Share

Chapter 30

last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-17 19:17:09

Tahlia POV

Masakit ang ulo ko pagkagising ko. Parang pinupukpok ng martiyo ang ulo ko, parang binibiyak na pakwan, ganoon kalala.

Napahawak ako sa sentido at napasinghap. Ayaw ko talaga ng hangover. Ganoon ba talaga ako nalasing kagabi? Hindi ko na matandaan ang lahat ng nangyari, pero isang eksena lang ang paulit-ulit na bumabalik sa isip k, ang paghalik ko kay Zain sa sasakyan kagabi.

Napangiwi ako at napamura. "Tangina."

Ni sa panaginip, hindi ko inakalang magagawa ko 'yon. Hindi lang basta halik, kundi isang madiin, malalim, at—oh, God—laplap pang halik. At ang mas malala, nasukahan ko siya pagkatapos.

Tanda ko kasi medyo nahimasmasan ako nung matapos na akong masuka.

Napaungol ako sa hiya at tinakpan ang mukha ng unan. Hindi ko alam kung paano ako haharap kay Zain pagkatapos ng kahindik-hindik na gabing 'yon. Pero teka... Sino ang nagbihis sa akin? Sino ang naglinis sa katawan ko?

Napabalikwas ako ng upo at tiningnan ang suot kong oversized shirt. Hindi ito akin. Ang huling natat
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Maricel Ariola Eyas
haha parang ntakam ka ata Thalia
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
Ayun naggantihan na hahah
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 31

    Zain POVNakahiga pa rin ako sa kama, nakatitig sa kisame habang unti-unting bumabalik sa isip ko ang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung paano ko ipoproseso ang lahat. Hindi ko rin lubos maisip na ako mismo ang nagpaligo kay Tahlia.Napabuntong-hininga ako. Kailangan ko iyong gawin. Wala akong choice. Kung hindi ko siya paliliguan, mag-aamoy suka ang buong kama niya. Puno ng suka ang damit niya, pati na ang buhok niya. Hindi ko rin matiis na hayaang matulog siya nang ganun lang. Kaya kahit hindi ko dapat makita ang katawan niya sa ganoong estado, wala akong nagawa. I had to do it."Damn it," bulong ko sa sarili ko. Hindi ko dapat iniisip ito pero hindi ko maiwasang maalala ang hubog ng katawan niya. Napakaseksi ni Tahlia. She had curves in all the right places, and the way the water slid down her skin. Ang hot niya."No, stop!" Napailing ako at mabilis na bumangon mula sa kama. Hindi ko kailangang isipin iyon. Wala akong ginawang masama. Ginawa ko lang ang dapat gawin.Pero, kagabi r

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-17
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 32

    Tahlia POVKabado ako habang tumutulo ang tubig mula sa aking buhok. Nakatitig ako sa sarili ko sa salamin ng banyo, sinusubukang pakalmahin ang sarili ko. Iniisip ko kung maganda ba ang mga kuwentong ginawa ko para kay Zain.. Ang kuwento na isasagot ni Zain mamaya sa dinner namin nila Lola kapag tinanong na siya.Sa tingin ko, mukha naman kapani-paniwala ang ginawa kong kuwento ng buhay ni Zain.Napabuntong-hininga ako. "You got this, Tahlia. Just stick to the script," bulong ko sa sarili ko.Wala na akong magagawa. Tapos na ang plano. Ang kuwento ng buhay ni Zain ay isa nang buong istorya na kailangang paniwalaan ng lahat. Ulilang lubos, may negosyo sa ibang bansa at nagtagal sa Pilipinas dahil sa akin. Napaka-perfect kung iisipin, pero alam kong isang maling salita lang, isang maling ekspresyon sa mukha at babagsak ang lahat.Pagkatapos maligo, mabilis akong nagpatuyo ng buhok at nagbihis. Pinili ko ang isang eleganteng dress, hindi masyadong sosyal pero hindi rin naman pangkaraniw

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-17
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 33

    Zain POVHalos mapamura ako nang makita ko kung gaano kalaki ang mansiyon ng lola ni Tahlia. Sa loob-loob ko, parang isa itong palasyo. Halos triple ang laki nito kumpara sa mansiyon na tinitirhan namin ngayon ni Tahlia. Kahit anong gawin kong pagpapanatili ng composure, hindi ko mapigilang mamangha sa bawat detalyeng nakikita ko habang papalapit ang sasakyan namin sa grand entrance.“Tahlia, bahay ba ‘yan o mall? Ang laki ah?” tanong ko sa kaniya habang titig na titig sa paligid.“Isa ito sa pinakamalaking bahay sa buong Pilipinas, ganiyan kalaki ang bahay ni Lola Flordelisa kahit mag-isa lang naman siya diyan,” sagot ni Tahlia. Kung ako siguro ang apo ng lola niya, aba, dito na lang ako. Ewan ko ba sa mga mayayaman, gusto nila bukod-bukod ng bahay, palakihan ng bahay at ayaw ‘yung sama-sama. Ang saya kaya ng sama-sama ang buong pamilya sa isang bubong.Pagbaba namin ng sasakyan, ramdam ko ang bigat ng tingin ng mga bodyguard na nakaabang sa labas. Ang iba sa kanila, halatang armado.

