Pagkatapos ng insidenteng 'yon ay binilhan ako ng bagong phone ni Papa. Noong una nga ay galit siya dahil kung kailan kailangan ko ng phone ay doon pa nasira. Kung sana gumana raw ang phone ko sa gabing 'yon ay natawagan ko raw sila. Pinagkibit-balikat ko na lang ang sermon ni Papa. At dahil do'n, kaya naghanap siya ng magandang phone na hindi madaling masira.
Tinitigan ko ang bagong phone. Ilang beses na akong nagpalit-palit ng phone simula no'ng nagtungo ako sa dock. Bumuntong-hinga ako at tumingin ulit kay Mama. Hilaw akong ngumiti at kinamot ang batok. Hindi ko alam kung matutuwa o hindi na pumayag siyang magpunta ako ng Bohol."Dalawang araw lang ako do'n, Ma. Saka, nandoon naman si Tiden," sabi ko. Pinaalam na ako ni Tiden sa kaniya at alam kong pinagbigyan lang siya ni Mama dahil sa ginawa niyang pag-contact sa kanila nang maligaw ako sa Oslob no'ng isang gabi.Ilang segundo niya akong tahimik na tinitigan bago nag-iwas ng tingin. "Pumayag ba akoIlang ulit na akong patingin-tingin sa relong nasa bisig. Kanina pa ako naghihintay kay CareLikeGoldFish pero ilang oras na't hindi pa rin siya dumarating. Nag-send ako ng message kanina. Tinadtad ko pa. Kaso wala pa ring reply. Nasa'n na kaya 'yon?"Alas-onse," bulong ko.Ala-una ang flight ng plane. Nag-order na lang ako ng pananghalian at kumain na muna. Alas-onse y medya na. Nasa'n na si Levi?Patingin-tingin pa ako sa entrada ng fast food establishment sa loob ng Airport, nagbabakasakaling may makitang pamilyar na mukha kaso wala. Limang minuto bago mag-alas dose ay wala pa rin siya!Hindi yata sisipot ang isang 'yon. Napabuntong-hinga ako. Usapan naming magkikita kami sa Airport at sabay na babiyahe papuntang Bohol pero mukhang malabong mangyari 'yon. Baka may emergency kaya hindi siya makapunta, at kahit na naintindihan ko ay mayroon pa ring parte sa akin na disappointed. Nagbaba ako ng tingin sa cellphone nang mag-vibrate 'yon. M
Malamlam na ang sinag ng araw pagtapak ko sa harapan ng resort. Pasado alas-cinco na. Naka-engrave sa itaas ng entrada ang pangalan ng lugar. Pumasok ako at nagpunta sa reception saka kinuha ang key card para sa b-in-ook kong kwarto."West wing, Maam. Room 375. We have different deals for room service. You can browse for the services and other deals in full menu at your room. For assistance and other needs, you can contact our reception officer. Have a nice stay!"Ngumiti ako sa kaniya at tinanggap ang key card na inabot niya. In-assist ako ng crew papunta sa West Wing. Napatingala ako sa tatlong palapag na mahaba at kulay puting gusali. Sa tingin ko nga, may rooftop pa sa itaas. Sa unang tingin, mukhang dormitoryo ang gusali, minus sa parihabang asul na pool at hanay ng kayumangging pool chairs sa gilid nito.Isang malinis na regular hotel room ang pinagdalhan sa akin ng crew. Nagpaalam siya habang pumasok na ako sa loob. Binaba ko ang backpack sa kama at napatingin sa nag-iisang kab
Binalik ko ang tingin sa harap at nagkunwaring hindi siya nakita. Ano bang ginagawa niya rito? Bigla, naalala ko ang sinabi niya sa EGL na 'See you there'. Mukhang ginawa niya talaga ang sinabi niya. Ah, Rishel, dapat mag-enjoy ka! Napagdesisyunan kong alisin sa isip ang tungkol sa presensya niya sa concert. Kaya naman binaling ko ulit ang atensyon sa harap. Binalik ko ang tingin sa stage at nakisabay sa kanta ng Vine. "I am drowning, in your lifeless eyes meet mine. In deepest you captivated my soul. Oh, I am under your spell." Sumigaw pa ako. "Vine! I love you!"Para akong nalasing sa kanta. Umikot-ikot pa ako at tumalon-talon. Nag-headbang ako at sumigaw nang pagkalakas-lakas. "Oh! I'm under your spell! Kyaaah! I love you, Vine!""Why are you shouting so loud?" biglang tanong ni Lyndon pero dahil malakas ang tugtog kaya hindi ko masyadong narinig ang salita niya.Hindi ko siya pinansin at nanatili ang tingin ko sa harap. "Miss Larica!" pasigaw niyang tawag para marinig ko.Kumib
