Her Unexpected Proposal
July 2012
Baclaran, Manila
“So, ang sinasabi mo, hindi nasampal ng boss mo si Elaine, tama ba, Mr… ahm, Gomez?” sabi ng officer-in-charge, binasa ang statement ng tauhan ni Jemuel. Sa presinto sila umabot matapos niyang pukpukin si Jemuel ng bote ng alak sa bumbunan.
“Opo, Boss.”
Ibinalik ng imbestigador ang tingin kay Elaine. Nagtatanong ang mga mata nito. Inalis niya ang mga braso sa pagkakahalukipkip. Nasa kabilang side ng desk ng imbestigador si Jose, ang kasama ni Jemuel at si Jemuel mismo na nakabenda ang ulo.
Malikot ang mga mata nina Drew at Macon sa kanan niya. Sigurado siyang wala siyang maaasahan sa acting power at prowess ng dalawa. Habang ang lalaking nasa kaliwa niya—ang lalaking pakialamero na nalaman niya kanina lang na fresh graduate pala sa kursong Medisina, nakahalukipkip na nakikinig lang. Ito ang nagbigay ng first aid kay Jemuel bago pa dumating ang mga pulis.
Hay. She guessed she was all alone now. Wala siyang aasahan ngayon kundi ang God-given talent niya sa paggawa ng istorya.
Malakas na suminghot si Elaine. Hindi makapaniwalang napalingon sa kanya sina Macon at Drew nang magsimula siyang humikbi. Nagkatinginan naman sina Jose at Jemuel nang magsalita siya sa gumagaralgal na boses.
“A-ang ibig n’yo ho bang sabihin, Sir, mas paniniwalaan n’yo ho ang sinasabi ng dalawang iyan kaysa sa ‘kin na totoong biktima dito?”
Tumikhim ang imbestigador, parang na-guilty bigla. “Hindi iyan ang ibig kong sabihin, hija. Walang CCTV ang bistro kaya kailangan naming imbestigahan ito nang maigi bago kami…” natigilan ito nang madramang nagpunas si Elaine ng luha kahit tuyo naman talaga ang mga mata niya. Pagkatapos, nangangatal ang mga labing dumukwang siya sa desk ng officer-in-charge. Itinuro dito ang gilid ng mga labi niyang putok pa. Natuon din doon ang tingin ng doktor sa tabi niya.
“Alam n’yo ho ba kung gaano kasakit masampal, Sir? Naranasan n’yo na ba? Sobra hong sakit. Ni hindi ho ako pinagbubuhatan ng kamay ng mga magulang ko pero ‘yong lalaking ‘yon… Nakakasama ho ng loob. Kailangang-kailangan ko ho ng hustisya para hindi ako habang-buhay ma-trauma.” Suminghot uli siya. Bumalik siya sa pagkakasandal sa upuan, papunas-punas pa rin sa gilid ng mga mata na nananatiling tuyo naman.
“Nagsisinungaling siya, Boss. Hindi ako ang may gawa niyan sa kanya. At saka ang bastos ng batang ‘yan. Hindi marunong gumalang sa matanda.”
Malakas na tumikhim ang imbestigador. Parang napapagod na bumuntong-hininga. “Hindi tayo matatapos dito kung iba-iba ang version n’yo.” Binalingan nito ang doktor na nananahimik sa tabi niya. “Ikaw, Doc, na-witness mo ba ang buong pangyayari para malinawan na tayo at matapos na ‘to?”
Napalingon si Elaine sa doktor. Nakatingin ito sa kanya. Hindi, nakatitig ito sa kanya.
“I’m not yet a licensed doctor, Sir,” pagtatama nito.
She earlier decided to call him good-looking. Pasimple niyang pinanood ang tiyak na galaw nito kanina habang nilalapatan ng first aid si Jemuel. Wala siyang mahagilap na tamang salita para i-describe ang kabuuan ng lalaki. Hindi ito bagay magdoktor sa tingin niya. Ang ganitong hitsura at katawan ay dapat nasa Hollywood at nag-aartista.
“So, ano ang eksaktong nangyari?” tanong ng imbestigador.
