SCOLDED"Hindi ka daw sumipot sa therapy mo nitong nakaraan, Georgina," ani Vincent sa pinsan niyang nasa loob ng kanyang opisina.Sumimangot ang dalaga at inirapan siya. "I told you, ayos lang ako. Hindi ko na kailangan ang therapy na yan."Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Georgina seriously needs therapy for her condition pero ipinanganak itong matigas ang ulo gaya niya. Akmang magsasalita siya nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Sabay silang napalingon ng pinsan niya sa pintuan kung saan papasok ang nakangising asong si Xerxes.Napakunot ang kanyang noo nang makilala kung sino ang karga ng kaibigan niya. "I found him outside bickering with the guard. He's looking for you and I think he's harmless kaya dinala ko na siya dito sa opisina mo," bungad ni Xerxes."Mr.Nice Guy!" Masayang sigaw ni Kreios at agad na bumaba mula sa pagkarga ni Xerxes."Kreios…" Gulat niyang sambit.Tumakbo ang bata patungo sa direksyon niya at agad na kumandong. He was touch how he happ
ONE WISH AS A COMPENSATIONBakas ang gulat sa mukha ni Vincent ng sabihin niya ang mga katagang iyon pero nanatili siyang matatag sa binitawan niyang salita."W—why?""Ayoko ko lang po na…masanay ang anak ko sa presensya ninyo hanggang sa hahanap-hanapin na niya kayo gaya ng nangyayari ngayon. Naiintindihan ko ang nararamdaman ng anak ko. Alam kong nangungulila siya sa kalinga ng isang ama dahil wala siya nun pero kailangan niya pong maintindihan na hindi kayo ang tatay niya…At hindi magiging kayo."Mapait siyang ngumiti. "Ayokong umasa ang anak ko. May kanya kanya po tayong buhay at may asawa ka, may sariling pamilya ka. Hindi mo obligasyon ang anak ko kaya…nais ko sanang layuan niyo ang anak ko at gagawin ko rin ang lahat para huwag siyang makalapit sa i—inyo…" Halos pumiyok na siya sa huling kataga.'At lumayo narin po kayo sa akin dahil ayokong mas lalo pang mahulog sa inyo gayong alam kong hindi dapat at hindi na pwede…' Nais niya sanang idugtong.She looked at Vincent. Nakikita
CONFRONTATIONVincent stared at Grace who was walking elegantly towards his table. Umupo ang babae sa bakanteng silya sa harap niya."Why are you here?" Malamig niyang tanong."Am I not allowed here? As far as I remember, I still have a contract under your company, sweetheart," may halong sarkasmo ang boses nito.He chuckled. Grabe ang nararamdaman niyang saya noon tuwing tatawagin siya ni Grace sa katagang iyon subalit ngayon wala siyang ibang makapa sa dibdib niya kundi pagkamuhi at pandidiri."Oh I forgot about it. Don't worry Grace, I'll tell my people to terminate your contract once the divorce process is over," balewala niyang sagot.Umasim ang mukha ni Grace sa sinabi niya. Of course she was expecting him not to retaliate like he used to pero noon yun. Noong mga panahong nabubulagan pa siya sa katotohanan tungkol sa tunay nitong pagkatao."I changed my mind Vincent. I don't want a divorce anymore. I am also willing to let the public know about us," anito na ikinataas ng kilay n
SPY"AHHHH! I SO FUCKING HATE YOU VINCENT!" Sigaw ni Grace pagkapasok niya sa kanyang condo.Ibinato niya ang kanyang dalang designer bag sa couch. Marahas na nagtaas baba ang kanyang dibdib dahil sa labis na inis na nararamdaman niya."Ano ka ba naman Grace. Kung makasigaw ka akala mo nasa bundok. Haler condo to at nasa syudad tayo."Napalingon siya sa kanyang manager na si Honey. Kalalabas lang nito ng silid kung saan ito umuukopa."Shut up Honey! I'm not in the mood!" Padabog siyang naupo sa sofa sabay sabunot sa kanyang buhok."Ano bang problema mo girl? Maayos ka pa naman kanina pagkaalis ko dito ah." Umupo na rin si Honey sa katapat na couch."Find me a good investigator, Honey," utos niya dito.Honey eyed her curiously. "Why don't you contact Jerome. Hindi ba't private investi—""No…No. Not him. Gusto ko iba," she cut him off.Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Honey. "I am your manager Grace. Kailangan mong sabihin sakin kung ano ang problema mo. Sa lahat yata ng art
