Share

Chapter 35: Malabong mangyari

Author: LavenderPen
last update Huling Na-update: 2024-02-03 10:21:04

Umiling si Azalea kay Chaeus. Sumisenyas na wag ng magsalita pa at itikom na lamang ang bibig. Agad naman niyang sinunod ang ina. Tumungo siya at muling ipinagpatuloy ang pagkain kahit na alam kong marami pa siyang nais na sabihin. Ngunit ilang saglit lang iyon. Muli na naman itong nag-angat ng tingin, sa hitsura ay halatang tahimik na umuusok ang ilong sa inis sa ina.

“Listen to me now, Mateo. Hayaan mong gawin ng anak mo ang gusto. Huwag mong pigilan. Hayaan mong ma-experience niya ang mga bagay na tulad niyan for the first time.” malambing na wika ni Azalea na makahulugang ngumiti kay Dad.

Hindi niya pinansin ang anak na kung makatingin ay parang sasabog na bomba. Grabe naman ang panlilisik ng mga mata. Mukhang galit na galit. Mapang-asar na umangat ang gilid ng labi ko. Alam kong nakita niya iyon dahil malakas kong narinig ang pagbuntong-hininga niya. Gusto ko tuloy mas lalo siyang asarin. Lalo siyang galitin.

“Nakalimutan mo na ba noon na ganyang edad tayo nagsimulang magligawan?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 36: Falling in love

    ZACCHAEUS PARKENSON POVMababaw pa ang gabi pero malamig na ang ihip ng hangin. Bukas ang pintuan ng aking kotse habang matulin ang takbo. Nakalabas doon ang kamay ko upang kalmahin pa ang sarili. Sumakto namang walang gaanong traffic sa gabing ito kung kaya naman ilang minutong drive lang ay nakarating na ako sa bar na tambayan ko dati. Minsan na lang ako kung lumabas at pumunta sa mga ganitong lugar. Kung kinakailangan na lang. At sa gabing ito, naramdaman ko na kailangan ko ito. Bukod sa busy ako sa pinapatayong restaurant ay hindi na rin ako mahilig na lumabas-labas. Di gaya noong kabataan ko na palaging ang gala.“Good evening, Sir. It's been a while.” bati sa akin ng guard na magaang tinanguan ko lang.Dere-deretso akong pumasok sa loob. Dahil maaga pa ay kakaunti pa lang ang mga tao. High end ang bar na ito. Pricey ang mga bilihin pero cozy. Safe rin ang mga customer. Malayo ang bar na ito sa bar na pinupuntahan nina Hilary. Natigilan na ang mga paa ko sa paghakbang.Damn, Chae

    Huling Na-update : 2024-02-03
  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 37: Separation Anxiety

    Ilang minutong natulala si Vaughn sa sinabi ko. Walang reaction ang mata niyang nakatutok. Maya-maya ay mabilis siyang napaahon sa upuan. Kilala niya kung sino ang tinutukoy ko. Si Hilary. Naroon siya noong kinasal sina Mommy at ang ama ni Hilary. Kaya naman hindi na rin ako magtataka kung bakit ganito ang reaction niya.“Anong sinabi mo, Dude?!” madiin subalit hindi malakas ang pagkakabigkas niya sa katanungan.Umiling ako. Ayoko ng ulitin pa ang mga sinabi ko. Dinampot ko na ang bote ng alak gamit ang kamay na medyo nanginginig. Walang humpay na tinungga ko ito. Kung ganito ang reaction ni Vaughn, paano pa kaya ang reaction ni Mommy at Tito oras na malaman nila ang totoo? Hindi lamang iyon. Si Hilary pa ang isa sa mga iniisip ko. Oo, umamin siya sa akin. Sinabi niyang gusto niya ako. Pero hindi naman niya hiniling na gustuhin ko pabalik. Ayoko rin namang ang isipin niya ay sinasamantala ko ang nararamdaman niya. Hangga't maaari ay ayaw kong ipaalam iyon sa kanya. Paniguradong magka