The police officer was asking him a question but why the heck was this guy kept looking at her? Ilalaglag ba siya nito? Binigyan niya ng pasimpleng warning look ang lalaki. Subukan lang nito.
Tumikhim ito, binawi ang tingin sa kanya. “Yeah, I was there, Officer. Nakita ko ang buong pangyayari.”
Nakapamulsang
lumabas ng presinto si Elaine kasunod sina Drew at Macon. Huminga siya nang malalim. Tumila na ang ulan. Sa tantiya niya ay pasado alas-dose na ng madaling-araw. Sa wakas ay nauwi sa settlement ang reklamo.“Pinagta-taxi na tayo ni Mang Chito pauwi,” sabi ni Macon.
Patawid na sila sa hintayan ng taxi nang lumapit sa kanila ang doktor. Nalaman niyang “Tan De Marco” ang pangalan nito.
“Elaine, hindi ba?” sabi ni Tan, pormal ang anyo.
“Mag-aabang lang kami ng taxi. Daanan ka namin dito. Paiikutin ko.” Si Macon na iginiya si Drew para samahan ito.
“May gusto ka bang hingin bilang kapalit ng pagsisinungaling mo para sa ‘kin? Kung meron, huwag kang mahiya, sabihin mo na.”
Huminga nang malalim si Tan. Pakiramdam niya ay nakukunsumi ito sa kanya. “Mali iyong ginawa mo kanina. Pati ang pagsisinungaling mo sa mga pulis.”
Umismid si Elaine. “Why did you take my side then?”
Hindi agad nakasagot ang lalaki.
“Ano ba ang depinisyon mo ng tama, Doc Tan? ‘Yong pambu-bully ng kubrador na ‘yon sa mga kaibigan ko? ‘Yon ba ang tama sa mga mata mo?”
“First of all, ikaw ang kinampihan ko dahil sobrang bata mo pa para ma-involve sa mga ganito. Had I not lied, sa presinto ka matutulog.”
Hinarap
niyaanglalaki. Napapangisi. “So, ito iyong pakiramdam na pinagsasabihan ng nakatatanda. Akala ko dati, masarap sa tainga. Nakakarindi rin pala.”“Look…”
“Ilang taon ka na?”
Kumunot ang noo ni Tan. But even though confused… “Twenty-seven.”
“Single?”
Hindi ito sumagot, nanatiling nakatitig sa kanya.
Ngumisi si Elaine, maluwang. “Huwag ka munang mag-aasawa. Hintayin mo ‘ko. Pakakasalan kita.”
The Ex-husbandIpinilig ni Elaine ang ulo. It was a very good start for her and Tan. Papasang eksena sa movie ang una nilang pagkikita. She ruined that very good start pero sisikapin niyang itama ang lahat ng mga maling desisyon.Kailangan niyang bumawi kay Tan. Patunayan dito na wala siyang ibang intensiyon kundi ang makasama uli ito at mahalin uli nito.Napapitlag si Elaine nang tumunog ang cell phone niya. “I’m almost there,” she said. Huminga nang malalim before reaching out for the door handle and went out.Niluwangan niya ang ngiti nang makarating sa Ainsdale Boutique. The upcoming days would be hectic for her. Susundan niya kahit saan magpunta si Tan. Wala itong choice. Kailangan nitong protektahan ang kompanya. At gagamitin niya ang problema sa Textile para mapalapit uli sa dating asawa.“Nauubusanna tayo ng oras, Tan,” sabi ni Atty. Ramas kay Tan. Kaharap niya ang abogado at a
Nag-angat ng tingin si Tan mula sa pagkakatitig sa monitor ng computer. Bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa roon si Dra. Janine Crisostomo. Isa itong immunologist at nag-iisang anak na babae ng kanilang hospital director.Dumeretso si Janine sa kinaroroonan niya. Ipinatong ang isang rectangular box sa desk, saka nakangiting sinalubong ang tingin niya. “I spent almost an hour contemplating if I’m going to buy this for you o hindi since wala naman yata ni isa sa mga ibinigay ko ang nakita kong isinuot mo kahit man lang isang beses. This time, make sure you’re going to wear this.”Matipid ang ngiti ni Tan. “Thank you.” Kahit hindi niya buksan ang box, nahuhulaan niyang necktie ang laman niyon.“Hindi mo man lang ba itatanong kung kumusta ang conference?”Ibinalik niyang muli ang tingin sa monitor. “I know it went well.”Sa New York ginanap ang medical confer
