HINDI NA NAMIN namalayan ni Damon na umabot na kami ng three months.
Grabe lang. Hindi pa rin ako makapaniwala na talagang akin na siya at sa kaniya lang ako. Sa mga nakalipas na monthsary namin, kung ano-ano ang mga ginawang sorpresa sa 'kin ni Damon na nakabase sa mga nase-search niya. Andiyan 'yong kinontiyaba niya 'yong mga customers namin para i-surprise ako sa oras ng trabaho ko. Pati 'yong paglalagay niya ng wax figure sa kuwarto ko noong monthsary namin last month! Gulat na gulat ako paggising ko kasi katabi ko na 'yong wax figure at 'yong loko-loko tawa nang tawa habang nagvi-video. Kasama niya nga si Jeanne at lagi nila akong inaasar na dalawa. Ito kasi si Jeanne kinuwento kay Damon 'yong mga pinaggagawa ko pero hindi ko na kinuwento na nagbigay ako ng letter sa guard sa hospital kung saan siya dinala noong naaksidente siya.
RAMDAM KO ANG pag-iinit ng mga pisngi ko. Napaiwas ako nang tingin."Bakit ka nag-iwas nang tingin? Kaya mo ba? Can you do that for me?"Agad ko siyang tinignan. Seryoso na siya. "Nagbibiro ka lang, 'di ba?"Napapikit siya at napailing pero nag-focus na lang siya sa pagmamaneho. "I'm sexually frustrated. I have a girlfriend. Fantasizing her every night is not enough for me anymore.""Pinagpapantasyahan mo 'ko?""Emma, you're my girlfriend. Alangan naman magpantasya ako ng ibang babae gabi-gabi."Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit naging ganito bigla ang usapan namin.
"SAAN NGA TAYO pupunta?" nasa gitna na kami ng kalsada at nagmamaneho si Damon. Naiinis niya akong tinignan. "Huwag mo ngang sirain 'yong plano ko. Tanong ka nang tanong para kang bata na nagpupumiglas d'yan sa seat belt." Humalukipkip ako. "Clue lang kasi ayaw pa magbigay." Natawa siya. "Ang sarap pala magka-girlfriend ng bata." "Bakit naman?" "Nawawala stress ko. Makulit ka kasi." "Nakakawala pala ng stress 'yong pagsasaway ng makulit? 'Di ba dapat mas ma-stress ka?" "Alam mo namang happy pill kita." Kinilig ako pero dapat saktong tago lang. "Malayo pa ba?" "Oo. Gusto mo maglaro tayo?" "Talaga? Ano 'yon? Sige!" Saglit niya 'kong tinignan. "Bata mag-react." "Ano nga kasi?" "Nilaro ko 'to noong nag-guest ako sa Good Morning America."
Damon's POV I COULDN'T STOP smiling as I drove my car. I was going to buy a cake then I'd go to Tita Cita's house to see Emma. It had been months that we've been together, and my love for her was growing deeper. She was like a drug I couldn't resist and my body needed her. It was more than just a sexual need. It was more than a physical attraction. It was more of a connection. A deep connection and affection. Hindi ko rin inisip na tatagal kami ng ilang buwan. Ito na ang pinaka matagal kong relasyon. Hindi katulad noon na linggo-linggo akong nagpapalit ng mga babae. She knew that. I sighed as I remembered her confession to me. I felt an unexplainable feeling when I saw those posters and magazines of mine glued against her wall inside her room. I never imagined that the woman whom I seriously paid attention with had been lovi
Damon's POV"DAMON. HALIKA KA pasok ka!" Jeanne smiled as she opened the door. I smiled back and nodded at her."Where's Emma?"I looked around their house. Gustong-gusto kong makita si Emma. Gustong-gusto ko nang kumalma. Seeing her face will make me calm."Nasa kusina. Nagluluto. Saktong-sakto ang dating mo kasi patapos na siya. Matitikman mo na kung paano siya kasarap magluto!"Natawa ako sa kaniya. I liked her personality, too. She was as kind as her beautiful cousin."I brought a cake. Kainin natin pagkatapos kumain.""Nice! Chocolate ba 'yan? Bawal k
"DID YOU BRING everything you need?" tanong sa akin ni Damon habang nagmamaneho siya. Pupunta na kami sa Bolinao, Pangasinan at sobrang excited talaga ako!Ngiting-ngiti ako. "Opo! Nagluto ako ng adobo 'tsaka menudo tapos nagbaon ako ng siopao!"Natawa siya. Lagi siyang good vibes kapag kasama niya ako. Natutuwa ako at napapangiti ko siya. "Talaga? Mukhang bubusugin mo 'ko, a. Nagpahanda naman na ako kila Mang Antonio.""Gusto ko lang kasi kumain ng siopao mamaya.""Ang cute mo. Siopao kakainin sa resort," umiling pa siya habang ngiting-ngiti."Oo na.""Tampo naman agad. Did you also bring a swimsuit?"
