UPSETNakaabang si Mari sa labas ng kanyang bahay habang hinihintay na iuwi ni Vincent ang anak niya. Halos hindi siya makapaniwala na ang lalaki nga talaga ang nakakita sa anak niya. Kung paano nakilala ni Vincent si Kreios, yun ang hindi niya alam. Posibleng si Isaac o si Tristan ang nagsabi dito.Hindi nagtagal ay pumarada na sa harapan ng kanyang apartment ang isang makinab at magarang sasakyan. Pinagsiklop niya ang kanyang kamay habang hinihintay na bumaba ang sakay nito.Unang lumabas si Vincent mula sa driver's seat. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Wala paring pinagbago ang lalaki. Sobrang gwapo parin nito, walang ring pinagbago ang mabilis na tibok ng puso niya. Umikot ito sa kabilang bahagi ng kotse at maya maya lang, naglakad na ito palapit sa kanya karga ang tulog niyang anak.Alanganin man siya lalo na ng makita ang malamig nitong ekspresyon, sinalubong parin niya ang lalaki."Just open the door. Ako na ang magdadala sa kanya sa loob," ani Vincent nang magkaharap na sila
SCOLDED"Hindi ka daw sumipot sa therapy mo nitong nakaraan, Georgina," ani Vincent sa pinsan niyang nasa loob ng kanyang opisina.Sumimangot ang dalaga at inirapan siya. "I told you, ayos lang ako. Hindi ko na kailangan ang therapy na yan."Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Georgina seriously needs therapy for her condition pero ipinanganak itong matigas ang ulo gaya niya. Akmang magsasalita siya nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Sabay silang napalingon ng pinsan niya sa pintuan kung saan papasok ang nakangising asong si Xerxes.Napakunot ang kanyang noo nang makilala kung sino ang karga ng kaibigan niya. "I found him outside bickering with the guard. He's looking for you and I think he's harmless kaya dinala ko na siya dito sa opisina mo," bungad ni Xerxes."Mr.Nice Guy!" Masayang sigaw ni Kreios at agad na bumaba mula sa pagkarga ni Xerxes."Kreios…" Gulat niyang sambit.Tumakbo ang bata patungo sa direksyon niya at agad na kumandong. He was touch how he happ
ONE WISH AS A COMPENSATIONBakas ang gulat sa mukha ni Vincent ng sabihin niya ang mga katagang iyon pero nanatili siyang matatag sa binitawan niyang salita."W—why?""Ayoko ko lang po na…masanay ang anak ko sa presensya ninyo hanggang sa hahanap-hanapin na niya kayo gaya ng nangyayari ngayon. Naiintindihan ko ang nararamdaman ng anak ko. Alam kong nangungulila siya sa kalinga ng isang ama dahil wala siya nun pero kailangan niya pong maintindihan na hindi kayo ang tatay niya…At hindi magiging kayo."Mapait siyang ngumiti. "Ayokong umasa ang anak ko. May kanya kanya po tayong buhay at may asawa ka, may sariling pamilya ka. Hindi mo obligasyon ang anak ko kaya…nais ko sanang layuan niyo ang anak ko at gagawin ko rin ang lahat para huwag siyang makalapit sa i—inyo…" Halos pumiyok na siya sa huling kataga.'At lumayo narin po kayo sa akin dahil ayokong mas lalo pang mahulog sa inyo gayong alam kong hindi dapat at hindi na pwede…' Nais niya sanang idugtong.She looked at Vincent. Nakikita
CONFRONTATIONVincent stared at Grace who was walking elegantly towards his table. Umupo ang babae sa bakanteng silya sa harap niya."Why are you here?" Malamig niyang tanong."Am I not allowed here? As far as I remember, I still have a contract under your company, sweetheart," may halong sarkasmo ang boses nito.He chuckled. Grabe ang nararamdaman niyang saya noon tuwing tatawagin siya ni Grace sa katagang iyon subalit ngayon wala siyang ibang makapa sa dibdib niya kundi pagkamuhi at pandidiri."Oh I forgot about it. Don't worry Grace, I'll tell my people to terminate your contract once the divorce process is over," balewala niyang sagot.Umasim ang mukha ni Grace sa sinabi niya. Of course she was expecting him not to retaliate like he used to pero noon yun. Noong mga panahong nabubulagan pa siya sa katotohanan tungkol sa tunay nitong pagkatao."I changed my mind Vincent. I don't want a divorce anymore. I am also willing to let the public know about us," anito na ikinataas ng kilay n