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-17
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 34

    Tahlia POVSa wakas ay natapos na, natapos na ang gabing nakaka-stress na puro kasinungalingan at acting-an sa harap ng lola ko. Makakauwi na kami ni Zain pagkatapos ng matinding dinner kasama si Lola Flordelisa.Pero hindi ko inaasahan ang sumunod niyang sinabi.“You two should stay the night,” biglang sabi ng lola ko na nakangiti habang pinagmamasdan kami ni Zain. “And I want to spend the whole day tomorrow bonding with both of you.”Nanigas ako sa kinauupuan ko. What? No, hindi ito totoo, nagbibiro lang si lola.“Lola, are you serious?” tanong ko habang pilit ang ngiti ko sa kaniya. Nagpa-puppy eyes pa ako para sana makumbinse siya na nagjo-joke lang siya.“Of course, darling.” Ngumiti siya ng mas malawak. “I already asked the maids to prepare your room. Bakit, ayaw mo ba?”Your room. Hindi rooms. Hindi plural. Isang kuwarto lang.Parang biglang uminit ang mukha ko bigla. Napalingon ako kay Zain, na halatang nagulat rin pero hindi nagsasalita. Dapat siya na lang ang tumanggi. Hindi

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-18
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 35

    Tahlia POVNakapako ang tingin ko sa damit pantulog na nakapatong sa kama. Tahimik lang kami ni Zain, parehong nagpapakiramdaman kung sino ang unang gagalaw. Napailing ako. Ano pa bang hinihintay nito? Hinihintay kong siya ang unang magbihis at maglinis ng katawan kasi matagal kapag ako. Pero mukhang nagpapaka-gentleman kaya ako na muna.“I’ll go first,” sabi ko habang pinapahalata ko sa boses ko ang pagkainis ko sa kaniya.Hindi na ako naghintay ng sagot. Kinuha ko ang damit ko at dumiretso sa banyo. Pagkasara ng pinto, agad akong humarap sa salamin at napabuntong-hininga.“Ang kapal ng mukha mo, Zain,” bulong ko sa sarili ko habang tinatanggal ang makeup ko. “Alam ko namang gusto mo talaga ‘to, eh. Gustong-gusto mong makatabi ako sa kama, ano?”Napairap ako sa repleksyon ko. Nakakairita. Bakit kasi pumayag siya agad kay Lola Flordelisa? Ang bagal niya sa ibang bagay pero sa ganitong sitwasyon, ang bilis niyang sumang-ayon! Kung sinabi niyang busy siya, siguradong hindi na kami nagka

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-18
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 36

    Zain POVNagising ako sa bigat ng isang bagay na nakapatong sa dibdib ko. Sa una, hindi ko agad naintindihan kung ano iyon, pero nang dumilat ako, muntik na akong matawa.Si Tahlia pala.Nakayakap siya sa akin nang mahigpit, ang isang binti niya ay nakadantay pa sa balakang ko. Halos hindi na ako makahinga sa pagkakaipit niya sa akin. Ang kumot na dapat ay nasa amin? Wala. Nalaglag pala sa sahig. Pero ang mas ikinagulat ko? Ang babaeng kagabi lang ay halos mandiri sa ideyang magkatabi kami sa kama, ngayon ay yakap na yakap sa akin na parang hindi niya ako bibitawan.Kahit anong pilit kong pigilan ang sarili ko, hindi ko mapigilang mapangiti. Sinamantala ko ang pagkakataon, dahan-dahan kong inabot ang cellphone ko sa tabi ng unan at kinunan ng selfie ang eksenang ito.Ayan, may ebidensya na ako. Kung titignan, parang isang bagong kasal lang kami na masarap ang tulog pagkatapos ng isang pagod na araw.Napailing ako habang pinagmamasdan siya. Kung alam lang niya ito, sigurado akong magwa

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-18
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 37

