Share

Chapter 4: The Will

Author: LYVY
last update Huling Na-update: 2024-04-03 01:11:44

"Dad!" Agad na tumakbo sina Ree at Antonia papalapit kay Preston. Yumakap naman si Ree at halatang nagpapasaklolo sa ama habang siya naman ay prente lang na nakatayo at bitbit ang mahaba niyang pasensya.

"Preston, pagsabihan mo nga iyang anak mo! Masyadong bastos. Basta-basta na lang siyang papasok dito sa bahay nang hindi man lang humihingi ng tawad sa damage na ginawa niya kagabi!" sumbong naman ni Antonia sa asawa.

Ang ama ni Yanna na si Preston ay tahimik lang siyang tinitigan. Halata sa mukha nito ang pagod at galit ngunit pinipigilan lamang nitong ibulalas iyon sa kanyang harapan.

"Pasalamat ka't napapayag ko si Mr. Welsh na pumunta kang muli doon," panduduro nito sa kanya. "Pumunta ka sa suite niya mamayang gabi. Pagkatapos ng hapunan, siguraduhin mong mapapaligaya mo siya, naiintindihan mo?!"

Napailing si Yanna. "Hindi ako pupunta sa kanya," pagtutol niya.

"Marianna Aleinne del Valle! Naririnig mo ba ang sarili mo? Kapakanan ng kumpanya natin ang nakasalalay rito! Hahayaan mo na lang ba na mauwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan ng namayapa mong ina? Yanna, hija... ginagawa ko na ang lahat para maisalba ang kumpanya. Ito lang ang tanging paraan para naman makabawi ako sa kanya."

"Makabawi?" Napapalatak siya. "For 10 years, you've abandoned me! Hinayaan mo akong ipatapon sa probinsya tapos ito ang sinasabi mong pagbawi? Ang ibenta ang puri ko?!"

"Hija, wala na tayong ibang choice. Ikaw lang ang tanging naiisip ko na makakagawa nito. The company is in crisis! Kapag hindi natin nakuha ang investment ni Mr. Welsh ay katapusan na nating lahat! Kaya kailangan nating sundin ang kanyang gusto at iyon ay ang makasama ka niya."

Tila pinagpira-piraso ang kanyang puso sa harapan ng mga ito. Hindi niya akalain na ang ama na kanyang kinasabikang makasama ay ang mismong tao na magpapahamak sa kanya. Alam niya ang kapasidad ng kanyang ama ngunit mas masakit pa rin pala ang marinig ito mula sa bibig nito.

Pinigilan niya ang mga luha at saka itinuro si Ree. "Bakit hindi na lang siya ang ibigay mo sa matandang iyon? Tutal, anak mo naman siya, 'di ba?"

Napasinghap si Antonia. "How dare you? Alam mong engaged na si Ree. Gusto mo pang dungisan ang kanyang reputasyon!"

"Ahh... Kaya ba ako ngayon ang gusto ninyong ipain? Ako naman ngayon ang sisirain ninyo? Dahil isa akong probinsyana?"

"Tumigil ka na, Yanna!" sita ni Preston. "Hindi pwede si Ree. Importante ang kanyang engagement sa mga Dimarco. Hindi natin pwede i-risk iyon ngayon. That's why I am asking you to do this. You're single. Hindi naman masama si Mr. Welsh. He's a good catch, hija."

"Sinabi ko na at hindi ko na uulitin pa, Papa. Hindi ko magagawa ang gusto ninyo. And besides, mukha pa bang matutuloy ang engagement ni Ree gayong ayaw ng mga Dimarco na madikit sa mga kerida?"

Biglang nanginig sa galit si Antonia nang banggitin ni Yanna ang salitang iyon. Isang salita na habambuhay nitong dala-dala. Para kay Yanna ay mananatiling kerida si Antonia kahit pa na matagal nang namayapa ang kanyang ina. She knew about her dad's affairs since then. Alam niya kung paano nadurog ang puso ng kanyang ina dahil sa pambababae ng kanyang ama. At isa iyon sa dahilan kung bakit wala siyang ka-amor-amor sa dalawang ito sa bahay.

