Hindi ko alam kung paanong nalaman ni Leon ang pag-uusap namin ng lalaking nagpakilalang si Dreyk. Alam kong wala naman siyang nakita dahil nang makabalik ako sa kaniyang matapos ang pagdala sa akin ng lalaki na ‘yon sa may CR ay ayos pa naman siya. Walang bahid ng kahit na anong pagtataka mula sa kaniya. Akala niya lang naman no’n ay nagpunta nga ako sa Comfort Room. Pero ngayon, heto siya’t galit na galit. Hindi man lang siya muna nagtanong, sinimulan niya kaagad sa pagbulyaw ang usapan namin. “Ano bang sinasabi mo, Love?” Tanga-tangahan lang ako saglit. Medyo guilty din naman ako kasi nga hindi ko na nagawang sabihin pa sa kaniya ang tungkol doon. Ang kaso rin kasi, wala naman ‘yon sa akin. Kumbaga, hindi importante para i-kwento ko pa. Nasapo niya na lang ang kaniyang mata pababa sa ilong at bibig niya. “Mababaliw na ata ako, Selene. Do you really trust me, huh?” tanong niya sa akin. “What? At paano mo naman ako kinukwestiyon ng ganiyan ngayon, huh? IKaw, ano bang problema sa
Pagkalabas ko sa silid ay agad ko namang plinano na puntahan sina Liset, naroon ulit sila sa pool with our kids. Ilang minuto rin ang aabutin bago ako makarating sa kanila. Medyo busangot ang mukha ko, dahil sa komprontasyon namin ng aking asawa. Hindi ko naman intensyon na makipagtalo sa kaniya. I was just pushing him na magsabi ng totoo sa akin. “Akala niya ata’y madadaan niya lang ako sa pasigaw-sigaw niya? Tsk!” Pinagcross ko pa ang aking mga braso sa harapan habang naglalakad ako, malayo ang isip kaya naman hindi ko na nai-focus ang sarili sa dinaraanan. “Ouch!” Tinig bata iyon ha. “Oh, bata, sorry.” Inalalayan ko ang isang batang babae na makatayo, hindi naman sinasadya pero tumama siya sa akin. Hindi ko na rin alam kung tumatakbo ba siya o hindi lang talaga ako nakatingin sa daan. “Okay ka lang ba?” tanong ko. Tila anghel ang batang babae na pinatayo ko. Maputi siya’t bilugin ang mga mata. Medyo kulot ang kaniyang maitim na buhok, isa pa’y napansin ko kung gaano kakinis a
“S-sino ka ba? Bakit kilala mo kami?” tanong ko sa babaeng hawak na si Sera sa kamay. Hindi rin naman sumagot si Liset sa tanong ko kaya dinerekta ko na ang babae. “Huh! Are you serious for asking me that, Selene?” baling niya sa akin. “C’mon, Selene hahanapin na tayo ni Kuya.” hinawakan ni Liset ang braso ko’t pilit na iginigiya paalis. “No, wait. Kilala niya ako, Liset. Baka may gusto siyang sabihin sa akin,” sabi ko naman. After ng accident ko’t nawalan na nga ako ng alaala tungkol sa nakaraan, baka sakali na mayro’n siyang maikwento tungkol sa akin. Malay ko ba kung sino siya, baka kaibigan ko rin siya noon. “Hindi, sis, ako ang magk-kwento sa ‘yo kung ano man ang gusto mo. Halika na.” Idiniin niya pa ang pagkakabigkas sa ‘halika na’ na para bang atat na atat talaga siyang makaalis na kami roon. “Pati ba naman ikaw?” protesta ko pa. “She’s right, Selene, don’t waste your time to know about me. Ayaw ko rin naman na makalapit ka sa akin o sa pamilya ko. Bakit ka pa kasi bumal
Flashback from four years ago. Umiiyak na lumabas si Selene sa Ospital, hindi naman siya iniwan ni Leon. Nanatili ito sa kaniyang tabi habang nakikipagdiskusyon sa asawa. Labis ang pagtutol na iyon ni Leon na makipagkita pa si Selene kay Tiffany upang sumabatan ito. Hindi din naman kasi lingid sa kaalaman ng Doktor ngayon na narito na naman si Dreyk sa Ospital para sa ibang babae. Wala rin naman kasing ibang mapagtutuonan ng pansin si Dreyk kundi ang kapakanan ng kaniyang anak. Mas pinili niyang gawin ito kaysa magmukmok at maglugmok sa alak. Ngunit kung nalaman nga lang niya na pupuntahan ng kaniyang asawa si Tiffany ay baka hindi na muna siya tumuloy, hindi sana isinaoli ni Selene ang singsing sa kaniya. Pagkaalis ng asawa ay naisuntok na lang niya ang mga kamao sa pader, sundan niya man ito ay wala na siyang magagawa pa. Full space na ang gusto ni Selene para sa kanila. Samantala sa parking lot ay inihagulgol na lang ni Selene ang sarili. Sobrang sakit sa part niya ang desisy
