Pagkasabi noon ay hinawakan ni Vince ang kamay ni Anne na parang nababaliw. "Hindi! Hindi ako naniniwala!" "Sinasabi mo lang 'yan dahil natatakot kang gantihan niya ako, 'di ba?" "Sigurado ako! Anne, hindi ako naniniwalang mahal mo na kaagad si Uncle Hector sa ganito kaikling panahon. Si Uncle Hector ay isang malupit at walang awa na tao, masyadong kumplikado ang kaniyang nakaraan. Anne, pinakaayaw mo ang mga ganitong tao! Sabi mo dati, natatakot ka kay UncleHector ko!" Habang nagsasalita, huminga nang malalim si Vince at ibinaba ang boses niya: "Anne, huwag kang matakot. Alam kong may natitira pang kapangyarihan si Uncle Hector. Pero, pamangkin niya ako. Kahit na kunin kita at lumayo, hindi niya ako mapapatay. Basta maayos natin ang plano, makakatakas tayo. Pwede tayong mamuhay sa isang maliit na bayan kung saan walang nakakakilala sa atin…" Bago pa niya matapos ang sinabi, biglang narinig ang malamig at mababang boses ni Hector mula sa likuran niya. "Oh? Sige, su
*"Hindi ko inaasahan na mangyayari ang ganitong kalaking bagay sa pamilya sa panahong ito! Anne, hindi mo ginusto ang pagpapakasal sa anak ko at alam kong napilitan ka lang. Kung ayaw mo talaga... maaari pa akong magsalita ng ilang salita, at hindi kita pipilitin na manatili." Napakagaan ng loob ko sa kanya. Ma, handa akong magsikap upang maging mabuting asawa ni Hector." Nangilid ang luha sa mga mata ni Donya Estrelita, luha ng kaginhawahan at sunod-sunod siyang tumango "Good, good! Sa totoo lang, si Hector ay talagang mabuting tao. Kahit ano pa ang sabihin ng iba tungkol sa kanya, siya ay aking sariling laman at dugo. Kaya alam ko ang totoo! Ang tatlong magkakapatid na ito ay may iba’t ibang personalidad, iba’t ibang hilig, at iba’t ibang paraan ng paggawa ng mga bagay, ngunit lahat sila ay karapat-dapat sa tradisyon ng pamilya Valderama!" Sa labis na emosyon, mahigpit na hinawakan ni Donya Estrelita ang kamay ni Anne "Kung ganoon, ipagkakatiwala ko na sa iyo ang
Nang marinig ko ang sunod-sunod na tunog ng doorbell, agad na lumaba ang katulong para silipin kung sino ito. Tila may bisita na hindi namin inaasahan. Maya maya ay lumalakad papasok ang katulong at kinausap si Donya Estrelita"Donya Estrelita, may babae po sa labas, ang pangalan daw niya ay Joana. Sabi niya, kasamahan daw po siya ni Sir Vince. Sabi niya gusto raw niya kayong makita," sabi ng katulong Naputol ang magulong mga saloobin ko nang marinig ko iyon. Parang nagkaroon ng biglaang katahimikan sa aking paligid at tila ang bawat tunog ay naging mas malinaw sa aking pandinig. Lumingon ako kay Donya Estrelita. Matalim ang kanyang tingin, at hindi ko alam kung ano ang kanyang iniisip."Huwag mong papasukin. Ayoko siyang makita!" Sigaw niya, habang ang kanyang kamay ay iniunat at parang padabog na nagsalita. Ang lakas ng kanyang boses ay parang nagbigay ng malamig na hangin sa buong silid.Tumayo siya at kinuha ang isang kulay green jade bracelet. Agad niya itong isinuot sa aking pu
Isang malambing na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Donya Estrelita, at marahan niyang hinaplos ang likod ng aking ulo. “Tsk, napaka-inosente mo talagang bata ka. Kaya gustong-gusto kita,” sabi niya, at muling nagbigay ng init sa aking puso.Ngunit bago ko pa man makasagot, dumating muli ang katulong at yumuko. “Donya Estrelita, ipinaabot po ng babaeng nasa labas ang isang… visiting card.”Mabilis akong kumalas mula sa yakap ni Donya Estrelita, pinahid ko ang mga luha ko sa sulok ng aking mata, at napansin ko ang alanganing ekspresyon ng katulong habang hawak nito ang isang B-ultrasound form. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero pakiramdam ko’y isang malaking bagay ang mangyayari.Kinuha ito ni Donya Estrelita at may bahagyang pangungutyang ngiti sa labi. “Papasukin mo siya.”Napamulagat ang aking mga mata.Buntis si Joana... kay Vince?!Ibig sabihin, kahit hindi pumayag si Vince na makipaghiwalay sa kanya noon, nagawa pa rin niyang buntisin si Joana?!Anong klaseng hayop siya?!