"Yanna, let's stop this bickering and just do what I say! Inuulit ko, pupunta ka kay Mr. Welsh. Don't be so stubborn. Kung gusto mo pang makuha ang mana mo mula sa iyong ina, kailangan mong sundin ang lahat ng ipinag-uutos ko!" sigaw naman ni Preston.

Napabilog naman si Yanna sa kanyang dalawang kamao. Halos mamuti na ang mga ito sa sobrang higpit ng kanyang pagkakabilog. At heto na nga ang kinatatakutan niya... ang gamitin ng kanyang ama ang tungkol sa kanyang mana.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga ito ang pagpapakita niya ng interes sa pagkuha ng kanyang mana mula sa kanyang yumaong ina. Ito ang tagubilin sa kanya ng kanyang lolo na si Alfonso del Valle, ang ama ng kanyang ina na si Andrea.

Noong una ay wala naman siyang pakialam sa mana na makukuha niya mula sa kanyang namayapang ina, ngunit ngayon ay mas tumindi ang kanyang pag-asam lalo pa at gusto niyang malaman ang mga ginawang kalokohan ng kanyang ama sa nakalipas na taon. Gusto niyang malaman ang dahilan ng pagkalugi ng DV Incorporated.

Walang sabi-sabi na tinungo ni Yanna ang pinto palabas. Akma na sana siyang aalis nang biglang may pahabol na sinabi ang kanyang ama.

"Subukan mong umalis at sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang pagsuway sa akin!" pagbabanta nito.

Nakatayo lamang si Yanna doon at hindi lumingon sa ama. Pagkatapos ng ilang saglit ay agad na siyang umalis sa bahay nang hindi inaalintana ang pagtawag sa kanya ng ama.

****

Sa araw ding iyon ay nakipagkita si Yanna sa isang tao na nagngangalang Atty. Lambert Lozada. Ito ay ang best friend at family lawyer ng kanyang yumaong ina. Naroon sila sa isang restaurant.

Malawak na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. "Yanna, I'm so glad to see you! How are you?"

"Okay naman po, Attorney. Pasensya ka na at tinawag kita rito. Gusto ko lang kasing masagot ang mga katanungan ko."

"Walang problema, hija! Your late mother was my best friend kaya hindi ka na iba sa akin. So, you're asking about the last will, right? Here it is..." Nag-abot ito ng malapad na envelope sa kanya.

Binuksan niya ito at humantad sa kanya ang Last Will and Testament ng kanyang ina para sa kanya. Binasa niya itong maigi hanggang sa napakunot ang kanyang noo.

"A-attorney, tama po ba ang pagkakabasa ko rito? Hindi po ba ako namamalik-mata?" Ipinakita niya ang parte na iyon sa matanda.

Napatango naman ang huli. "Yes, that is exactly what your mother had stated. Miss Yanna del Valle, you can inherit 70% shares of DV Incorporated once you turn 20 and... only if you will enter into marriage," pagsisiwalat nito na kanyang ikinagulantang.

"W-what?!"

Kaugnay na kabanata

  • Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire   Chapter 5: The Decision

    "Bakit ako magpapakasal? Attorney, hindi kaya nagkakamali lang ang Mama sa pagsulat nito? Bakit kailangan ko pang magpakasal bago ko ito makuha?" tanong ni Yanna kay Atty. Lozada."I'm so sorry, Yanna. But I also don't know how to explain that to you. Hindi kasi ito nagawang ipaliwanag sa akin ni Andrea noon. You know that her death was too sudden..." paliwanag nito sa kanya.Napabuntong-hininga siya.Hindi niya matanggap na ang kanyang yumaong ina ay tila pinahihirapan pa siyang makuha ang dapat na para sa kanya. Tanggap naman niya ang unang kondisyon. Isang buwan na lang at magiging bente anyos na siya. Pero ang tungkol sa kasal ay hindi niya mapaniwalaan.Masyado pa siyang bata para sa ganoong usapin. Para sa kanya ay masyado pang maaga ang 20 years old para maikasal. O tila siya lang itong ayaw ang salitang kasal.Sa sitwasyon ng kanyang pamilya ay hindi niya maiwasang pandirihan ang salitang kasal. Lalo na't nagdusa ang kanyang ina nang dahil din sa salitang iyon.Isa pa, sa edad

