Third Person's POV
Nasa sala na ang lahat, sa dorm. Si Kierzyuwi, Haze, Kayden, Matthew, Zee, Trida, Ivy at ang tatlo pang nursing students na sina Michaela, Shane at Mikee. Kakilala ito ni Trida kaya inaya niyang sumali para kahit papaano ay maragdagan sila.Letter C shape ang style ng sofa sa sala kaya naman nagdagdag si Kayden at Haze ng monoblock para maging paikot ang ayos nila at maging magkaharap-harap.Magkakatabi ang mga babae at magkakatabi naman ang mga lalake. Para maging patas ang laro, nag-volunteer ang caretaker nilang si Mildred para magsilbing moderator o host nila.Nang maisulat na ni Mildred ang mga roles sa maliliit na papel ay ibinilot na niya iyon at inilagay sa isang food container at saka paikot na pinabunot ang bawat isa."Tingnan n'yo na ang mga roles niyo. Ingatan n'yong huwag masilip ng mga katabi niyo," paalala nito sa kanila. Isa-isa naman nilang binuklat ang kanya-kaniyang papel na hawak at pagkatapos ay nilukot nila iyon at itinago sa kanilang mga bulsa.Para naman malaman ni Mildred kung sino ang dalawang mafia, doktor at pulis ay sinimulan na niya ang laro.First night phase. Dito ay matutulog ang mga players. Hindi literal na matutulog kun'di yuyuko lamang ang mga ito at pipikit.“The night has come. Pumikit na kayo at matulog," utos ni Mildred sa mga ito. Agad namang yumuko ang lahat at pumikit. "Mafia, gising. Meet your fellow members." Two mafia raised their heads and looked at each other silently. "Okay. Go back to sleep." Hindi maiwasang mapangisi ni Mildred nang sa wakas ay nakita na niya kung sino ang magsisilbing mafia sa laro. "Umaga na. Gumising ang lahat," anunsyo niya. Daytime phase. Nag-angat ng tingin ang lahat at unang tumama ang mata ni Trida sa nakangising si Kierzyuwi habang nakatingin din ito sa kaniya, tila mayroon ding pagdududa. "Sa tingin n'yo, sino ang kahina-hinala na mafia sa grupo?""Sa tingin ko si Kierz. Malakas ang pakiramdam ko. Sinabi ng bolang kristal sa 'kin!" walang pagdadalawang-isip na sabi ni Trida habang nakatitig kay Kierzyuwi."Para sa 'kin si Shane or Michaela," giit naman ni Zee. "Nakita ko silang ngumiti kanina, pagdilat natin.""Hindi ako mafia! Bakit masama bang ngumiti? Hindi ba p'wedeng kinikilig lang!" depensa agad ni Shane, dahilan para kantyawan siya ng mga kasama. "Sa tingin ko si Kayden ang mafia or si Haze," dagdag niya."Para sa 'kin ay si Matthew, Mikee at si Michaela. Letter M ang initial nila. So, p'wedeng clue 'yon. M means mafia!" natatawang sabi ni Haze, dahilan naman para mapailing si Trida dahil sa walang kwentang naisip nito.“Kung 'yon ang basehan mo, ibig sabihin mafia rin si Ate Mildred?" Tumaas ang isang kilay ni Michaela habang nakatingin dito. Natawa naman ang kanilang host na si Mildred pati na rin si Trida at Ivy. "Sa tingin ko si Kayden at Zee," dagdag ni Michaela.Umikot naman ang paningin ni Kierzyuwi sa mga kasama bago niya itinuon ang atensyon kay Trida. "It's Trida. Trust me." Diretso ang tingin niya rito habang nakangisi.Agad namang dinepensahan ni Trida ang sarili. "Hindi ako mafia! Ikaw ang mafia! Unang tingin ko pa lang sa'yo duda na agad ako. Guys, maniwala kayo sa 'kin, si Yuwi ang mafia. Siya ang patayin natin!" gigil niyang sabi kasunod ng pag-irap kay Kierzyuwi."Sa tingin ko naman ang mafia ay si...Kayden at Zee," mahinang sabi ni Ivy. Tila hindi rin ito sigurado at parang nanghuhula lamang."Si Haze at Matthew ang sa tingin kong mafia." Kayden."Hindi ako. Citizen lang ako, men. Para sa 'kin, si Shane at Michaela ang mafia," giit ni Matthew.Matapos ang ilang minutong pagbibigay ng opinyon ay nagsimula na ulit magsalita si Mildred para buksan ang nominasyon. "Oras na ng nominasyon. Pumili na kayo ng dalawang tao na sa tingin n'yo ay mafia.""Si