A DAY IN SEOUL Mari was awakened by a gentle tap on her cheek. Dahan dahan siyang nagmulat at sumalubong ang isang pares ng mga matang nakadungaw sa kanya—mga matang kay sarap na pagmasdan buong buhay niya kung maaari lang. "Wake up Mari…" Nagbalik siya sa huwisyo at naalalang nasa eroplano pala siya. Nahihiya siyang tumingin kay Vincent. Dahil kasi sa nerbyos na nararamdaman niya kanina kaya pinilit niya ang sarili na makatulog at naging matagumpay naman siya. "P—pasensya na Boss. Nakaidlip ako." "It's okay Mari. Mabuti na rin iyon para hindi mo maisip ang takot na nararamdaman mo," malumanay ang boses nitong sagot. Napadako ang tingin niya sa magkasiklop nilang mga kamay. Lihim siyang napangiti. Hindi pala binitawan ni Vincent ang kamay niya kahit noong tulog na siya. Their intertwined hands fit perfectly even when his are bigger than hers, not to talk about his long fingers. "We are about to land kaya kita ginising. Are you feeling better now?" "Ahm…Oo naman Boss. Ayos na a
A DAY IN SEOULVincent didn't bring a driver with him. Tatlo lang silang kasalukuyang bumiyahe sa kung saan ay hindi niya alam."Saan tayo pupunta, Vincent?" Tanong niya habang abala ito sa pagmamaneho."Sincheon-dong," tugon nito bago lumingon sa kanya. "I'm taking you to Lotte World Mari. I'm sure Kreios will love it."Tanging ngiti lang ang naisagot niya. Hindi siya pamilyar sa lugar na iyon. Sinulyapan niya ang anak sa backseat. Abala naman ito sa kakatingin sa mga tanawin sa labas.Hindi nagtagal ay dumating na sila sa lugar na sinasabi ni Vincent sa kanya. It was an indoor themed amusement park. Sobrang lawak nito at base sa nakikita niya, maraming pwedeng laruin si Kreios sa mga rides na nandoon. Perfect place para sa pamilya kumbaga.Pamilya. It was like them. Sa mga hindi nakakakilala sa kanila iisipin ng mga ito na magpamilya nga sila. Sino nga bang hindi. Karga ni Vincent ang anak niya habang nakaabrisyete siya sa braso nito. Ayaw niya sana ang kaso makulit din ang lalaki a
A NIGHT IN SEOUL Karga ni Vincent si Kreios habang paakyat sila sa penthouse nito. Nakatulog marahil ang anak niya sa pagod nang bumiyahe na sila pauwi. Habang lulan sila ng elevator, hindi niya magawang salubungin ang mga titig ni Vincent kahit pa alam niyang tinitingnan siya nito base sa repleksyon nila sa elevator. Hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan pagkatapos ng mga huling sinabi ni Kreios kanina. Nakakahiya. Baka isipin nitong siya ang nagturo sa anak niyang sabihin ang mga katagang iyon. Baka isipin din nitong umaabuso sila. Arghhh! Sana lamunin na lang siya ng lupa ngayon. "Where is his room?" Tanong nito sa kanya nang makapasok na sila sa loob ng penthouse. Itinuro naman niya ang silid na ginagamit nila. Siya na rin ang nagbukas ng pinto para hindi na ito mahirapan pa. Maingat nitong inilapag si Kreios. Mabilis naman siyang tumalikod nang akmang haharap na ito sa kanya at nagkunwaring may ginagawa. "Mari…" "Uh, salamat po sa pagkarga kay Kreios at saka…goodnigh
A NIGHT IN SEOULHuminto sila sa isang lovelock vendo machine."Seryoso? Nagpapaniwala ka sa mga ganyan?" Naiiling niyang tanong."Yup. My parents wrote theirs here. Naghiwalay lang naman sila ni Mommy noong mamatay sa heart attack si Daddy few years ago so how can I not believe it?" Pinitik pa ni Vincent ang kanyang noo .Napangiwi siya at pinukol ito ng masamang tingin. Vincent gave her a neon pink padlock with a keychain on it while his is neon blue. Pinagmasdan niya ang lalaki. Mukhang excited na excited ang kumag na magsulat ha. Sino kayang ilalagay niya dyan? Yung asawa ba niya? Diba maghihiwalay na sila? Baka wish niyang magkabalikan sila. Haissttt!Napatingin siya sa hawak niya. Pwede kayang isulat doon na hindi matuloy ang wish ni Vincent? Wala namang makakaalam diba? Napailing na lang siya. Minsan talaga napakasama ng utak niya. Mukhang kailangan yata niyang hugasan ng holywater ang kanyang brainy nang sa ganun ay luminis naman ang intensyon nito."Hey, aren't you going to w