"Dumating na tayo sa puntong ito, kaya kailangan mong tanggapin ang realidad. Kung tutuusin, noong nangyari ito, talagang hindi ko basta-basta matanggal ang nararamdaman ko para sa'yo sa loob ng maraming taon. Lalo na nang isinugal mo ang buhay mo para sagipin ako sa sunog, hindi ko kayang ipagkanulo ang kabutihang iyon..." Pagkatapos niyang magsalita, hindi nagawang tumingin ni Vince kay Anne. Maaaring hindi alam ng iba kung ano talaga ang nangyari sa loob ng nasusunog na gusali, pero alam niya ito nang husto. Hindi napansin ni Anne ang kakaibang ekspresyon ni Vince at nagpatuloy sa pagsasalita. "Pero, Vince, noong binanggit mo ang tatlong taon nating relasyon, naisip mo ba kung ilang araw lang talaga tayong magkasama sa loob ng tatlong taon?" Nanlaki ang mga mata ni Vince sa takot: "Anong ibig mong sabihin?" "Madalas kang wala tuwing pista opisyal. Sa loob ng tatlong taon, tatlong beses kang nasa archaeological site tuwing Spring Festival. Lahat ng kasamahan ko ay umu
Pagkasabi noon ay hinawakan ni Vince ang kamay ni Anne na parang nababaliw. "Hindi! Hindi ako naniniwala!" "Sinasabi mo lang 'yan dahil natatakot kang gantihan niya ako, 'di ba?" "Sigurado ako! Anne, hindi ako naniniwalang mahal mo na kaagad si Uncle Hector sa ganito kaikling panahon. Si Uncle Hector ay isang malupit at walang awa na tao, masyadong kumplikado ang kaniyang nakaraan. Anne, pinakaayaw mo ang mga ganitong tao! Sabi mo dati, natatakot ka kay UncleHector ko!" Habang nagsasalita, huminga nang malalim si Vince at ibinaba ang boses niya: "Anne, huwag kang matakot. Alam kong may natitira pang kapangyarihan si Uncle Hector. Pero, pamangkin niya ako. Kahit na kunin kita at lumayo, hindi niya ako mapapatay. Basta maayos natin ang plano, makakatakas tayo. Pwede tayong mamuhay sa isang maliit na bayan kung saan walang nakakakilala sa atin…" Bago pa niya matapos ang sinabi, biglang narinig ang malamig at mababang boses ni Hector mula sa likuran niya. "Oh? Sige, su
*"Hindi ko inaasahan na mangyayari ang ganitong kalaking bagay sa pamilya sa panahong ito! Anne, hindi mo ginusto ang pagpapakasal sa anak ko at alam kong napilitan ka lang. Kung ayaw mo talaga... maaari pa akong magsalita ng ilang salita, at hindi kita pipilitin na manatili." Napakagaan ng loob ko sa kanya. Ma, handa akong magsikap upang maging mabuting asawa ni Hector." Nangilid ang luha sa mga mata ni Donya Estrelita, luha ng kaginhawahan at sunod-sunod siyang tumango "Good, good! Sa totoo lang, si Hector ay talagang mabuting tao. Kahit ano pa ang sabihin ng iba tungkol sa kanya, siya ay aking sariling laman at dugo. Kaya alam ko ang totoo! Ang tatlong magkakapatid na ito ay may iba’t ibang personalidad, iba’t ibang hilig, at iba’t ibang paraan ng paggawa ng mga bagay, ngunit lahat sila ay karapat-dapat sa tradisyon ng pamilya Valderama!" Sa labis na emosyon, mahigpit na hinawakan ni Donya Estrelita ang kamay ni Anne "Kung ganoon, ipagkakatiwala ko na sa iyo ang
