Share

GUERRERO LEGACY 2:TRIGGER GUERRERO
GUERRERO LEGACY 2:TRIGGER GUERRERO
Author: Bryll McTerr

THE CALL

Author: Bryll McTerr
last update Last Updated: 2022-09-15 11:25:49

"HELLO, DOC. Trigger," bati ng isang nurse na naka-duty sa information disk nang mapadaan doon si Trigger.

Abala ito sa ginagawa pero nang makita binatang doctor ay sandali itong tumigil. Alas otso pa lang ng umaga pero marami nang out patients na nakapila sa labas kaya okupado halos lahat ng mga naka-duty na nurse at doctor.

Saglit na tumigil sa paglalakad si Trigger bago isang tipid na ngiti ang namutawi mula sa kanyang mga labi nang mapatingin siya sa nurse. Bago ito sa kanyang paningin kaya bumaba ang mga mata niya sa bandang dibdib nito kung saan naka-pin ang pangalan ng babae.

"Good morning, Nurse Sandra!" ganting bati niya rito bago sandaling umikot ang paningin sa paligid. Nang hindi makita ang kanyang hinahanap ay muli niyang ibinalik ang pansin sa nurse na abala naman ang mga mata sa kaharap nitong computer. "Where's Nurse Cyntia?" tanong niya na ang tinutukoy ang edad kuwarentang nurse na madalas na naka-assign sa information disk.

Nag-angat ng paningin ang babae bago nakangiting sumagot. "Ah, nag-take po ng leave si Nurse Cyntia, Doc. May sakit daw po kasi ang Nanay niya kaya siya daw po muna ang mag-a-alaga. Next month pa po yata ang balik niya rito sa hospital." sagot ni Nurse Sandra.

Napatango-tango si Trigger. "Ah, ganoon ba?" aniya na bahagyang umangat ang isang kilay bago muling itinuloy ang kanyang paglalakad.

Tuloy-tuloy na naglakad si Trigger patungo sa elevator. Wala iyong sakay nang bumukas kaya mabilis na pumasok sa loob si Trigger at pinindot ang 5th floor kung saan naroon ang opisina nilang mga doctor.

Nang makarating sa kanyang opisina ay kaagad na ibinaba ni Trigger ang dala niyang hand-carry bag bago hinubad ang suot niyang coat. Hindi pa man siya nakaka-upo ay nakarinig siya ng tatlong mahihinang kayok bago bumukas ang pinto sa kanyang likuran.

"Oh, thank goodness, you are finally here!" Tila nabunutan ng tinik sa dibdib na bulalas ni Doc. Peter nang makita nito si Trigger na halos kauupo lang. Nakasilip ito mula sa maliit na awang ng pinto ng opisina ni Trigger.

Isa si Peter Cheng sa resident doctor ng Sta. Monica Doctor's Hospital kung saan nagta-trabaho din si Trigger bilang isang surgeon.

Napatingin si Trigger sa half-chinese at half-filipino na doctor.

"Why? What is it, P?" takang tanong niya.

"P" ang tawag ni Trigger sa lalaki dahil bukod sa magkaklase sila noong college ay malapit din silang magkaibigan. Idagdag pang iisa ang fraternity na sinalihan nilang dalawa kaya hindi lang sila magkaklase at magkaibigan kung swear brothers din. Pero ang totoong dahilan kung bakit "P" ang tawag niya sa kaibigan ay dahil kamukha nito ang isang kilalang hunk actor dito sa Pilipinas.

Tuluyang binuksan ni Doc. Peter ang pinto at pumasok. Bitbit ang isang white envelope na may logo ng hospital sa ibabang bahagi ay humakbang ito palapit kay Trigger.

"I just want to ask your opinion about this case." turan ni Doc. Cheng nang tuluyang makalapit. Inilapag nito ang hawak na envelope sa ibabaw ng disk ni Trigger bago kinuha ang laman niyon. "Itong patient ko kasi—"

Napatigil sa pagsasalita ang kasamang doctor ni Trigger nang biglang umalingawngaw mula sa apat na sulok ng opisina ang boses ng isang lalaki mula sa maliit na speaker na nakalagay sa isang bahagi ng kisame.

"Paging Dr. Trigger Guerrero, you are urgently needed in the emergency room right now!"

"Oh, I think, that's my call, P. Let's talk about it later." ani ni Trigger kay Dr. Cheng bago mabilis na tumayo. Inabot niya ang nakasampay na coat mula sa sandalan ng kanyang swivel chair na hinubad niya kanina at mabilis iyong isinout.

