Karapatan ni Clary ang makatanggap ng explanation ngunit shempre hindi lang siya ang ipapakilala kaya stand by muna. Inalalayan lang siya ng maidservants ng mga ito, at pinatayo sa kanan banda. "The long lost son of Chen Zhanghua!" sigaw ng butler at bumukas ang pinto sa dulo. Makikita niya sa pagpasok ni Ian ang pagkalito, ganoon na ganoon ang nararamdaman niya kanina at may gumabay lang. Kung ano ang ginawa nila Knox kanina sa kaniya ganoon din ang ginawa ng mga ito kay Ian at katulad niya nagulat din ito, napasabi pa ng, "Luhh..." "The fourth Chen Prince, Chen Xi!" Nang lumuhod ang lahat, gulat na gulat ito. Pati ang mga maidservants sa tabi niya, nakatuwad na naman sa sahig at sinabing, "Welcome home, Prince Chen Xi!" "P-Prince?!" bulalas ni Ian at napanganga pang tumingin sa nanay niya. Tila ba'y kontrolado ng ina niya ang emotion kaya kanina nang panay ito hingi ng tawad ay nawala at ngayon nakikita niyang nakangiti itong nakatingin kay Ian. "Ito ang tunay mong buhay Ian.
Wala siyang idea kung saan dinala si Marcus, pero sigurado siya sa kulungan iyon. Kulungan ng Moretti, siya naman dinala sa kwarto na para sa kaniya. Sobrang laki, sobrang lawak, ang higaan niya ay pang-prinsesa. Ang headboard, ang ganda ng design, may canopy na light gold na color, parang gold cream at karamihan lace. At iyon din ang karamihang kulay na nakikita niya sa kwarto niya. Aaminin man niya sa hindi, gandang-ganda siya sa kwartong iyon. Alam niya sa sarili niya mayaman na siya pero parang ngayon lang niya naramdaman ang pakiramdam na mayaman. Bundok ang lugar na ito pero akalain mo nga naman may palasyo dito. "Do you like it?" biglang tanong ng nanay niya. Saka lang bumalik sa ulirat niya ang tunay na sitwasyon. Napawi ang ngiti niya at tipid na sumagot, "It's nice.""I prepared this room for you. Because I believe you will be able to use it when the day comes. And this day has come." Naririnig niya ang sinasabi nito pero hindi siya magpakita ng interes. Ngunit agaw pa
"Clary naman, ano ba dati pa iyon. Lakas mo naman magselos!" habol ni Knox sa kaniya. Pagkatapos kasi nilang kumain nilapitan siya nito para makausap dahil sa sinabi ng isang council kanina at dahil naiinis siya umalis siya sa harap nito ngunit hinabol siya. Inis niyang hinarap ito saktong pagkarating nila sa Gazebo. "Dati pa nga, pero hindi mo sinabi sa akin! Tsaka ano iyon ha? May relasyon kayo dati pero hindi mo ako nakilala, eh magkamukha kami oh!" duro niya sa mukha niya. "Ilang beses ko bang sasabihin na lumaki kaming may mga takip sa mukha. Ngayon lang kami nabigyan ng chance na maalis iyon," ani naman nito. "Talaga?" tumaas ang kilay niya, sobrang lakas ng trust issue niya ngayon. "Talaga ngayong nandito na ako, tanggal lahat ng takip niyo sa mukha?""O-Oo, eh siguro baka, mga Preceptor na rin kami, hindi na kami apprentice kung baga graduate na kami doon," rason naman nito. Inis na inis talaga siya sa isiping engaged ito at si Caitlin. Kahit na nilinaw ng ina niya ang la
