It's been two days since I had lunch with Mr. and Mrs. Cruz, and all I can say is I don't want to have lunch with them again. Given na yung mabait sila pero I felt that they are looking at me as someone they want to be with, not as Elisa who had her breakdown in stadium. Wala nang ginawa si Tita Asyana kung hindi itanong kung ano pa ang favorite ko at kung gusto ko pa ba umorder ng macaroni. They also insisted to call them Tito and Tita kaya medyo nalilito ako sa itatawag ko sa kanila. Tito Golem, on the other hand naman, keep on glancing back at Hanz and me. Para bang sinasabi niya na Hanz should talk to me or must insist a conversation.
That lunch made me feel awkward, hindi ko alam kung ano ang kilos na kailangan ko'ng gawin kasi parang binabantayan nila ako. I do understand na nakikita nila sa akin si Brie and sobrang mahal nila si Brie, nalaman ko kasing parents sila ni Hanz kaya mas nakaramdam ako ng awkwardness. But not because nakikita nila sa akin si Brie ay kailangan guarded na yung kilos ko, parang hinahanapan nila ako nang maraming similarities ni Brie just to prove na ako nga ang asawa ni Hanz. Thankful naman ako na hindi na naki-issue pa si Mark and Bryle, si Bert naman ay naunang umuwi kasi may emergency raw sa kanila. Gusto ko na sanang sumabay sa kanya pero hindi ko alam kung paano aalis at magpapaalam, kaya ang ending inihatid nila ako pabalik sa school.
As of now, I'm at peace. Walang Hanz na nagpapakita sa akin for two days at nagpupumilit na ako si Brie. Nasa loob na ako ng classroom at naghihintay ng professor, nagsabi naman si Ma'am na medyo malelate siya dahil may meeting pa sila and narinig ko rin na on leave pa ang teacher namin sa isa naming major subject ang Theory of Personality, personal reason raw kaya hindi na detailed inexplain ng aming dean. Hindi ko kilala kung sino ang magiging temporary teacher namin for that subject but the dean termed her as 'fresh from Canada'. Wala ako'ng makausap kasi wala pa rin si Bert, may problema pa rin daw sa kanilang bahay. Si Grace naman ay hindi na pumapasok, matagal na siyang pinatigil ng kaniyang ina dahil na rin sa kakulangan sa pera.
"Good morning class, sorry kung 30 minutes late ako. Alam niyo namang ako ang assigned sa pagmomonitor ng temporary teacher niyo sa TOP kaya may inayos ako sa office." Mabilis namang umayos ng upo ang mga kaklase ko at ibinalik ang cellphone sa kanilang mga bag nang biglang pumasok si Ma'am Contempo sa room. Medyo nasanay na rin ako'ng tawagin siyang Ma'am Contempo kai prof namin siya sa Contemporary World pero kapag sumasagot naman ako is Ma'am lang ang binabanggit ko. "Bukas sa time niyo ng TOP ay si Ms. Estefano na ang aattend sa inyo." Pagpapatuloy pa nito.
Narinig ko naman ang bulungan ng ilan ko’ng mga kaklase. Estefano? Kamag-anak kaya siya nila Gov? Wala kasi ako masyadong kilalang kamag-anak ni Duke except sa mga Aunties niya na bumibisita sa Isla. Madalas pa nga ay may kasama ang mga ito'ng negosyante, narinig ko sa usapan ng mga kasamahan ni Nanay na ayaw raw talagang manirahan dito ng mga kapatid ni Gov kaya pinapalipat na rin nila sina Duke sa Manila. Iniaalok rin daw ng mga ito sa negosyante ang Isla pero dahil mahal ni Gov ang Isla at pinapahalagahan niya kami ay hindi siya pumapayag.
Hindi ko napansin na tapos na pala ang klase ni Ma'am. After mag dismiss ay dumiretso na agad ako sa labas para maghanap nang kakainan pero naalala ko'ng wala nga pala ako'ng kasabay ngayon kaya hindi ko feel kumain sa canteen. Tatambay na lang muna ako sa library at magrereview para sa next class ko'ng BioLecture. 1 unit lang yung BioLecture pero parang buong maghapon yung pagod na mararamdaman mo after class. Ang terror ni Sir tapos maraming actual.