    Huling Na-update : 2024-02-04
  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 38: Josefa's Counter Attack

    HILARY EL FUENTE POVHabang kumakain ng agahan ay panay ang sulyap ko sa bakanteng upuan ni Tukmol. Nagtataka ako na himala yatang hindi siya sumabay. Wala ‘ring empty plate and utensil na nakalagay kaya paniguradong mas maaga itong umalis ng bahay. Gusto ko sanang tanungin si Azalea. Wala lang, curious lang naman ako kung nasaan ang anak niya. Subalit nagdalawang-isip ako dahil baka isipin niyang magkasundo na talaga kami nito.“Pasok na ako sa school, Dad.” paalam ko matapos kumain, sinakbat ko na ang bag.“Sige, mag-iingat ka Hilary.”Sinulyapan ko lang si Azalea na tumango lang sa akin. Nagkibit-balikat ako. Naglakad na palabas. Paglabas ng bahay ay naabutan ko ang driver namin na matamang naghihintay sa akin. Nang makita niya ang pagdating ko ay ngumiti na. Kanina habang kumakain ay naiimagine ko na baka hinihintay ako sa labas ni Chaeus. Iyon ang rason kaya nagmadali akong kumain. Kaso wala. Nabigo lang ako. Literal na umasa muli sa wala.“Ang weird naman. Parang di na yata ako

    Huling Na-update : 2024-02-04
  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 39: Binasted ako

    Isinipa-sipa ko pa ang dalawang paa hanggang sa matanggal na ang suot kong itim na sapatos. Patuloy na bumagsak ang luha ko dahil sa hiya. Pinanood lang nila akong tatlo. Hindi nila ako nilapitan para patahanin or kahit na damayan. Dumurog pa iyon sa puso ko. Siguro ay tinakwil na nila ako at ikinakahiya na rin nilang kaibigan. Ang lahat ng iyon ay hindi ko naman intensyon.“OMG!” maya-maya ay bulalas ni Glyzel, agad na tinakpan pa ang bibig na parang di makapaniwala habang ang mga mata nito ay nakalapat sa akin. “Kung ganun ay totoo talaga ang lahat ng iyon? Walang halong biro o sasabihing prank lang?” Sobrang late ng reaction ng gaga pero hindi ko makuhang matawa sa kanya. Nadudurog ang puso ko sa ginawang panghuhulog ni Josefa. Naturingan ko pa siyang bestfriend. Higit pa nga na mas pinagkakatiwalaan ko siya at mahal kumpara sa dalawang kaibigan namin tapos ganito lang ang gagawin niya sa akin? Ihuhulog? Ipapahiya? Sana pinagtakpan na lang niya ako.“Kaya pala todo rin ang explana

    Huling Na-update : 2024-02-05
  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 40: Low Energy

    Ilang araw pa ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong ng about kay Chaeus. Hindi ko kasi ito nakikita sa breakfast at ganundin sa dinner. Bagay na imposibleng mangyari dahil kilala ko ang ugali ni Chaeus. Kung busy lang ito sa site, makikita ko pa rin sana. Unless nagtatago siya para magpa-miss sa akin. Ganun na lang ang gulat ko sa sagot ni Azalea.“Hindi mo alam na umalis siya ng bansa, Hilary?” puno ng pagtatakang balik-tanong ni Azalea. Umiling ako, magtatanong ba ako sa kanila kung alam kong umalis ang Tukmol? Ang bungol talaga. Magandang babae nga, kaso mukhang walang utak. Hindi niya ginagamit ang common sense.“Nagpaalam sa amin na susundan niya raw si Lailani. Isang araw after niyang umalis ng bansa. Hindi ko alam kung may pinag-awayan sila kaya hindi mapalagay ang Kuya Chaeus mo at sinundan na lang ito para suyuin. Niloko ko ngang magpakasal na sila para magkasama na.”Tumango-tango lang ako. Itinuloy ang pagkain. Medyo kampante na sa nalaman. Akala ko

