"Ako..."
Gulat namang nakatingin si Deana sa lalaki. Kung kahapon hindi niya makita ng buo ang mukha nito ngayo'y tanaw na tanaw na niya ang bawat anggulo ng kanyang mukha. Mula sa malinis nitong gupit at mukha, pati na ang maskuladong hubog ng katawan. Hindi iyon nakalagpas sa kanyang mga mata.
"Huwag kang makialam. Anak 'to ni governor-
"Wala akong pakialam. Kailangan ko 'yang makausap kaya umalis na kayo."
"Ang tapang mo, ha. Hindi mo ba kilala si governor? Mga tao niya kami at-
"Wala akong pakialam. Hindi kayo ang kailangan ko..." Nagtama ang mga mata nina Pietro at Deana. "Siya," pagpapatuloy niya.
"Makulit ka ha!"
Sabay na sinugod si Pietro ng dalawang lalaking malapit sa kanya. Nasalag niya ang kamay ng nasa kanan niya habang sinipa naman niya ang nasa kaliwa. He flipped the man on his right side. Another man came with a dagger. He avoided the slices attempt until he got his hand. Pinilipit niya ang kamay ng lalaki saka tinuluyang balian ng kamay. Nabitawan nito ang kutsilyo.
Pumorma ulit ang dalawang lalaki sa harap niya na pareho nang nakatayo. Dumako ang tingin niya sa isang hinarangan si Deana. Pietro jumped on the roof of the car and with his feet, he struck the guy's face. Tumilapon ang lalaki palayo kay Deana.
Ngayo'y magkaharap na sila. Inilahad niya ang susi ng kanyang kotse.
"Nasa kabilang kalsada ang sasakyan ko. Go. Hide."
Nagdalawang isip pa si Deana ngunit sa muling pagsugod ng mga lalaki kay Pietro ay napatakbo na rin siya. Sunod-sunod na pagsuntok ang ginawa ni Pietro sa mukha ng lalaki. Ni-lock niya ang kanang kamay nito upang hindi makagalaw at makatakbo sa kanya. Nang makitang duguan na ang mukha roon niya lamang ito binitawan.
Hanggang sa isang lalaki ang bumunot ng baril. Ang unang putok niyon ay sa taas bilang pagbabanta sa kanyang tumigil. Nilingon niya ang pangahas saka ngumisi.
"Bitawan mo 'yan kung ayaw mong iputok ko 'to sa ulo mo!"
Patapon ngang binitawan ni Pietro ang lalaki. Dahan-dahan din niyang binunot ang baril. Inilabas niya iyon. Namilog ang mata ng mga lalaki nang mapagtantong armado rin siya.
"Meron din ako niyan."
Itinutok niya ang baril sa lalaking duguan na ang mukha. Subalit mula sa loob ng hotel nagsidatingan naman ang tatlong security guards na kapwa nakatutok ang mga baril kay Pietro.
"Ibaba mo 'yan!"
Ngunit hindi nagpatinag doon si Pietro.
"Leave," sabi niya sa mga lalaki. Kinasa niya ang baril na nakatutok pa rin sa isa sa mga kasamahan nito.
"Ibaba mo sabi 'yan!" sigaw ng security.
Mula sa loob ng leather jacket ni Pietro kinuha niya roon ang badge niya sa pagkasundalo. Nang ipakita niya iyon sa mga security labis ang pagkagulat ng mga ito.
"A-Alam ko ang markang iyan," saad ng nasa gitna saka sumaludo sa kanya.
Nagtaka ang mga kasama nito pati na ang mga armado pang lalaki na tauhan ng governor.
Pietro's badge is the Black Eagle Commando's insignia. Walang kaalam-alam ang mga taong nasa harap niya maliban nalang sa isang security.
Muli iyong isinilid ni Pietro sa loob ng leather jacket niya.
"These gentlemen is trying to abduct a woman. I cannot sit back while I try to watch these criminals."
Unti-unting nagsiatrasan ang mga lalaki. Paisa-isa ang mga itong pumasok sa kotse. Hinayaan na rin ni Pietro na makalayo sa kanya ang lalaking bugbog. They ride the car again and exited the scene.
Pietro hid his gun again and went to his car not minding the staffs of the hotel watching them from the door. He slid himself in the car. Binuka niya ang palad upang hingiin ang susi sa babae na walang imik.