Pero hindi ko inasahan na magiging ganito ang reaksyon ni Vince nang malaman niyang hindi ko ininom ang birth control pills na binigay niya. Gusto ko lang sanang manipulahin ang sitwasyon, pero ang galit na nakita ko sa mukha ni Vince ay mas malupit pa kaysa sa inaasahan ko.Wala na akong ibang mapuntahan kundi ang pamilya Valderama. Alam kong makakahanap ako ng tulong sa kanila. Ang mga mayayaman at makapangyarihan ay pinahahalagahan ang kanilang mga tagapagmana. Hindi nila hahayaan na mawala ang sariling dugo at laman ng pamilya nila."Lola, tulad ng nakikita ninyo, buntis ako sa anak ni Vince. Isang aksidente ang pagdating ng batang ito, pero..." Habang sinasabi ko ito, tumingin ako kay Anne. Hindi ko kayang tingnan siya ng diretso sa mata, kaya't nahihiya kong inilihis ang aking tingin."Pero, Lola, wala akong kakayahang palakihin siya. Lalo na't si Kuya Vince ay napakaraming naitulong sa aming pamilya noon. Kumuha pa siya ng isang milyong piso mula sa dividend card para matulunga
[Henry: ...Humihingi ka ba talaga ng pasensya? Malinaw na sinusulit mo lang ang pagkakataon para ipakita ang lambingan niyo!]Matapos itanong ni Anne ang tungkol sa kalagayan ni Hector, naalala niya ang sinabi ni Donya Estrelita.“Kuya pinapatawag ka ni Mama, nanduon si Joana. Sinasabi niyang buntis siya at may abugado din na gumagawa ng kasulatan para sa kanilang utang niya kay Vince.”“Anong kalokohan ito!” mabilis na tumayo si Henry at nagtungo sa silid ni Donya Estrelita.Nang makaalis si Henry ay agad din siyang sinundan ni Hector."Halika, itulak mo ako papunta sa kwarto ni Mama. Manonood tayo ng kaguluhan."Hindi nakapagsalita si Anne sa pagiging tsismoso ng kaniyang asawa. Habang dumaraan sila sa sala, nakasalubong nila sina Felix at Cielo. Ipinaliwanag ni Hector ang sitwasyon."Bilang tiyuhin at tiyahin ni Vince, pupunta rin ba kayo para makita ang kaguluhang iyon?"Pagkatapos niyang sabihin iyon, agad siyang bumawi "Ay, mali, ibig kong sabihin... pupunta ba kayo para mag
Muling nagulo ang emosyon ni Joana dahil sa pamilya Valderama. Pakiramdam niya ay nawawala siya sa sarili.Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili niya at nagsalita:"Noong araw na iyon, may nangyari sa pamilya ko. Sinamahan ako ni Kuya Vince pabalik sa probinsya para asikasuhin ito, kaya kinuha rin niya ang dividend card sa bahay nila."Sandali siyang tumigil, pagkatapos ay tiningnan niya si Anne."At ang araw na iyon... ay siya ring araw nang dalhin ni Ate Anne ang ina ni Kuya Vince sa istasyon ng pulisya..."Sa totoo lang ang gusto niyang palabasin ay si Anne ang may kasalanan ng lahat ng ito! Tumagilid ang mukha ni Anne, at narinig niyang magpatuloy si Joana sa pagsasalita."Masama ang mood ni Kuya noong araw na iyon kaya uminom siya ng maraming alak, at pagkatapos... inisip niya akong si Ate Anne..."Sumabay ang mapait na tawa ni Anne. Inaayawan siya ni Vince!Ayos lang, hindi siya yung klase ng tao na madaling maayawan."Joana, hindi mo yata akalaing na hindi lahat ng tao dito a
