Pagdating sa Stronghold Dreadblood, agad na sinalubong ng mga tauhan ni Knox ang pagdating nila. Balak nilang magpahinga muna doon bago tumungo ng China. "So this is your achievements..." puna ng ina ni Knox, tinitingala ang taas at laki ng stronghold nito. "This is our home mom, my people are inside," sagot naman ng anak. Mangiyak-ngiyak ang ina na napailing, napaluha pa nga dahil sa sobrang appreciation. Napatangu-tango, natawa at sinabing, "I feel proud. I gave birth to an incredible son." Napangiti si Clary sa saya na nakikita niya sa mag-inang ito. Maging siya ramdam niya iyon at lubos na nagpapasalamat siya na finally, nakabalik na siya rito. Nagpunas ng luha ang ina ni Knox at inalalayan ito ng anak para makapasok. Nakaantabay ang lahat ng tauhan, titig na titig sa ginang lalo na sa takip nito sa mata. Deretso sa kulungan ulit si Marcus. Yakap naman ang sinalubong ni Hake kay Ian. May mga Moretti rin pala na nag-aabang sa lugar na iyon, for sure mga tao ni Art at pagpasok
"Anong plano mo na ngayon, Boss?" tanong ng isa sa mga tao ni Knox. Sumagot naman siya habang nagche-check ng mga armas. "Nakuha niyo ang hustisya kay Chen Zhanghua and Chen Xui. Nais ng Moretti na makuha ang hustisya kay Chen Minghei. Ipaubaya natin siya sa kanila." Pinupunasan niya rin ang mga ito, at iniihipan. Nasa area naman kasi sila kung saan makikita ang sandamakmak na armas at bala. Naroon din matatagpuan ang mga uniporme na pang-Army ng grupo niya rin. Sa kabilang pintuan nito, opisina niya bilang Group Commander, makikita doon ang Philippine Navy Flag. Kulay asul itong may nakasulat, 'Hukbong-Dagat, Pilipinas.' "Eh sa Patag boss?" "Simulan nang i-renovate iyon. Dapat ibalik sa lugar na iyon ang kung sino ang mga nakatira doon, pati ang ibang isla na nasabugan. Kukunin natin ang myembro sa Auckland. Tapusin ko lang transaksyon ko Moretti. Babalik din tayo sa dati," sagot niya. Huminga ito nang malalim habang abala sa pagpupunas ng baril. "Sana huling giyera na iyon dito
From Philippines to Hongkong, submarine ang gamit nila. Ngunit sa Hongkong nanatili muna sila doon ng isang araw, saka sila mag-private jet papuntang sa kung saan man matatagpuan ang Moretti. "Saan banda ang Moretti?" tanong ni Clary kay Knox. Ang lugar na tinuluyan nila, ay isa sa mga pag-aari ng mga Zhou, at iyon ang mansion ni Zhou Shen. Inasahan na niyang mayaman din kasi itong si Zhou Shen ganon din si Xiang Fei, hindi lang niya alam kung ano ang mga negosyo nila. "Sa Kunlun," sagot ni Knox. Kumunot ang noo niya. "Sa Mysterious Mountain?" "Para sa akin hindi naman masyadong mysterious ang Kunlun kasi naranasan kong tumira doon, hindi naman ako nakulam," sagot naman ng malokong asawa niya sabay higa sa tabi niya. Sinamaan niya ito ng tingin. "Bakit? Sabi ba may mga mangkukulam doon?" "Sabi sa kwento, iyong mga eksperto. Doon daw nakatira ang mga Shaman." "Shaman?" Interesado siya kaya tumagilid siya paharap dito. "Warlock or witches, mangkukulam o albularyo sa Pilipino,"
