Share

THE ONLY WAY

Penulis: Bryll McTerr
last update Terakhir Diperbarui: 2022-09-15 11:44:46

PINAGPAPAWISANG tinanaw ni Andrea mula sa bintana ng kotse na minaneho ng kanyang ama ang halos malapit nang mapuno na restaurant.. Medyo malayo rin ang kinaroroonan nila pero sapat lang ang distansiya para makita niya ang mga taong paroon at parito sa loob niyon. Maraming tao sa loob at puno rin ang car park sa labas.

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga bago pinagkiskis ang magkasalikop na mga palad.

"Are you ready?"

Natigilan si Andrea nang marinig niya ang tanong na iyon ng kanyang ama. She was somehow surprised because it was the first time that he asked her if she is ready. Never naman kasi nitong hiningi ang opinyon niya. Ni minsan ay hindi rin niya naramdamang importante siya rito. Kung hindi nga lang namatay ang Lola niya ay tiyak na hindi siya magkakaroon ng pagkakataong makita ito at ang kanyang ina pati na rin ang Ate Catherine niya. It was as if she never existed. Dahil sa pagka-alala sa kanyang namayapang Lola ay binalot ng lungkot ang puso ni Andrea. Ito lamang kasi ang bukod-tangi na nagbigay ng halaga sa kanya kaya nang mawala ang Lola niya ay gumuho ang lahat sa buhay niya. It was a miracle that her parents took her back to Manila after her grandmother's burial.

At ayaw man niyang aminin sa sarili niya pero alam niyang kaya lang siya kinuha ng mga ito ay dahil sa trust fund na iniwan sa kanya ng Lola niya. Umabot iyon sa sa mahigit na dalampong milyon at ang kanyang ama ang pumalit na guardian niya nang mawala ang kanyang Lola, ayon na rin sa iniwan nitong last will and testament. Pero para mapakinabangan ng mga ito ang perang iniwan sa kanya ay kailangan ng mga magulang niya na kunin siya sa Davao at iuwi sa Manila. Bukod sa milyon-milyong trust fund ay iniwan din sa kanya ng Lola niya ang ancestral house sa Davao maging ang ekta-ektaryang niyugan at palayan.

Mapait na napangiti si Andrea dahil sa isiping iyon. Kahit sa huling sandali ng buhay nito ay inalala pa rin ng Lola niya ang kanyang magiging kinabukasan.

Nang mawala ito at iuwi siya ng kanyang mga magulang sa Manila ay hindi niya alam kung paano siya magsisimula. Kung paano niya haharapin ang buhay niya na wala ang kanyang Lola kaya laking pasalamat niya nang dumating sa buhay niya si Stanley. Ito ang nagsilbi niyang lakas sa mga panahong halos wala siyang makapitan dahil kahit kasama niya ang kanyang pamilya ay hindi naman niya naramdaman ang presensiya nang mga ito. Tanging sa Ate Catherine niya umiikot ang buong atensiyon ng kanyang ama at ina. Kagaya noong maliliit pa sila ay palagi uli siyang nakatago sa anino ng kanyang nakatatandang kapatid. Ang kaibahan lang ngayon ay wala nang darating na Lola Remie para kunin siya.

At ngayon kailangan siya ni Stanley ay walang hindi kanyang gawin si Andrea para lang mailigtas ang lalaking muling nagbigay ng kulay sa halos dumidilim niyang mundo.

Tumingin si Andrea sa kanyang ama bago mahinang tumango.

"Yes, I am," halos pabulong na tugon niya bago bumuga ng hangin.

Nanginginig ang mga kalamnan niya dahil sa labis na kaba. Ayaw lang niyang ipakita sa kanyang ams dahil natatakot siya rito bukod pa sa alam niyang hindi iyon makakatulong sa gagawin niya. Kailangan niyang lakasan ang kanyang loob para siya ay magtagumpay. Buhay ng fiancée niyang si Stanley ang nakataya rito. Kapag nagtagumpay siya ay buhay na babalik sa kanya ang lalaki pero kapag hindi niya nagawa nang tama ang utos sa kanya ng sindikatong may hawak dito ay tiyak na uuwing malamig na bangkay ang fiancée niya sa kanya at sa pamilya nito.

Sandaling tinitigan ni Mr. Lucero ang bunso niyang anak bago siya tumango-tango.