"The keys. I need to drive."
Dumapo ang nanlalamig nitong mga kamay sa kanya. Hindi niya nalang iyon pinuna. Sa halip, in-adjust niya ang temperatura ng aircon sa loob ng kanyang sasakyan. Nagpatuloy na siya sa pagmamaneho.
"Ano'ng kailangan mo sa'kin?"
"Information."
"Wala akong maibibigay sa'yo."
"Okay, let's go to your father."
Galit na lumingon ang babae sa kanya.
"Ano ba?!"
"Kailangan mo lang sagutin ang ilang katanungan ko. Pagkatapos pwede ka nang bumaba ng sasakyan ko. Kung ayaw mo, ihahatid kita sa tatay mo, ngayon din."
Deana scoffed. "Go. Hindi mo kilala ang papa ko. I am a daughter of a governor, but who? Maraming-
"Darryl Villegas. Governor of Manila. CEO of Blossom Cosmetics. A husband to Serena Villegas and a father to Deana Sophie Villegas. Do you want to hear more?"
Wala nang maipapantay pa sa gulat ni Deana sa mga naririnig sa lalaki.
"Sino ka ba talaga?!"
"Hindi ako narito para makipagkilala sa'yo, Ms. Villegas."
"Hindi ako nakikipagkilala sa'yo. Why do you know about my family?"
"That's not important. Bakit gusto kang kunin ng mga lalaking 'yon?"
"Hindi mo kailangang malaman," diretsong sagot sa kanya ni Deana.
"Is Zandro Yufeng your fiancé?"
Deana glanced at him before answering. "Wala kang pakialam."
"Ms. Villegas, you need to cooperate-
"Hindi kita kilala. Bakit makikipag-usap ako sa'yo?" balik ni Deana.
Pietro's jawline moved with his temper reaching the brink. Maya't maya lang ay tumunog ang cell phone niya.
["Captain, pumunta sa isang address ang kotse ni Yufeng. Ipapasa ko sa'yo."]
"Alright."
Nilapag niya sa unahan ang cell phone matapos ang tawag.
"Sagutin mo ang tanong ko, Ms. Villegas. Ano ang alam mo tungkol kay Mr. Yufeng?"
"He's my fiancé."
"Except that."
"I'm not gonna utter a word, whoever you are."
Biglang nipreno ni Pietro ang sasakyan niya.
"Aww!"
Nagsihulugan ang ilang gamit niya na nakapatong sa kotse habang napayuko naman si Deana dahil sa pagkabigla.
"What the fuck is your problem?!" sigaw nito sa kanya.
"Get out."
Deana's mouth hanged open.
"Are you serious?!"
Tumingin siya sa paligid sa labas. Nasa kalagitnaan sila ng highway. Deana unbuckled her seatbelt when Pietro drove again to the side of the road. Sa biglaang preno ng sasakyan nausog ang pwesto ni Deana sa tabi ni Pietro.
Nang iangat niya ang ulo sobrang naglapit ang mga mukha nila.
"What are you doing? Get out."
Nagsalubong ang mga kilay ni Deana.
"Are you serious?! Saan ako sasakay dito?"
"That's not my problem. Get out."
"Oo na, lalabas ako! Bwiset!"
Before leaving his face she knocked his lips with her head.
"Shit!" Pietro groaned after a headbat.
Kasabay ng paglayo ni Deana sa lalaki ay ang pagpulot niya sa isang bagay. Pagkatapos ay kinuha na rin niya ang mga gamit saka tumayo sa gilid ng kalsada.
Samantala nang makalabas siya'y tuloy-tuloy na sa pagmamaneho si Pietro. She saw his increased speed and she bet the man was furious after what she did, and after what she got that the man will find out soon.
Tiningnan niya ang hawak na cell phone na siyang pagmamay-ari ng lalaki. Ngumisi lang siya ngunit nabura rin agad iyon nang mahinuha ang sitwasyon. She's nowhere the middle of a highway.
***Pietro came back to the base early in the morning. May maliit na band-aid ang gilid ng labi niya. Dumating sina Craig, Breen, at Kenneth habang iniensayo niya ang mga kasundaluhan sa gitna ng oval."Captain- oh, ano'ng nangyari riyan?" turo pa ni Kenneth sa labi niya.
"Nothing."
"Pfft!"