Sa himpapawid, makikita ni Clary sa ibaba ang city at ang kasunod na ito ay makahoy na, sunod ay mga bundok, may mga bahay rin doon na malalaki, pero dulo makikita niya ang mataas na bahagi ng mga bundok na halos abot ang kalangitan. Para bang nakatusok na sa langit ang mga dulo nito at ang kulay nito ay dark white kung baga kulay nyebe na may halong malalaking mga bato at mga punong kahoy, kaya may puting part mayroon ding itim na part. "Woah!" bulalas niya, gandang-ganda siya sa view. Mayroon ding disyerto siyang nakikita sa ilalim at malawak iyon, mayroon din lakes, mga batong kulay lupa at halos kaunti lang ang mga puno ng kahoy sa part na iyon. Maraming matataas na Cliff ngunit ilan sa mga cliff may mga nakasabit na bahay. "May nakatira diyan?" turo niya sa mga bahay na iyon. "Of course, kaya nga may mga bahay," sagot ni Knox. Ngiting-ngiti naman siya. Tiningnan niya si Ian, gusto niyang makita kung namamanghang din ito at mukhang naaliw ito sa kakatingin sa labas. Maya-maya
Naunang pumasok sa entrance ang mga kapatid niya, asawa niya at ang dalawa pa nilang kasama. Susunod na sana siya papasok, ngunit hinarangan na naman siya ng pina-ekis na dalawang sibat sa harapan niya. Bigla-bigla ang mga kilos nito kaya nagugulat siya. "Why?" taka niyang tanong. Napatingin pa siya sa assasin na nasa tabi niya at may suot itong black mask. "We have to wait for the door to open again for you to enter, Princess.""So fall in line?" sarkastiko niyang tanong at bumulong. "OA ah.""Yes, Princess," sagot naman ng assasin. Warrior yata ang tawag sa mga ito. "Can we all go in together? It's like a cheesy awarding ceremony. What do you think I should be awarded? Maybe the title of "Best Long Lost Daughter"? pananarkastiko niya. Ang totoo kasi niyan, trip lang niya iyon, kinakabahan kasi siya at gusto niya kasabay niya si Knox na pumasok pero iniwan naman siya. "This is the rule, Princess," sagot pa nito. "Rule. Rule," bulong niya. Maya-maya bumukas ang pinto. "You must
Karapatan ni Clary ang makatanggap ng explanation ngunit shempre hindi lang siya ang ipapakilala kaya stand by muna. Inalalayan lang siya ng maidservants ng mga ito, at pinatayo sa kanan banda. "The long lost son of Chen Zhanghua!" sigaw ng butler at bumukas ang pinto sa dulo. Makikita niya sa pagpasok ni Ian ang pagkalito, ganoon na ganoon ang nararamdaman niya kanina at may gumabay lang. Kung ano ang ginawa nila Knox kanina sa kaniya ganoon din ang ginawa ng mga ito kay Ian at katulad niya nagulat din ito, napasabi pa ng, "Luhh..." "The fourth Chen Prince, Chen Xi!" Nang lumuhod ang lahat, gulat na gulat ito. Pati ang mga maidservants sa tabi niya, nakatuwad na naman sa sahig at sinabing, "Welcome home, Prince Chen Xi!" "P-Prince?!" bulalas ni Ian at napanganga pang tumingin sa nanay niya. Tila ba'y kontrolado ng ina niya ang emotion kaya kanina nang panay ito hingi ng tawad ay nawala at ngayon nakikita niyang nakangiti itong nakatingin kay Ian. "Ito ang tunay mong buhay Ian.
