga ang mga pictures na 'yun. Pinagpyepyestahan kami sa social media, akala nila ay may kung ano kaming dalawa hindi ko alam. Basta paggising ko nang umaga madaming tao ang gusto kausapin ako.Sinabi ko kay shikira and she's working on it, talagang nakarating pa kay cathalina ang pictures na 'yun. Hindi tuloy ako mapakali lalo pa at galit s'ya sa akin, baka hiwalayan niya ako at baka mamaya hindi s'ya umuwi sa'kin. Kinausap ko si ayesha sa pictures at wala daw s'yang alam doon, nagulat lang rin s'ya pero hindi ako naniniwala sa kanya at lahat ng kaibigan niya ay tuwang tuwa sa'ming dalawa.Gaganapin ang birthday ko dito
[59]Cathalina's POV:Niyakap niya ang bewang ko at pinahinga ang ulo sa sentindo ko, hinayaan ko s'yang gawin 'yun at somehow nakaramdam ako nang kapayapaan sa bisig niya. Hindi ko alam, masakit ang nakita ko kanina kitang kita ng dalawang mata ko ang nangyari. Bigla kasi sumakit ang tiyan ko siguro ang baby ko nakaramdam rin ng sakit, bigla bigla nalang kasing hihilab."Hindi kita nakita ng ilang buwan, nagaalala ako sa'yo ng sobra." mahinang saad niya. "Nalaman ko rin na tapos na ang kontrata mo sa'kin, sinabi sa'kin ni dad. Walang akong pakielam sa kontrara basta nandito ka lang sa tabi ko." saad niya.Napatingin ako sa gilid ng lumabas 'yung ayesha, nagtama ang paningin namin. Lumapit s'ya sa pwesto namin, hinayaan ko s'ya, nakasandal pa rin ako sa kotse ko. Napatingin si tristan dun at hinawakan ang kamay ko."They're looking for you, lalo na si tita." mal
[60]Tristan's POV:Pagkaalis ni amara ay agad na bumuntong hininga si cathalina at sumandal sa upuan, umiling ako alam ko na ayaw niya ipasok si amara sa kumpanya. Pero kasi mukhang determine naman si amara, alam ko na may lambot pa rin ang puso ni cathalina, alam ko na hindi s'ya nagtatanim nang galit sa loob niya. Kaya nga hindi s'ya nagpakita ng emosyon pero alam ko na may tinatago pa rin s'yang kabaitan."Do you think, tama ang naging desisyon ko?" saad niya kunot ang noo. "I don't trust her, isa pa marami ng nagawang hindi ko gusto si amara. Paano nalang kung gawin niya na naman ang mga bagay na ayaw ko? Hindi ko na alam kung pagkakatiwalaan ko pa ba s'ya." saad pa niya."Come here." malambing na saad ko, agad s'yang tumabi sa'kin at niyakap ang bewang ko. "Kagaya ng sinabi ko kanina, set aside your anger towards her. Hindi masamang magbigay ng chances sa mga tao, malay mo naman ay
Hello, Sunshine's! Greetings sa inyong lahat! Gusto ko lang sabihin na maraming salamat sa lahat ng nagbabasa, mambabasa, at magbabasa pa lamang ng aking unang nobela. Sa katunayan marami pa kayong dapat malaman at matutuklasan sa mga susunod na chapters ng kwento. Gusto ko lang rin sabihin na sana suportahan ninyo ako at samahan sa pangarap na nais kong maabot. Palagi po nating tatandaan na walang mahirap basta nagpupursigi tayong lahat upang makarating sa tuktok. I want to promote rin ang aking F******k Acc named Crislen Atencio Sayde, we can be friends there. For imaginary purposes naman po, you can search Avionna Mendez on f******k para mas makita ninyo ang portrayers nina Cathalina at Tristan. Again, each day 4 chapters po ang ip-post ko para hindi kayo mabitin. I hope na nae-engganyo kayo sa pagbabasa at aasahan ko kayong lahat hanggang sa huli.