"HEY, EMMA. WAKE up. We're here."Nagising ako nang maramdaman kong may marahang tumatapik sa braso ko. Nang dumilat ako ay nakita ko ang mukha ni Damon na malapit sa akin.Napatingin ako sa kaliwang bahagi ng mukha niya. Napalunok ako. Grabe siguro 'yong sakit na naramdaman niya nang tumusok sa pisngi niya 'yong mga basag-basag na salamin ng kotse niya nang maaksidente siya. Hinaplos ko 'yon at nakita kong naging malamlam ang mga mata niya habang nakatitig rin siya sa 'kin."Emma..." bulong niya.Tinignan ko siya sa mga mata niya at dahan-dahan akong ngumiti. "Natutuwa ako kasi lalabas tayo ngayon. Nandito lang ako lagi, Damon."Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan 'yon. Titig na titig siya sa 'kin. "Thank you, Emma," huminga siya nang malalim at nag-iwas nang tingin. "Thank you for being here for me. I appreciate all your efforts and patience. Those surprises I gave you were nothing com
"WOW, SOBRANG GANDA!" hindi ako makapaniwalang ganito kaganda ang resort ni Damon. Nakita ko na kanina ang dagat at may mga taong nagsu-swimming kahit umaga pa lang. Nadaanan din namin ang mga cottages, tatlong restaurant at isang bar na inamin sa akin ni Damon na lagi niyang pinagtatambayan noon. Habang nagkukuwento nga siya ay ramdam ko ang lungkot sa boses niya dahil naaalala niya ang buhay na mayroon siya noon. Hindi tulad ngayon. Nakuwento rin niya sa 'kin na 'yong mga restaurant na 'yon pati 'yong bar ay pag-aari naman ng kaibigan niyang nag-renta rito sa resort niya. Brad Wilhelm ang pangalan. Natakot nga ako sa pangalan ng bar. The Devil's kasi ang pangalan. Alam ko naman na mayaman si Damon dahil sikat siyang modelo noon pero nalulula ako sa resort na pag-aari niya. 'Yong pagkakakuwento niya kasi sa 'kin noong nasa bahay kami ay parang simpleng resort lang. Hindi k
"DAMON, BAKIT NGAYON mo lang sinabi sa 'kin?"Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay 'yon sa kaliwang pisngi niya. "Because I don't want you pitying me. Ayokong kaawaan mo ako, Emma. Nahihiya ako. Nahihiya ako sa 'yo lalo na kasi kilala mo ako. Alam mo kung sino ako noon. Sa totoo lang, Emma, ikaw ang nagbibigay ng rason sa akin para lumabas. Para 'wag isipin 'yong nangyari. Para kalimutan 'yong bangungot na nangyari sa akin. You came into my life out of nowhere. It's like I'm waiting for someone to finally fix my dark shadow and there you are... you came to my life. Your jolly personality caught me. Kaya paano mo nasasabi sa 'kin na 'wag kong isipin 'yong nangyari sa 'kin noon? Bakit ganoon kadali mong sinasabi sa akin na kalimutan ko na lang 'yong mga taong sa pisikal lang tumitingin at masakit magsalita? Hindi kasi madali, Emma. Mahirap tanggapin 'yong masasakit na sa