"Elisa, wait!" Lumingon ako at tiningnan kung sino ang tumawag sa akin. Nakita ko naman si Duke na nakasuot ng black Dickies shirt at pantalon, ang gwapo niya talaga kaya hindi ko rin masisisi ang mga babae dito sa Sta. Ana at Isla kung lagi silang nagpapapansin kay Duke.
"Hi Duke! Ano'ng ginagawa mo rito? Sino’ng kasama mo?" Tanong ko sabay ngiti nang makalapit siya sa akin.
"Mag isa lang ako. Nautusan lang ako ng kapatid ko'ng ayusin yung mga documents na kakailanganin niya kasi magtetemporary teacher siya dito bukas." Kapatid? Naalala ko naman ang temporary teacher namin sa TOP na Estefano ang surname. So kapatid siya ni Duke?
"May kapatid ka pa ba bukod k—," Nang mapagtanto ko kung sino ang tinutukoy niya ay napapikit na lamang ako. "Ay oo, uuwi si Ruth?" May kapatid nga pala siyang nasa Canada, kaya pala sabi ng dean ay 'fresh from Canada.'
"Oo, si Ruth. Buti nga at napakiusapan siya ni Daddy na umuwi, medyo pasaway rin kasi iyon. Sabay na silang uuwi ni Hanz."
"Ganon ba."
Nasa Canada pala si Hanz kaya hindi ko siya nakikita. Teka, bakit parang namimiss ko? Erase. Bigla na lang ako'ng nawalan ng gana nang marinig ko na magkasama si Ruth at Hanz. Iba kasi yung pakiramdam ko kay Ruth, parang laging may galit. Kahit iisang beses ko pa lang siyang nakita ay may nararamdaman na agad ako'ng inis. Naalala ko rin ang sinabi ni Gov na hindi uuwi si Ruth kung hindi si Hanz ang gagawa nang paraan.
"Kumain ka na ba? Tara sa canteen, libre ko na."
Hindi na ako nakatanggi kasi kumulo ang tiyan ko. Nakakahiya ka Elisa. "Ahm. Sige." Nahihiya ko'ng sagot dito pero natawa na lang rin kami. Pagkarating sa canteen ay umupo agad ako sa vacant, buti na lang at kaunti lamang ang tao. Pansin ko ang mga tingin ng iba'ng estudyante kay Duke pero diretso lamang ang lakad nito sa counter, siya na raw kasi ang oorder.
"Elisa, I just want to ask something pero wag ka sanang magalit." Kinabahan naman ako, ano ba naman ito'ng si Duke.
"Sure, basta di nakaka offend ha." Nilakipan ko na lamang ng tawa para di masyadong awkward.
"Pansin ko kasing may iba sa inyo ni Hanz. I don't want to be nosy but he called you Brie. I do not personally know Brie but alam ko na ex-wife siya ni Hanz. Bakit ka niya tinatawag na Brie?" Seryoso yung boses niya ngayon, pero ano ba ang isasagot ko sa kanya? Na sabi ni Hanz ay ako ang asawa niya at nagka amnesia lang ako?
I shrugged my shoulder. "I don't know. Sabi niya magkamukha kami ni Brie kaya siguro akala niya ay ako ang nawawala niyang asawa."
"Ganoon ba. I want to ask a favor rin sana. Ikaw na lang ang dumistansya kay Hanz kung ipinipilit niya na ikaw si Brie. Ikaw naman si Elisa at saka may gusto kasi si Ruth kay Hanz at ayaw namin ni Dad na magkaroon na naman ng reason si Ruth para umalis ng bansa."
"Sure." Sagot ko na lamang dito at bumalik na sa pagkain. Ang plastic mo Elisa ha! Nakakawala naman ng gana ang topic ni Duke.
Napansin niya siguro na nawala ako sa mood. "Did I got you offended Elisa? Sorry, huwag mo na lang pansinin yung sinabi ko. Sige na, kumain ka na." Nginitian ko na lamang ito at hindi na nagsalita.
Medyo nasaktan ako sa sinabi niya, hindi ko rin alam kung bakit. Masyado na ba ako'ng na-attach kay Hanz or nagseselos ako kay Ruth? I hate this feeling. I am not obligated for something especially kung about dito, bakit ba ako yung kailangang mapressure dahil lang sa isang tao na sila ang may kailangan? Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na ako kay Duke at sinabing may kailangan pa ako'ng hiramin sa library. Dito na lang rin muna ako tatambay hanggang sa mag next class.