SPY"AHHHH! I SO FUCKING HATE YOU VINCENT!" Sigaw ni Grace pagkapasok niya sa kanyang condo.Ibinato niya ang kanyang dalang designer bag sa couch. Marahas na nagtaas baba ang kanyang dibdib dahil sa labis na inis na nararamdaman niya."Ano ka ba naman Grace. Kung makasigaw ka akala mo nasa bundok. Haler condo to at nasa syudad tayo."Napalingon siya sa kanyang manager na si Honey. Kalalabas lang nito ng silid kung saan ito umuukopa."Shut up Honey! I'm not in the mood!" Padabog siyang naupo sa sofa sabay sabunot sa kanyang buhok."Ano bang problema mo girl? Maayos ka pa naman kanina pagkaalis ko dito ah." Umupo na rin si Honey sa katapat na couch."Find me a good investigator, Honey," utos niya dito.Honey eyed her curiously. "Why don't you contact Jerome. Hindi ba't private investi—""No…No. Not him. Gusto ko iba," she cut him off.Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Honey. "I am your manager Grace. Kailangan mong sabihin sakin kung ano ang problema mo. Sa lahat yata ng art
A DAY IN SEOUL Mari was awakened by a gentle tap on her cheek. Dahan dahan siyang nagmulat at sumalubong ang isang pares ng mga matang nakadungaw sa kanya—mga matang kay sarap na pagmasdan buong buhay niya kung maaari lang. "Wake up Mari…" Nagbalik siya sa huwisyo at naalalang nasa eroplano pala siya. Nahihiya siyang tumingin kay Vincent. Dahil kasi sa nerbyos na nararamdaman niya kanina kaya pinilit niya ang sarili na makatulog at naging matagumpay naman siya. "P—pasensya na Boss. Nakaidlip ako." "It's okay Mari. Mabuti na rin iyon para hindi mo maisip ang takot na nararamdaman mo," malumanay ang boses nitong sagot. Napadako ang tingin niya sa magkasiklop nilang mga kamay. Lihim siyang napangiti. Hindi pala binitawan ni Vincent ang kamay niya kahit noong tulog na siya. Their intertwined hands fit perfectly even when his are bigger than hers, not to talk about his long fingers. "We are about to land kaya kita ginising. Are you feeling better now?" "Ahm…Oo naman Boss. Ayos na a
A DAY IN SEOULVincent didn't bring a driver with him. Tatlo lang silang kasalukuyang bumiyahe sa kung saan ay hindi niya alam."Saan tayo pupunta, Vincent?" Tanong niya habang abala ito sa pagmamaneho."Sincheon-dong," tugon nito bago lumingon sa kanya. "I'm taking you to Lotte World Mari. I'm sure Kreios will love it."Tanging ngiti lang ang naisagot niya. Hindi siya pamilyar sa lugar na iyon. Sinulyapan niya ang anak sa backseat. Abala naman ito sa kakatingin sa mga tanawin sa labas.Hindi nagtagal ay dumating na sila sa lugar na sinasabi ni Vincent sa kanya. It was an indoor themed amusement park. Sobrang lawak nito at base sa nakikita niya, maraming pwedeng laruin si Kreios sa mga rides na nandoon. Perfect place para sa pamilya kumbaga.Pamilya. It was like them. Sa mga hindi nakakakilala sa kanila iisipin ng mga ito na magpamilya nga sila. Sino nga bang hindi. Karga ni Vincent ang anak niya habang nakaabrisyete siya sa braso nito. Ayaw niya sana ang kaso makulit din ang lalaki a
A NIGHT IN SEOUL Karga ni Vincent si Kreios habang paakyat sila sa penthouse nito. Nakatulog marahil ang anak niya sa pagod nang bumiyahe na sila pauwi. Habang lulan sila ng elevator, hindi niya magawang salubungin ang mga titig ni Vincent kahit pa alam niyang tinitingnan siya nito base sa repleksyon nila sa elevator. Hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan pagkatapos ng mga huling sinabi ni Kreios kanina. Nakakahiya. Baka isipin nitong siya ang nagturo sa anak niyang sabihin ang mga katagang iyon. Baka isipin din nitong umaabuso sila. Arghhh! Sana lamunin na lang siya ng lupa ngayon. "Where is his room?" Tanong nito sa kanya nang makapasok na sila sa loob ng penthouse. Itinuro naman niya ang silid na ginagamit nila. Siya na rin ang nagbukas ng pinto para hindi na ito mahirapan pa. Maingat nitong inilapag si Kreios. Mabilis naman siyang tumalikod nang akmang haharap na ito sa kanya at nagkunwaring may ginagawa. "Mari…" "Uh, salamat po sa pagkarga kay Kreios at saka…goodnigh
"Himala! What brought you here Vincent? Parang noong nakaraang buwan lang takot na takot kang sumabay samin magbar. Hindi ka na ba under de saya?" Pangbubuska ni Xerxes sa kanya.It was still nine in the evening. Nagpaalam naman siya kay Mari na sasama sa mga kaibigan niya. It's been months mula ng makipagbonding siya sa mga ito. Hindi naman siya pinagabawalan ni Mari but he's just excited to go home lalo na at naghihintay ito sa kanya."Hindi ako under de saya tukmol. 'Tamo darating din ang araw na ikaw naman ang magkukumahog na umuwi dahil may magandang asawang naghihintay sayo pauwi," tugon niya dito.Xerxes chuckled. Sa lahat ng nasa mesa ay mukhang siya at ito lang ang walang problema. Zeus and Tristan are facing crisis on their hearts kaya parang pinagsakluban ang mga mukha nito ng langit at lupa."Tsk. So anong meron at nandito ka ngayon?"He released a deep sigh. "I'm bored. Mari's spending her quality time with her siblings. Hindi siya tumatabi sakin sa pagtulog. And my son w