    Zain POVUmagang-umaga pa lang, alam ko nang isa na namang buong araw ng pagpapanggap ang haharapin ko ngayon dito sa manisyon ng lola ni Tahlia.Nag-aasaran kami ni Tahlia habang naghihilamos nang kumatok na ang kasambahay sa kuwarto namin. Sinabi nito na handa na ang almusal at tinatawag na rin kami ng lola ni Tahlia.Bigla namang ngumiti ang kanina ay nakasibangot na si Tahlia kasi may ibang tao na rito.“Ano, mag-breakfast na ba tayo, Zain?” malambing niyang tanong sa akin.“Oo, gutom na rin naman na ako,” malambing ko ring sagot.Paglabas namin sa bedroom namin, automatic na pumalupot na ang kamay ni Tahlia sa braso ko. Back to acting-an na ulit kasi nakalabas na kami sa lungga namin buong gabi.Kaya, heto, gumagawa na naman kami ni Tahlia ng palabas namin."Did you sleep well?" tanong ko sa kanya, sabay bigay ng isang makahulugang tingin.Matalim ang naging sulyap niya sa akin. "Of course, darling. How about you?" Balik niyang tanong sa akin habang pilit ding nakangiti."Ah, per

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-19
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 38

    Tahlia POVPagkatapos ng breakfast kasama si Lola Flordelisa, bumalik kami ni Zain sa kuwarto namin para magbihis. Isasama raw niya kami sa likod ng mansiyon, kung saan may ilog na punong-puno ng malalaking isda. Gusto raw niya ng tatlong malalaking tilapia para ipaluto sa tanghalian namin ngayon.Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong trip ni lola ngayon. Hindi siya ganito dati kay Axton, hindi nga niya masyadong kino-close o kinakausap si Axton. Pero pagdating dito kay Zain, ewan, parang interesado siya. Hindi kaya talagang alam na niyang peke lang ang mayroon kami. Pero, hindi, kilala ko siya, alam kong kapag may napansin siyang hindi maganda, hindi na agad siya kikibo at magagalit na lang bigla.Pagkapasok pa lang namin sa kuwarto, agad kong niyakap si Zain. "Good job," bulong ko sa kanya habang nakangiti. Hindi ko akalaing kaya niyang makaisip ng ganoong paraan para hindi mabuko ang pekeng relasyon namin. Kung pinabura ko kanina ang litratong iyon, baka wala na kaming maidadahil

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-19

Bab terbaru

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 42

    Xamira POVSa malayo, nakita kong nakatingin si Tita Karen. Ibig ko sana siyang ngitian, pero hindi niya deserve ang ngiti ko, lalo na’t nalason na ni Catalina ang utak niya.Kainis kasi sayang lang ang sinabi ko sa kaniya na yaman ng pamilya ko. Mas nasilaw siya sa may linaw na, kaysa sa akin na inaakala niya atang kuwento ko lang.Kainis, kung nasa akin lang sana ang maleta ko, kayang-kaya kong ilayo si Kalix sa Isla na ‘to. Makita lang sana namin ang mga magnanakaw, sure na sure na ilalayo ko na talaga si Kalix sa kanila. At sa pagbabalik namin, sisiguraduhin ko ring mayaman at okay na ang buhay ni Kalix.At kapag nangyari iyon, baka sumama na rin sa amin ang nanay at tatay niya. Tama, ganoon ang dapat kong gawin. Ang tanging alas ko nalang talaga sa ngayon ay ang nawawala kong maleta.“Kumusta?”Kahit hindi ako lumingon, alam ko na agad kung sino.“Walang maganda sa tanghali kapag bruha ang nasa paligid,” parinig ko sa kaniya.“Balita ko ay maghihiwalay na agad kayo, ah?” panunuks

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 41

    Xamira POV“Tita Karen, alam ko naman po na marami kayong naging tulong sa akin, halos hindi ko na nga po mabilang. Opo, kaya ko namang iwan si Kalix, ang hindi ko lang po kaya ay makita siyang masaktan kapag ginawa ko po ang gusto ninyong mangyari,” paliwanag ko sa kaniya sa wakas. Akala ko kasi hindi ako makakapagsalita, pero naisip na dapat kahit pa paano may sabihin ako.Si Kalix kasi ‘yung lalaking karapat-dapat ipaglaban. Ramdam at kita ko kung gaano niya ako kagusto at kamahal. Kung makikinig ako kay Tita Karen, parang hindi na rin nalalayo ang eksena namin sa mga napapanuod ko sa palabas noon sa Lux city. Nakakatawa nga kasi nangyayari nga pala ito sa totoong buhay.Buwisit kasi na Catalina ‘yan, dahil sa kaniya, naging ganito tuloy ang mindset ni Tita Karen. Parang sa isang iglap, dahil sa pera, balak pa niyang saktan ang damdamin ng anak niya.“Hindi ko balak saktan kayo, lalo na si Kalix. Iniisip ko lang ang future namin. Matanda na kami ni Felix, Xamira. Gusto naman naming