"Paging Dr. Guerrero, please proceed to the emergency room right now!"

Tumango si Dr. Cheng at sumunod na rin kay Trigger na nagmamadali nang naglakad palabas ng kanyang opisina.

Sabay na naglakad ang dalawa patungo sa elevator. Nang makapasok roon ay pinindot ni Trigger ang 2nd floor kung saan naroon ang emergency room samantalang si Dr. Cheng naman ay sa 3rd floor pupunta para naman sa early rounds na gagawin nito sa mga pasyente.

Nang tumunog at bumukas ang elevator ay mabilis na lumabas si Trigger. Sinalubong siya ng mga nagmamadaling attendant na may tulak-tulak na mga stretcher. Puno ng dugo ang mga sakay niyon kaya nangunot ang noo ni Trigger.

"What happened?" tanong niya sa isa sa mga ito.

"Nagkaroon ng shoot out sa isang hostage taking sa may Sampaloc, Doc. Mga tinamaan lamang sila ng ligaw na bala. Ang apat naman na mismong sangkoy sa hostage taking ay nai-declare na ni Dra. Sanchez na dead on arrival."

Sandaling natigilan si Trigger dahil sa kanyang narinig. Kumuyom ang kanyang mga palad kasabay ng pag-igting ng kanya magkabilang panga. Isang halos nanlalabo nang ala-ala ang kaagad na pumasok sa kanyang isipan. Dahil doon ay bahagyang nanginig ang kanyang katawan na napansin naman ng isang nurse na naka-assign sa emergency room.

"Doc, ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang puna nito kay Trigger.

Ipinilig ni Trigger ang kanyang ulo para alisin ang ala-alang iyon sa kanyang isipan bago tumingin sa nurse. Seryoso ang anyong tumango siya rito bago ito sinenyasang tumuloy na sa emergency room.

"Damn these useless people..." gigil na bulong niya bago sumunod sa mga attendant patungo sa emergency room.

SAMANTALA...

Kabadong pinagkiskis ni Andrea ang kanyang mga kamay habang walang tigil na pumaparoon at parito sa maluwag na salas ng kanilang bahay sa isang kilalang subdivision sa Makati.

"Will you please stop doing that?!" naiinis na sikmat ni Catherine kay Andrea. Bakas sa mukha ng kanyang Ate ang hindi mapigilang pagkayamot.

Hindi kumibo si Andrea ngunit hindi rin siya tumigil sa kanyang ginagawang pabalik-balik na paglalakad. Mas lalo tuloy nabuwiset si Catherine.

"Ano ba, Andrea?!" sigaw nito sa nakababatang kapatid na bigla namang napa-igtad dahil sa gulat.

Hindi narinig ni Andrea si Catherine nang una siya nitong sawayin kaya nang tumaas ang boses nito ay labis siyang nabigla. Nakatuon ang isip niya sa fiance niyang si Stanley na kasalukuyang hawak ng ilang kalalakihan na ayon sa kanyang amang si Guillermo ay members daw ng isang kilalang sindikato rito sa Pilipinas.

Tatlong araw nang hawak ng mga ito si Stanley at ang huling video na ipinakita sa pamilya ng fiancé niya at sa kanya ay puno ng dugo ang buong katawan ng lalaki. Awang-awa si Andrea kay Stanley lalo pa at kitang-kita niya sa mukha ng lalaki na hirap na hirap na ito. Idagdag pa ang matinding takot na mababakas sa mukha nito.

Isang buwan na lang at ikakasal na silang dalawa ni Stanley kaya abala sila sa pag-aayos ng iba pang detalye para masigurong walang mangyayaring aberya pero nang araw na nakipagtagpo sila sa kausap nilang caterer ay nangyari ang bagay na hindi pareho inaasahan. Habang sakay ng kotse niya na minamaneho ni Stanley ay bigla may humarang sa kanila na tatlong kotse.

Bumaba mula roon ang ilang kalalakihan na may dalang mga baril. Hindi namukhaan ni Andrea ang mga ito dahil nakasuot ng mask. Puwersahang binuksan ng mga lalaki ang Pinto ng sasakyan nila at hinugot mula sa driver's seat si Stanley bago siya sinikmuraan ng isa sa mga ito na siyang naging dahilan para mawalan siya ng malay-tao. Nang muli siyang balikan ng malay ay naroon na siya sa loob ng isang public clinic.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam kung ano ang kailangan ng mga ito at kung ano ang naging atraso ni Stanley sa sindikatong dumukot dito.