After ng klase ay dumiretso na ako agad sa cafe ng Tita ni Bert, medyo na-late pa ako ng ilang minutes kasi may actual task ang prof namin kanina at dahil last subject siya ay nag overtime kami.
Nagpalit na ako ng uniform at lumapit agad sa bagong pasok na customer. "Good day Ma'am! Here is our menu. Kindly call me po if you already have your order. Thank you." Magalang na sabi ko dito.
"No need, my order is just one cup of frappe." Mabilis nitong sagot sa akin. Inulit ko lamang ang order nito at ibinigay ko na sa counter ang order niya. Kakaunti ang tao ngayon sa cafe, siguro ay dahil mainit talaga at mas masarap kung ice cream.
"Magpahinga ka naman Elisa, kanina ka lang nagpupunas ng mga table."
"Okay lang, baka antukin mask ako kapag umupo lang ako. Gabi na rin kasi kaya mabilis lang ako'ng aantukin." Sagot ko na lamang dito dahit iyon naman talaga ang totoo. Puna sa akin ni Ella. Iilan lang kasi ang customer kaya para di ako maboring ay nagpunas na lang ako ng table at counter.
"Sa bagay, si Ella kasi mas gusto ang nakaupo lang." Pabiro lang naman ang tono ni Jake, ang barista dito, pero mukhang napikon si Ella kasi umirap ito at umalis. "Nagalit ata?" Sabi pa ni Jake kaya tinawanan ko na lamang ito. "Nga pala Elisa, may lalaking dumaan dito kahapon pagkatapos mo mag out tapos hinahanap ka. Kakaalis mo lang kaya hindi ko alam kung inabutan ka ba niya." Maalin lang lay Duke at Hanz ang naiisip ko kasi sila lang ang kilala kong lalaki bukod kay Bert. So Bert naman ay kilala na nila kasi Tita niya ang may ari ng cafe, si Hanz naman sabi ni Duke ay nasa Canada noong isang araw pa kaya si Duke na lang ang possible na dumaan dito.
"Talaga, naitanong mo ba ang pangalan?" Tanong ko kay Jake kasi baka hindi rin si Duke iyon.
"Hindi eh kasi umalis rin agad. Basta medyo matanda na siya, around 60 years old na siguro pero mukhang malakas pa rin kasi maganda ang pangangatawan." Ha? Mas nalito ako sa sinabi niya kasi wala ako'ng kakilala na ganoonang edad.
"Sigee, next time wag mo ako'ng ituturo ha kasi hindi ko iyon kilala. Sabihin mo na lang ay mag iwan ng sulat kung may gusto man sabihin sa akin."
"Ganon ba, naku pasensya ka na."
Nginitian ko na lamang si Jake at sinabing ayos lang kasi di niya naman kasalanan iyon. Hanggang sa matapos ang shift ko ay iniisip ko pa rin kung sino iyong naghahanap sa akin. Imposible naman na si Gov kasi hindi naman kami ganoon ka-close at kung may kailangan siya ay kay Nanay niya idinadaan. Nasa bahay na ako ngayon, at hindi ko alam kung bakit biglang tahimik lang si Nanay. Hindi rin siya lasing at siya na rin ang nagluto. Kahit kasi gabing-gabi na ako umuuwi ay ako pa rin ang pinagluluto niya kaya nakakapanibago siya ngayon.
"Elisa, kumain ka na rito." Napapiksi ako nang magsalita si Nanay. Hindi na ako sumagot pa at dumiretso na lang sa lamesa. Siguro ay kumain na siya kasi may isang plato na sa hugasan at 10:00 p.m na rin naman. "Paborito iyan ni Minggoy, at ang paborito ko naman ay sinigang. Ayaw ni Minggoy ng spaghetti at mas gusto rin namin ang pansit." Hindi ko alam kung bakit sinasabi ito ni Nanay, malungkot ang boses niya pero walang emosyon ang kaniyang mukha. Nakatingin lang rin siya sa binislad na ulam namin na para bang doon niya kinukuha lahat ng gusto niyang sabihin. "Wala kami parehas nunal sa batok, kahit maliit na nunal ay wala. Pango ang ilong namin, makapal ang labi ni Minggoy samantalang medyo malapad naman ang akin. Malalim ang aming mata, kulay itim rin." Gusto ko'ng umiyak dahil naiintindihan ko na kung ano'ng gusto niyang iparating. Napapansin ko na rin ang mga pagkakaiba namin pero mas pinili ko'ng paniwalaan pa rin ang kuwentong sinabi nila sa akin noon.