Napatingin naman sila kay Breen na tila pinipigilan ang tawa.
"Tsk."
"May naka-engkuwentro ka ba kagabi, Captain?"
"Mga tao lang ni governor."
"Dapat talaga sumama nalang ako, e. Tss." Kenneth
"Captain!"
Dumating naman sina Bart at Gordon na hinihingal pa sa pagtakbo. Sa huli nila ay si Gareth na kalmadong naglalakad.
"Ano'ng problema?"
"Tinawagan namin ang cell phone. Gusto ka raw makausap nung babae."
His jaw clenched again as he remembered what happened last night. Kinuha niya ang cell phone kay Bart saka tinawagan ang numero niya. Sumagot naman ang kabilang linya.
["Nasabi-
"What do you need?"
["Oh, I think it's you, Mr. Soldier. I think ikaw ang may kailangan sa'kin."]
"Bibigyan kita ng address. Magkita tayo mamayang gabi."
["No."]
"Be there or I'll hunt you."
["Tsk. Marami na akong hindi inatrasan na laban. Hindi ako natatakot sa'yo kahit sundalo ka pa."]
"Hindi ako nakikipaglaro sa'yo, Ms. Villegas."
Tiningnan ni Pietro ang cell phone nang bigla itong tumunog hudyat na pinatay na ng babae ang tawag. Nanggigil siya sa cell phone na hawak. Nagmamadali naman iyong kinuha ni Bart sa kamay niya.
"Sino ba 'yon, Captain?" tanong ni Gordon.
"Siya ba ang kinita mo kagabi?" Bart
"So, baka siya rin ang may gawa niyan sa mukha mo?" sabi ni Breen na tinuro ang sugat niya sa gilid ng labi.
Inis niyang tiningnan ang mga kasama saka iniwan ang mga ito sa oval.
"Damn. Tama ka yata, Breen," saad ni Bart nang makaalis ang kanilang Captain.
"Mahalaga kay Captain ang cell phone na 'yon. It all keeps his memories," makahulugang sabi ni Craig.
"Sino ba ang babaeng 'yon?" tanong naman ni Gareth.
"Palagay ko siya ang nakasalamuha namin sa hotel noong isang gabi. Si Ms. Villegas, anak ng gobernador sa Maynila," Kenneth said silencing his friends, except Breen.
"Tsk. Tsk. May umaaligid na naman kay Captain. Hindi rin 'yan mananalo. The past remains the strongest."
Sama-sama namang sumang-ayon ang mga kasama niya.
***Sa conference room na para sa mga sundalong may misyon naroon ang team ni Pietro."I called you for a meeting this afternoon because of this..."
Inilapag niya sa mesa ang anim na folder. Kumuha naman ng tig-iisa ang bawat miyembro niya.
"Bagong misyon?" tanong ni Gordon.
Tumango si Pietro. "Bagong misyon ngunit hindi kasing bigat ng iba. Ang lulusubin natin ngayon ay isang drug trade operation between the group of Yufeng and his international affair with the Japanese group. According to our trusted intel, both group leaders will be present in the trade. That means Yufeng will be there. Our mission is to catch him alive."
Abala ang mga kasama niya sa pagbabasa ng mga impormasyon sa folder. Nagtaas naman ng kamay si Breen. Pietro acknowledged her.
"How about the other group? Wala ba tayong gagawin sa kanila?"
"All we need to do is to acquire all their goods and catch Yufeng. If it is possible to get them, there would be no problem. Pero tandaan ninyo ang pinakalayunin ng misyon natin, that is Yufeng."
"Copy, Captain," Breen answered.
"Kung mapapansin ninyo kakaunti lang ang impormasyon diyan patungkol kay Yufeng. From Kenneth's research, Zandro Yufeng had all his personal files and information restricted. It is difficult to access his data."
"Dalawang computer na ang natatapon ko dahil sa pag-counteract ng virus nila. He is such a very cunning man," Kenneth added.
"And a dangerous one," Gareth sufficed his words.
"Captain..." muling nagsalita si Breen. "Nabasa ko rito na may fiancée siya. Si. Ms. Deana Sophie Villegas. Hindi ba't siya ang kumuha ng cell phone mo?"
"What about it?"
"Paano kung gamitin natin siya para makakuha ng impormasyon sa fiancé niya, kay Mr. Yufeng?"
