Pagkapasok na pagkapasok namin sa break room ay sapilitan akong pinaupo ng dalawa sa upuan na nilagay ni Zack sa harap.
"Aray ah! Hindi naman halata na talagang interesado kayo sa kwento ko ano?" sarkastik kong tanong sa kanila.
"Si Sir Kendrix 'yan eh!" sagot ni Zack.
"Kwento mo na! Tagal e," pagmamaktol ni Diana.
"Ito na nga..." Napansin ko kaagad ang pagkainteresado nila lalo sa sasabihin ko. "Hindi naman maganda 'yong unang pagkikita namin."
"Bakit?" singit na tanong ni Ashley.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Pwedeng wait lang? Nag-uumpisa palang e nagmamadali."
Tinakpan ni Diana ang bibig nito. "Maghintay ka kasi!"
Mabilis namang tinanggal ni Ash ang kamay ni Diana na nakatakip sa bibig nito. "Okay fine, sorry! Excited na ako e."
"Continue," sabi ni Sean.
"Iyon nga, hindi maganda iyong unang pagkikita dahil nga kinuha ko ang blueberry cheesecake niya," natatawa kong sabi. Magsasalita pa sana si Diana nang bumawing tinakpan din ni Ashley ang bibig nito. Halata sa kanila ang pagkagulat. "Akala ko kasi sa akin iyon kaya kinuha ko na inaakala ko pa ay baka may nagloko sa inyo at inakyat iyon. Akala ko talaga sa akin dahil nga akala ko same sila ng hati pero nong tiningnan ko iyong picture at sa kan'ya, magkaiba nga! Tapos iyon nagalit siya sa akin tapos kung ano ano na sinasabi niya."
"Omg ka, Stella! Dati ka bang t*nga?" kunot noong tanong ni Ashley. "Bakit hindi mo muna chineck dito?"
"Iyon nga pagkakamali ko, masyado akong nag-isip na sa akin nga iyon kaya nga sobra talaga akong nahihiya kanina."
"Totoo ba iyong sinasabi nila na grabe siyang magalit?" tanong ni Sean.
"Oo pero kasi ako feeling ko hindi pa iyon yong galit niya pero ramdam ko yong inis at galit niya sa akin. Parang binabalatan nga ako ng buhay sa tingin niya sa akin e. Nakakatakot talaga pero mas nakakatakot pa siguro kapag nilabas na niya 'yong talagang galit niya pero sana hindi ko maranasan iyon," kalmado kong sagot.
"Mabuti nga at hindi ka binigyan ng parusa," sabi ni Zack.
"He was about to! pero dahil siguro medyo mababaw naman iyong rason pinagbigyan niya ako kaya naman ang swerte ko kanina pero once ma ginawa ko pa rin iyon ay talagang bibigyan niya ako ng parusa."
"Ano kayang parusa?" tanong ni Ashley habang nakatingin sa kisame na parang nag-iisip pa. "Naku! Kung parusa lang iyan na katulad sa novel na binabasa ko, ay pak! Gusto ko! Gusto ko!" Bigla itong tumawa ng malakas.
Napatingin kaming lahat kay Ashley. Alam namin ang ibigsabihin nito dahil mahilig din siya magbasa ng mga novels na may mga kaganapan na SPG. Bigla itong binato ni Zack ng throw pillow na puti dito sa may breaktime room. Agad naman nasalo iyon ni Ashley at mabilis din binato kay Zack at nasalo rin niya kaagad.
"Basta talaga pogi go na go ka ano?" pang-aasar ni Zack na may halong inis.
"Bakit ba?"
"Anong bakit ba? Paano kung pogi naman talaga pero masama pala ugali? Paano kung gagamitin ka lang pala sa panandalian na saya, gusto mo? Gusto mo?"
"Kung si Kendrix naman, bakit hindi?" nakangiting sagot ni Ashley.
Napatingin kami bigla kay Zack nang bigla itong tumayo at hawak ang throw pillow. Nagtataka siyang tiningnan ni Ashley.
"What? Anong gagawin mo?" Halata sa mukha nito ang takot kaya hindi ko maiwasan na hindi matawa.
