Pagkatapos ni Rod maligo ay nagbihis siya ng itim na pantalon at puting polo. Halos pare-parehas ang kaniyang mga damit. At sa dami ng mga meetings niya ay kailangang nakapormal na damit pa rin kahit na ayaw niyang um-attend roon. Lahat ng mga gamit niya ay maayos na nakalagay. Lahat ay magkakapantay ang bawat sukat at magkakasama ang bawat kulay. Maingat iyong inaayos ng katulong nila palagi dahil napapansin agad ni Rod kapag may hindi tama. At hindi gugustuhin ng mga katulong niya na sumama ang mood niya. Hindi na siya nag-abala pang ayusin ang buhok. Sinuklay na lamang niya iyon gamit ang mga daliri. Pabalik si Rod sa eskwelahan para sunduin si Jane. “Rod? Where are you going?” nagtatakang tanong ni Clarixto noong makita niya ang pamangkin na naglalakad pababa ng hagdan. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inis dito dahil mukhang maayos na naman ang pakiramdam nito. Matapos nitong pumatay ng isang tauhan nila ay parang wala lang ito sa binata. “Business, Uncle. Business.” “Wha
“Tama ba ito, Carlo?” nag-aalalang tanong ko. Magkatabi kaming nakaupo ni Carlo sa bus na sinakyan namin. Kanina pa kami nagbabyahe at hindi ko alam kung nasaan na kami. “H'wag kang mag-alala, Jane. Makakalayo rin tayo sa kaniya.”Bumuntonghininga ako. “Sana nga. Kanina pa ako kinakabahan,” aniko at tumingin sa paligid. Wala namang kakaiba sa mga kasabay naming pasahero. Pero pakiramdam ko ay may nakatingin sa amin. “Hindi kita pababayaan, Jane. Ako ang bahala sa ‘yo.”Marahan akong tumango at naluluhang tumingin sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung bakit biglang naging ganito ang buhay ko. Siguro nga kasalanan ko nga rin ito. Kung hindi siguro ako nangialam ay hindi na ito mangyayari. Pero paano naman si James? Namatay na lamang siya na walang hustisyang natatanggap. Gusto ko lang naman tumulong pero ang kapalit niyon ay kalayaan ko. Napakapit ako sa kwintas ko. Kahit na ano ang mangyari ay hinding-hindi ko ipapaalam kay Rodrigo Navarro kung nasaan ang mga ginto. Mamamatay akon
“Napaka sama mo talaga, Rod! Isinusumpa kita!” sigaw ko habang pinagpapalo ang kaniyang dibdib. Hindi ko matanggap na hinayaan niyang pagsamantalahan si Lana ng kaniyang mga tauhan. Binaboy nila si Lana! Napaka sama nila! “Hayop ka!” Sinampal ko ang kaniyang pisngi. Hingal na hingal na tinitigan ko siya. Napatingin sa gilid si Rodrigo. Hindi siya sumagot pero sinapo niya ang kaniyang pisngi at dahan-dahang tumingin sa akin. Napalunok ako noong biglang naging matalim ang mga tingin niya sa akin. Napaatras ako noong humakbang siya. Ngunit marahas niyang hinawakan ang baba ko at bahagyang pinisil ang pisngi ko. “This is your fault, Jane! Kung hindi ka umalis, edi sana hindi na ‘to nangyari pa. Sisihin mo ang sarili mo, Jane! Kasalanan mo!” “Hayop ka!” sigaw ko at pilit na kumawala kay Rod. Tumakbo ako papunta kay Lana na nakatulala pa ring nakatingin sa gilid. Habag na habag ako sa kaniyang hitsura dahil halata ang kaniyang pagkahapo. “D-Diyos ko, Lana!” humagulhol ako at agad na hinub
Wala pa rin akong tigil sa pag-iyak hanggang sa makalabas na kami sa basement. Hila-hila ako ni Rod hanggang sa makarating kami sa ikalawang palapag ng mansyon. Sa loob ng silid niya na pinagadalhan niya sa akin noon. “Mula ngayon ay dito ka na titira, Jane. HIndi ka lalabas sa kwartong ito. Na iintindihan mo ba?” ani Rod. Binitawan niya ako at hinarap. Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko dahil sa labis na emosyon. Pero kahit ano’ng pigil ko sa luha ko ay para iyong talon na patuloy na sa pag-agos. “I-Ikukulong mo ako rito? Rod. May buhay rin ako. Hindi mo ako pwedeng ikulong dito,” nanghihinang sabi ko. Tinitigan niya ako. “Akala ko ba susundin mo lahat ng gusto ko?” hindi makapaniwalang tanong niya. Napakagat ako ng labi at agad na nag-iwas ng tingin. “P-Pero hindi mo ako pwedeng ikulong dito habang-buhay. Rod, may buhay ako. Nag-aaral ako!” “You don’t need to study, Jane. Sinabi ko na ‘yo. Be mine, and I will giv
