"Ano na naman ba 'yan? Ang aga aga ang sungit sungit mo na naman tingnan! Parang nanunusok 'yong mga mata mo ah!"Tiningnan ko si Ashley at inayos ang pagtingin ko. "At ang aga aga ang ingay mo.""Sus! Alam ko na kung bakit," wika nito."Ano na naman ba?" tanong ko sa kan'ya habang naglalakad papunta sa restroom at sinusundan naman ako nito."Nakita ka na naman ng mag-couple na ang sweet sweet, tama ba?" pang-aasar nitong tanong sa akin.Tiningnan ko naman siya. "Huh? Pinagsasabi mo diyan? Hindi no!""Hoy! Kilala na kita ano! Sa tuwing nakakakita ka ng couple lalo na kapag sweet sila sa isa't isa, iyang mga mata mo ay nanliliit at halos dumidikit na ang kilay sa isa't isa," sagot nito."Iniiwasan ko naman pero naiinis ako e," sagot ko."Bitter!" bulalas niya."Aba!" Masama ko siyang tiningnan. "Hindi ako bitter no!""Anong hindi?! Hindi ba bitter ang tawag diyan? Bakit kasi hindi na lang kayo magkaayos ni Xander para naman bumalik iyong dating sigla mo lalo na kapag nakakakita ng swee
Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa malaking salamin sa harap ko. Inayos ko muna ang buhok ko bago tuluyang lumabas ng cr. Sa bawat nakakasalubong ko co-workers ko man o guests ay binati ko na sila kaagad ng masigla at may matamis na ngiti sa labi ko."Good morning, ma'am! Good morning, sir!" masaya kong bati habang naglalakad.Sa paglalakad ko ay nakita ko pumasok na muna ako sa break room para iiwan sa locker ko ang bag ko. Pagbukas ko palang ay bumungad na si Ashley at Diana na parang may problema. Nakaupo at umiinom ng malamig na tubig si Ashley habang si Diana naman ay pinapaypayan ito.Mabilis akong tumakbo papunta sa kanila. "Hoy! Bakit? Anong nangyari? Okay ka lang ba Ash?"Umiling siya. "I'm not okay," nanghihina niyang sagot sa akin.Tumabi ako sa kan'ya at hinawakan ang ulo, leeg at pisngi niya para malaman ko kung mainit siya baka kasi nilalagnat ito pero okay naman siya kanina ang lakas pa nga niya mang-asar e."Bakit? Anong nangyari? Anong masakit sa'yo?" Tumingi
"Ang bango!" masigla kong sambit.Nakaamoy lang naman ako ng blueberry cheesecake. Hinanap ko ang amoy na iyon at si Diana at Ashley naman ay nakatingin lang sa akin."Ilabas niyo na 'yan! Kahit pala hindi ko kaya tinayo kanina e bibigyan niyo rin pala ako niyan." Matamis akong ngiti. "Akin na ilabas niyo na!"Kinikilig pa nga ako dahil favorite ko talaga iyon. Kahit araw arawin kong kainin ay hindi ako magsasawa kaya naman tuwang-tuwa ako nang maamoy ko iyon."Pinagsasabi mo diyan? Eh hindi naman kami lumabas ni Ash," sagot ni Diana habang binibigyan ako nito ng nagtatakang tingin."Dati ka bang baliw?" nakakunot noo na sabi sa akin ni Ash."Sus! Magde-deny pa kasi," nakangiti kong sambit.Tumayo ako at lumapit sa kanila at pinilit na kinalkal ang gamit nila pero wala akong nakita pero amoy na amoy ko pa rin talaga iyong blueberry cheesecake na iyon. Gusto ko nang kainin!"Wala nga! Kung meron man, bakit ka namin bibigyan?" natatawang tanong ni Ashley."So meron nga?""Wala!" sabay n