Pagdating ni Zack kay Ashley ay mabilis niyang tinakpan ang bibig nito at pinalo ng mahina ang throw pillow sa ulo niya.
"Kuha nga kayo ng tape! I-tape ko lang itong bibig ng kaibigan niyo ang bastos ng mga sinasabi e," sabi naman ni Zack habang patingin tingin sa amin ni Diana.
Natawa na lamang kaming lahat. Si Ashley naman ay todo palag.
Tumayo naman si Sean sabay pamulsa niya. "Stop that now, Zack. Masyado mo naman pinapahalata na may gusto ka kay Ashley," wika nito nang mahawakan na niya si Zack sa balikat habang nakangiti ng kaonti.
"What?!" Mabilis siyang tiningnan ni Zack at halata sa mukha nito ang pagkagulat.
"May gusto ka pala sa akin ah," pang-aasar ni Ashley sa kan'ya.
Sarkastikong tumawa si Zack. "In your dreams! Never!"
Nagkibitbalikat naman si Ashley. Biglang namula si Zack at lumayo na siya kay Ashley sa pamamagitan ng paghila sa kan'ya ni Sean. Hindi na tuloy tumigil ang pang-aasar sa kan'ya habang kami ay tawang-tawa siya naman ay namumula.
"Teka nga! Hindi ba ang usapan ay tungkol kay Sir Kendrix bakit napunta sa akin?"
"Nagselos ka kasi eh," pang-aasar ko.
Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin. "Ako? Magseselos? Hell no!"
"Sus!" sambit naman ni Diana.
"Oh tama na, tigilan na natin siya baka mamaya eh umiyak pa 'yan," natatawang sabi ni Ashley.
Binigyan naman siya ng masamang tingin ni Zack.
"So, ayon nga... pogi talaga niya ano?" kinikilig na sabi ni Ash.
"Oo, super pogi talaga as in! Totoo talaga ang mga chismis! Kahit sino ay mapapatulala sa kan'ya. Okay na nga sana eh kaso pangit ng ugali, ayaw ko na makita iyon."
"May possibility na hindi mo talaga siya makikita kasi hindi naman talaga siya malapit sa mga tao kaya okay lang 'yan," natatawang sambit ni Diana. "Pero at least nakita mo na siya at nakausap hindi ba?"
"Oo, pero ang pangit talaga ng first encounter namin sa isa't isa." Napaikot na lamang ako ng mata. "Nga pala, let's have a plan tomorrow about sa event na gaganapin dito sa hotel like last year. Ako ulit sinabihan ng CEO na mag-aasikaso at pati kayong mga kasama kong nag-ayos din noon."
"Eh paano ang work natin bukas?" nagtatakang tanong ni Sean.
"Parang tulad din siguro dati. Baka aatasan ulit sila Steph na sila muna sa duty time natin," sagot ko.
"Nice!" masiglang sigaw ni Zack.
"Masaya ka doon?" tanong ni Ashley.
"Bakit hindi? Medyo makakapag-relax ng kaonti," sagot nito.
"Asa!" sambit ni Diana sabay bato rin ng throw pillow sa kan'ya.
"Aray ah!" daing nito nang matamaan siya sa mukha.
"Tara na tara na! Uwi na," yayang sabi ni Sean.
"Teka hindi pa ako nakakabawi eh," malungkot njyang wika.
"Babawi ka? Eh mga babae 'yan."
"Ibang bawi naman ah."
"Anong bawi?" tanong ni Diana.
"Kiss." Bigla itong tumawa ng malakas.
Mabilis na tinakpan ni Sean ang bibig nito na kinagulat niya sa lakas ba naman at biglaang takip. "Hilig mo sa kiss!"
"Ang harot mo!" sigaw ni Ashley.
Mabilis na tinanggal ni Zack ang kamay ni Sean sa bibig niya at hindi naman siya nabigo. "Bakit? Selos ka ba?" pang-aasar niyang tanong kay Ash.
"Assuming ka! Tara na nga at umuwi na," yaya nito sabay kuha niya ng bag.
"Selosa ka pala," pang-aasar pa niya.