    Huling Na-update : 2024-04-03
  • Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire   Chapter 6: Marry Me

    Makailang ulit pumikit si Yanna matapos niyang marinig ang sinabi ni Alessio.Pinamulahan siya ng pisngi. Ang masungit at manhid na si Alessio ay nakakagulat na may ganitong pagkatao pala. Halos dumagundong na ang mga salitang iyon sa kanyang isipan. The night that they shared, it was coming back to her bit by bit.Dahil doon ay napaiwas siya ng tingin at napatuwid ng tayo. "Ano bang magiging role ko sa buhay mo kung gano'n?" kinakabahang tanong niya."Well, what kind of role do you want me to play?" balik-tanong nito habang nakangisi. Prente pa itong nakaupo sa kanyang swivel chair na tila naaaliw sa nakikita sa harapan nito.Sino ba namang hindi matutuwa? Alessio Dimarco's mind is completely occupied by this woman since that hot night they shared together. Sa hindi malamang dahilan ay hindi ito matanggal sa kanyang isipan. Hinahanap-hanap niya ang halik nito sa tuwina.It is not normal for him to act and feel like this. He is known to be stiff and cold-hearted. Kahit ang mga babaeng

    Huling Na-update : 2024-04-10
  • Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire   Chapter 7: Officially Unofficial

    "Sign this." Inimuwestra ni Alessio ang papel sa harapan ni Yanna.Napakunot naman ang kilay ng dalaga nang makita na blangko ang papel na naroon. "Saan ako pipirma d'yan?" Iniisip niya na baka nagkamali lang ito sa pagbibigay ng papel sa kanya. Hinintay niyang mapalitan ito sa kanyang harapan.Pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon nito sa mukha. Komportable lang itong nakaupo sa couch sa kabilang dulo ng mesa. Nakatuon ito sa kanya na tila ba natutuwa sa kanyang pagkalito."You can sign at the bottom.""Teka lang. Pinagloloko mo ba ako? Bakit naman ako pipirma sa papel na walang laman?" Naiinis na siya. Pakiramdam niya ay nananadya ito. Dapat pala ay hindi na siya nag-aksayang pumunta rito. Kung bakit naman kasi sa lahat ng maiisipan niya ay si Alessio pa?"Well, this is my term, Ms. Del Valle. I agreed to marry you and in exchange, ako ang masusunod sa contract terms.""No. Hindi naman ata tama na ikaw lang ang masusunod. As in wala man lang akong say kahit kaunti? That's unfai

    Huling Na-update : 2024-04-10
  • Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire   Chapter 8: Bella Casa Dimarco

    Hindi na matandaan ni Yanna kung anong oras siya nakatulog. Basta pagkagising niya ay ang mahihinang halik ni Alessio ang nagpamulat sa kanyang mga mata.Napaungol siya. Dama niya ang hapdi sa ilang bahagi ng kanyang katawan. At ngayong ganito ang eksenanf nadatnan niya pagkagising sa umaga, hindi niya maiwasang manlumo. Ayaw siyang pagpahingahin nitong kumag na ito!"Alessio... ang aga pa..." bulong niya."I know. But I still want you, Yan... Please..." pagsusumamo nito habang binabasbasan ng halik ang bawat madaanang parte niya.Napaungot siya. "Hindi ka ba marunong mapagod?""I won't get tired of your body, my butterfly. Never...""Pero may pasok ka pa..."Narinig niya ang daing nito at saka napatigil sa paghalik sa kanyang leeg. Ang malaking kamay naman nito na nagmamasahe sa kanyang dibdib ay napatigil din. "Fuck! I almost forgot...""Kumilos ka na. Baka mamaya ma-late ka pa..."Napabuntong-hininga ito at napasimangot. "Fine. But after work, I'm not going to let you rest!""Che!"

