Ikinuwento ni Selene ang tungkol sa nangyari kanina sa Mall. Medyo nakakainis sa part ko dahil napabayaan ko sila, kung sana’y sumama ako sa paglabas nila ay baka hindi humantong sa mawawala si Fiel. Mas lalo nang hindi sana niya nakatagpo ang dati niyang byenan. “Mabuti na lang at mabait ang nakakita kay Fiel, kaso ang weird niya, love,” aniya sa akin. Nasa couch kami while watching her favorite movie sa Netflix. Alas dyes na ng gabi, tulog na si Fiel at ang kapatid ko naman at ang asawa niya ay parehas na rin nasa kanilang kwarto. Dahil sa naisipan namin ni Selene na movie mag-marathon ay gumawa ako ng egg sandwich and popcorn para sa aming dalawa. Beer ang kinuha ko para sa akin, habang sa kaniya naman ay gatas. Bumangon si Selene mula sa pagkakahilig niya sa aking dibdib. “Oo love, kung ano-ano ang sinabi niya na hindi ko naman naintindihan. Weird-o nga.” “Like what?” Medyo nakakakaba ang kwento niya, gusto kong malaman agad kung ang weird things ‘yon. Dumampot siya ng popco
Masaya sa kanilang bonding ang pamilya ni Leon, ilang oras na nagbabad sa tubig si Selene upang alalayan ang kaniyang anak na sobrang nawiwili rin sa paglalagi sa tubig. Sina Liset at Patrick ay nasa isang cottage, nag-uusap habang ang anak na si Eunice ay ka-bonding naman ang tito Leon nito sa tabing side ng pool malapit kina Selene. Ayaw pang umahon ng mga bata kaya naman kahit hindi rin tipo ng mag-asawa na magtagal sa tubig ay tiinis nila para sa dalawa. Nagpapasahan ng bola ang mag-inang Selene at Fiel, naroon lang naman sila sa mababaw na pool for kids samantalang inaalalayan ni Leon ang pamangkin sa pagpapa-float nito sa tubig. Hindi basta-basta mapapantayan ang saya sa mukha ng mga ito, sa kanila’y wala pa ring mas importante bukod sa buong pamilya.Hanggang sa sumapit ang hapon kung saan tuluyan ngang nakapagpahinga ang mag-asawa dahil nakatulog na ang mga batang makukulit.Stay in sila sa Resort for two nights. Masasarap ang pagkain at malinis talaga ang paligid, nakakag
Nagpasimple ako sa paglayo sa public restroom, sa ngayon ay iiwan ko siya ngunit sisiguraduhin ko na na sa mga susunod na araw ay babalik siya sa piling ko. Miss na miss ko na ang aking asawa, to the point na muntikan na akong magpa-print nng human sized tarpolin para sa kaniya. “Sa’n ka galing Dreyk?” Nagulat ako ng bumungad sa harapan ko si Tiffany. Papasok ako sa Room namin nang bigla na lang itong nagbukas sa pintuan. “Diyan lang.” “Saang diyan?” Sa tono ng boses nito ay para siyang asawa ko kung umasta noon. “Basta diyan lang, ba’t ba tanong ka ng tanong?” Taas kilay na tanong ko sa kaniya. Wala naman siyang karapatan para kuwestiyonin ang bawat kilos ko, na tanungin kung saan ako pupunta pa. Ina lang siya ng anak ko, ‘yon lang ‘yon. “Ano, nakipagkita ka sa asawa mo?” Naisara ko na ang pintuan nang tumaas ang boses niya. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pagbangit niya tungkol kay Selene. Oo sinabi ko sa kaniya na bumalik na ito, wala na ‘kong ibang nilabas na detalyo
