7 YEARS AGOON THE WAY SA UNIVERSITYANNE POV“HOY! Herodes kang dimonyo ka!, bumaba ka sa sasakyan mo! Naku talaga makikita mo ang hinahanap mo” hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagsigaw kasabay ng malakas na paghampas sa aking manibela dahilan para walang tigil na tumunog ang aking busina sa sasakyang nakagitgitan ko. Pero kahit anong lakas ng sigaw ko ay hindi niya ako sinasagot tila nabingi na ito sa lakas ng aking busina. “Nakakainis talaga Mary ! Parang minamalas ako ngayong araw…Nakakainit ng ulo! Gusto ko ng sakalin ang lalaking ito gamit ang sarili niyang kurbata! Napaka bastos at ang yabang!. Aba sinabihan niya akong tanga at parang bata kanina! Sabi pa niya paano daw ako naka pasa sa pagkuha ng drivers license ee hindi naman daw ako marunong mag-maneho? Hay ang sarap niyang murahin. Naghahabol pa naman ako ng oras. Paniguradong mala-late ako nito sa entrance exam! Girl ayokong magkahiwalay tayo ng Unversity na papasukan” hindi ko pa rin inaalis ang kamay ko sa manibela
PRESENT TIMEANNE MENDOZA:"This is bullshit!" napapamurang bulong ko sa aking sarili. Hindi ko hahayaang mahulog ako sa patibong ni Madam Jennie Alcantara Valderama, ang future monther-in-law ko. Hindi mawala sa isip ko ng marinig ko kanina ang pakikipag-usap nito sa isang lalaki sa plano nilang pagpapadala sa akin sa kama ng ibang lalaki, at lahat ng ito ay isasakatuparan nila sa sandaling umalis na si Vince para sa kaniyang urgent business trip. Hindi ko sila hahayaang magtagumpay sa gusto nilang mangyari."Aaa..." mahina kong angal sa iniinda kong pagsakit ng aking katawan. Pilit kong binabangon ang sarili ko mula sa pagkakahiga sa malambot na kamang iyon, ngunit bago pa ako tuluyang makabangon ay umalingangaw na ang sigaw ng isang galit na lalaki mula sa silid kung saan ako naruruon."Sinong nagsabi sayong pumasok ka sa kwarto ko?!"Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pilit kong inaalala kung pano ako napunta sa lugar na iyon? At kung nasan nga b
THIRD PERSON POVPagkasabi ni Anne ay mabilis siyang tumayo , walang magawa si Hector kundi hayaan ito sa kaniyang desisyon. Hindi niya maaring pilitin ang dalaga. Nakatingin lang siya kay Anne habang pilit itong tumatayo ngunit kitang kita ang panginginig sa kaniyang mga binti, bago pa siya tuluyang bumagsak ay mabilis na pinaandar ni Hector ang kaniyang wheelchair papalapit sa kinatatayuan ni Anne. Kinapitan niya ang braso nito at magkasabay silang bumagsak sa sahig. Nalaglag si Anne sa dibdib ni Hector. Ang mabangong aroma ng katawan ni Anne ang nagpabalik sa ala-ala ng ngyaring iyon kagabi sa pagitan nila ni Hector. At ang laway ng pagnanasa ay gumuhit sa adams apple ni Hector. Sa sobrang kahihiyan ni Anne, gusto niyang bumitaw, ngunit nanghina ang kanyang mga binti at hindi siya makatayo. Muli na naman siyang bumagsak sa katawan ni Hector ng subukan niyang tumayo. Pagkatapos, narinig niya ang banayad ngunit seryosong tanong ni Hector sa ibabaw ng kanyang ulo,"nasaktan ba kita kag
