Ang balita ko ay nasa ospital pa rin daw sila Lana kaya roon ako dumeretso. Hindi mawala-wala ang kaba ko mula noong umalis kami ng mansyon. Awang-awa ako sa sinapit nila lalong-lalo na kay Lana. Kagaya ng sabi ni Rodrigo ay mayroon akong kasama na tauhan. Siya ngayon ang nagmamaneho ng sinasakyan ko. Siguro ay hindi siya nalalayo sa edad ni Rodrigo. Bata pa pero hindi ko kinakausap. Lahat ng mga taong nalalapit kay Rodrigo ay masasama rin. Sigurado ako kung uutusan ito ni Rodrigo na patayin ako ay hindi ito magdadalawang-isip na gawin iyon. Gano’n sila kahalang ang mga kaluluwa. Tahimik lang ako sa kotse at pilit na nilibang ang sarili sa mga nadadaanan namin. Grabe… Parang ang tagal kong hindi nakalabas gayong halos isang araw lang naman ako nakulong sa bahay na iyon. Na miss ko agad na pumasok sa eskwelahan namin. Hindi pwede na ganito ako habang-buhay. Kailangan kong makaisip paano ako makakalayo kay Rodrigo nang walang mapapahamak sa mga mahal ko sa buhay. Binibigyan niya nga a
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakaluhod sa tapat ng pinto nila Lala. Pero hindi ako umalis doon habang umiiyak at nagmamakawa sa kanila. Hindi pa sana ako aalis doon kung hindi lang nanginig na ang mga hita ko at sapilitan na akong binuhat ni Bruno. Inupo niya ako sa may waiting area malapit sa nurse station sa itaas. Pero kahit naroon na ako ay hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak. Sobrang sakit! Lalo akong nanlumo noong malaman ko sa mga nurse na grabe pala ang sinapit ni Lana. Mula noong dinala siya rito sa ospital ay hindi pa rin ito nagsasalita. Tulala lang siya palagi at umiiyak. Minsan daw ay bigla na lamang ito humahagulhol na lang at nagmamakaawang h'wag lalapitan. Hindi rin daw ito mahawakan minsan dahil nagwawlaa at nanginginig sa takot. Diyos ko! Kawawa naman ang kaibigan ko. Napakasakit na dinadanas ito ngayon ni Lana. Hindi ko ginusto ang nangyari pero tama naman si Tita. Kung siguro ay hindi ako umalis noon ay hindi ito mangyayari sa kaniya. Napaka laking pag
Halos hindi na ako bitawan ni Mama noong paalis na kami. Hindi ko rin gustong umalis sa tabi niya pero wala akong pagpipiliian. Panay ang iyak ko noong nasa loob na kami ng kotse. Sana ay makinig sa akin si Mama na umalis na lamang at bumalik ng Cavite. Ayaw kong malaman ni Rodrigo na nakita ko si Mama. Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang sarili. Tiningnan ko si Bruno na tahimik na nagmamaneho sa harapan.“Pwede bang hindi mo muna ako iuwi sa mansyon?” tanong ko. Napatingin sa akin si Bruno mula sa rearview mirror. “Nagugutom ka ba? Pwede naman tayo dumaan sa kainan,” aniya. Bumuntonghininga ako at tumingin sa labas. Wala akong ganang kumain. Hindi ko nga tanda kung kailan ba ang huling kain ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakararamdam ng gutom. Parang kusa nang sumusuko ang katawan ko dahil sa mga nangyayari. “May gusto ka pa bang puntahan?” tanong pa ni Bruno. “May mapupuntahan pa ba akong iba? Wala na naman, ‘di ba? Laha ng galaw ko ay alam ng amo mo.