Life hasn’t given Elaine a lot of happiness and moments to cherish. Sa edad niyang beinte-sais, tukoy niya kung alin lang sa mga naging pangyayari sa buhay niya ang totoong nagpasaya sa kanya nang todo. One was the day Tan proposed to her.It was February 14, 2017. Sa harap ng pinapasukan niyang fast-food chain.She could hardly remember how she reacted o kung paano siya sumagot ng “Oo, pakakasal ako sa ‘yo.” But she could remember how nervous Tan was in vivid detail. Kung gaano ka-sincere ang emosyon sa mga mata nito habang nakaluhod sa harap niya, hawak ang isang kahita ng mamahaling engagement ring.After almost four years, Tan was proposing again. Hindi ito nakaluhod, walang hawak na singsing, hindi ninenerbiyos kagaya ng dati, at higit sa lahat, he was not there to promise her heaven and earth. Wala na ang sinseridad, pagmamahal, at respeto sa mga mata nito. His cold gaze held thousands of warning signs. Na para bang kailang
“C-can you drive me home, Tan?” nagawang sabihin ni Elaine habang pilit niyang ipinapako ang mga paa sa kinatatayuan. She felt a tear fall down her cheeks.Tan was looking at her but he didn’t even flinch. He would not think those tears were real. Mas iisipin nitong ang mga luhang namumuo sa mga mata niya ay dala ng kalasingan at pagsuka kanina.Ikinurap niya ang mga mata. Pinilit niyang ibalik ang mga luha na nagbabanta pang kumawala.Kahit mabigat sa dibdib, nagpapasalamat siya na iyon ang iniisip ni Tan. He fell in love with her then because she was tough and resilient. Hindi nito dapat malaman ang kahinaan niya ano man ang mangyari.“Will you?” tanong niya.Bahagya niyang itinaas sa harap ni Tan ang kamay niyang may hawak sa susi. Kung titingnan lang iyon ni Tan, malalaman nitong nanginginig ang kanyang kamay. But he was looking at her straight in the eyes.He put his hands on his pockets. Emotionless, sinuy
Tainted. That was mean. But Elaine did not want to argue with Tan. Ano man at paano man nangyari ang kasal, asawa na uli niya ito. Dahil unang araw bilang mag-asawa, the last thing she wanted to do was to fight with him.Kung naghihintay si Tan na guguhit ang sakit at disappointment sa mga mata niya, kailangan niya itong biguin. It was a happy and special day for her, regardless kung paano nairaos ang kasal.“I’ll be all right wherever then. It does not matter,” nakangiting sabi niya.Tan’s jaw jerked na parang hindi ito naniniwala sa sinabi niya.“Ahm, are you staying for breakfast?” tanong niya. “How about dinner tonight?” dagdag niya nang hindi nito sinagot ang unang tanong. “Puwede akong pumunta sa ospital para sunduin ka or mag-meet tayo sa malapit na restaurant kapag libre ka na,” habol niya nang tumalima ito papunta sa pinto.He stopped on his tracks. “For what?” tanong