Si Vince ay natulala gayun din ang iba pang tao sa loob ng silidMayabang namang nagsalita si Hector "Ang asawa sa pakiramdam na mahal ako ng asawa ko!” "Kung may sasabihin ka man, gawin mo iyon ng maayos. Kung hindi mo gagalangin ang Uncle mo at babastusin mo siya, i swear Vince bilang asawa niya ay hindi ko iyon palalampasin!” bPagkatapos ng sinabi ni Anne, naramdaman ni Vince na parang may malalim at mababaw na sugat na umabot sa kanyang puso."At hindi mo ba alam kung para kanino ginagawa ito ng Uncle mo?"Hindi alam ni Vince kung tatawa o iiyak ba siya "Para ba sa akin?""Vince, kahit na galit ka sa akin at kahit na sa tingin mo ay ginagawa ko ito ng sinasadya wala na akong magagawa dahil yan ang opinyon mo. Pero kahit na anu pang isipin mo, pamangkin kita at tiyuhin mo ako. Magkapareho tayo ng apelyido at iisa ang pamilyang pinagmulan natin. Sa tingin mo ba sasaktan kita?"Itinaas ni Hector ang kanyang kilay at tiningnan si Vince ng kalmado.Ngunit si Vince ay labis na nagulat
Lumingon siya kina Mrs. Sanvictores at Mary.Tumango ang dalawa sa kanya, hudyat na handa na sila.Ilang saglit pa, isang tunog ng pagbukas ng kandado ang narinig.“Click.”Bumukas ang bakal na pinto ng detention center, at lumabas si Felyn na parang wala sa sarili.Magulo ang kanyang buhok, lukot ang kanyang suot na damit, at tila walang sigla ang kanyang mga mata habang naglalakad.Bago siya tuluyang lumabas, may sinabi pa ang isang staff ng detention center sa kanya.“Felyn, ngayong malaya ka na, sana naman ay maging mabuting tao ka na! Sumunod ka sa batas! Huwag mong balewalain ang isang paglabag. Kapag nilabag mo ulit ang batas, siguradong ipapadala ka ulit dito para sa administrative detention.”“Oh,” sagot ni Felyn nang walang emosyon, bago niya ibinaling ang tingin sa paligid, hinahanap kung sino ang sumundo sa kanya ang kanyang asawa ba? Si Elaine? O ang tatlo niyang anak na lalaki?Ngunit ang narinig lang niya ay ang sunod-sunod na pagbukas ng mga pinto ng sasakyan.Bang, b
HECTOR POVPagdating ng gabi ay bumalik na ako sa kwarto upang maligo.Pagkatapos kong maligo ay bumungad agad sa akin si Anne.Bago pa ako makapagsalita, hinila na niya ang sinturon ng kanyang windbreaker at itinali ito sa aking leeg.Napakagat ako sa loob ng pisngi at napatingin sa kanya, ang tinig ko ay bahagyang napaos. Hinila ko siya palapit at pinaupo sa aking kandungan. "Anne, sa tingin ko ay naging mabait naman ako ngayong araw. Wala naman akong maling sinabi, hindi ba? Maaari ko bang malaman kung bakit mo ako tinatali?"Hinila niya ang sinturon nang mas mahigpit, inilapit ako sa kanya, at saka niya ikinuskos ang kanyang ilong sa ilong ko. "Dahil gusto kitang itali rito, para hindi ka makaalis kahit saan."Napangiti ako at naalala ko ang plano niyang magkaanak kagabi. "Anne, mukhang hindi yata pwede. Kailangan kong pumunta sa study room at mag-overtime kasama si Renz ngayong gabi."Nakita kong nagbago agad ang ekspresyon niya hindi siya natuwa sa sinabi ko. Kaya agad niyang h
Natahimik ako sandali.Si Euleen? Halos sumabog na.Nang marinig ko ang salitang "baby ko" mula kay Hector, hindi ko napigilang umangat ang sulok ng aking labi. May kakaibang kilig na dumaloy sa katawan ko, at hindi ko namalayang nagpakita ako ng isang mahinhin at mahiyaing ekspresyon tulad ng isang babaeng lubos na inaalagaan.Sa kabilang banda, si Euleen naman ay mukhang aatakihin na sa puso.Binaba ko ang tawag at mabilis kong kinuha ang bag ko mula kay Euleen habang siya ay naiwang