Mariing nakatitig si Clarixto sa quarangle mula sa bintana ng kaniyang opisina sa unibersidad ng kaniyang pamangkin. Kaaalis lang ng isa nilang tauhan na kaniyang tinanong tungkol sa nangyari kagabi. Hindi siya makapaniwala sa inasal ni Rodrigo. “Bakit hindi mo agad pinatay, Rodrigo?” tanong ni Clarixto sa sarili. “Ano ang nangyayari sa ‘yo?”Marahas na bumuntonghininga siya. Kapag may ganitong pangyayari ay hindi na pinagpapaliwanag pa ni Rodrigo ang may kasalanan sa kanila. Agad nito itong pinapatahimik dahil madalas ay nadadala ito ng galit. Na hinahayaan lamang ni Clarixto. Alam niyang may sakit ang pamangkin ngunit nagagamit niya ito para magpatuloy ang kanilang operasyon. Ngayon na hindi magawang pumatay ni Rodrigo ay hindi ito magandang balita para sa kaniya. “Uncle! You are looking for me?” Napatingin si Clarixto sa kaniyang likuran noong marinig niya ang boses ng pamangkin. Kapapasok pa lang nito sa opisina niya at isinasara ang pinto. Umalis si Clarixto sa may bintana at
Napatayo ako noong biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Nakaupo lang ako kanina sa gilid ng kama at iniisip ang gagawin ko. Kagaya ng sabi ni Rodrigo ay hindi nga niya ako pinaalis ng bahay. Ni hindi niya ako pinapasok ngayon sa school. Gusto kong puntahan ang mga kaibigan ko pero wala akong magawa. Dahil kahit na ano ang pakiusap ko ay hindi niya ako pinapayagan. Nagmamadaling pumasok si Rod at dumeretso sa loob ng banyo. Nakahinga ako nang maluwag noong hindi ko na siya nakita. Napaupo ako ulit sa kama at sinapo ang dibdib. Parang hindi na naman maganda ang timpla ni Rodrigo ngayon. Ano kaya ang nangyari? Nanatili ako sa pwesto ko ng ilang sandali. Hindi rin naman lumabas si Rodrigo sa banyo kaya medyo naging panatag pa ako. Kailangan ko siyang mapakiusapan na makalabas ako rito. Kailangan kong malaman kung kumusta na si Lana. Hindi ako mapakali. Nagawa bang makaligtas ni Lawrence? Mabuti na ba si Lana? Ang dami kong tanong at lahat ng iyon ay masasagot lamang kapag makita ko sila
“Oh, fuck!” ungol ni Rodrigo kasabay ng pagdiin ng balakang niya sa gitna ko. Hinihingal na dumagan siya sa akin at umunan sa dibdib ko. Naghabol din ako ng paghinga at napatulala sa kisame. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari kanina. Napalunok ako at mariing pinikit ang gma mata. Hindi agad umalis si Rodrigo sa ibabaw ko kaya tiniis ko ang bigat niya habang mahigpit pa ring nakahawak sa kobre kama. Tumugon ako sa kaniya. Sa mga halik niya. Sa mga haplos niya. Sa mga galaw niya. Hinayaan ko siya at malugod iyong tinanggap kanina. Para akong sinasampal ngayon ng katotohanan. Paano ko iyon nagawa? Bakit ko siya hinayaan? Oo. Wala akong magagawa kundi ang sumunod sa kaniya dahil ayaw kong masaktan ulit. Pero nakita niya kung gaano ko iyon nagustuhan. Gumalaw si Rodrigo kaya agad akong napatingin sa gilid ko. Naramdaman kong umangat siya nang kaunti pero hindi umalis sa ibabaw ko. Napakislot ako noong hinaplos niya ang noo ko gamit ng isang daliri. “You are good at this, Jane. Gust