Umangat ang mga ulo nila para tingnan si Breen.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ni Craig sa kanya.
"Just befriend her and kapag nakuha mo na ang loob niya maybe you can ask her about Yufeng. Kahit paunti-unti lang na impormasyon. Sa palagay ko naman makakatulong na iyon."
"May punto si Breen. Tsaka mas madali nating mata-track ang mga pinupuntahan o ginagawa ni Mr. Yufeng kung may mas malapit tayong source sa kanya," pagsang ayon naman ni Gordon kay Breen.
"Ilalagay ninyo sa panganib si Ms. Villegas," Craig said.
"I agree with Craig," Pietro replied. "Everyone..." He knocked on the table three times. His team attended to him. "I want you to focus on this mission. Stick to our main objectives. Kapag nakuha na natin si Yufeng mas mapapadali na ang lahat."
"True!" Kenneth exclaimed.
"Kailan isasagawa ang operasyon, Captain?" Bart asked.
"This Saturday, 9 pm at Twin Rivers."
"That means we have a week to prepare." Gareth
"Yes. Prepare for a drill this Wednesday."
"Yes, Captain."
Tumayo ang mga kasamahan niya saka sumaludo sa kanya. Sumaludo siya pabalik sa mga kasama.
"Dismiss," Pietro said ending the meeting. Aalis na sana siya nang muling magsalita si Breen.
"Captain, paano si Ms. Villegas?"
"She's not a problem. I'll deal with her." He answered living his team bowled over.
PAK!A thud of her father's slap echoed in the living room. Naglakas-loob si Deana na umuwi sa magara na bahay ng kanyang ama upang kumuha ng ilang gamit. Hindi niya ito nakita sa pagdating niya ngunit ngayon na bumaba na siya sa sala ay doon niya lamang ito nakasalubong. Galing ang gobernador sa labas. Bihis na bihis pa ito at nakasunod pa rin ang mga bodyguard sa likod."How dare you show up!""This is the last, Dad. Hinding-hindi na ako uuwi rito," matapang na sabi ni Deana. Damang-dama niya ang hapdi ng kanyang pisngi. "The only way to leave me is to marry Zandro. That is your only choice, Deana Sophie." "Dad! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ako magpapakasal sa taong 'yon?! I don't like him! Kailan mo ba ako pwedeng intindihin ha?!""Hindi, Deana! To make our family powerful-"I don't need your wealth! I don't need your power to live, Dad! Tingnan mo ako. Nabubuhay naman ako sa ginagawa ko. Why can't you just be simple?"Lumapit sa kanya ang matanda saka inipit an
Ilang araw ang lumipas. Medyo tahimik na ang mga nagdaang araw ni Deana. Inaayos niya ang mga gamit sa hotel kung saan siya namalagi. Abala lamang siya sa ginagawa nang makatanggap siya ng tawag.“Deana, speaking.”[“Good morning, Ms. Villegas. I am here to remind you for a flight schedule this Monday, 25th of January.”]“Yes. Thank you.”[“See you, ma’am!”]The call ended just like that. Isinara na rin ni Deana ang maleta niya. Dumako ang tingin niya sa maliit na kalendaryong nakapatong sa mesa niya. It’s Saturday. She opted to call her step-mother because she was afraid that her father might be in their house.Nagluto si Deana matapos magsalansan ng mga gamit. Habang tinitikman ang kanyang niluto tumunog ulit ang cell phone niya. Napabunton-hininga siya nang makitang kay Zandro ang nakarehistrong pangalan doon. Wala naman siyang pagpipilian kun’di sagutin ang tawag ng fiancé.“Bakit?” bungad niya.[“May pupuntahan tayo mamayang gabi. I want you to be ready.”]Tumaas ang kilay ni Dea