tulala pa rin, saka ako umalis na hindi man lang lumingon.Naiwan siyang nakatitig sa aking likuran, ang tingin niya ay halos magyelo sa sobrang lamig.Hindi niya inaasahan na si Hector ang lalaking kilala sa pagiging matigas at walang inuurungan ay may ganitong klaseng pagka sweet at may matinding pagpapahalaga sa babae.At ang mas masakit pa rito? Ang lahat ng ito ay para sa akin.Ako.Ako na labis niyang kinaiinisan.Paanong hindi siya magagalit nang ganoon na lang?THIRD PERSON POVSa puntong ito, l
Nagpatuloy pa ang doktor, pero hindi ko na masyadong narinig. Hindi nagtagal ay lumabas na ako ng examination room na lumulutang ang isip. Iniwan ko na silang dalawa.Pagkatapos ng ilang saglit, natagpuan ko ang sarili kong nasa harap na ng Shop. 21. Hindi ko alam kung paano ako napadpad dito, pero nandito na ako. Sa isang lugar na, ayon sa sabi-sabi ay gumagawa ng custom-made sexy lingerie.May kung anong init ang pumaitaas sa pisngi ko. Hindi ko alam kung ano ang nakapagtulak sa akin baka epekto ito ng kambal na anak ni Joana? Ng pangarap ko? Pero narito na ako.Paglabas ko, sakto namang may nakasalubong akong grupo ng mga taong pamilyar.Kaya napahinto ako. Pati sila ay natigilan.Nakita kong tinitigan ni Euleen ang sign ng tindahan, at agad na nagdilim ang mukha niya."Anne, huminto ka!" sigaw niya, may halong galit. "Hayop ka, anong ginagawa mo dito?"Napakuyom ako sa dala kong bag. Wala na akong kawala. Pero wala din akong pakielam sa kaniyaBiglang sumugod si Euleen at sapilita
Habang nagsasalita siya, nanlumo ang mga mata ni Joana "At... at sinabi din po ni Ate Anne na nag-aalala siya na kung ipa-abort ko ang bata, baka makaapekto ito sa aking kakayahang magka-anak sa hinaharap. Kuya Vince, natatakot po ako na baka wala na akong pagkakataon na maging ina." Gumalaw ang labi ko, pero hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko. Alam kong ginagamit ako ni Joana. Pero totoo na may epekto ang abortion surgery sa mga kababaihan, at may mga pagkakataon na hindi na sila magkakaroon ng anak sa buong buhay nila. Mahirap para sa kanya na magdalang-tao, pero hindi ibig sabihin nun na gusto ko na walang anak ang lahat. Nang sandaling iyon, lumabas ang nurse at tinawag ang pangalan ni Joana "Joana, pumasok na po kayo para sa examination." Hinanap ni Joana ang kamay ko at nagsabi sa nurse: "kapatid ko! Gusto po ni Ate Anne na samahan ako." "Okay po. private hospital naman po ito. Pwede po ang asawa, sister, tatay at nanay mo ang sumama. Walang problema po." Sinabi ng n
Agad na binuksan ni Euleen ang kanyang mobile page at, tulad ng inaasahan, nakita niya ang pangalan at larawan ko sa column ng mga kandidato. Kitang-kita ang pagkagalit niya habang tinitingnan ito. "Ito... Paano nangyari 'to! Klaro namang..." Napansin ni Euleen na nasabi niya ang maling bagay at mabilis na tumahimik. Bumukas ang pinto ng elevator, pumasok ako at ngumiti kay Euleen. "Kapag nakita mo ako ulit, tandaan mong basahin ang pangalan ko nang baligtad." Tinutok ni Euleen ang kanyang mga paa sa sahig sa galit. "Huwag kang magmalaki! Hindi pa tiyak kung makakakyat ka pa sa campaign platform!" Habang sinasabi iyon, biglang iniwasan ni Euleen ang pinto ng elevator na magsasara, sabay tawa nang may pang-asar. "Anne, hindi ko talaga kayang paniwalaan na ang isang tao na ipinasok ang sarili niyang ina sa kulungan ay magpapartisipate sa election? "Maghintay ka lang, marami akong paraan para ipahiga ka at hindi ka makakapit man lang sa railings ng entablado. Masyado kang m