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 40

    Kalix POVRamdam at pansin ni nanay na hindi ko pa rin siya kinikibo simula kahapon. Gising na siya at nag-aayos na ng mga kagamitan niya sa ginagawa niyang bukayo. Ngayon, parang uubusin na lang niya ang mga natitirang niyog dahil sa mga susunod na araw, magkakaroon na siya ng bagong trabaho. Talagang tinanggap na niya nang tuluyan ang pagiging cashier sa prutasan na itatayo ng pamilya ni Catalina.Inalok niya ako ng kape at pandesal pero umiling lang ako at sinabing busog pa. Pagkatapos, nagpaalam ako na aalis na at mangingisda.Pagkabukas ko ng pinto ng bahay kubo namin, agad akong nakita ang nakahanda nang sina Buknoy, Tisay, Buchukoy at siyempre, si Xamira.Nakangiti akong lumapit sa kanila habang bitbit ang lambat ko. Nasa gilid sila ng puno ng buko, nagtatawanan habang abala sa pag-aayos ng mga gamit para sa pangingisda namin.Pero hindi ko maiwasang mapako ang tingin ko kay Xamira. Kahit simpleng shorts at puting blouse lang ang suot niya, at kahit magulo ang buhok niya sa han

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 39

    Xamira POVKahapon, nung pag-alis ni Kalix sa bahay kubo ko, hindi na siya bumalik. Basta, matapos niyang ipaalam sa nanay niya na magkasintahan na kami, bigla na lang siyang umalis sa kanila at tuloy-tuloy na sa pag-alis. Nakita kong napadaan pa siya sa harap ng bahay kubo ko, hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Hindi ko na siya sinundo dahil alam kong hindi naging maganda ang pagpapaalam niya sa kanila na magkarelasyon na kami.Sure naman agad ako na dahil iyon sa pagdating ni Catalina at sa pang-uuto niya sa nanay ni Kalix. Dahil sa work na iyon, tila ba bumaliktad na si Tita Karen. Tila mas gusto na niya si Catalina kaysa sa akin. Dahil lang sa work na iyon at sa laki ng sahod nito sa pagiging cashier.Well, sige, nararamdaman ko nang marami nga siyang puwedeng gawin. Sabi ko nga, go lang, panunuorin ko muna kung hanggang saan ang kaya niyang gawin, hahayaan ko na munang paglaruan ni Catalina si Tita Karen hanggang makita ng nanay ni Kalix na hindi mabuting tao ang bruha na iyo

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 38

    Kalix POVSinagot na ako ni Xamira.Tangina. Sinagot na niya ako! Hindi pa rin ako makapaniwala.Bumungad agad sa akin si Nanay Karen pag-uwi ko sa bahay kubo namin, nagwawalis siya sa harap ng bahay namin, nakasuot pa ng lumang daster na paborito niya, ‘yung may maliit na butas sa laylayan. Pero sa akin, kahit anong suot niya, siya pa rin ang pinakamagandang nanay sa buong Isla Lalia.“Nanay!” sigaw ko, sabay takbo palapit sa kaniya.Napalingon siya habang nakataas ng kilay. “Oh bakit, Kalix? Para kang taeng-tae na sa pagmamadali mo diyan.”Tawa ako nang tawa habang hinahabol ang hininga ko. Hindi ko na napigilang hawakan ang braso niya at inikot pa siya sa sobrang tuwa.“Nay! Sinagot na ako ni Xamira! Kami na! Kami na po!” sunod-sunod kong bulalas, na parang batang sobrang saya.Saglit siyang napatulala. Parang hindi niya agad nakuha ang sinabi ko.“Kami na, Nay! Ako na at si Xamira! Girlfriend ko na po siya,” ulit ko pa nang mas malakas na halos mapunit na ang boses ko sa sobrang s