Napaungol sa sakit si Hector at agad niyang inabot sa kaniyang ama ang tungkod nito. Napasimangot ako sa ginawang iyon ng matandang Valderama. Buong lakas itong sumigaw sa kaniyang anak."sabihin mo sakin ngayon. Ano ang gagawin mo para maayos ang kalokohang ginawa mo?""pakakasalan ko siya Papa, pananagutan ko kung ano man ang kasalanang ginawa ko sa kaniya."Ngumuso at halatang tutol si Don Antonio sa suhestyon ni Hector"pakakasalan mo si Anne? at pananagutan siya? sa itsura mong yan, hindi ikaw ang magdedesisyon tungkol diyan. Kailangan tanungin muna namin si Anne kung sang ayon siya sa gusto mong mangyari bago kami sumang ayon sa suhestyon mo!""Yaya, dalian mo at kunin mo ang latigo ko"Hindi naman ito kaagad sumunod sa pinag-uutos ni Don Antonio, nanatili itong nakatayo sa gilid ng matanda at nagmakaawa ito para kay Hector ."Don Antonio, baka po hindi pa kayanin ni Sir Hector? Hindi pa siya nakaka recover sa aksidenteng kinasangkutan niya, bakit hindi niya kayanin ang hagupit n
HECTOR VALDERAMANang tumalikod na si Papa ay inaya ko na si Anne na magtungo sa aming garahe. Habang naglalakad ay nakita ko sa kaniyang awra ang matinding pagkamuhi sa kahihiyang ginawa sa kaniya ni Jennie. Siguro nga ay hindi niya pa lubusang kilala ang sister-in-law kong iyon at kung gaano ito ka demonyo. Kung hindi pa niya naiintindihan ang lahat ng ngyari ngayong araw masasabi kong siya na ang pinaka tangang tao sa mundo. Lingid sa kaalaman niya na kahit na kailan ay hindi siya nagustuhan ni Jennie para sa anak nitong si Vince, palagi nitong minamaliit ang pamilya ni Anne kaya’t alam kong sa kahit na sa anong paraan ay gagawin niya para lang mawala sa landas niya si Anne. “Okay ka lang ba Anne?” tanong ko ng mahinahon sa kaniya Napabuntong hininga siya bago sumagot. “I’m sorry aaa… nadamay ka pa sa masamang planong ito ni Tita Jennie.. Ay Jennie na lang pala…” seryoso din ang kaniyang boses. “WalAnnen… matagal ko ng kilala si Jennie at lahat gagawin niya makuha lang ang gusto
HECTOR POVHindi ko iniisip ang kung anumang sinasabi ni Anne ngayon. Nagsisisi akong inalis ko kaagad ang aking daliri sa leeg ni Anne. “Tang ina ang sarap sa pakiramdam!” Bulong ko sa sarili ko. Ang lambot at ang kinis talaga ni Anne. Bahagya kong itinulak ang aking salamin , kailangan kong magtimpi. “Chill Hector. Alalahanin mo gentleman ka ngayon.” Pagpapaalala ko sa sarili.“Uhm.. ganito kasi yan Anne, siguro nung mga kapabataan ko , hindi talaga ako pasensyosong tao. Palagi akong napapa trouble pero hindi ko kailanman sinuway ang batas. Sakin dala lang yun ng mga trouble ng kabataan.”Nang mapatingin ako kay Renz pasimple ko siyang pinanlakihan ng mata. Pero makikita ang pag ngisi nito. Natatawa na lang din ako sa sarili ko. Bakit parang nababahag ang buntot ko pagdating kay Anne.To be honest, isa sa mga pang asar sakin ni Renz ay hindi daw ako nakikipag bubugan lang. Once na ako ang kinabangga , siguradong patay kagad. “Anne, yung mga negosyong pinapatakbo ko , yang mga ba
ANNE POVGulat na gulat ako sa bilis ng pangyayari. Sa isang iglap tila nagbago ang aking kapalaran . Kahapon lang ay nag-aalala ako kung saan ako titira pagkatapos ng lahat ng kaguluhang ito, wala na akong balak na bumalik pa sa unit ng mga magulang ko, pero ngayon?..., kapit ko sa kamay ko ang titulo ng unit at lupa na nakapangalan sa akin. Kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. Hindi ko inaasahang ang tiyuhin pa ni Vince ang makakapagbigay sa akin ng ganitong klaseng pakiramdam na ligtas ako. Naiinis ako dahil dun , bilang pasasalamat ay malumanay kong sinabi “Huwag kang mag-alala Hector, aalagan kita ng maayos.”“Okay” gumuhit ang nakakabighaning ngiti sa labi ni Hector. Itinulak ko ang wheelchair ni Hector papasok sa loob ng munisipyo. At sa tulong ni Renz mabilis naming nakuha ang aming marriage certificate. Medyo nahihilo pa ako kaya hindi ko na pinansin ang kakaibang pag ngiti ng lalaking kumukuha ng picture namin ni Hector bilang katibayan sa aming kasal. Pagkakuha namin ng