Hindi ko akalain na magagawa ni Leon sa ‘kin ‘to. He was the least person na pinag-isipan ko ng masama. And now that I’ve heard all about from him ay nangatog ang mga tuhod ko’t bumuhos ang luha sa akin. Ilang beses kong binayo ang dibdib ko sa sobrang bigat no’n. Nagsinungaling siya tungkol sa buong pagkatao ko? Ginawa niya ‘kong sunud-sunuran sa kaniya. Minanipula niya ang buhay ko. “Kaya ba hindi mo hinahayaan na magkaroon kami ng reconcilation ng asawa ko?” Garalgal ang boses ko na tinanong siya. Gusto niyang lumapit upang aluhin ako ngunit hindi ko siya hinayaan. Sa ngayon hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko pa siya. “I-I just wanted to protect you, love.” Si Leon na nagsisimula nang mamuo ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata. “Protect me? Are you serious Leon? Hindi tungkol sa akin kung ba’t mo nagawa ‘yon. Ginawa mo lahat ng iyon para sa panarili mong kapakanan, how can you be so selfish, huh? Ikaw na ang nagsabi, magkikita dapat kami dahil magkakaayos na kami… per
Hindi na natapos ang pag-aaway ng aking anak at ni Tiffany. Nahanap na nga nila si Sera pero nagsimula na naman sila sa pagtatalo and the reason is about my daughter-in-law Selene. Nalaman na ni Tiffany na narito ang legal wife ni Dreyk, at ang dinig ko’y sa kaniya niya pa nakuha si Sera. The woman was accusing my son na nakikipagkita sa asawa nito, which is valid para sa akin. Walang kahit na anong legal separation na nangyari sa mag-asawa noon. There is just a fact na biglang nawala si Selene isang araw hanggang sa umabot ng halos apat na taon. But good news is when I saw her on the Mall. Sinabi ko ‘yon agad kay Dreyk and he also said na nakita nga niya ang asawa niya. I was very happy back then, nagkaroon ako ng chance na muling magkaroon ng maayos na pamilya ang anak ko, malayo kay Tiffany. Tiffany is a worst. Kung hindi lang din talaga para sa apo ko na si Sera ay hindi ko siya tatanggapin sa buhay namin. Mabuti na lang at hindi sinubukan ni Dreyk na asawahin ang babae na ‘yo
Isang linggo na akong namamalagi sa bahay ng mga Sebastian kasama ang aking anak na si Fiel at ang naka ni Dreyk na si Sera. Hindi naging maayos ang mga unang araw namin dito dahil sa tantrums ni Fiel. Hinahanap niya si Leon na kahit ano’ng gawing kong pagpapaliwanag ay hindi ko siya basta-basta mapatigil. Hindi ko rin naman siya masisisi lalo na’t simula pagkasilang sa kaniya’y ito na ang nag-alaga sa sa anak ko. Naging maayos naman ang pakikitungo nila sa amin, walang kahit na ano’ng problema maliban sa pagpapabalik-balik ni Tiffany sa Mansiyon para sa anak niya. Nakakaawa ang bata dahil super attached din ito sa ina niya, kaso’y ayaw talagang ibigay ni Dreyk si Sera rito. “Wife, gusto mo bang lumabas?” Napapitlag ako sa tanong na ‘yon ni Dreyk. Narito ako sa labas ng mansyon nagpapahangin. Naglalaro naman si Fiel at Sera sa malapit na garden. “Ahm, ayaw ko sana eh,” sagot ko sa kaniya at saka ibinalik ang paningin ko sa mga bata. Umupo naman si Dreyk sa aking tabi’t hinawakan
“Bitiwan niyo ‘ko sabi eh! Ano ba!”“Aray! Nasasaktan ako!”Matapos kong mapakinggan ang call recording na ibinigay ni Leon ay kaagad kong pinadampot si Tiffany sa Condo na tinutuluyan niya. Ang mga pictures ang naging ebidensiya na siya ang maysala sa pagkakakidnap kay Selene four years ago na siyang naging dahilan din kung bakit siya nagah*sa sa ikalawang pagkakataon. Iyon lang ang maisasampa ko sa kaniya, hindi na nakasama iyong pang-nine years ago dahil wala kaming makuhang ebidensiya laban sa kaniya.“Hey! Ano ba!”“Pasensiya na kayo, ma’am. Pero kailangan niyo talagang sumama sa amin sa presinto, nakita niyo na naman ang warrant hindi ho ba?” Hindi ako tuluyang pumasok sa loob, nanatili lang ako sa labas dahil panigurado na didikit lang sa akin si Tiffany kapag nagkataon. Nasabi ko rin ito sa asawa ko’t wala naman naging kaso sa kaniya. Hinayaan niya akong kumilos para sa ganitong mga sitwasyon. Ang sabi pa nga niyang hindi naman daw na kailangan pa ang may makulong, past is pa