Tumayo na ako kahit hindi ko pa tapos ang aking pagkain, nahihirapan na kasi ako'ng lumunok at alam ko na pansin na iyon ni Nanay. "B-ukas ko na lang po ito huhugasan. Magpah —"
"Gusto ko'ng malaman mo na tinanggap at minahal ka namin. May mga pangyayari lang talaga na puwedeng bumago sa samahan."
Mas naiyak ako pero dumiretso na ako sa taas kasi hindi ko kayang marinig ang mga sasabihin ni Nanay. Ang daming gumugulo sa isip ko at dumagdag pa ang sinabi ni Nanay. Bakit nila ako pinaniwalang anak nila ako at bakit hindi nila ako ibinalik sa totoo ko’ng mga magulang? Oh baka naman bata pa lamang ako ay ibinigay na ako sa kanila kaya hindi na rin nila maalala ang totoo ko'ng mga magulang. Pero, paano kung ako nga si Brie? Kung inampon nila ako apat na taon pa lamang ang nakakaraan? Marami ako'ng gustong itanong pero hindi ko pa kayang marinig ang kuwento ni Nanay.
Nagising ako na parang wala pa rin sa sarili, ayaw ko muna sanang umattend sa first class ko pero naalala ko'ng ngayon nga pala papasok si Ms. Estefano. Gusto ko siyang makita dahil pakiramdam ko ay parte rin siya nang nawawala ko'ng alaala. Hindi ko rin naman kasi masyadong nakita ang mukha niya noon sa party dahil may kausap sila ng kaniyang ama.
Pagkarating ko sa room ay wala pang tao, masyado naman ata ako'ng maaga. Tiningnan ko ang oras at 8:32 a.m pa lang, may 28 minutes pa before class. Matutulog na lang muna ulit ako dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ang aking katawan, siguro dahil na rin sa mga iniisip ko. Hindi pa ako nakakapikit ay narinig ko na ang ingay ng mga kaklase ko'ng kakapasok pa lang sa room. Hayst, imposibleng makatulog pa ako kaya nag scroll na lang ako sa i*******m. May social media account kaya si Hanz? Isesearch ko sana siya pero pinigilan ko rin agad ang aking sarili, magmumukha ako'ng stalker. After a minute, nakita ko na lamang ang sarili ko'ng nag i-scroll sa timeline ni Hanz. Wala siyang mga post pero may recent tag siya katabi ang magandang babae, matangkad ito at medyo may hawig sa mata ni Gov.
'My great day was spent with my great man.'
Basa ko sa caption ng post. Si @Estefyruth ang nagpost kaya alam ko na agad na ito si Ruth, ang kapatid ni Duke. Nanakit na lang bigla ang ulo ko at parang maiiyak ako, ini-off ko agad ang phone at umubob sa arm rest ng upuan.
"Good morning. BS Psych 2201 right?" Nanigas ako sa boses na aking narinig, sobrang pamilyar pero hindi ko alam kung bakit. Umiyak na lang ako bigla at parang gusto ko'ng mag breakdown, ganito ang naramdaman ko nang makita ko sina Mr. at Mrs. Cruz. Narinig ko ang 'yes po' ng mga kaklase ko pero hindi na ako nakasabay pa’ng sumagot. Tumayo ako at lalabas sana para pumunta sa clinic pero tinawag niya ako. "May I know where are you going Miss?" Mataray na tanong nito at alam ko'ng ako ang tinatanong niya.
"Sa clinic po, masakit po kasi ang ulo ko." Mababang boses na sagot ko rito. Hindi ako tumitingin, nakayuko lamang ako.
"Look at your professor when you're answering them. That's a proper etiquette."
Natahimik ang klase sa sinabi niya kaya tumingin na lamang ako para hindi na humaba pa ang usapan, pero mukhang hindi niya inaasahan ang pagharap ko dahil muntikan na siyang mapa-upo sa gulat. Nanlalaki ang mga mata niya na parang hindi makapaniwala. Sabi ko na, parte siya ng nakaraaan ko, ramdam ko na kilala niya ako. Ruth Estefano, Hanz Cruz, Mike, at Mr. and Mrs Cruz, malaki ang parte nila sa buhay ko bago ako maging si Elisa. Ang kailangan ko'ng malaman ay kung ako ba si Brie.