Nang marinig ko ang sunod-sunod na tunog ng doorbell, agad na lumaba ang katulong para silipin kung sino ito. Tila may bisita na hindi namin inaasahan. Maya maya ay lumalakad papasok ang katulong at kinausap si Donya Estrelita"Donya Estrelita, may babae po sa labas, ang pangalan daw niya ay Joana. Sabi niya, kasamahan daw po siya ni Sir Vince. Sabi niya gusto raw niya kayong makita," sabi ng katulong Naputol ang magulong mga saloobin ko nang marinig ko iyon. Parang nagkaroon ng biglaang katahimikan sa aking paligid at tila ang bawat tunog ay naging mas malinaw sa aking pandinig. Lumingon ako kay Donya Estrelita. Matalim ang kanyang tingin, at hindi ko alam kung ano ang kanyang iniisip."Huwag mong papasukin. Ayoko siyang makita!" Sigaw niya, habang ang kanyang kamay ay iniunat at parang padabog na nagsalita. Ang lakas ng kanyang boses ay parang nagbigay ng malamig na hangin sa buong silid.Tumayo siya at kinuha ang isang kulay green jade bracelet. Agad niya itong isinuot sa aking pu
Isang malambing na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Donya Estrelita, at marahan niyang hinaplos ang likod ng aking ulo. “Tsk, napaka-inosente mo talagang bata ka. Kaya gustong-gusto kita,” sabi niya, at muling nagbigay ng init sa aking puso.Ngunit bago ko pa man makasagot, dumating muli ang katulong at yumuko. “Donya Estrelita, ipinaabot po ng babaeng nasa labas ang isang… visiting card.”Mabilis akong kumalas mula sa yakap ni Donya Estrelita, pinahid ko ang mga luha ko sa sulok ng aking mata, at napansin ko ang alanganing ekspresyon ng katulong habang hawak nito ang isang B-ultrasound form. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero pakiramdam ko’y isang malaking bagay ang mangyayari.Kinuha ito ni Donya Estrelita at may bahagyang pangungutyang ngiti sa labi. “Papasukin mo siya.”Napamulagat ang aking mga mata.Buntis si Joana... kay Vince?!Ibig sabihin, kahit hindi pumayag si Vince na makipaghiwalay sa kanya noon, nagawa pa rin niyang buntisin si Joana?!Anong klaseng hayop siya?!
Pero hindi ko inasahan na magiging ganito ang reaksyon ni Vince nang malaman niyang hindi ko ininom ang birth control pills na binigay niya. Gusto ko lang sanang manipulahin ang sitwasyon, pero ang galit na nakita ko sa mukha ni Vince ay mas malupit pa kaysa sa inaasahan ko.Wala na akong ibang mapuntahan kundi ang pamilya Valderama. Alam kong makakahanap ako ng tulong sa kanila. Ang mga mayayaman at makapangyarihan ay pinahahalagahan ang kanilang mga tagapagmana. Hindi nila hahayaan na mawala ang sariling dugo at laman ng pamilya nila."Lola, tulad ng nakikita ninyo, buntis ako sa anak ni Vince. Isang aksidente ang pagdating ng batang ito, pero..." Habang sinasabi ko ito, tumingin ako kay Anne. Hindi ko kayang tingnan siya ng diretso sa mata, kaya't nahihiya kong inilihis ang aking tingin."Pero, Lola, wala akong kakayahang palakihin siya. Lalo na't si Kuya Vince ay napakaraming naitulong sa aming pamilya noon. Kumuha pa siya ng isang milyong piso mula sa dividend card para matulunga
[Henry: ...Humihingi ka ba talaga ng pasensya? Malinaw na sinusulit mo lang ang pagkakataon para ipakita ang lambingan niyo!]Matapos itanong ni Anne ang tungkol sa kalagayan ni Hector, naalala niya ang sinabi ni Donya Estrelita.“Kuya pinapatawag ka ni Mama, nanduon si Joana. Sinasabi niyang buntis siya at may abugado din na gumagawa ng kasulatan para sa kanilang utang niya kay Vince.”“Anong kalokohan ito!” mabilis na tumayo si Henry at nagtungo sa silid ni Donya Estrelita.Nang makaalis si Henry ay agad din siyang sinundan ni Hector."Halika, itulak mo ako papunta sa kwarto ni Mama. Manonood tayo ng kaguluhan."Hindi nakapagsalita si Anne sa pagiging tsismoso ng kaniyang asawa. Habang dumaraan sila sa sala, nakasalubong nila sina Felix at Cielo. Ipinaliwanag ni Hector ang sitwasyon."Bilang tiyuhin at tiyahin ni Vince, pupunta rin ba kayo para makita ang kaguluhang iyon?"Pagkatapos niyang sabihin iyon, agad siyang bumawi "Ay, mali, ibig kong sabihin... pupunta ba kayo para mag