"Good," turan niya bago ibinaling ang pansin sa restaurant. "that's good. Basta tandaan mo lang ang lahat ng bilin sa iyon ng sindikatong kumuha kay Stanley para hindi mabulilyaso ang plano." bilin niya kay Andrea.

Muling bumuga ng hangin si Andrea bago humanda na para sa kanyang gagawin. Isinuot niya ang itim na leather gloves pati na rin ang kanyang dark sun glasses para hindi siya gaanong makilala kung sakali mang may makapansin sa kanya. Bahagya rin niyang niluwagan ang suot niyang scarf na nakapulupot sa kanyang leeg bago tiningnan sa salamin ang kanyang itsura. Sinipat niyang maige ang pekeng nunal na ikinabit ni Catherine sa gitna ng tungki ng kanyang ilong maging sa ibaba ng pang-ibaba niyang labi.

Alam ni Andrea na hindi siya gustong tulungan ng Ate niya pero dahil nagustuhan nito ang idea na lagyan siya ng kung ano-ano sa mukha para hindi siya makilala ay kaagad itong nag-offer sa kanya na ito na raw ang bahala. At oo, talaga namang pinagbuti nito ang "pagtulong" sa kanya dahil pinagmukha nitong katawa-tawa ang anyo niya. Maging ang tatlo nilang kasambahay ay tawang-tawa nang makita ang itsura niya matapos siyang kabitan ng pekeng nunal at kilay ng Ate niya.

Sinulyapan ni Mr. Lucero ang suot niyang relong pambisig bago muling ibinalik ang tingin sa restaurant na nasa hindi kalayuan.

"Remember, you only have fifteen minutes to do what has to be done." ani ni Mr. Lucero bago yumukod sa compartment. Binukusan niya iyon at mula roon ay dinukot ang isang maliit na bote. "The security camera will restart after fifteen minutes so you need to hurry. Now, take this," patuloy niya at inabot kay Andrea ang maliit na baril.

Napalunok si Andrea nang makita ang baril. Hindi siya marunong gumamit niyon pero tinuruan siya ng kanyang ama kahapon kahit basic lang. Sinalakay siya ng matinding kaba. Unti-unti ring lumitaw ang ilang butil ng pawis sa kanyang noo, bagay na kaagad namang napansin ng kanyang ama.

Kumunot ang noo ni Mr. Lucero nang makitang nagsimula nang pagpawisan si Andrea. Seryoso ang anyo na tinitigan niya ang bunsong anak at hinawakan ang magkabila nitong mga balikat.

"Alalahanin mong buhay ng fiancée mo ang nakataya rito, Andrea."

Namuo ang luha sa sulok ng mga mata ni Andrea.

"Natatakot ako, Papa," nanginginig ang bosea na sabi niya sa kanyang ama na mas lalo namang lumalim ang gatla sa noo. Bumakas din sa anyo nito ang pagkairita ngunit saglit lang iyon. "Paano kung hindi ko magawa nang tama? Paano si Stan?" Tanong niyang nasapo ng magkabilang kamay ang mukha.

Huminga ng malalim si Mr. Lucero bago inalis ang mga kamay ni Andrea na nakatakip sa mukha nito.

"Isipin mo si Stanley, Andrea," may diin sa boses na aniya sa anak na biglang natigilan. "Gusto mo ba siyang makabalik sa iyon na buhay at matuloy ang kasal ninyo o makita ang katawan niya na palutang-lutang si ilog Pasig? Isipin mong mabuti, Andrea."

Ikinurap ni Andrea ang kanyang mga mata nang marinig ang sinabi ng kanyang ama. Hindi niya alam kung bakit si Stanley at kung bakit siya ang napili ng sindikato. Hindi naman nila kilala ang mga ito, tiyak iyon ni Andrea. Pero tama ang kanyang ama. Kailangan niyang lakasan ang kanyang loob para kay Stanley. Higit kailanman ay ngayon siya nito higit na mas kailangan. Kaya niya ito. Oo, nga...kakayanin niyang gawin ang ini-utos sa kanya ng sindikato para makauwi na ang fiancée niya sa kanya at para matuloy na ang kasal nila. Kulang isang buwan na lang.

"Naiintindihan ko po, Papa," mahina ang boses na turan niya sa ama.

"Good!" ani ni Mr. Lucero kay Andrea saka niya itinuro ang pinto sa tabi nito. "Now, go before you run out of time!"