Naguguluhan ako habang nakasakay sa elevator dahil hindi ko naman talaga alam kung bakit parang ang random naman kung bigla na lang niya ako pinatawag dahil nakita lang niya ako sa cctv. Wala rin talaga akong idea.."May nagawa ba akong mali?" Napaisip ako bigla.Pagka-stop sa floor kung saan ako galing kanina ay huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng elevator. Nasa pinakadulo ang office ng senior manager. Ni kahit minsan ay hindi pa ako nakakapasok dito at first time ko lang ngayon. Nakikita ko lang ito kapag umaakyat ako dito kapag pupunta ako sa kabilang kuwarto ng offixe niya or hindi naman kaya kapag napapsilip ako kaya rin talaga akong ideya kung anong meron sa loob maliban sa napakasungit at striktong senior manager.Kumatok ako sa sliding door niya na itim na itim at kahit sumilip ay hindi makikita ang loob. "Grabe naman ang pagka-introvert niya."Ilang beses akong kumakatok pero hindi pa rin ako makapasok hangga't walang permission sa akin kaya nananatili lang ako sa lab
Tumingin muna ako sa office niya. Wala akong makita talaga as in! Huminga ako ng malalim at parang gusto ko na lang din magpalamon sa hotel ngayon dahil sa kahihiyan. Unang pagkikita pero ganito pa nangyari! Sana na lang pala ay chineck ko na muna yong blueberry cheesecake ko sa break room bago ko kinuha ang pagmamay-ari niya. Hays, lesson learned talaga!Hiyang-hiya akong naglalakad papalayo sa office niya. Habang naglalakad ako kay marinig akong nagsalita na boses lalaki."Hey!" sigaw nito.Napalingon ako kaagad sa likod ko. Nakita ko si Sir Kendrix na nakatayo sa may tapat ng office niya. Nakapamulsa ito habang nakatayo ng tuwid at nakatingin sa aking direksyon."Po?" sagot ko at humakbang ako."Stop right there!"Napahinto ako kaagad at umayos ng tayo. Mukhang mapapagalitan yata ako nito. Akala ko ba papalagpasin niya ito? Parang kailangan ko na yatang lumuhod sa harap niya."Next time, don't just take what isn't yours. You ruined my mood today!"Napalaki ako ng mata. "Iyon lang b
Pagkapasok na pagkapasok namin sa break room ay sapilitan akong pinaupo ng dalawa sa upuan na nilagay ni Zack sa harap."Aray ah! Hindi naman halata na talagang interesado kayo sa kwento ko ano?" sarkastik kong tanong sa kanila."Si Sir Kendrix 'yan eh!" sagot ni Zack."Kwento mo na! Tagal e," pagmamaktol ni Diana."Ito na nga..." Napansin ko kaagad ang pagkainteresado nila lalo sa sasabihin ko. "Hindi naman maganda 'yong unang pagkikita namin.""Bakit?" singit na tanong ni Ashley.Sinamaan ko siya ng tingin. "Pwedeng wait lang? Nag-uumpisa palang e nagmamadali."Tinakpan ni Diana ang bibig nito. "Maghintay ka kasi!"Mabilis namang tinanggal ni Ash ang kamay ni Diana na nakatakip sa bibig nito. "Okay fine, sorry! Excited na ako e.""Continue," sabi ni Sean."Iyon nga, hindi maganda iyong unang pagkikita dahil nga kinuha ko ang blueberry cheesecake niya," natatawa kong sabi. Magsasalita pa sana si Diana nang bumawing tinakpan din ni Ashley ang bibig nito. Halata sa kanila ang pagkagula
Pagkalabas na pagkalabas ko palang ng restroom habang pinapagpag ko ang pencil skirt na aking uniform ay iba't iba na ang mga naririnig kong kwentuhan o usapan ng mga katrabaho ko."Gosh! I really can't imagine na makikita ko siya kahit saglit lang!" Halata sa boses nito ang pagkakilig.Napatingala ako at tiningnan ko iyon at nakita kong si Julia ang nagsasabi no'n. Nagkatinginan kami at ngumiti naman kami sa isa't isa. Mabilis niya akong nilapitan at iniban si Angel sa gilid."I saw Sir Kendrix, Stella! He's so handsome na akala mo ay hindi siya totoo dahil sobrang gwapo niya tapos ang hot niya pa, promise!" masigla niyang kwento sa akin.Ngumiti ako ng matamis. "Yeah, you are right! He's handsome.""Nakita mo na rin siya?!" Nanlaki ang mga mata nito.Tumango-tango naman ako. "Yes, nakita ko na siya and lahat ng chismis ay totoo."Mas lumawak ang ngiti niya. "Oh sige! Ingat sa pag-uwi!"Masigla siyang lumayo sa akin at pinuntahan si Angel at sobrang saya niya. I'm sure hindi pa nakik