Pagkarating ko sa clinic ay dumiretso na ako sa kama kahit wala pa ang nurse na mag aassist. Hindi ko na rin hinintay na magreply si Ms. Estefano kanina dahil sumasakit na lalo ang ulo ko at mukhang matagal pa bago siya maka get over sa pagkakagulat. Nawala ang maganda niyang posture nang makita ako, yung tingin at gulat niya ay mas sobra pa kesa sa unang pagkikita naming ni Mike. If part talaga siya ng past ko, alam ko'ng may hindi kami magandang nakaraan. May galit kasi ako'ng nararamdaman at parang gusto ko'ng umiyak at sampalin siya. "Ms. Soriano?" Napapiksi ako nang dumating na ang nurse sa clinic. "Masakit po ang ulo ko. Meron po ba kayong gamot dito?" Nginitian ko na lamang ito at sinabi ang kailangan, pero parang mas kailangan ko ang magpahinga. "Yes, of
"Ano ba?" Sigaw ko dito nang maka get over ako. Feeling niya na naman ay kung sino siya na kailangan ko'ng sundin. "What do you think are you wearing? Wearing a piece of shit and dancing with someone who's rubbing his ass with you?" Hindi siya sumisigaw pero pagalit yung tono niya. At ano'ng rubbing his ass? Nagtwerk lang si Bert, napaka-OA nito. "He's not rubbing his ass with me and he's my friend. Mas kilala ko siya kesa sa'yo kaya tumigil ka nga. At ano ba ang pakialam mo?" Hindi ako magpapatalo sa kanya. Feeling niya everytime may sasabihin siya ay kailangan ko'ng sumunod? I am not his Brie. "May pakialam ako dahil asawa kita. Lasing na lasing ka pa ngayon, gawain ba yan ng kaibigan? Papainumin ka nang marami at ano, gagawan ka nang masama." &n
Mukhang hindi na mapakali si Grace, at medyo namutla siya sa tanong ko. Pero kalaunan ay bumuntong-hininga na lamang siya. "Ang totoo niyan ay hindi. Bago ang araw nang pagpunta mo rito sa Isla, umuwi muna sina Kuya Minggoy at Ate Lydia. Sinabi nila sa lahat na uuwi muli sila at may dala nang anak. Lahat ay natawa pero ang sabi nila ay inampon ka na raw nila. Dalaga ka na raw at papangalanan ka nila’ng Elisa kaya dapat pagdating mo ay tatawagin ka nami’ng Elisa at babatiin. Hindi namin naisip na may amnesia ka, napagtanto na lang namin ito nang makausap ka nang marami at wala ka’ng maisagot. Siguro ay sinamantala na rin ng mga Nanay mo ang nangyari sa'yo para maampon ka. Matagal na kasi nilang gusto ng anak pero hindi sila magkaroon, blessing ka para sa kanila." Nalulungkot ako sa mga sinabi niya, iniisip ko kung ano kaya ang buhay ko kung wala ako dito. Masaya rin naman sa Isla at minahal ako ng mga ta
"She's allergic in shrimps." Hindi naman makapaniwala si Duke sa narinig kaya napalingon ito sa akin. "Really?" Parang sinisigurado niya muna kung tama ba si Hanz. Nakakapagtaka nga naman na alam ito ni Hanz. "Ah oo, namumula at nahihirapan ako'ng huminga kapag nakakakain ng hipon. Puwede ba’ng sa simpleng kainan na lang?" Nag suggest kasi si Ruth na kung puwede ay sa sea food restaurant kami kumain. "Of course, sa ibang resto na lang tayo para masulit mo." Tumawa na lang ako sa sinabi ni Duke pero pansin ko pa rin ang kalituhan niya, siguro ay dahil sa sinabi ni Hanz. "No. Bakit siya ang masusunod? Kung allergy siya sa hipon edi sa iba siya kumain. Hindi natin kailangan mag adjust para s
Base sa mga sinabi niyang ginagawa niya kay Brie, may mapapagod talaga lalo na kung puro sakit na lang at away. I don't know their story. That was just my assumption. "If hindi ko alam na may amnesia ka, masasabi ko talagang ikaw si Brie. You know how to respond in every situation. Si Brie kasi palaging may sagot sa mga napapansin niya pero minsan niya lang ako sagutin kasi ang iniisip niya ay magagalit ako." Mukhang unapproachable si Hanz at intimidating, kaya siguro hindi rin siya ma-control ni Brie. I mean is, Brie doesn't need to control Hanz pero atleast she can limit him with his words and doings. "When we're in college, she wants to be a psychologist. Sabi niya kasi ay gusto niyang mas maintindihan yung mga taong may problema mentally. Mas mahirap raw kasing kalaban ang isip kaya mas gusto niyang mag-aral tungkol dito. Maybe kaya niya rin gusto iyon kasi she's battling on it for so long pero wala ako'ng ginawa kung hindi mas bigyan siya ng pressure." I can't justify Han