SA LOOB NG WILD FOREST RESTO

"Thank you for coming, Tita Agnes!" masayang turan ng bride na si Claudia sa matandang babae na marahil ay nasa edad sixty o higit pa.

Kaagad na lumiwanag ang mukha ng matandang babae. Inabot nito sa katabing babae na tila alalay nito ang hawak na kopita na may lamang wine bago hinarap si Claudia.

"Siyempre naman, iha," naka-ngiting ani ng matanda bago binigyan ng magaang halik sa pisngi ang bride. "it's your wedding day, hindi ako p'wedeng mawala!" dugtong pa nito na medyo umikot ang mga mata.

Natawa naman si Claudia. Lumingon siya para tawagin ang asawa niyang si Vince na kausap ang ilan sa kanilang mga bisita.

"Hey, love," tawag ni Claudia sa lalaki na kaagad namang lumingon. "look who's here!" masayang sabi niya.

Sumilay ang masayang ngiti sa mga labi ni Vince nang makilala niya ang matandang babae na katabi ng asawa niyang si Claudia.

"Oh, Tita Agnes!" ani ni Vince bago mabilis na nagpaalam sa mga kausap at humakbang palapit sa asawa. "magtatampo na sana kami ni Clau, eh. Thank goodness, umabot ka..."

Galing pa kasi sa Hawaii ang matandang babae. Halos isang buwan itong nagbakasyon doon kasama ang ilang kaibigan. Kung hindi nga Lang kasal ni Claudia ay sasama pa sana ito sa mga kaibigan na pagkatapos ng Hawaii ay tumuloy naman sa Canada.

"But of course, matitiis ko ba naman nitong si Claudia," nakangiti na ani ng matanda ngunit kaagad din iyong nabura nang biglang makaramdam ng kakaiba sa kanyang dibdib.

Nasapo ng matanda ang dibdib nito kasabay ng paghugot ng sunod-sunod na paghinga.

"Tita, what's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Claudia nang mapansin niya ang kakaibang ikinikilos ng matandang babae.

"I-I c-can't b-b-rea-th..." hirap na usal ng matandang babae habang daklot ng mga kamay ang dibdib.

"Ano? My god!" natatarantang bulalas ni Claudia.

"C-c-ca-ll T-T-ri-g-ger..."

Bab terkait

  • GUERRERO LEGACY 2:TRIGGER GUERRERO   FEAR, PAIN, AND ANGER

    "HEY, bro, have heard the news?" Mula sa binabasang lifestyle magazine ay nagtaas ng paningin si Trigger para tingnan ang kapatid niyang si Azure. Halos kararating lang niya mula sa Manila kung saan isa siya resident doctor ng Sta. Monica Doctor's Hospital. "About what?" kunot ang noo na tanong niya rito. "Hay naku, huli ka na naman sa balita," ani ni Azure bago umupo sa harapan niya.Kasalukuyang nasa lanai si Trigger at nagpapalipas ng oras habang hinihintay niya si August. Tumawag kasi sa kanya kagabi ang nakatatanda nilang kapatid. May gusto raw nitong i-duscuss sa kanya at sigurado siyang tungkol iyon sa gagawing tactics para sa paparating na bagong shipment. Wala ang kakambal niyang si Dalton na siyang madalas na kausap ni August dahil palagi siyang nasa Manila. Lumipad si Dalton kasama si Russet at ang bunso nilang si Adrielle pati ang boyfriend nitong si Cougar patungo sa Thailand ayon na rin sa utos ng kanilang ama noon pang isang araw at sa makalawa pa ang balik sa Pilipi

    Terakhir Diperbarui : 2022-09-15
  • GUERRERO LEGACY 2:TRIGGER GUERRERO   THE CALL

    "HELLO, DOC. Trigger," bati ng isang nurse na naka-duty sa information disk nang mapadaan doon si Trigger.Abala ito sa ginagawa pero nang makita binatang doctor ay sandali itong tumigil. Alas otso pa lang ng umaga pero marami nang out patients na nakapila sa labas kaya okupado halos lahat ng mga naka-duty na nurse at doctor.Saglit na tumigil sa paglalakad si Trigger bago isang tipid na ngiti ang namutawi mula sa kanyang mga labi nang mapatingin siya sa nurse. Bago ito sa kanyang paningin kaya bumaba ang mga mata niya sa bandang dibdib nito kung saan naka-pin ang pangalan ng babae."Good morning, Nurse Sandra!" ganting bati niya rito bago sandaling umikot ang paningin sa paligid. Nang hindi makita ang kanyang hinahanap ay muli niyang ibinalik ang pansin sa nurse na abala naman ang mga mata sa kaharap nitong computer. "Where's Nurse Cyntia?" tanong niya na ang tinutukoy ang edad kuwarentang nurse na madalas na naka-assign sa information disk. Nag-angat ng paningin ang babae bago naka