Nagmamadali siyang umuwi ng villa galing sa construction site kung saan siya isinama ni Tristan. Kung bakit ba kasi walang signal ang lugar na iyon! Hindi niya tuloy nasagot ang tawag ni Mari. Nang makarating siya sa syudad ay tinawagan niya ito pero hindi na ito sumagot pa, maging sa telepono ay ayaw siyang kausapin ng asawa.Kakapasok pa lang niya sa bahay nang bigla na lang may lumipad patungo sa direksyon niya. Mabuti na lang at mabilis siyang nakailag kung hindi ay baka dumugo na ang ilong niya. Tumama iyon sa isa sa mga interior pillar ng bahay. Nakita niyang remote control iyon ng TV nila."Bakit ka umiwas ha?!" Galit na boses ni Mari.Mariin siyang pumikit. His pregnant wife was now in furious. Bahagya ng namula ang magandang mukha nito tanda na naiinis ito sa kanya. Mari is five months pregnant. Kung gaano siya katapang noon, mukhang triple yata ngayon. But he understands that it's her pregnancy hormones kaya siya ganyan."Dahil matatamaan mo'ko. Jagi naman—""Eh kaya nga kit
EPILOGUEMari was staring at her wedding picture. Ilang buwan na ang nakalipas magmula ng magpakasal sila ni Vincent. A night before he confessed his sin to her, nauna na niyang nakausap ang nanay nito.She remembered how Madam Charlotte kneeled and begged for her forgiveness. She told her the story behind what happened. Noong una ay nagalit siya. Wwll, ganun naman talaga ang unang reaksyon ng taong naagrabyado pero kalaunan ay natanggap niya rin. She knew that Vincent isn't a bad person at isa pa, mas gumaan ang pakiramdam niyang ito ang tunay na ama ni Kreios.Nang gabi ding iyon, pormal niyang pinakilala kay Kreios si Vincent bilang tunay nitong ama. Naalala pa niyang grabe ang iyak ng dalawa.Grace came too and told her about Vincent's secret but she knew her too well. She's doing it for her own benefit dahil gusto jitong makuhang muli si Vincent na hindi niya hinayaan. If you let people control your relationship and get swayed, hindi magtatagal ang relasyon ninyo.Hinaplos niya a
UNRAVELING II"Where are you Vincent?" Tanong ng nasa kabilang linya."I'm still at Connoisseur Deluxe Ice," tugon niya kay Isaac.Bumuntong hininga ito ng malalim. "I have all the information you asked me to gather, Vince. I think you need to see this asap. This is very important and very confidencial dude."Frustrated niyang sinuklay ang kanyang buhok. "I know dude. I'm coming." Sa tono ng pananalita ni Isaac, mukhang alam na niya ang nadiskubre nito. It was the information that Grace also had. Tumayo na siya sa mesang pinag-iwanan ni Grace sa kanya. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatiling nakaupo doon. All he knew is that she left him after threatening him.Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan patungo sa condo ni Isaac. Hindi siya nag-aksaya ng oras at agad na nagtungo sa loob ng lungga ng kanyang kaibigan."Look at this," inilahad ni Isaac sa kanya ang lahat ng mga files na nakalap nito.Isa isa niya iyong tiningnan. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang iniisip
UNRAVELING"Are you really sure na gusto mong hanapin ang lalaking gumawa nun sa fiance mo? Para saan pa dude? Ayos lang ba yan sa kanya?" Kunot noong tanong ni Isaac sa kanya.Kasalukuyan siyang nasa condong tinutuluyan nito pagkatapos niyang makausap ang kapatid ni Mari. He wanted to know who the bastard did it to Mari. Gusto niyang maging handa kung sakaling darating ang araw na guguluhin sila ng lalaking iyon."Yes dude and please make it a secret for now. I don't wanna upset Mari at baka isipin niyang pinangungunahan ko siya sa mga desisyon niya."Isaac heave a deep sigh. "Okay if that's what you wanted. Pero paano kapag nakilala na natin ang lalaking iyon? What are you gonna do? Are you going to sue him?"Umiling siya. "I'll asked Mari first. Siya ang magdedesisyon niyan kung sakali, dude." It's Mari's battle anyway. Naroon lang siya para sumuporta sa babae kung saka-sakali man.Tinapik ni Isaac ang kanyang balikat. "I will call you right away kapag may impormasyon na ako."Hind