Inayos ni Rodrigo ang kaniyang kwelyo bago bumaba ng kaniyang sasakyan. Nakita niya agad ang ilang mga tao na may hawak na placards at panay ang sigaw sa kanila. Lahat ng mga ito ay galit na galit dahil sa kanilang gagawing resort. Napailing na lamang si Rodrigo at naglakad na papunta sa munisipyo. Mayroon silang meeting ngayon tungkol sa resort dahil kailangan na nila iyong umpisahan. Na iinip na ang mga investor nila at gusto na ng mga ito makita ang resulta. Kung hindi lang dahil sa kaniyang posisyon ay ginamitan na ni Rodrigo ng dahas ang lahat. Kalahati kasi ng mga naninirahan sa baranggay bato kung saan nila itatayo ang resort ay hindi pa rin umaalis sa lugar. Iyon ang mga nasa labas ngayon at patuloy na nagpoprotesta dahil mayroon na silang sinirang mga bahay. Hindi natitinag ang mga ito kahit triple na ang pera na ino-offer nila nung una ang kanilang ibibigay. “Gov. Nasa loob na po sila,” ani Maria, ang sekretarya ni Rodrigo. Nginitian ito ni Rodrigo habang hinahagod ng tin
Hello, readers! Kumusta po? Thank you so much for reading this story! Haha! Maraming salamat po sa inyong suporta. Sana po ay nagustuhan niyo ang kwento ni Rodrigo Navarro at ni Jane Acosta kahit na... Hehe! Salamat pa rin po! Ang kwento na ito ay tapos na pero ang kwento ng mga Savage Men ay hindi pa tapos. Opo, may dalawa pa pong story ang Savage Men Series. Susubukan ko pong mai-post agad dito pero sa ibang platform ko po muna ita-type. Sana po ay suportahan niyo rin iyon kagaya ng pagsuporta niyo sa Governor's Possession! Maraming salamat po! ~Ameiry Savar
8 months later Napangiti si Jane habang pinagmamasdan si Brian at Renz na tumatakbo sa dalampasigan. Nakaupo siya sa beach chair habang hinahaplos ang kaniyang tiyan. Kabuwanan na niya ngayon pero ginusto pa rin niyang magbakasyon. Wala rin naman siyang ginagawa kundi ang mahiga lamang at tumitig sa malawak na karagatan. Pinag-iisipan na nga niyang bumili ng bahay na malapit sa dagat. Napabuga ng hangin si Jane at isinandig ang likod sa upuan. Kasama niya ang kaniyang pamilya. Maging sina Rico at Jaxon ay narito sa Pinas para samahan siya sa panganganak. Matapos ang mga nangyari ay unti-unti na ring nagmo-move on si Jane. Lalo na at buntis siya ngayon. At oo, si Rodrigo pa rin ang ama. Muling napabuga ng hangin si Jane at sinapo ang kaniyang tiyan. Isang buwan matapos mamatay ni Rodrigo ay nalaman niyang buntis pala siya. Noong una ay hindi niya alam ang gagawin sa ipinagbubuntis niya. Mayroong nagsabi sa kaniya na pwede niyang ipatanggal iyon. Ngunit noong makita ni Jane si Ren
Ilang sandali na silang nagbabyahe noong biglang pinara ni Brian ang kotse. Nagising bigla si Jane dahil sa lakas niyon at napatingin siya sa labas. May nakita siyang iilang mga kotseng nakaparada rin at sa unahan nila ay may mga lalakeng may hawak na mga baril. “B-Brian. Ano ‘to? Ano ang nangyayari?” nag-aalalang tanong ni Jane. Humigpit naman ang hawak ni Brian sa manibela. Hindi na siya magugulat kung tauhan ng ama niya ang mga ito. “H’wag kang lalabas,” utos ni Brian. Tumango lamang si Jane at bahagya pang nagtago sa ibaba. Pinanood niya si Brian na lumapit sa mga taong may hawak na baril. Ngunit nagulat siya noong makita niyang tinutukan ang binata ng baril. Ilang sandali pa ay may lumakad na rin papalapit sa kaniya at marahas na binuksan ang pinto sa kanyang tabi. Napasigaw si Jane noong bigla siyang hinila palabas ng lalake. “Bitawan niyo siya!” sigaw ni Brian. Lalapitan sana niya si Jane ngunit biglang may humarang sa kaniya. “Sir, sumunod na lang kayo. Utos ito ni Gov.
