Share

Friendly Reminders (Bearer's Series #4)
Friendly Reminders (Bearer's Series #4)
Author: pangaea69

Season 1

Author: pangaea69
last update Last Updated: 2021-06-01 17:12:12

Season 1

"Sigurado ka ba na 'yan ang gusto mo, Seb?" Tanong ni mama nang makita akong naglalagay ng mga damit sa dalawang malalaking bag na itim.

Nag-try kasi akong magpasa ng resume online at nagulat ako nung isang linggo dahil bigla akong tinawagan para iparating na may online job interview ako. Mabuti na lang at may laptop akong naipundar bago ako matanggal sa dati kong trabaho kaya 'yun ang ginamit ko.

Med'yo naging mahirap ang interview na 'yon bago ako natanggap dahil ang daming tanong sa'kin. Pero nalagpasan ko naman ang lahat ng tanong kaya ayos 'yon. Binigyan lang nila ako isang linggong palugid para maiayos ang lahat ng kailangan ko.

Stay-in ang trabaho ko sa Manila dahil sa galing pa ako ng probinsya. Bukas pa naman mangyayari ang orientation pero aalis na ako ngayon para hindi hassle para sakin ang b'yahe papuntang Manila. Dose oras pa naman ang b'yahe at bus lang sasakyan ko papunta doon.

"Oo naman, 'ma. Para kay Yedaiah." Sabi ko matapos isilid ang huling damit na kailangan ko. Naupo si mama sa kama at binaba ang mga bag sa ibabaw matapos kong isarado ang zipper. Inilagay na iyon sa ibaba ng kama.

"Maupo ka nga dito." Pinagpag niya pa ang gilid ng kuts'yon para doon ako umupo. Pinunasan ko muna ang noo ko na basa na sa pawis.

"Ma, alam ko na ang sasabihin mo. 'Wag mo ng ulit-ulitin." Mahinahon na saad ko nang makaupo sa tabi niya.

"P'wede ka naman magtrabaho dito sa probinsya para matustusan mo ang pangangailangan ni Yed. Magagalit ang batang 'yon kapag nalaman niyang aalis ka para magtrabaho sa Manila." Puno ng pangangamba ang mga mata ni Mama. Alam kong malalayo ako kay Yed at sa kaniya pero ito lang talaga ang gusto ko, ang makahanap ng mas magandang trabaho para sa kanilang dalawa.

Mahirap ang buhay probinsya, maraming kulang at paghihirapan mo talaga ang mga bagay na gusto mong makuha. Pero hindi ko naman kayang makita na lumalaki si Yed na hindi ko naibibigay ang mga kagustuhan niya sa buhay.

Kung dito ako sa probinsya maghahanap ngbtrabaho ay matatagalan pa. Limitado ang mga pinagkukunang sources dito. Tsaka maliit ang sahod dito hindi tulad sa Manila.

"'Ma, mas malaki ang kikitain ko sa Manila kaysa dito. Mas maibibigay ko ang mga gusto ni Yed. Lahat ng luho niya. Hayaan niyo, ipapaliwanag ko na lang sa kaniya ang mangyayaring pag-alis ko. Maiintindihan 'yon ng anak ko." Tinapik-tapik ko ang kaniyang balikat. Alam kong nag-aalala lang siya para sa'kin at kay Yed.

"'Wag kang ma-ooffend, anak. Pa'no kung makasalubong mo bigla ang ama ni Yed. Ano ang sasabihin mo?" Biglang tumabang ang panlasa ko sa sinabing 'yon ni Mama.

Tumayo na lang ako at kinuha ang dalawang bag sa sahig at nilabas 'yon sa salas. Nakita kong sumunod si mama sa'kin. Naupo na lang ako sa upuan na gawa sa kawayan.

"Wala akong sasabihin, ma. Hindi naman niya deserve na malaman ang tungkol kay Yed. Hindi naman niya alam na may nabuo sa isang gabi na lasing siya. Walang rason para makilala niya ang anak ko tutal matagal na rin naman niya akong kinalumutan." Mapait na saad ko.

