TRIDAS POV
Isang linggo na ang nakalipas simula noong dumating si Kierzyuwi Yanzon sa aming dormitoryo. Bagong lipat siya at sa eskwelahan din namin siya nag-aaral. Base sa narinig ko, kaklase siya ni Haze at Kayden dahil Business Administration ddin ang kurso niya. Nakikita ko na rin siyang kasa-kasama nila Haze kapag kumakain sila sa kusina. Medyo tahimik ito pero mukhang kasundo naman niya ‘yong apat na kolokoy. Sila Haze, Kayden, Matthew at Zee.“Trida, samahan mo nga ako sa cr, naiihi na ‘ko.” Napukaw ang atensyon ko nang tawagin ako ni Ivy. “Halika na, dali!”“Apurado ka naman! Taeng-tae ka ba?!”“Hindi. Ihing-ihi na ‘ko!” Tumayo ako sa upuan ko at sabay kaming lumabas sa classroom. Pumunta kami sa restroom na nasa floor lang din namin. Pagpasok ni Ivy sa cubicle, pumasok na rin ako sa kabila. Iihi ako kahit hindi ako naiihi. Wala lang, trip ko lang. Saktong pag-upo ko, may narinig akong pumasok sa loob ng cr at kasabay no’n ang pagsara ng pintuan. Hindi pintuan ng cubicle, kun’di pinto mismo ng restroom."Sa tingin mo ba totoo ‘yong usap-usapan na may ginto sa dorm na ‘yon?" halos pabulong na sabi ng isang babae na hindi ko kilala ang boses."Hindi ko rin alam. Pero sa tingin ko totoo,” sagot naman ng kasama niya. Ginto?"Lipat kaya tayo ro’n tapos hanapin natin?" Alam kong nasa loob pa rin ng cubicle si Ivy dahil hindi ko pa naririnig ang pagbukas ng pintuan niya pati ang pag-flush."Ano ka ba naman? Hindi naman ako gano’n kaatat yumanan, ‘no! Tara na nga umuwi na tayo. Makapag empake na!" Bahagya pa silang nagtawanan bago lumabas sa restroom. Nang maramdaman kong nakalabas na sila nang tuluyan, binuksan ko na ang pintuan ng cubicle at halos magkasabay lang kami ni Ivy na lumabas. Nag-unahan kami sa pintuan para tingnan kung sino ‘yong dalawang estudyante na narinig naming nag-uusap. Hindi pa sila masyadong nakakalayo kaya nakilala ko sila. Third year sila, tourism din at ka building lang namin.Nagkatinginan agad kami ni Ivy pero hindi kami nagsasalita. Naghawak kami ng kamay at tahimik na bumalik sa classroom. Ramdam ko ‘yong pamamawis ng kamay namin pareho at panlalamig, pero wala isa man sa amin ang nagbubukas ng usapan tungkol sa narinig namin.Habang tahimik na nagtuturo si ma'am sa harapan, naramdaman ko ang pag-vibrate ng cell phone sa bulsa ng palda ko. Kinuha ko ‘yon at nakita kong may text sa akin si Ivy kaya palihim kong binasa. “Narinig mo rin ba yong narinig ko kanina?”“Oo, narinig ko. Ano’ng akala mo sa ‘kin, walang tainga?” reply ko sa kaniya.“Sa tingin mo saang dorm ‘yong tinutukoy nilang may ginto?”“Hindi ko alam.”“Hindi kaya sa dorm natin?”“Mukha bang may ginto sa dorm natin? Agiw marami.” Bakit kaya gusto niyang alamin? May balak ba siyang nakawin ‘yon kung sakali ngang mayro’n?“Dapat pala lumabas tayo kanina habang nag-uusap sila para natanong natin kung saang dorm yong sinasabi nila.”“No thanks, Ivy! I'm not interested. At saka hindi natin alam kung totoo ‘yon o hindi. Baka mamaya tsismis lang ‘yong nasagap nila.”“What if totoo?”“Kung totoo ‘yon, edi mag-drop out na tayo tapos mag-aral tayo ng taekwondo, karate, wrestling, judo, ju jutsu, boksing, muay thai, hapkido, arnis, sumo, shaolin kung fu at krav maga.”