Wala siyang idea kung saan dinala si Marcus, pero sigurado siya sa kulungan iyon. Kulungan ng Moretti, siya naman dinala sa kwarto na para sa kaniya. Sobrang laki, sobrang lawak, ang higaan niya ay pang-prinsesa. Ang headboard, ang ganda ng design, may canopy na light gold na color, parang gold cream at karamihan lace. At iyon din ang karamihang kulay na nakikita niya sa kwarto niya. Aaminin man niya sa hindi, gandang-ganda siya sa kwartong iyon. Alam niya sa sarili niya mayaman na siya pero parang ngayon lang niya naramdaman ang pakiramdam na mayaman. Bundok ang lugar na ito pero akalain mo nga naman may palasyo dito. "Do you like it?" biglang tanong ng nanay niya. Saka lang bumalik sa ulirat niya ang tunay na sitwasyon. Napawi ang ngiti niya at tipid na sumagot, "It's nice.""I prepared this room for you. Because I believe you will be able to use it when the day comes. And this day has come." Naririnig niya ang sinasabi nito pero hindi siya magpakita ng interes. Ngunit agaw pa
"Clary naman, ano ba dati pa iyon. Lakas mo naman magselos!" habol ni Knox sa kaniya. Pagkatapos kasi nilang kumain nilapitan siya nito para makausap dahil sa sinabi ng isang council kanina at dahil naiinis siya umalis siya sa harap nito ngunit hinabol siya. Inis niyang hinarap ito saktong pagkarating nila sa Gazebo. "Dati pa nga, pero hindi mo sinabi sa akin! Tsaka ano iyon ha? May relasyon kayo dati pero hindi mo ako nakilala, eh magkamukha kami oh!" duro niya sa mukha niya. "Ilang beses ko bang sasabihin na lumaki kaming may mga takip sa mukha. Ngayon lang kami nabigyan ng chance na maalis iyon," ani naman nito. "Talaga?" tumaas ang kilay niya, sobrang lakas ng trust issue niya ngayon. "Talaga ngayong nandito na ako, tanggal lahat ng takip niyo sa mukha?""O-Oo, eh siguro baka, mga Preceptor na rin kami, hindi na kami apprentice kung baga graduate na kami doon," rason naman nito. Inis na inis talaga siya sa isiping engaged ito at si Caitlin. Kahit na nilinaw ng ina niya ang la
Sa Moretti Ancestral Hall, pinagtabi nila ang abo ng kanilang mga magulang at ang pinapatungan nito naroon ng mga gems collections ng kanilang ama. Naka-fix iyon doon, ibig sabihin hindi pwedeng kunin dahil ama nila ang nagmamay-ari niyon kasama na ang graff pink diamond na binili nito kay Liam. "Sana okay na sila no?" pagbasag ni Cassandra ng katahimikan. "Okay naman na sila ah. Nagkaaminan na nga noong naghihingalo sila pareho," sagot naman ni Caitlin. Huminga siya ng malalim. "Sa tingin ko, okay naman siya bilang ama, nabubulag lang naman siya sa Gemstones," aniya. "Loyal siya, isa lang naging babae sa buhay niya. Si Mom lang, and bilang isang ama, ang ganoong side niya ang dapat tularan, loyal sa isa," ani naman ni Art naintindihan niya ang ibig sabihin nito. "Mahal nila ang isa't isa pero minamanipula nila." Nagpatunog ng dila si Cassandra. "Katulad ng sabi ni Mom, lagi niyang sinasabi na magbabago na raw siya. Mahal siya ni Mom kaya nagtitiwala sa kaniya, marami na siya
Nakikita ni Knox ang kaniyang sarili bilang batang lumalaban, animo'y nagsasanay. Ramdam niya ang hirap na pinagdaanan niya sa pangyayari na iyon. Nasaksihan niya kung paano rin pinarusahan ang ina niya. Nakikita rin niya ang sarili niyang may kasamang dalagita habang siya ay binatilyo at may takip sila sa mukha. Umamin siya ng pagmamahal niya rito. At nakita niya ang sarili niyang kinakasal sa isang babae, tapos kasunod na pangyayari ay sumigaw siya nang malakas sa harap ng telebisyon dahil sa masamang ulat nito. Kasunod na nangyari, nakita niya ang sarili niyang nag-uutos sa mga tao, kung sino-sino rin ang mga nakaharap niya. Nakatira siya sa isang isla, napalibutan ng karagatan, at kinikilala siyang boss ng mga ito. Nauulinigan niya ang mga pangalan ng mga tao niya, tinatawag niyang, Darwin, Barth, Jolo, Kelvin, Dara isang babaeng kasambahay, at marami pang iba. Nakikita rin niya ang sarili niyang nasa harapan siya ng Golden ship, hinahaplos niya ito at maraming mother of pearl s