Kierzyuwi muna ang piliin natin 'tsaka si Kayden," suhestyon ni Trida."Si Shane at Michaela. Iba 'yong ngiti nila kanina no'ng dumilat na tayo. May something," natatawang sabi ni Matthew. Lahat sila ay tumingin naman sa dalawang inakusahan nito. Ngunit hindi nila masabi kung ito nga ba ang mafia o hindi. Dahil tanging si Mildred lamang ang nakakaalam ng totoo."Oras na ng nominasyon. Ituro n'yo ng daliri n'yo ang tao na sa tingin n'yo ay mafia," utos ni Mildred sa kanila. Isa-isa na silang nagturuan.Trida pointed to Kierzyuwi.Kierzyuwi pointed to Trida.Matthew, Zee and Ivy pointed to Shane.Shane pointed to Zee.Haze and Kayden to Michaela.Michaela to Haze.Mikee pointed to Kayden.Kayden pointed to Matthew.“Dalawang boto, Michaela. Tatlong boto, Shane. Ngayon may thirty seconds kayo para depensahan ang sarili n'yo," baling ni Mildred sa dalawang akusado."Una sa lahat, hindi ako mafia. Pangalawa, kapag ako namatay, pagsisisihan n'yo ang desisyon n'yo!" seryosong sabi ni Shane sa mga kasama."Hindi ko alam kung bakit pinagbibintangan n'yo akong mafia, pero promise inosente ako. Kapag ako namatay sa round na ‘to, mababawasan agad ng citizen ang grupo, maniwala kayo," pangungumbinsi naman ni Michaela sa kanila."Oras na ng pagboto. Sino sa dalawa ang pinaniniwalaan n’yong mafia?" tanong ni Mildred at sabay-sabay nagturo ang lahat. Si Ivy at Trida ay itinuro si Michaela at ang lahat ay nakaturo na kay Shane. Ibig sabihin ay si Shane ang pinaghihinalaan nang lahat bilang isang mafia. "Majority wins. Ngayon Shane, sabihin mo na ang huling mensahe mo bago sila magdesisyon kung papatayin o bubuhayin ka pa," utos ni Mildred sa kaniya."Bakit ayaw n’yong maniwala na citizen ako? Mukha ba akong mamamatay tao? Citizen ako! Wag n’yo 'kong patayin!" inis nitong sabi."Oras na ng pagdedesisyon. Save or kill? Thumbs down kapag papatayin niyo at thumbs up kung isa-save niyo. Go!" Agad na nag-thumbs up si Trida at Ivy para iligtas si Shane. Pero the rest ay nag thumbs down kaya hindi pa rin nila ito nailigtas. “Para sa kaalaman n'yong lahat, si Shane ay...isang...citizen!" anunsyo ni Mildred na ikinagulat nang lahat.Nagsimula na rin silang magbulungan at magsisihan dahil sa naging desisyon ngunit agad silang natigilan sa pagtataray ni Trida.“Oh, ‘di ba? Sabi ko sa inyo maraming magaling magsinungaling dito! May nabiktima agad!” Inikot niya ang paningin at saka binalingan ang katabing si Ivy. “Subukan mo lang akong traydorin, Ivy…makakita mo talaga!” natatawa niyang banta rito.“Subukan mo rin akong traydorin, Trida, makikita mo rin!” natatawang ganti rin nito sa kaniya."The night has come, yumuko na kayo at magsitulog." Yumuko na muli ang lahat at pumikit dahil sa anunsyo ni Mildred. "Mafia, gising. Sino ang gusto n’yong patayin?" The two mafia raised their head and silently pointed Michaela to kill. "Okay. Mafia, go back to sleep." Mafia's lowered their heads. "Doktor, oras na para gumising at ituro mo ang gusto mong iligtas." The doctor raised his head and pointed to Trida. "Matulog ka na ulit.” The doctor lowers his head. "Pulis, ikaw naman ang gumising. Ituro mo kung sino ang suspetya mong mafia. Kapag tumango ako ibig sabihin ay mafia siya at kapag umiling ako, ibig sabihin ay hindi," paliwanag ni Mildred. Police pointed to Trida and Mildred gave her an answer. "Go back to sleep, police." Hindi alam ng bawat isa kung sino ang mafia at kung sino ang pinatay nito. Hindi rin nila alam kung sino ang doktor at kung sino ang iniligtas nito. Wala rin nakakaalam sa kanila kung sino ang pulis. Ang tanging nakakaalam lamang ay ang host nilang si Mildred. "Umaga na. Gumising na kayo." Lahat ay nag-angat na ulit ng ulo. "During nighttime, may pinatay na naman ang mafia at ‘yon ay si Mikee. Hindi nagtagumpay ang doktor na mailigtas siya dahil ibang tao ang napili ng doktor. At sa kasamaang palad, si Mikee ay isang inosenteng citizen." Lahat sila ay nagulat sa anunsyo ni Mildred. Muling nagbulungan ang mga ito kung sino ang doktor at kung sino ang totoong mafia. "Ngayong patay na rin si Mikee, wala na siyang karapatang magsalita o magbigay ng opinyon. Out na siya sa game katulad ni Shane,” paliwanag ni Mildred. At ang kagandahan dito ay makikita na no’ng dalawang na-out kung sino ang mafia mamaya kapag muli itong ginising ng host. "Ngayon, oras na ng nominasyon para piliin kung sino ang mafia."Nagsimula na ulit magbigay ng opinyon ang bawat isa. Unang nagsalita si Haze.“Michaela, bakit ka kinakabahan? ‘Wag mong sabihin na ikaw ang mafia at nakukunsensya ka sa pagpatay mo kay Mikee?" natawa nang bahagya si Haze habang nakatingin dito."Pano’ng hindi ako kakabahan, eh, pakiramdam ko ako na ang isusunod n’yo kahit na inosente ako!" sagot nito sa kaniya."Kung alam mo pa lang inosente ka, bakit ka kakabahan?" Nakisali na rin si Kayden."Wala na. Huli ka na. Papatayin ka na namin, mafia ka!" Haze laughed a bit. Napaisip naman si Trida at pinagmasdan ang lahat pati na rin si Michaela."Oras na ng botohan, thumbs down kung papatayin n’yo si Michaela at thumbs up kung naniniwala kayong inosente s’ya," anunsyo ni Mildred. Nag-thumbs up muli si Trida at Ivy para iligtas si Michaela ngunit ang lahat ay naka-thumbs down na kaya’t na-out pa rin ito. "Si Michaela ay isang..." lahat sila ay nakatingin kay Mildred at nakaabang sa sasabihin nito, “ordinary citizen!” Labis ang naging panghihinayang nang karamihan sa naging resulta, lalo na si Trida. Tatlong citizen na ang na-out at ilan na lang silang natitira ngunit hindi pa niya alam kung sino ang ibang citizen na kakampi niya. Sumapit muli ang night phase. "The night has come, magsitulog na ulit kayo." Muling yumuko at pumikit ang lahat. "Gising, mafia. Sino ang gusto n’yong patayin?" The two mafia raised their heads and pointed to Kayden. "Okay. Go back to sleep." The Mafia lowers their head. "Doctor, wake up. Who do you want to save?" The doctor pointed to Trida, again. "Doctor, go back to sleep." The doctor lowers his head. "Police, wake up. Sino ang gusto mong malaman ang identity?" The police pointed to Haze and Mildred gave her an answer. "Police, go back to sleep." The police lower his head. Fourth day phase. Oras na muli ng paggising. "Umaga na, gumising na kayo," anunsyo ni Mildred habang nangingiti dahil sa mga naganap habang nakayuko ang ilan. Lahat ay nag-angat na ng tingin sa isa’t-isa. "Kagabi habang tulog kayo, galit ang mga mafia kaya may pinatay na naman. At ang napatay nila ay ang inosenteng si Kayden." Lahat ay gulat na bumaling kay Kayden habang ito ay natatawa na lamang dahil hindi niya inaasahan na maa-out agad siya sa laro. "Nagkamali na naman ang doktor ng taong iniligtas," dagdag ni Mildred sa mga ito.Nagsimula na namang magbulungan ang lahat kung sino ang doktor na palaging nagkakamali.'Ang tanga naman no’n! Mamimili na nga lang ng ililigtas, mali pa!' bulong ni Trida sa isip habang iniikot ang tingin sa mga kasamang natitira. Ngunit hindi niya alam na siya ang palaging pinipiling iligtas ng doktor."Ngayon, oras na ulit para bumoto. Sino sa tingin n’yo ang mafia?" tanong ni Mildred."Guys, makinig kayo sa ‘kin. Si Kierzyuwi ang kailangan nating patayin. Naniniwala ako na isa s’ya sa mafia! Nararamdaman ko ang pahiwatig ng bertud!" giit ni Trida.Tiningnan naman siya nito at nginisihan. "Kanina mo pa ‘ko pinag-iinitan at gustong patayin. Are you the mafia?"Third Person's POVNapabaling si Ivy sa katabing si Trida dahil sa sinabi ni Keirzyuwi. "Mafia ka?" Tila gusto na rin niyang magduda rito."Hindi ako mafia! Si Kierz ang nararamdaman ko na may tinatago!" singhal ni Trida.