“Ms. Villegas, you need to cooperate with us and through your honesty malaki na ang maitutulong mo.”“Sir, ilang ulit ko rin bang sasabihin na wala akong alam sa mga ginagawa nila? Bakit hindi mo ako maintindihan?”“Dahil nagsisinungaling ka.”“Hindi nga ako nagsisinungaling!”Deana is in the investigation room with an investigator of the crime. Hindi niya kilala ang lalaki. Bagamat kinakabahan hindi niya iyon pinapahalata.“Huwag kang sumigaw, Ms. Villegas.”Isang lalaki pa ang pumasok. Pamilyar ang mukha ng lalaki kay Deana.“Ms. Villegas, hindi kami nag-aaksaya ng oras para makipagbiruan sa’yo. Ilang beses na tayong nagkita.”Now Deana seemed to remember the man. Iyon ang lalaking palaging kasama ng lalaking pumosas sa kanya.“Sino ba kayo? Oo nga ilang beses na tayong nagkita pero hindi sapat na dahilan ‘yon para paghinalaan ako ng kung ano-ano.”Naupo si Kenneth katabi ng imbestigador sa harap ni Deana.“Una, ayon sa intel namin nag-check-in si Mr. Yufeng sa isang hotel pero ikaw
Two weeks later…“Mom, definitely by 12 pm pa ako makakarating sa Pilipinas. Why are you rushing?”[“Hindi ka ba nanonood ng balita? Ngayon tatama ang bagyo sa Pilipinas. The weather condition is bad to take in flights. What if i-cancel mo nalang ‘yan?”]“Hindi pwede mommy. Actually I’m on my way to the airport. At tsaka magsususpende naman ang paliparan diyan kung talagang hindi kayang i-byahe ang eroplano.”[“Hindi ka talaga nawawalan ng rason ‘no, Xyrelle?”]Napangiti ang dalaga.“I’ll see you later, mom. Remember nasa Korea lang ako. I’ll be there in just a few hours, kaya huwag ka nang mag-alala riyan.”She heard her mother sigh.[“Fine. Pray before your flight, okay?”]“Okay, mom. I have to go. My things will go through inspection,” paalam niya.Dumaan ang gamit ng dalagda sa inspection machine. After passing through they were later on called for boarding flights.The staffs checked her passport.“Ms. Xyrelle Ayne Xodriga, you may now proceed.”Bahagya niyang binaba ang itim na
Mas lalo pang lumakas ang buhos ng ulan pero mabuti na lamang at malapit na sina Pietro sa kanilang bahay. Kakapasok lamang nila sa kanilang compound at ilang minuto lang ang itinagal ay tumigil na sila sa malaking kulay puti na tarangkahan.The gate opened widely. Pietro drove up to the garage. Tumingin si Deana sa lalaki nang mamatay ang makina ng kotse.“Akala ko—“Magpapalipas muna tayo ng ulan. Nagmamadali ka ba?” tanong ni Pietro na kakatanggal lang sa seatbelt.“H-Hindi naman, pero kasi…”“What?”“Hindi ba n-nakakahiya sa inyo? Tsaka—“It’s not like I’m bringing a friend or a girlfriend.”Mabilis na nag-iba ang damdamin ni Deana nang marinig iyon kay Pietro. Kung kanina’y pangiti-ngiti pa siya ngayo’y parang nilukuban ng kalungkutan ang puso niya.“Alam ko,” maikli niyang sagot.Nakalabas na si Xyrelle. Sumunod si Pietro at hindi nagtagal ay lumabas na rin si Deana. Napahinga siya ng malalim nang makita ang paligid. Bagong-bago sa kanyang mga mata. Matagal na siyang hindi umuuw
After 4 days… “Isang linggo pa ang itatagal ng pagresponde sa Samar at Leyte pero pinabalik na kita, Captain dahil kailangan ko nang marinig ang plano ninyo para kay Yufeng. Their local soldiers will take care of the rest.” “Yes, Sir. May draft na ho ako, Colonel. Kailangan ko na lang makausap ang grupo ko para kompirmahin ang lahat.” The Colonel nodded. “Sige, puntahan mo na sila.” Lumabas si Pietro sa opisina ng opisyal. Ramdam niya ang pagod mula sa pagresponde hanggang sa byahe nila mula Visayas pabalik ng Maynila. He stretched his neck as he walked in the hallway to his quarter. Sa hanay ng mga silid na iyon ay ang mga kagrupo niya. Ang kwarto naman niya’y nasa dulo. Habang naglalakad natanaw niya ang tatlong lalaki na nag-uusap at nag-aabang sa tapat ng kanyang silid. “Boss, kumusta ang lakad?” salubong na tanong sa kanya ni Bart. “Okay naman.” “Ang lakas ng bagyo ro’n. Nakita namin sa balita,” ani naman ni Craig. “Heto nga pala, Captain ang huli mong pinapatingnan sa’