Swerte pa rin kahit papaano dahil naabutan ko siya. Maingat akong kumatok sa bintana ng passenger seat niya at hindi ko naman siya makita sa loob dahil black na black ang bintana niya. Dinikit ko na nga ang mukha ko sa bintana para masilip siya pero hindi ko talaga makita. Hindi kk alam kung anong hitsura ko ang nakikita niya pero wala na akong pakialam doon dahil ang gusto ko ay pagbuksan niya ako ng pinto para makuha ko ang kailangang itago.Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pagbaba ng bintana nito kaya umatras na ako at hinihintay na tuluyan iyon maibaba. Sinalubong niya ako ng isang kilay niyang nakataas. Kahit napakasungit ng tingin niya sa akin hindi ko talagang kayang ipagkaila kung gaano siya kagwapo."Sir, may kukunin lang po ako," bungad kong sabi.Hindi siya nagsalita at ginalaw lang niya ang ulo niya na parang nagtataka na rin kung ano nga ba ang naiwan ko. Kinagat ko ang lower lip ko ng pasimple nang mahiya akong sabihin kong ano ba ang kukunin ko. Sinilip ko ang
"Oh bakit? Hindi mo siya na abutan?" nagtatakang tanong sa akin ni Ashley."Hindi, kaya tatawagan ko siya ngayon," sagot ko habang kinukuha ang cellphone ko sa pouch ko."Ano ba? He's not Zander, bakit ba kasi pinipilit mo na siya 'yon?" mataray na tanong ni Dianna."Puwede ba dianna, manahimik ka na muna? Hindi ba siya pwedeng tawagan para i-confirm?" inis kong wika.Nagulat siya sa sinabi ko kaya napaikot na lang siya ng mata sa akin. "Bahala ka."Inikot ko rin ang mata ko sa kan'ya habang hinihintay na sumagot si Zander at hindi naman ako nabigo dahil agad din naman niya itong sinagot."Oh?" bungad nitong wika."Nasa'an ka?" tanong ko."Bakit? Nandito ako sa office ko," sagot niya."Ah, akala ko kasi nandito ka.. iba nga siguro iyong nakita ko," sagot ko."Tumawag ka para tanungin lang iyon?" tanong niya at may halong inis ang tono nito."Masama bang i-confirm, Zander?" inis ko rin tanong sa kan'ya."Puwede ka naman mag-text, bakit tumawag ka pa..""Bawal na ba?" tanong ko rito."I
"What do you mean?" taas kilay kong tanong sa kan'ya na may halong pagtataka."I also get a glass of water and I told Ashley to get it for me cause I can't hold it since I'm also holding these two plates," paliwanag niya sabay taas niya ng dalawang kamay niya na pinapakita na may hawak siyang mga plato na may laman na assorted snacks."Are you serious?" Napatingin kaagad si Ashley sa kan'ya at binigyan niya ito ng nagtatakang tingin. "Sa tingin mo ba mahahawakan ko ang isang baso ng tubig kong may hawak din akong isang tray na may limang baso ng tubig at mga pagkain din?" Halata sa boses niya ang pagkainis."Oh, chill! Ano ba kayo? Para lang doon eh nagkakaroon kayo ng tensyon sa isa't isa.." wika ko sabay buntong hininga."Cause I told Ashley to get it also!" bulalas ni Dianna."How can I? Nakikita mo ba ang tray na hawak ko? Punong puno 'di ba? So sabihin mo sa akin paano ko mailalagay ang basong iyon? Bakit kasi kukuha ka pa ng isnag baso ng tubig? Alam mo na ngang kukuha ako.. Thi
