Share

Chapter 64

DONNA

Umalis muna ang boyfriend ko na si Dave sumunod na araw. May importanteng pupuntahan raw siya kaya ako muli ang naiwan sa bahay namin. Masaya naman nga kaming magkasama lalo na ngayon na opisyal na kaming magkarelasyon. Nagmamahalan kaming dalawa kahit may mga taong ayaw sa pagmamahalan namin. Alam n'yo naman kung sino ang mga ito. Hindi ko na kailangan na sabihin pa sa inyo.

Tanggap ko naman na hindi talaga ako magugustuhan ng mga magulang ng boyfriend ko na si Dave. Una pa lang ay alam ko na 'yon kaya hindi naman nga ako nagtataka pa ngayon. Nasasaktan ako sa mga sinasabi nila sa akin dahil tao lang naman ako kahit inaasahan ko na ganoon ang sasabihin nila tungkol sa akin. Hindi maiiwasan na hindi ko maramdaman ang ganoong bagay.

Wala akong magagawa kung ganoon ang sinasabi nila sa akin. Basta alam ko kung ano ang tama ay walang problema sa akin 'yon. Kung sinasabihan man nga nila ako na pera lang ang hahol ko sa anak nila o ginagamit ko lang ito ay hindi naman 'yon ang totoo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status