Kasalukuyan nakaharap si Clary sa malaking salamin at may dalawang maidservant na nag-aayos ng buhok niya. Nilalagyan siya ng kung ano-ano sa ulo para magmukha nga siyang anak ng reyna. "Is this really necessary?" tanong niya."You are one of the Moretti princesses and these hair dresses are a symbol of your rank, Princess," sagot naman ng isa. Corny na corny na talaga siya sa term na Princess. Mas masarap pa rin pakinggan ang salitang, Ms.CEO Clary Mauresitte Alliarez. Mas ramdam na ramdam niya ang ranggo niya. Ngunit dahil nasa Moretti siya, hindi na siya nagreklamo. Sinuotan din siya ng magandang design na damit. Hanfu, kaya mahaba ang manggas hanggang dulo ng daliri niya. Tapos sa loob, may pants na siya, may saya pa. Para sa kaniya, kasuotan na iyon ng pantimang pero nang tapos na siyang bihisan at humarap na siya sa salamin. Napakaganda niyang tingnan. Hindi niya rin maiwasang mapangiti. Akalain mo nga naman, araw-araw siyang ganoon? Lumabas siya sa kwarto niya at sinamahan
"W-What..." bulong na lang niyang napatingin kay Knox. Humakbang ito sa unahan, willing na magbuluntaryo. Nagsalita ang ina nito. "What are you doing?" "Li Wei, 50 Shuriken knives will not give you a chance to live. And why are you doing this?" tanong ng ina niya. Rumagasa na ang mga luha niya sa kaniyang mga mata. "Chen Xinyi is right, our master Chen Minghei deserves a second chance, but the Moretti rule is the Moretti rule, there is no way to stop it so this is what I thought! With 16 Shuriken knives left to him, there is a chance for him to live, I will handle the 50!" sagot ni Knox. "No Li Wei, you can't do this, you can't survive 50 Shuriken knives!" protesta ng ina nito. Humagulhol siya. "Knox...bakit?" "Chen Xinyi...I hope you understand the situation. Please agree with this. This is what Marcus deserves!" nagsusumamo na pakiusap ng Mommy niya. Umiling siyang tumingin kay Knox. "Knox wag, wag ganito. Please, paano ako, please..." Hindi sumagot ang asawa niya. Iyak lang
Sa field, itinali ang walo sa execution rack, ito ay mga iron pillar kung saan kaliwa kanan naka-lock ang kanilang mga kamay, naka-stretch ang mga ito. Nasa gitna si Marcus, sa kaliwa nito si Art sa kanan si Knox, sunod ni Knox si Caitlin, sunod si Maxim, sunod si Xiang Fei. Mula naman kay Art sunod si Cassandra sunod si Zhou Shen. Sa harapan nila, may mechanical lion form na gawa sa semento, functional iyon, parang baril lang na kapag nilagyan ng bala, kinasa at kapag kinalabit ang gatilyo lilipad palabas ang bala. Napabuga ng hininga si Knox, literal na hoofs at nagsabi pa nang malakas para marinig ng mga kasama niya, "Kaya natin ito, kakapit lahat diba?" "Kasi tangina niyo parusa ko to! Umepal pa kayo!" inis namang sigaw ni Marcus. "Gusto ka naming mabuhay eh, wala kang magagawa dun!" singit naman ni Cassandra. "I want more Chicken nuggets!" Natawa siya sa kabila ng kaba niya. Kanina pa kasi nagmumura sa inis itong si Marcus. "Basta kaya natin to! Lahat mabubuhay ha?" ani nama
Pagkatapos ng punishment, isa-isa nang binaba ng mga assassin ang walong pinarusahan, at nakaabang ang mga doctor. Kinuha ang bawat pamilya ang mga sugatan, apat ang kinuha ng Moretti Queen at dinala sa palasyo. Kinuha ni Madame Li si Knox at si Yun Xiao naman, kinuha ng mga alalay nito, lalo na ang butler. Si Xiang Fei naman kinuha ng ama. Si Zhou Shen shempre kinuha ng tatay niya at higit na nahirapan sa lahat ay ang Moretti Queen, dahil apat ang pasyente niya. Ngunit nanatili siyang matatag. Bawat isa may ni-hire siyang doctor, nilagay muna niya sa iisang kwarto ang apat para mas mapadali ang proseso. Tinatanggal sa mga katawan nito ang mga patalim. Buhay naman lahat pero shempre parehong critical._Sa loob naman ng kwarto, wala pa ring kaalam-alam sila Clary sa nangyayari. Pero pareho silang nag-aalala nila Ian. "Hanggang kailan ba tayo dito?" tanong niya. Dinadalhan lang kasi sila ng pagkain pero hindi pinapalabas. "I'm sorry..." mahinang sabi ni Margarette. "My brother is a