Kanina pa nakalabas si Rodrigo ngunit wala pa ring tigil si Jane sa pag-iyak. Mahigpit ang hawak niya sa kumot na tumatabing sa kaniyang katawan. Nanginginig ang kaniyang buong katawan habang pilit na kinakalma ang sarili. Buong akala niya ay nagbago na ang binata. Ngunit mali siya. Hanggang ngayon ay isa pa rin pala itong demonyo. Isang demonyo na hindi titigil hanggat hindi hindi nakukuha ang gusto. Kaya ba nito naisipang ipa-kidnap siya ngayon? Para makuha nito ang gusto nito? Sana lamang talaga ay hindi nito isinali ang anak nila. Muling napaluha si Jane noong maalala si Renz. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. Kailangan niyang makaalis dito. Hindi na siya muli pang magpapakulong sa binata! Muling huminga nang malalim si Jane na para bang makatutulong iyon para bumuti ang kaniyang lagay. Kahit manlang makaalis siya rito ay dapat niyang gawin. Inayos ni Jane ang pagkakapulupot ng kumot sa kaniyang katawan. Napailing na lamang siya noong makita na sirang-sira ang kaniyang pan
Kanina pa nakatayo si Brian sa may gilid ng mansyon nila Rodrigo. Kanina pa rin niya sinusubukang pumasok doon dahil nakita niya si Renz na dito dinala ng tauhan ng kaniyang ama. Pero palagi siyang pinipigilan ng mga bantay ng mansyon dahil hindi raw siya pwedeng pumasok sa loob. Hindi niya maiwasang mainis dahil halatang ginawa na ng kaniyang ama ang lahat para lang hindi siya makalapit sa mag-ina. Alam nito na gagawin niya ang lahat para makita ang mga ito. Kanina niya pa rin nakita na hindi dumadating si Rodrigo o ang kaniyang ama. Kaya noong mapagtanto niyang wala siyang mapapala roon ay minabuti niyang umuwi sa bahay nila. “Brian. Saan ka nagpunta?” salubong ni Cathy sa anak noong makita nitong pumasok ang binata sa bahay. “Mom!” Agad na lumapit si Brian sa ina. “May pupuntahan ka?” Nangunot ang noo ni Cathy. “Yes. Kaya nga kanina pa kita hinihintay. Nakalimutan mo ba na ilalabas mo ako ngayon?” Sandaling napaisip si Brian. Muli niyang na alala ang pangako niya rito na magba
Blangko ang isipan habang nagmamaneho si Rodrigo papalayo sa bahay-bakasyunan nila. Kanina pa tumatakbo sa kaniyang isipan ang mga nangyari. Ayaw niyang maniwala na nagawa niya iyon kay Jane. Hindi niya masisisi si Jane kung talagang gusto nito mapawalang bisa ang kanilang kasal. Oo, hindi niya kayang mawala ang dalaga sa kaniya ulit. Pero hindi siya mawawalan ng pag-asa para mapatawad siya nito. Kaya hindi niya mawari ngayon kung bakit at paano niya ba iyon nagawa. Inis na tumigil sa pagmamaneho si Rodrigo sa gilid ng kalsada at sumandig sa upuan. Bumuntonghininga siya at tumitig sa kisame ng kotse niya. Mali ba na gustuhin niyang makasama si Jane? Unti-unting nangilid ang mga luha niya habang bumabalik sa kaniyang isipan ang takot na takot at galit na imahe ng dalaga. Kulang na lang ay murahin siya nito kanina. I will never love a monster like you! Parang kutsilyong tumatarak ang mga salitang iyon sa kaniyang dibdib. Lahat ay ginawa ni Rodrigo. Mahirap para sa kaniyang baguhin