MAN OF THE DAY"Bakit mo nga pala naisipang tanggihan ang marriage proposal ko? Is it the sole reason or meron pang iba?" Tanong ni Vincent sa kanya habang tinutuyo nito ang kanyang buhok.Napasimangot siya. From his eyes, kahit na maglihim siya, alam niyang malalaman at malalaman parin nito dahil pati nga ang pag-iyak niya sa telepono alam ng lalaki. He got his eyes and ears everywhere."Tinakot kasi ako ni Grace," pagtatapat niya.Umangat ang sulok ng labi nito. "I knew it.""Paano mo nalaman?""I traced the phone number who called here nang itawag ni Manang na umiiyak ka. What else did she tell you?" Masuyo nitong tanong."She wants you back."Naiiling nitong ipinagpatuloy ang pagtutuyo ng kanyang mahabang buhok. "She can't have me back. That chapter of my life already ended. You are now my present, my priority and my future. Kayong dalawa ng anak natin."Napangiti siya. Talagang inari na nito si Kreios. Ang swerte nilang dalawa kay Vincent kaya nanganako siya sa sarili niya na gag
KDRAMA VERSIONMariin siyang napapikit. God know how much she longed for this day to happen in her entire life. This is what she exactly wished for pero alam niya sa sarili niyang hindi niya deserve kung anuman ang pagmamahal binibigay nito sa kanya. She was a dirty woman with a dirty past. Vincent's pure love and intention deserves a pure woman.Nagmulat siya ng mga mata. Vincent was still on his knees while waiting for her answer with a big hope in his eyes. Ang sakit! Ayaw niyang tumanggi pero hindi niya rin ito kayang sagutin.Marahan niyang hinawakan ang singsing bago dahan dahang isinara ang kahita. Puno ng pagtataka ang mga mata nito. Malungkot siyang ngumiti."I-I'm...I'm sorry Vince...Pero hindi ako magpapakasal sa iyo."Mula sa pagkakaluhod ay mabilis itong tumayo. Hinawakan nito ang kanyang balikat at marahan siyang pinaharap ng lalaki. "Why? What's wrong? Hindi mo ba nagustuhan ang proposal ko or you still don't wanna get engage? Tell me, hmm?"Walang tigil sa pagpatak ng
UNWIND"Hindi ka ba papasok?" Puna niya nang makita si Vincent na nakapambahay lang at umiinom ng kape sa kusina.Nakangiti itong umiling. Lumapit siya sa lalaki at tumabi dito. Vincent gave her a soft kiss on her temple. "Mamamasyal tayo today," anito na ikinalingon niya."Hindi ka busy?""Nope. I cancelled all my meetings today."Kumunot ang kanyang noo. "At bakit naman?""Because I want to spend time with the both of you today," he grinned as he gave her a peck on her lips."All of a sudden?" Nagtataka niyang tanong. They have a plan this weekend kaya't nalilito siya kung bakit bigla nitong naisip na mamasyal sila."I just thought maybe we could unwind for the time being. Ayaw mo ba?"Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "Sino bang may ayaw basta ikaw ang kasama ko pero ang inaalala ko lang, paano na yung mga meetings mo? Diba sabi mo noong nakaraan tatapusin mo lahat ng trabaho mo para walang istorbo sa weekend?""Works could wait, Jagi..." Paungol nitong sabi at muli s
NIGHTMAREKahit na nag-aalangan siya, sinunod niya pa rin ang sinasabi sa sulat at nagmaneho patungo sa address na ibinigay ng hindi niya kilalang tao kaysa pumunta ng cafe. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Wala namang ibang nakakaalam ng kanyang sikreto bukod sa kanya at sa pamilya niya. Pati rin si Tristan. Pero naniniwala siyang hindi siya ipagkakanulo ng lalaki dahil hindi ito ganoong klaseng tao.Hindi nagtagal, narating na niya ang isang tagong restaurant na sinasabi nito. Agad siyang bumaba ng kotse at nagtungo sa loob. Halos walang tao sa loob ng restaurant nang makapasok na siya. Inilibot niya ang tingin sa paligid hanggang sa makita na niya ang number eleven na table na sinasabi ng may-ari ng sulat kung saan nasa isang sulok iyon na parte ng restaurant.Mula sa mesa ay may isang taong nakasuot ng itim hoodie jacket at nakatalikod sa gawi niya. Marahil ito ang nagpadala sa kanya ng sulat kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at agad na nilapitan ang estranghero.Na