Wala sa loob na ipinatong ni Elaine ang papel na inihatid ni Tan sa kanya kanina. Nakaupo na siya sa kama habang nakasandal ang likod sa headboard. Sinulyapan niya ang wall clock. Kagaya ng dati, mag-uumaga na pero dilat na dilat pa rin siya.She took a pill for her insomnia a few hours ago pero pakiramdam niya, hindi siya lalo dadalawin ng antok nang mabasa ang nilalaman ng papeles na pinapapirmahan ni Tan. Umangat ang isang sulok ng bibig niya. Ipinatong ang papeles sa side table, saka in-adjust ang sarili para mahiga.Akala niya matatapos na sa pagpirma ng prenuptial agreement ang lahat. Pero bukod doon, may ilang kondisyon pa ang asawa.Lilipat sila ng bahay. Hindi siya nito ititira sa mansiyon but she would be staying with him sa anim na buwang durasyon ng kasal. Walang violent reaction doon si Elaine. The best and fastest way to win his heart over was to live with him. Regardless kung saan siya nito ititira.Para maiwasan ang pagpapanggap bilang nor
Iginala ni Elaine ang tingin sa loob ng apat na sulok ng katamtamang laking kuwartong iyon. May double bed na nakadikit sa wooden wall at may nakapatong na lampshade sa sidetable. Kulay-puti ang traditional built-in closet na kahit hindi lapitan, alam niyang kailangan pa ng linis. Walang bintana ang kuwarto pero may nakakabit na split-type aircon. The walls badly needed repainting. Kailangan ding palitan angcarpet at center table.Pinakawalan niya ang handle ng dalawang maleta na nasa magkabilang gilid. Lumabas siya ng kuwarto para i-check ang kabuuan ng bahay. Maliban siyempre sa kuwarto ni Tan. Pumasok ang lalaki sa kuwarto nito pagkaabot na pagkaabot ng susi sa kanya. At least the living room looked clean and decent.Hindi niya napansin iyon kanina pagpasok dahil tuliro siyang dumeretso sa kuwartong itinuro ni Tan.May couch at coffee table sa gitna ng sala at may TV na nakapatong sa rack. Sa ilalim niyon ay ilang magkakapatong na magazines at babasahin.
Madaldal at makulit si Marco. Iyon ang napansin ni Elaine habang sakay niya ang pulis sa backseat. He said he was staying temporarily with his uncle dahil mas malapit doon ang presinto kung saan ito nakadestino.Dalawang kanto lang ang layo ng bahay ng tito nito sa bahay nila ayon dito. Nagkataon lang na nagdya-jogging ang lalaki kanina at nakita siyang palabas naman para maghanap ng convenience store.Inihinto ni Elaine ang kotse sa harap ng gate ng bahay. Nilingon niya si Marco na nakatingin sa gate. Sinenyasan ito na bumaba na.“Hindi mo man lang ba ako ihahatid sa bahay?”She rolled her eyes. “Hindi ako taxi driver na ido-door-to-door ka pa. Baba na.”Marco pouted his lips pero kumilos naman para bumaba. Ini-lock niya ang kotse, saka akmang iikot para kunin ang mga pinamili sa trunk nang makitang bitbit na ni Marco ang mga iyon.“Ako na…”Iniabot nito sa kanya ang paper bag na may lamang
One and a half year laterKakaligo lang ni Tan, bagaman nakabihis na ng pantulog, nakapatong pa sa ulo niya ang tuwalyang ginamit na pantuyo sa kanyang buhok nang lumabas siya ng banyo. Tinapunan niya ng sulyap ang orasan. Alas-otso ng gabi. He went home on time as usual. Nadatnan niyang nakikipaglaro si Elaine sa kambal nina Sean and Thera kanina. They ate dinner together kasama ang mag-asawa.Matapos kumain, nag-umpisang mag tantrums si Jassy Mikaela pero agad nanahimik nang kargahin at aliwin ni Elaine. They decided to bring her to their room habang si Lucah Gabrielle ay sa guest room dinala nina Thera at Sean para patulugin. It was the second time Sean’s family visited them at magpapaumaga doon.May importanteng meeting si Sean at hindi nito gustong iwan ang mag-anak sa villa. Hanggang ngayon, binabawi pa rin ng dalawa ang mga panahong nasayang na hindi magkasama. Tan was genuinely happy for them.