Hindi ko alam kung paanong nalaman ni Leon ang pag-uusap namin ng lalaking nagpakilalang si Dreyk. Alam kong wala naman siyang nakita dahil nang makabalik ako sa kaniyang matapos ang pagdala sa akin ng lalaki na ‘yon sa may CR ay ayos pa naman siya. Walang bahid ng kahit na anong pagtataka mula sa kaniya. Akala niya lang naman no’n ay nagpunta nga ako sa Comfort Room. Pero ngayon, heto siya’t galit na galit. Hindi man lang siya muna nagtanong, sinimulan niya kaagad sa pagbulyaw ang usapan namin. “Ano bang sinasabi mo, Love?” Tanga-tangahan lang ako saglit. Medyo guilty din naman ako kasi nga hindi ko na nagawang sabihin pa sa kaniya ang tungkol doon. Ang kaso rin kasi, wala naman ‘yon sa akin. Kumbaga, hindi importante para i-kwento ko pa. Nasapo niya na lang ang kaniyang mata pababa sa ilong at bibig niya. “Mababaliw na ata ako, Selene. Do you really trust me, huh?” tanong niya sa akin. “What? At paano mo naman ako kinukwestiyon ng ganiyan ngayon, huh? IKaw, ano bang problema sa
Pagkalabas ko sa silid ay agad ko namang plinano na puntahan sina Liset, naroon ulit sila sa pool with our kids. Ilang minuto rin ang aabutin bago ako makarating sa kanila. Medyo busangot ang mukha ko, dahil sa komprontasyon namin ng aking asawa. Hindi ko naman intensyon na makipagtalo sa kaniya. I was just pushing him na magsabi ng totoo sa akin. “Akala niya ata’y madadaan niya lang ako sa pasigaw-sigaw niya? Tsk!” Pinagcross ko pa ang aking mga braso sa harapan habang naglalakad ako, malayo ang isip kaya naman hindi ko na nai-focus ang sarili sa dinaraanan. “Ouch!” Tinig bata iyon ha. “Oh, bata, sorry.” Inalalayan ko ang isang batang babae na makatayo, hindi naman sinasadya pero tumama siya sa akin. Hindi ko na rin alam kung tumatakbo ba siya o hindi lang talaga ako nakatingin sa daan. “Okay ka lang ba?” tanong ko. Tila anghel ang batang babae na pinatayo ko. Maputi siya’t bilugin ang mga mata. Medyo kulot ang kaniyang maitim na buhok, isa pa’y napansin ko kung gaano kakinis a
“S-sino ka ba? Bakit kilala mo kami?” tanong ko sa babaeng hawak na si Sera sa kamay. Hindi rin naman sumagot si Liset sa tanong ko kaya dinerekta ko na ang babae. “Huh! Are you serious for asking me that, Selene?” baling niya sa akin. “C’mon, Selene hahanapin na tayo ni Kuya.” hinawakan ni Liset ang braso ko’t pilit na iginigiya paalis. “No, wait. Kilala niya ako, Liset. Baka may gusto siyang sabihin sa akin,” sabi ko naman. After ng accident ko’t nawalan na nga ako ng alaala tungkol sa nakaraan, baka sakali na mayro’n siyang maikwento tungkol sa akin. Malay ko ba kung sino siya, baka kaibigan ko rin siya noon. “Hindi, sis, ako ang magk-kwento sa ‘yo kung ano man ang gusto mo. Halika na.” Idiniin niya pa ang pagkakabigkas sa ‘halika na’ na para bang atat na atat talaga siyang makaalis na kami roon. “Pati ba naman ikaw?” protesta ko pa. “She’s right, Selene, don’t waste your time to know about me. Ayaw ko rin naman na makalapit ka sa akin o sa pamilya ko. Bakit ka pa kasi bumal
Flashback from four years ago. Umiiyak na lumabas si Selene sa Ospital, hindi naman siya iniwan ni Leon. Nanatili ito sa kaniyang tabi habang nakikipagdiskusyon sa asawa. Labis ang pagtutol na iyon ni Leon na makipagkita pa si Selene kay Tiffany upang sumabatan ito. Hindi din naman kasi lingid sa kaalaman ng Doktor ngayon na narito na naman si Dreyk sa Ospital para sa ibang babae. Wala rin naman kasing ibang mapagtutuonan ng pansin si Dreyk kundi ang kapakanan ng kaniyang anak. Mas pinili niyang gawin ito kaysa magmukmok at maglugmok sa alak. Ngunit kung nalaman nga lang niya na pupuntahan ng kaniyang asawa si Tiffany ay baka hindi na muna siya tumuloy, hindi sana isinaoli ni Selene ang singsing sa kaniya. Pagkaalis ng asawa ay naisuntok na lang niya ang mga kamao sa pader, sundan niya man ito ay wala na siyang magagawa pa. Full space na ang gusto ni Selene para sa kanila. Samantala sa parking lot ay inihagulgol na lang ni Selene ang sarili. Sobrang sakit sa part niya ang desisy