"Kaya, narito ako ngayon para lang itanong ito sa iyo. Kung ito ang paraan ng pamamahala ko, sang-ayon ka ba?" "Sang-ayon ako!" Kahit hindi pa alam ni Mrs. Sanvictores ang buong dahilan, mariin niyang sinabi, "Basta’t makakatulong ito sa foundation, susuportahan kita! Hindi lang suporta, kundi tutulungan pa kita kung sakaling may kaharapin kang problema." Napangiti ako. "Iyan ang gusto kong marinig, Mrs. Sanvictores." "Sa totoo lang, kung hindi ko magagawang pagandahin ang sistema sa loob, mas pipiliin ko pang huwag tumakbo bilang vice chairman. Dahil kung ganito lang din ang pamamalakad ng foundation, wala itong saysay para sa akin. Hindi ako narito para lang sa titulo. Hindi rin ako interesado sa larong pampulitika.” Tumingin ako kay Mrs. Sanvictores at ngumiti. "Ngayon... gagamitin ko na ang kapangyarihan at tulong mo." "Gusto kong hilingin sa asawa ng chairman na kuhanin ang aking election application mula sa basurahan." Pagkasabi ko noon, binuksan ko ang isang maikl
VINCE VALDERAMA Nakita kong bumalik sila Uncle Hector sa kanyang kwarto matapos gumawa ng kung anong bagay sa study room. Alam kong may itinatago siya. Mabilis at maingat ang mga kilos niya, na parang may lihim na ayaw ipaalam kaninuman. Nagpalitan kami ng tingin ni Joana na tila ba pareho kaming may iniisip may nangyayaring kakaiba, at kailangan naming malaman kung ano iyon. Bago ko pa man maisip kung paano ko iyon malalaman, bigla na lang umiyak si Joana. "Kuya, ngayon ko lang naintindihan... Mahal mo talaga si Ate Anne..sige na . susuko na ako..." Napatingin ako sa kanya. Totoo ba ang sinasabi niya? Sa loob ng maraming taon, hindi niya ako tinulungan?. Lagi siyang humaharang sa pagitan namin ni Anne at palagi siyang gumagawa ng paraan para paghiwalayin kami. Pero sa pagkakataong ito, parang may lungkot sa mga mata niya na hindi ko pa nakikita noon. "Handa kang tumulong sa akin at kay Anne?" tanong ko na puno ng pagdududa at pag-asa. "Oo, kuya. Tutulungan kita." Tumango siya
At parang sinadya ng tadhana, biglang bumukas ang pinto ng study room. Lumabas si Hector sakay ng kanyang wheelchair at narinig ang buong usapan. Tiningnan ni Anne si Vince na parang wala na siyang pag-asa rito. "Sige na nga," mabilis niyang kinuha ang regalo at papeles mula kay Joana. "Tatanggapin ko ito. Pero hindi kita pinapatawad, okay?!” Pagkatapos ay tinaas niya ang hawak na kahon at ngumiti nang matamis kay Vince. "O, ayan! Tinanggap ko na! Wala ka na sa puso ko. Hintayin mo na lang na magkaanak kami ni Uncle Hector, isang puting-puti at bilugang sanggol!" Joana: ... Vince: ... Walang sinayang na segundo si Anne at mabilis siyang lumapit kay Hector upang itulak ang kanyang wheelchair. Ngunit bago pa niya mahawakan ang hawakan ng upuan, narinig niya ang mahinang "hiss—" ni Hector. Napakunot ang kanyang noo nang makita niyang hawak ni Hector ang kanyang dibdib na tila ba may iniindang sakit. "Ano'ng nangyari?" Agad siyang lumuhod sa tabi nito at bakas ang pag-aalala sa