[61]Cathalina's POV:Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, kaunti nalang at mapupunta na sa'kin ang motor. Kung hindi lang ako kinabig ni tristan malamang ay nakatulala pa din ako, matagal ko ng napapansin na laging may nakasunod sa bawat galaw ko. Isa pa natatakot na rin ako hindi para sa sarili ko, kung hindi para sa baby ko. Hindi pwedeng pati ang baby ko ay madamay sa gulo ng bawat partido, hindi ko alam ang magagawa ko sa kanila kung pati ang batang nasa sinapupunan ko ay madamay sa laban.Inalalayan akong sumakay ni tristan sa kotse, nanginginig pa rin ang kamay ko. Panatag ang loob ko dahil nandito si tristan at isa pa nakikita ko ang galit sa mga mata niya, minsan pa nga ay nakikita ko s'yang nagttraining sa bahay nila. Gusto ko rin kasi s'ya na matuto, dahil hindi sa lahat ng oras ay nandito ako sa tabi niya at mas lalo na kailangan ko ingatan ang anak n
[62]Tristan's POV:SpgMabilis na lumipas ang mga araw at buwan, limang buwan na ang anak namin ni cathalina. Mas lumaki ang tiyan niya para ng pakwan ang tiyan niya, mas lalo lang lumala ang cravings at ang hormones niya. Natatawa na lang ako kapag gigising ako at nasa ibabaw ko na s'ya nakaupo at pinagmamasdan akong matulog. Minsan pa ay hinahalikan ang leeg ko kaya nagigising ako at syempre hindi ako makahindi sa kanya, ending we're on our bed naked and sweating bullets and trusting her deep and hard.Kagaya ngayon madaling araw at nakaupo s'ya sa dibdib ko hubad na ang damit, hinawakan ko ang hita niya. Tinaasan ng kilay inayos ko ang higa ko at nilagay ang isang kamay sa ulo ko. She's sexy, alright parang hindi buntis sa anak namin."Move, i'll eat you." inaantok na saad ko sa kanya at pinisil ang hita niya. "Come on, baby move." saad ko
[63]Cathalina's POV:Hindi niya kailangang ipamukha kasi alam ko naman, hindi niya rin kailangang ipamukha na para bang wala akong kwentang girlfriend kay tristan, hindi ko rin naman ginusto na umalis kasi kailangan. Kailangan dahil para rin kay tristan 'yun, masiguro ang kaligtasan niya. Hindi naman ako umalis dahil selfish ako. Umalis ako kasi kailangang kong lumayo sa kanya para sa kaligtasan nang pamilya niya at lalo na s'ya.Pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim narinig ko pa rin ang komosyon sa labas at wala akong balak makisali. Hindi nalang ako umimik kanina kasi nasasaktan ako, nasasaktan ako dahil may pumalit pala sa'kin habang wala ako. Masakit kasi na hindi ako 'yung kasama niyang malungkot at umiyak, siguro nga wala akong kwenta sa paningin niya."Baby.." narinig ko ang masuyong boses ni tristan, pumunta s'ya sa harap ko at lumuhod. "I'm sorry for what ayesha told you
[64]Tristan's POV:It's 21st birthday of cathalina! At heto sobrang busy ko dahil sabay kong gagawin ang proposal ko at ang birthday niya. Ilang araw na hindi kami nagkita, tiniis ko talaga na hindi kami magkita ng ilang araw. Sa isang resort kami at sinabihan ko na rin si dad, nung isang araw ay nagkausap kami ng senyor, kinabahan ako kasama ko sila mom nun tapos bumisita pa kami sa kanila. At para akong hindi makahinga sa paguusap namin.[Flashback]Nakaupo ako sa sofa kasama ang mom at dad ko, ang senyor ay nasa kabilang sofa. Wala ng tao dito, si amara naman ay nandito rin nakaupo lang s'ya at tahimik. Huminga ako ng malalim at nag salita."Senyor, hindi na ako magtatagal at gusto ko sanang hingin ang permiso ninyo para ayaing pakasalan si cathalina." saad ko at kinabahan pa. "Mahal ko po ang anak ninyo, handa akong gawin ang lahat para sa kanya at sa mga anak na