"Oh nadyan na pala si Ms. De Guzman." Nag aalangan pa si Dean kung susundan niya pa ba ang kaniyang sinabi dahil napansin niya na rin na umiiyak ang tinawag niyang Ms. De Guzman. Pamilyar siya, ang surname niya ay katulad ng nabasa ko'ng pangalan sa envelope na nakita ko sa kwarto ni Nanay. Except on that ay sobrang pamilyar niya talaga, ang bigat ng pakiramdam ko nang makita ko siya. Parang gusto ko'ng sabayan yung pag iyak niya kasi feeling ko nasasaktan rin ako. "Ahm. Are you okay Ms. De Guzman?" Sa wakas ay may nagsalita rin, para namang natauhan si Ms. De Guzman dahil agad niyang pinunasan ang mga luha niya at inayos ang sarili. Hilaw siyang ngumiti sa amin bago lumakad palapit. "Yes po, Dean. May naalala lang ako nang makita ko siya, she seems so familiar with me. Pasensya na kung nakapagdrama ako agad." Nilakipan nito ng mahinang tawa ang sinabi pero halata pa rin na pilit iyon. "It's okay, iyan rin ang sinabi sa akin ni Mr. and Mrs. Cruz nang ininvite
"If pauwi ka na, ihahatid na kita." Pag-aalok nito sa akin, akala niya ata ay makukuha not ako sa ganon. "Salamat na lang pero kaya ko na." Pagtangi ko dito. "I insist, pabalik na rin naman ako sa Isla." Tatanggi pa sana ulit ako nang magsalita si Ruth. "Hanz, samahan mo naman ako pabalik sa school. May naiwan kasi ako'ng gamit doon." Mukhang nag aalangan ito nang tumingin sa akin. Niyaya niya pa ako eh may lakad naman pala sila, for sure naman na sasama siya. "Can you wait here?" Tanong nito sa akin kaya naman gusto ko siyang sampalin. Nakakainis, biglang paghihintayin ako mask uunahin niya si Ruth. Tumanggi nga ako sa alok niya pero I a pa rin yung dating na inuna niya si Ruth tapos paghihintayin niya ako dito. Tapos ano, kasama niya ulit si Ruth pagbalik at sabay-sabay kaming babalik sa Isla? No way. "Hindi na, mauuna na ako." Hindi o na siya hinayaang pigilan pa ako, at kung magpupumilit pa siya ay baka hindi mo na mapigilang sumigaw sa in
Nang makatayo ay diretso ko'ng tiningnan ang lalaking kanina pa'ng nanlilisik ang mata kay Duke. He seems so hard, parang walang makakapigil kung magwawala man siya ngayon. Buti na lamang nga at wala halos tao sa canteen kaya walang nakapansin sa nangyari, kung nagkataon na maraming nakakita ay siguradong hindi ko na gugustuhin pa'ng pumasok sa school. Ramdam ko pa rin ang pamumula at pag iinit ng pisngi ko. Sino ba namang hindi? Sabihin man na hindi sa lips iyon pero nahagip pa rin yung gilid ng lips niya. At isa pa, si Duke iyon. I don't want to feel awkward when he's around pero mukhang palagi ko'ng maaalala yung scene ngayon. "I told you to back off." Napalingon ako kay Hanz nang magsalita ito, masama pa rin ang tingin niya kay Duke. "That was an accident and bakit ako magbaback-off?" Sarakstisko ang pagsasalita ni Duke, magkaaway ba sila? "You assume to much, I guess. You can hang around for now but when the results came out,
2 YEARS AFTER "Happy Birthday, Tito Lyro." Ang matinis na boses ni Agatha ang sumira nang katahimikan namin sa mansyon. She always have her own entrance, mas bongga raw kasi kapag agaw-pansin lagi. Today is my Dad's birthday, and I still can't believe that despite what happened two years ago, I will be thankful. Hanz made surethat Madam Hilda would be imprisoned, and he did not break his promise. Wala na rin ako'ng balita kina Governor dahil mas pinili ko'ng hindi magtanong maliban na lang sa kaso ni Nanay noon. But before that, nalaman ko pa rin na buntis pala si Grace that time and si Duke ang ama. I'm just not sure if pinanagutan siya knowing how controlling Duke's family. Pagdating ko pa lang sa Manila ay pinilit ko na si Hanz samahan ako'ng dalawin ang totoo ko'ng ama. Baka kasi kahit papaano ay mahanap ko ang konting kapayapaan sa loob ko once makaramdam ako nang totoong pagmamahal gali