“Hindi. Malakas ang pakiramdam ko na si Zee ang mafia o kaya si Kierzyuwi," natatawang sabi ni Haze habang nililipat ang tingin sa dalawa."Hindi ako mafia, dahil kung mafia ako malamang kanina ka pa patay!" ganti ni Zee sa kaniya."Time's up!” Itinaas na ni Mildred ang kamay sa ere. “Ituro niyo na ang taong pinaghihinalaan n’yong mafia." Agad naman silang sumunod. Matthew, Haze, Ivy and Kierz pointed to Zee. And Trida pointed to Kierzyuwi. "Zee, mayro’n kang isang minuto para dipensahan ang sarili mo,” baling sa kaniya ni Mildred.Umayos naman siya sa pagkaka-upo bago magsalita. "Listen, everybody. Wala pa tayong napapatay na mafia. Puro inosente ang namamatay. If you choose to kill me now, mas mahihirapan kayong malaman kung sino ang mafia without me, dahil pulis a
TRIDA'S POV "Kapag pinatay n'yo ako, magsisisi kayo!" Haze exclaimed. Medyo naguguluhan na 'ko sa nangyayari. Nakakabobo talaga ang laro na 'to. Nakakaitim pa ng budhi dahil mapipilitan kang magsinungaling. I mean, sila pala. Hindi naman kasi ako nagsisinungaling dahil citizen talaga ako."Sa tingin ko hindi si Haze ang mafia," komento ko na naging dahilan para tingnan nila akong lahat na para bang may krimen akong ginawa. Hayan na naman sila!"So, the mafia is trying to defend the other mafia!" Kierz said grinning at me. Pero hindi naman 'yon ang dahilan. Feeling ko lang talaga na hindi si Haze, dahil kung siya ang mafia, baka kanina pa rin niya ako pinatay."Iyon din ang hinala ko. Trida is a mafia and so Haze," dagdag ni kurimaw na Matthew."Hindi ako—""Trida tumingin ka sa 'kin," Ivy cut me off so I turned to her. "Mafia ka ba?" she asked seriously. Walang'ya! "Wow, Ivy!" Natawa ako nang mapait dahil sa tanong niya. Para bang pinagdududahan n'ya ako dahil sa sinabi ni Matthew.
TRIDA's POVAt ang walang hiyang Ivy, tiningnan ako nang may pagdududa. "Sabihin mo sa 'kin na hindi ka mafia."Sasagot pa lang sana ako nang biglang magsalita si Haze. "Time to choose the mafia. Remember, dalawa ang inosente sa inyo. If you know who the innocent, then tang*na, try to keep them alive!" Humalakhak pa siya.Lumingon naman si Ivy sa 'kin. "Trida, this is the last game. Patayin na natin si Kierzyuwi. Kapag hindi pa natin s'ya pinatay at may pinatay s'yang isa sa 'tin—game over na!" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala."If you kill me, you'll be done!" seryoso at tahimik na sabi ni Kierzyuwi kaya tiningnan ko siya. Nakatitig siya sa 'kin at nakangisi."Kanina ka pa n'ya pinapatay, 'di ba?" Hinawakan ulit ni Ivy ang braso ko para iharap ako sa kaniya. "Nakailang turo at boto na siya sa'yo. Kanina ko pa s'ya napapansin.""Pero binoto mo rin ako kanina, 'di ba?" Tinaasan ko siya ng kilay noong naalala ko na minsan niya rin akong binoto para ma-out."Dahil natakot ako na baka i
TRIDA'S POV “Ano? Hindi ba kayo matatapos d'yan?” natatawang sabi ni Haze sa 'min. Nagpipigil siya ng tawa dahil nanggigilid na ang luha ni Ivy.“Okay. Kill me now. It doesn't matter to me anymore!" Pabagsak na isinandal ni Yuwi ang likod niya sa upuan. Seryoso? Bigla akong napaisip at pinagmasdan si Ivy.“Pa'no kung nagsasabi ng totoo si Yuwi at inosente pala talaga s'ya?” tanong ko sa kaniya. At hindi pa man siya sumasagot, nabuwisit na agad ako. “Wow! Kapag inosente siya, ibig sabihin ikaw ang mafia at pinapaikot mo lang kami?” Lalong nalukot ang mukha ni Ivy na akala mo inapi ko siya.“Sumasakit na 'yong ulo ko sa totoo lang!" inis niyang ganti sa 'kin. "Sige na, ako na lang ang patayin n'yo para malaman natin kung sino talaga ang mafia sa inyong dalawa!” Sumandal siya sa sofa, tila nawalan ng ganang maglaro. “Pero 'pag pinatay n'yo ako at halimbawa man na si Kierzyuwi ang mafia sa inyong dalawa...ikaw mag-isa ang mag-grocery. Hindi kita sasamahan!” she warned.Agad namang ngumis
