Mabigat ang ulo ko noong magising ako ulit. Nakahiga pa rin ako sa kamang magulo na ang kobre kama. Halos wala na ring nakatakip sa akin kaya nanginginig ang katawan ko sa lamig noong kinuha ko ang kumot. Pinagpapawisan ako nang matindi pero lamig na lamig ang katawan ko. Wala na si Rodrigo sa kwarto at ako na lamang ang nakahiga. Napatitig ako sa kisame at pilit na inalala ang mga nangyari kahapon. Sa sobrang pagod na nararamdaman ko ay pakiramdam ko nagbuhat ako nang mabigat na bagay. Napahawak ako sa aking tiyan noong bigla iyong kumulo. Nagugutom ako. Tumagilid ako at pilit na pinaglabanan ang nararamdaman kong gutom. Wala kasi akong nakitang pagkain at ayaw ko namang bumaba. Natatakot ako sa mga kasama ko rito. Pero ilang sandali pa ay naramdaman ko na ring nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko na kinaya kaya pinilit ko nang tumayo at hinanap ang suot ko kagabi. Tanging ang long sleeve na lamang ni Rodrigo ang nakita ko kaya iyon ang sinuot ko. “Aray…” mahinang daing ko. Halos hind
Kanina pa umalis si Rodrigo sa mansyon. Iniwan niya ako sa kwarto na tulala pa rin at gulat sa kaniyang sinabi. Ikakasal kami? Ako? Ikakasal ako sa kaniya? Sinapo ko ang aking dibdib at nagpunta sa terrace para sumamyo ng hangin. Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa niya sa aking pagpapahirap? Ang mga traumang ibinibigay niya sa akin at gusto niya pa akong itali sa kaniya? Sinapo ko ang aking dibdib. Ayaw kong makasal sa kaniya. Hindi ako papayag! Napaigtad ako noong biglang may kumatok sa pinto ng kwarto. Agad na bumukas iyon at pumasok si Bruno. Nakita kong nagulat pa siya noong makita niya ang hitsura ko. Hindi pa ako nakapagbibihis dahil nagugulat pa rin ako sa mga nangyayari. Pasimple kong niyakap ang sarili ko. Tumungo naman ito kaagad. “Babalik na lang ho ako kapag nakabihis ka na.” May inilapag siyang paperbag sa kama. “Ito po ang damit mo.” “Saan tayo pupunta?” nagtataka kong tanong. Ang alam ko ay may pupunta rito. “Sasamahan kita sa mag-aayos sa ‘yo para ngayong araw.” N
Tumigil kami ni Bruno sa may resort. Ayaw ko pa sanang bumaba ng sasakyan pero binuksan na ni Bruno ang pinto. Pigil ang luhang bumaba ako at tiningnan ang malaking bahay sa harapan ko. May ilang mga staff na nakangiting lumapit sa akin. “Hello, ma’am. Kayo po si Miss Jane Acosta?” tanong ng nakangiting babae sa akin. Nakasuot siya ng uniporme na pang hotel. Walang ganang tiningnan ko lang siya at tinanguan. “Napaka ganda niyo po. Doon na po tayo sa loob. Naghihintay na si Gov.” Bahagyang umarko ang kilay ko noong marinig ko ang sinabi niya. Ibig sabihin ay kanina pa narito si Rodrigo? Huminga ako nang malalim at tahimik na sinundan siya. Gusto ko nang tumakbo pero parang may sariling buhay ang mga paa ko at sumunod lamang sa kaniya. Habang papalapit kami sa venue ay mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko habang naglalakad. Sabi ko ay mas gugustuhin kong mamatay kaysa sa matali kay Rodrigo. Pero paano? Pumunta kami sa likod ng malaking
“Masaya ka na, ha?! Masaya ka na?!” galit na sabi ko. Hinampas ko ang dibdib ni Rodrigo. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Para akong unti-unting dinudurog dahil sa mga nangyari. Naikasal ako kay Rodrigo kahit ayaw ko. At ngayon ay patay na si Bruno. Namatay si Bruno dahil sa akin! Hinawakan ni Rodrigo ang palapulsuhan ko at pinatigil ako. “Tumigil ka na!” sigaw ni Rodrigo. Nanginig agad ang buong katawan ko pero pilit ko pa ring pinatapang ang sarili ko. “Hindi! Sawang-sawa na ako, Rodrigo! Nakuha mo na ang gusto mo! Ano pa ang kailangan mo sa akin?!” hagulhol ko. Hindi ko na kayang magtagal pa sa feeling niya. Sobrang sakit. Iyong kaisa-isang taong tumutulong sa akin sa bahay nito ay wala na. Kasalanan ko! “Patayin mo na lang ako!”Bigla akong tinulak ni Rodrigo sa kama. Napasubsob agad ako roon at sinubukang maupo. Ngunit hindi pa man ako nakakagalaw ay pinatungan ako ni Rodrigo. Hinawakan niya ang baba ko at bahagyang pinisil ang mga pisngi gamit ang isang kamay. Napanganga ako