"NO! I want everything to end now. Madali sa'yo na sabihin yan kasi wala sayong nawala, kasi ikaw ang pinagmulan ng lahat. Pero paano naman ako'ng naging biktima niyo simula pa lang sa umpisa? From the part that I'm still in my sanity until this part." Kailan ba mawawala ang sakit na ito? I woke up with a throbbing head pero malinaw pa rin sa akin ang nangyari kagabi. Gusto ko'ng puntahan agad si Grace at marinig mula sa kanya kung nagawa niya ba talaga sa akin iyon. Siya ang una ko'ng kaibigan, lahat ng problema ko sinasabi ko sa kanya. May mga bagay na kami kang talaga ang nagkakaintindihan, kaya hindi ko matanggap, paano niya magagawa iyon sa akin? "Hindi ko sinabi na samahan mo ako, kaya ko ang sarili ko." I told Hanz before he could even complain again."All right, I will let you.""No one needs your permission."
"Ruth lumabas kayo dyan!" Hindi ko tinigilan ang pagwawala sa labas ng gate nila kasi ayaw ako'ng papasukin ng guard. Kanina niya pa rin ako inaawat pero wala’ng makakapigil sa akin ngayon."Ma'am baka mawalan po ako ng trabaho, umuwi na lang po kayo." Iwinaksi ko ang kamay niyang pinipilit ako'ng ilayo sa may gate. Hindi ako aalis nang walang nagagawa rito, hindi maaaring lagi na lang ako'ng talunan kay Ruth.Tiningnan ko nang masama ang guard na mukhang kanina pa rin kinakabahan. "Buhay ang nasira dito, Kuya. Hindi ako titigil hanggat hindi sila lumalabas." Kinalampag ko’ng muli ang gate para gumawa nang mas malakas na ingay. " Lumabas kayo! Bakit biglang natatakot kayo magpakita ngayon? I won't let this day pass without making any fuss here." Natigil lamang ang aking pagwawala nang makita ko ang anino nilang unti-unting lumalapit sa pwesto ko. Ang galit ko kanina ay mas lalong nadadagdagan, gusto ko na silang patayin sa mga ka
HANZ POV"Mr. Cruz, you still have a scheduled appointment with Mr. Gomez, he might not sign the contract if you don't show up again," Mrs. Mendoza remarked tremblingly, possibly because Mr. Gomez might burst out if I didn't show up later. I'm preoccupied with my personal life, and if they can't comprehend that, they should go."I don't care; if he created a mess here, send him away; I need to accomplish something more essential than his cheap signature.""But—""Just do what I said, or you want me to fire you and forget that you've been with this company for three decades." I'm just threatening her so she can't ask for anything else and insist on what I should do. Mrs. Mendoza has been a dedicated secretary since my grandpa was still the CEO; she's passionate, and we can't just let her go since she's
A wonderful day, the heat of the sun doesn't even bother my skin, and the clouds make a beautiful formation. Napaka payapa ng hangin, bawat galaw ay ramdam na ramdam ko at mas nagbibigay kapayapaab sa loob ko. Sa sobrang sarap sa pakiramdam nang katahimikan ay hindi ko na halos maisip kung bakit ako nandito, kung bakit nakahiga lang ako sa damuhan habang naka tingin lamang ng diretso sa ulap.I got tired of questioning His reason this past few days, alam ko kasing wala pa ako'ng makukuhang sagot sa kanya. Walang may gusto sa nangyari, nagkataon lang talaga na biktima si Nanay nang walang pusong tao at hindi man lang siya dinala sa ospital. Kung sakaling makikilala ko siya o sila, hindi ako magpapakita ng awa dahil ang sakit na naging pagmamanhid ay walang lunas. Hindi maaari na dala ko ang ganitong pakiramdam sa paglipas ng panahon habang sila ay nakakahinga nang maluwag kasi napatawad ko sila. Ang buhay na nawala ay walang katumbas at kung kailangan ko'ng magta