After naming gumraduate ng college ay may nangyari sa'min ng lalaking 'yon. He used to be my best of friend. Ako lang pinagkakatiwalaan niya sa lahat ng bagay.

Nagkaroon ng inuman after nung graduation kaya nalasing kaming lahat. That night ay magkasama kaming dalawa habang nilalakad ang madilim na daan pauwi sa condo. Hindi naman ako nalasing ng sobra kaya inakay ko siya pauwi sa condo namin.

Doon nabuo si Yed pero hindi niya alam dahil after a week ay bumalik na ako sa San Lorencito, probinsya namin, para dito mamuhay. Knowing him, ayaw niya sa commitment. Baka magalit lang siya sa'kin kung malalaman niyang may nabuo after naming magsex.

Ayoko rin naman masira ang magandang kinabukasan niya dahil sa isang pangyayari na parehas naming 'di ginusto. Ayoko na ako ang magiging rason para itakwil siya ng sarili niyang pamilya lalo na't he had a bright future ahead of him. Mas maganda na lang na lumayo ako.

"Handa ka ba kung sakaling makita mo siya at magtanong kung may nabuo ba pagkatapos ng pangyayari na 'yon?"

"Madaling tumanggi, ma. Pwede kong sabihin sa kaniya na walang nabuo. Simple lang naman 'yon."

"Pano kung mag-imbistiga pa 'yung tao?"

"'Ma, kilala ko 'yon. Ang lalaking 'yon ay walang pakialam. Hindi niya magagawang mag-imbistiga. Wala din naman siyang makikita, e."

Hindi ako papayag na basta-basta nalang makukuha ng lalaking 'yon ang anak ko. I nurture Yed very well. Ako ang nagpakahirap sa bata at ayokong napunta sa kaniya si Yed ng ganun-ganun lang.

"Payong ina lang, anak." Pinisil niya ang dalawa kong kamay at tumingin sakin na may ngiti sa labi pero may takot pa rin sa mata.

"Kapag dumating ang araw na malaman ng lalaking 'yon na may anak kayo ay 'wag mong ipagdamot ang katotohanan. Pwede mong itago si Yed hanggang hindi pa niya nakikilala. Pero kapag dumating na yung araw na malaman niyang may nabuo at si Yed 'yon ay hayaan mo siyang maging ama sa bata. Karapatan pa rin niya 'yon."

Naging hangin lang ang mga sinabi ni mama sa'kin na lumabas-pasok lang sa tenga ko. Kahit karapatan pa niyang malaman ang katotohan ay hindi ko pa rin sasabihin sa kaniya. Dapat noon pa lang ay ginawa na niya kaming hanapin kung alam niyang may nabuo.

"Susubukan ko, 'ma. Pero hindi ko maipapangako." Sagot ko. Hindi ko naman magawang tumingin ng deretso sa mata niya dahil naiilang ako. Para kasing pinipilit ng mga mata ni mama na kailangan kong sabihin sa lalaking 'yon ang katotohan kapag nalaman niyang anak ko si Yed.

"Maiba tayo, 'nak. 'Di ba't may condo ako sa manila?" Nahihiwagaang tanong niya.

Para namang nag-flashback ang lahat sa'kin nang marinig ko ang condo na sinabi ni mama. Marami kaming memories dun. Simula pintuan hanggang kwarto ng condominium na 'yon ay may mga alaala kami na mahirap kalimutan.

Paano ko makakalimuntan ang condo na 'yon kung naging saksi ang lugar na ito sa ups and down namin bilang magkaibigan. Saksi din ang condo na 'yon kung paano nabuo si Yed dahil sa kalasingan ng lalaking 'yon.

"O-opo." Pautal akong sumagot. Bigla din lumabas ang imahe ng lalaking 'yon sa isip ko nang maalala ang condo ni mama.

"'Dun ka nalang tumuloy para hindi ka na mahirapan maghanap ng apartment."

"Pero, 'ma. Alam mo naman ang history ng lugar na 'yon sa pagkatao ko diba?"

