Discovered Ilang araw ko lang siyang hindi nakita pero iba na ang itsura niya. Nagpagupit siya. Kung noon ay mukha siyang dominanteng CEO, ngayon ay mukha na siyang miyembro ng military. Bagay naman sa kaniya kasi mukha na siyang miyembro ng AFP. Tumaas ang kilay ko nang makitang namumutok ang muscles niya dahil sobrang hapit ng suot niya. Pero naningkit ang mga mata ko nang mapansing bahagyang nakakunot ang noo niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. Parang hindi niya gustong makita ako, ah? Nang naalala ko kung anong nangyari sa huli naming pagkikita, bigla na lang uminit ang magkabila kong pisngi. Nag-iwas ako ng tingin. Bigla akong timaan ng hiya lalo pa't wala pang isang buwan nang ni-reject ko si Kervy. "O, ba't ganiyan mukha mo?" inis kong tanong. Humalukipkip pa ako at sinamaan siya ng tingin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "You don't mind if I see you like this, Larica?" Humalukipkip pa siya kaya mas lalong nangunot ang noo ko. "I'm dressed," sabi
Hindi ko na nasalba 'yong mga merch na binii ko noon. Mabuti nalang at naitago ko nang husto 'yong mga regalo ng fans ni CLGF kaya hindi nasunog kasama ng ibang merch. Kahit na gusto kong pigilan 'yong mga kasambahay pero hindi ko magawa dahil nakatutok si Mama. Napabuntong-hinga na lang ako at napatingin sa madilim na kalangitan. Malakas ang ihip ng hangin at mabigat ang buhos ng ulan. Halos ramdam ko ang vibration sa handy umbrella na ginagamit ko. Masyado kasing malawak ang field ng University kaya kanina pa ako nahihirapan sa paglalakad dahil maputik ang daan. Takot akong marumihan ang doll shoes dahil sermon na naman ang aabutin ko sa bahay.Pumikit ako nang mariin at bumuntong-hinga na naman. Malayo pa ang campus gate pero halos basa na ang laylayan ng skirt ko. Walang choice kung 'di tumakbo tungo sa campus gate. Hindi ko na inisip ang tilamsik ng putik tuwing lumalapat ang sapatos ko sa basang lupa."Hay nako!" bulong ko at kunot-n
"Mamayang alas-dose ang susunod na rasyon ng pagkain," sabi niya. Nilagay niya ang tray sa mesa na nasa gilid ng kama. "May kailangan ka pa ba?" dagdag niyang tanong.Umiling ako at bumuntong-hinga. Mahapdi ang mga sugat na natamo ko sa gabing 'yon kahit pa uminom na ako ng painkiller. Lumapit sa kama ang nurse at nilagyan ng unan ang headboard para doon ako sumandal. Umikhim ako at nagtanong. "Nakontak na ba 'yong parents ko?""Hindi pa. Pero sinusubukan ng department na i-retrieve ang data ng cellphone mo." Sumulyap siya saglit sa akin. "Hindi mo talaga kabisado ang numero ng mga magulang mo?"Umiling ako. Pero natigilan ako nang may maalala. "Yong kaibigan ko. Kabisado ko ang number niya.""Mabuti." Kinuha niya ang ballpen at papel na nakasabit sa paanan ng kama. "Isulat mo dito ang number niya. Kapag na-contact ng department, sasabihin naming nandito ka.""Sige, salamat."Tinanggap ko ang papel at ballpen. Sinulat ko ang numero ni Tiden. Number lang niya ang kabisado ko. Natulala
Nag-usap saglit ang parents ko at ang officer na nagtanong sa akin kanina. Hindi ko na inusisa kung anong pinag-usapan dahil naging abala ako sa pakikinig sa mga kuwento ni Tiden. Nakangiti lang ako habang kinukwento niya ang mga experience niya lately, lalo na ang paghahanda sa upcoming concert nila sa Bohol. Maya-maya pa ay lumapit sa amin ang officer. Hindi niya kasama ang parents ko kaya sa tingin ko ay abala sila sa pakikipag-usap sa doktor. Umikhim ang lalaki. "Marami nang mga krimen ang naganap doon sa palayan sa Baranggay Masulob-on. Noong nakaraang gabi lang, may report na natanggap ang presinto. Dalawang babae ang ginahasa."Nagbaba ako ng tingin. Ang totoo ay hindi ko alam kung bakit sinasabi ng officer ang tungkol doon pero nakahinga ako nang maluwag sa kaalamang alam ng pulisya ang nangyayari sa lugar na iyon. Mabuti na lang talaga at tumakbo ako palayo sa covered court kagabi at hindi nagpahuli sa mga tambay. Baka naging isang biktima na rin ako ng m
