Share

Kabanata 38

Tinginan kaaagad ng mga taong nagtataka ang mukha ang sumalubong sa amin nang makarating kami sa bukana palang ng pinto ng pinagburulan. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Nakita ko pa kung paano sila magbulungan. Hindi ko iyon pinansin. Palagi namang ganyan. Nasanay nalang ako.

Palagi namang may sinasabi ang tao. Gumawa ka na ng mabuti o masama, palagi silang may masasabi at masasabi.

Kinakabahan ako sa totoo lang. Hindi dahil sa mga taong usisero at usisera kung hindi dahil sa kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang nito. Wala pang resulta ang DNA result. Kahit alam na alam kong positibo ang kalalabasan noon, nagrequest ako sa kaniyang gawin iyon para wala silang masabi. Para hindi nila kami pagdudahan at pagbintangan na pera lang ang habol namin sa anak nila.

Kung magdududa man sila sa anak ko, kung hindi man nila tatanggapin, hindi ko kakayanin. Ayaw kong nakikitang nasasaktan ang anak ko. Ngayon pa talagang maganda na ang buhay nito. Hindi na siya gaanong nalulungkot
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status