"Abay, mag-iinarte ka pa ba? Makakatipid ka na nga sa gastusin kung do'n ka tutuloy, e. Hindi ka naman pumunta do'n para maglustay ng pera pambayad sa apartment. Pupunta ka do'n dahil sa pangarap mo para kay Yed, 'di ba?" Naramdaman ko ang konting pagka-asar sa tono ng pananalita ni mama dahil ginawa kong sagot.

Plano ko kasing kumuha ng isang apartmet sa Manila. Hindi ko gustong sa condo ni mama tumira. May mga alaala dun na mangungulit sa akin at patuloy na magpapaalala kung ano kami ng lalaking 'yon.

Pero tama din naman si mama. Pupunta ako sa Manila para magtrabaho, hindi para maglustay ng pera pambayad apartment. Mas mabuting ipunin ko na lang ang perang ipangbabayad ko tapos ipadala dito para panggastosol nila.

"Okay, fine. Nasan ang susi niyon? Binalik ko sa inyo 'yun nang makauwi ako dito sa probinsya 'e."

"Tinabi ko sa kwarto ang susi. Teka, kukunin ko lang."

Tumayo si mama sa upuan para pumasok sa kwarto. Bumalik din siya pagkatapos makuha ang susi. Binigay niya sa'kin ang pulang wallet na maliit tapos med'yo luma na.

"D'yan ko nilagay ang susi. Itago mo na sa bag baka ma-misplace mo pa. Hindi ka pa makapasok sa condo." Kinuha ko yung lagayan ng susi at nilagay sa bulsa ng bag ko. Pinagpag ko pa ang harapan nung bag nang may nakita akong alikabok.

"Thanks, 'ma." Nakitang kong ngumiti ng malapad si mama at niyakap ako ng mahigpit.

"Basta mag-iingat ka sa Manila. Lagi kang mag-uupdate sa'kin kung ano ang nangyayari. Delikado pa naman din sa lugar na 'yon." Humiwalay ako sa yakap at nginitian din siya ng malapad.

"Oo naman, 'ma. Tsaka Manila lang 'yon, hindi abroad. Makapag-alala ka naman ay akala mo hindi na ako babalik dito."

Parehas kaming natawa sa sinabi ko bago pa magdesisyon si mama na magluto ng umagahan. Balak kong umalis bago mag-alas singko. May bus na rin naman sa terminal ng ganung oras, e.

"Good morning, daddy tsaka lola nanay!" Napalingon ako sa pinagmulan nung boses. Gising na si Yed at kinukusot ang kaniyang mata at humikab pagkatapos.

Nasa tapat siya ng sarili niyang kwarto. Tumigil naman si mama sa paghihiwa ng gulay para lang batiin din si Yed na lumapit sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.

"Good morning, baby!" Masiglang bati ko sa pagitan ng yakap niya. Nagulat pa siya nang makita ang dalawang bag na itim sa tabi ko.

"Para san 'to, daddy?" Inosenteng tanong ni Yed.

Anim na taong gulang pa lang siya pero mahilig na siyang magtanong kapag curious siya sa isang bagay tulad ng nakikita niya ngayon. Naka-suot pa ako ng button-down polo shirt na naka-tuck in sa ripped jeans ko tapos naka-black rubber shoes pa. Kaya magtataka talaga siya.

Sad'yang umubo pa si mama sa may kusina kaya napatingin ako sa kaniya. I glared at her. Magpapaliwanag na ako kay Yed bago pa siya mag-tantrums sa tabi ko.

"Don't get mad at daddy kapag nalaman mo, baby ah." Ginulo ko ng bahagya ang buhok niyang mahaba, style korean kumbaga. Pinisil ko pa siya sa pisngi para utuin.

"Aalis po ba kayo?" Mukhang hindi tumalab ang pang-uuto ko sa kaniya base sa malungkot na tono ng kaniyang boses.

"Oo, baby 'e. Mag-wowork si daddy sa malayong lugar para may panghanda ka sa birthday mo. When is your birthday? Next month 'di ba?" Naka-pout siyang tumango.