“Para saan?”“Para patumbahin lahat ng magtatangkana unahan tayo sa ginto. HAHAHA!”“Gagi!” Pinigilan ko ang pagtawa para hindi ako mahalata ni ma'am. Hindi na rin ako nagtype ng reply sa kanya.Pag-uwi namin sa dorm ni Ivy, nadaanan namin sa sala ‘yong iba naming dormmates na naglalaro ng mafia game. Mukhang nagkakatuwaan sila."Ano’ng ng nilalaro nila?" tanong ni Ivy sa ‘kin habang paakyat na kami sa hagdan."Mafia game.""Pa’no ‘yon?" she asked curiously habang sinasaksak niya ‘yong susi sa doorknob ng room namin. Pagpasok namin sa loob, humiga agad ako sa bed ko at inexplain sa kanya ‘yong laro."May mafia sa game na ‘yon, target niyang patayin ‘yong mga ordinary citizen para manalo siya. Tapos may isang pulis at isang doctor, and the rest ay ordinary citizen. Kung ano ang ma-assign sayo na roles dapat walang makaalam no’n. ‘Yong mga ordinary citizen naman dapat mahulaan nila kung sino ang mafia. Pero mahirap laruin ‘yon, kasi ‘yong mafia na pumapatay magpapanggap siyang citizen para itago ang identity niya. During nighttime, matutulog ‘yong buong grupo, then gigisingin ng moderator o ng host ang mafia para ituro ang gusto niyang patayin. Tapos papatulugin ulit ng host ‘yong mafia at gigisingin naman niya ang doctor para tanungin kung sino ang gusto niyang iligtas na sa tingin niya ay napiling patayin ng mafia. Kapag pinatulog na ulit ng host ang doctor, next niyang gigisingin ang pulis. Tatanungin ng host ‘yong pulis kung kaninong pagkatao ang gusto niyang malaman, kapag may tinuro na ‘yong pulis, yes or no lang ang isasagot ng host. Yes, kung mafia ‘yong tinuro n’ya at no naman naman kung hindi. Then, during daytime, gigising na ulit silang lahat, magbobotohan sila kung sino sa tingin nila ang mafia. Once na manominate ka at pagdudahan na ikaw ang mafia, dapat dipensahan mo ang sarili mo at dapat mapaniwala mo sila na citizen ka lang para hindi ka mamatay or ma-out sa game. Pero kapag walang naniwala sa’yo at hindi ka nailigtas ng doctor during nighttime, out ka na sa game,” mahabang litanya ko.Napangiti naman agad siya at mukhang na excite. "Tara laro tayo!""Hindi p’wedeng tayo lang dalawa, minimum no’n 7 persons or 9.""Ayain natin sila Matthew,” suhestyon niya, kaso wala akong gana."Next time na lang. Kailangan pa natin mag-grocery mamaya.” Sumimangot naman siya. "Pahinga lang tayo nang kaunti tapos alis na tayo para di tayo gabihin," I added ‘tsaka na ako pumikit para umidlip. Hindi ko na siya narinig na kumibo kaya hinayaan ko na lang. Pero ilang minuto pa lang akong nakapikit nang bigla akong may maalala. Shutangina, ‘yong kilay niya! Dumilat ako at tiningnan siya agad. "Ivy, ‘wag ka muna maghihilamos, ah.”“Bakit?” inosente niyang tanong.“Galing tayo sa init, mapapasma ‘yang mukha mo. At saka pupunta pa tayo sa supermarket mamaya. Para naman masulit ang make-up mo,” pagdadahilan ko. Pero ang totoo, ayoko lang makita niya ‘yong nangyari sa kilay niya."Sige,” sagot naman niya habang hawak ang kaniyang cell phone.Makalipas ang ilang oras ng pamamahinga, bumaba kami ni Ivy sa kusina para i-check ang mga stocks kong natira. Pero palapit pa lang kami, rinig ko na ang pagtatalo-talo noong lima kung sino ang