Binigyan siya ng hindi makapaniwalang tingin ni Ashley habang dinadaan niya ito. Hindi naman ako mapagpigil na hindi matawa dahil sa kakulitan nila. Mabuti na lamang ay walang pikon dito kaya ang saya lang din makisama sa mga ganitong mga tao kaya nakaka-enjoy din talagang magtrabaho.
Sunod sunod na nga kaming lumabas ng hotel. Pumunta na kami sa may parking lot. Nauna nang umalis si Sean at Zack sakay ng sari-sariling kotse. Ako naman na hindi nagdala ng kotse dahil wala lang, gusto ko lang talaga makisakay kay Ashley ngayon kaya naman ay ihahatid niya ako sa bahay tonight.
"Nga pala may surprise kami sa'yo ni Ashley," sambit ni Diana habang nakangiti.
"Hmm? Ano iyon?" Nagtataka ko silang tiningnan.
"Tada!" sabay nilang sabi sa masiglang tono.
Inabot nila sa akin ang red na paper bag na katamtaman ang laki. Dahan-dahan ko itong kinuha habang nagtataka dahil wala akong ideya kung ano ang laman nito.
"Ano ba ito? Pagkain?" Bigla akong ngumiti.
"Hindi!" madiin na sagot ni Diana.
"Eh ano?"
"Open it para malaman mo," sagot ni Ashley.
Dahan-dahan kong binuksan ang paper na hawak ko ngayon at may nakita akong red din na hindi ko alam dahil parang manipis lang ito kaya naman kinuha ko iyon at nilabas. Habang nilalabas ko ito ay ganado pa ako pero nang ma-realized ko kung ano ito, bigla nanlaki ang mga bata ko habang nilalabas pa rin at nang talagang nakasiguro na ako na isa siyang lingerie, mabilis kong binalik iyon sa paper bag.
"Ano 'yon?! Bakit may gano'n?" naguguluhan kong tanong sa kanila na abot tenga ang mga ngiti.
"Ang ganda 'di ba? Ang perfect kaya!" nakangiting sabi ni Ashley.
"Bagay na bagay sa'yo 'yan, friend!" masiglang sabi ni Diana.
"Dati ba kayong baliw?" kunot noo kong tanong sa kanila.
"Hello? Magagamit mo kaya iyan kay Xander! I think kailangan lang talaga ng maanghang na gabi para bumalik ang dating tamis," nakangiting sabi ni Ashley sabay tawa at taas-baba ng dalawang kilay.
"Mga loko!" sambit ko sabay abot sa kanila ng paper bag na hawak ko pero hindi nila iyon kinuha at binigyan lang nila ako ng nakakaasar na ngiti. "Kunin niyo! Kayo na lang gumamit."
"We already have those! It's your turn to have one too," natatawang sabi ni Diana.
Binigyan ko sila ng hindi makapaniwalang tingin habang nakataas ang itaas na labi ko. "My goodness!"
"Hindi mo ba nagustuhan? Nag-effort pa kami ni Diana diyan para makahanap kami niyan at para maibigay sa'yo! Tinutulungan ka lang namin ano!"
"Ayoko ng gan'yan na tulong kaya no thanks." Ngumiti ako ng nakakaasar.
"Kunin mo!" Nanlalaki ang mga mata ni Diana habang nakatingin sa akin.
"Ayoko!"
"Bahala ka diyan! Alis na ako," sabi nito sabay takbo paalis.
"Bye!" sigaw ni Ashley. Tumingin siya sa akin. "Oh ano? Itago mo na!"
"Ayoko nga!"
"Bahala ka diyan! Hintayin mo ako dito iikot lang ako," sabi nito.
"Bakit hindi mo pa ako isama?" tanong ko rito.
"Hindi ba sabi mo pupunta ka pa ng restroom?"
"Ah oo pala, nakalimutan ko na dahil sa surprise na sinasabi ninyo," wika ko habang naniningkit ang mata kong nakatingin sa kan'ya.
Nang mapansin niya iyon ay mabilis siyang sumakay sa kotse niya. "Wait for me!"
