"Saan ba kami nagkulang sa pagpapalaki sa'yo, Ramona?!" napahilamos na sa kaniyang mukha si Sister Si. "Saan ba kami nagkamali, Ramona?! Bakit nagkaganito ka?!""H-hindi ko na rin po alam, Sister Si..." Humihikbi kong sabi. "S-sa akin po ang problema... Ako po ang may kasalanan ng lahat."Nanatili ako sa gilid. Napayuko bigla. Hindi ko kayang nakikita sa mga mata ng mga madre ang pangingilid ng luha. Lahat ng mga madre ay narito. Nakatingin sila sa ibang direksyon. Kita ang pagkakadismaya sa nangyari. Hindi na talaga matatago ang pagbubuntis ko. Lumalaki na ang tiyan ko, napapadalas na rin ang pagiging maselan ko sa pagkain at ang morning sickness ko. Ang lala. Hindi ko na magawang makontrol. Maduduwal nalang ako basta-basta sa kalagitnaan ng paghuhugas, nattrigger kapag may naaamoy akong hindi kaaya-aya. Kaya rin ako nabuko ng mga madre. "Nasaan na ngayon ang magaling na apo ni Father Theodore? Aba, Ramona! Hindi pwedeng ikaw lang ang umako ng responsibilidad na 'yan! Kailangang tu
"Kumusta na itong pogi kong apo?" Puno ng galak na sabi ni Father Theodore habang kinakarga ang kaniyang apo sa tuhod. Araw ng sabado. Araw ng kaniyang pagbisita. "Ang gwapo-gwapo! Mana sa tatay!" Masigla nitong sabi.Tumawa ang bata lalo. Umupo ako sa kaniyang harap. Para makita ang nakangiting mukha ng aking anak na tuwang-tuwa habang karga-karga ng kaniyang Lolo Theodore."Ano ang gusto ng apo ko na iyan? Ibibigay kaagad ng Lolo Theodore!" tumatawa-tawa pa rin ang bata na para bang kinikiliti. "Gusto ba ng apo ko ng bahay? Ng lupa?" humalakhak lalo ang aking anak.Boses palang ng pari ay tuwang-tuwa na siya. Sa kaniya lang ito tumatawa ng ganiyan. Kapag sa amin hindi naman, lalong-lalo na sa mga madre. Minsan, iniisip ko nga, siguro, sabik lang ang anak ko sa aruga at kalinga ng isang ama. "Aba! Gusto ng apo ko! Ano pa ang gusto ng poging si Akihiro?" tanong ulit ng pari.Sa murang edad, hinahanap na rin kaya nito ang presensya ng kaniyang ama? Ang masaklap nga lang, wala eh, wala
Motherhood is messy and staggeringly beautiful. It is overflowing with great joy, laughter, tenderness, and immeasurable responsibility. As mothers, we strive to make our families the heart of our day-to-day lives, and we redefine what it means to be tired, to be busy, to multitask with grace and patience. We love with our whole hearts and do everything in our power to give and give selflessly.Through it all, my daughters are the core of my universe. I want them to always see me as I am: a woman, a wife, a writer, a daughter, a friend, a hopeless romantic; a Mama. We are, as parents, massively skilled jugglers, and it is not always easy to strike a balance. "Mama, is Father Theodore at the church?" He asked out of blue. Hindi ko alam kung paano ibabalita sa anak kong wala na ang Lolo Theodore niya. Hanggang ngayon ay naglulungkot pa rin ako sa nangyari rito. Lalong-lalo na siguro ang anak kong mas malapit pa sa kaniya. Kagabi pa niya panay banggit ito. Paulit-ulit niyang sinasabi s
"I'm really sorry for what we did... for what happened, Miss." ulit nitong sabi. Totoo nga ang sinabi niyang hindi niya tatakasan ang nagawang kasalanan. Mabuti naman. Kanina pa siya pabalik-balik rito sa silid ni Akihiro para kamustahin ang kaniyang kondisyon at asikasuhin ang mga bills dito sa ospital.Kanina pa siya sa silid ni Akihiro. May benda sa ulo ang anak ko dahil namaga ang noo nito nang tumilamsik nang mabundol. Hinihintay pa rin namin hanggang ngayon ang resulta sa mga tests ng anak ko. Wala na sa isip ko ang pangsisisi sa kung sino ba ang dahilan kung bakit nangyari iyon kanina. Ang importante ay gumaling si Akihiro, maging negatibo ang resulta ng mga tests na isinagawa para naman makalabas na kami kaagad dito.Tumawag ako sa mga madre tungkol sa nangyari. Mas lalong namroblema at nastress ang mga ito nang marinig ang balita. Hindi pa naman sila nakakarecover sa biglaang pagkamatay ni Father Theodore tapos dadagdagan pa ng ganito. Bibista daw sila ngayong gabi. May misa
"Ms. Ramona? Why are you here alone?" Biglang sumulpot sa aking gilid ang kapatid ni Aquilino na si Lazarus. Napapitlag ako sa gulat. Masyado akong nagpokus sa pagdadasal. Nabigla ako ng sobra sa pagdating nito. "Sino ang nagbabantay sa anak mo?" dagdag na tanong pa nito."Ah! Ang kaibigan kong madre. Kasama ko sa pagbabantay sa anak ko ngayon."Hindi ko talaga inasahan na mangyayari itong ganito. Na darating pala ang panahon na makikilala ko rin ang kapatid niya. Ang madalas niyang pagselosan dahil mahal na mahal ng magulang. Magkasalungat man sila ng ugali, halatang magkapatid ang dalawa dahil sa sobrang pagkakapareho ng kanilang mukha. Ang hugis lang ng mukha at awrahan sila nagkakaiba. Siguro nga ay nangyayari talaga ang lahat ng mayroong rason. Kung ano man ang rason na ito, hindi ko alam sa ngayon, alam kong mauunawaan ko ring pagdating ng panahon. Maaaring may matutunan ako dahil rito o kaya naman ay ipagpapasalamat ko dahil nangyari. Alin man doon, tatanggapin ko nalang at s
