Share

Chapter 114

Mainit ang laman ng injection na tinurok sa `kin ni Kevin.

Dama ko `to na dumaloy sa braso ko at kumalat sa `king katawan.

”Si Harold ang nagpilit na lumapit sa `yo,” sabi n’ya habang mahigpit ang kapit sa `kin. ”Inisip n’ya na kahit beta s’ya, kaya ka n’yang mabola. Pero `di pa namin alam noon na may pair ka na.”

”A-anong tinurok mo sa `kin?” tanong ko, kinakabahan, pero `di n’ya `ko pinansin.

”Binalak namin mag road trip at habang nasa labas, itatakas ka namin, pero ang hirap mo’ng ilayo sa mga bodyguards mo...” patuloy n’ya, na para bang nagbabasa nang script nang walang emosyon. ”Sinigurado na nila na wala ang mate mo sa weekends, pero hindi ka pa rin namin makumbinse’ng sumama sa amin nang mag-isa... kahit sa practice n’yo ng sayaw, lagi ka’ng may bantay, at dito ka lang sa exam mahihiwalay sa kanila...”

Kumakalat na ang init

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status