Pagkatapos ng ilang oras unang nagising si Art. Nakita siya nitong kasalukuyang nakasubsob ang mukha niya sa gilid ng kama at naramdaman na lang niyang sinuklay nito ang buhok niya. "Lagkit nito ah, naligo ka ba?" agad na tanong nito, kahit mahina pa ang pananalita. Napaangat siya ng mukha. "Kuya?" Tumaas ang sulok ng labi nito. "Kuya! Thank you gising ka na!" Bigla niya itong niyakap. "Natatakot ako eh akala ko matatagalan ka pa eh! Si Caitlin at Cassandra, di pa gising! Anong gagawin ko, kasalanan ko to! Sorry na kuya, dahil sa akin nagkaganito kayo! Sorry na ah.""C-Clary...m-masakit..." anito at dahil doon nataranta siyang kumalas ng yakap dahil nasasagi pala niya ang mga sugat nito. "Sorry... sorry..." Nagpahid siya ng luha. "Masaya lang, gising ka na eh." "Ganiyan ba ang mukha ng masaya? Nangangamatis ang ilong? Namumugto ang mga mata?" asar nitong tanong. Hinawakan na lang niya ang ilong niya at natawa. "Kuya Art, gising ka na..." Biglang salita naman ni Ian sa likuran niy
Sa Moretti Ancestral Hall, pinagtabi nila ang abo ng kanilang mga magulang at ang pinapatungan nito naroon ng mga gems collections ng kanilang ama. Naka-fix iyon doon, ibig sabihin hindi pwedeng kunin dahil ama nila ang nagmamay-ari niyon kasama na ang graff pink diamond na binili nito kay Liam. "Sana okay na sila no?" pagbasag ni Cassandra ng katahimikan. "Okay naman na sila ah. Nagkaaminan na nga noong naghihingalo sila pareho," sagot naman ni Caitlin. Huminga siya ng malalim. "Sa tingin ko, okay naman siya bilang ama, nabubulag lang naman siya sa Gemstones," aniya. "Loyal siya, isa lang naging babae sa buhay niya. Si Mom lang, and bilang isang ama, ang ganoong side niya ang dapat tularan, loyal sa isa," ani naman ni Art naintindihan niya ang ibig sabihin nito. "Mahal nila ang isa't isa pero minamanipula nila." Nagpatunog ng dila si Cassandra. "Katulad ng sabi ni Mom, lagi niyang sinasabi na magbabago na raw siya. Mahal siya ni Mom kaya nagtitiwala sa kaniya, marami na siya
Nakikita ni Knox ang kaniyang sarili bilang batang lumalaban, animo'y nagsasanay. Ramdam niya ang hirap na pinagdaanan niya sa pangyayari na iyon. Nasaksihan niya kung paano rin pinarusahan ang ina niya. Nakikita rin niya ang sarili niyang may kasamang dalagita habang siya ay binatilyo at may takip sila sa mukha. Umamin siya ng pagmamahal niya rito. At nakita niya ang sarili niyang kinakasal sa isang babae, tapos kasunod na pangyayari ay sumigaw siya nang malakas sa harap ng telebisyon dahil sa masamang ulat nito. Kasunod na nangyari, nakita niya ang sarili niyang nag-uutos sa mga tao, kung sino-sino rin ang mga nakaharap niya. Nakatira siya sa isang isla, napalibutan ng karagatan, at kinikilala siyang boss ng mga ito. Nauulinigan niya ang mga pangalan ng mga tao niya, tinatawag niyang, Darwin, Barth, Jolo, Kelvin, Dara isang babaeng kasambahay, at marami pang iba. Nakikita rin niya ang sarili niyang nasa harapan siya ng Golden ship, hinahaplos niya ito at maraming mother of pearl s
