"HEY, bro, have heard the news?"
Mula sa binabasang lifestyle magazine ay nagtaas ng paningin si Trigger para tingnan ang kapatid niyang si Azure. Halos kararating lang niya mula sa Manila kung saan isa siya resident doctor ng Sta. Monica Doctor's Hospital.
"About what?" kunot ang noo na tanong niya rito.
"Hay naku, huli ka na naman sa balita," ani ni Azure bago umupo sa harapan niya.
Kasalukuyang nasa lanai si Trigger at nagpapalipas ng oras habang hinihintay niya si August. Tumawag kasi sa kanya kagabi ang nakatatanda nilang kapatid. May gusto raw nitong i-duscuss sa kanya at sigurado siyang tungkol iyon sa gagawing tactics para sa paparating na bagong shipment. Wala ang kakambal niyang si Dalton na siyang madalas na kausap ni August dahil palagi siyang nasa Manila. Lumipad si Dalton kasama si Russet at ang bunso nilang si Adrielle pati ang boyfriend nitong si Cougar patungo sa Thailand ayon na rin sa utos ng kanilang ama noon pang isang araw at sa makalawa pa ang balik sa Pilipinas.
"Ano nga?" naiinip na untag ni Trigger.
Nalukot ang mukha ni Azure. "Napaka-boring mo namang kausap, bro..." reklamo niya kay Trigger na tila walang narinig.
Muling ibinalik ni Trigger ang kanyang atensiyon sa hawak niyang magazine nang agawin iyon sa kanya ni Azure.
"Mamaya na kasi iyang binabasa mo. Mas importante itong ibabalita ko. Sobrang essentially nito para sa kagaya nating nasa magulong mundo ng mafia."
Muling kumunot ang noo ni Trigger. Tinitigan niya si Azure pagkatapos na sumandal sa kinauupuan bakal na upuan. Humalukipkip siya habang hinihintay na muli itong magsalita.
"Shesh!" paungol na ani ni Azure nang makita ang kawalan ng interesting ni Trigger sa ibabalita niya. "Ayon na nga, buntis na ang alagang baboy ni Adrielle." tuwang-tuwa na sabi niya sa kaharap na nagsalubong naman ang mga kilay.
"Buntis? Paano nangyari 'yon?"
Umirap si Azure. "Isinama ni Cougar doon sa bahay ni Ka Domeng. Ayon, nasalisihan! Bigla silang nagkaroon ng apo ni El ngayon." Tatawa-tawang sagot niya bago dumampot ng isang pirasong potato chips na nakalagay sa maliit na bowl at nakapatong sa maliit na mesa na kaharap nilang dalawa ni Trigger.
"Ano ang sabi ni El?" Nangingiti na ring tanong ni Trigger.
Tama si Azure. Essentially nga ang balitang hatid nito. Parang nai-imagine na niya ang itsura ni Adrielle nang malaman nitong nasalisihan ang alaga nitong baboy na si Pixie. At sigurado din siyang si Cougar ang sinisi nito.
Lumawak ang ngising nakaguhit sa mga labi ni Azure. Muli itong sumubo ng potato chips bago nagsalita habang nginu-nguya ang laman ng bibig.
"Siyempre, inaway niya si Cougar, ano pa ba ang aasahan nating mangyari? Dalawang araw niyang hindi kinausap at dinala kaagad sa veterinarian si Pixie para maresetahan ng vitamins." K'wento ni Azure.
Kagaya ni Azure ay halos umabot din sa magkabilang tainga ang ngisi ni Trigger.
"Ano ang ginawa ni Cougar?" interesadong muling tanong ni Trigger.
Dahil nga halos isang linggo siyang nasa Manila ay hindi niya alam ang nangyari.
"Ayon, todo suyo ang loko. Pabibe naman 'yong kapatid natin. Kunwari galit pero halata namang kilig na kilig." Umiikot ang mga matang patuloy na k'wento ni Azure.
Nasa ganoon silang pag-uusap nang dumating naman si Kimhan na ang aga-aga ay may hawak na'ng alak. Umangat ang kilay ni Trigger.
"Alas-diyes lang ng umaga, Kim, what's up?" pansin niya sa hubad-barong kapatid kaya kitang-kita ang malaking tattoo sa katawan nito na halos sumakop sa buong dibdib hanggang sa tiyan.
"Wala lang," kibit-balikat na tugon ni Kimhan bago dinala sa bibig ang hawak na bote ng beer. "so, how are you?" tanong niya kay Trigger.
Nadoble ang pagtaas ng kilay ni Trigger. Hindi siya kumbinsido sa sagot ni Kimhan na wala lang. Dama niyang may gumugulo sa isip nito. Nang sulyapan niya si Azure ay ganoon din rin ang reaction nito. Nakakunot din ang noo nito habang nakatitig sa pang-apat nilang kapatid.
Nagpasya si Trigger na huwag na mueang piliting magsalita si Kimhan. Alam niyang sooner or later ay magki-k'wento rin ito sa kanila.
