Fiona stiffened in surprise as Randall's lips landed on hers. Ni hindi siya nakagalaw nang angkinin nito ang kanyang mga labi. Ang isang kamay nito ay lumipat sa kanyang batok at doon ay waring isang bakal na pinipigilan siyang huwag makakilos.Naipikit niya ang kanyang mga mata kasabay ng paglapat ng dalawa niyang palad sa dibdib nito. Gusto niya pang mamangha sa kakaibang kilabot na agad ay lumukob sa kanya nang unti-unti ay damhin niya ang matipunong dibdib ng binata.What she did earned a soft groan from him. Dahilan iyon para mas lumalim pa ang halik na iginawad sa kanya ni Randall at natagpuan na lamang ni Fiona ang kanyang sarili na tumutugon dito.She opened her mouth to him that made it easy for Randall to thrust his tongue inside. He even held her tighter as he went deeper inside her mouth. Ang ginagawa nito sa kanya ay naging sanhi rin upang kumawala ang isang mahinang ungol mula sa kanya.Fiona felt like what they were doing started a fire within her. At kung konsolasyon ma
Pasado ala-una ng hapon at nasa balkonahe ng mga Mondejar si Fiona. Nakatayo roon at malayo ang tinatakbo ng kanyang isipan. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi man lang mawala sa isip niya ang namagitang halik sa kanilang dalawa ni Randall kaninang madaling araw.Pagkaakyat niya nga sa silid na kanyang inookupa ay nabalot ng napakaraming katanungan ang sarili niya. Gulong-gulo siya at hindi maunawaan kung paanong kay dali niyang nadala sa mga ginawa ni Randall kanina.Wala pa siyang hinayaan kahit sinong lalaki na mahalikan siya sa ganoong paraan. Yes, she had boyfriends before. She allowed them to kiss her on her lips but not as intense as what Randall did to her. At tanging ang binata lamang din ang nakagawa sa kanya ng higit pa sa paghalik sa kanyang mga labi. Si Randall pa lamang ang tanging lalaki na nakakita at nakahalik sa kanyang dibdib!And to think that he was not her boyfriend for that matter! Bakit hinayaan niya itong gawin iyon gayung wala naman silang relasyon?She he
"Where are we going, Randall?" nagtataka nang tanong ni Fiona sa binata.Mula nga sa pagdiriwang ng kaarawan na pinuntahan nila ay basta na lamang siya nitong inakay paalis. Kung saan man sila patungo ay wala siyang ideya. Randall was just unpredictable.Hawak siya nito sa kanyang kaliwang palapulsuhan habang naglalakad sila. Ni hindi na nagprotesta pa si Fiona at nagpaakay na lamang dito."R-Randall, didn't you hear me? I said---""Gusto ko lang maglakad-lakad, Fiona. Tapos na rin naman ang pagputong sa iyo at mamaya lang din ay puro palaro na lang sa mga bata ang gagawin roon," tugon nito sa kanya."Hindi ba nakakahiya? Basta na lang tayo umalis."Marahan itong natawa dahil sa mga sinabi niya. "Of course not. Abala ang mga tao roon at malamang ay hindi man lang napansin ang pag-alis natin."Hindi na siya tumugon pa. Mula sa bahay na pinanggalingan nila ay tinunton ni Randall ang daan patungo sa may baybayin. Hapon na at malilim na rin sa parteng iyon ng Ihatub.Tulad nang unang pagt
Ilang saglit na hindi nakahuma sa kanyang kinatatayuan si Fiona. Mataman niyang pinagmasdan ang Alice na tinukoy ni Lilia. Hindi niya pa napigilan ang kanyang sarili na palakbayin ang kanyang paningin sa kabuuan nito.Alice was a tall lady with a slim waist. Maganda ito at may maamong mukha. Her skin was suntanned, something that was opposite to her. Kung gaano siya kaputi ay kabaliktaran naman nito. Alice's skin was of a natural Filipina."Ikaw nga, Lilia," nakangiti pa nitong sabi sa dalagang katabi niya. "Dalaginding ka pa lang nang huli tayong magkita."Isang alanganing ngiti lamang ang itinugon dito ni Lilia saka siya tinapunan din ng tingin. Alam niya na naiilang ito dahil sa pagtatagpo nilang iyon ni Alice. She can't blame her. Ang alam nito ay kasintahan siya ng Kuya Randall nito.Marahan na tumikhim si Fiona upang maagaw ang pansin ni Alice. So, she was the doctor that attended to Margareth. Doktor na ito. Ang huling kwento sa kanya ni Lilia ay kasabayan pa lang ito noon ni R