mag-grocery sa kanila."Ikaw na lang Matthew. Isama mo ulit si Zee,” sabi ni Kayden. Nakapaikot sila sa mesa at mukhang katatapos lang magmeryenda dahil may dalawang kahon ng pizza sa gitna nila. Napansin ko namang tahimik lang si Kierzyuwi at busy sa screen ng cell phone niya. Pero halatang aware rin siya sa kaguluhan no’ng apat. Bigla naman siyang nag-angat ng tingin sa ‘min ni Ivy at nahuli niya akong nakatitig sa kaniya kaya nag-iwas ako tingin."Bakit kami na naman? Kami na nga last week!" apila ni Matthew habang hawak ang baso na may coke."Expert naman kayo d’yan, e! Sige na!” Si Haze naman ang nangulit sa kanila.Naririndi ako sa ingay nila kaya dumiretso ako sa ref at binuksan ko ‘yon para tingnan kung mayroon pa ba akong stocks tulad ng karne, frozen goods at gulay. Wala na. Sunod ko rin tiningnan ang hanging cabinet na pinagtatabihan ko ng mga instant noodles, de lata, 3in1 coffee at kung anu-ano pa. Paubos na rin."Ilista mo lahat ng kailangan natin para wala tayong makalimutan,” baling ko kay Ivy na nakatayo sa tabi ko. Sumunod naman siya agad at nagsimula na sa paglilista sa cell phone niya."Mamimili rin ba kayo?" tanong ni Haze. Bumaling ako sa kanila at lahat sila nakatingin na sa amin. At sa tingin pa lang nila na ‘yon, alam ko na ang ibig nilang sabihin."Hell no!" Inunahan ko na sila dahil alam kong magpapasabay na naman sila sa ‘kin ng grocery nila. Ilang beses na ‘yon nangyari dati at lagi akong nahihirapan sa pagbitbit dahil sa mga pabili nilang sandamakmak."Sinasaktan mo ‘yong damdamin ko, Trida. Bakit ka gan’yan?" pabirong sabi ni Kayden habang nakahawak sa tapat ng puso niya. “Dati-rati naman lagi mo kaming isinasabay kapag mamimili ka.”“Nagbago ka na. Hindi mo na kami mahal!” dagdag pa ni Matthew.“Dati ‘yon! Iba ang dati sa ngayon!” Inirapan ko sila. “Dati kasi kahit papaano nahihiya pa kayo sa ‘kin kaya kaunti lang kayo magpabili. Ngayong walang hiya na kayo! Kaya nahihirapan ako!”Natawa nang bahagya si Zee dahil sa sinabi ko. “Bakit kinakawawa n’yo ‘yong best friend ko? Kaya pala hindi lumalaki!” pang-aasar niya sa ‘kin. Magsasalita pa sana ulit ako nang biglang sumigaw si Ivy."AH! MAFIA GAME!" Lahat kami napalingon sa kaniya. "Laro tayo ng mafia game. Kung sino ang mananalo, siya ‘yong magde-decide kung sino ang pupunta sa supermarket para mamili. ‘Yong mapipili niya na pumunta, ‘yon din ang magbabayad ng grocery, both groups!" Mukha siyang nae-excite. Malaki ang ngiti niya sa mukha pero hindi ako sang-ayon don."Hoy, Ivy""DEAL!" pinutol agad ako nang limang kolokoy, including Kierzyuwi. Bigla naman akong kinabahan. Why do I have this feeling? I'm nervous.“Ayoko! Laro ng mga sinungaling ‘yang mafia game! Tuturuan n’yo pa akong magsinungaling! Hindi naman ako katulad ni Haze, sobrang expert!” apila ko sa kanila.“When did I lie to you, baby? Wala yata akong maalala,” baling sa sa ‘kin ni Haze habang nakangisi.“Oh, see? Wala raw maalala? Kasinungalingan na naman!” Inirapan ko siya habang natatawa ‘yong tatlo, maliban kay Yuwi.“Let’s go! Let’s go!” aya ni Zee sabay tayo sa upuan niya.