Pagkatapos ng insidenteng 'yon ay binilhan ako ng bagong phone ni Papa. Noong una nga ay galit siya dahil kung kailan kailangan ko ng phone ay doon pa nasira. Kung sana gumana raw ang phone ko sa gabing 'yon ay natawagan ko raw sila. Pinagkibit-balikat ko na lang ang sermon ni Papa. At dahil do'n, kaya naghanap siya ng magandang phone na hindi madaling masira. Tinitigan ko ang bagong phone. Ilang beses na akong nagpalit-palit ng phone simula no'ng nagtungo ako sa dock. Bumuntong-hinga ako at tumingin ulit kay Mama. Hilaw akong ngumiti at kinamot ang batok. Hindi ko alam kung matutuwa o hindi na pumayag siyang magpunta ako ng Bohol. "Dalawang araw lang ako do'n, Ma. Saka, nandoon naman si Tiden," sabi ko. Pinaalam na ako ni Tiden sa kaniya at alam kong pinagbigyan lang siya ni Mama dahil sa ginawa niyang pag-contact sa kanila nang maligaw ako sa Oslob no'ng isang gabi. Ilang segundo niya akong tahimik na tinitigan bago nag-iwas ng tingin. "Pumayag ba ako
Ilang ulit na akong patingin-tingin sa relong nasa bisig. Kanina pa ako naghihintay kay CareLikeGoldFish pero ilang oras na't hindi pa rin siya dumarating. Nag-send ako ng message kanina. Tinadtad ko pa. Kaso wala pa ring reply. Nasa'n na kaya 'yon?"Alas-onse," bulong ko.Ala-una ang flight ng plane. Nag-order na lang ako ng pananghalian at kumain na muna. Alas-onse y medya na. Nasa'n na si Levi?Patingin-tingin pa ako sa entrada ng fast food establishment sa loob ng Airport, nagbabakasakaling may makitang pamilyar na mukha kaso wala. Limang minuto bago mag-alas dose ay wala pa rin siya!Hindi yata sisipot ang isang 'yon. Napabuntong-hinga ako. Usapan naming magkikita kami sa Airport at sabay na babiyahe papuntang Bohol pero mukhang malabong mangyari 'yon. Baka may emergency kaya hindi siya makapunta, at kahit na naintindihan ko ay mayroon pa ring parte sa akin na disappointed. Nagbaba ako ng tingin sa cellphone nang mag-vibrate 'yon. M
Malamlam na ang sinag ng araw pagtapak ko sa harapan ng resort. Pasado alas-cinco na. Naka-engrave sa itaas ng entrada ang pangalan ng lugar. Pumasok ako at nagpunta sa reception saka kinuha ang key card para sa b-in-ook kong kwarto."West wing, Maam. Room 375. We have different deals for room service. You can browse for the services and other deals in full menu at your room. For assistance and other needs, you can contact our reception officer. Have a nice stay!"Ngumiti ako sa kaniya at tinanggap ang key card na inabot niya. In-assist ako ng crew papunta sa West Wing. Napatingala ako sa tatlong palapag na mahaba at kulay puting gusali. Sa tingin ko nga, may rooftop pa sa itaas. Sa unang tingin, mukhang dormitoryo ang gusali, minus sa parihabang asul na pool at hanay ng kayumangging pool chairs sa gilid nito.Isang malinis na regular hotel room ang pinagdalhan sa akin ng crew. Nagpaalam siya habang pumasok na ako sa loob. Binaba ko ang backpack sa kama at napatingin sa nag-iisang kab
Binalik ko ang tingin sa harap at nagkunwaring hindi siya nakita. Ano bang ginagawa niya rito? Bigla, naalala ko ang sinabi niya sa EGL na 'See you there'. Mukhang ginawa niya talaga ang sinabi niya. Ah, Rishel, dapat mag-enjoy ka! Napagdesisyunan kong alisin sa isip ang tungkol sa presensya niya sa concert. Kaya naman binaling ko ulit ang atensyon sa harap. Binalik ko ang tingin sa stage at nakisabay sa kanta ng Vine. "I am drowning, in your lifeless eyes meet mine. In deepest you captivated my soul. Oh, I am under your spell." Sumigaw pa ako. "Vine! I love you!"Para akong nalasing sa kanta. Umikot-ikot pa ako at tumalon-talon. Nag-headbang ako at sumigaw nang pagkalakas-lakas. "Oh! I'm under your spell! Kyaaah! I love you, Vine!""Why are you shouting so loud?" biglang tanong ni Lyndon pero dahil malakas ang tugtog kaya hindi ko masyadong narinig ang salita niya.Hindi ko siya pinansin at nanatili ang tingin ko sa harap. "Miss Larica!" pasigaw niyang tawag para marinig ko.Kumib