“Sorry pero nagkakamali ata kayo sir, h-hindi ko kaya kilala.” Iniwaksi ko ang kamay ng lalaking may maamong mukha’t may kaunting balbas sa kaniyang mukha. Kasing tangkad siya ng asawa kong si Leon, ang pinagkaiba lang may maganda ang mga mata ng asawa ko sa kaniya. The rest ay halos masasabi kong magkaparehas na sila ang facial percentage description. Umiiyak na sa tabi ko si Eunice habang marahang hinahagod ni Fiel ang kaniyang ulo. “Talaga bang kinalimutan mo na ako ha? Saan ka pumunta? Bakit ang tagal mong hindi nagpakita sa amin? Hinahanap ka ni mama, Selene. Hinanap kita.” Malungkot ang ekspresyon ng mukha nito na para bang labis ang kaniyang pangungulila sa akin– pero hindi ko nga siya kilala. Iniling-iling ko ang aking ulo. Naguguluhan ako sa tanong ng lalaki. Pero… parang may something din. “Sir, pasensiya na kayo, pero mukhang hindi kayo kilala ni Ma’am, baka nagkakamali lang kayo sa nakitang tao–” Pumagitna na ang guard sa amin, ang kaso’y hindi siya nagpatinag at
Dumating na ang pinakakinatatakutang oras ni Leon, at iyon ay ang muling makasalamuha ng kaniyang asawa ang mga taong naging parte ng kaniyang nakaraan. Nakaraan na kinalimutan na ng sistema nito, na siya rin naman pumabor sa kaniya. Na-estatwa siya ng mula sa kaniyang kinatatayuan ay natanaw niyang niyakap ang kaniyang asawa ng dati nitong byenan. Hindi naman lingid sa kaalaman nito na nagkaroon din ng maayos na ugnayan ang mag in-law. Sa katunayan pa’y napabalita rin ang paglatag ng ginang ng isang search team para kay Selene. Noong gabi, sa pagmamadali ni Selene na lisanin ang Ospital kung saan ay nakita niya na naging masaya si Dreyk sa resulta patungkol sa magiging anak nito ay nahulog sa isang bangin ang kotse na minamaneho niya. Binalak pa noon ni Selene na puntahan si Dreyk upang tanungin sana kung tunay ba ang at bukal sa puso nito ang paghingi ng second chance dahil napagtano ng babae na hindi niya nga talaga na wala sa tabi ng kaniyang asawa. Four years ago, naging handa
Hindi ako makapaniwala ng makita ko ang dating asawa– mali, ang asawa ko sa loob ng halos apat. Hindi ko naman puwedeng sabihin na hindi ko na siya asawa dahil sa batas ay kasal kami. Ang huling pag-uusap namin ay noong ibinalik niya ang singsing sa akin. Nakita ko pa siya ilang araw matapos nang tuluyan siyang nawala matapos ang isang aksidente. Hindi naman siya na-declared na patay dahil wala namang nakuhang katawan, pinahanap ko siya ngunit wala rin talaga akong nakuhang balita hanggang sa na-depress ako’t napabayaan na ang kumpaniya namin. Maraming nangyari matapos ang taon na ‘yon, nandiyan na tuluyan nang nanganak si Tiffany. Nakita at naalagaan ko ang aking anak na siyang nagng dahilan upang bumangon muli sa pagkalugmok na iyon. Mas itinuon ko sa kaniyang ang panahon ko, pero kahit na gano’n ay hindi naman nawala sa isipan ko ang aking asawa. Pinabantayan ko ang kilos ni Zusie nagbabakasakali na bumalik si Selene at ito ang hahanapin niya. HIndi ko na naisip pa noon na pos
Ikinuwento ni Selene ang tungkol sa nangyari kanina sa Mall. Medyo nakakainis sa part ko dahil napabayaan ko sila, kung sana’y sumama ako sa paglabas nila ay baka hindi humantong sa mawawala si Fiel. Mas lalo nang hindi sana niya nakatagpo ang dati niyang byenan. “Mabuti na lang at mabait ang nakakita kay Fiel, kaso ang weird niya, love,” aniya sa akin. Nasa couch kami while watching her favorite movie sa Netflix. Alas dyes na ng gabi, tulog na si Fiel at ang kapatid ko naman at ang asawa niya ay parehas na rin nasa kanilang kwarto. Dahil sa naisipan namin ni Selene na movie mag-marathon ay gumawa ako ng egg sandwich and popcorn para sa aming dalawa. Beer ang kinuha ko para sa akin, habang sa kaniya naman ay gatas. Bumangon si Selene mula sa pagkakahilig niya sa aking dibdib. “Oo love, kung ano-ano ang sinabi niya na hindi ko naman naintindihan. Weird-o nga.” “Like what?” Medyo nakakakaba ang kwento niya, gusto kong malaman agad kung ang weird things ‘yon. Dumampot siya ng popco
