“Bukas, ako na ang maghahatid at susundo sa `yo sa school,” sabi ni Louie sa pagsakay namin sa kotse niya.Napatingin ako kat Louie. Nagningning ako sa sinabi n’ya!“Okay lang ba sa `yo na maghintay sa campus until 4 pm? That’s the earliest I can come.”“Okay na okay!” agad ko’ng sagot. “Tamang-tama, p’wede `uli kami mag-practice ng sayaw habang hinihintay kita.”“Tama, that dance!” biglang sabi ni Louie, “Sino ba `yung kasayawan mo’ng `yun?”“Ah, nakita mo `yung kinunan na video ni Aveera? Anong say mo? Magaling ba kaming sumayaw?” nahihiya ko’ng tanong.“Oo, magaling ka. Now, sino `yung lalaking kasayawan mo?” ulit n’ya.“Si Rome!”“Hindi `yun, kilala ko na si Rome. `Yung isa! Yung matangkad!” pilit ni Loui na parang naiirita.”Ah, si Harol
Nagising ako’ng bihis. May suot ako’ng t-shirt at briefs at nakahiga sa bidbid ng Louie ko. Tulog na tulog pa s’ya, nakabuka ang bibig at naghihilik ng mahina. May pumapasok na ilaw mula sa puwang sa kurtina kaya alam ko’ng umaga na, pero sa sobrang cute ng mahal ko, parang ayoko na s’yang gisingin pa, at ayoko na ring umalis sa dibdib nya. Hinalikan ko s’ya at pumwesto pa nang maayos sa ibabaw n’ya. Saktong-sakto talaga ako rito! Ikinukuskos ko po ang mukha ko sa gitna ng dibdib n’ya, nang biglang tumalon ang puso ko sa pagkapit ng isang braso n’ya sa `kin! “Good morning...” ungol n’ya. “Ang gulat ko naman sa `yo!” reklamo ko, “Nagising ba kita?” “Mmm... akala ko kung ano `yung nakadagan sa `kin...” ”Ah, ganon?” piningot ko ang ilong n’ya. ”Nakalimutan mo na agad na katabi mo ko?” ”Nagtataka lang ako kung bakit ang bigat ng isang maliit na omega na tulad mo.” Natawa s’ya, niyakap ako, at umikot para pumaibabaw s
Tama sila, kailangan nga mag-ingat ako! Masyado akong naging kampante na safe ako at walang mananakit sa `kin as long as kasama ko sina Yaya. Hindi ako dapat nagtitiwala basta-basta sa kung sinu-sinong tao. Pero, pano ko malalaman kung sino ang mabait sa hindi? Pano ko malalaman kung niloloko lang ako ng isang tao? Buti na lang may best friend Aveera ako na laging nagpapayo sa `kin, pero mula nang nangyari `yung pag-ambush sa `min kahapon, parang feeling ko, anytime may lalabas na lang bigla sa tabi-tabi at tatalunin ako at pagsasaksakin! Kaya pagdating ng PE namin kung saan magkasama ang dalawang klase, ay lumayo kami sa iba habang nag pa-practice. Umiwas ako sa mga tao na `di ko masyadong kakilala at pinalapit sina Ate Sol sa amin para magbantay. ”Pasensya na, Harold, ha, pero, okay lang ba na `wag ka’ng masyadong lumapit sa `kin?” ”Of course,” sagot ni Harold na mukhang alalang-alala sa `kin nang magkita kami, ”I saw
”Sana nga...” bulong ko sa sarili habang nakatitig sa madilim na tanawin sa labas ng dining room window namin.”Sana ano?” tanong ni Yaya na nasa tabi ko.”Ah, wala, may naisip lang ako.” nginitian ko s’ya at hiniwa ang ulam n’yang steak, “Eto, Yaya, say ahh...!””Sabi ko naman, ako na, eh!” hinawakan n’ya ang inaabot ko sa kanyang fork at isinubo iyon nang mag-isa, ”Na-sprain lang naman ang kanang kamay ko, hindi bali.””Oo nga sir Josh,” sabi ni Ate Vin na kasama namin sa mesa, ”At saka, kami na ang bahala kay Inez, kumain ka na lang nang kumain d’yan.””Gusto mo pa ba ng juice?” tanong naman ni Ate Val na tumayo para salinan angbaso ko.“Kalahati na lang po, salamat.”Madalas na kaming kumakain nang ganito, sama-sama, mas gusto ko kasi na may kasalo sa mesa `pag kumaka