Two HeartsNilinga ni Tan si Elaine na humihingal na itinukod ang kamay sa katawan ng nakatayong puno na nalampasan niya kanina. Ngumiti siya nang mapasulyap ito sa kanya. Kumaway ito at sinenyasan siyang mauna na. Pero sa halip na sundin ang utos ni Elaine, binalikan niya ito. Kinuha niya sa side pocket ng bag niya ang baon na insulated water bottle, binuksan iyon at iniabot dito. Kinuha niya ang backpack sa likod nito. Gustong magprotesta ni Elaine pero wala itong lakas na gawin iyon. Alam niyang hindi iyon mabigat dahil siniguro niyang first aid kit, one hundred ml mineral water at ilang crackers lang ang laman ng bag bago sila mag-umpisang umakyat kanina.Tan hired a guide and porter to carry their bags and tents for them. Maraming dala si Elaine. Mula sa ready-to-eat food hanggang sa mga gagamitin sa pagtulog. Habang siya, survival kit at first aid kit lang ang dala bukod sa damit na sakto lang sa dalaw
Handcuffed(Continuation of Chapter Thirty-three)Hindi hinihiwalayan ng tingin ni Tan si Marco mula nang lumapit ito sa bar counter para um-order ng alak at kahit hanggang noong lumapit ito sa pandalawahang mesa na inookupa niya. Bumuntong-hininga siya nang mag-umpisa na ang pulis na magsalin ng alak sa dalawang basong isinilbi ng waiter slash bartender kanina.Gusto niyang tanggihan ang alok ng lalaki na sumakay sa kotse nito pero bukod sa naiwan niya ang sasakyan sa mansiyon ng mga Crisostomo nang damputin siya ng mga pulis kanina, gusto rin niyang marinig direkta sa bibig ng pulis kung ano ang totoong intensiyon nito sa pakikipaglapit sa kanyang asawa.Nasa The Hub sila, si Marco ang pumili ng lugar na pinagtakhan niya. Pandalawahan at nasa sulok ang mesang inokupa nilanang makapasok. It was Tuesday at halos walang tao sa loob ng bar.“I’m treating you
Ramdam ni Elaine ang bahagyang paninikip ng dibdib habang magkahinang pa rin ang mga mata nila ni Marco. She didn’t want to lose a friend pero ayaw niyang paulit-ulit itong masaktan dahil sa kanya. Ang pag-aalala at takot na nahimigan niya sa boses nito kanina, alam niyang hindi pag-aalala ng isang lalaki sa isang kaibigan lang. Hindi siya tanga para hindi iyon maramdaman. At hindi siya selfish para patuloy itong paasahin at saktan. Marco was a good person. He deserved someone who would love him wholeheartedly.Elaine swallowed the imaginary lump in her throat nang bahagyang ngumiti at tuluyang magbuka ng bibig si Marco.“Kapag nakikita kitang malungkot, kapag alam kong mabigat ang dala-dala mo, kapag umiiyak at nasasaktan ka pero pilit mong itinatago… Kapag tumatawa ka at alam kong hindi iyon totoo kundi pakitang tao lang… iyon ‘yong mga pagkakataong gustong-gusto kong agawin ka sa asawa mo. Pero sa bawat mga pagkakataong iyon, para ako
But the broken smile started to change into a mischievous grin. Kasabay ng sinadyang pagtigas ng ekspresyon sa mukha, dumukwang nang bahagya si Elaine para pagpantayin ang mukha nila ni Mrs. Crisostomo.“Bakit ho hindi? Kung sasamahan at bibisitahin ninyo ako araw-araw uli?” anas niya, sa mahinang boses pero alam niyang sapat para marinig nito.Suminghap si Mrs. Crisostomo. She went literally still na pakiramdam niya, iingit ang leeg nito kung babaling sa kanya.Tumuwid si Elaine sa pagkakatayo. Guilt crept into her heart nang makita ang bahagya nitong panginginig. But Mrs. Crisostomo needed to taste a doze of her own medicine.Mental health problem was not a character failure kagaya ng gusto nitong ipahiwatig. Sandra kept telling her that at ilang beses din niya iyong sinubukang ipasok sa isip. She was glad she was able to voice it out now, hindi kagaya dati na takot siyang aminin ang sakit kahit sa sarili.Perhaps she was a little dif