Muling nagulo ang emosyon ni Joana dahil sa pamilya Valderama. Pakiramdam niya ay nawawala siya sa sarili.Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili niya at nagsalita:"Noong araw na iyon, may nangyari sa pamilya ko. Sinamahan ako ni Kuya Vince pabalik sa probinsya para asikasuhin ito, kaya kinuha rin niya ang dividend card sa bahay nila."Sandali siyang tumigil, pagkatapos ay tiningnan niya si Anne."At ang araw na iyon... ay siya ring araw nang dalhin ni Ate Anne ang ina ni Kuya Vince sa istasyon ng pulisya..."Sa totoo lang ang gusto niyang palabasin ay si Anne ang may kasalanan ng lahat ng ito! Tumagilid ang mukha ni Anne, at narinig niyang magpatuloy si Joana sa pagsasalita."Masama ang mood ni Kuya noong araw na iyon kaya uminom siya ng maraming alak, at pagkatapos... inisip niya akong si Ate Anne..."Sumabay ang mapait na tawa ni Anne. Inaayawan siya ni Vince!Ayos lang, hindi siya yung klase ng tao na madaling maayawan."Joana, hindi mo yata akalaing na hindi lahat ng tao dito a
Inisip ko na baka nakatulong na rin ang pagiging bukas ko tungkol sa aking pamilya, at baka kahit paano ay makita nila na hindi ako pabigat, kundi may malasakit din sa eskwelahan at mga mag-aaral.Pagkatapos kong magsalita, huminga ako ng malalim at napansin ko ang pagbabago sa ekspresyon ni Principal Leoncio. Hindi ako sigurado kung na-appreciate ba niya ang mga sinabi ko. Kung may naramdaman man siyang kaba kanina, ngayon ay tila nawala ito. "Sige, Teacher Anne, dahil malinaw naman ang paliwanag mo sa akin, tutulungan kita. Pero pwede bang ayusin mo ang isyu mo sa pamilya mo."Pagkatapos niyang magsalita, biglang tumunog ang cellphone ni Principal Leonci.Tiningnan niya ang pangalan sa screen, at ang dati niyang kalmadong ekspresyon ay bahagyang nagbago. Agad niyang sinagot ang tawag ng may nanginginig na boses."Hello, Sir Hector! How are you today?”Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan ng isang ‘Hector’Asawa ko ba ang tumawag sa kaniya?Paulit-ulit na sumagot si Principal Leo
Sumunod agad ang isa pang executive ay nagmamadaling magpaliwanag."Oo, tama! Maganda nga iyan saka sa pagkaka-alam ko ang mga indgredients niyan ay organic kaya usually siyang pino-promote ng mga sikat na personalidad! Kaya din naging malakas ang item na yan. Alam ko long last iyan!” Mukhang unti-unting lumuluwag ang tensyon, pero biglang sumingit ang isang bagong executive."Tama! Hindi ibig sabihin nito na may problema si Mr. Valderama sa aspetong iyon!"Renz: ...Lahat ng nasa meeting: !!!Muling lumubog sa awkwardness sa buong paligid.Biglang tumunog ang telepono sa mesa ko at galit ko itong sinagot.Sa kabilang linya, malakas at tuwang-tuwang boses ni Direktor Manuel ang bumungad sa akin."HAHAHAHA... Hector, narinig kong hindi ka na daw tinatayuan?” Hindi ko mapigilan ang lalong magalit sa narinig ko. "Sino naman ang nagsabi sa'yo niyan?""Sino pa, edi ang Asawa mo! Siya mismo ang lumapit sa akin at nagtanong tungkol sa kondisyon mo. HAHAHA! Hector, kung may nangyari sa'yo