    Huling Na-update : 2024-02-05
  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 41: Unang Halik

    Lumipas pa ang mga araw hanggang sa naging buwan na ang bilang noon. Pinili kong huwag na lang siyang pansinin na hindi kalaunan ay nakasanayan ko na rin naman. Nalibang ako sa bagong batch ng mga manliligaw. Suportado ako dito ng mga kaibigan. Nang sumapit ang araw ng mga puso at magkaroon ng okasyon sa school namin ng araw na iyon ay ang dami kong natanggap na bouquet at box ng chocolates.“Ang famous ah? Pahingi naman kahit na isa.” pagbibiro ni Shanael habang nakatingin sa mga iyon na nakalagay lang naman sa aking upuan.Sa dami ay halos wala na akong mauupuan.“Pumili ka na, kung alin diyan ang gusto mo.” sakay ko na malakas lang ikinatawa ng gaga.To be honest ay hindi lang ako ang maraming natanggap. Mayroon din sila. Pati nga si Glyzel kaya naman panay ang sulyap ng class adviser namin sa pwesto nito kahit na mayroong klase. I could tell from his eyes ang selos na nadarama.“Utang na loob Hilary, huwag mong itatapon ang mga iyan. Please appreciate the effort ng mga nagbigay.”

    Huling Na-update : 2024-02-05
  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 42: Sundo

    Kinabukasan ng gabing umamin ay muling sumabay si Chaeus sa amin ng breakfast. Alam kong tuloy-tuloy na iyon na parang walang nangyari. Pinili niya ang bumalik sa dati. Hindi ko sinabi sa kanya na narinig ko ang confession niya. Minabuti ko na lang ang magpanggap na walang alam sa nararamdaman niya. Mas okay na iyon, para hindi rin kami maging awkward. Naging talkative siyang muli. Makulit na ulit. Ganunpaman ang galaw niya ay halatang may nagbago sa kanya. Malaki iyon. Hindi masaya ang mga mata niya na sa tuwing tititigan ko iyon, nakikita ko ang kakaibang lungkot na bumabalot.“Ano na Chaeus? Wala pa rin bang balita? Kailan pa ang plano niyong magpakasal ni Lailani?” ungkat ni Azalea tungkol sa pag-aasawa nito.Nag-angat ng tingin si Chaeus. Lumapat iyon sa akin saglit. Nginitian ko siya bilang pagsuporta. Tama naman siya, kahit gaano namin kagusto ang bawat isa hindi pa rin kami pwede. Hindi pa rin kami pwedeng magmahalan ng lantad gaya ng ibang taong nagmamahalan ng wagas at tapa

    Huling Na-update : 2024-02-05
  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 43: Chaeus Invitation

    Saglit akong nanigas at napayakap sa sarili paglabas ko ng gate ng campus. Nanindig na ang mga balahibo ko. Sleeveless pa naman ang suot ko. Sinalubong lang naman ako ng malamig na ihip ng hangin na samahan pang galing iyon ng dagat. Doon ko pa lang naalalang nakalimutan ang cardigan na kunin sa bag ni Shanael. Ayoko naman ng bumalik sa loob. Baka matagalan pa ako, tiyak maiinip na si Chaeus sa paghihintay.Sa sarili mismong covered court ng aming school ginanap ang party, sa may bandang likod iyon malapit sa principal office kaya medyo tago ito sa hangin. Sa banda doon ay hindi dama. Idagdag pa na pinagpawisan kami kakasayaw at marami ang student sa loob kaya mainit. At ngayong nakalabas na ako, nanunuot ito sa aking buto. Nagpalinga-linga na ako sa mga naka-park na kotse. Hinahanap ang pamilyar na sasakyan. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap. Kinuha ni Chaeus ang atensyon ko sa pagtaas ng kanyang isang kamay hindi kalayuan sa aking banda. Nasa labas siya ng kotse. Gaya ng naka