"Mag-iipon si daddy para mabili ang paborito mong toys. 'Yung remote control na big car 'di ba?" Sunod-sunod siyang tumango kahit nagbubutil na ang luha sa gilid ng kaniyang mata.

"P-pero daddy, 'di kita makikita. I will get s-sad also Lola-nanay." Nauutal na sumagot si Yed. Pinipigilan ang sarili na umiyak.

Bata pa lang siya pero alam na niya kung paano pipigilan ang sarili na umiyak. Big boy na daw kasi siya kaya hindi siya iiyak. Pero ngayon, hindi na niya mapigilan.

Bigla siyang yumakap ng mahigpit sakin at naupo sa hita ko habang nakasubsob sa balikat ko at malakas na umiiyak.

"Shh... baby, stop crying na. I'll be back soon when I have enough money to buy your favorite toys." I tried to stop him from crying pero hindi pa rin tumigil.

Hinayaan ko lang si Yed na umiyak habang inaalo ang kaniyang likod. Tatahan din siya once he burst out all the tears he wanted to withdraw.

Unti-unting humina ang tunog ng kaniyang pag-iyak at lumuwag ang mahigpit niyang yakap sa leeg ko. Kumalas siya sa yakap habang nakayuko ang ulo at nakatingin sa dibdib ko.

Pinaglalaruan niya ang dalawang kamay at humihikbi pa rin galing sa pag-iyak. Sinuklay ko ang kaniyang buhok na basa na pawis at hinawakan ko siya sa baba niya para tignan ang itsura.

Basang-basa ang kaniyang mata sa luha. Mas naging itim lalo ang mahahabang pilikmata dahil sa luha. Pinunasan ko 'yon gamit ang daliri ko tapos hinalikan siya sa pisngi.

"D-daddy, dito ka na lang po. Pwede naman akong mag-celebrate ng b-birthday kahit walang handa. Tsaka hindi ko na rin naman po gusto yung t-toys, e." Nahihirapang sabi niya dahil sa patuloy na paghikbi. Ginulo ko ang kaniya buhok at ngumiti.

"Hindi pwede, baby. Pano 'yung school mo tsaka food natin kung hindi magwowork si daddy? 'Wag ka na lang malungkot. Babalik naman ako kapag nakaipon na ako, e. Promise ko 'yan sa'yo!" Tinaas ko pa ang kanang kamay ko sa ere para sumumpa sa kaniya na babalik ako.

Sumilay ang maliit na ngiti sa cute niyang labi nang ginawa ko 'yon. Napangiti na lang din ako ng malapad dahil sa maliit na reaksyon na 'yon ni Yed.

"Promise mo 'yan, daddy, ah! You will come back kapag may enough money ka na." Tumango ako ng mabilis bilang sagot.

"Promise, baby!" Tsaka ko lang binaba ang kamay ko nang i-kiss ulit ako ni Yed. This time sa labi na.

Sobrang cute talaga ng batang 'to. Six year old pa lang pero marami nang alam. Manang-mana sa pinagmanahan, e.

Kanino pa ba siya magmamana? Kundi sakin lang, wala ng iba. Pati ang kulay niya ay sa'kin din niya nakuha. Mas naging maputi pa siya dahil sa itim na tee shirt na suot niya.

"Oh, tama na 'yan. Pumarito na kayo para kumain. Malapit ng mag-alas singko." Anunsyo ni mama sa may kusina kaya binuhat ko Yed sa braso ko papunta roon sa mesa na nakahanda na ang pagkain.

Naka-upo si Yed sa hita ko habang kumakain kami at sinusubuan ko siya. Marami kasi siyang nakakain kapag sinusubuan ko siya at sa hita ko nakaupo. Tsaka paborito din niya ang ulam na sinigang kaya mabubusog talaga siya ng sobra.

Pagkatapos kumain ay naglinis lang ako saglit tapos dinala ni mama si Yed sa salas. Nakaupo sila sa tabi ng mga bag na dadalhin ko. Katatapos ko lang din magtoothbrush nang makalapit ako sa kanila.

"Aalis na ako, 'ma." Sinuot ko sa kanang braso ang backpack na dala ko. Malaki din yon. Tapos binitbit ko naman ang isa pang bag sa kamay ko.