“Madaya kayo! Porque alam n’yong matatalo ‘ko dahil hindi ako magaling magsinungaling!” pagmamaktol ko. Pero isa-isa na silang nagtayuan after ni Zee at nag-aya sa lobby para simulan ang laro. At ang magaling na Ivy, nakangiting sumunod sa lima na para bang ‘yon ang tropa niya at hindi ako. “Hoy, Ivy! Buwisit ka talaga!”Third Person's POVNasa sala na ang lahat, sa dorm. Si Kierzyuwi, Haze, Kayden, Matthew, Zee, Trida, Ivy at ang tatlo pang nursing students na sina Michaela, Shane at Mikee. Kakilala ito ni Trida kaya inaya niyang sumali para kahit papaano ay maragdagan sila.Letter C shape ang style ng sofa sa sala kaya naman nagdagdag si Kayden at Haze ng monoblock para maging paikot ang ayos nila at maging magkaharap-harap.Magkakatabi ang mga babae at magkakatabi naman ang mga lalake. Para maging patas ang laro, nag-volunteer ang caretaker nilang si Mildred para magsilbing moderator o host nila.Nang maisulat na ni Mildred ang mga roles sa maliliit na papel ay ibinilot na niya iyon at inilagay sa isang food container at saka paikot na pinabunot ang bawat isa."Tingnan n'yo na ang mga roles niyo. Ingatan n'yong huwag masilip ng mga katabi niyo," paalala nito sa kanila. Isa-isa naman nilang binuklat ang kanya-kaniyang papel na hawak at pagkatapos ay nilukot nila iyon at itinago sa kanilang mga bulsa
Third Person's POVNapabaling si Ivy sa katabing si Trida dahil sa sinabi ni Keirzyuwi. "Mafia ka?" Tila gusto na rin niyang magduda rito."Hindi ako mafia! Si Kierz ang nararamdaman ko na may tinatago!" singhal ni Trida.“Hindi. Malakas ang pakiramdam ko na si Zee ang mafia o kaya si Kierzyuwi," natatawang sabi ni Haze habang nililipat ang tingin sa dalawa."Hindi ako mafia, dahil kung mafia ako malamang kanina ka pa patay!" ganti ni Zee sa kaniya."Time's up!” Itinaas na ni Mildred ang kamay sa ere. “Ituro niyo na ang taong pinaghihinalaan n’yong mafia." Agad naman silang sumunod. Matthew, Haze, Ivy and Kierz pointed to Zee. And Trida pointed to Kierzyuwi. "Zee, mayro’n kang isang minuto para dipensahan ang sarili mo,” baling sa kaniya ni Mildred.Umayos naman siya sa pagkaka-upo bago magsalita. "Listen, everybody. Wala pa tayong napapatay na mafia. Puro inosente ang namamatay. If you choose to kill me now, mas mahihirapan kayong malaman kung sino ang mafia without me, dahil pulis a
TRIDA'S POV "Kapag pinatay n'yo ako, magsisisi kayo!" Haze exclaimed. Medyo naguguluhan na 'ko sa nangyayari. Nakakabobo talaga ang laro na 'to. Nakakaitim pa ng budhi dahil mapipilitan kang magsinungaling. I mean, sila pala. Hindi naman kasi ako nagsisinungaling dahil citizen talaga ako."Sa tingin ko hindi si Haze ang mafia," komento ko na naging dahilan para tingnan nila akong lahat na para bang may krimen akong ginawa. Hayan na naman sila!"So, the mafia is trying to defend the other mafia!" Kierz said grinning at me. Pero hindi naman 'yon ang dahilan. Feeling ko lang talaga na hindi si Haze, dahil kung siya ang mafia, baka kanina pa rin niya ako pinatay."Iyon din ang hinala ko. Trida is a mafia and so Haze," dagdag ni kurimaw na Matthew."Hindi ako—""Trida tumingin ka sa 'kin," Ivy cut me off so I turned to her. "Mafia ka ba?" she asked seriously. Walang'ya! "Wow, Ivy!" Natawa ako nang mapait dahil sa tanong niya. Para bang pinagdududahan n'ya ako dahil sa sinabi ni Matthew.