Mabilis niyang pinatakbo ang kotse niya kaya naiwan na lang ako rito. Napatingin naman ako sa hwak kong paper bag at napailing na lamang ako at nagsimula nang humakbang para pumunta na sa restroom sa loob ng hotel.
Pagkalabas na pagkalabas ko palang ng restroom habang pinapagpag ko ang pencil skirt na aking uniform ay iba't iba na ang mga naririnig kong kwentuhan o usapan ng mga katrabaho ko."Gosh! I really can't imagine na makikita ko siya kahit saglit lang!" Halata sa boses nito ang pagkakilig.Napatingala ako at tiningnan ko iyon at nakita kong si Julia ang nagsasabi no'n. Nagkatinginan kami at ngumiti naman kami sa isa't isa. Mabilis niya akong nilapitan at iniban si Angel sa gilid."I saw Sir Kendrix, Stella! He's so handsome na akala mo ay hindi siya totoo dahil sobrang gwapo niya tapos ang hot niya pa, promise!" masigla niyang kwento sa akin.Ngumiti ako ng matamis. "Yeah, you are right! He's handsome.""Nakita mo na rin siya?!" Nanlaki ang mga mata nito.Tumango-tango naman ako. "Yes, nakita ko na siya and lahat ng chismis ay totoo."Mas lumawak ang ngiti niya. "Oh sige! Ingat sa pag-uwi!"Masigla siyang lumayo sa akin at pinuntahan si Angel at sobrang saya niya. I'm sure hindi pa nakik
Swerte pa rin kahit papaano dahil naabutan ko siya. Maingat akong kumatok sa bintana ng passenger seat niya at hindi ko naman siya makita sa loob dahil black na black ang bintana niya. Dinikit ko na nga ang mukha ko sa bintana para masilip siya pero hindi ko talaga makita. Hindi kk alam kung anong hitsura ko ang nakikita niya pero wala na akong pakialam doon dahil ang gusto ko ay pagbuksan niya ako ng pinto para makuha ko ang kailangang itago.Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pagbaba ng bintana nito kaya umatras na ako at hinihintay na tuluyan iyon maibaba. Sinalubong niya ako ng isang kilay niyang nakataas. Kahit napakasungit ng tingin niya sa akin hindi ko talagang kayang ipagkaila kung gaano siya kagwapo."Sir, may kukunin lang po ako," bungad kong sabi.Hindi siya nagsalita at ginalaw lang niya ang ulo niya na parang nagtataka na rin kung ano nga ba ang naiwan ko. Kinagat ko ang lower lip ko ng pasimple nang mahiya akong sabihin kong ano ba ang kukunin ko. Sinilip ko ang
Sinamantala kong may kausap siya sa telepono. Dahan-dahan akong naglakad at nang humakbang ako ay narinig ko ang tunog ng heels ko kaya naman napatingin ako sa kan'ya para masiguradong hindi niya iyon narinig. Mukhang hindi naman dahil busy siya sa kan'yang kausap at nakatalikod ito kung saan ako nakapwesto ngayon.Mabilis kong tinanggal ang heels ko nang may halong pag-iingat. Hindi naman ako nabigo at natanggal ko iyon na walang ingay. Nagsimula na muli akong naglakad ng dahan-dahan na akala mo ay isang magnanakaw. Habang naglalakad ako nakatingin pa rin ako sa kan'ya nang makapunta na ako sa kotse niya ay napansin kong lilingon siya kaya mabilis akong umupo. Ramdam ko ang hingal ko at kaba ko sa aking ginagawa."I'm already here at the hotel," rinig kong wika nito.Hinahakbang po ang mga paa ko habang nakaupo ako, hindi ko siya makita pero pakiramdam ko naman ay hindi niya ako makikita. Ginawa ko na ang best ko para mabilisan ko at nang makarating ako sa passenger seat, dahan-dahan