Masaya sa kanilang bonding ang pamilya ni Leon, ilang oras na nagbabad sa tubig si Selene upang alalayan ang kaniyang anak na sobrang nawiwili rin sa paglalagi sa tubig. Sina Liset at Patrick ay nasa isang cottage, nag-uusap habang ang anak na si Eunice ay ka-bonding naman ang tito Leon nito sa tabing side ng pool malapit kina Selene. Ayaw pang umahon ng mga bata kaya naman kahit hindi rin tipo ng mag-asawa na magtagal sa tubig ay tiinis nila para sa dalawa. Nagpapasahan ng bola ang mag-inang Selene at Fiel, naroon lang naman sila sa mababaw na pool for kids samantalang inaalalayan ni Leon ang pamangkin sa pagpapa-float nito sa tubig. Hindi basta-basta mapapantayan ang saya sa mukha ng mga ito, sa kanila’y wala pa ring mas importante bukod sa buong pamilya.Hanggang sa sumapit ang hapon kung saan tuluyan ngang nakapagpahinga ang mag-asawa dahil nakatulog na ang mga batang makukulit.Stay in sila sa Resort for two nights. Masasarap ang pagkain at malinis talaga ang paligid, nakakag
Nagpasimple ako sa paglayo sa public restroom, sa ngayon ay iiwan ko siya ngunit sisiguraduhin ko na na sa mga susunod na araw ay babalik siya sa piling ko. Miss na miss ko na ang aking asawa, to the point na muntikan na akong magpa-print nng human sized tarpolin para sa kaniya. “Sa’n ka galing Dreyk?” Nagulat ako ng bumungad sa harapan ko si Tiffany. Papasok ako sa Room namin nang bigla na lang itong nagbukas sa pintuan. “Diyan lang.” “Saang diyan?” Sa tono ng boses nito ay para siyang asawa ko kung umasta noon. “Basta diyan lang, ba’t ba tanong ka ng tanong?” Taas kilay na tanong ko sa kaniya. Wala naman siyang karapatan para kuwestiyonin ang bawat kilos ko, na tanungin kung saan ako pupunta pa. Ina lang siya ng anak ko, ‘yon lang ‘yon. “Ano, nakipagkita ka sa asawa mo?” Naisara ko na ang pintuan nang tumaas ang boses niya. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pagbangit niya tungkol kay Selene. Oo sinabi ko sa kaniya na bumalik na ito, wala na ‘kong ibang nilabas na detalyo
Hindi ko alam kung paanong nalaman ni Leon ang pag-uusap namin ng lalaking nagpakilalang si Dreyk. Alam kong wala naman siyang nakita dahil nang makabalik ako sa kaniyang matapos ang pagdala sa akin ng lalaki na ‘yon sa may CR ay ayos pa naman siya. Walang bahid ng kahit na anong pagtataka mula sa kaniya. Akala niya lang naman no’n ay nagpunta nga ako sa Comfort Room. Pero ngayon, heto siya’t galit na galit. Hindi man lang siya muna nagtanong, sinimulan niya kaagad sa pagbulyaw ang usapan namin. “Ano bang sinasabi mo, Love?” Tanga-tangahan lang ako saglit. Medyo guilty din naman ako kasi nga hindi ko na nagawang sabihin pa sa kaniya ang tungkol doon. Ang kaso rin kasi, wala naman ‘yon sa akin. Kumbaga, hindi importante para i-kwento ko pa. Nasapo niya na lang ang kaniyang mata pababa sa ilong at bibig niya. “Mababaliw na ata ako, Selene. Do you really trust me, huh?” tanong niya sa akin. “What? At paano mo naman ako kinukwestiyon ng ganiyan ngayon, huh? IKaw, ano bang problema sa
Pagkalabas ko sa silid ay agad ko namang plinano na puntahan sina Liset, naroon ulit sila sa pool with our kids. Ilang minuto rin ang aabutin bago ako makarating sa kanila. Medyo busangot ang mukha ko, dahil sa komprontasyon namin ng aking asawa. Hindi ko naman intensyon na makipagtalo sa kaniya. I was just pushing him na magsabi ng totoo sa akin. “Akala niya ata’y madadaan niya lang ako sa pasigaw-sigaw niya? Tsk!” Pinagcross ko pa ang aking mga braso sa harapan habang naglalakad ako, malayo ang isip kaya naman hindi ko na nai-focus ang sarili sa dinaraanan. “Ouch!” Tinig bata iyon ha. “Oh, bata, sorry.” Inalalayan ko ang isang batang babae na makatayo, hindi naman sinasadya pero tumama siya sa akin. Hindi ko na rin alam kung tumatakbo ba siya o hindi lang talaga ako nakatingin sa daan. “Okay ka lang ba?” tanong ko. Tila anghel ang batang babae na pinatayo ko. Maputi siya’t bilugin ang mga mata. Medyo kulot ang kaniyang maitim na buhok, isa pa’y napansin ko kung gaano kakinis a