TRIDA's POVAt ang walang hiyang Ivy, tiningnan ako nang may pagdududa. "Sabihin mo sa 'kin na hindi ka mafia."Sasagot pa lang sana ako nang biglang magsalita si Haze. "Time to choose the mafia. Remember, dalawa ang inosente sa inyo. If you know who the innocent, then tang*na, try to keep them alive!" Humalakhak pa siya.Lumingon naman si Ivy sa 'kin. "Trida, this is the last game. Patayin na natin si Kierzyuwi. Kapag hindi pa natin s'ya pinatay at may pinatay s'yang isa sa 'tin—game over na!" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala."If you kill me, you'll be done!" seryoso at tahimik na sabi ni Kierzyuwi kaya tiningnan ko siya. Nakatitig siya sa 'kin at nakangisi."Kanina ka pa n'ya pinapatay, 'di ba?" Hinawakan ulit ni Ivy ang braso ko para iharap ako sa kaniya. "Nakailang turo at boto na siya sa'yo. Kanina ko pa s'ya napapansin.""Pero binoto mo rin ako kanina, 'di ba?" Tinaasan ko siya ng kilay noong naalala ko na minsan niya rin akong binoto para ma-out."Dahil natakot ako na baka i
TRIDA'S POV “Ano? Hindi ba kayo matatapos d'yan?” natatawang sabi ni Haze sa 'min. Nagpipigil siya ng tawa dahil nanggigilid na ang luha ni Ivy.“Okay. Kill me now. It doesn't matter to me anymore!" Pabagsak na isinandal ni Yuwi ang likod niya sa upuan. Seryoso? Bigla akong napaisip at pinagmasdan si Ivy.“Pa'no kung nagsasabi ng totoo si Yuwi at inosente pala talaga s'ya?” tanong ko sa kaniya. At hindi pa man siya sumasagot, nabuwisit na agad ako. “Wow! Kapag inosente siya, ibig sabihin ikaw ang mafia at pinapaikot mo lang kami?” Lalong nalukot ang mukha ni Ivy na akala mo inapi ko siya.“Sumasakit na 'yong ulo ko sa totoo lang!" inis niyang ganti sa 'kin. "Sige na, ako na lang ang patayin n'yo para malaman natin kung sino talaga ang mafia sa inyong dalawa!” Sumandal siya sa sofa, tila nawalan ng ganang maglaro. “Pero 'pag pinatay n'yo ako at halimbawa man na si Kierzyuwi ang mafia sa inyong dalawa...ikaw mag-isa ang mag-grocery. Hindi kita sasamahan!” she warned.Agad namang ngumis
IVY'S POVNang dumilat si Trida ay agad niyang iginala ang paningin sa kwarto. Mukhang nagtataka pa siya kung bakit narito na kami sa dorm matapos siyang mawalan ng malay.“Buti gising ka na...” Inalalayan ko siyang makabangon.“Paano ako nakauwi?” taka niyang tanong nang bumaling siya sa 'kin. “At saka 'yong...'yong d-dalawang babae na...” Bumakas muli sa mukha niya ang takot. “Totoo ba 'yong nakita natin kanina?” seryoso niyang tanong. "Oo." Napatango pa ako nang bahagya.“Kung gano'n, paano ako nakauwi?” tanong niya ulit sa 'kin.“Binuhat ka ni Yuwi." Nagsalubong ang kilay dahil sa sinabi ko.Noong nakita kasi namin ang dalawang babaeng duguan na nakahandusay sa kalsada ay agad akong napasigaw at kasabay naman noon ay nawalan siya ng malay. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko sa kaniya noong mga oras na 'yon. Gusto kong tumakbo palayo dahil natakot ako na baka mapagbintangan kami, lalo pa at walang masyadong bahayan sa lugar na 'yon at wala rin masyadong nagdaraan na mga tao o sa