“You can try.”Dumating si Pietro sa gitna ng nagkakagulong sitwasyon. Nasa likod naman niya si Kenneth. His eyes landed on Deana who just bowed her head upon meeting his gazes.Sumunod na pag-landing ng mga mata ni Pietro ay sa lalaking si Zandro. They gawked at each other while Pietro walked to their place. Bumaba ang tingin niya sa kamay nina Zandro at Deana na magkahawak habang pigil naman ni Xyrelle ang kamay ni Zandro.Zandro’s eyes scrutinized him.“Who are you?”“I don’t plan to know you, Mr. Yufeng." Bakas ang lamig sa kanyang boses.Zandro sarcastically laughed. Bumitaw ito kay Deana saka hinarap ng buo si Pietro. While Kenneth moved to get Xyrelle.Nagpapantayan lamang ang tangkad nina Pietro at Zandro nang magharap silang dalawa.“Ikaw siguro ‘yon?” Hinawakan ni Zandro ang uniporme ni Pietro at animo’y pinupunas-punas ang badge nito. “Kung ano man ang mga binabalak mo, you will never be successful.”Pietro smirked. “Hindi kailangan ng malalim na plano para sa’yo, Mr. Yufen
“Ilang araw nang pabalik-balik sa labas si Captain. Pinupuntahan pa rin ba niya si Ms. Villegas?” tanong ni Bart sa mga kasama.“Malamang sa malamang. Wala namang ibang bantay si Ms. Villegas,” ani Gordon.They were in the artillery room organizing and cleaning their weapons. Sa pagbubukas ng usapan nila'y hindi nila maihuli ang bagay patungkol sa kanilang lider at kay Deana.Dumagdag din si Breen sa usapan ng mga kaibigan. “Pumupunta roon si Xyrelle at tsaka pabalik-balik din doon si Kier para i-monitor ang lagay niya."“‘Yung doktor na kapatid ni Captain?” asked Kenneth.“Intern palang ‘yon.”“Doon din naman ang punta no’n.”Among them was Craig wearing his all time serious face. “Bukas na natin isasagawa ang operasyon. Kailangan na natin ang final drill mamaya," he said not looking at them as he continuously wipe on his rifle. “Kakaiba na ngayon si Captain. Mukhang may ipapalit na kay Se—“Kapag narinig ka ni Captain siguradong putol ‘yang leeg mo,” pagpuputol na sabi ni Garreth k
Pietro and his friends are in the backyard. Tulong sa pag-aayos ng mesa sina Deana at Breen habang ang mga kalalakihan naman ay nakatayong nag-uusap may kalayuan sa pwesto nila. “Sorry nga pala kung na-offend kita last time. It was not intentional but it was an honest talk.”“Okay lang. I understand.”“Oh, ready na! Grabe kayo makautos!” reklamo ni Kenneth na dala-dala ang isang tray ng pagkaing niluto niya. “‘Yan lang?” tanong ni Breen. Hanggang sa sumulpot din si Bart na may dala ring tray ng pagkain.“Iba talaga basta patay-gutom, hindi nakakapaghintay,” pagpaparinig ni Kenneth sa kaibigan. “Hoy! Bilisan niyo na kailangan na nating bumalik pagkatapos,” tawag ni Bart sa tatlong kasama na kumpulang nag-uusap.“Nandito kami, Captain para sunduin ka. Sa susunod na araw nakatakda tayong pumunta sa White Palace para sa eleksyon. Inaasahan ni General ang paghahanda natin bukas dahil maaga rin tayong aalis,” Garreth said while hitting a cigarette. “Ang impormasyon kay Yufeng? Meron na
“Thank you, ma. Aalis na kami.” Pietro kissed her mother’s cheek before leaving. Tiningnan din niya ang kapatid na nasa tabi. Mahina niyang pinitik ang noo ni Xyrelle.“Aray!”“Sa susunod na babaan mo pa ako ng cell phone hindi lang ‘yan ang aabutin mo.”Busangot lang ang mukha nito sa kanya, but eventually he also kissed the top of her head.“Sige po, Tita… Xyrelle. Aalis na kami,” saad naman ni Deana.“Okay lang. Walang problema. Mag-iingat kayo sa daan.”“Yes, ma.”Pumasok na sa sasakyan sina Pietro at Deana. Tila sumara ang zipper ng bibig ni Deana sa paglapat ng katawan niya sa upuan. Hanggang sa magmaneho na si Pietro ay ganoon pa rin ang kaniyang katahimikan. Halos buong biyahe ay nakatulala lang siya sa labas.When Pietro noticed it, he removed one of his hands from the steering wheel and held Deana’s hand which is on her tigh. Doon napalingon sa kaniya ang babae.“May problema ba?”“W-Wala… bakit?”“You’re spacing out. Kausapin mo naman ako.”Tipid na ngumiti si Deana saka hi