"Mag-iingat don, ah. Mag-update ka rin." Tumango ako sa bilin ni mama. Naupo ako para mag-level kami ng height ni Yed na nasa tabi ni mama.

"Magpapaka-bait dito, baby, ah! Kapag mabait ka, mas mabilis akong babalik. Ayos ba 'yun sa'yo?" Mabilis siyang tumango habang subo ang daliri. Ginulo ko ulit ang buhok niya bago tumayo.

Yumakap muna ako kay mama at halik naman kay Yed bago ako umalis at sumakay sa tricycle papuntang terminal. Umabot ng kalahating oras ang b'yahe papuntang terminal ng bus kasi malayo naman 'yon sa lugar namin. Bumili ako ng maanghang na candy sa isang batang lalaki.

Sinilid ko sa bulsa ng suot kong jeans ang candy na binili ko bago sumakay sa bus papuntang Manila. Dose oras pa ang hihintayin ko bago makarating doon. Tutulog muna ako dahil napuyat ako sa kagabi sa pag-aayos ng mga gamit na dinala ko ngayon.

Alas singko naman ng hapon nang makababa ako sa bus. Nasa Manila na ako. Kusot-kusot ko pa ang mata ko nang masilayan muli ang ganda ng Manila kahit polluted na lugar.

Na-miss ko ang matataas na building at ang bulok na hangin ng Manila. Joke lang! Hindi na ako naghintay pa na ilang oras bago kumilos. Bumili agad ako ng ticket para sa tren na sasakyan ko.

Sasakay pa ako ng isang tricycle bago makarating sa condo ni mama. Mabuti na lang at hindi ganung kahaba ang pila sa bilihan ng ticket nang makarating ako dun.

Sumakay agad ako sa tren nang may huminto sa harapan ko. Hindi naman umabot ng isang oras ang pagsakay ko. Dumeretso agad ako sa sakayan ng tricycle nang makababa ako sa tren.

Nakipagsabayan pa ako sa mga tao na mabibilis ang lakad at nakikipag-unahan ng sakay sa mga tricycle dahil gabi na rin. Mabuti na lang ay may kakilala akong nasakyan at inuna ako ihatid sa harapan ng isang matayog na building kung nasaan ang condo ni mama.

Magbabayad pa sana ako kaso tumanggi ang driver. Ngayon nalang daw kami nagkita kaya libre na lang. Suki kami ng tricycle driver na 'yun nung college pa ako. Nestor ang name niya.

Naglinis muna ako ng katawan bago magluto ng kakainin. Dumaan muna ako kanina sa palengke para bumili ng stocks na pagkain dito. Mabuti na lang at hindi nainip si Kuya Nestor habang naghihintay sa akin.

Tinulungan pa niya akong magbuhat ng mga dala ko hanggang sa harapan ng building. Kaya laking pasasalamat ko nang si Kuya Nestor ang nasakyan ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Alas otso ang orientation at ipapakilala sa akin ang magiging boss ko pati ang lugar na gagalawan ko.

Sinuot ko ang dark blue longsleeve polo at necktie na itim. Sinuot ko muna ang itim na mid-socks ko bago kinuha ang itim na slacks na nakasampay sa sandalan ng sofa.

Kumikintab naman sa linis ang black shoes ko kapag nasisinagan ng araw. Humabol pa ako ng tingin sa salamin na nakasabit malapit sa pintuan ng condo para tignan kung ayos na ba ang ayos ko. Naka-ayos sa kanan ang buhok kong alaga sa wax.

Hindi magugulo 'yon sa buong maghapon na nasa company ako. Sa tingin ko naman ay ayos na ang lahat. Bitbit ko ang isang black attache case sa kanang kamay.

Sabi nung nakausap ko sa tawag kagabi ay may susundo sa aking puting benz. Sasakyan daw iyon ng kumpaniya at magiging service ko daw pauwi at pagpunta sa kumpaniya.