HECTOR POVNang makita ko ang namumula at halos duguang pisngi ni Anne ay bahagya kong inangat ang aking salamin sa tungki ng aking ilong. Binigyan ko ng isang malamig at nakakatakot na tingin ang mga magulang niya. Saglit na natigilan si Anne sa kaniyang kinatatayuan. Nang makita ni Renz ang panlilisik ng aking mga mata ay agad niyang nilapitan si Anne para baguhin ang namumuong tensyon sa aking utak. “Miss Anne, nag-alala kasi si Boss dahil hindi ka nakabalik kagad, nag-alala siyang baka nahirapan kang buhatin ang mga gamit mo, kaya kami pumasok na para tulungan ka.”Namumula ang mga mata ni Anne at ang kaniyang pisngi ay tila namumula sa init at malamang ay nananakit ito dahil sa bahagyang pag ngiwi ng kaniyang mga labi. Marahil ay nahihiya siya kaya nanatili ang kaniyang ulo na nakayuko at hindi nangahas na tumitig sa aking mga mata, mabuti na din ito dahil hindi niya nakita ang nanlilisik kong mata. Dala lang niya ang kaniyang maliit na bag, at maliit na maleta, mabilis siyang
Ano pa ba ang mas masarap sa pakiramdam kaysa sa maipakita kay Joana ang kanyang pagkatalo habang kasabay nitong lumalakas ang stocks ng Valderama Group of Company?! Ilang sandali pa ay naglabas ang Mendoza Group ng opisyal na pahayag "Buong suporta para sa stocks ng Valderama Group of Company." Maging si Rolando na halos hindi mahilig sa social media ay nagpagawa ng maikling video na in-upload online. Sa video, sinabi niya: "Bilang isang ama, buong puso kong sinusuportahan ang aking anak na si Anne. Pinanood ko ang kanyang live broadcast at labis akong naantig. Dahil dito, nagdesisyon ang Mendoza Group na ilagay ang lahat ng pondo nito sa stocks ng Valderama Group of Company!" At tulad ng kanyang sinabi walang pag-aalinlangan niyang inilagay ang buong pondo ng kumpanya sa stock market! Sa loob ng ilang minuto, tumaas ulit ng isang puntos ang stocks ng Valderama Group of Company! Di nagtagal, si Luigi ang pinuno ng pamilyang Ayala ay nagpaunlak ng panayam at inihayag ang kan
Ang paggamit ni Anne ng salitang "walang karanasan" ay malinaw na panunukso sa kanyang kawalan ng hiya! At ang inosenteng ekspresyon nito… Napakapamilyar! Nakakainis! "Sa madaling sabi! Isang sagot lang ang kailangan ko! Ipapanganak ko ba ang batang ito o hindi?!" Napatingin si Anne sa kanya na tila nagtataka. "Ako ba ang dapat magdesisyon diyan?" "Oo!" matigas na sagot ni Joana. Napakunot ang noo ni Anne. "Napakahina mo ba sa pagdedesisyon? Pati tungkol sa batang nasa sinapupunan mo, kailangan mo ng ibang taong magdesisyon?" Ano bang desisyon ang inaasahan mong gawin ko? Kung sabihin kong ipalaglag mo ang bata, magiging makasalanan ako sa buong bansa. Kung sabihin ko namang ituloy mo ang pagbubuntis, makakapagpakasal ba kita kay Vince? Ako ba ang magpapalaki sa bata? Sa huli, ikaw pa rin ang may pananagutan sa lahat ng ito. Ikaw mismo ang dapat magdesisyon at manindigan para sa sarili mo." "Tama!" sabay na tugon ni Mary at ng Mrs. Sanvictores. Ramdam nilang napakag