    Huling Na-update : 2024-04-10
  • Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire   Chapter 9: Second Night

    Isang katok ang naulinigan ni Yanna sa gitna ng kanyang malalim na pag-iisip."Ms. Yanna, natutulog po ba kayo?" tanong iyon ni Mama Sally mula sa labas."Ah, hindi po. Tuloy po kayo!" Nang pumasok si Mama Sally ay nakangiti itong tumingin sa kanya."Anak, tamang-tama. Dumating na kasi ang mga in-order ni Alessio. Halika. Bumaba ka at para makita mo!""P-po?" Hindi pa makahuma ay kaagad nang hinila ni Mama Sally si Yanna papunta sa ibaba.Pagkarating doon ay napanganga siya sa nakita. Sangkaterbang damit, sapatos, at bags ang naroon sa salas. Karamihan sa kulay ng mga naroon ay pastel. Halatang mga mamahalin. Nakita pa niya ang iilang sikat na brands na nakatatak sa mga ito. Mga brand na kadalasang ginagamit ng mga mayayamang tao sa iba't ibang parte ng mundo. Ang mga disenyo ay tila walang katulad.Hindi man lumaki si Yanna na sanay sa layaw ay may alam pa rin naman siya sa fashion. At masasabi niyang ang mga gamit na naroon ay mamahalin at walang katulad ang mga disenyo!Mayroon pan

    Huling Na-update : 2024-04-11
  • Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire   Chapter 10: Decline

    Mabilis na kumilos si Alessio at nasalo ang katawan ni Yanna mula sa loob ng bathroom.Matagal silang nagkatitigan. Bago pa man siya matunaw ay si Yanna na ang unang nag-iwas. Mabilis niyang dinampot ang towel robe at isinuot iyon. Niyakap niya ang sarili."Sorry. Hindi ko sinasadya na magulat ka. Mabuti na lang at nasalo kita kaagad," paghingi ng paumanhin ni Alessio."Okay lang. Umm... may ipagpapaalam sana ako, Alessio...""Ano 'yun?""Pwede bang umuwi muna ako sa amin? Tumawag kasi si Papa. May kailangan lang akong asikasuhin sandali sa bahay. Okay lang ba?" pagpapaalam niya."I see. Is this the reason why you're stalling?"Napakagat-labi siya. Hindi naman talaga iyon ang dahilan. Sadyang natatakot lang siya na sa katagalan ay masanay siya at baka hanap-hanapin niya sa tuwina ang mga halik nito. Paano na lang kung biglang magbago si Alessio ng pakikitungo sa kanya sa hinaharap? Hindi niya alam kung ano ang gagawin.It's not like she will cry over her virginity given away. Wala na

    Huling Na-update : 2024-04-11
  • Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire   Chapter 11: Disrespect

    Mabilis na hinila ni Yanna si Wendy pababa ng hagdan. Bumalik siya sa harapan nila Antonia at doon itinulak ang kasambahay na walang habas kung siya ay kutyain."Ganito na pala ang ugali ng mga tao rito sa bahay? Magtsitsismisan at maninira?" tanong niya habang malakas ang pagtahip ng dibdib. "Ito ang tatandaan mo, wala akong pakialam nagpapabango ka sa kamag-anak mo, pero sa oras ng trabaho, hindi kasali ang pakikipagtsismisan!"Napakuyom na lamang ng palad si Wendy. Hindi siya makapaniwala na tiningnan lang siya ng kanyang Tita Antonia habang kinakaladkad siya ni Yanna pababa ng hagdan. Ni hindi man lang siya nito tinulungan. Takot kasi ang ginang na maging pangit ang imahe nito sa harap ng asawa na si Preston. Kailangan nitong itago ang sungay pansamantala kahit na gusto na niyang sampalin si Yanna."Tama na 'yan, Yanna! Hindi ito ang dapat na pagtuunan mo ng pansin," pag-awat naman sa kanya ng kanyang ama. "Ang dapat nating pinag-uusapan ngayon ay ang kumpanya. I told you that DV

    Huling Na-update : 2024-04-12
  • Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire   Chapter 12: Her Past