TRIDA's POVSiya naman ang natahimik dahil mukhang hindi niya inaasahan ang ganoong sagot ko. Nakatingin lang siya sa 'kin pero wala akong mabasang emosyon sa mata niya. Malamig ang mga tingin niya at pakiramdam ko p'wede akong magyelo dahil do'n.Hindi na siya nakakibo lalo na noong biglang dumating si Haze at Kayden sa kusina. Nag-uusap ang dalawa tungkol sa pag-alis ni Haze sa weekend dahil uuwi raw ito sa kanila.Pumwesto sa kabilang mesa kung saan sila laging kumakain. “Kailan ang balik mo?” Kayden asked again. May dala silang tatlong bote ng mineral.“Aalis ka?” baling naman ni Yuwi kay Haze. Naglakad siya at tumabi sa dalawa. Kami naman ni Ivy ay kumain na ulit nang tahimik.“Oo. Uwi muna ako sa bahay. Umay rito," muling sagot ni Haze na sinabayan pa nang mahinang pagtawa. Kumuha siya na tatlong baso at inilapag niya 'yon sa mesa nila. Binuksan naman ni Kayden ang bote ng mineral at nagsalin ng tig-kaunting amount sa bawat baso nila habang si Haze ay tumayo para buksan ang ref
IVY'S POVNagdalawang isip ako kung gigisingin ko ba si Trida para sagutin niya ang tawag ng mommy niya o hindi. Pero naisip ko, huwag na lang. Mukhang malalim na kasi ang tulog niya kaya siguro hindi niya ramdam ang pag-vibrate ng phone niya. Hindi ko na rin 'yon pinansin at inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagkuha ng mga hanger para makapagsampay na agad ako.Palabas na ulit sana ako sa kwarto nang mag-vibrate ulit 'yon ang cell phone niya. Lumapit ako para tiningnan ang screen at nakita ko na mommy pa rin niya ang tumatawag.Tiningnan ko ang oras sa bandang itaas. 11:37 PM. Saglit akong natigilan at napaisip. Emergency kaya?Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko at dinampot ko 'yong cell phone ni Trida para sagutin 'yon. Naisip ko kasi na baka emergency kaya tumatawag ang mommy niya nang ganitong oras.“Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko! Nag-aalala ako sa'yo!” bumungad sa 'kin ang pagsigaw ng babae sa kabilang linya, ngunit bakas pa rin ang pag-aalala sa boses nito
TRIDA MONTANAMaaga kaming pumasok ni Ivy sa school dahil ipinatawag kami sa dean's office. Nabalita kasi sa department namin ang nangyaring pag-aresto at pagkakulong namin kaya kinausap kami ni Dean.Ngunit ang inaasahan ko ay iinterbyuhin niya kami regarding that matter, like kung totoo bang kami ang pumatay. Pero hindi pala."Nagpunta rito ang secretary ng daddy mo, Trida. All the misunderstanding has been cleared. So, focus on your study." Ngumiti si Dean bago ituloy ang sasabihin. "Kapag may narinig kayo o nagtanong sa inyo about sa nangyari, report to me right away. Their names, block, and course if they are from different department. Okay?""Okay po." Ngumiti lamang din ako nang bahagya sa kaniya at ganoon din si Ivy bago kami tuluyang nagpaalam."Buti naman kung gano'n. Alam mo bang kung anu-ano'ng pinagsasabi sa 'kin ng mga classmates natin noong pumasok ako?" sumbong ni Ivy sa akin paglabas namin ng Dean's Office."Nagmagaling ka kasing pumasok, eh. Hayun tuloy ang napala mo
TRIDA MONTANAAlas-onse ng gabi nang makarating kami ni Zee sa dorm. Siya ang nag-ayang umuwi sa ‘kin matapos namin matanaw sa lounge si Ivy at Matthew na magkalapit ang mukha at parang magki-kiss. Landi ni acckla!Nakiusap pa naman ako kay Zee na aantabayanan ko itong makalabas kaya naghintay kami sa labas ng building. Pero mag-iisang oras na ay hindi pa rin siya sumusulpot kaya kinulit ko pa si Zee na samahan ako pabalik sa loob dahil baka utak na niya ang pinasabog sa loob kanina.Pero hayun nga. Pagpasok namin, natanaw namin sila ni Matthew. Ang lalandi talaga."Matulog ka na para hindi ka mapuyat. May pasok pa bukas,” paalala ni Zee pagtungtong namin sa third floor.Huminto rin ako at nilingon siya. “Salamat kanina.”Dahil kasi sa nangyaring pagputok ng baril at pagkawala ng ilaw, agad naglabasan ang mga tao sa club. Nataranta rin ako noong oras na ‘yon dahil may mga nagsisigawan at halos lahat nagpa-panic. Buti na lamang ay agad niya akong natunton at iginiya palabas. Kung hindi