“Good afternoon, Commander Roxas. This is my team with Captain Xodriga of Black Eagle Commando.”Lumanding ang helicopter nina Pietro sa isang kampo sa syudad na pinuntahan nila. Pinakilala sila ng kanilang Lieutenant sa lalaking naghihintay sa kanila. “Ikinararangal ko kayong makilala,” Commander Roxas welcomed them. Nakipagkamay ang miyembro ng Black Eagle Commando sa kanya kabilang na si Pietro. “We’re looking forward to work with you and your soldiers, Sir.”“Ganoon din ako, Captain. Ano, tayo na?”He nodded to the man as well as Lieutenant Sison. “Yes, Commander. Mas maiging makita na namin ang kabuuan ng lugar habang nariyan pa ang sikat ng araw,” Lieutenant Sison said.“Okay, sundan n’yo na lang kami.”Another helicopter came in their voyage. Ngayo’y apat nang panghimpapawid na sasakyan ang lumilipad patungo sa bundok Talisay. Mula sa ere natatanaw nila ang maliliit na bayan ng lugar. May mga nadaanan din silang ilog at bundok. Makaraan lang ay paunti-unting bumaba ang lipa
“Hindi pwede ang gusto mo, Captain.”“Pero sa amin ang misyon na ‘yon, Colonel. Bakit hindi na pwede ngayon? Let our team finish him.”Pumunta si Pietro sa opisina ng kanilang Colonel upang kausapin ito na ibigay ulit sa kanila ang misyon sa muling paghuli kay Zandro Yufeng, subalit hindi ito sumasang-ayon sa kaniya.“Alam ko, Captain na sa inyo ‘yon. Pero puno na ang activities ng Black Eagle Commando. You cannot take in another assignment. We will consume a lot of time in planning and running after Yufeng, mapapabayaan mo ang mga mas mahahalagang misyon.”“Colonel, Yufeng is just as important as our other missions. He’s an immoral fugitive who I must deal with.”Nagpakawala ng malalim na paghinga ang Colonel na kaharap ni Pietro sa mesa. “I’m sorry, Captain. What you want is still impossible. Lumabas ka na dahil kanina pa naghihintay sa’yo si Lieutenant Sison.”“Kakausapin ko si General tungkol sa bagay na ito at kung pumayag siya wala kang magagawa, Colonel kun’di bigyan din kami
The next day Pietro dressed up looking smart and appealingly to join a major meeting with his team. They all prepared for this day. Mga mataas na opisyales ng kasundaluhan ang haharapin nila at iba pang pangkat ng kanilang sandatahan. They drove to the city where the meeting will be held.Pietro and his team arrived at the main Headquarters. They proceeded to the meeting hall and found some soldier officers and high officials waiting for the rest. Sumaludo sila bago pumaroon sa kanilang mga upuan. “Captain Xodriga,” a soldier called and greeted him. “Sa unahan ka ho uupo kasama ng ibang mga opisyales.”Pietro went to the stage where four other seats are placed. Naupo siya sa katabi ng Lieutenant. Silang dalawa pa lamang ang naroon. “Ready ka na ba sa report mo?”Tumango siya sa lalaki habang tinitingnan ang paligid. “Mukhang marami tayong pag-uusapan ngayon,” aniya. “Hindi ka nagkakamali riyan,” sagot sa kaniya ng Lieutenant. Pagkaraan pa ng ilang minuto ay sunod-sunod na dumatin