May tumigil na puting kotse sa harapan ko pagkatapos ang limang minuto na paghihitay. Tinanong pa ako nung driver kung ako ba si Sebastian. Natatawa akong sumagot sa kaniya kanina dahil ako lang naman ang nag-iisang tao na nag-aabang sa labas ng building na 'yon tapos magtatanong pa siya.

Tsaka sinabi ko naman sa tawag kagabi kung saan ang address ko at kung ano ang kulay ng susuotin ko para hindi malito ang magsusundo. Hindi ko naman inexpect na magtatanong pa ang driver na 'to na kasalukuyang nakasimangot ang mukha.

Bata pa 'yung driver sa tingin ko ay nasa twenty-five years old lang siya. Maputi at medyo built in ang katawan. Lumilitaw pa rin ang kaniyang dimple sa kanang pisngi kahit hindi siya ngumingiti. Kapag nagsasalita siya o kaya may tinatanong ay napapansin ko 'yon na lumilitaw.

He's name is David. Sa tagal ng byahe papuntang kumpaniya ay nakapag-kwento na siya sa akin kahit bihira siyang ngumiti. Five years na siyang nagtatrabaho bilang company driver. Doon na daw siya nag-apply pagkatapos niyang mag-aral ng college.

Mabait daw kasi ang mga amo at mga tao sa kumpaniya na 'yon kaya nagtagal siya ng limang taon. Marami pa siyang naikwento sakin pero tumigil din siya nang huminto kami sa isang building na sobrang laki.

Bumaba ako sa kotse at doon ko lang nakita kung gaano kataas at kaganda ang building na 'yon. May malaking D.R. CONSTRUCTION na pangalan sa harapan ng building.

Inayos ko naman ang suot kong longsleeve na medyo nagusot dahil sa ginawa kong pag-upo. Bitbit ko naman ang itim na attache case nang pumasok ako sa loob at dumeretso sa information desk.

"Miss, saan dito yung--" naputol ang pagsasalita ko nang sumabat 'yung babae na sobrang putok na putok ang labi sa pula ng lipstick.

"Mr. Sebastian Generales!" Tumayo ito at nakipagkamay sa'kin na kinagulat ko.

"Ah-eh, ako nga. May orientation kasi ako, saan ba dito gaganapin?" Awkward akong nagtanong sa kaniya dahil hindi pa rin nawawala ang nakakalokong ngiti niya sa labi.

"Iga-guide ka ni Ms. Angelica papunta doon." Sagot niya tapos may biglang babae na lumabas sa may gilid. Naka-corporate attire siyang gray tapos skirt naman ang pang-ibaba. Naka-bun ang blonde niyang buhok. Pulang-pula din ang labi niya tulad nung babae sa may information desk.

"Just follow me, Mr. Generales!" May nakakalokong ngiti rin ito sa labi niya na medyo kinaiilang ko. Para kasing tuwang-tuwa sila simula nang makarating ako.

Lumiko kami ng dalawang beses sa kanan bago marating ang isang malaking itim na pinto na may silver na handle.

"Kanina ka pa hinihintay ni Boss sa loob." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nung Angelica.

"W-wait! You mean, boss? Siya ba ang mag-oorient sa'kin?"

Tumango siya. Ngumisi ng todo.

"Good luck."

Mabilis siyang umalis. Balak ko sanang habulin kaso nasa harap na ako nung pinto. Baka magalit pa sa'kin ang boss ko kung hindi pa ako papasok.

Lalo na't kumatok pa si Angelica bago umalis kanina. Inayos ko muna ang buhok ko sa harap ng pinto. Dahil sa kintab niyon ay kitang-kita ang buo kong itsura. Hinagod pa ng kamay ko ang buhok ko para ayusin kahit hindi naman magulo.

Huminga muna ako ng malalim bago humawak sa steel bars ng pinto. Humigpit pa ang hawak ko sa attache case dahil sa kaba. Pressure is on!

Muntikan pa akong na tisod dahil may hagdan pala pagpasok sa loob nung opisina. Dark ang tema ng buong loob tapos hinaluan ng puti at gray na kulay para mas magmukhang aesthetic ang vibes. May mga itim na vases na nakapatong sa puting malapad na cabinet.