Mabilis akong umalis sa kinaroroonan ko. Pumunta ako sa break room at tinago ang lingerie sa bag ko. Saktong dumating na sila Ashley at Diana habang nakangiti agad ko naman sila sinamaan ng tingin."Ano na naman ba? Ang aga aga gan'yan hitsura mo!" bulalas ni Diana."Kasalanan niyo ito e! Kung hindi niyo ako niregaluhan ng lingerie edi sana hindi ito nangyayari sa akin," inis kong sagot sa kanila."Bakit kami na naman? Ano bang ginawa mo?" nagtatakng tanong ni Diana."Paano ba naman kasi sumakay sa ibang kotse at ang malas niya sa kotse pa ni Sir Kendrix! Tapos nalaglag niya pa iyong lingerie sa kotse," kwento ni Ashley sa kan'ya. "What?!" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Diana."Still, it's your fault," sabi ko sa kanilang dalawa."Bakit naman namin naging kasalanan pa namin? Eh ikaw nga itong nakalaglag sa kotse niya," saad ni Ashley."Alam niyo ba kumg anong ginawa niya? Nilaglag niya lang naman ang lingerie na ito sa harap ng mga empleyado at syempre malaking kahihiyan sa a
Mabilis ang tibok ng puso kong lumalayo sa opisina ng CEO. Mabilis ang lakad ko para lang makaalis na kaagad. Narinig ko na ang pagsara ng pinto at napapikit ako kasi alam kong nakalabas na rin si Sir Kendrix. Hindi ko mapigilan na hindi mapalingon kaya lumingon ako. Nakita kondiyang nakatayo pa rin sa may tapat ng opisina ng CEO habang nakapamulsa at nakatingin sa akin na walang emosyon. Sa takot ko ay iniwas ko na ang tingin ko at mas binilisan pa ang aking lakad.Hingal na hingal akong pumasok sa break room. Inayos ko na ang dapat ayusin. Kinausap ko na rin ang mag-aayos ng party at dahil this week na nga gaganapin iyon hindi na muna ako nagtrabaho sa front desk. Inasikaso ko na muna lahat lahat talagang naging busy ako."You need help?" tanong sa akin ni Sean nang matapos siyang kumatok sa may pinto.Napatingin ako ako sa may pinto sabay ngiti. "No, it's okay I can handle it naman e tsaka mayamaya nandito na rin si Ashley."Naglakad siya habang nakamulsa ang dalawa niyang kamay. "
"Wala rin naman tayonv choice kundi sundin anv utos nila lalo na ang utos ni Sir Kendrix, pero at least 'di ba? Naranasan mo 'yong galit at inis niya," natatawa niyang wika.Sinamaan ko naman siya ng tingin. "So ano na nga? Pinag-uusapan na ba ako?"Tumango-tango siya habang nakapikit. "Oo, simula nong pagpasok ko dito sa hotel naririnig ko na pangalan mo mula sa mga kasamahang empleyado natin.""Anong sinasabi nila?" curious kong tanong sa kan'ya. "Ang naririnig ko, ang sabi nila ikaw na ang next target ni Sir Kendrix kaya need mo raw mag-ingat.. naalala mo ba si Madison? Hindi ba naging target siya ni Sir Kendrix dahil natapunan niya ito ng malamig na pineapple juice tapos doon na nag-start 'yong galit niya sa kan'ya," wika nito."Hindi ba siya iyong nag-resign dahil hindi niya nakaya 'yong inis at galit ni Sir Kendrix?" tanong ko."Yes, siya nga kaya ikaw kailangan mo talagang mag-ingat," paalala niya."Don't worry, I can handle." Ngumiti ako ng matamis kahit na ang totoo ay medyo
"S-sorry po!" paumanhin ko habang hindi pa ito lumilingon sa akin.Naisipan kong tumakas sa kan'ya sa pamamagitan ng pagtakbo. Nagbilang ako sa isip ko at nang makabilang ako ng tatlo ay mabilis aking humakbang pero bakit gano'n? Gusto ko na lang umiyak nang mabilis niyang hawakan ang kamay ko. Parang si Flash sa sobrang bilis niyang hablutin ang kamay ko. Madiin akong pumikit at yumuko."Show me your face," kalmado nitong utos sa akin.Marahas akong umiling at nakayuko pa rin at ang buhok ko ay nasa mukha ko pa rin. Narinig ko ang pagngisi niya kaya hindi ko mapigilan na hindi mapakunot ng noo at the same time ay sobra na akong kinakabahan."Guess what.. It's you again! Wala ka na bang alam kundi guluhin ako at sumingit sa pang-araw araw ko dito sa trabaho? Nadadadiya ka ba?" inis nitong tanong sa akin.Dahil alam naman na niya kung sino ako, Inayos ko na ang buhok ko at hinarap siya. Naiinis na talaga ako sa mokong na ito eh malapit ko nang balatan ito ng buhay.Pilit akong ngumiti.