    Terakhir Diperbarui : 2022-09-15

Bab terbaru

  • GUERRERO LEGACY 2:TRIGGER GUERRERO   FEAR, PAIN, AND ANGER

    "HEY, bro, have heard the news?" Mula sa binabasang lifestyle magazine ay nagtaas ng paningin si Trigger para tingnan ang kapatid niyang si Azure. Halos kararating lang niya mula sa Manila kung saan isa siya resident doctor ng Sta. Monica Doctor's Hospital. "About what?" kunot ang noo na tanong niya rito. "Hay naku, huli ka na naman sa balita," ani ni Azure bago umupo sa harapan niya.Kasalukuyang nasa lanai si Trigger at nagpapalipas ng oras habang hinihintay niya si August. Tumawag kasi sa kanya kagabi ang nakatatanda nilang kapatid. May gusto raw nitong i-duscuss sa kanya at sigurado siyang tungkol iyon sa gagawing tactics para sa paparating na bagong shipment. Wala ang kakambal niyang si Dalton na siyang madalas na kausap ni August dahil palagi siyang nasa Manila. Lumipad si Dalton kasama si Russet at ang bunso nilang si Adrielle pati ang boyfriend nitong si Cougar patungo sa Thailand ayon na rin sa utos ng kanilang ama noon pang isang araw at sa makalawa pa ang balik sa Pilipi

  • GUERRERO LEGACY 2:TRIGGER GUERRERO   THE ONLY WAY

    PINAGPAPAWISANG tinanaw ni Andrea mula sa bintana ng kotse na minaneho ng kanyang ama ang halos malapit nang mapuno na restaurant.. Medyo malayo rin ang kinaroroonan nila pero sapat lang ang distansiya para makita niya ang mga taong paroon at parito sa loob niyon. Maraming tao sa loob at puno rin ang car park sa labas.Humugot siya ng malalim na buntong-hininga bago pinagkiskis ang magkasalikop na mga palad. "Are you ready?" Natigilan si Andrea nang marinig niya ang tanong na iyon ng kanyang ama. She was somehow surprised because it was the first time that he asked her if she is ready. Never naman kasi nitong hiningi ang opinyon niya. Ni minsan ay hindi rin niya naramdamang importante siya rito. Kung hindi nga lang namatay ang Lola niya ay tiyak na hindi siya magkakaroon ng pagkakataong makita ito at ang kanyang ina pati na rin ang Ate Catherine niya. It was as if she never existed. Dahil sa pagka-alala sa kanyang namayapang Lola ay binalot ng lungkot ang puso ni Andrea. Ito lamang

  • GUERRERO LEGACY 2:TRIGGER GUERRERO   THE CALL

    "HELLO, DOC. Trigger," bati ng isang nurse na naka-duty sa information disk nang mapadaan doon si Trigger.Abala ito sa ginagawa pero nang makita binatang doctor ay sandali itong tumigil. Alas otso pa lang ng umaga pero marami nang out patients na nakapila sa labas kaya okupado halos lahat ng mga naka-duty na nurse at doctor.Saglit na tumigil sa paglalakad si Trigger bago isang tipid na ngiti ang namutawi mula sa kanyang mga labi nang mapatingin siya sa nurse. Bago ito sa kanyang paningin kaya bumaba ang mga mata niya sa bandang dibdib nito kung saan naka-pin ang pangalan ng babae."Good morning, Nurse Sandra!" ganting bati niya rito bago sandaling umikot ang paningin sa paligid. Nang hindi makita ang kanyang hinahanap ay muli niyang ibinalik ang pansin sa nurse na abala naman ang mga mata sa kaharap nitong computer. "Where's Nurse Cyntia?" tanong niya na ang tinutukoy ang edad kuwarentang nurse na madalas na naka-assign sa information disk. Nag-angat ng paningin ang babae bago naka

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status