“Are you fucking serious?! You married her?!” galit na galit na sigaw ni Clarixto. Kanina, habang siya ay nasa meeting. Ibinalita sa kaniya ng tauhan nila na may nangyari daw’ng gulo sa kanilang mansyon. Doon ay nalaman niya na may mga representative galing DSWD na nagpunta sa kanila. Ngayon lamang niya nalaman na nagpakasal pala ang kaniyang pamangkin. “What are you doing, Rodrigo Navarro?!” Huminga nang malalim si Rodrigo at nakakunot ang noo na tiningnan ang tiyuhin. “Uncle, can you relax? Walang masama kung nagpakasal ako. I’m sorry kung hindi kita na invite. You are busy.” “Hindi mo sinabi sa akin dahil alam mong tututol ako! Are you out of your mind? Alam mo kung sino ang babaeng ‘yon. Alam mo na isa siyang testigo!” Hinampas ni Clarixto ang lamesa. “Baka nga siya ang nagtatago ng gold mo!” Muling huminga nang malalim si Rodrigo. Bumibigat na ang kaniyang paghinga at bumibilis ang pagtibok ng puso. Malamig ang silid nila ngunit bigla ay nakararamdam na siya ng init. Hindi na
Tulalang nakaupo lang ako sa vanity table habang nakatitig sa salamin. Pinayagan na ako ni Rodrigo na pumunta sa sarili kong kwarto rito sa mansyon. Kanina pa siya umalis kaya pansamantalang natahimik ang buhay ko. Tsaka, binigyan na rin niya ako ng cellphone kaya nakakausap ko na rin si Mama palagi. Huminga ako nang malalim at ibinaba ang suklay na hawak ko. Pumunta ako sa may terrace. Ilang araw na akong narito ngunit hindi pa rin ako nakaaalis. Kahit na may kaunting kalayaan na ako rito ay hindi pa rin ako makalabas. Hindi na rin kasi ako binigyan ni Rodrigo ng bodyguard dahil hindi na siya nagtiwala pa sa iba. Maigi na rin iyon para sa akin dahil hindi na kaya ng konsensya ko kung may mamamatay pa nang dahil sa akin. Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya napalingon ako sa loob. Natigilan ako noong makita ko si Sir Navarro na pumasok sa loob. Ang tiyuhin ni Rodrigo. Palagi ko siyang nakikita rito sa mansyon. Noong isang beses pa ay nakasabay namin siyang kumain ng hapu
“Rodrigo!” sigaw ko. Patuloy akong hinila ni Rodrigo hanggang sa makapunta kami sa isang villa. Dere-deretso kaming pumasok papunta sa kwarto. Itinulak ako ni Rodrigo sa kama. Naupo ako sa kama at tiningnan si Rodrigo. “Ano bang problema mo?!” “Ikaw ang problema!” galit na sabi ni Rodrigo at dinuro ako. “Hindi ko alam kung bakit kahit na anong kabutihang ginawa ko sa ‘yo ay ganyan ka pa rin!” Napanganga ako. “Rodrigo. Oo, nasunod ako sa ‘yo. Hinahayaan na kitang pagsamantalahan ako. Pero hindi mapapalitan ang mga kasamaang ginawa mo sa akin ng mga bulaklak at kung ano pa mang regalo na binibigay mo sa akin!” Napasigaw ako noong bigla siyang sumampa sa kama at hinawakan ang baba ko. “Really? So you want me like this, huh?” Pinandilatan niya ako. Napalunok ako at hindi nakasagot. Itinulak niya ako sa kama kaya napahiga ako habang nakalaylay pa rin sa kama ang mga paa. “This is what you want? I will give it to you.” “Rodrigo!” Hinawakan ni Rodrigo ang mga kamay ko at inilagay s