"Fiona..."Ang akmang pagsara ni Fiona ng pinto ng kanyang silid ay mabilis na nahinto nang marinig niya ang pagtawag na iyon ni Randall. Mag-aalas nueve na iyon ng gabi at balak na sana niyang pumasok ng silid upang magpahinga na."What?" malamig niyang saad sabay harap sa binata.Nasa loob na siya ng silid at ang binata ay nalingunan niyang nasa may entrada ng pintuan. Kanina pa sila tapos maghapunan at malamang ay papasok na rin sa silid na inookupa nito si Randall nang tawagin siya.Kunot-noong pinagmasdan siya nito dahil sa kalamigan ng pakikitungo niya. Sadyang itinukod pa ng binata ang isang kamay nito sa may hamba ng pintuan bago muling nagsalita."Nagagalit ka ba?" nagtatakang tanong nito sa kanya.Fiona let out a lazy sigh. "Iyon lang ba ang itatanong mo kaya ka nandiyan?""Ano ba ang problema?" usisa pa nito. "Kanina ko pa napapansin na ganyan ka?"Umangat ang isang kilay niya dahil sa puna nito. Hindi niya alam na napansin pala nito ang tungkol sa bagay na iyon.Kanina pa n
Tahimik at halos napapatulalang nakaupo lamang si Fiona sa kama. Kanina pa siya gising ngunit mas pinili niya munang manatili sa silid na ginagamit niya sa bahay ng mga Mondejar, ang sariling silid ni Randall.Hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman pagkagising na pagkagising niya pa lang. She could still feel the soreness in between her legs that caused by what happened last night.Yes, kagabi nga ay hindi niya maunawaan kung paanong ganoon niya kadaling naisuko ang kanyang sarili kay Randall. It was like she was under a spell and she can't say no to everything that happened.O marahil ay sadyang gusto niya ang namagitan sa kanilang dalawa ng binata. Hindi niya magagawa ang lahat ng iyon kung hindi rin gusto ng kanyang isipan at... puso.Ngayon nga ay napagtanto niyang sa desisyon niyang ipagkaloob ang kanyang sarili kay Randall ay hindi na lang isipan niya ang sangkot, maging ang puso niya na rin. Hindi niya alam kung paano at kailan nagsimula. Kung iisipin ay parang impos
Agad na naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Randall nang dahan-dahang ituloy ni Alice ang paghakbang nito patungo sa kanyang direksyon. Ni hindi niya magawang ngumiti ngayong kaharap niya muli ang babae pagkalipas ng napakaraming taon.When was the last time he last saw her? Halos ilang taon pa lang noon mula nang magtapos siya ng kolehiyo. Nakapagtrabaho siya habang si Alice naman ay ipinagpatuloy ang pag-aaral nito ng medisina.It was really her dream to be a doctor. Naging pursigido pa itong abutin ang pangarap na iyon dahil na rin sa pagbubuyo ng mga magulang nito. Hindi man ganoon kayaman ang pamilya ni Alice ngunit maganda naman ang trabaho ng ama at ina ng dalaga dahilan para masuportahan ng mga ito ang pag-aaral ng anak.At bilang nobyo nito noon ay isa si Randall sa nagpakita ng suporta para sa dalaga. He wanted her to achieve her dreams and to be what she wanted to be. Kaya naman, nang magkaroon ng pagkakataon na kumita ay isa din siya sa sumuporta dito para makapag-ar
Tulad ng naging alok ni Jack ay binanggit ni Randall kay Fiona ang pagnanais ng pamilya ng kanyang pinsan na mananghalian sila sa bahay ng mga ito. Nagpaunlak ang dalaga at nakita niya pa ang kasiyahan sa mukha nito nang sabihin niya ang tungkol sa bagay na iyon.Nang sumunod na araw nga, alas-dies pa lang ng umaga ay pumunta na sila sa bahay nina Jack. Dahil sa hindi naman iyon malayo mula sa kanilang tinitirhan ay ilang minutong lakaran lamang ang ginawa nilang dalawa.Pagdating roon ay abala na ang asawa ni Jack na si Marinel sa paghahanda ng kanilang tanghalian. Menudo, inihaw na bangus at pakbet ang mga ulam na pinaghandaan ng mag-asawa. Mayroon ding gulaman na ginawa si Marinel.Kagabi niya pa nabanggit kay Fiona ang tungkol sa paanyaya ni Jack sa kanya at nang pumayag ang dalaga ay mabilis naman niyang pinaabisuhan ang mag-asawa sa pagpunta nila sa mga ito.Dahil sa maaga silang gumayak sa pag-alis ay hindi pa tapos si Marinel sa pagluluto. Hindi pa maiwasang mamangha ni Randal