Maliwanag ang buong opisina dahil sa malaking glass wall na tanaw ang buong city ng Manila. Doon ko nakita ang isang lalaki na nakatayo at pinagmamasdan ang tanawin sa labas.

Nakapamulsa siya. Sinuri ko siya simula ulo hanggang baba ng katawan niya. Mamahalin ang suot niyang itim na coat at itim na slacks. Makintab rin ang sapatos niya na mukhang mamahalin din.

Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig sa katawan at nanigas sa kinatatayuan ko. Mismo pati ang hawak kong attache case na hawak ko ay nabitawan ko dahil sa pagkabigla.

Hindi ako makapaniwala na sa kaniya pala ako magta-trabaho bilang secretary. Parang gusto ko ng umatras habang maaga pa.

Nakangisi ang perpekto niyang labi nang tuluyan kong naaninag ang buo niyang mukha.

"L-Lach." Nauutal na tawag ko sa pangalan niya.

Pero nanlambot naman ang tuhod ko nang bigla niyang binuka ang bibig niya at lumabas ang salita doon na mas lalong nagparupok sa tuhod ko.

"Welcome back, honey."

Related chapters

  • Friendly Reminders (Bearer's Series #4)   Chapter 1

    Chapter 1Inis"So what are your plans, Seb?" Louise asked as he sat down on the chair behind me. May sinusulat akong information sa isang papel para sa adviser namin."Plan for where?" Tinignan ko siya ng nagtataka nang matapos ako sa pagsusulat."Are you going with us? May inuman sa club ko mamaya."Ano bang meron mamaya at panay ang kulit nila sakin ni Miguel na sumama sa inuman mamaya? Tinignan ko ang notes ko sa cellphone kung may gagawin ako mamayang pag-uwi. So far ay wala naman.Biglang nag-ring ang cellphone ko nang balakin kong ipasok sa suot kong slacks na uniform ko.Louise's birthday, inuman! That reminder made me cuss."Shit! Birthday mo ngayon, 'tol!" I yelled.He shooked his gead up and down as an answer. "Now you know?"Napabuntong hininga ako. "Sorry, 'Tol, nawala sa i

    Last Updated : 2021-06-01
  • Friendly Reminders (Bearer's Series #4)   Chapter 2

    Chapter 2Partner"Hi, Sebastian. It seems like you're not happy seeing me tonight."Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa bungad ng bati niya sakin o hindi. Makita ko lang talaga ang itsura nitong bruhang 'to, pumapangit na ang araw ko!Hilaw ko siyang nginitian at binawi ang kamay kong nakahawak sa lock ng pinto ng pinto. Ano ba ang ginagawa ng impaktang 'to dito at kasama siya ni Lach! Ang expectation ko pa naman ay kami lang ng bestfriend ko ang magkasamang pupunta sa party ni Louise.Pumasok ako sa loob ng kotse pero sa likod na ako pumwesto dahil may aswang sa harapan na katabi ni Lach. Kainis talaga! Hindi ko naman matyempuhan na hilahin ang buhok ng babaeng 'to baka mahuli pa ako ni Lach at mayari pa ako sa kaniya. Knowing him, he is protecting Kim at all his cost.Partner kasi ang family nila sa business dito sa Pilipinas na siyang kilala ngayon dahil sobrang efficient at magagaling

    Last Updated : 2021-06-01
  • Friendly Reminders (Bearer's Series #4)   Chapter 3

    Chapter 3Kiss"Please welcome, Louise Sandoval, the birthday celebrant with his partner for tonight, Sebastian Generales!" From behind of this thick and expensive maroon curtain I heard the emcee called our names. "Don't be so nervous, Seb. This night will serve as your birthday present to me. Thank you for accepting my invitation." Louise sincerly said. I don't know what happened next. But the thing I could remember is Louise kissed me on my forehead before the curtain opened and everyone saw us standing behind of it. He mouthed 'Thank you,' before facing the crowd. The spotlight hitted us and I could barely see the broad back of Louise's being. Applause surrounded the entire club