    Huling Na-update : 2024-02-06

Pinakabagong kabanata

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Epilogue

    HILARY EL FUENTE POV Minabuting gugulin ko na lang sa pamamasyal sa mga lugar na na-miss kong puntahan sa bansa ang isang Linggong ibinigay na palugit sa akin ni Daddy. Kilala ko siya. Kapag sinabi niya, kailangang sundin ko 'yun kahit labag pa sa kalooban ko. Naging routine na namin ni Zaria ang maagang pag-alis ng bahay at gabi na halos umuwi. Hinayaan lang naman kami ni Azalea na gawin ang bagay na iyon. Hindi ito nakialam at komontra. Palagi niya lang akong tinatanong kung may kailangan ba kaming mag-ina, o kung nag-enjoy daw ba kami sa gala. “Sobra, Mommy, na-miss ko talaga ang Pilipinas.” “Mabuti naman kung ganun, tama iyan anak, sulitin niyong mag-ina ang bakasyon nito dito.” Nakipagkita rin ako sa mga kaibigan ko, tanging si Glyzel ang hindi ko nakita dahil kasalukuyang wala ito sa bansa. Sa kabila ng mga busy schedules nina Shanael at Josefa ay nagawa ko silang bulabugin na hindi rin inaasahan ang biglang desisyon na pag-uwi ng bansa.“Nasaan ang pasalubong?” si Josefa na

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 125: Last Chapter

    ZACCHAEUS PARKENSON POVHindi ako mapalagay habang nasa trabaho. Patuloy na umuukilkil sa aking isipan ang ddahilan ng madalas na pinag-awayan namin ni Hilary. Hindi niya ako tinatabihan matulog at sa anak namin siya sumisiping magmula ng araw na iyon. Hinayaan ko lang siya. Binigyan ng space dahil baka iyon ang kailangan niya upang makapag-isip nang matino. Pasasaan ba at magiging kalmado rin siya at hihintayin ko na lang ang araw na iyon. Mabilis lang naman mawala ang mood niya. Sa araw na ito, mamaya pag-uwi ko ng bahay ay plano ko na siyang kausapin dahil mas lumalawig pa ang galit niya na hindi ko na gusto ang ginagawang pagtatagal. Baka mamaya sa halip na mawala ang galit niya ay mas nadadagdagan pa iyon kung kaya naman ako na ang magpapakumbaba. Ako na ang mag-a-adjust. Lilinawin ko na wala na si Lailani, ang babaeng pinagseselosan niyan nang malala. Subalit, bago iyon ay kailangan kong pumunta ng school ng aming anak upang kumpirmahin kung totoo nga ba ang ikinakagalit ng akin

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 124: Balik Pinas

    Natuloy ang biyahe namin nang walang naging anumang aberya. Itinaon namin ni Zaria na nasa trabaho si Chaeus nang umalis kami nang sa ganun ay walang maging sagabal. Malamang pag-uwi ni Chaeus ng bahay at nalaman niyang wala na kaming mag-ina ay mararamdaman niyang seryoso ako sa aking plano at hindi lang iyon pagpababanta upang takutin siya. Dapat siyang maturuan ng aral. Kasalanan niya. Ano ang akala niya sa akin maduduwag? Hindi ko kayang gawin ang pagbabanta kong pag-uwi? Ibahin niya ako. Sabi nga ng iba, kapag nasusugatan ay lalong mas tumatapang.“Mama, hindi ba talaga natin tatawagan si Papa para sabihing aalis tayo? Baka mabaliw iyon sa kakahanap sa atin mamaya after ng work niya dahil hindi niya alam kung saan tayo pumunta. Hindi ka ba naaawa sa kanya?” sunod-sunod na tanong ni Zaria na wala akong planong sagutin kahit na isa, “Bakit po ba kayo nag-aaway na dalawa? Maghihiwalay na ba kayo? Paano naman po ako, Mama? Huwag kayong maghiwalay…”“Will you shut your mouth, Zaria?!”