Nagising ako na may humahalik sa balikat ko at batok ko. Gulat na napaupo ako para lang makita si Rodrigo na nakangiti sa akin. Nakabihis na siya ng pormal na damit niya at maayos ang buhok. “B-Bakit?” nagtatakang tanong ko. Inayos ko ang pagkakatakip ng kumot sa katawan ko. “Be ready. Mag-almusal ka na. May party tayong pupuntahan at kailangan kita roon.”Napakunot ang noo ko. “Party? Saan? Ano'ng meron?”“We're just celebrating dahil naumpisahan na ang paggawa ng resort. Ipapakilala na rin kita ng pormal sa mga tao bilang asawa ko.”Lalo akong nagtaka. Resort? Ibig sabihin natuloy ang resort na balak nilang gawin noon? Tumango ako at mahigpit na kumapit sa kumot ko. “I will go now. May mga pupunta rito para ayusan ka kaya kumain ka na, ha?” aniya pa at hinalikan ako sa ulo. Hindi ako sumagot at tumungo lang. Hinintay kong lumabas siya bago ako muling napahiga. Aalis na naman kami? Mula noong magreklamo akong gusto ko ulit makalabas ay palagi na niya akong sinasama. Madalas kamin
Hello, readers! Kumusta po? Thank you so much for reading this story! Haha! Maraming salamat po sa inyong suporta. Sana po ay nagustuhan niyo ang kwento ni Rodrigo Navarro at ni Jane Acosta kahit na... Hehe! Salamat pa rin po! Ang kwento na ito ay tapos na pero ang kwento ng mga Savage Men ay hindi pa tapos. Opo, may dalawa pa pong story ang Savage Men Series. Susubukan ko pong mai-post agad dito pero sa ibang platform ko po muna ita-type. Sana po ay suportahan niyo rin iyon kagaya ng pagsuporta niyo sa Governor's Possession! Maraming salamat po! ~Ameiry Savar
8 months later Napangiti si Jane habang pinagmamasdan si Brian at Renz na tumatakbo sa dalampasigan. Nakaupo siya sa beach chair habang hinahaplos ang kaniyang tiyan. Kabuwanan na niya ngayon pero ginusto pa rin niyang magbakasyon. Wala rin naman siyang ginagawa kundi ang mahiga lamang at tumitig sa malawak na karagatan. Pinag-iisipan na nga niyang bumili ng bahay na malapit sa dagat. Napabuga ng hangin si Jane at isinandig ang likod sa upuan. Kasama niya ang kaniyang pamilya. Maging sina Rico at Jaxon ay narito sa Pinas para samahan siya sa panganganak. Matapos ang mga nangyari ay unti-unti na ring nagmo-move on si Jane. Lalo na at buntis siya ngayon. At oo, si Rodrigo pa rin ang ama. Muling napabuga ng hangin si Jane at sinapo ang kaniyang tiyan. Isang buwan matapos mamatay ni Rodrigo ay nalaman niyang buntis pala siya. Noong una ay hindi niya alam ang gagawin sa ipinagbubuntis niya. Mayroong nagsabi sa kaniya na pwede niyang ipatanggal iyon. Ngunit noong makita ni Jane si Ren
Ilang sandali na silang nagbabyahe noong biglang pinara ni Brian ang kotse. Nagising bigla si Jane dahil sa lakas niyon at napatingin siya sa labas. May nakita siyang iilang mga kotseng nakaparada rin at sa unahan nila ay may mga lalakeng may hawak na mga baril. “B-Brian. Ano ‘to? Ano ang nangyayari?” nag-aalalang tanong ni Jane. Humigpit naman ang hawak ni Brian sa manibela. Hindi na siya magugulat kung tauhan ng ama niya ang mga ito. “H’wag kang lalabas,” utos ni Brian. Tumango lamang si Jane at bahagya pang nagtago sa ibaba. Pinanood niya si Brian na lumapit sa mga taong may hawak na baril. Ngunit nagulat siya noong makita niyang tinutukan ang binata ng baril. Ilang sandali pa ay may lumakad na rin papalapit sa kaniya at marahas na binuksan ang pinto sa kanyang tabi. Napasigaw si Jane noong bigla siyang hinila palabas ng lalake. “Bitawan niyo siya!” sigaw ni Brian. Lalapitan sana niya si Jane ngunit biglang may humarang sa kaniya. “Sir, sumunod na lang kayo. Utos ito ni Gov.