"Mommy! Mommy!" Nakaluhod na siyang inaangat ang ulo ng ina niya upang yakapin ito. Naghihingalo ito ngayon katulad ni August. Sobrang saklap ang pangyayaring iyon, nasa harapan nila mismo nangyari ito sa mga magulang nila. Pareho silang apat, iyak nang iyak natatakot sa pagpikit ng mga mata ng kanilang ina. Natigilan pa silang pareho nang dahan-dahang nag-angat ng kamay ang ama nila hinawakan ang pisngi ang mommy nila. Tapos sinabi pa nito, "I'm sorry..."Mas lalo siyang napaluha dahil doon at dumugtong pa ito, "F-For not giving you a marriage, f-for not being a good lover and a dad to them, for everything..." Tumangu-tango ang ina nila, pero bumubulwak ang dugo sa bibig nito. "A-Atleast, I witnessed the wedding of one of our children," ani ng ina nila. "That day...was one of my happiest days, s-seeing them being together, having fun with each other." Kahit nasasaktan natawa si August pero hindi nang-iinsulto kundi masaya. Tumangu-tango ito, "Will...they forgive me?"Napahaplos n
"You are a monster, he is your grandson and only a child but you want to kill him!" sigaw ni Huimei nanggagalaiti sa galit at sama ng loob. "Now you're saying that he's my grandson! Wow! After you withheld my own children from me!" sigaw rin nito, habang nasa pindutan ng remote ang hinlalaki. Nagsimula na siyang mapaluha, hindi niya kayang mawala si Kade, sobrang masasaktan si Clary nito. "Don't do this, August. Have mercy for Clary, she's already hurt too much with everything that's happening. Not her son!"Tumaas ang sulok ng labi nito. "Clary went through a lot because of you. You are the one who started the pain she feels! If you had given her to me before she would have experienced having a real father!" sigaw nito sa kaniya. "You'll go to manipulate her! You'll put anger in her heart and mind against me! You want a child not because you want to be a father! But because you have bad intentions. And when that happens, she'll become Caitlin's, Cassandra's and Arts' enemy!" katwi
Mabilis na umakyat pabalik si Ruby sa taas. Dumaan siya sa lugar kung saan nakalagay ang mga espada at kumuha siya ng isa. Takot siya, hindi talaga iyon nawawala sa sistema niya pero kailangan niyang maging matapang. Namatay ang ina niya kasi walang laban ito na ang pagkakataon niya para makapaghigante. Pero kaya ba niya? Kasi kahit saan siya tumungo ngayon may nadadaan siyang pâtây na mga myembro nila. Mga tao ni Ghost, na sinasabing mga assasin pero parang wala namang binatbat pero may tiwala naman siya sa mga assasin na wala sa mansion ni Ghost, alam niyang may mga pakalat-kalat pa sa labas at alam niyang tinawag na ang mga ito ng boss nila. Mabilis siyang umakyat sa hagdan papuntang second floor, ngunit may narinig siyang dâîng at familiar sa kaniya ang boses. "Kuya?""Ruby," tugon nito. Nasa ilalim ito ng hagdan, kaya mabilis siyang humakbang pababa at nilapitan ito. "Kuya!" Agad nitong diniin ang hintuturo sa bibig. "Nan...Nandito sila Ian, si Tristan—""Si Tristan?!" bulala