    Last Updated : 2021-06-01
  • Friendly Reminders (Bearer's Series #4)   Chapter 4

    Chapter 4Piliin mo ako "What is happening here!" I just continued my drinking when Louise hysterically yelled behind me. He always like that when he saw myself sinking in alcohol. "Isa pa nga." Usad ko sa bartender na nakatingin lang sakin. Halatang hindi makapaniwala na inisang tungga ko lang ang pang-anim na baso ng alak. Pinanglakihan ko siya ng mata tsaka siya kumilos. Alcohol is reigning through my body and I know after this sixth glass of alcohol, my body will lose its sanity. And I like that thought. I really like to see myself over reacting to those situations I witnessed.

    Last Updated : 2021-07-19
  • Friendly Reminders (Bearer's Series #4)   Chapter 5

    Chapter 5Baka Sakali "Don't touch him." Lach's voice roared inside my ear and I knew at that time everyone heard him shouted. I looked at him with surprised written to my face. "L-Lach." Nauutal na banggit ko. Yung alak na malakas ang tama sakin kanina ay unti-unting nawala. Bumalik ang pakiramdam ko sa dati. Yung hindi umiinom at nasa tamang pag-iisip. I just watching how Lach walking towards to my position. Where Louise and I caught the attention of everyone. They are all watching us like a movie in cinema.

    Last Updated : 2021-07-20
  • Friendly Reminders (Bearer's Series #4)   Chapter 6

    Chapter 6Peay "Oh my gosh! May lakas pa siya ng loob para pumasok at magpakita sa campus? Ang kapal din ng mukha niya, grr!" "Ay, sis, True 'yan! Balak pa yatang pagsabayin ang dalawang gwapings na lalaki! Like, paano? Lalaki siya! O baka..." "Waaaahhh!" "BAKLA SIYAAA!" Sinuot kong muli ang earphone at nagpatutog ng kanta para hindi ko na rin marinig ang mga nagkakalatan na tsismi

    Last Updated : 2021-07-21
  • Friendly Reminders (Bearer's Series #4)   Chapter 7

    Chapter 7Paalisin"Pwede ko bang matanong kung bakit?" Nag-aalinlangan kong tanong sa President ng Council. May hawak siyang papel tapos ini-scan iyon."As far as I know tungkol ito sa pageant na gaganapin two weeks from now." Sagot niya matapos mag-scan sa dalang papel.Naglalakad kami sa hallway papuntang Dean's office habang naguusap. Nasa third floor ang office kaya kailangan pa naming umakyat doon para makarating sa office.Gusto ko pa sanang magtanong kaso bigla naman itong nagsalita. "Pupunta muna ako sa ibang sections. May mga susunduin pa ako. Mauna ka doon sa office." Sabi niya sabay liko sa kanang pathway nang makarating kami sa second floor.Ano kayang pageant ang s

    Last Updated : 2021-07-22

Latest chapter

  • Friendly Reminders (Bearer's Series #4)   Season 1

    Season 1"Sigurado ka ba na 'yan ang gusto mo, Seb?" Tanong ni mama nang makita akong naglalagay ng mga damit sa dalawang malalaking bag na itim.Nag-try kasi akong magpasa ng resume online at nagulat ako nung isang linggo dahil bigla akong tinawagan para iparating na may online job interview ako. Mabuti na lang at may laptop akong naipundar bago ako matanggal sa dati kong trabaho kaya 'yun ang ginamit ko.Med'yo naging mahirap ang interview na 'yon bago ako natanggap dahil ang daming tanong sa'kin. Pero nalagpasan ko naman ang lahat ng tanong kaya ayos 'yon. Binigyan lang nila ako isang linggong palugid para maiayos ang lahat ng kailangan ko.Stay-in ang trabaho ko sa Manila dahil sa galing pa ako ng probinsya. Bukas pa naman mangyayari ang orientation pero aalis na ako ngayon para hindi hassle para sakin ang b'yahe papuntang Manila. Dose oras pa naman ang b'yahe at bus lang sasakyan ko papunta doon.

DMCA.com Protection Status