Kanina pa nakalabas si Rodrigo ngunit wala pa ring tigil si Jane sa pag-iyak. Mahigpit ang hawak niya sa kumot na tumatabing sa kaniyang katawan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan habang pilit na kinakalma ang sarili. Buong akala niya ay nagbago na ang binata. Ngunit mali siya. Hanggang ngayon ay isa pa rin pala itong demonyo. Isang demonyo na hindi titigil hanggat hindi hindi nakukuha ang gusto. Kaya ba nito naisipang ipa-kidnap siya ngayon? Para makuha nito ang gusto nito? Sana lamang talaga ay hindi nito isinali ang anak nila. Muling napaluha si Jane noong maalala si Renz. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. Kailangan niyang makaalis dito. Hindi na siya muli pang magpapakulong sa binata! Muling huminga nang malalim si Jane na para bang makatutulong iyon para bumuti ang kaniyang lagay. Kahit manlang makaalis siya rito ay dapat niyang gawin. Inayos ni Jane ang pagkakapulupot ng kumot sa kaniyang katawan. Napailing na lamang siya noong makita na sirang-sira ang kaniyang pan
Kanina pa nakatayo si Brian sa may gilid ng mansyon nila Rodrigo. Kanina pa rin niya sinusubukang pumasok doon dahil nakita niya si Renz na dito dinala ng tauhan ng kaniyang ama. Pero palagi siyang pinipigilan ng mga bantay ng mansyon dahil hindi raw siya pwedeng pumasok sa loob. Hindi niya maiwasang mainis dahil halatang ginawa na ng kaniyang ama ang lahat para lang hindi siya makalapit sa mag-ina. Alam nito na gagawin niya ang lahat para makita ang mga ito. Kanina niya pa rin nakita na hindi dumadating si Rodrigo o ang kaniyang ama. Kaya noong mapagtanto niyang wala siyang mapapala roon ay minabuti niyang umuwi sa bahay nila. “Brian. Saan ka nagpunta?” salubong ni Cathy sa anak noong makita nitong pumasok ang binata sa bahay. “Mom!” Agad na lumapit si Brian sa ina. “May pupuntahan ka?” Nangunot ang noo ni Cathy. “Yes. Kaya nga kanina pa kita hinihintay. Nakalimutan mo ba na ilalabas mo ako ngayon?” Sandaling napaisip si Brian. Muli niyang na alala ang pangako niya rito na magba
Blangko ang isipan habang nagmamaneho si Rodrigo papalayo sa bahay-bakasyunan nila. Kanina pa tumatakbo sa kaniyang isipan ang mga nangyari. Ayaw niyang maniwala na nagawa niya iyon kay Jane. Hindi niya masisisi si Jane kung talagang gusto nito mapawalang bisa ang kanilang kasal. Oo, hindi niya kayang mawala ang dalaga sa kaniya ulit. Pero hindi siya mawawalan ng pag-asa para mapatawad siya nito. Kaya hindi niya mawari ngayon kung bakit at paano niya ba iyon nagawa. Inis na tumigil sa pagmamaneho si Rodrigo sa gilid ng kalsada at sumandig sa upuan. Bumuntonghininga siya at tumitig sa kisame ng kotse niya. Mali ba na gustuhin niyang makasama si Jane? Unti-unting nangilid ang mga luha niya habang bumabalik sa kaniyang isipan ang takot na takot at galit na imahe ng dalaga. Kulang na lang ay murahin siya nito kanina. I will never love a monster like you! Parang kutsilyong tumatarak ang mga salitang iyon sa kaniyang dibdib. Lahat ay ginawa ni Rodrigo. Mahirap para sa kaniyang baguhin