"Anong balita kay Aquilino?" mabilis ang lakad ko papalapit sa kapatid ni Aquilino na si Lazarus nang lumabas ito ng silid. Nanatili ako sa labas. Doon pa rin sa hilera ng mga upuan kung saan huli kaming nag-usap. Isang oras na siguro ang nakakalipas. "Anong nangyari? Bakit ganun ang nangyari kay Kuya Aquilino?" Balik na tanong ni Lazarus sa akin. "The doctor said that his illness was triggered again because he tried to recall the past. What did you talk about?"Hindi ako makasagot. Kinabahan ako sa nangyari. Baka mas makasama sa kaniya ang pag-amin ko. Baka ako pa ang masisi kung lumala man ang kundisyon nito. Nakalimutan kong pwedeng makasama sa kaniya ang pilit na pag-alala ng nakaraan. "The doctor added that he may forget the past forever if he tries to remember it. Little by little, let's just let him remember. Hindi iyong pinupwersa natin siya..." dagdag pa nito. Parang nangliit ako sa pwesto ko. Pakiramdam ko ay sinisisi ako ng kapatid niya sa nangyari. Ayaw ko mang isipin,
Matapos magpasalamat kay Lazarus ay nauna na akong lumabas sa kotse habang bitbit sa kaliwang kamay ang bag na naglalaman ng mga damit ni Akihiro. Dire-diretso ang mga mata ko sa paglalakad. Nang makapasok ng gate at bubuksan pa sana ito nang husto ay nabigla ako nang nakaabang sa amin ang mga madre. Nanlaki ang mga mata ko. Kumpleto sila rito ngayon. May mga hawak itong lobo at malaking banner na nakalagay ay 'Welcome home, Akihiro!' Napaatras ako. Tuwang-tuwa sila pero ako hindi ko alam kung bakit parang umatras ang sistema ko. Kinakabahan. Kasama ko si Aquilino!"Nasaan ang apo namin? Andyan na ba? Bakit nauna ka?" Sabik na tanong ni Sister Si. Napakagat ako ng labi. Napapaatras nang napapa-atras. Maya- maya pa ay bumukas ulit ang pinto ng gate. Nilingon ko kaagad iyon. Si Aquilino ay karga-karga ulit si Akihiro. Nagningning ang mga mata ng anak ko nang makita ang mga madre. Napalakpak pa ito. "Welcome ba—" Imbes na sisigaw ay nabitin sa ere ang sasabihin sana ng mga ito. Nang m
Tinginan kaaagad ng mga taong nagtataka ang mukha ang sumalubong sa amin nang makarating kami sa bukana palang ng pinto ng pinagburulan. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Nakita ko pa kung paano sila magbulungan. Hindi ko iyon pinansin. Palagi namang ganyan. Nasanay nalang ako. Palagi namang may sinasabi ang tao. Gumawa ka na ng mabuti o masama, palagi silang may masasabi at masasabi. Kinakabahan ako sa totoo lang. Hindi dahil sa mga taong usisero at usisera kung hindi dahil sa kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang nito. Wala pang resulta ang DNA result. Kahit alam na alam kong positibo ang kalalabasan noon, nagrequest ako sa kaniyang gawin iyon para wala silang masabi. Para hindi nila kami pagdudahan at pagbintangan na pera lang ang habol namin sa anak nila. Kung magdududa man sila sa anak ko, kung hindi man nila tatanggapin, hindi ko kakayanin. Ayaw kong nakikitang nasasaktan ang anak ko. Ngayon pa talagang maganda na ang buhay nito. Hindi na siya gaanong nalulungkot
It's sometimes simpler to harden your heart and chose wrath. It's far easier to block those who have injured you or violated your affection and trust. Sometimes we believe there is no other option; that healing begins with distance and their absence; that in order to live your life, you must expel the toxins and agony they imparted; yet we do so by employing their techniques.We sometimes choose to be angry. We choose to react and get enraged; it is this wrath that we use as an explanation for our actions. We rationalize our retaliatory actions by recalling the actions of our rivals.I can never completely let go as long as I linger on my own misery and self-pity. Who am I to say you don't deserve my forgiveness when it's human to make mistakes? I've made errors in the past that I'd like people to forgive me for. I'm letting go of my ego by forgiving him. It indicates I've accepted the misery you've inflicted on me. It implies I no longer see you as the person who wrecked my life.