Sa ibaba naman banda, nakikita ni Knox ang walang pagdadalawang isip nang pagpàtày ng mga kasama niya sa mga bantay sa mansion. Baril ang hawak niya pero may belt rin siya at dala rin niya ang payong niyang hindi niya maalala kung paano niya gamitin iyon. Pero tinuruan na siya ni Caitlin at kahit hindi pa buo ang kakayahan niya sa payong na iyon may natira pa rin naman sa katawan niyang nakasanayan niyang ginagawa noon kapag lumalaban. Ibig sabihin may bilis pa siyang kusang ginagawa niya. May mga device sila sa tenga para sa koneksyon nila sa isa't isa. Nasa likuran sila banda dumaan at may mga gamit silang night vision glasses, ito ay para makakita sila sa dilim. Nakapasok na sila sa gate, umiiwas lang sila sa ilaw, may dalawang nagbabantay kaya sinenyasan siya ni Barth na dalawa, ibig sabihin iyon ang tutumbahin nila. Hinanda naman niya ang maliit na karambit na dala niya at dahan-dahan na lumapit sa isa. Mabilis niya itong hinawakan sa buhok at pinatingala. Nïlàlàs niya ang leeg
Nabibingi na naman si Ruby sa iyak ng bata. Gabi na kasi at matutulog na sana ito pero ngawa nang ngawa ang bata. "Hays, kailan ka ba matutong matulog na walang ilaw-ilaw?" reklamo niya. "Ibigay mo na lang, papagurin ka lang niyan," suway naman ni Jasper. Binigyan niya ito ng bote ng gatas pero tinabig lang nito at nagreklamo ng, "I said Lights! lights! Gimme lights! Grandpa!" Lumakas pa lalo ang iyak nito. "Hindi ka naman inaano ng sapatos, ibigay mo na lang kasi," suway pa ni Jasper. Wala siyang magawa kundi ang ilabas na naman ang sapatos at nilagay sa ibabaw ng uluhan nito. Pinailaw niya ito, kaya nanahimik ang bata. After give minutes ba naman humihinto ang ilaw, kaya after five minutes din siyang naiistorbo para pailawin ito kasi nagrereklamo ang bata. Napairap na lang siya ng sinabi nito, "My milk!" sigaw pa nito sa kaniya. Ang bote ng gatas ang tinutukoy nito kaya binigay niya sa kabila ng inis niya. Paano kasi isang sigawan lang siya ng bata at wala siyang rights magrekl
Wala silang sinayang na oras. Hindi na bali gumastos sila ng billion sa kanilang pinaplano wala silang pakialam basta mahanap lang ang bata. Bumaba na rin ang Moretti Queen at sang-ayon ito sa plano niya. Nagkita lamang sila sa China. Binigyan siya nito ng graff pink diamond mga 2.5 inch ang taas, 1.05 cm ang lapad, 1.06 cm ang kapal ito ay katumbas ng 61.72 carat. Nasa original appearance pa ito, hindi pa na-cut, hindi pa nakiskisan, para iyon sa mas kapani-paniwala na ang diamond na iyon ay mismong hinukay pero ang totoo, pag-aari iyon ng mga ninuno nila na never pang nalaman ng buong mundo. Binago niya ang kulay ng buhok niya, Swedish ash blonde common hair color ng Russian. Pinakulot niya ito, wavy curl lang, at umiksi ito ng kunti, na mas mababa lang sa balikat niya. Ito ang paraan niya para makakilos nang malaya na hindi masyadong halata na siya si Clary. Maging pananamit niya ay magbago din. Mas naging sopistikada siyang babae, kahit ang make up niya naging mas malayo na si
Shempre may password ang laptop ni Knox, natatagalan sila sa kakaisip noon, sinubukan niya ang birthday ni Kade at hindi ito gumana. Sinubukan niya ang birthday nito, hindi rin gumana. Kahit birthday niya o date kung kailan sila kinasal."Bakit? Ano ba talaga password mo?" tanong niya kay Knox naiirita, paano kasi wala sa mga special days nila. Syempre paano sasagot ang walang naaalala? Naghila-hila lang ito ng buhok sa bunbunan na tinitiis ang pambabara niya. "Subukan mo, itong number, 05,15, 2009," ani ni Caitlin. Napatanong siya, "Bakit iyan?" "Kasi iyon ang araw na pinarusahan ang mommy niya," sagot nito. "Huh? Mommy ko?" tanong naman ni Knox. Huminga lang siya nang malalim at sinubukan na lang niya iyon. Pinaliwanag naman ni Caitlin nang maiksing paliwanag lang dito ang tungkol sa sinabi. Error naman ang password, "Ayaw eh.""Subukan mo ang..." Nag-isip naman ito. "11 19 2007.""Ano naman iyan?" tanong niya. "Kung kailan siya honed as Canopy," sagot naman nito."Grabe naal