"I'm so sorry, Ate," tila nakalutang sa kawalan na usal ni Andrea na bahagya pang yumuko. "What was that again?" tanong niya na tinugon naman ni Catherine ng katakot-takot na irap..

"I said stop acting like freak! Itigil mo iyang ginagawa mong paglalakad nang pabalik-balik, buwiset!" Napipikang ulit ni Catherine.

Natigilan si Andrea. Wala sa loob na humakbang siya patungo sa sofa at umupo roon bago tumitig sa kawalan. Napa-iling naman si Guillermo. Tumayo ang matandang lalaki at humakbang patungo sa bintana kung saan tanaw ang may hindi kalakihang hardin.

Napakislot si Andrea nang biglang umalingawngaw ang matinis na tunog ng telepono na nasa isang sulok ng salas. Tiyak niyang ang Mommy ni Stanley ang tumatawag.

Simula nang dukutin si Stanley ay sa bahay ng mga Redfern nag-stay. Sa loob ng tatlong araw na wala ang fiance niya ay wala rin halos tulog si Andrea. Ni hindi rin siya makakain kaya nag-alala ang mommy ni Stanley. Ipinasundo siya nito sa kanyang ama kapalit ng pangako na tatawagan siya kaagad kapag mayroong bagong balita.

"Stan..." usal ni Andrea bago nagmamadaling tumayo para tunguhin ang telepono.

Umikot naman pataas ang mga mata ni Catherine dahil sa nakita niyang reaction ni Andrea habang blangko naman ang anyo ng kanilang ama na nakatayo pa rin. Ang ina naman nilang si Rebecca ay tila walang pakialam sa paligid. Abala ang mga mata nito sa tinitingnang fashion magazine.

Kaagad na dinampot ni Andrea ang telepono at inilagay sa kanyang tainga.

"Hello, Tita Carie," bungad habang ang dalawang kamay ay parehong mahigpit na nakahawak sa telepono. "may balita na po ba kay Stan?" tanong niyang punong-puno ng kaba ang dibdib.

Sandaling katahimikan ang umiral kaya mas lalong binalot ng kaba si Andrea. Namutla siya at kung ano-ano na ang pumasok sa kanyang isipan.

May masama bang nangyari? Paano kung pinatay ng sindikato si Stanley? Paano kung...

"Tumawag sila, Andrea," simula ni Tita Carie na halatang kabado at tila hindi alam kung paano sasabihin kaya Andrea ang napag-usapan nito at ng sindikato.

"Ano po ang sabi nila?" Namumutla at nanginginig na tanong ni Andrea.

Tumikhim si Tita Carie bago muling nagsalita.

"Ikaw daw ang kailangan nila, Andrea..."

Related chapters

  • GUERRERO LEGACY 2:TRIGGER GUERRERO   THE ONLY WAY

    PINAGPAPAWISANG tinanaw ni Andrea mula sa bintana ng kotse na minaneho ng kanyang ama ang halos malapit nang mapuno na restaurant.. Medyo malayo rin ang kinaroroonan nila pero sapat lang ang distansiya para makita niya ang mga taong paroon at parito sa loob niyon. Maraming tao sa loob at puno rin ang car park sa labas.Humugot siya ng malalim na buntong-hininga bago pinagkiskis ang magkasalikop na mga palad. "Are you ready?" Natigilan si Andrea nang marinig niya ang tanong na iyon ng kanyang ama. She was somehow surprised because it was the first time that he asked her if she is ready. Never naman kasi nitong hiningi ang opinyon niya. Ni minsan ay hindi rin niya naramdamang importante siya rito. Kung hindi nga lang namatay ang Lola niya ay tiyak na hindi siya magkakaroon ng pagkakataong makita ito at ang kanyang ina pati na rin ang Ate Catherine niya. It was as if she never existed. Dahil sa pagka-alala sa kanyang namayapang Lola ay binalot ng lungkot ang puso ni Andrea. Ito lamang