Bumalik ulit ang kaba sa aking dibdib. Pagkapasok namin sa loob ay hindi ko makita si Aquilino dahil pinapalibutan ito ng mga katulad ng nasa labas, ay mga businessman din. Dito ko talaga nakita at napaghalintulad na mga circle of friends niya ay mga negosyante na din na katulad niya.Sabay-sabay silang napatingin sa pagpasok naming dalawa ni Akihiro. Nakahawak ng mahigpit ang anak ko sa aking kamay. Parang pusang naninibago sa lugar at nangingilala pa ng paligid.Gumilid ang mga nakapalibot na lalaki sa amin para mabigyang daan at tuluyan nang masulyapan si Aquilino. Halos maiyak ako nang makita ko siyang nakaupo sa kama, humihinga, mayroon nang malay. Hindi na katulad noong mga nakaraang araw na hindi man lang gumalaw ang kamay nito!Blangko at hindi ko mabasa ang itsura niya. Bago pa man ako tuluyang makapagbigay ng reaksyon ay tumakbo nang mabilis ang anak ko papunta sa kama ng Papa Aquilino niya. Gulat na gulat pa rin sa mga nangyayari, ang mga nakapaligid ay napanganga nang matu
Siyempre, hindi ako mag-isang pumunta sa ospital. Dahil ilang araw ding hindi nagkita ang mag-ama ay nagpumilit talaga si Akihiro na sumama. Umiiyak na ito nang papaalis na ako ng mansion. Hindi ko sana pasasamahin dahil natatakot akong makakuha ito ng sakit dahil ospital ang pupuntahan namin. Mahina pa naman ang resistensya nito. Pero dahil nagpupumilit ito at hindi na matigil sa kakaiyak, isinama ko nalang para wala nang masyadong iisipin. Hindi kasi makontrol at kahit na mga katulong na sa mansion ay hindi siya mapatahan. Gustong-gusto niya daw makita ang Papa niya. "I really miss my Papa..." saad nito nang nasa sasakyan na kami patungo sa ospital na kung saan nandoon ang Papa niya. Fifteen minutes away lang ito sa village. "Ako rin, anak." saad ko dito. Ngayong ganito ang nangyari, napagtanto hindi talaga permanente ang ating buhay dito sa mundo. Hindi natin alam kung kailan ang huli, hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas, dapat, ipakita at iparamdam natin sa mga ta
Everything has gone swimmingly for the past several weeks that we have been in Manila with Aquilino's parents. Aquilino became preoccupied with his work, and Akihiro seldom cries when he had to leave the house for work. He also attends a neighborhood kindergarten school. Every Monday to Wednesday, I attend a review center nearby to Aquilino's workplace. Everything is going well. Now, I only have a month to review for my board examination."Love," Aquilino peek out the door as it opened slightly. I'm scanning my review book. Kanina pa ako ditong abala at tuwing kakain lang ako lalabas. Araw ng linggo, walang trabaho si Aquilino. Unti-unti na ring nakakabalik sa normal ang estado ng kumpaniya nila at kapag ganitong araw, palagi dapat silang may Papa and Akihiro time. Hinahayaan ko lang ang mag-ama sa kung ano ang gustong gawin ng mga ito. Kapag weekdays kasi ay maaga umaalis si Aquilino at kapag uuwi naman ay medyo late na. Marami kasing inaasikaso sa kumpaniya nila. Bumabawi naman
"Let us go to our room so we can start making Akihiro's sibling, Ramona."That's what Aquilino stated as soon as he stood up from his seat. We had just finished our meal. I quickly glared at him. His parents laughed at his naughtiness. Hindi na talaga matigil ang panghaharot nito sa akin! Mas nakakabuwelo pa ito at mas lalo pa talaga akong inaasar. Hindi pa kami nakakaisang araw dito ganito na itong si Aquilino. Baka kapag talagang natuluyan at hindi na ako nakapagtimpi at baka naman umuwi ako sa probinsyang buntis na naman!Ayoko ng ganoon! Hindi pa talaga kami tuluyang naaayos, may problema pang kinakaharap si Aquilino, hindi pa tuluyang bumabalik ang ala-ala niya... masyadong kumplikado pa ang lahat. "Just slow down, son. You've just returned from a trip!" his Daddy commented. Napahilot nalang ako sa aking sintido. Hindi pa rin tumatayo sa kinauupuan. Nahihiya na ako sa mga magulang nito. "I'm just kidding, Dad." he answered to his Father. He was looking at me and waiting for me
