Home / Romance / Go Deeper (SPG) / Chapter 3 Blueberry cheesecake

Share

Chapter 3 Blueberry cheesecake

"Ang bango!" masigla kong sambit.

Nakaamoy lang naman ako ng blueberry cheesecake. Hinanap ko ang amoy na iyon at si Diana at Ashley naman ay nakatingin lang sa akin.

"Ilabas niyo na 'yan! Kahit pala hindi ko kaya tinayo kanina e bibigyan niyo rin pala ako niyan." Matamis akong ngiti. "Akin na ilabas niyo na!"

Kinikilig pa nga ako dahil favorite ko talaga iyon. Kahit araw arawin kong kainin ay hindi ako magsasawa kaya naman tuwang-tuwa ako nang maamoy ko iyon.

"Pinagsasabi mo diyan? Eh hindi naman kami lumabas ni Ash," sagot ni Diana habang binibigyan ako nito ng nagtatakang tingin.

"Dati ka bang baliw?" nakakunot noo na sabi sa akin ni Ash.

"Sus! Magde-deny pa kasi," nakangiti kong sambit.

Tumayo ako at lumapit sa kanila at pinilit na kinalkal ang gamit nila pero wala akong nakita pero amoy na amoy ko pa rin talaga iyong blueberry cheesecake na iyon. Gusto ko nang kainin!

"Wala nga! Kung meron man, bakit ka namin bibigyan?" natatawang tanong ni Ashley.

"So meron nga?"

"Wala!" sabay nilang sagot ni Diana.

Napa-pout ako. "Is that a perfume?"

"No, it's not," narinig kong sabi ni Sean.

"Hmm?" Napalingon ako sa kan'ya at mas amoy na amoy ko ang blueberry cheesecake.

Nakita ko siyang nakatayo sa likod ko habang may hawak na isang gold box. Mas lalo akong natakam.

"This is for you, I know na gusto mo ito kaya bumili ako. Pumunta kasi ako ng coffee shop para bumili ng iced americano and nakita ko ito kaya bumili na rin ako," paliwanag niya habang nakangiti.

"Talaga? Para sa akin ito?" nakangiti kong tanong kay Sean.

Tumango siya at binigyan niya ako ng mas matamis na ngiti. "Of course, that's for you."

Inabot na niya sa akin kaya agad ko naman iyon kinuha habang nakangiti na abot tenga. "Thank you so much, Sean!"

"No worries." Akmang aalis na sana siya nang nagsalita muli si Ashley.

"Did you really go to a coffee shop to buy iced americano?" pagdududang tanong nito.

"Hmm.. yeah! Why?" nagtatakang tanong ni Sean sa kan'ya.

"Really? Hindi ka ba sumadya sa coffee shop na iyon para bilhan si Stella ng favorite niyang blueberry cheesecake?" may halong pang-aasar na tanong nito.

Tumawa naman si Sean. "Of course not. Ano na naman ba pinagsasabi mo diyan? Kahit kailan talaga ma issue ka."

"Hayaan mo na 'yan. Maissue talaga iyan," sambit ko.

"I saw you earlier!" natatawang sambit naman ni Zack.

Tumingin kami lahat sa kan'ya. Tawang tawa siya habang kami ay tinitingnan lamang siya dahil hindi naman alam kung bakit.

"I saw Sean earlier in a coffee shop, but he didn't buy.." Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang biglang tumakbo at tumalon si Sean sa kan'ya.

Mabilis na tinakpan ni Sean ang bibig ni Zack habang si Zack naman ay pumipiglas at pilit na gustong sabihin ang gusto niyang sabihin.

"Mukhang ilalaglag mo na naman kaibigan mo," natatawang sambit ni Diana.

"Huwag kayong maniniwala sa lalaking ito, lalo ka na Stella," sabi ni Sean habang nakatingin sa akin at gano'n pa rin ang posisyon ng dalawa.

"Dumidiskarte ka na naman," sabi ni Ashley sabay palo sa balikat ni Sean ng papel at tumawa lamang ito.

"Sean, thank you ah!" Ngumiti ako ng matamis sa kan'ya.

Pumunta na ako sa may table para makain na iyon. Hinayaan ko na sila doon bahala sila basta ako kakain. Lunch break na kasi kaya nandito kami sa break room para kumain na. Malaki ito at may sariling foods kami nandito kaya no need na para pumunta pa sa restaurant o sa food court ng hotel.

Bigla namang tumakbo papalapit sa akin ang dalawa kong kainigan at naupo sa harap ko. Tiningnan ko lang sila habang binubuksan ang box na binigay sa akin ni Sean.

"Pahingi kami," walang prenong sabi sa akin ni Diana.

"Oo nga, malaki naman 'yan e hindi mo naman mauubos iyan lahat." Nag-pout pa si Ashley habang nakatingin sa akin.

Inaawa nila ang mukha nila para bigyan ko sila kaya natawa ako.

"Pwede ko naman kainin ito mamaya ulit or bukas. Sino ba kasi nagsabi na kakainin ko lahat ito ngayon?"