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 37

    Xamira POVNapangiti ako habang pinagmamasdan si Kalix na nagsasandok ng adobong kangkong sa pinggan niya. Imbis malungkot sa ginawang pananabutahe ni Catalina, mag-e-enjoy na lang ako kasama si Kalix sa pagkain nang niluto namin.“Sarap nito, Xamira,” puri ni Kalix matapos niyang sumubo ng malaking kutsara ng kangkong na may baboy. Parang kumislap ang mga mata niya habang kumakain, para bang batang nakatikim ng bagong paborito niyang pagkain.Napangiti tuloy ako ng todo. “Talaga? Baka naman nagugutom ka lang.”“Hindi,” tumawa siya ng mahina, “magaling ka pala talagang matuto agad.”Hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi niya. Tumango lang ako at kunwaring nag-concentrate sa pagkain ko, kahit ang totoo, gusto ko nang gumulong sa kilig sa sahig. Kainis, kung nadalhan ko lang sana ng ulam ang nanay niya, mas masaya na dapat lalo ang pakiramdam ko.Habang tahimik naming ninanamnam ang bawat subo ng pagkain, napansin kong may gumagalaw sa labas. Sa pagitan ng mga haligi ng kubo, natanaw ko

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 36

    Xamira POVPagdating ko sa bahay, agad akong nag-ayos ng mga pinamili KO sa lamesa. Nakakatuwa, kasi ngayon ko ulit mararamdaman na makakapagluto na ako nang walang iniinda sa katawan. At sa isip-isip ko, may espesyal pa akong balak ngayong araw na gawin.Tamang-tama, nakita ko si Kalix na inaayos ang mga lambat nila sa pangingisda, mukhang bukas, handa na ulit kaming mangisda at excited na rin ako dahil makakasama na akong muli.“Kalix, tapos ka na ba sa ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya nang lapitan ko siya.“Oo, tapos na ito, bakit, may kailangan ka ba?”“Puwede mo ba akong turuan magluto?” tanong ko habang nakatingin sa mga bycep niyang tila inaakit na naman ako. Nakasando kasi siya ngayon at medyo pawisan. “Gusto ko sanang ipagluto si Nanay Karen. Para sa lahat ng kabutihang ginawa niya para sa akin.”Narinig ko siyang tumawa nang mahina, iyong tipong parang natuwa siya sa narinig sa akin. “Anong gusto mong lutuin?”“Adobong kangkong… na may baboy na sahog,” sagot ko. Sa totoo la

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 35

    Xamira POVSa wakas, nakapamalengke na rin ako ng mag-isa.Habang bitbit ang basket na bigay sa akin ng nanay ni Kalix, pakanta-kanta pa ako habang naglalakad sa makipot na daan papuntang palengke. Hindi ko mapigilang ngumiti. Para akong batang nakalabas sa unang pagkakataon pagkatapos ng mahabang pagkakakulong sa bahay. Ang sarap sa pakiramdam. Wala na ‘yung kirot sa binti ko, wala na ‘yung nananakit na hapdi sa hita. Para akong bagong laya.Kailangan ko talagang mamili ngayon. Halos wala na kasi akong pagkain sa bahay kubo ko. Nai-imagine ko na nga ang sarili kong nagkakamot ng tiyan sa gutom mamayang gabi kung hindi ako magpupursigeng mamili. Nakakahiya, nakailang gastos na rin si Kalix sa akin, baka maubos ang perang ipon niya.Pagdating sa palengke, sinalubong ako ng samu’t saring amoy ng mga fresh pang isda, bagong pitas na gulay, lahat ay kaaya-aya pa sa paningin kasi mga bagong-bago pa. Naglakad-lakad ako sa makikipot na espasyo ng mga paninda. Nang makakita ako ng mga kamatis

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 34

    Xamira POVHindi ko na namalayan kung gaano na pala ako nakalayo. Sa wakas, nakakalakad na ako nang maayos. Wala nang bumabagal sa mga hakbang ko, wala nang kumikirot sa binti at hita ko.Ngayon, heto ako, nag-e-exercise na sa labas, habang tinatanggap ang bagong sikat ng araw.“Kalix!” tawag ko sa kaniya, sabay kaway mula sa may puno ng niyog. “Halika, maligo tayo!”Medyo nagulat siya, pero agad din namang ngumiti. Alam ko naman na wala siyang choice. Kapag ako na ang nag-aya, alam kong hindi na siya tatanggi pa.“Sige, kung ‘yan ang gusto mo,” natatawang sagot niya. Lumapit siya sa akin habang nakangisi, bitbit ang mga tsinelas namin sa isang kamay.Napailing ako. “Sayang, dapat kasama ‘yung tatlong makulit para maingay,” sabi ko. Ayaw niya kasing isama ‘yung tatlo.Lumapit siya sa akin, tapos marahang hinawi ng palad ang aking buhok na tinatangay ng hangin.“Gusto ko kasi, akin ka muna buong maghapon,” sabi niya. Ang tapang talaga, diretsahan at walang pag-aalinlangang sabihin ‘yun

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status