Dumaan ang araw na tulad nang nakaraan. Pagdating ng hapon, nag-practice `uli kami ng sayaw, at dinala ni Aveera ang dalawang damit na tinatahi n’ya para kina Jinn. “Woah! Ang galing mo talaga, Ate Aveera! Nasimulan mo na pareho?!” hangang-hanga rito si Rome kahit hindi pa ito tapos at wala pang manggas. “Not bad! At mukhang sakto lang sa amin, ha?” sabi naman ni Jinn. ”Malamang! Kaya nga tayo sinukatan ni Ate Aveera, kasi tayo ang magmo-model ng design natin, `di ba?! Malamang kasyang-kasya yan!” bara sa kan’ya ni Rome. ”Ang galing mo talaga, Aveera, pati ang pagtahi mo, ang linis kahit sa ilalim!” sabi ko habang binubusisi ito. ”Of course. I never do anything half-assed,” sagot ni Aveera na proud sa kanyang work. “Isukat n’yo na `yan para ma-adjust ko at maayos ang mga kailangang ayusin.” “Okay, we’ll be right back!” sabi ni Rome na sinundan ni Jinn sa boy’s locker room. “Ngayong wala na ang dalawang makulit, s
Nagising kami sa alarm ng cellphone ni Louie kinaumagahan. “Josh, bangon na.” Tinapik ako ni Louie matapos patayin ito. “Mmm... sandali...” Imbes na bumangon ay lalo ako’ng yumakap sa kan’ya. “Sarap dito...” Niyakap naman ako si Louie pabalik at hinalikan sa noo. “Dali na at baka ma-late ka pa sa school.” Tinapik n’ya `uli ako sa balikat at inalis ang mga kamay ko sa balakang n’ya. “Halika na, bangon na tayo.” “Ayoko pa...” umikot ako patalikod sa kan’ya. “Okay, mag-isa na lang ako maliligo.” Agad ako’ng napaupo sa kama! “Sandali! Sandali!” Tumatawa’ng nagpunta si Louie sa banyo, s’yempre humabol ako! “Akala ko ba ayaw mo pa’ng bumangon?” “`Di mo sinabing may perks pala ang early riser, eh!” “Ikaw talaga!” ginulo n’ya ang buhok ko. “Magsipilyo ka muna, may panis na laway ka pa sa baba.” “Uy! Wala, ha?!” tumingin ako sa salamin at pinunasan ang bibig ko. Tumayo naman si Louie sa likod ko at hinimas ang kanyang baba. ”Sa susunod nga, paalalahanan mo ako’ng magdala ng pan
Nakarating kami sa bahay ni Louie nang mga 5:30 pm. In fact na una pa kami sa kan’ya. ”Josh, tuloy ka, alam ba ni Papa na darating ka?” tanong sa `kin ni Ate Blessing na mukhang balisa. ”Oo, wala pa ba s’ya?” tanong ko. “Wala pa... baka may dinaanan lang.” “Nasabi sa `kin ni Louie na may problema daw tungkol kay Nathan... ano ba nangyari, Ate Bless?” Napatingin s’ya sa `kin, pati na kina Ate Sol sa labas ng gate. ”Halika, pumasok na muna kayo.” Dumiretso kami sa den nila kung saan nandoon si Mercy na mukhang alalang-alala rin. ”Josh?” nagulat s’ya nang makita ako, ”At sino itong mga kasama mo?” ”Mga bodyguards ko sila, sina Ate Sol at si Ate Mira. Ano ba ang nangyari kay Nathan? Baka kung sakali makatulong kami.” Nagkatinginan ang magkapatid. ”Si Kuya...” panimula ni Mercy, ”one week na kasi s’yang `di umuuwi, mula nang umalis s’ya papuntang school noong Monday...” ”Tinatawagan namin ang
Mag-aalas dies na nang makatanggap kami ng tawag mula kay Doc Eric. Agad pinindot ni Bless ang speakerphone mode. “Hello, Tito Eric?” sagot dito ni Bless, “May balita po kayo kay Nathan?!” ‘Oo bless, nandyan ba ang tatay n’yo?’ tanong ni Doc sa kabilang linya. “Wala pa po!” singit ni Mercy habang nakayuko kaming tatlo sa cellphone sa mesa. “Hinahanap pa po nila si Kuya, nagpunta po ba si Kuya sa inyo?!” ‘...Ganoon na nga...’ natagalan ang sagot ni Doc Eric. ‘Tawagan n’yo ang tatay n’yo at sabihing na sa `kin si Nathan. May... nagdala kamo sa kan’ya rito sa bahay.’ “Hay, salamat sa Diyos!” nakahinga si Mercy ng malalim, “Thank you tito, at maayos na s’ya, kanina pa kami nag-aalala kay Kuya!” “Pwede po ba s’yang makausap?” tanong ni Bless. Muling natahimik ang kabilang linya. ‘...bagsag pa s’ya sa ngayon...’ sagot ni Doc . “Sabi na nga ba, naglasing