"Kaya nga pahingi kami, tulungan ka na namin kumain." Ngumiti ng abot tenga si Ashley.

"Doon kayo.." Kinuha ko ang box at nilayo sa kanila.

"Damot!" sabay nilang sigaw sa akin.

"Aba!" Binigyan ko sila ng matalim na tingin.

Kinain na nila ang pagkain na kinuha nila kanina pero ako ay inuna kong kainin ang blueberry cheesecake bago ang kanin. Habang sumusubo ako ay tumingin ako sa dalawa dahil tumitingin din sila sa akin at iniikot nila ang mga mata nila sa akin. Sarap talaga asarin ng mga ito.

"Sarap! Thank you ulit, Sean!" masigla kong sabi sabay tingin sa dalawa.

"No worries, Stella!" masigla rin niyang sagot.

Nakangiti ako habang kumakain. "Hmm! Sige na nga kumuha na kayo."

Bigla silang ngumiti at nag agawan pa ng tinidor para kumuha na sila. Ang gulo! pero kahit gano'n ay natutuwa ako. Nang makakuha na sila ay tinabi ko na muna iyon at para kumain na ng kanin. Mabilisang kain lang din dahil babalik na rin kami kaagad sa front desk.

MAKALIPAS ang tatlong oras, pinapunta ako sa taas kung saan ang mga offices ng mga may higher positions sa hotel. Pupunta ako ngayon sa CEO dahil may mahalaga raw itong sasabihin.

Sumakay na ako sa elevator. Medyo kinakabahan pa nga ako dahil hindi naman kami madalas magkita ni Sir Harrison ang papa ng senior manager dito. Kung ano ano na tuloy tumatakbo sa isip ko kung bakit ako ang pinapunta.

Pagtapat ko sa pinto ng office niya ay kumatok ako at binuksan na ang sliding door nito. Nakita ko siyang nakaupo at napatingin na rin siya kaagad sa akin.

Ngumiti ito. "Come in."

"Good afternoon po, sir!" masaya kong bati.

"Good afternoon... Have a sit." Inilahad niya ang kamay niya sa upuan na malapit sa lamesa niya kaya agad akong umupo doon.

"Thank you po."

"Okay, so kaya kita pinapunta dito dahil magkakaroon tayo ng night party this week and wala pang date kaya pag-aaralan natin kung kailan. Kaya ikaw ang nandito dahil alam nagustuhan ko 'yong night party natin last year na ikaw din mismo ang nagkaroon ng idea doon kaya gusto ko ikaw ulit ang mag-aasikaso magpatulong ka na lang ulit kila Ashley, iyong mga kasama mo rin na nag-asikaso last year and para masabihan niyo na rin mismo iyong magde-decorate. I'll just give you two days to make an idea and show it to me after, okay?" mahinahon nitong sambit.

"Okay po, sir noted po!" nakangiti kong wika. "About po pala sa date, kami na rin po ba ang magde-decide?"

"Mas maganda kung kayo kasi malalaman niyo kung kailan ang free night for us. We will just hired a part timer na kayang mag-asikaso ng hotel for one night, so si Lilia na lang ang maghahanap kung sino ang dapat pagkatiwalaan dito sa hotel while we are having a night party," sambit niya.

Tumango-tango naman ako. "Okay po, sir sabihan ko na lang din po sila Ashley para maasikaso na po namin kaagad after po ng duty namin."

"Good!" masigla niyang sabi. "You may now go."

"Thank you po." Agad na akong tumayo at lumabas ng office niya.

Habang naglalakad ako, nakita ko ang isang gold box na katulad na katulad sa binigay sa akin ni Sean. Dali dali akong pumunta doon at sinilip. Omg! blueberry cheesecake rin! Pinagmasdan ko iyon at nakita ko na parang same lang sa akin. Iyong bawas ay parehas na parehas kaya walang pagdadalawang isip na inopen ko iyon at feeling ko talaga ay akin ito.

"Pero kung sa akin ito, paano ito nakarating dito?" tanong at bulong ko sa sarili. "Baka niloko na naman ako nila Ashley.

Kinuha ko na lamang iyon at napagdesisyunan na kunin at ibaba sa break room alam ko sa akin talaga ito e kaya kinuha ko na. Bumaba na ako sa pamamagitan ng elevator pero pagkalabas ko palang ng elevator ay nakasalubong ko si Lilia na parang natataranta.

"Hi, pupunta ka rin ba sa CEO?" nakangiti kong tanong sa kan'ya.

"Oo, pero bago iyon hinanap muna kita," hingal na hingal niyang sagot sa akin.

"Huh? Ako?" Tinuro ko ang sarili ko. "Bakit?"

"Hinahanap ka ni Sir Kendrix!" seryoso niyang sagot.

Napatulala ako. "B-bakit?"

"He showed me in his computer a copy of cctv at tinanong niya sa akin kung sino iyon at ikaw iyon kaya gusto ka niyang makausap. I have no idea why but you need to hurry and see him now," sambit nito.

Napatango na lamang ako na hindi nagpo-process ang isip ko at parang kusang gumalaw ang mga paa ko pabalik sa elevator.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status