Napasinghap si Rodrigo noong bigla siyang nagising. Masakit pa ang kaniyang ulo at medyo nahihilo pa. Dahan-dahan siyang naupo at ipinikit ang mga mata. Sinapo niya ang kaniyang na para bang binibiyak sa dalawa. What happened? nagtatakang tanong niya sa sarili. Ang huli niyang na aalala ay kausap niya ang kaniyang tiyuhin. May pinagtatalunan sila ngunit hindi niya maalala kung ano. Napabuga ng hangin si Rodrigo at muling nahiga. Dadapa sana siya noong may matamaan ang kamay niyang malambot at mainit na bagay. Agad siyang napatingin sa kaniyang tabi at napaupo noong may makita siyang babae sa kaniyang tabi. Did I just– “Jane?!” gulat na sabi ni Rodrigo noong mapagsino niya ang babaeng katabi niya. Hinawakan niya ang balikat nito at akmang ihaharap sa kaniya noong biglang naupo ang kaniyang asawa at pinandilatan siya ng mga mata. Nakaramdam siya nang pagkalito noong makita niya ang matinding takot sa mga mata nito. Kapansins-pansin din ang pamumula ng mga pisngi nito at mga mata na pa
Habol ang hininga na biglang nagising si Jane. Madilim ang kaniyang paningin noong minulat niya ang kaniyang mga mata. Noong sinubukan niyang sumigaw ay tanging mahinang ungol lamang ang kumawalang tunong mula sa kaniya. Sinubukan niyang gumalaw ngunit hindi niya maigalaw ang kaniyang mga kamay. Where am I?! Biglang napaiyak si Jane noong maalala niya ang nangyari sa kaniya. Hindi siya pwedeng magkamali. Ang lalakeng iyon ang bumaril sa kaniya noon! Pinilit ni Jane gumalaw ngunit siya talaga ay nakatali. Kahit ano ang pilit niyang paggalaw ay wala siyang magawa. Ang anak ko? Diyos ko! Renz! Lalong nagkumawala si Jane sa kaniyang pagkakagapos ngunit unti-unti lamang naubos ang kaniyang lakas ay hindi siya nakawala. Hinihingal na tumigil siya at nakiramdam sa paligid. Napakatahimik. Wala siyang ibang naririnig kundi ang mabilis at malalim niyang mga paghinga. Diyos ko. Ano ang nangyayari? Sino ang gumawa nito? Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nasa ganoong posisyon
“What brings you here, Rodrigo?” tanong ni Clarixto noong biglang pumasok ang pamangkin sa loob ng kaniyang opisina. Wala pang tanghali pero mamula-mula na ang mga pisngi nito at ang mga mata. “Why? Last time I check, ako pa rin ang may-ari nito,” tugon ni Rodrigo. Napangisi si Clarixto. “Yes.” Umiling-iling siya. “I heard na hinayaan mo raw ang mag-ina mong umalis at pumunta sa Cavite.” Napabuga ng hangin si Rodrigo. Tumayo siya at lumapit sa mini-bar ng kaniyang tiyuhin at nagsalin ng alak. Ilang araw nang wala ang kaniyang mag-ina at wala siyang balita pa sa mga ito. Medyo na iinip na nga siya kaya inaaliw na lamang niya ang sarili sa pagpunta sa bar nila. “Yep. I thought it is right. Magulang naman iyon ni Jane. They have a right to know that she is back.” Bahagyang umarko ang mga kilay ni Clarixto at hindi makapaniwalang tiningnan ang likod ng pamangkin. Sumandal siya sa kaniyang swivel chair at ibinaba ang hawak na papel. “At kailan pa naisip ng isang Rodrigo Navarro ang k