Pagpasok ko pa lang sa loob ng principal’s office ay naglatag ng ilang picture si Principal Leoncio sa harapan ko. At ang mga picture na yun ay mga picture ko.Ang unang picture ay kuha noong araw na gusto akong hostage-in ng mga tauhan ni Papa sa harap mismo ng school.Sa isa pang picture, makikita akong nag-uutos sa mga bodyguard ng pamilya Valderama na itali ang mga taong iyon at dalhin sila sa teahouse sa kabila ng kalye kung saan naruruon ang Papa ko na nag-utos sa kanila.Sa anggulong ginamit sa kuha, nagmukha akong isang boss na matapang, may awtoridad, parang isang malaking boss sa isang mafia film.Nakita kong palihim na lumunok ng laway si Principal Leoncio , marahil ay natakot din siya..Dati, kaya pa niya akong kontrolin. Pero ngayon? Ibang Anne na ang nasa harap niya.Matagal siyang nag-isip bago maingat na nagsalita."Ganito kasi, Teacher Anne... may mga natanggap kaming reklamo mula sa maraming mga parents na may kasamang mga picture, at sinasabi nilang... nag-aalala s
Pinisil ko ang labi ko at ngumiti nang bahagya. "Sa totoo lang Mary, mas gusto ko ang sarili ko ngayon." Tinapik ni Mary ang balikat ko saka ngumiti "Dapat matagal mo nang ginawa 'yan!" Pero sa halip na mapangiti ako, naramdaman kong may bumabagabag pa rin sa akin. Napansin iyon ni Mary at sinulyapan ako. "Bakit? Tapos na ang pinakamalaking problema mo, pero mukhang hindi ka pa rin masaya?” Sa totoo lang, matagal ko nang gustong sabihin ito. Walang kinalaman ito tungkol sa nangyari sa akin. Dalawang gabi nang kakaiba ang ikinikilos ni Hector at hindi ko maiwasang mag-alala. Dalawang beses na niya akong tinatanggihan. Sa huli, napilit din nila akong magsalita. Pagkarinig pa lang niyon, napamura si Mary. "My God! Hindi na ba tumatayo ang tit* ni Hector?” “Hindi... hindi naman, hindi ganoon ang ibig kong sabihin ano ka ba yung bibig mo talaga nakakahiya kay Mrs.Sanvictores" mabilis kong sagot at pilit na ibinababa ang ulo ko. "Okay naman siya noon..." Umiling sa akin
"Naniniwala ako," sagot ko nang walang emosyon. "Pero alam mo naman ang ugali ni Papa, hindi ba? Tignan na lang natin kung paano ka niya paparusahan kapag nalaman niya ito." Sa sinabi ko kitang-kita ko kung paano siya napalunok at napaatras nang bahagya. Hindi na maitatago ang matinding takot sa kanyang mga mata. Alam niyang hindi basta-basta palalampasin ni Papa ang ganitong usapin at kilala namin pareho kung paano magalit si Papa lalo na kung malalaman niyang iniiputan siya sa ulo ni Mama. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari dati , noong biglang yakapin ng isang baliw si Mama , halos mapatay na siya ni Papa sa bugbog. Dun pa nga lang sa bagay na hindi naman niya ginawa, paano pa kaya ngayon kapag nalaman ni Papa na ginamit niya ang pera ni Papa para ibigay sa ibang lalaki bilang tip? “Hindi. Hindi dapat malaman ni Rolando.” Matalim ang tingin na ibinigay sa akin ni Mama, ang kanyang mga ngipin ay mahigpit na nagkakaskasan habang nagsalita. "Hayop kang bata ka! Sabihi
ANNE POV Nararamdaman ko ang bigat ng tingin sa akin ni Mrs. Sanvictores. Mababakas sa kaniyang mukha ang pakiramdam ng naaawa sa sitwasyon ko, isang emosyon na matagal ko nang hindi natatanggap mula sa kahit na sino. Pero wala akong pakialam. Hindi na ako nagulat na ganyan ang reaksyon niya. Alam kong darating ang sandaling ito. Tinitigan ko ang babaeng nasa harapan ko-si Mama, ang babaeng dapat ay nag-aruga at pumu-protekta sa akin, pero mas pinili niyang tratuhin ako na parang hindi niya anak. Walang bahid ng emosyon sa aking mukha nang bitawan ko ang isang pangalan. "I-a-n C-a-s-t-i-l-l-o." Binanggit ko ito ng dahan dahan. Agad siyang napaurong at ang kayabangan sa kaniyang mukha ay biglang naglaho. Kung titignan ang kulay ng mga labi ni Mama ay aakalain mong nakainom siya ng napaka-raming suka. Ang kaninang naka-arko niyang kilay at labing nakataas ay biglang bumagsak. At kagaya ng inaasahan ko. Ayun na nga. Ang biglaang desperasyon sa boses ni Mama. Ang mga balukto