"Mommy! Mommy!" Nakaluhod na siyang inaangat ang ulo ng ina niya upang yakapin ito. Naghihingalo ito ngayon katulad ni August. Sobrang saklap ang pangyayaring iyon, nasa harapan nila mismo nangyari ito sa mga magulang nila. Pareho silang apat, iyak nang iyak natatakot sa pagpikit ng mga mata ng kanilang ina. Natigilan pa silang pareho nang dahan-dahang nag-angat ng kamay ang ama nila hinawakan ang pisngi ang mommy nila. Tapos sinabi pa nito, "I'm sorry..."Mas lalo siyang napaluha dahil doon at dumugtong pa ito, "F-For not giving you a marriage, f-for not being a good lover and a dad to them, for everything..." Tumangu-tango ang ina nila, pero bumubulwak ang dugo sa bibig nito. "A-Atleast, I witnessed the wedding of one of our children," ani ng ina nila. "That day...was one of my happiest days, s-seeing them being together, having fun with each other." Kahit nasasaktan natawa si August pero hindi nang-iinsulto kundi masaya. Tumangu-tango ito, "Will...they forgive me?"Napahaplos n
"You are a monster, he is your grandson and only a child but you want to kill him!" sigaw ni Huimei nanggagalaiti sa galit at sama ng loob. "Now you're saying that he's my grandson! Wow! After you withheld my own children from me!" sigaw rin nito, habang nasa pindutan ng remote ang hinlalaki. Nagsimula na siyang mapaluha, hindi niya kayang mawala si Kade, sobrang masasaktan si Clary nito. "Don't do this, August. Have mercy for Clary, she's already hurt too much with everything that's happening. Not her son!"Tumaas ang sulok ng labi nito. "Clary went through a lot because of you. You are the one who started the pain she feels! If you had given her to me before she would have experienced having a real father!" sigaw nito sa kaniya. "You'll go to manipulate her! You'll put anger in her heart and mind against me! You want a child not because you want to be a father! But because you have bad intentions. And when that happens, she'll become Caitlin's, Cassandra's and Arts' enemy!" katwi
Mabilis na umakyat pabalik si Ruby sa taas. Dumaan siya sa lugar kung saan nakalagay ang mga espada at kumuha siya ng isa. Takot siya, hindi talaga iyon nawawala sa sistema niya pero kailangan niyang maging matapang. Namatay ang ina niya kasi walang laban ito na ang pagkakataon niya para makapaghigante. Pero kaya ba niya? Kasi kahit saan siya tumungo ngayon may nadadaan siyang pâtây na mga myembro nila. Mga tao ni Ghost, na sinasabing mga assasin pero parang wala namang binatbat pero may tiwala naman siya sa mga assasin na wala sa mansion ni Ghost, alam niyang may mga pakalat-kalat pa sa labas at alam niyang tinawag na ang mga ito ng boss nila. Mabilis siyang umakyat sa hagdan papuntang second floor, ngunit may narinig siyang dâîng at familiar sa kaniya ang boses. "Kuya?""Ruby," tugon nito. Nasa ilalim ito ng hagdan, kaya mabilis siyang humakbang pababa at nilapitan ito. "Kuya!" Agad nitong diniin ang hintuturo sa bibig. "Nan...Nandito sila Ian, si Tristan—""Si Tristan?!" bulala
Sa ibaba naman banda, nakikita ni Knox ang walang pagdadalawang isip nang pagpàtày ng mga kasama niya sa mga bantay sa mansion. Baril ang hawak niya pero may belt rin siya at dala rin niya ang payong niyang hindi niya maalala kung paano niya gamitin iyon. Pero tinuruan na siya ni Caitlin at kahit hindi pa buo ang kakayahan niya sa payong na iyon may natira pa rin naman sa katawan niyang nakasanayan niyang ginagawa noon kapag lumalaban. Ibig sabihin may bilis pa siyang kusang ginagawa niya. May mga device sila sa tenga para sa koneksyon nila sa isa't isa. Nasa likuran sila banda dumaan at may mga gamit silang night vision glasses, ito ay para makakita sila sa dilim. Nakapasok na sila sa gate, umiiwas lang sila sa ilaw, may dalawang nagbabantay kaya sinenyasan siya ni Barth na dalawa, ibig sabihin iyon ang tutumbahin nila. Hinanda naman niya ang maliit na karambit na dala niya at dahan-dahan na lumapit sa isa. Mabilis niya itong hinawakan sa buhok at pinatingala. Nïlàlàs niya ang leeg