Napasinghap si Rodrigo noong bigla siyang nagising. Masakit pa ang kaniyang ulo at medyo nahihilo pa. Dahan-dahan siyang naupo at ipinikit ang mga mata. Sinapo niya ang kaniyang na para bang binibiyak sa dalawa. What happened? nagtatakang tanong niya sa sarili. Ang huli niyang na aalala ay kausap niya ang kaniyang tiyuhin. May pinagtatalunan sila ngunit hindi niya maalala kung ano. Napabuga ng hangin si Rodrigo at muling nahiga. Dadapa sana siya noong may matamaan ang kamay niyang malambot at mainit na bagay. Agad siyang napatingin sa kaniyang tabi at napaupo noong may makita siyang babae sa kaniyang tabi. Did I just– “Jane?!” gulat na sabi ni Rodrigo noong mapagsino niya ang babaeng katabi niya. Hinawakan niya ang balikat nito at akmang ihaharap sa kaniya noong biglang naupo ang kaniyang asawa at pinandilatan siya ng mga mata. Nakaramdam siya nang pagkalito noong makita niya ang matinding takot sa mga mata nito. Kapansins-pansin din ang pamumula ng mga pisngi nito at mga mata na pa
Habol ang hininga na biglang nagising si Jane. Madilim ang kaniyang paningin noong minulat niya ang kaniyang mga mata. Noong sinubukan niyang sumigaw ay tanging mahinang ungol lamang ang kumawalang tunong mula sa kaniya. Sinubukan niyang gumalaw ngunit hindi niya maigalaw ang kaniyang mga kamay. Where am I?! Biglang napaiyak si Jane noong maalala niya ang nangyari sa kaniya. Hindi siya pwedeng magkamali. Ang lalakeng iyon ang bumaril sa kaniya noon! Pinilit ni Jane gumalaw ngunit siya talaga ay nakatali. Kahit ano ang pilit niyang paggalaw ay wala siyang magawa. Ang anak ko? Diyos ko! Renz! Lalong nagkumawala si Jane sa kaniyang pagkakagapos ngunit unti-unti lamang naubos ang kaniyang lakas ay hindi siya nakawala. Hinihingal na tumigil siya at nakiramdam sa paligid. Napakatahimik. Wala siyang ibang naririnig kundi ang mabilis at malalim niyang mga paghinga. Diyos ko. Ano ang nangyayari? Sino ang gumawa nito? Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nasa ganoong posisyon
“What brings you here, Rodrigo?” tanong ni Clarixto noong biglang pumasok ang pamangkin sa loob ng kaniyang opisina. Wala pang tanghali pero mamula-mula na ang mga pisngi nito at ang mga mata. “Why? Last time I check, ako pa rin ang may-ari nito,” tugon ni Rodrigo. Napangisi si Clarixto. “Yes.” Umiling-iling siya. “I heard na hinayaan mo raw ang mag-ina mong umalis at pumunta sa Cavite.” Napabuga ng hangin si Rodrigo. Tumayo siya at lumapit sa mini-bar ng kaniyang tiyuhin at nagsalin ng alak. Ilang araw nang wala ang kaniyang mag-ina at wala siyang balita pa sa mga ito. Medyo na iinip na nga siya kaya inaaliw na lamang niya ang sarili sa pagpunta sa bar nila. “Yep. I thought it is right. Magulang naman iyon ni Jane. They have a right to know that she is back.” Bahagyang umarko ang mga kilay ni Clarixto at hindi makapaniwalang tiningnan ang likod ng pamangkin. Sumandal siya sa kaniyang swivel chair at ibinaba ang hawak na papel. “At kailan pa naisip ng isang Rodrigo Navarro ang k