IVY PIÑAFLORIDABANG!Kumabog ang dibdib ko dulot ng narinig kong putok ng baril mula sa loob ng VIP room kung saan ako nanggaling.Sa sobrang nerbyos ko, hindi ko na tinangka pang katukin muli ang pinto. Napaatras ako kasunod ang mabilis kong paghakbang palayo roon kahit na halos magkandarapa ako dahil sa dilim ng paligid.Binuksan ko ang clutch bag ko at kinapa sa loob ang phone ko. Nang makuha ko 'yon, binuksan ko agad ang flashlight at mas binilisan ko na ang paghakbang palayo.Halos patakbo ang ginawa ko kaya nang pababa na ako sa hagdan, nagkamali ako ng tapak sa baitang kaya, dahilan para bumagsak ako at gumulong pababa."Aaww~" Hinilot ko ang tuhod kong naunang tumama sa matigas na semento. Sobrang sakit.Bumaling ako sa cell phone ko na isang dipa ang layo sa akin dahil nabitawan ko 'yon. Nakailaw pa rin ang flashlight pero nakabaligtad 'yon at sa sahig nakatama ang liwanag kaya wala akong masyadong maaninag sa paligid.Sinubukan kong tumayo kahit na ramdam ko na parang naipi
IVY PIÑAFLORIDANakatayo ako sa harap ng full length mirror sa kwarto ko habang hawak ang baril. Nakatitig ako ro'n. Nakasuot naman sa hita ko ang leg gun holster.Hindi kasi p'wede na sa clutch bag ko lang 'to ilagay dahil makikita 'yon bago kami pumasok sa club kapag nag-check ang security.Ayoko naman sana talaga magdala ng baril. Kaso naisip ko, paano kung may mangyari sa 'kin? Paano kung may gawin na masama si Supremo 'pag nagkaharap na kami? Lalo na at pinapupunta niya akong mag-isa. Kailangan ko ng pang-self defense kung sakali. Mahirap na.Sinuksok ko na ang baril sa leg gun holster na nasa hita ko at saka ko na sinuot ang spaghetti strap kong dress ko na kulay black. Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin. Perfect! Hindi rin halata na may dala akong de@dly weapon.Dinampot ko na ang clutch bag ko pati na rin ang cell phone kong nasa kama. Paglabas ko sa kwarto, nakaabang agad sa akin si mommy."Anak, sigurado ka bang hindi mo kailangan ng kasama?" Bakas sa mukha niya ang
TRIDA MONTANA"What kind of outfit you think will suit me?" tanong ko habang patuloy sa pag-iikot sa loob ng isang clothing shop. Si Zee naman ay nakabuntot sa akin."Kahit ano. But I hope it will be something simple." Nakikihawi-hawi na rin siya sa mga naka-hanger na damit para maghanap ng para sa kaniya."Anong something simple? Usually di ba eye-catching outfit ang mga sinusuot ng mga nagpupunta sa club?" litanya ko."No, that's not true." Lumipat siya sa section ng mga pangbabae at doon namili. Mukhang tutulungan na niya ako.Nakakita naman ako ng black fitted skirt na leather at kinuha ko 'yon para ipakita sa kaniya. "Bagay ba sa 'kin 'to?" Ipinantay ko pa sa baywang ko para makita kung hanggang saan ko 'yon."No. Not that." Pinag-ekis niya ang kamay niya. "Ito na lang, oh." Sabay abot niya sa akin ng hawak niyang cotton long sleeves na kulay beige. "When I said simple, this is what I've been thinking about." Bahagya pa siyang ngumiti.Kinuha ko 'yon at saka ako ngumuso. "Club 'y