Lumingon siya kina Mrs. Sanvictores at Mary.Tumango ang dalawa sa kanya, hudyat na handa na sila.Ilang saglit pa, isang tunog ng pagbukas ng kandado ang narinig.“Click.”Bumukas ang bakal na pinto ng detention center, at lumabas si Felyn na parang wala sa sarili.Magulo ang kanyang buhok, lukot ang kanyang suot na damit, at tila walang sigla ang kanyang mga mata habang naglalakad.Bago siya tuluyang lumabas, may sinabi pa ang isang staff ng detention center sa kanya.“Felyn, ngayong malaya ka na, sana naman ay maging mabuting tao ka na! Sumunod ka sa batas! Huwag mong balewalain ang isang paglabag. Kapag nilabag mo ulit ang batas, siguradong ipapadala ka ulit dito para sa administrative detention.”“Oh,” sagot ni Felyn nang walang emosyon, bago niya ibinaling ang tingin sa paligid, hinahanap kung sino ang sumundo sa kanya ang kanyang asawa ba? Si Elaine? O ang tatlo niyang anak na lalaki?Ngunit ang narinig lang niya ay ang sunod-sunod na pagbukas ng mga pinto ng sasakyan.Bang, b
HECTOR POVPagdating ng gabi ay bumalik na ako sa kwarto upang maligo.Pagkatapos kong maligo ay bumungad agad sa akin si Anne.Bago pa ako makapagsalita, hinila na niya ang sinturon ng kanyang windbreaker at itinali ito sa aking leeg.Napakagat ako sa loob ng pisngi at napatingin sa kanya, ang tinig ko ay bahagyang napaos. Hinila ko siya palapit at pinaupo sa aking kandungan. "Anne, sa tingin ko ay naging mabait naman ako ngayong araw. Wala naman akong maling sinabi, hindi ba? Maaari ko bang malaman kung bakit mo ako tinatali?"Hinila niya ang sinturon nang mas mahigpit, inilapit ako sa kanya, at saka niya ikinuskos ang kanyang ilong sa ilong ko. "Dahil gusto kitang itali rito, para hindi ka makaalis kahit saan."Napangiti ako at naalala ko ang plano niyang magkaanak kagabi. "Anne, mukhang hindi yata pwede. Kailangan kong pumunta sa study room at mag-overtime kasama si Renz ngayong gabi."Nakita kong nagbago agad ang ekspresyon niya hindi siya natuwa sa sinabi ko. Kaya agad niyang h
Natahimik ako sandali.Si Euleen? Halos sumabog na.Nang marinig ko ang salitang "baby ko" mula kay Hector, hindi ko napigilang umangat ang sulok ng aking labi. May kakaibang kilig na dumaloy sa katawan ko, at hindi ko namalayang nagpakita ako ng isang mahinhin at mahiyaing ekspresyon tulad ng isang babaeng lubos na inaalagaan.Sa kabilang banda, si Euleen naman ay mukhang aatakihin na sa puso.Binaba ko ang tawag at mabilis kong kinuha ang bag ko mula kay Euleen habang siya ay naiwang tulala pa rin, saka ako umalis na hindi man lang lumingon.Naiwan siyang nakatitig sa aking likuran, ang tingin niya ay halos magyelo sa sobrang lamig.Hindi niya inaasahan na si Hector ang lalaking kilala sa pagiging matigas at walang inuurungan ay may ganitong klaseng pagka sweet at may matinding pagpapahalaga sa babae.At ang mas masakit pa rito? Ang lahat ng ito ay para sa akin.Ako.Ako na labis niyang kinaiinisan.Paanong hindi siya magagalit nang ganoon na lang?THIRD PERSON POVSa puntong ito, l