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 123: Isasama kita!

    Walang imik na humigpit ang yakap niya sa akin. Hinalikan niya ako sa noo. Puno ng pagmamahal na pinunasan niya ng manggas ng suot na polo ang mga luha kong nakabalot sa mga matang sobrang hapdi na sa pamamaga. Habang biyahe kasi ay umiiyak na ako. Nag-freaked out na ako. Mabuti nga at hindi ako naaksidente sa bilis ng pagpapatakbo ko upang makarating agad dito. “Kailangan mong kumalma, Hilary. Paano natin mare-resolba ang problema natin kung ganito ka-tense ang katawan mo?” puno ng pag-aalalanv tanong niya sa akin, “Hindi na lang ako papasok sa trabaho ngayon. Hindi kita pwedeng iwan sa ganitong sitwasyon. Hindi rin ako makakapagtrabaho ng ayos kung ganito ka. Wala ka pa namang kasama kung aalis ako.”Ilang oras pa ang lumipas bago ako tuluyang kumalma at tumigil sa pag-iyak. Hindi niya ako binitawan. Pinaramdam niya sa akin na kahit na posibleng na-resurrect ang ex-fiance niya, nungkang ito ang pipiliin niya. Tahasang pinapadama niya sa akin ngayon na ako na. Kami na ni Zaria ang b

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 122: Akusasyon

    Kagaya ng inaasahan ay sinulit ng mag-ama ang muling pagkikita. Bumawi si Chaeus sa amin pagsapit ng weekend. Sobrang sinulit din namin ang mga araw na iyon. Walang pagsidlan ng saya ang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon dahil feeling ko ay sobrang halaga naming dalawa ni Zaria kay Chaeus. Saya na hindi ko alam na mayroon rin palang kapalit. Babawiin iyon at papalitan nang mas mabigat na problema na hindi ko alam paano lagpasan.“Chaeus, niloloko mo ba ako?!” pagwawala ko na agad pagpasok pa lang ng pintuan ng bahay naman, kagagaling ko lang ng school at inihatid ko si Zaria. May nadiskubre kasi ako na hindi ko na dapat pang nakita. “Ang sabi mo sa akin ay…” hindi ko magawang maituloy pa iyon.“Baby, ano na naman bang pinagsasabi mo at ikinakainit ng ulo mo?” tugon ni Chaeus sa pabirong tono na kakalabas pa lang ng kusina, inaayos niya ang suot na necktie sa leeg. “Ang aga-aga na naman niyang pagiging moody mo ha? Ano na naman bang problema natin, ha?” Kakatapos lang niyang ku

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 121: Pagbabalik ni Chaeus

    Hanggang makalulan kami sa sasakyan ay kinukulit pa rin ako ni Zaria kung ano ang dahilan at sinundo ko siya. Pilit niya akong pinapaamin kung bakit daw ba ako biglang nanundo sa kanya eh gayong wala naman iyon sa napag-usapan namin kanina. Kilala niya ako na hinahayaan ko lang siyang gumala at maging malaya hanggang anong oras niya gusto'hin. Wala rin naman akong limitadong oras na binibigay sa kanya lalo na kapag weekend kinabukasan noon at isa pa ay hindi rin ako mahigpit pagdating sa kanya. Hindi ko ginaya ang mga panenermon noon at paghawak sa leeg na naranasan ko kay Daddy. Ayokong maging iyon ay maranasan ng anak. Tama na ‘yong ako lang. "Mama? Hindi mo ako sasagutin? Bakit nga po? Sabihin mo na sa akin. Nararamdaman kong may kakaiba sa mga ikinikilos mo. Remember, connected tayo? Di ba ang sinabi naman po nila sa'yo kanina ay ihahatid kami sa mga bahay namin after the party? Hindi ba po? Bakit sinundo mo ako? What is your reason, Mama?" tunog maldita nitong tanong, ‘di na gu