TRIDA MONTANAPababa ako sa hagdan nang masalubong ko 'yung tatlo. Si Kayden, Matthew at Zee. Nakasuot sila ng school uniform at halatang kauuwi lamang."Andito ka na? Ano'ng nangyari?" Si Kayden ang unang nagtanong."Bakit mas naunang nakalaya si Ivy?" Si Matthew."Hindi ba binanggit sa inyo ni Haze?" tanong ko naman sa kanila. Mukhang hindi pa nila alam ang tungkol kay Migz."Ang alin?" Nagtataka akong tiningnan ni Zee."Na nahuli na 'yung totoong pumatay kay Racquel kaya ako nakalaya," I stated. Nagtinginan saglit si Zee at Matthew bago ibalik ang tingin nila sa akin."Talaga? Mabuti kung gano’n! Edi makakapasok na ulit kayo ni Ivy?" nakangiting sabi ni Zee."Oo. Pero pagbalik na lang ni Ivy. Nahihiya akong pumasok mag-isa pagkatapos ng nangyari." Bahagya pa akong napabuntong-hininga."Bakit ka mahihiya? Wala na kayong dapat ipag-alala. Ngayon pa bang nahuli na 'yung totoong killer?" sabi naman ni Matthew sabay baling kay Zee. "Di ba, Zee?" Dinunggol niya pa ito nang bahagya sa bra
TRIDA MONTANANakauwi na kami ni Haze sa dorm at naipaliwanag na rin niya kina Ate Mildred ang nangyari pati ang text message na kaniyang na-recieved mula sa totoong killer na si Migz, ex-boyfriend ni Racquel.Kaya lang...nakatulala ako sa kwarto namin ni Ivy. Ina-analyze kong mabuti sa isip ko ang nangyari.Inamin ni Migz sa text message na siya ang pumatay kay Racquel pagkatapos ay inilagay daw niya ang kutsilyong ginamit niya sa kwarto namin ni Ivy. After that, agad siyang tumakas sa dorm.Pero sa pagkakatanda ko, bago kami umakyat sa rooftop noong gabing ‘yon, wala ng mga estudyante sa dorm. Dahil usually ay weekend umuuwi ang mga estudyante. May iba nga na friday pa lang ng hapon ay umuuwi na sa kani-kanilang bayan pagkatapos ng klase. So, paano nangyari na siya ang pumatay kay Racquel?Pabagsak akong humiga sa kama at bumuntong-hininga habang nakatitig sa kisame. Bakit gano’n? Bakit hindi pa rin ako mapanatag? Feeling ko may mali sa nangyari pero hindi ko ma-sure kung paano o an
TRIDA MONTANA"Kumain ka na miss, oh. Kahapon mo pa hindi ginagalaw lahat ng pagkain na binibigay namin sa’yo," sermon sa ‘kin ng isang pulis. May inaabot siya sa akin na McDo na nasa take-out bag pero hindi ko ‘yon kinuha."Ayoko n’yan. Gusto ko BTS meal." Sabay irap dito."Mamayang tanghali na lang ‘yon. Kainin mo muna ‘to," pamimilit niya sa akin habang nasa loob pa rin ako ng selda at nakaupo malapit sa pintuan."Hindi ako kakain hangga’t hindi ako nakakalabas dito!""Magugutom ka kapag hindi ka kumain.”"Wala akong pakialam," ganti ko sa kaniya. "Napaka-unfair n’yo!" Tumayo ako bigla at hinarap ang pulis na ‘yon. "Pa’nong nangyari na nakalaya si Ivy tapos ako napag-abutan na ng magdamag dito?!" Naghy-hysterical na naman ako habang niyugyog ang bakal na pintuan ng selda. "Bulok ‘yung sistema n’yo! Hindi kayo patas!" Sunud-sunod ang paghahabol ko ng hininga dahil sa galit. "Remember this, I'll sue each and everyone here if you've broken any rules while investigating! You arrested an
IVY PIÑAFLORIDA Hindi ko pa nga masyadong naa-absorbed mabuti ang sinabi sa akin ni Precious about kay Trida, ngayon naman dumagdag pa sa problema ko si Zee.Napapikit ako at nanatiling nakayuko kahit namamanhid na ang mga binti ko. Tahimik lang ako at hinintay kong makaalis si Matthew. At nang sa wakas, after a century of waiting ay narinig ko na ang paghakbang niya palayo. Halos hindi na ako makatayo sa sobrang ngawit ng mga binti ko.Dahan-dahan akong umalis sa rooftop at bumaba sa hagdan nang matantya kong tuluyan na siyang nakababa. Sinikap kong hindi makagawa ng kahit kaunting kaluskos.Tahimik akong nakabalik sa kwarto at naabutan kong nakailaw ang phone ko. Chineck ko ‘yon. May nag-text sa akin na unregistered number pero alam ko na agad kung sino. Si Atty. Morris.Sinend niya sa akin ang lugar at kung anong oras kami magkikita ni Supremo bukas.☆゚.*・。゚Kinabukasan. Lunes. Maaga akong gumising at gumayak, pero hindi ako sigurado kung tutuloy ba ako sa school knowing na nasa k