    Last Updated : 2022-09-15
  • GUERRERO LEGACY 2:TRIGGER GUERRERO   FEAR, PAIN, AND ANGER

    "HEY, bro, have heard the news?" Mula sa binabasang lifestyle magazine ay nagtaas ng paningin si Trigger para tingnan ang kapatid niyang si Azure. Halos kararating lang niya mula sa Manila kung saan isa siya resident doctor ng Sta. Monica Doctor's Hospital. "About what?" kunot ang noo na tanong niya rito. "Hay naku, huli ka na naman sa balita," ani ni Azure bago umupo sa harapan niya.Kasalukuyang nasa lanai si Trigger at nagpapalipas ng oras habang hinihintay niya si August. Tumawag kasi sa kanya kagabi ang nakatatanda nilang kapatid. May gusto raw nitong i-duscuss sa kanya at sigurado siyang tungkol iyon sa gagawing tactics para sa paparating na bagong shipment. Wala ang kakambal niyang si Dalton na siyang madalas na kausap ni August dahil palagi siyang nasa Manila. Lumipad si Dalton kasama si Russet at ang bunso nilang si Adrielle pati ang boyfriend nitong si Cougar patungo sa Thailand ayon na rin sa utos ng kanilang ama noon pang isang araw at sa makalawa pa ang balik sa Pilipi

    Last Updated : 2022-09-15

Latest chapter

  • GUERRERO LEGACY 2:TRIGGER GUERRERO   FEAR, PAIN, AND ANGER

    "HEY, bro, have heard the news?" Mula sa binabasang lifestyle magazine ay nagtaas ng paningin si Trigger para tingnan ang kapatid niyang si Azure. Halos kararating lang niya mula sa Manila kung saan isa siya resident doctor ng Sta. Monica Doctor's Hospital. "About what?" kunot ang noo na tanong niya rito. "Hay naku, huli ka na naman sa balita," ani ni Azure bago umupo sa harapan niya.Kasalukuyang nasa lanai si Trigger at nagpapalipas ng oras habang hinihintay niya si August. Tumawag kasi sa kanya kagabi ang nakatatanda nilang kapatid. May gusto raw nitong i-duscuss sa kanya at sigurado siyang tungkol iyon sa gagawing tactics para sa paparating na bagong shipment. Wala ang kakambal niyang si Dalton na siyang madalas na kausap ni August dahil palagi siyang nasa Manila. Lumipad si Dalton kasama si Russet at ang bunso nilang si Adrielle pati ang boyfriend nitong si Cougar patungo sa Thailand ayon na rin sa utos ng kanilang ama noon pang isang araw at sa makalawa pa ang balik sa Pilipi

  • GUERRERO LEGACY 2:TRIGGER GUERRERO   THE ONLY WAY

    PINAGPAPAWISANG tinanaw ni Andrea mula sa bintana ng kotse na minaneho ng kanyang ama ang halos malapit nang mapuno na restaurant.. Medyo malayo rin ang kinaroroonan nila pero sapat lang ang distansiya para makita niya ang mga taong paroon at parito sa loob niyon. Maraming tao sa loob at puno rin ang car park sa labas.Humugot siya ng malalim na buntong-hininga bago pinagkiskis ang magkasalikop na mga palad. "Are you ready?" Natigilan si Andrea nang marinig niya ang tanong na iyon ng kanyang ama. She was somehow surprised because it was the first time that he asked her if she is ready. Never naman kasi nitong hiningi ang opinyon niya. Ni minsan ay hindi rin niya naramdamang importante siya rito. Kung hindi nga lang namatay ang Lola niya ay tiyak na hindi siya magkakaroon ng pagkakataong makita ito at ang kanyang ina pati na rin ang Ate Catherine niya. It was as if she never existed. Dahil sa pagka-alala sa kanyang namayapang Lola ay binalot ng lungkot ang puso ni Andrea. Ito lamang

  • GUERRERO LEGACY 2:TRIGGER GUERRERO   THE CALL

    "HELLO, DOC. Trigger," bati ng isang nurse na naka-duty sa information disk nang mapadaan doon si Trigger.Abala ito sa ginagawa pero nang makita binatang doctor ay sandali itong tumigil. Alas otso pa lang ng umaga pero marami nang out patients na nakapila sa labas kaya okupado halos lahat ng mga naka-duty na nurse at doctor.Saglit na tumigil sa paglalakad si Trigger bago isang tipid na ngiti ang namutawi mula sa kanyang mga labi nang mapatingin siya sa nurse. Bago ito sa kanyang paningin kaya bumaba ang mga mata niya sa bandang dibdib nito kung saan naka-pin ang pangalan ng babae."Good morning, Nurse Sandra!" ganting bati niya rito bago sandaling umikot ang paningin sa paligid. Nang hindi makita ang kanyang hinahanap ay muli niyang ibinalik ang pansin sa nurse na abala naman ang mga mata sa kaharap nitong computer. "Where's Nurse Cyntia?" tanong niya na ang tinutukoy ang edad kuwarentang nurse na madalas na naka-assign sa information disk. Nag-angat ng paningin ang babae bago naka

DMCA.com Protection Status