Nanatili ako sa loob ng covered court dahil inakala kong hindi papasok si Lyndon. Kaso, ano bang iniisip ko? Na restricted siya sa court? Lumayo na lang ako para hindi mahalata ng mga tao na magkakilala kaming dalawa. Kasi naman, tulad nang ginawa ni Ate Rosan sa akin, binigyan niya rin ng tubig si Lyndon at open arms na tinanggap. In-invite pa ni Ate na sumali sa activity.Kung hindi pa ako nakiusap na mag-stay kanina, malamang tumakbo na ako sa labas pagkakita ko pa lang sa kaniyang naglakad papasok sa court. Nakasuksok pa ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon at prenteng naglalakad na parang prinsepe!"Youth minister ako ng church namin," kuwento ni Ate Rosan. Tinuro niya ang mga dekorasyon sa paligid. "Magkakaroon kami ng outreach program sa kabataan dito sa Tawala. Alas-siyete sana magsisimula kaso hindi pa dumarating 'yong worship team."Tumango si Lyndon saka sumulyap sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin at nagkunwaring kumakain ng marshmallows. Inayos ko pa ang pagkakaupo
Matapos kong magpaalam kay Ate Rosan ay mabilis akong humakbang palabas. Hindi ko napansing nakasunod sa akin si Lyndon. Natigilan na lang ako nang may marinig akong yabag sa likuran at nang lumingon ako ay nakita ko siyang sumusunod sa akin. Kumunot ang noo ko. Hindi pa rin ba siya tapos sa ginagawa niya? Kaya tumakbo ako palayo pero humabol siya! Nag-igting ang bagang ko at naisip na huminto at hintayin siya sa isang eskinita. Humakulipkip ako. "Let's get it straight to the point. Ano bang pinupunto mo, Lyndon? I said I don't know what happened in that victimless crime, okay? Kahit na ilang beses mo akong tanungin, pareho lang ang sagot ko!"Huminto siya sa tapat ko. Hindi ko mabasa ang iniisip niya dahil nanatili siyang nakatitig sa akin nang walang emosyon sa mga mata. Maya-maya pa ay umikhim siya. "But all evidences are pointing at you, Rishell."Umirap ako, kumibot ang sulok ng mga labi. "Baka nga gawa-gawa lang 'yong putok ng baril na sinasabi ng dalawang tumestigo." Saka ko
Tahimik lang akong nagbabasa ng kuwento ni CLGF nang biglang may kumatok sa pinto ng hotel room. Mabilis kong binaba ang cellphone at pinagbuksan ang kumatok. Isang hotel crew. Ngumiti siya pagkakita sa akin. "Good morning, Maam! Room service!""Oh." Ngumiti ako pabalik at nagbaba ng tingin sa dala-dala niyang tray ng pagkain. "Salamat. Ilagay mo na lang diyan sa kama."Humakbang siya papasok at nilagay ang tray sa ibabaw ng maliit ng mesa na dala-dala niya rin kanina. Pagkatapos ay nagpaalam siya sa akin. Sinara ko ang pinto at nag-unat-unat. Ilang oras din akong nagbabasa sa phone at nangangawit na ang kamay ko. Lumapit ako sa entrada ng balkonahe at hinawi ang kurtina. Napapikit ako nang tumama ang sinag ng araw sa mata ko. Ngayon ko lang napansing tuluyan nang umakyat ang araw sa silangan. Hinayaan kong nakahawi ang kurtina sa balkonahe para pumasok sa loob ang sinag ng araw. Saka ako dumulog sa pagkain at prenteng nag-agahan. Ilang minuto pagkatapos kong kumain ay dumating ang