"Okay naman. Walang bago." sagot niya kay Kimhan.
Napatigil sila sa pag-uusap nang lumapit sa kanila ang humahangos na si Clee, ang head bodyguard ni Trigger.
"Young Master, kanina pa raw tumatawag si Miss Claudia sa cellphone mo, emergency daw."
Natigilan si Trigger. Oo nga pala, nakakimutan niyang i-on ang sounds ng cellphone niya. Nakagawian na kasi niyang i-off iyon tuwing nasa Manila siya. Si Clee ang tumatanggap ng lahat ng tawag na galing sa Octagon at sinasabi na lamang iyon ng head bodyguard niya sa kanya kapag tapos na ang shift niya sa Sta. Monica Doctor's Hospital o pagkagising niya.
"Emergency?" nagtataka niyang usal bago dinukot ang cellphone mula sa bulsa ng suot niyang pantalon.
Kinakapatid niya si Claudia at kasal nito ngayon. Hindi siya nakapunta dahil may usapan nga sila ni August bukod pa sa umiiwas din siya kay Vince, ang kababata nila na napangasawa ng kinakapatid niya.
Nang buksan niya ang cellphone ay kaagad niyang nakita ang hindi mabilang na missed calls galing kay Claudia. Kaagad niyang dinayal ang number ng kanyang kinakapatid. Hindi pa man natatapos ang isang ring ay kaagad na may sumagot sa kabilang linya. Palatandaan na hinihinyay ni Claudia ang tawag niya.
"Hello, Trigs!" nagmamadali at tila nagpa-panic ang boses na bungad ni Claudia.
"Hey, Clau, I'm so sorry if I didn't make it to—"
Hindi natapos ni Trigger ang kanyang sasabihin nang muling magsalita si Claudia. Isang balita na labis na gumimbal sa kanya.
"Trigger, come to Sta. Monica Doctor's Hospital as soon as you can." Ani ni Claudia na saka pa lang napagtuonan ni Trigger ang boses nito na punong-puno ng pag-aalala.
"What happened?"
"Trigger, si Tita Agnes!" Nagsimula nang umiyak na sabi ni Claudia.
Umahon mula sa dibdib ni Trigger ang matinding pag-aalala para sa babaeng nag-aruga sa kanya ng sampong taon. Kaagad namang napansin nina Kimhan at Azure ang naging reaction ni Trigger kaya nagkatinginan ang dalawa.
"Ano nga ang nangyari, Claudia? Talk clearly!" Utos niya sa kanyang kinakapatid.
"S-She was p-poisoned, Trigs!"
Namanhid ang buong katawan ni Trigger nang marinig ang sinabing iyon ni Claudia. Humigpit ang hawak niya sa tangan niyang cellphone kasabay ng pagbaha ng hindi matawarang pag-aalala na may kasamang takot para sa kalagayan ng kinikilala niyang ina.
No, not his Mama Agnes. Not her!
"I'm coming..." aniya kay Claudia bago mabilis na pinutol ang tawag. Tumingin siya kay Azure na kaagad namang naka-unawa.
Isang piloto si Azure kaya nang tingnan ito ni Trigger ay mabilis nitong tumango.
"I'm coming with you," ani naman ni Kimhan bago ibinaba ang hawak na bote ng beer.
Tumango lamang si Trigger at magkasunod na silang naglakad patungo sa hangar na nasa hindi kalayuan ng mansion ng kanilang ama. Kasya ang dalawang helicopter doon pero dahil ginamit ng ama nila ang isa patungo sa Cebu ay tanging ang kulay itim at pang-apatan lamang ang naroon.
Inabutan naman si Kimhan ni Adela ng damit bago ito tuluyang sumakay sa helicopter kung saan naghihintay na si Azure. Nakatayo naman sa hindi kalayuan si Trigger. Tumawag pa kasi ito sa director ng Sta. Monica Doctor's Hospital para ipaalam na sa roof ng hospital sila magla-land.
"I'm on my way now, Clau. Maingay ang chopper kaya hindi kita marinig nang malinaw. I'll call you again later."
Kinawayan ni Azure si Trigger. "Tara na!" malakas ang boses na tawag niya sa kanyang nakatatandang kapatid.
Tumango si Trigger bago muling nagpaalam kay Claudia. Pagkatapos niyang tawagan ang director ng pinagta-trabaho-an niyang hospital ay sunod naman niyang tinawagan ang kaibigan niyang si Peter. Pinakiusapan niya itong alalayan si Claudia na halos hindi alam ang gagawin dahil sa reception ng kasal nito nangyari ang pagkalason ng kanyang ina. Ang sabi sa kanya ni Claudia ay wala raw si Vince sa hospital dahil may kausap itong mga imbestigador.
"I already called Aug." Malakas ang boses na ani ni Kimhan kay Trigger habang sabay silang naglalakad palapit sa naghihintay na helicopter.
Napatango si Trigger. Kapag may ganitong pangyayari kasi ay kaagad nilang kinokontrol ang sitwasyon. As much as possible, they want to do the investigation on their own. Ayaw nilang may ma-involve na alagad ng batas para maiwasan ang pagka-leak sa media.