Hindi ko akalain na magagawa ni Leon sa ‘kin ‘to. He was the least person na pinag-isipan ko ng masama. And now that I’ve heard all about from him ay nangatog ang mga tuhod ko’t bumuhos ang luha sa akin. Ilang beses kong binayo ang dibdib ko sa sobrang bigat no’n. Nagsinungaling siya tungkol sa buong pagkatao ko? Ginawa niya ‘kong sunud-sunuran sa kaniya. Minanipula niya ang buhay ko. “Kaya ba hindi mo hinahayaan na magkaroon kami ng reconcilation ng asawa ko?” Garalgal ang boses ko na tinanong siya. Gusto niyang lumapit upang aluhin ako ngunit hindi ko siya hinayaan. Sa ngayon hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko pa siya. “I-I just wanted to protect you, love.” Si Leon na nagsisimula nang mamuo ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata. “Protect me? Are you serious Leon? Hindi tungkol sa akin kung ba’t mo nagawa ‘yon. Ginawa mo lahat ng iyon para sa panarili mong kapakanan, how can you be so selfish, huh? Ikaw na ang nagsabi, magkikita dapat kami dahil magkakaayos na kami… per
“Love, sorry na-traffic. Tapos ay nagpa-gas pa ako kaya medyo natagalan talaga.” Bumaba si Leon mula sa BMW naming sasakyan. Aligaga siya sa pag-e-explain kung ano ang nangyari all the way here habang ako ay nakangiti lang na nakatitig sa kaniya. Isa rin siya sa super na-miss ko. Sa pag-aalala sa mga nangyari ay hindi ko na nga napigilang hindi mapaluha. Well, I was just overjoyed. “Love, are you okay? Did something happen? Inaway ka ba nila?” “No, no Love, masaya lang ako,” sabi ko sa kaniya. Nakapasok na si Fiel sa loob ng kotse habang kaming ay narito pa sa front door. “Do you missed me?” tanong ni Leon sa akin. Pinunasan niya ang tubig na dumaloy sa aking mukha. Tumango ako. Hindi ko na siya hinayaang magreact pa’t tumingkayad ako ng kaunti upang mahagkan siya sa labi. Nadama ko naman na tumugon ng halik ang mahal ko kaya napapangiti ako habang hinahalikan siya. Leon may not be my first in life, but he will be my last. I promise. I missed you, and I love you.
Flashback. After Selene’s accident. “What are you trying to tell, wife?” The situation was too hard for Dreyk to accept what Selene was saying. She wanted something that would be hard for him to give her. “Ibalik na lang natin kung ano ang dati, bago tayo nagkita ulit at bumalik ako sa ‘yo.” “Are you saying na…” “You have Sera, she needs her mother.” Napatayo si Dreyk sa kaniyang kinauupuan, napasabuhok gamit ang kanang kamay at ang kaliwa naman ay naitakip niya sa kaniyang bibig. Umayos din naman sa kaniyang pagkakaupo si Selene, gusto niyang mas maintindihan ni Dreyk na ang kapakanan ng bata ang iniisip niya rin. Pero paano nga rin ba niya ipapaliwanag sa asawa na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siya sa sitwasyon nila lalo pa’t hindi pa rin nakakabalik ang alaala niya. At ang pinakatotoo sa lahat ay iba ang tinatawag ng puso niya. “But I need you, wife.” “I know, pero ayaw ko na ring magkunwari pa sa harapan mo Dreyk. I can’t remember the tings that we used