"5,990 pesos, Maam."Nagbaba ako ng tingin sa dress na tinutupi niya. "Masyadong mahal. Wala bang tawad? One thousand nalang sana, Miss?""Naku, Maam, bawal po ang tawad sa mall," sabi niya saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa.Kumibot ang sulok ng mga labi ko. Nakaka-offend ang ginagawa niya pero wala naman akong rason para i-confront siya. Bawal naman talagang tumawad sa mall dahil naka-set na ang prices ng bilihin. Bumuntong-hinga ako. Ang totoo ay afford ko naman ang dress pero inalala kong hindi ko naman pera ang ipambibili ko sa dress. Galing 'yon kay Tiden na nagpahiram sa akin ng 20k. Binawi kasi ni Mama ang credit card ko dahil mataas masyado 'yong spending ko. Uminit ang dalawa kong pisngi nang mapansing pinagtitinginan ako ng ibang customer. Kaya walang choice kundi ibigay ang card sa saleslady. "Here," sabi ko. Ngiti niyang tinanggap ang card. Lihim naman akong umirap at kunot-noong tinanggap ang paper bag at card na inabot niya. "Until your next visit, Maam!" sabi
Kumakabog ang puso ko. Hindi ko mapigilan. Hindi ko rin alam kung anong pwedeng gawin para mawala ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi. Hindi ko alam - o mas tamang sabihing wala akong balak pakawalan ang nararamdaman ko kay Levi.Siya 'yong una. Sa dinami-rami ng lalaking dumating sa buhay ko, siya lang 'yong tumatak. Hindi ko mapaliwanag kung bakit. Kung sana pwede ko siyang hilain sa tabi ko... kung pwede lang sana.Umatras ako at bahagya siyang tinulak. Nilayo niya ang mukha sa akin. "Rish?" Nagtatanong ang mga mata niya.Nag-iwas ako ng tingin at napabuga ng hangin. "A-Anong ginagawa mo, L-Levi?""Kissing you."Mabilis akong napatitig ulit sa mga mata niya. Hindi naman ako tanga. Alam kong hinahalikan niya ako. Umikhim ako. "I mean... Nicole. How about her?"Nangunot ang noo niya. "What about her?""She's... uhm..." Ano bang relasyon ng dalawa? Napahawak ako sa pisngi. "Your fling?" Ngumiwi ako. Naman. Ginawa k
A/N: Extra chapter. Ito ang huling kabanata ng For The Stars Have Sinned. Maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa istoryang ito lalo na kay Janelyn. First ever review from a reader in two years lol. See you sa sunod kong mga istorya ng Revival Series at standalone novels. Mag-a-update na ako sa "Hidden Mafia King and the Fearless CEO." I hope makita ko kayo doon na magbigay ng review at gems. May libreng shout out mula sa akin ang magbigay ng review hehe. See you there! ~~~January 7, 20217:00 P.M. Concert venue, ArgaoMaabutan na niya si Levi. Kaunti pa... kaunti pa... ayan!"Levi!" sigaw ni Rishel. Humigpit ang hawak niya sa necklace.Lumingon si Levi sa kaniya kaya napangiti siya. Muntik na siyang matumba nang tinulak siya ng ibang nagwawalang fans. Umismid siya at muling tumingin kay Levi pero wala na ito sa puwesto kanina. Sumimangot siya at tinawag ang bouncer. "Kuya! Pakibigay kay Levi!" Saka niya inabot ang necklace at letter.Kunot-noong tinanggap ng bouncer ang binigay
I didn't give him a chance to swear on me. Mabilis kong pinatay ang tawag. Pero tulad ng inasahan ko, hindi matatahimik ang mundo ko dahil sunod-sunod na tawag ang natanggap ko mula sa parents ko, kay Lyndon, Tiden, saka mga unknown numbers na hindi ko alam kung sino ang may-ari. Bumuntong-hinga ako at pinatay ang phone. Ayoko munang mag-entertain ng mga tanong nila. I was not being irresponsible pero pagod na akong mag-explain nang paulit-ulit. I know that they won't stop until marinig ang gusto nilang marinig mula sa akin. Gusto ko lang ngayon ay ibigay ang buo kong atensyon kay Klo na masayang nililibot ang tingin sa ocean park. Naisip kong ipasyal siya sa sikat na tourist spot dito sa lungsod kasama ang yaya niya na nakasunod lang sa aming mag-ina. Hindi ako nag-alala na baka may makakilala sa akin dahil nagsuot ako ng mask at naka-bullcap. Isa pa, nasa underwater ang park kaya nagkalat ang dim neon light sa paligid kaya hindi masyadong kita ang features ng mukha ng mga bisita.