Leaving.Just hearing that term makes me want to cry. Just thinking that I will leave them tomorrow tears stream down my cheeks. They are neither happy nor sad tears. They are tears from every emotion I've ever felt or created in this place. They're tears of regret for not being able to remain. I'm wishing I didn't have to go. I wish I had more alternatives."Bakit hindi ka pa natutulog at pumapasok sa loob, Ramona?" nagulat ako nang biglang nagsalita mula sa aking likod si Sr. Si. Natawa siya nang makitang nagimbal ang katawan ko sa pagkakagulat nang dumating at nagsalita siya. "Kape pa more," natatawang sabi nito nang maupo ito sa tabi ko. Parehas kaming napatingin sa kawalan. "Bukas na ang alis niyo, no? Nakapaghanda na ba kayo ng mga dadalhin niyo?""Tapos na po..." sagot ko rito. Kahapon pa kami nag-impake nila Aquilino. Hindi naman marami ang dinala namin. Kailangan na kasi talaga naming makaalis. Hindi na raw maganda ang lagay ng kumpaniya nila. Lumalaki na raw ang nawawalang
Kinaumagahan, dahan-dahan akong bumangon sa kama. Mga bandang alaso tres na ako nakatulog nang itulak ko nang dahan-dahan si Aquilino para doon naman yumakap kay Akihiro. Hindi kasi ako mapakali na hindi ito abot-kamay, kung hindi naman ay may nakaagapay sa gilid na pwede niyang yakapin.Baka mahulog ito. Nangangamba ako na baka kapag nahulog ito ay makatama ang ulo niya sa sahig. Nagkatrauma na ako dail noong baby pa ito, muntik itong mahulog sa kama. Dala na rin ng post-partum, noong unang dalawang buwan kasi ni Akihiro ay hindi ko ito pinapansin at ayaw na ayaw ko itong nakikita. Mabuti nalang at mabilis na nakarespondedang mga madre. Kaunti nalang daw ay mahuhulog na ito. Kung hindi siguro naagapa, walang malaming na Akihiro ngayon. Kung hindi din iyon nangyari, baka hanggang ngayon, malayo ang loob ko sa anak ko.Iyon ang nagbukas ng isip ko para pahalagahan si Akihiro dahil ito lang ang pamilya mayroon ako.Magkayakap ang mag-ama nang iwan ko. Inayos ko pa ang kumot nilang dal
One of the most challenging difficulties we might face in life is realizing how little time we frequently have to spend in some of life's greatest moments. It's at times like this that you wish your train was delayed, or that his grin might last just a little longer, or that he would reconsider going after all.We cannot keep people for longer than we are meant to have them. Maybe they are ours for years or maybe we were only lucky enough to know them for just a few, quick moments. Whatever the case and whoever they are, just know that the length of a moment does not dictate its value in your life. You can meet someone once and remember them forever, or you can spend years with someone who will eventually become nothing more than a distant, foggy memory.Love will often come to you in the unlikeliest of times, and if you spend that time dreaming of what it could be, you will miss out on all that you already have.But if we never tried, we would have never experienced all of the beauti
"This is my school, Papa!" iminuwestra ni Akihiro ang kanilang paaralan sa kaniyang Papa. Pagkababa namin ng kotse ay agad na hinagilap ni Akihiro ang kamay ng kaniyang Papa at naunang maglakad. Tinginan kaagad ang mga tao nang bumaba kami sa sasakyan. Hindi ko iyon pinansin. "We play there with my friends every break time and PE time, Papa!" tinuro pa ni Akihiro sa Papa niya ang playground na madalas nga nilang paglaruan ng mga kaibigan niya. Tuwing susunduin ko ito at wala sa classroom nito ay madalas ko siyang matagpuan doon."Alam mo na kung saan hahanapin ang anak mo kapag susunduin mo ito," natatawa kong sabi kay Aquilino. "Iyon kung hindi ka pa babalik sa Maynila para sa trabaho mo." dagdag ko pa. Pila ang mga estudyante at mga magulang sa may gate. Nasa huli kami bago tuluyang makapasok sa may mismong gate ng paaralan. Dahil nasa unahan ang mag-ama at nasa likod nila ako, nilingon ako ni Aquilino nang nakanguso. Hindi nagustuhan ang huling sinabi ko. "Ayan ka na naman s