“Ready na ba ang lahat?” tanong ni Mrs. Sebastian sa kaniyang mga maids na nagpe-prepare ng venue for her niece, Sera’s 6th birthday party. Sa mansiyon lang ang kanilang handaan para mas malawak at maimbitahan lahat ang kaibigan at kaklase ni Sera. “Mamala,” sigaw ni Sera sabay yakap sa kaniyang mahal na lola. “Thank you po,” dugtong ng bata. “Everything for my princess.” Mrs. Devere Sebastian gave Sera a kiss in the forehead. Sa tabi ng magandang bata ay ang nakababatang kapatid naman niyang si Fiel. “Don’t be naughty, Fiel. Always hold ate Sera’s hand. Oka.” Pagpapaalala ng ginang sa batang lalaki. “Yes, mamala.” Mrs Devera also gave Fiel a kiss just like what she did to Sera. Nagtakbuhan na ulit ang dalawa patungo sa ilang kaibigan ng celebrant. Patapos na rin ang pag-aayos, at ilang sandali na nga lang ay magsisimula na ang event. Lumabas na rin si Dreyk kasama ni Selene at nakipag-usap sa mga bisita. Nagpasalamat ang dalawa sa pagdating nila sa kaarawan ni Sera, nagpahay
Dreyk’s Flashback Memory Isang shot pa para kay Jeriko. Narito kami sa bar, kahahatid ko lang kay Claire sa kanilang bahay. Galing kami sa pag-aasikaso ng kasal namin. Medyo exhausted dahil sa dami ng kailangang asikasuhin, at wala pa kami sa kalahati ng mga kailangan para sa event. “Mukhang pagod na pagod ka ha,” puna ni Jeriko sa akin. Sinalinan niya ako sa aking shot glass. “Oo, nakakapagod pala magpakasal,” sabi ko. Niyaya ko ang aking matalik na kaibigan para naman kahit papaano’y makaramdam ng relaxation ang katawan ko. “Gano’n talaga at ‘yan,” sabi niya pa sa akin. Ikinuwento ko nga saka kung gaano karami ang pinuntahan namin ngayong araw, sumabay pa na tinotoyo si Claire, sabi nito’y may monthly period daw kasi siya, na hindi ko naman maisip kung acceptable reason ba ‘yon. “Tiis lang pre, pagkatapos naman ng kasal niyo’y magiging kampate ka na kay Claire. Matagal niyo na rin namang plano ‘to, ‘di ba? Kasunod ay ikaw na ang magpapatakbo ng Kumpaniya niyo kaya maswerte k
Madudurog na ang kamao ko kakasuntok sa puting pader ng Ospital na pinagdalhan sa mag-ina ko. Maayos ang lagay ni Sera pero hindi ni Selene, ang sabi’y kailangan agad na ma-operahan ang asawa ko sa lalong madaling panahon. Mahigit isang oras na ang lumipas, wala pa ring balita tungkol sa operasyon ng asawa ko. “Dreyk, anak, w-what happened?” humahangos si mom na lumapit sa akin. Siya ang una kong tinawag matapos kong matanggap ang balita tungkol sa nangyari sa asawa ko. “Ang sabing nabundol sila ng kotse mom, Selene save Sera. And then I don’t know…” hindi ko na napigilan pa ang hindi mapaiyak, ngayon lang bumalik ang asawa tapos ay may nangyari pang ganito. Hinaplos ng aking ina ang aking likuran at sinubukan akong pakalmahin, I tried kanina kaso’y ang saklap lang talaga. “Wala pang sinasabi ang Doktor, sa katunayan ay hinihintay ko nga na may lumabas mula sa operating room.” Tumango-tango si Mom. “Okay, so, were is Sera, ang apo ko?” Itunuro ko kay mom kung saan ang silid ng
Ano ba’t kailangan ba akong madamay sa kaso ni Tiffany Andres? Isang pulis ang tumawag sa akin upang sabihin na nagtangkang magpakamatay ang babae habang nasa kulungan. Ang sabi’y kung hindi nga raw naabutan ng ilang kasamahan sa banyo ay baka malamig na bangkay na ito ngayon. At bakit ako rin ang tinawagan nila, bakit hindi na lang si Dreyk? Dalawang Police Officer ang nagbabantay sa silid na okupado ni Tiffany, may malay na siya pagdating ko kaya naman kinausap ko na kaaagd siya. Kailangan ko ring makabalik agad papuntang school para sa mga bata. “Ano ba ang naisip mo’t gusto mong magpakamatay?” Prangka kong tanong sa kaniya. Naupo ako sa may malapit sa kaniya. Nakaupo naman ito habang may nakatusok na aparato sa kaniyang wrist arm. Hindi sumagot si Tifany, tinapunan lang ako nito ng tinging sakka muling tumingin sa labas ng kaniyang bintana. Nag-eemote lang? “So, gusto mo nang magpakamatay?” tanong ko ulit. “Wala kang pakialam.” Napasinghap ako’t tinarayan siya, in