Naningkit ang mga mata ko at mabilis na tinawagan si Lyndon. "Have you seen the news?" tanong ko. "Yes. Inutusan ko na ang tauhan ko na burahin iyon. Don't worry."Hah. He can take it down but people will still gossip in social media. What's the difference? Bumuntong-hinga ako at akmang ibababa ang tawag nang magtanong siya. "Where's my son?"Doon ko lang naalala ang pinag-usapan namin sa restaurant. Nandilim ang paningin ko at mabilis na pinatay ang tawag. Rishel, bakit mo nalimutan? Akala ko ay huhupa rin ang issue pagkatapos ng ilang araw pero isang linggo na ang lumipas pero nasa headlines pa rin ang mukha ko. Pati ang mga issue noon na naging dahilan ng pagtakas ko sa bansa ay muling umugong sa media. Hindi rin nila pinaglagpas ang mga gig na ginawa ko kasama ang Vine at ang pagiging idol ko noon. Naghinala na ako noong una na may kamay na nagpapagalaw sa media pero mas lalong lumalim ang hinala ko nang biglang lumitaw ang impormasyon tungkol sa akin at kay Rei. Walang nakaka
There was silence, and Lyndon cleared his throat. "When did you find out?"Kumuyom ang mga kamao ko at hilaw na ngumiti sa kaniya. "My son got his looks from you. Am I that stupid na hindi maghihinala? Isa pa, you're too good to be true. Still wanting to marry a ruined woman?" I chuckled. "But even if I noticed it too late, I still want to ask why did you deceive me? Bakit pinaniwala mo akong hindi mo alam kung sino? You made me look stupid, Lyndon!"Ilang segundo siyang tumitig sa akin bago siya umiwas ng tingin. "Do you have evidence that he is my child?"Nandilim ang paningin ko sa tanong niya at mabilis na nilabas ang DNA result na nasa loob ng handbag ko. Tinapon ko 'yon sakto sa mukha niya. "Umuwi ako sa bansa para lang makita ko nang personal ang resulta ng DNA test. Still wanna deny the truth?" Matapos niyang basahin ang nakasulat ay binaba niya ang resulta at tumingin na naman sa akin. Mas lalo lang nagngitngit ang kalooban ko nang wala man lang siyang imik. "Ano? Wala ka b
"Rishel, may problema ba? Ilang araw ka nang tulala. Palaging tumatawag si Lyndon at lagi mo raw siyang pinapatayan ng tawag." Nagsalubong ang mga kilay ni Mama. "Sabihin mo sa akin kung anong problema."Tumingin ako saglit kay Mama bago binalik ang tingin sa laptop na nasa center table at nagtipa. "Busy lang ako, Ma. Tatawagan ko siya next time," sabi ko. Bumuntong-hinga si Mama. "Palagi mo nalang 'yang sinasabi. Kung may problema kayo ni Lyndon, pag-usapan niyo. Sa susunod na linggo na ang kasal at bukas na gaganapin ang engagement party niyong dalawa. Paano mo pakikitunguhan ang magiging asawa mo kung hindi kayo nagkakasundo?"Huminto ako sa pagtipa at tumingala kay Mama. "Wala naman kaming problema, Ma. Don't worry, sisiputin ko siya bukas.""Dapat lang, Rishel. Ilang taon na kayong engaged at dapat nang ipaalam sa publiko ang relasyon niyong dalawa, kung hindi ay kikwestiyunin ng board members ang engagement mo kay Lyndon." Pero hindi pa ako handang matali sa lalaking 'yon. Al