Makalipas lang ang 30 minutes ay biglang namatay ang buong ilaw dito sa venue. It's a part of the event na before mag-start ay papatayin lahat ng ilaw dahil papasok ang pamilya ni Mr. Harrison. Madami na rin ang mga tao dito at ang mga VIP guests ay halos kompleto na rin sa pagkakaalam ko."Magsisimula na 'di ba?" tanong ni Dianna."Oo," sagot ni Ashley."Eh nasa'an na si Sean at si Zack?" tanong niya muli."Zack will be here soon si Sean naman ay hindi ko sure pero I'm sure, baka sabay nila silang dalawa," sagot ulit nito."Ah.."Mayamaya lang ay nakarinig na kami na nagsimula nang magsalita ang host ng event ngayong gabi. Lahat atensyon namin ay nakuha niya at hinihintay na magpadating ng Harrison family."Good evening, everyone! Thank you for joining us tonight.. before we proceed to our party, I would like to take a moment to acknowledge some special people that it has been part of the success of this company. It's a very great pleasure for me to introduce the Harrison family!" ma
THIS IS IT!!Ito na ang gabi na pinakahinihintay naming lahat pero ako medyo hindi ako gano'n kasaya dahil nga after ng event na ito ay wala na akong trabaho at kailangan na naman humanap ng panibagong trabaho. Ewan ko ba kay Sir Kendrix at napaka-sensitive na tao sarap niyang hambalusin ng walis tambo.By the way, nandito pa rin ako sa bahay katatapos ko lang mag-ayos. Suot suot ko na ang napakagandang gown at nag-ipit ako ng bun sa may bandang ibaba lang para mas classy tingnan at naglagay ng gown design na parang pangdyosa katulad sa design ng gown ko. Nabili ko lang din ito kahapon sa gown store na pinakita sa akin ni Ms. Janine.Kinuha ko ang cellphone ko sa gown kong pouch para tawagan si Zander. I really have no idea kung pupunta ba siya o hindi dahil wala naman akong natatanggap na text mula sa kan'ya kahit ilang beses ko na siyang i-text o tawagan. Pwede naman niya kasing sabihin sa akin kung ayaw niya para hindi ko na siya hinihintay pa.. nagmumukha na naman akong t*nga nito
Nang makasakay na siya at inayos niya ang pagkakaalis ng kotse niya at tinapat niya sa akin at nandito na siyang sa right side ko. Habang nakatingin ako sa kan'ya napansin ko ang pagbaba ng bintana sa may passenger seat niya ka naman binaba ko rin bintana ko sa may driver seat.Parang nagliliwanag siya sa sobrang kagwapuhan niya isama mo pa yong ganda ng katawan niya.."You go first," wika nito.Tumango naman ako at sabay taas ko ng bintana at mabilis na pinatakbo ang kotse ko pagkatapos niyang sabihin iyon. Tumingin ako sa side mirror ko at na tanaw ko na hindi pa ito umaandar."Pinagloloko ba niya ako?" tanong ko sa sarili ko habang nagda-drive pa rin ng mabilis. Mabuti na lamang ay maluwang ang kalsada ngayon at wala masyadong saskayan.Nagulat ko na lang ako ng makarinig ako ng busina mula sa left side ko kaya napatingin ako doon at nakita ko ang kotse ni Sir Kendrix kaya naman mas binilisan ko ang patakbo ko dahilan para maiwan siya saglit pero mas kinagulat ko nang mabilis niya
Habang nagda-drive ako papunta sa bahay ni Zander, kinuha ko ang cellphone sa bag ko na nasa may passenger seat at kinalikot iton para tawagan siya. Hindi siya sinasagot at feeling ko ay galit pa rin siya sa akin pero tuloy pa rin ang tawag ko.Nang halos nasa tapat na ako ng bahay niya, bigla itong lumabas sa gate at napahinto nang silipin niya ang cellphone niya. Mukhang nakita na niya ako ang tumatawag. Akala ko ay sasagutin niya pero pinatayan lang naman niya ako ng tawag.Sa inis ko ay nagbusina ako ng matagal dahilan para magulat ito. Napatingin siya sa direksyon ko habang nakakunot ang noo niya kaya naman inis akong lumabas ng kotse at nilapitan siya."What are you doing here?" bungad niyang tanong sa akin sa masungit nitong boses."Am I not allowed to go here anymore?" balik kong tanong sa kan'ya habang nakataas ang dalawang kilay ko. "Bakit mo pinatay iyong tawag ko? Kanina pa kita tinatawagan.""I'm busy, wala akong time para sagutin ang tawag mo," sagot nito sabay bukas niy