Habang naglalakad ako papunta sa cafeteria ay napakagat ako sa lower lip dahil iniisip ko ang nangyari kanina kay Sir Kendrix.. mukhang ito na yata ang last day ko sa kompanya. Bakit ba kasi kaming nagkakasalubong? Dati naman ay hindi ko siya nakikita pero bakit ngayon pasulpot sulpot na siya."Pasulpot sulpot," bulong ko sa sarili ko sabay ikot ko ng mata ko."Ano na naman 'yon?"Sa gulat ko ay napahakbang ako at lumingon sa aking likod. Nakita ko si Ashley na nakakunot ang noo niya at malapit ang mukha niya sa akin."Sino ang pasulpot sulpot na sinasabi mo diyan?" kunoy noo niyang tanong sa akin."Si Sir Kendrix, panay na lang sumusulpot rh kasi dati hindi ko naman siya nakikita perl ngayon lagi ko na siya nakikita.. I think after no'ng sa blueberry cheesecake, walang araw na hindi ko siya nakita," inis kong sambit."Baka naman kasi nagpapakita na sa'yo," pang-aasar niya.Tiningnan ko siya ng masama at napawi naman ang ngiti niya at nagkunwaring inubo. "Mali pala.. I mean, since mag
"Oh bakit? Hindi mo siya na abutan?" nagtatakang tanong sa akin ni Ashley."Hindi, kaya tatawagan ko siya ngayon," sagot ko habang kinukuha ang cellphone ko sa pouch ko."Ano ba? He's not Zander, bakit ba kasi pinipilit mo na siya 'yon?" mataray na tanong ni Dianna."Puwede ba dianna, manahimik ka na muna? Hindi ba siya pwedeng tawagan para i-confirm?" inis kong wika.Nagulat siya sa sinabi ko kaya napaikot na lang siya ng mata sa akin. "Bahala ka."Inikot ko rin ang mata ko sa kan'ya habang hinihintay na sumagot si Zander at hindi naman ako nabigo dahil agad din naman niya itong sinagot."Oh?" bungad nitong wika."Nasa'an ka?" tanong ko."Bakit? Nandito ako sa office ko," sagot niya."Ah, akala ko kasi nandito ka.. iba nga siguro iyong nakita ko," sagot ko."Tumawag ka para tanungin lang iyon?" tanong niya at may halong inis ang tono nito."Masama bang i-confirm, Zander?" inis ko rin tanong sa kan'ya."Puwede ka naman mag-text, bakit tumawag ka pa..""Bawal na ba?" tanong ko rito."I
"What do you mean?" taas kilay kong tanong sa kan'ya na may halong pagtataka."I also get a glass of water and I told Ashley to get it for me cause I can't hold it since I'm also holding these two plates," paliwanag niya sabay taas niya ng dalawang kamay niya na pinapakita na may hawak siyang mga plato na may laman na assorted snacks."Are you serious?" Napatingin kaagad si Ashley sa kan'ya at binigyan niya ito ng nagtatakang tingin. "Sa tingin mo ba mahahawakan ko ang isang baso ng tubig kong may hawak din akong isang tray na may limang baso ng tubig at mga pagkain din?" Halata sa boses niya ang pagkainis."Oh, chill! Ano ba kayo? Para lang doon eh nagkakaroon kayo ng tensyon sa isa't isa.." wika ko sabay buntong hininga."Cause I told Ashley to get it also!" bulalas ni Dianna."How can I? Nakikita mo ba ang tray na hawak ko? Punong puno 'di ba? So sabihin mo sa akin paano ko mailalagay ang basong iyon? Bakit kasi kukuha ka pa ng isnag baso ng tubig? Alam mo na ngang kukuha ako.. Thi