Pagkatapos ng limang taon. Tirik ang araw at maaliwalas sa umagang iyon nang humakbang ako pababa ng eroplano mula sa ibang bansa. Pero nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang isang pamilyar na mukha. "Kervy? Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko. Limang taon nang lumipad ako tungo sa ibang bansa. Ngayon na tahimik na ang medya ay napagdesisyunan kong umuwi nang tahimik. Hindi ko lang akalaing sasalubong sa akin ang huling taong inaasahan kong makita. Hindi siya sumagot at bumaba ang tingin niya sa batang nakatayo sa giliran ko. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Klo at pinaningkitan ng mga mata si Kervy. "Mommy? Who is he?" tanong ni Klo. Bumaba ang tingin ko kay Klo at ngumiti nang marahan. "An old friend." Binaling ko ulit ang atensyon kay Kervy. "Kung wala ka nang kailangan ay mauna na kami."Akmang lalampasan ko siya pero hinuli niya ang palapulsuhan ko. Napatingala ako kay Kervy. Ilang taon na ang lumipas nang huli ko siyang nakita pero walang nagbago sa itsura niy
Madilim ang itsura niya pero alam kong hindi sa akin nakadirekta ang galit niya kaya nakampante ako. "Thank goodness at nandito ka na!" masaya kong sambit at umupo.Mabilis niya akong dinaluhan. "Let's go," sabi niya saka binuhat ako sa mga bisig. Napahiyaw pa ako sa gulat at napatingin sa mukha niyang napakalapit. Bumilis ang tibok ng puso ko at uminit ang magkabilang pisngi. Iniwas ko ang tingin nang tumingin siya sa akin. "Sa'n mo 'ko dadalhin?" tanong ko .Napansin kong ginagayak niya ang daan tungo sa fire exit. Maya-maya pa ay nakalabas kami ng gusali at marahang humampas sa mukha ko ang preskong panggabing hangin. Nawala ang tensyon sa magkabilang balikat ko at inihilig ang ulo sa balikat ni Lyndon. "Thank you," marahan kong bulong. "Anong ginawa niya sa 'yo?" tanong niya. "Nahimatay lang ako ng dalawang araw.""Dalawang araw?" Mas lalong nandilim ang awra ni Lyndon. "Rishel, dalawang linggo kang nawawala! Hindi kita mahanap." Nagtagis ang bagang niya. "At malalaman ko lan
"Let go!" Nagpumiglas ako sa hawak niya pero masyado siyang malakas. Nanlilisik kong tiningnan ang mukha na hinangaan ko noon pero kinasusuklaman ko na ngayon. "Pinagsisihan kong inidolo kita, Levi! I hate you! I hate you to death!"Natigil siya saglit at naningkit ang mga mata habang matiim na tumitig sa mukha ko. Mas lalo lang nawalan ng kulay ang mukha ko sa klase ng tingin niya at pilit kong iniiwas ang tingin. Pero hindi niya ako hinayaan at hinawakan ang baba ko para itaas ang mukha. Nakita ko na naman ang kakaibang ngiti sa mga labi niya. "Even if you hate me, it doesn't change the fact that you are mine, Rishel," bulong niya sa akin. Nanlamig lang ang kalamnan ko sa narinig. Siguro ay dahil sa klase ng tingin niyang parang isang gutom na halimaw na nakatingin sa pagkain nito. Ngayon lang niya pinakita sa akin ang klase ng tingin na iyon kaya nanginig ang kalamnan ko sa nerbiyos.Huminga ako nang malalim at lakas-loob na sinalubong ang titig niya. "Binaril mo si Papa. Hindi p
My heart skipped a beat at what he said. Tulala ko siyang tiningnan habang sinasabi niya ang nalalaman niya sa insidenteng kinasasangkutan ni Papa."Nalaman ng mga awtoridad na may bumaril sa ama mo habang may binibili ito sa isang grocery store. Hindi kita sa CCTV ang mukha ng bumaril pero may nakalap na mga witness na nakasaksi sa mismong araw na binaril ang ama mo. Si Levitus ang tinuturo nilang suspect."Naging isang linya ang mga labi ko at napatitig sa kaniya. Totoo ba ang sinasabi niya? He's not deceiving me, right?Nang mapansin niyang hindi ako naniniwala ay nagsalubong ang mga kilay niya. "If you ask those witnesses, you'll know the truth."Kumuyom ang kamao ko. "Did you bribe them?""Are you doubting my intentions?" tanong niya at tinaas ang kilay. "Yes," sagot ko sa kaniya. Kumibot ang sulok ng mga labi niya at tumawa. Tumitig ako sa kaniya hanggang sa mawala ang ngiti sa mga labi niya. Naningkit ang mga mata ni Lyndon at inilabas ang isang litrato. Nang tingnan ko iyon