Nagising si Elaine dahil sa tumatagos na sinag ng araw sa kuwarto ni Tan. Namilog ang mga mata niya nang ma-realize kung anong oras na. It was past nine in the morning, said the clock that was hanging on Tan’s bedroom wall.Ang orihinal na plano ay maaga siyang gigising para ipaghanda si Tan ng almusal. Pero ang akmang pagbangon, nahinto nang maramdaman ang malaking kamay ni Tan na nakayapos hanggang sa kanyang balikat.Tiningala niya si Tan na natutulog pa rin. She took few deep breaths to calm the beating of her heart. This was her favorite sleeping position. Nakaunan siya sa dibdib ni Tan at malinaw na naririnig ang tibok ng puso nito.Sa loob ng mahabang panahon, kagabi lang uli siya totoong nakaramdam ng kapayapaan, ng seguridad, ng pagmamahal. She fell asleep fast and slept easy on his arms. Pagkatapos ng mga bangungot na dumaan at sumubok nang husto sa buhay nila ni Tan, pakiramdam niya ay kagabi lang siya nagising nang tuluyan.Maingat, kuma
Pinakatitigan ni Elaine ang repleksiyon sa salamin. She was glowing, hindi halatang kabado at nag-aalala habang ipinaparada ang kotse sa loob ng bahay na inuupahan nila. Puwede niyang tawagan si Tan para sabihing uuwi siya pero mas pinili niyang maghintay na lang doon.Marami siyang kailangang sabihin at ipaliwanag sa asawa. Sandra called. Inamin na nito ang lahat kay Tan. Though the clever doctor laughed in the end saying na wala siyang karapatang mag-file ng reklamo dahil immediate family member niya ang pinagsabihan nito.Elaine was thankful though. Parang may mabigat na bagay na naalis mula sa pagkakadagan niyon sa kanyang dibdib. No matter how hard she tried to work up her courage, hindi niyamagagawang aminin kay Tan ang lahat kung hindi sa tulong ni Sandra.Palaging sumisingit ang takot na baka hindi siya tanggapin ng lalaki. Baka iwan siya ng mga taong mahal niya dahil hindi siya katanggap-tanggap—dahil may kulang at may hindi buo sa kan
“Ma’am…”Dumilat si Elaine. Tumambad sa kanya si Anne na alanganin ang ngiti. Iginala niya ang tingin sa paligid. Wala siya sa inuupahang bahay ni Tan kundi nasa loob ng Ainsdale. Wala si Tan kagaya ng inaasahan. Ang akala niyang totoo kanina, panaginip lang pala.“Nagdadalawang-isip ako kung gigisingin ka but your phone keeps ringing. Baka importante.”Kumilos siya. Hinagilap ang cell phone sa handbag.“Sorry, I must have dozed off. Anong oras na?” tanong niya habang kinakalkal ang bag.“I must have dozed off.”Elaine was surprised to hear herself say that. Ni minsan ay hindi pa siya nakaramdam ng antok sa oras ng trabaho.“Almost closing time na, Ma’am. Seven o’clock.”Halos kalahating oras siyang nakatulog. Halos walong oras na siyang naghihintay kay Tan. Ang sabi ni Drew, tiyak na yayayain siya ng asawa na kumain sa labas. Pero bak
Kung ilang metro o minuto ang nilakad ni Elaine habang tahimik siyang nakasunod sa kabilang bahagi ng daan, Tan did not mind checking. Ang alam niya, bukod sa halo-halo ang emosyon sa kanyang dibdib, hindi niya maalis ni minsan dito ang tingin.Banayad na inililipad ng hangin ang nakalugay nitong buhok, ang laylayan ng suot na blusa na sumasabay sa bawat hakbang nito. Just like before, everything she wore fit perfectly to her slender body. The same body he’d adored and worshipped.Tan came to a realization that for the last three years, he had never gone an entire day without longing for her. The yearning was deep and strong it was consuming him. At marahil, sinadya niyang maipagkamali at palitan ang damdaming iyon ng galit.Why was the question that was too painful for Tan to ask. At ang mga sagot sa mga bakit na iyon ang kinatatakutan niyang marinig mula nang magkrus muli ang kanilang mga landas.Bakit siya iniwan ni Elaine? Bakit ang dal