    Sa nakalipas na dekada, maraming mga bagay ang hindi alam ng pamilya del Valle sa naging buhay ni Yanna sa probinsya ng Surigao del Sur.Noong mamatay ang kanyang Lolo Alfonso ay naging ulila siyang lubos. Pakalat-kalat siya sa kalsada sa kawalan ng makakain. Inakala niyang mamamatay na siya sa puntong iyon. Hanggang sa may isang tao na nagmagandang loob sa kanya. Ang tao na iyon ay ang dahilan kung bakit siya ligtas ngayon.Kung lumaki siyang mahina ay paniguradong magtatagumpay ang kanyang ama na ipadala siya kay Mr. Welsh. Mabuti na lang at may alam siyang ilang self-defense tactics kung kaya't mabilis siyang nakaalis sa sitwasyon na iyon.Naiisip na ni Yanna ang senaryo sa loob ng mansyon kung saan nakainom si Ree ng 'juice' na pinipilit nitong ipainom sa kanya. Kung tama ang kanyang hinala, ang laman ng juice na iyon ay isang aphrodisiac. Sa pagkataranta ni Antonia ay indikasyon iyon na malaking dosage ng gamot ang inilagay roon upang siguradong mapapasunod ng mga ito ang babae.

    Huling Na-update : 2024-04-12

Pinakabagong kabanata

  • Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire   Chapter 34: Blue

    Tumulak na sina Yanna at Alessio patungo sa kanilang destinasyon.Habang magkatabi sa backseat ay panaka-naka ang pagsulyap ni Alessio sa kanyang asawa. Sa tanang buhay niya ay wala pang babae ang sumubok na kunin ang kanyang atensyon nang ganoon katagal. Si Yanna lamang ang bukod-tanging babae ang nagparamdam sa kanya ng matinding pag-aalala. Iniisip niya kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. Gusto niya itong hagkan at iparamdam dito na hindi ito dapat mangamba sa kanyang intensyon ngunit napapangunahan siya ng hiya at pagkalito.Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na ang sasakyan nila sa harap ng Dimarco Hotel kung saan gaganapin ang taunang Charity Ball na pinamumunuan ng D.M. Group.Maraming nagkalat na taga-media ang naroon pati na ang mga sikat na artista at mga matataas na opisyales sa gobyerno.Tila nalula si Yanna sa mga nakita. Hindi niya lubos akalain na sa ganitong lugar siya dadalhin ng asawa. Sorpresa kung sopresa nga! Gusto niyang palakpakan ang asawa sa ginawa nit

  • Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire   Chapter 33: Nuisance

    Samantala, dumating naman sa salon ni Ferris si Melody Reyes, ang anak ni Melanie Reyes na kaibigan ng abuela ni Alessio. Nakilala na ni Yanna ang babae noong magpunta sila sa isang mall. Alam din niyang usapan ng magkabilang panig ang dapat ay pagpapakasal nina Alessio at Melody na hindi natuloy... dahil nasa eksena na siya. Lumapit si Melody sa staff ng salon at nakakunot ang noo. Sosyalin itong nakaharap sa lahat habang nakasukbit ang maliit na designer's bag sa kanyang maliit na braso. "We're so sorry, Ma'am. Wala po ang name ninyo sa schedule for today. Hindi na po tumatanggap ng walk-ins si Miss Ferris dahil po fully booked ang araw na ito," magalang na paliwanag naman ng isang staff na nasa receptionist area. "Excuse me?! Hindi mo ba ako kilala? Bakit pa ako maga-appointment? Ferris knows me! Pwede bang tawagin mo na lang siya dahil siya lang ang gusto kong mag-ayos ng buhok ko! And where is the dress that I asked? Last week, pumunta ako rito at sinabi kobg reserved 'yun par

  • Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire   Chapter 32: Style

    Maraming napansin si Mama Sally sa kanyang alaga na si Alessio. Hindi na sikreto sa buong pamilya Dimarco ang pag-uugali ng lalaki magmula nang dumating ang trahedyang iyon sa pamilya.Magmula kasi nang mamatay sa isang car accident ang mga magulang ni Alessio ay nabura na ang ngiti sa labi ng batang ito. Ang dating masiyahin ay naging isang pusong-bato na lalaki. Isang tao na walang emosyon at ubod ng lamig kung makitungo sa iba. Magmula noon ay binansagan na siyang taong yelo.Nakakagulat na simula nang dumating si Yanna sa buhay ni Alessio ay natututo na itong ngumiti. Unti-unti nang nagiging masigla ang lalaki sa harap ng iba nang dahil sa napangasawa.Naging panatag si Mama Sally habang pinagmamasdan niya ang dalawa na mag-usap.Pagkatapos kumain ay tumungo na si Yanna sa kwarto at naligo. Pagkatapos mag-ayos ay sumakay na siya sa kotse."Saan ba tayo pupunta, Alessio? Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong niya pagkakuwan."Why are you always asking me about work? Ayaw mo ba na ka

  • Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire   Chapter 31: Holding You

    Marubdob ang pagtanggap ni Yanna sa bawat halik ni Alessio. Pareho silang nasasabik sa isa't isa.Buong kaluluwang inialay niya ang sarili sa uhaw na asawa. Tinanggal niya ang anumang pag-aalinlangan sa kanyang isipan. Walang ibang laman ang kanyang isipan kundi ang mainit na pagdampi ng kanilang mga labi.He is blessing every inch of her skin using his mouth. Ano pa bang hinihiling ni Yanna sa mga sandaling ito? Sapat na sa kanya ang basbas ni Alessio sa kanyang marupok na katawan.Sa bawat ungol ay mas lalong tumitindi ang kanyang pagnanasa. Halos lukuban na siya ng kakaibang enerhiya na namumuo sa kanyang puson.Namangha si Yanna nang biglang lumuhod si Alessio at tumapat sa kanyang kaselanan."A-Alessio...""Don't dare to stop me, butterfly. I've been dying to taste you like this," anito habang nakatuon sa kanyang kuweba."N-no. It's just that...""What now?" Halatang iritable ito at nahihirapan sa paraan ng pananalita nito."Alessio, hindi ko alam kung kakayanin ko 'yan. I mean..

  • Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire   Chapter 30: His Return

    Sabik na si Alessio sa pagtapak sa kanyang bansa. Pagkalapag ng kanyang private jet ay hindi na siya mapakali.Kay tagal niyang hinintay ang kanyang pag-uwi. Tinapos niya ang lahat ng kanyang gagawin sa Dubai. Siniguro niyang wala nang makagagambala sa kanyang pag-uwi.Sa airport pa lang ay tanaw na siya ng mga kababaihan. Hindi alintana ang presensiya ng mga kiti-kiting mga babae na gusto siyang lapitan. May kasabayan pa siyang artista sa pagdating ngunit tila lahat ng kababaihan at ibang fans ay natuon ang atensyon sa kanyang pagdating."OMG! Andyan na si Mr. Alessio!""Grabe, ang gwapo talaga niya!""Tingnan mo 'yung lips. Sarap papakin!""Asawahin mo ako, Alessio!"Iyon ang kadalasang sinisigaw ng mga babae sa airport.Wala ni isang pinansin si Alessio. Sanay na ang mga tao sa kanyang pagiging cold. Nakakatakot ang kanyang awra. Karamihan din sa mga lalaki ay tahimik siyang pinupuri. Kahit ganoon siya makitungo sa marami ay hindi iyon naging alintana sa karamihan. Lahat sila ay na

  • Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire   Chapter 29: New Master

    "A-ano?! Lumalaban ka ha? Etong sa'yo!" Akmang hahablutin ng lalaki ang buhok ni Yanna ngunit mabilis siyang nakailag.Nagkarambola na sa loob ng shop. Nagliliparan ang mga upuan patungo sa direksyon ni Yanna ngunit ni isa ay hindi tumama sa kanya. Mailap siya at mabilis ang pagkilos. Mas lalong naasar ang tatlong lalaki. Nang habulin siya ng mga ito ay siya naman ang akmang sumugod. Mabilis niyang pinagpapalo ang mga batok nito. Mataas ang kanyang talon at sinipa sa mukha ang tatlo. Ilang sandali pa ay nawalan na ng malay ang mga lalaki.Napahiyaw naman ang mga tao at nagpalakpakan sa kanyang paligid. Maging si Shiela ay manghang napayakap sa kanya."Oh, my gosh! Saan mo 'yun natutuhan? Ang galing mo!" manghang sabi sa kanya ng babae.Napakamot na lang siya ng ulo at napatawa.Hindi siya nakapagtimpi. Nailabas niya ang kanyang sikretong talento dahil kinakailangan. Hindi niya hahayaan na maghari-harian ang tatlong huklubang lalaki sa loob ng cafe.Sa kabilang dako, nakita lahat ng is

  • Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire   Chapter 28: La Baristas

    Habang nasa biyahe ay balisa si Yanna. Agad iyong napansin ni Mang Tope."Hija, ayos ka lang ba?""Ah, opo, Mang Tope. Ano kasi... pwede mo po ba akong ibaba sa may kanto?" pagpapaalam niya."Ay, bakit naman, hija? May bibilhin ka ba?""Ah, opo. Kaso po makikipagkita ako sa kaibigan ko. Medyo matatagalan po kaya hindi n'yo na po ako kailangang hintayin," pagsisinungaling niya. Ang totoo ay may nakita siyang karatula ng isang hiring sa isang establisiyemento."Naku, hija. Magagalit si Alessio kapag hindi kita hinintay o sunduin!""'Wag po kayong mag-alala, Mang Tope. Hindi naman po talaga ako magtatagal. Importante lang po kasi sana. Please?" Pinagsalikop pa niya ang dalawang kamay upang magmakaawa sa harapan nito.Napabuntong-hininga naman si Mang Tope. "Oh, sige! Pero, hija, ipangako mong makakabalik ka ng Bella Casa bago magdilim, ha?"Napangiti naman siya. Nagningning ang kanyang mga mata. "Salamat po, Mang Tope! Promise po 'yan."Maraming ibinilin si Mang Tope sa kanya bago siya p

  • Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire   Chapter 27: Fake Tears

    Walang nagawa si Yanna kundi ang iwan ang kanyang paghahanap ng ibang trabaho. Nagpahatid siya kay Mang Tope sa presinto upang makipagkita sa kanyang ama.Naisip niya na mas mainam nang makita niya kung paano magmakaawa ang kanyang half-sister na si Ree del Valle, tutal at lagi itong sanay na napagbibigyan sa lahat ng gusto nito. Ngayon naman ay gusto niyang makita ang kalagayan nito.Pagkarating sa presinto ay sumalubong sa kanya ang nakangiting si Preston del Valle kasama si Antonia na halatang pilit ang pakikitungo sa kanya."Anak! Mabuti naman at dumating ka na. Kanina ka pa namin hinihintay," masiglang anas ni Preston. Humawak pa ito sa kanyang braso. Sa loob-loob nito ay gusto nitong saktan at pilipitin ang leeg ng panganay na anak. Kung hindi lang dahil sa kanilang plano ay hindi ito magmamakaawa sa babae. Ngunit kailangan nitong magpanggap.Saglit na natigilan si Yanna. Pagkatapos niyon ay binawi niya ang kanyang braso at hinarap ang dalawa. "Hindi na ninyo kailangang magpangg

  • Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire   Chapter 26: Dream

    Sa panaginip ni Yanna ay damang-dama niya ang bawat haplos ni Alessio. Ilang beses na niyang napapanaginipan ang asawa simula nang umalis ito patungong Dubai.Ayaw man niyang aminin ngunit malaki ang naging pagbabago niya simula nang magpakasal siya kay Alessio Vann Dimarco. Kahit na hindi dapat ay nagsisimula nang mag-iba ng kanyang damdamin para sa lalaki. Kahit ilang beses niyang kinukumbinsi ang sarili na palabas lang ang lahat ng ipinapakita nito ay iba ang nararamdaman ng kanyang puso.Inaamin niya, she is longing for his touch. She wants him to stay beside her and wreck her as he has always been doing every night.At sa isang maalab na panaginip ay narito muli si Alessio upang basbasan ang buo niyang katawan. Bawat halik nito ay kanyang tinutugunan. Naglalakbay na rin ang kamay nito sa loob ng kanyang daster. Eksperto nitong minamasahe ang kanyang malulusog na dibdib. Naka-daster siya ngayon sa pagtulog. Mas komportable siya sa ganoong kasuotan sa tuwing ganitong natutulog siya

DMCA.com Protection Status