Makalipas lang ang 30 minutes ay biglang namatay ang buong ilaw dito sa venue. It's a part of the event na before mag-start ay papatayin lahat ng ilaw dahil papasok ang pamilya ni Mr. Harrison. Madami na rin ang mga tao dito at ang mga VIP guests ay halos kompleto na rin sa pagkakaalam ko."Magsisimula na 'di ba?" tanong ni Dianna."Oo," sagot ni Ashley."Eh nasa'an na si Sean at si Zack?" tanong niya muli."Zack will be here soon si Sean naman ay hindi ko sure pero I'm sure, baka sabay nila silang dalawa," sagot ulit nito."Ah.."Mayamaya lang ay nakarinig na kami na nagsimula nang magsalita ang host ng event ngayong gabi. Lahat atensyon namin ay nakuha niya at hinihintay na magpadating ng Harrison family."Good evening, everyone! Thank you for joining us tonight.. before we proceed to our party, I would like to take a moment to acknowledge some special people that it has been part of the success of this company. It's a very great pleasure for me to introduce the Harrison family!" ma
THIS IS IT!!Ito na ang gabi na pinakahinihintay naming lahat pero ako medyo hindi ako gano'n kasaya dahil nga after ng event na ito ay wala na akong trabaho at kailangan na naman humanap ng panibagong trabaho. Ewan ko ba kay Sir Kendrix at napaka-sensitive na tao sarap niyang hambalusin ng walis tambo.By the way, nandito pa rin ako sa bahay katatapos ko lang mag-ayos. Suot suot ko na ang napakagandang gown at nag-ipit ako ng bun sa may bandang ibaba lang para mas classy tingnan at naglagay ng gown design na parang pangdyosa katulad sa design ng gown ko. Nabili ko lang din ito kahapon sa gown store na pinakita sa akin ni Ms. Janine.Kinuha ko ang cellphone ko sa gown kong pouch para tawagan si Zander. I really have no idea kung pupunta ba siya o hindi dahil wala naman akong natatanggap na text mula sa kan'ya kahit ilang beses ko na siyang i-text o tawagan. Pwede naman niya kasing sabihin sa akin kung ayaw niya para hindi ko na siya hinihintay pa.. nagmumukha na naman akong t*nga nito
Nang makasakay na siya at inayos niya ang pagkakaalis ng kotse niya at tinapat niya sa akin at nandito na siyang sa right side ko. Habang nakatingin ako sa kan'ya napansin ko ang pagbaba ng bintana sa may passenger seat niya ka naman binaba ko rin bintana ko sa may driver seat.Parang nagliliwanag siya sa sobrang kagwapuhan niya isama mo pa yong ganda ng katawan niya.."You go first," wika nito.Tumango naman ako at sabay taas ko ng bintana at mabilis na pinatakbo ang kotse ko pagkatapos niyang sabihin iyon. Tumingin ako sa side mirror ko at na tanaw ko na hindi pa ito umaandar."Pinagloloko ba niya ako?" tanong ko sa sarili ko habang nagda-drive pa rin ng mabilis. Mabuti na lamang ay maluwang ang kalsada ngayon at wala masyadong saskayan.Nagulat ko na lang ako ng makarinig ako ng busina mula sa left side ko kaya napatingin ako doon at nakita ko ang kotse ni Sir Kendrix kaya naman mas binilisan ko ang patakbo ko dahilan para maiwan siya saglit pero mas kinagulat ko nang mabilis niya
Habang nagda-drive ako papunta sa bahay ni Zander, kinuha ko ang cellphone sa bag ko na nasa may passenger seat at kinalikot iton para tawagan siya. Hindi siya sinasagot at feeling ko ay galit pa rin siya sa akin pero tuloy pa rin ang tawag ko.Nang halos nasa tapat na ako ng bahay niya, bigla itong lumabas sa gate at napahinto nang silipin niya ang cellphone niya. Mukhang nakita na niya ako ang tumatawag. Akala ko ay sasagutin niya pero pinatayan lang naman niya ako ng tawag.Sa inis ko ay nagbusina ako ng matagal dahilan para magulat ito. Napatingin siya sa direksyon ko habang nakakunot ang noo niya kaya naman inis akong lumabas ng kotse at nilapitan siya."What are you doing here?" bungad niyang tanong sa akin sa masungit nitong boses."Am I not allowed to go here anymore?" balik kong tanong sa kan'ya habang nakataas ang dalawang kilay ko. "Bakit mo pinatay iyong tawag ko? Kanina pa kita tinatawagan.""I'm busy, wala akong time para sagutin ang tawag mo," sagot nito sabay bukas niy