Nabibingi na naman si Ruby sa iyak ng bata. Gabi na kasi at matutulog na sana ito pero ngawa nang ngawa ang bata. "Hays, kailan ka ba matutong matulog na walang ilaw-ilaw?" reklamo niya. "Ibigay mo na lang, papagurin ka lang niyan," suway naman ni Jasper. Binigyan niya ito ng bote ng gatas pero tinabig lang nito at nagreklamo ng, "I said Lights! lights! Gimme lights! Grandpa!" Lumakas pa lalo ang iyak nito. "Hindi ka naman inaano ng sapatos, ibigay mo na lang kasi," suway pa ni Jasper. Wala siyang magawa kundi ang ilabas na naman ang sapatos at nilagay sa ibabaw ng uluhan nito. Pinailaw niya ito, kaya nanahimik ang bata. After give minutes ba naman humihinto ang ilaw, kaya after five minutes din siyang naiistorbo para pailawin ito kasi nagrereklamo ang bata. Napairap na lang siya ng sinabi nito, "My milk!" sigaw pa nito sa kaniya. Ang bote ng gatas ang tinutukoy nito kaya binigay niya sa kabila ng inis niya. Paano kasi isang sigawan lang siya ng bata at wala siyang rights magrekl
Wala silang sinayang na oras. Hindi na bali gumastos sila ng billion sa kanilang pinaplano wala silang pakialam basta mahanap lang ang bata. Bumaba na rin ang Moretti Queen at sang-ayon ito sa plano niya. Nagkita lamang sila sa China. Binigyan siya nito ng graff pink diamond mga 2.5 inch ang taas, 1.05 cm ang lapad, 1.06 cm ang kapal ito ay katumbas ng 61.72 carat. Nasa original appearance pa ito, hindi pa na-cut, hindi pa nakiskisan, para iyon sa mas kapani-paniwala na ang diamond na iyon ay mismong hinukay pero ang totoo, pag-aari iyon ng mga ninuno nila na never pang nalaman ng buong mundo. Binago niya ang kulay ng buhok niya, Swedish ash blonde common hair color ng Russian. Pinakulot niya ito, wavy curl lang, at umiksi ito ng kunti, na mas mababa lang sa balikat niya. Ito ang paraan niya para makakilos nang malaya na hindi masyadong halata na siya si Clary. Maging pananamit niya ay magbago din. Mas naging sopistikada siyang babae, kahit ang make up niya naging mas malayo na si
Shempre may password ang laptop ni Knox, natatagalan sila sa kakaisip noon, sinubukan niya ang birthday ni Kade at hindi ito gumana. Sinubukan niya ang birthday nito, hindi rin gumana. Kahit birthday niya o date kung kailan sila kinasal."Bakit? Ano ba talaga password mo?" tanong niya kay Knox naiirita, paano kasi wala sa mga special days nila. Syempre paano sasagot ang walang naaalala? Naghila-hila lang ito ng buhok sa bunbunan na tinitiis ang pambabara niya. "Subukan mo, itong number, 05,15, 2009," ani ni Caitlin. Napatanong siya, "Bakit iyan?" "Kasi iyon ang araw na pinarusahan ang mommy niya," sagot nito. "Huh? Mommy ko?" tanong naman ni Knox. Huminga lang siya nang malalim at sinubukan na lang niya iyon. Pinaliwanag naman ni Caitlin nang maiksing paliwanag lang dito ang tungkol sa sinabi. Error naman ang password, "Ayaw eh.""Subukan mo ang..." Nag-isip naman ito. "11 19 2007.""Ano naman iyan?" tanong niya. "Kung kailan siya honed as Canopy," sagot naman nito."Grabe naal