Days have passed like a blurry, at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nangyayari ito sa akin. I'm trying to assess myself if may nagawa ba ako'ng masama, pero alam ko'ng wala ako'ng ginawa na ikakasama nila. Agatha told me that the prize from the competition wired in my account, malaking tulong iyon para sa libing ni Nanay.Marami rin kaming kapit-bahay na nakikiramay, lalo na ang mga kasamahan ni Nanay kapag nagsusugal siya at nag iinom. At least she have friends bago siya mawala, may mga taong makakaala pa rin sa kanya bukod sa akin. Grace was with me earlier pero umuwi muna siya dahil kailangan niya nang mag ayos para sa sideline niya. I have no idea na may trabaho na pala siya sa Sta. Ana, pakiramdam ko rin ay lumayo ang loob niya sa akin. Hindi ko na lang mas mabigyan nang pansin sa ngayon kasi wala na ako'ng oras problemahin pa ang iba'ng bagay.Tumingin ako sa paligid para hanapin ang taong hindi umalis s
"Elisa, nagriring yung cellphone mo." That's a wake up call for me para mas lakasan ang pagpiglas ko at alisin ang mahigpit na yakap ni Hanz. Sobrang nakakahiya na lalo pa at siya ang quiz master sa competition namin. I can't take a risk and give the judges some doubt about my success.Kinuha ko ang cellphone kay Agatha at tiningnan kung sino ang caller, pero it's an unregistered number. Sinagot ko pa rin ito dahil baka emergency, bihira lamang ako'ng makatanggap ng message sa hindi ko kilalang numero. "Hello po," a simple greetings from me that wasn't given a chance to have a closing greetings for someone over the phone."Ito ba si Elisa Soriano? Ako si SPO2 Magbanlac, nasa hospital ang Nanay mo na si Lydia Soriano, na hit-and-run siya kanina at ang natanggap naming update ngayon ay binawian rin siya ng buhay bago pa makarating sa hospital. Kindly coor
I'm proudly standing in front of everyone, and I'm also in the center of the field with the other remaining participants. I continually analyzing myself to see whether I can truly win the competition, and despite being surrounded by individuals who can put me under pressure, I always feel at ease and comfortable.I cast my gaze among the crowd of students on the benches, but I can't see the pair of those deep eyes that always make my core shatter while also bringing me serenity. He said he's rooting for me, but even if he doesn't, I'll do everything I can to win this."Good day, students. Before I announce the process of the final round, I want to congratulate everyone for bringing pride to your school. This type of competition is a big opportunity for all of you, and whether you win or lose, you still have a great credibility." I looked up at the top of the benches where Mrs. Crawford was speaking. "You don't have to be anxious; you can alw
"Ang galing mo ah. Akala ko ay hahayaan mo lang yabangan ka nang NCR participant na iyon." Sabi ni Agatha nang makalabas kami. Ang daldal niya ngayon samantalang palipat-lipat lang yung tingin niya sa amin kanina."Wala ako'ng ginawa na mali sa kanya kaya hindi ko hahayaan na kung anu-ano na lang ang sabihin niya sa akin. Hindi naman kami close pero kung magsalita siya ay parang magkakilala kami."She just shrugged, "you're right, hindi na nga maganda tapos hindi rin matalino. Halatang hindi pinagpala katulad natin." Natawa naman ako sa sinabi niya. Her tone is casual but it was obvious that she's insulting that girl. Alam ko'ng gusto niya lang pagaanin yung mood namin kasi obvious na nainis talaga ako sa nangyari kanina. "I love your line pa nga kanina na, 'I'll advise you to study hard for you to maintain the rank 2 position. Just a second rank because I'm sure you can't beat me as rank 1.'"