"Before that inukin mo muna iyan para maging okay ka na!" sigaw nito sa akin na may halong pag-aalala."Ito na nga oh, iinom na," sagot ko sabay ikot ko ng mata ko sa kan'ya.Habang umiinom ako ng tubig ay napansin ko si Ashley na parang nag-iisip nga ng malalim. Mukhang seryoso nga siya sa sinasabi niya."Halika bilisan mo!" Nagmamadali niyang hinawakan ang kamay ko at mabilis na hinila."Kung makahila ka akala mo hindi ako nahihilo ah," inis kong wika.Bigla siyang bumagal maglakad palabas ng break time at tiningnan ako ng nakangiti. "Ay sorry naman! Excited kasi ako eh.""Saan na naman ba tayo pupunta?" tanong ko rito."Balak kong pumunta sa office ni Sir Kendrix, si Sir sungit pero yummy," sagot nito."For what?!" gulat kong tanong na halos manlaki na ang mata ko at napatigil sa paglalakad. "Ano na naman bang balak mo kasi?""Basta nga!" bulalas nito na mukhang nakukulitan na rin sa akin."Ayaw ko!"Mas humigpit ang hawak niya sa akin. Pasalamat siya at hindi masyadong okay ang pa
Yumuko ako at mabilis kong tinanggal ang heels ko at kunot noo na inangat ang ulo ko sabay taas ko ng kamay ko kung saan hawak ko ang isang heels ko at akmang babatuhin sa may pinto kung saan lumabas si Sir Kendrix."Stella..." rinig kong wika ni Ashley.Mabilis na hinawakan ni Sean anv kamay ko."Sama ng uga..."Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko si Sir Kendrix na nakatayo sa may pinto at nakasandal sa may pader katabi ng pintuan at habang nakapamulsa ito. Nakatingin siya sa akin na walang emosyon. Kaya naman pala nagsalita si Ashley at todo pigil sa akin ni Sean na hinawakan pa ang kamay ko.Dahan-dahan kong binaba ang kamay ko at inosenteng sinuot muli ang heels ko. Medyo mabilis na nga ang tibok ng puso ko dahil na rin sa titig ni Sir Kendrix na anytime ay pwede na niya akong paalisin dito."What a scandalous person," mahinahon niyang wika. Agad naman siyang lumabas ng break time room."Stella! You need to be careful lalo na at napakainit na ng dugo sa'yo ni Sir K
Nagising akong masakit ang ulo ko.. ang bigat ng ulo ko na parang mabibiyak sa sobrang sakit. Kinapa ko ang buhok ko at medyo basa pa nga ito kaya nag-aalangan din ang pumasok ngayon dahil sa sakit ng ulo ko.Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at nakita kong 7:45 na ng umaga kaya mas lalo akong napaisip na huwag na nga lang pumasok. Binalik ko na ang cellphone ko sa side table ng kama ko at pumikit na at wala pang ilang minuto ay tumunog ang cellphone ko. Wala pa nga akong balak sagutin iyon pero inabot ko pa rin at tiningnan kung sino ang tumatawag."Ashley.." antok na antok kong sambit nang makita ang pangalan niya.Hinahayaan ko na lamang nga at binaba ang cellphone ko kahit patuloy pa rin siya sa pagtawag sa akin. Tinatamad akong sagutin iyon at gusto ko pang matulog.. nakatatlong tawag na siya sa akin pero hindi ko pa rin makuhang sagutin ang tawag niya. Sa ika-apat na tawag ay inis ko nang kinuha ang cellphone ko at sinagot iyon habang nakakunot ang noo ko."What? Hindi ako p