“Ano’ng gagawin mo rito?”Pietro came with Deana who was strolling in a mall. “Bibili ako ng bagong sapatos para sa uniporme ko.”“Kailan ang lipad mo?”“Wala pa. Pagkatapos pa ng eleksyon. Nag-apply ako for leave. Bakit, gusto mo na agad na umalis ako?”“Tss. Nagtatanong lang.”Ngumiti si Deana. Kinuha niya ang kamay ng lalaki saka pinagsiklop ang sa kanya. She looked into him again who’s staring fixedly on her eyes. “Bakit tinitingnan mo ako ng ganiyan?”“Hindi ko rin alam.” Humigpit ang hawak ni Pietro sa kamay ni Deana. “Can you not leave again?”Deana was smiling happily. Nakatingin siya sa mga kamay nilang magkahawak. “Hindi na ako aalis.”Sa gitna ng nagtatamis nilang pag-uusap, isang sigaw ang pumukaw sa kanila. “Ate Sophie!!”Deana’s eyes widened when she saw Xyrelle running towards her. Matagal-tagal din niyang hindi nakita ang kapatid ni Pietro. “I texted her. Gusto ka na raw niyang makita,” wika ni Pietro sa tabi niya.Deana hugged Xyrelle when the girl came. Suot pa
Deana was dancing happily at the bar they went into last time. Rhustin was just watching her from their table. Naging alalay siya ng babae dahil sa pamimilit nito na pumunta roon. Habang abala sa sarili niyang oras napansin niya ang pag-ilaw ng nakapatong na cell phone niya sa mesa.Napabuntong-hininga siya bago kuhanin iyon at sagutin ang tawag. Ni hindi nga niya alam kung paano nakuha ng lalaki ang numero niya.“Bakit?”[“I assume you’re in a bar.”]“Alam mo naman pala bakit hindi ka pa pumunta?” He cut the call and proceeded to drink his rum. Pagtingin niya kay Deana ay inaaya siya nito sa gitna ng sayawan. Umiling lang siya saka pinakita ang cell phone para sabihing may kausap siya.Just after minutes a familiar man stood in front of him. Nagsalin siya ng alak sa isa pang baso.“Maupo ka muna. Hayaan mo muna siyang magsaya ro’n.”“Nasaan si Deana?”Nginuso ni Rhustin ang direksyon ng dance floor. Lumingon doon si Pietro subalit dahil sa maraming kumpulan hindi niya agad makita si
One week passed since Deana left her father and Pietro in the plane. Sa ilang araw na pamamalagi sa iba’t ibang hotel sa Mindanao hindi niya inaasahang makararating siya sa probinsya ng kaniyang Tita Serena. Pagbungad pa lang sa kaniya nito’y tumakbo na siya sa ginang at doon umiyak sa balikat nito.“T-Tita…”Gulat na gulat si Serena nang masilayan si Deana sa harap ng kaniyang bahay. Hinaplos niya ang likod ng dalaga dahil sa labis na pagtatangis nito.“Shush. Tahan na. Ano’ng nangyari?”Sa rami ng gustong sabihin ni Deana ay hindi na niya alam kung ano ang uunahin. Tanging pag-iling na lamang ang naging sagot niya sa kaniyang step-mother. Serena invited her inside her house. Kinuhanan din siya nito ng maiinom. Nang maubos niya ang isang basong tubig unti-unting kumalma ang pakiramdam niya.“Aalis po ba kayo, Tita?” pansin niya nang makitang bihis na bihis ang ginang.“Ngayon ang death anniversary ni Selena. Pupunta ako sa puntod niya. Gusto mo bang sumama?”Walang pagdadalawang isip
Pietro removed his seatbelt and stood from his seat. The moment he laid his eyes on Deana his heart started to beat tensely.“I will be glad to serve you, sir,” he stated before walking to Deana’s place. Kinuha niya ang tray na hawak nito. He threw gazes at her meaningfully. “Act like you don’t know us,” bulong pa niya sa naguguluhang si Deana.Bumalik si Pietro sa mesa ng governor at ng lalaking kausap nito. Nilapag niya ang bote ng alak at dalawang baso saka muling binigay kay Deana ang tray.“You can go back.”“O-Okay,” Deana stuttered.But Addi lifted his hand sending a message to his men behind. They stopped Deana from leaving.“I make orders here,” Addi said while staring at Pietro.Pietro competed with his gazes until he noticed him grin. The man pointed at him before looking at the governor.“I love this man of yours, governor. Very brave.”Naiilang na tumawa lamang ang gobernador. Kahit siya’y hindi mawari ang gagawin sa mga oras na iyon lalo na’t nasa harap nila si Deana.“P