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 120: Pool Party

    Nang kumalma ang aking paghinga ay tumagilid akong humarap sa banda ni Chaeus. Iniyakap ko ang braso sa kanyang tiyan. Isiniksik ko pa ang mukha ko sa gilid ng kanyang kili-kili. Hindi ko alintana ang nanlalagkit niyang katawan bunga ng dami ng pawis na inilabas kanina. Hinaplos niya ang ulo ko ng marahan. Ilang minuto akong pumikit. Ninamnam ang bawat sandaling 'yun. "Chaeus, may gusto sana akong itanong sa'yo." kapagdaka ay sambit ko.Naramdaman ko ang ginawa niyang pagbaling ng tingin sa akin. Hindi pa rin ako dumilat doon."Hmmn, tungkol saan iyon, Baby?" Kapwa hubad pa ang katawan namin sa ilalim ng kumot. Sanay na ako sa tanawing ito. Kung noong una ay nakakahiya, ngayon ay balewala na lang. "Nakita mo na ba sa personal ang teacher ni Zaria?" "Teacher ni Zaria? Hindi pa, Baby. Bakit mo naman natanong ang tungkol sa kanya?" Tumagilid siya sa akin at niyakap ako. Hindi pa siya nakuntento, muli niyang inabot ang labi ko. Wala na akong choice kundi ang idilat ang mga mata para

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 119: Kapatid

    Ilang gabi akong hindi pinatulog ng sampalok candy na 'yun. Sa tuwing naiisip ko ay napupuno ako ng guilt at nananaginip din ng masasama. Syempre, feeling ko ay ang laki ng kasalanan ko kay Zaria at hindi ko tahasang maamin ang lahat. Nakaka-stress. Gusto kong e-open na rin sana ito kay Chaeus subalit kada tatangkain kong sabihin ang about dito ay palagi na lang 'yung nauudlot. Parang sinasadya ng panahong pigilan ako."Hindi ka ba talaga marunong gumawa, Glyzel?"Nakailang ulit na akong tanong kahit pa nauna na niyang sinabi na hindi nga siya marunong nito."Hindi nga Hilary, ano ka ba? Bingi ka ba girl?" masungit na umikot ang mata nito sa ere, medyo natawa ako sa katarayan niya. "Bakit ba? Naglilihi ka na sa pangalawa? Utusan mo kaya si Chaeus!" Nasamid na ako nang banggitin nito ang asawa ko. Hindi naman dahil natatakam ako kung kaya ako naghahanap. Kung sasabihin ko naman ang totoo, malamang ay pagtatawanan ako ng mga bruhang 'to. Sabihin na napaka-isip bata ko pa rin kahit ilan

  • Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother   Chapter 118: Wrong Move

    Ang buong akala ko ay hindi na makakarating pa 'yun kay Zaria. Subalit, after school niya the following day ay 'yun agad ang hinanap niya sa akin pag-uwi namin ng bahay."Ma, ang sabi ni Teacher Leana may pinapabigay daw siya sa'yo sa akin? Asan na po?" sahod nito ng dalawa niyang palad. Kunwa'y nangunot ang noo ko. Dito naman ako magaling ang umarte. Hindi ko kayang aminin sa kanya na tinapon ko. Baka ikagalit 'yun sa akin ng bata. At saka anong alibi ang sasabihin ko? Wala."Pinapabigay?"Iniiwas ko na ang tingin sa kanya. Dumeretso ako sa kusin pero bumuntot siya. Binuksan ko ang ref at kumuha doon ng tubig upang ma-preskuhan. Hinintay niya munang maubos ko ang laman ng baso at humarap, bago siya muling nagsalita."Opo, Mama. Pinapabigay niya po sa akin. Di po ba may meeting kahapon? Tamarind candy po."Shit naman! Bakit kailangan pang banggitin ng teacher niya 'yun sa kanya? Pambihira naman, oo!Natutop ko na ang bibig. Nag-isip ako kung ano ang magandang alibi. Ipinakita ko sa a

DMCA.com Protection Status