Napakagat ako ng labi noong bahagyang dumikit sa balat ko ang bagay na iyon. Parang may kumuryente sa akin pero hindi masakit. Nakakikiliti iyon at pakiramdam ko nagtatayuan na lahat ng buhok ko sa katawan. Napapikit ako nang mariin at humigpit ang hawak sa tali sa kamay ko. Naramdaman kong gumalaw si Rodrigo at tumigil noong nasa may baywang ko na siya. Muli akong napamulat ng mga mata. Nakaupo na siya sa may tiyan ko at titig na titig sa mukha ko. “I-Ilayo mo sa akin ‘yon,” nahihirapang sabi ko. Pero ngumiti lang siya sa akin. Napahiyaw na lamang ako noong maramdaman kong tuluyang dumikit iyon sa pagkababae ko. Hindi sapat ang suot kong panty para maharang ang kuryenteng dumadaloy mula sa aparatong iyon. Halos manginig ang buong katawan ko dahil doon pero may kakaibang kiliti iyong binibigay sa akin. Pinilit kong paglabanan ang nararamdaman kong iyon at tinitigan sa mga mata si Rodrigo. “P-Please…”Tumawa lang si Rodrigo. Unti-unting bumaba ang ulo niya pero hindi pa rin na aalis a
Mabigat ang ulo ko noong magising ako ulit. Nakahiga pa rin ako sa kamang magulo na ang kobre kama. Halos wala na ring nakatakip sa akin kaya nanginginig ang katawan ko sa lamig noong kinuha ko ang kumot. Pinagpapawisan ako nang matindi pero lamig na lamig ang katawan ko. Wala na si Rodrigo sa kwarto at ako na lamang ang nakahiga. Napatitig ako sa kisame at pilit na inalala ang mga nangyari kahapon. Sa sobrang pagod na nararamdaman ko ay pakiramdam ko nagbuhat ako nang mabigat na bagay. Napahawak ako sa aking tiyan noong bigla iyong kumulo. Nagugutom ako. Tumagilid ako at pilit na pinaglabanan ang nararamdaman kong gutom. Wala kasi akong nakitang pagkain at ayaw ko namang bumaba. Natatakot ako sa mga kasama ko rito. Pero ilang sandali pa ay naramdaman ko na ring nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko na kinaya kaya pinilit ko nang tumayo at hinanap ang suot ko kagabi. Tanging ang long sleeve na lamang ni Rodrigo ang nakita ko kaya iyon ang sinuot ko. “Aray…” mahinang daing ko. Halos hind
Kanina pa umalis si Rodrigo sa mansyon. Iniwan niya ako sa kwarto na tulala pa rin at gulat sa kaniyang sinabi. Ikakasal kami? Ako? Ikakasal ako sa kaniya? Sinapo ko ang aking dibdib at nagpunta sa terrace para sumamyo ng hangin. Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa niya sa aking pagpapahirap? Ang mga traumang ibinibigay niya sa akin at gusto niya pa akong itali sa kaniya? Sinapo ko ang aking dibdib. Ayaw kong makasal sa kaniya. Hindi ako papayag! Napaigtad ako noong biglang may kumatok sa pinto ng kwarto. Agad na bumukas iyon at pumasok si Bruno. Nakita kong nagulat pa siya noong makita niya ang hitsura ko. Hindi pa ako nakapagbibihis dahil nagugulat pa rin ako sa mga nangyayari. Pasimple kong niyakap ang sarili ko. Tumungo naman ito kaagad. “Babalik na lang ho ako kapag nakabihis ka na.” May inilapag siyang paperbag sa kama. “Ito po ang damit mo.” “Saan tayo pupunta?” nagtataka kong tanong. Ang alam ko ay may pupunta rito. “Sasamahan kita sa mag-aayos sa ‘yo para ngayong araw.” N
Tumigil kami ni Bruno sa may resort. Ayaw ko pa sanang bumaba ng sasakyan pero binuksan na ni Bruno ang pinto. Pigil ang luhang bumaba ako at tiningnan ang malaking bahay sa harapan ko. May ilang mga staff na nakangiting lumapit sa akin. “Hello, ma’am. Kayo po si Miss Jane Acosta?” tanong ng nakangiting babae sa akin. Nakasuot siya ng uniporme na pang hotel. Walang ganang tiningnan ko lang siya at tinanguan. “Napaka ganda niyo po. Doon na po tayo sa loob. Naghihintay na si Gov.” Bahagyang umarko ang kilay ko noong marinig ko ang sinabi niya. Ibig sabihin ay kanina pa narito si Rodrigo? Huminga ako nang malalim at tahimik na sinundan siya. Gusto ko nang tumakbo pero parang may sariling buhay ang mga paa ko at sumunod lamang sa kaniya. Habang papalapit kami sa venue ay mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko habang naglalakad. Sabi ko ay mas gugustuhin kong mamatay kaysa sa matali kay Rodrigo. Pero paano? Pumunta kami sa likod ng malaking
“Masaya ka na, ha?! Masaya ka na?!” galit na sabi ko. Hinampas ko ang dibdib ni Rodrigo. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Para akong unti-unting dinudurog dahil sa mga nangyari. Naikasal ako kay Rodrigo kahit ayaw ko. At ngayon ay patay na si Bruno. Namatay si Bruno dahil sa akin! Hinawakan ni Rodrigo ang palapulsuhan ko at pinatigil ako. “Tumigil ka na!” sigaw ni Rodrigo. Nanginig agad ang buong katawan ko pero pilit ko pa ring pinatapang ang sarili ko. “Hindi! Sawang-sawa na ako, Rodrigo! Nakuha mo na ang gusto mo! Ano pa ang kailangan mo sa akin?!” hagulhol ko. Hindi ko na kayang magtagal pa sa feeling niya. Sobrang sakit. Iyong kaisa-isang taong tumutulong sa akin sa bahay nito ay wala na. Kasalanan ko! “Patayin mo na lang ako!”Bigla akong tinulak ni Rodrigo sa kama. Napasubsob agad ako roon at sinubukang maupo. Ngunit hindi pa man ako nakakagalaw ay pinatungan ako ni Rodrigo. Hinawakan niya ang baba ko at bahagyang pinisil ang mga pisngi gamit ang isang kamay. Napanganga ako