Share

25

JESSICA

Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako, umayos ako ng pagkaka-upo dahil nakaramdam ako ng pangangalay. Ang aking mga mata ay nag-adjust sa madilim na ilaw sa loob ng sasakyan. Napatingin ako sa dashboard clock para tignan kung anong oras na.

"Ala-una na pala..." bulong ko sa sarili, hindi lang pala idlip ang ginawa ko kung'di mahimbing na tulog. Bahagya pa akong napatulala bago ko nilingon si Grayson, na nakaupo sa driver's seat, ang kaniyang mga mata ay nakatutok sa daan. "Ligtas na ba tayo?" tanong ko.

"I think so," ani Grayson at nilingon ako "Nailigaw ko na naman sila, sa tingin ko ngayon ay ligtas na tayo."

Nakaramdam ako ng saglit na kaginhawahan. Sumandal ako sa upuan, napako ang tingin ko sa mga nadaranang streetlights. Ang tensyon na bumalot sa amin sa aming pagtakas ay dahan-dahang nagsimulang maglaho, napalitan ng isang pakiramdam ng kalmado— pero hindi nagpapakasiguro.

Habang nasa byahe kami ay naaninag ko ang pamilyar na berde at puting logo ng isang Starbucks si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status