Habang nakasakay sa helicopter patungo sa Manila ay hindi mapakali si Trigger. Kausap niya kasi sa My Chat si Claudia at ang sabi nito sa kanya ay sinusubukan pa ng mga doctor ang lahat para mailigtas ang buhay ng kanyang Mama Agnes. Masyado daw potent ang ginamit na lason sa kanyang ina kaya nagkaroon din ng komplikasyon sa iba nitong organ.
"Hintayin mo ako, Mama..." tiim ang anyong usal ni Trigger habang nakatanaw sa unahan.
Isang mahinang tapik sa balikat naman ang ibinigay ni Kimhan kay Trigger. Of course, alam niya kung paano kahirap at kasakit ang nararamdaman ngayon ng kapatid niya. Minsan na siyang nawalan ng mahal sa buhay at nag-iwan iyon ng malaking sugat sa pagkatao niya.
"I can't lose her too, Kim. I can't..."
PAGKALAPAG NA PAGKALAPAG ng sinasakyan nilang helicopter sa rooftop ng Sta. Monica Doctor's Hospital ay kaagad na bumaba si Trigger at halos patakbong tinungo ang elevator. Mabilis niyang pinindot ang 1st floor kung saan naroon ang morgue. Nangangalahati pa lamang sila sa biyahe ay nakatanggap siya ng chat mula kay Claudia. Ang sabi ng kinakapatid niya ay hindi na raw nagawang isalba ng mga doctor ang buhay ng Mama Agnes.
Parehong tahimik sina Trigger at Kimhan habang sakay ng elevator at hinihintay iyong bumukas. Tiim ang anyo ng una habang halos mamuti ang mga kamay dahil sa mahigpit na pagkakakuyom. Naiwan si Azure sa rooftop dahil kausap pa nito ang ama nilang si Lion na kaagad namang tumawag nang malaman ang nangyari sa kinikilalang ina ni Trigger.
Kambal sina Trigger at Dalton pero magkahiwalay silang lumaki. Namatay sa panganganak ang tunay na ina ng dalawa nang magkaroon ng komplikasyon sa puso nito. Kinuha si Trigger ng kanyang Mama Agnes na noon ay nagta-trabaho naman bilang isang janitress sa hospital kapalit ng perang pangtubos sa bangkay ng kanilang ina. Samantalang si Dalton naman ay napilitang kunin ng kapatid ng kanilang ina. Nang matagpuan sila ng taong inupahan ni Senyor Lion ay saka pa lang nalaman nina Trigger at Dalton na kambal sila. At pareho silang sampong taong gulang nang mapunta sa pangangalaga ng pinuno ng Octagon.
Nang tuluyang bumukas ang pinto ng elevator ay malalaki ang mga hakbang na naglakad si Trigger habang wala pa ring kibo na nakasunod sa kanya si Kimhan.
"Doc, nandito na po pala kayo," turan ng nurse na nakasalubong ni Trigger.
"Nasaan ang Mama ko?" pigil ang emosyong tanong niya rito.
"Nasa morgue na po. Hinihintay po kayo ng kinakapatid ninyo roon."
Hindi na sumagot si Trigger sa nurse. Tumango na lamang siya rito bago muling naglakad ng mabilis sa mahabang hallway. Lumiko siya sa kaliwa at kaagad niyang nakita si Claudia na tulalang nakatayo sa tabi ng asawa nitong si Vince. Natigilan pa siya nang makitang nakasuot pa ng damit-pangakasal ang babae at humulas na rin ang make-up nito. Magulo ang buhok at nagkalat sa paligid ng mga mata ang mascara na inilagay ng make-up artist dito. Kung naiba lang ang sitwasyon ay tiyak na kanina pa humagalpak ng tawa si Trigger dahil nagmukhang lantang zombie ang kinakapatid niya.
"Clau!" Tawag ni Trigger kay Claudia.
Nag-angat ng paningin si Claudia at nang makita si Trigger ay muling napuno ng luha ang mga mata nitong namumugto na dahil sa walang tigil na pag-iyak.
"Trigs!" Bulalas ni Claudia bago bumitaw mula sa pagkakahawak ng asawa nitong si Vince.
Mabilis na humakbang palapit kay Trigger si Claudia at kaagad na yumakap nang mahigpit nang tuluyan itong makalapit.
"Trigs, si Tita..." Umiiyak na usal ni Claudia. "We lost here!" patuloy na sabi ng kinakapatid ni Trigger habang nakasubsob sa balikat ng lalaki.
Lumapit naman si Vince sa kanila at walang kibong tinapik nang mahina ang balikat ni Trigger.
"Salamat..." Ani ni Trigger kay Vince na ang timutukoy ay ang ginawa nitong pagharap sa mga imbestigador.
Tumango si Vince bago bahagyang inilapit ang bibig sa tainga ni Trigger.
"I found something on the restaurant's bathroom. Baka makatulong sa imbestigasyon. Let's talk again later."