Napatulog ko na sina Fiel at Sera kaya sinumulan ko naman ang aking night routine bago matulog. Maghapon akong nakipaghabulan sa dalawang batang makukulit, sobrang nagkapalagayan ng loob ang dalawa siguro ay dahil sa magkapatid sila. Naayos na rin ang transfer papers ng anak ko for his schooling dito sa Maynila at bukas ay magsisimula na siyang puamsok. Ako ang umako sa paghahatid sa kanila sa eskwela, maaga rin iyon kaya kailangan na maaga rin ako sa pagising. Iba na ang routine ko ngayon, hindi katulad dati na si Leon ang naghahatid at sundo kay Fiel, na kahit na busy ito ay gagawan niya talaga ng paraan. Natigilan ako sa tapat ng salamin nang maalala na naman ang lalaki, hindi na kami nagkausap pang muli, hindi ko rin siya magawang tawagan lalopa’t ako naman ang lumayo sa kaniya. I even asked Liset pero wala rin siyang maibalita sa akin, hindi rin daw sila nagkakausap ng kapatid niya. “Ano na kayang nangyari sa kaniya?’ I asked myself. Ngunit kalaunan ay napailing-iling na ang
I was fine.Or maybe I thought I was fine.Tinunga ko ang isa shot ng brandy, nakauwi na ako sa probinsiya kanina lang pero dito na ako dumiretso sa isang Bar. Gano’n din naman dahil wala akong uuwian sa bahay namin. Umalis ako na kasama ang mag-ina ko pero heto ako’t mag-isa na lang na bumalik. I was a fool.Hindi ko na rin alam kung gaano katagal na akong narito, hangga’t kaya kong lumunok ng alak ay gagawin ko kahit panandalian lang na makalimutan ang pangungulila sa kanila. Sinensyasan ko ang bartender na bigyan pa ulit ako ng isang shot.Medyo nahihilo na ako, pero sige pa.Pumunta ako sa tinitirahan bago ako umuwi, una’y gusto ko lang naman na ibigay sa tunay na asawa nito ang USB na nakuha ko habang nag-iimbestiga sa nangyari kay Selene. I’ve found a concrete evidence to point Tiffany Andres sa mga ginawa niyia. And I am hoping na makatuloy ‘yon para mas matahimik ang buhay nila roon. Good thing na naroon si Fiel, I good say goodbye for the last time for him.I’ve missed my s
“Bitiwan niyo ‘ko sabi eh! Ano ba!”“Aray! Nasasaktan ako!”Matapos kong mapakinggan ang call recording na ibinigay ni Leon ay kaagad kong pinadampot si Tiffany sa Condo na tinutuluyan niya. Ang mga pictures ang naging ebidensiya na siya ang maysala sa pagkakakidnap kay Selene four years ago na siyang naging dahilan din kung bakit siya nagah*sa sa ikalawang pagkakataon. Iyon lang ang maisasampa ko sa kaniya, hindi na nakasama iyong pang-nine years ago dahil wala kaming makuhang ebidensiya laban sa kaniya.“Hey! Ano ba!”“Pasensiya na kayo, ma’am. Pero kailangan niyo talagang sumama sa amin sa presinto, nakita niyo na naman ang warrant hindi ho ba?” Hindi ako tuluyang pumasok sa loob, nanatili lang ako sa labas dahil panigurado na didikit lang sa akin si Tiffany kapag nagkataon. Nasabi ko rin ito sa asawa ko’t wala naman naging kaso sa kaniya. Hinayaan niya akong kumilos para sa ganitong mga sitwasyon. Ang sabi pa nga niyang hindi naman daw na kailangan pa ang may makulong, past is pa