"Siyempre hindi!" "Tama!" "Hindi ko papayagan! Nakakagalit! Kung ako ‘yan, sasabunutan ko na ‘yang babae na ‘yan!" "Tama! Iyak nang iyak, puro arte! Kung mayaman din pamilya ko, hindi ko rin kukunin ‘yang babaeng ‘yan!" Halos hindi na makahinga si Joana sa sobrang hiya. Namumula at namumutla ang mukha niya sa galit. Mariing tinitigan niya si Anne na punong-puno ng poot. "May ebidensya ka ba?! "Ginagantihan mo lang ako! Sinisiraan mo ako!" "May ebidensya ako!" Ngumiti si Anne. "Mayroon kaming CCTV footage mula sa ospital, at mayroon ding pahayag mula sa doktor na kinuhanan ng salaysay ng pulisya. "Gusto mo bang ipalabas ko ito sa screen para makita mo?" Nanlaki ang mata ni Joana sa takot at mabilis na nagsabi, "Huwag!" Pero nang mapagtanto ang sinabi niya, agad niyang binawi ang sagot. "Hindi! Peke ang lahat ng ‘yan! Pineke ninyo ang ebidensya! Sinisiraan ninyo ako!" Si Anne ay bahagyang ngumiti, pero ang kanyang tono ay malamig. "Oh, gusto mong sabihin na ang pulisya
"Sige, hayaan ninyong ako naman ang magtanong! Simula nang mabuntis ako hanggang sa malaman kong kambal ang dinadala ko May sinabi ba kahit isang beses ang pamilya n’yo tungkol sa pananagutan? May nag-utos ba kay Vince na pakasalan ako?" “Wala." Diretsong sagot ni Donya Estrelita, hindi man lang nagbago ang kanyang ekspresyon. "Dahil mula’t sapul, sinabi na ng apo ko na matindi ang pagkamuhi niya sa’yo. Matagal ka na naming sinabihan na susuportahan ka namin—pinansyal at sa mga materyal na pangangailangan mo. Kung itutuloy mo o hindi ang pagbubuntis, desisyon ‘yan ng dalawang panig. Pero ang tanging hindi namin pipilitin ay ang pag-aasawa! Dahil ang kasal ay panghabambuhay!" “Hindi magpapakasal? Kung hindi naman pala pakakasalan, anong klaseng pananagutan ‘yan?!" Mabilis na sagot ni Joana. Maraming babae sa audience ang tumango at sumang-ayon. "Tama! Kung may lalaki na mabubuntis ang anak ko at hindi siya pakakasalan, hindi ko palalampasin ang pamilyang ‘yan!" "Oo nga!
Kitang-kita sa mukha ni Joana na naintindihan niya ang pahiwatig nito.Kaya biglang nanigas ang kanyang ngiti."A-ah... May kinalaman ba ang tanong na ‘yan sa sanggol na dinadala ko?""Siyempre meron!" sagot ng host nang seryoso. "Ang bawat batang ipinanganak sa mundong ito ay dapat may kasamang pagmamahal at pagpapala.Kung mauunawaan natin ang damdamin ng mga magulang ng bata, mas mapapadali ang ating paghusga."Dito na nagsalita na rin si Anne sa tamang tiyempo."Ayon sa mga tsismis, si Mr. Vince daw ay ayaw sa batang ito at pinipilit kang ipalaglag ito.Dahil sa isyung ito, bumagsak nang ilang araw ang stock ng Valderama Corporation.Kaya dapat nating alamin: Ano ba talaga ang damdamin ni Mr. Vince para sa’yo?Kung talagang masaya at maayos ang relasyon niyo, bakit niya gugustuhing ipalaglag ang bata?"Nablock ang daan ni Joana at wala na siyang matinong palusot.Ilang sandali siyang hindi makapagsalita at bago napilitan niyang umubo at utal-utal na nagsabi"Hi-hindi ko alam..."H
Kumindat si Anne at walang pag-aalalang sumagot. "Walang problema. Kahit hindi ko sabihin, siguradong mahahanap ito ng mga netizens. Si Vince ay ang dati kong fiancé." Pagkatapos niyang sabihin ito, napuno ng bulungan at pagka-gulat ang buong audience! Sinamantala ng ina ni Mary ang pagkakataon at malakas na ibinulong sa mga katabi "Ano?! Si Miss Anne at ang ama ng batang dinadala niya sa sinapupunan ay dating magkasintahan?! Anong kapal ng mukha ng babaeng ‘yan para italaga si Miss Anne sa kasong ito?! Buntis pa siya, tapos pupunta sa ex ng kasalukuyang fiancé niya para magpapansin?!" Ano’ng pinagkaiba nito sa mga kontrabidang babae sa teleserye?!" Narinig ito ng ibang tao at agad na sumang-ayon. "Ang sama ng babaeng ‘yan!" "Tama! Isa ba siyang kabit na pilit pumapasok sa relasyon ng iba?" ... Dahil sa mga komentong ito, lubos na napahiya si Joana sa entablado. Gusto niyang umalis, pero hindi siya makagalaw. Nagsenyasan si Mary at ang kanyang ina: Mary: "