"Before that inukin mo muna iyan para maging okay ka na!" sigaw nito sa akin na may halong pag-aalala."Ito na nga oh, iinom na," sagot ko sabay ikot ko ng mata ko sa kan'ya.Habang umiinom ako ng tubig ay napansin ko si Ashley na parang nag-iisip nga ng malalim. Mukhang seryoso nga siya sa sinasabi niya."Halika bilisan mo!" Nagmamadali niyang hinawakan ang kamay ko at mabilis na hinila."Kung makahila ka akala mo hindi ako nahihilo ah," inis kong wika.Bigla siyang bumagal maglakad palabas ng break time at tiningnan ako ng nakangiti. "Ay sorry naman! Excited kasi ako eh.""Saan na naman ba tayo pupunta?" tanong ko rito."Balak kong pumunta sa office ni Sir Kendrix, si Sir sungit pero yummy," sagot nito."For what?!" gulat kong tanong na halos manlaki na ang mata ko at napatigil sa paglalakad. "Ano na naman bang balak mo kasi?""Basta nga!" bulalas nito na mukhang nakukulitan na rin sa akin."Ayaw ko!"Mas humigpit ang hawak niya sa akin. Pasalamat siya at hindi masyadong okay ang pa
Yumuko ako at mabilis kong tinanggal ang heels ko at kunot noo na inangat ang ulo ko sabay taas ko ng kamay ko kung saan hawak ko ang isang heels ko at akmang babatuhin sa may pinto kung saan lumabas si Sir Kendrix."Stella..." rinig kong wika ni Ashley.Mabilis na hinawakan ni Sean anv kamay ko."Sama ng uga..."Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko si Sir Kendrix na nakatayo sa may pinto at nakasandal sa may pader katabi ng pintuan at habang nakapamulsa ito. Nakatingin siya sa akin na walang emosyon. Kaya naman pala nagsalita si Ashley at todo pigil sa akin ni Sean na hinawakan pa ang kamay ko.Dahan-dahan kong binaba ang kamay ko at inosenteng sinuot muli ang heels ko. Medyo mabilis na nga ang tibok ng puso ko dahil na rin sa titig ni Sir Kendrix na anytime ay pwede na niya akong paalisin dito."What a scandalous person," mahinahon niyang wika. Agad naman siyang lumabas ng break time room."Stella! You need to be careful lalo na at napakainit na ng dugo sa'yo ni Sir K
Nagising akong masakit ang ulo ko.. ang bigat ng ulo ko na parang mabibiyak sa sobrang sakit. Kinapa ko ang buhok ko at medyo basa pa nga ito kaya nag-aalangan din ang pumasok ngayon dahil sa sakit ng ulo ko.Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at nakita kong 7:45 na ng umaga kaya mas lalo akong napaisip na huwag na nga lang pumasok. Binalik ko na ang cellphone ko sa side table ng kama ko at pumikit na at wala pang ilang minuto ay tumunog ang cellphone ko. Wala pa nga akong balak sagutin iyon pero inabot ko pa rin at tiningnan kung sino ang tumatawag."Ashley.." antok na antok kong sambit nang makita ang pangalan niya.Hinahayaan ko na lamang nga at binaba ang cellphone ko kahit patuloy pa rin siya sa pagtawag sa akin. Tinatamad akong sagutin iyon at gusto ko pang matulog.. nakatatlong tawag na siya sa akin pero hindi ko pa rin makuhang sagutin ang tawag niya. Sa ika-apat na tawag ay inis ko nang kinuha ang cellphone ko at sinagot iyon habang nakakunot ang noo ko."What? Hindi ako p