Napangiti si Anne at inutusan ang mga bodyguard na ihanda ang sasakyan upang ihatid ang mga tsismosang iyon sa foundation.Pagkaalis nila, agad niyang tinawagan ni Anne si Mrs. Sanvictores at ipinaliwanag ang kanyang plano.Matapos makuha ang pagsuporta ng kanyang ina-inahan ay tinawagan naman niya si Joana.Sinabi niya rito na may mga eksperto sa emosyon at grupo ng tao mula sa foundation na tutulong upang maresolba ang kanyang kaso."Pero may isang bagay kaming kailangang itanong sa'yo."Nagtanong si Joana "Ano iyon?""Ganito kasi, gusto naming tiyakin na patas ang proseso. Ayokong isipin ng iba na inaapi kita.""Dahil dito, ang foundation ay nagpaplanong imbitahan ang TV station upang gawing live broadcast ang usapang ito sa isang emotional talk show. Wala naman sigurong problema sayo ito, hindi ba?Huwag kang mag-alala, nakausap ko na rin ang tech team. Maaari naming i-censor ang iyong mukha para maprotektahan ang iyong privacy."Lihim na natuwa si Joana sa narinig.Hindi ba't par
Alam kong para sa Valderama, isa lang itong patak sa dagat. Pero gusto kong ipakita ang aking paninindigan. Ipinapahayag ko na ako, si Rolando, ay buong pusong pumapanig sa aking anak!""Ang aming pamilya at ang Pamilya Valderama ay nasa iisang panig!""Ayos." Lumalim ang tingin ni Hector, at pagkatapos ay tumango siya at umalis.Samantala, sina Felyn at Charles ay halos lumuwa ang mata sa narinig nilang "lahat ng ari-arian" ni Rolando."Sira ulo ka na ba?!""Oo nga, Papa! Ano'ng pumasok sa isip mo? Kahit gaano kalakas si Hector, kaya ba niyang talunin ang walong pamilya?""Kung magsanib-pwersa ang mga iyon, kayang pabagsakin ang Valderama nang walang kahirap-hirap!"Nagkunwaring isang marangal na ama si Rolando at matigas na sinabi"Kapag nasa panganib ang iyong kapatid, dapat kumilos agad ang pamilya natin kundi pagtatawanan siya ng kanyang mga in-laws!" Habang pinapanood ni Elaine kung paano hayagang sinusuportahan ni Rolando si Anne ay lalong lumalim ang kanyang pagka-inis.May
Si Charles na ang nagsalita dahil sa pagkainip sa tagal ibuka ng kaniyang ama ang kaniyang bibig. "Maaga pa lang ay inutusan kami ni Papa na samahan siya. Sabi niya, may narinig siyang mahalagang bagay kagabi."Maging sina Charles, Elaine, at Felyn ay halatang naguguluhan din.Nang makahinga nang maayos ay seryosong sinabi ni Rolando"son-in-law, kakaupo mo pa lang sa posisyon kahapon, kaya nag-ikot ako kagabi upang alamin ang sitwasyon.""At sa wakas, may natuklasan akong isang napakalaking lihim!""Si Jennie at Euleen ay nakipagsanib-puwersa sa walo pang pamilya upang pabagsakin ka!"Agad na kumunot ang noo ni Anne nang marinig ito at hindi mapigilang itanong"Pa, ano po ang narinig ninyo?""Ang walong pamilya sa Tondo ay may kani-kaniyang bahagi sa Valderama's Group.""Ngayong bumagsak ang stock price, si Jennie at Euleen ay bumili ng maraming stocks...""Ang pamilya Cruz ay nagpunta sa bawat bahay kagabi, hinihikayat ang lahat na ibenta ang kanilang mga stocks eksaktong 9:30 ngay