IVY'S POVNang dumilat si Trida ay agad niyang iginala ang paningin sa kwarto. Mukhang nagtataka pa siya kung bakit narito na kami sa dorm matapos siyang mawalan ng malay.“Buti gising ka na...” Inalalayan ko siyang makabangon.“Paano ako nakauwi?” taka niyang tanong nang bumaling siya sa 'kin. “At saka 'yong...'yong d-dalawang babae na...” Bumakas muli sa mukha niya ang takot. “Totoo ba 'yong nakita natin kanina?” seryoso niyang tanong. "Oo." Napatango pa ako nang bahagya.“Kung gano'n, paano ako nakauwi?” tanong niya ulit sa 'kin.“Binuhat ka ni Yuwi." Nagsalubong ang kilay dahil sa sinabi ko.Noong nakita kasi namin ang dalawang babaeng duguan na nakahandusay sa kalsada ay agad akong napasigaw at kasabay naman noon ay nawalan siya ng malay. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko sa kaniya noong mga oras na 'yon. Gusto kong tumakbo palayo dahil natakot ako na baka mapagbintangan kami, lalo pa at walang masyadong bahayan sa lugar na 'yon at wala rin masyadong nagdaraan na mga tao o sa
TRIDA's POVSiya naman ang natahimik dahil mukhang hindi niya inaasahan ang ganoong sagot ko. Nakatingin lang siya sa 'kin pero wala akong mabasang emosyon sa mata niya. Malamig ang mga tingin niya at pakiramdam ko p'wede akong magyelo dahil do'n.Hindi na siya nakakibo lalo na noong biglang dumating si Haze at Kayden sa kusina. Nag-uusap ang dalawa tungkol sa pag-alis ni Haze sa weekend dahil uuwi raw ito sa kanila.Pumwesto sa kabilang mesa kung saan sila laging kumakain. “Kailan ang balik mo?” Kayden asked again. May dala silang tatlong bote ng mineral.“Aalis ka?” baling naman ni Yuwi kay Haze. Naglakad siya at tumabi sa dalawa. Kami naman ni Ivy ay kumain na ulit nang tahimik.“Oo. Uwi muna ako sa bahay. Umay rito," muling sagot ni Haze na sinabayan pa nang mahinang pagtawa. Kumuha siya na tatlong baso at inilapag niya 'yon sa mesa nila. Binuksan naman ni Kayden ang bote ng mineral at nagsalin ng tig-kaunting amount sa bawat baso nila habang si Haze ay tumayo para buksan ang ref
IVY'S POVNagdalawang isip ako kung gigisingin ko ba si Trida para sagutin niya ang tawag ng mommy niya o hindi. Pero naisip ko, huwag na lang. Mukhang malalim na kasi ang tulog niya kaya siguro hindi niya ramdam ang pag-vibrate ng phone niya. Hindi ko na rin 'yon pinansin at inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagkuha ng mga hanger para makapagsampay na agad ako.Palabas na ulit sana ako sa kwarto nang mag-vibrate ulit 'yon ang cell phone niya. Lumapit ako para tiningnan ang screen at nakita ko na mommy pa rin niya ang tumatawag.Tiningnan ko ang oras sa bandang itaas. 11:37 PM. Saglit akong natigilan at napaisip. Emergency kaya?Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko at dinampot ko 'yong cell phone ni Trida para sagutin 'yon. Naisip ko kasi na baka emergency kaya tumatawag ang mommy niya nang ganitong oras.“Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko! Nag-aalala ako sa'yo!” bumungad sa 'kin ang pagsigaw ng babae sa kabilang linya, ngunit bakas pa rin ang pag-aalala sa boses nito
TRIDA'S POV Kumakain kami ng almusal sa kusina, katabi ko si Ivy habang nasa kabilang mesa naman ang limang unggoy at kumakain din. Para silang ngayon lang nagkita-kita dahil sa ingay at tawanan.Nakagayak na si Kierzyuwi, Haze at Kayden. Samantalang si Matthew at Zee ay white t-shirt at pajamas ang gayakan. Ang alam ko kasi ay alas nuebe rin ang pasok nila ngayon tulad namin ni Ivy.“Ano, Trida? Napag-isipan n'yo na ba?” sumulyap sa amin si Kayden.“Hindi pa," tipid kong sagot sabay higop sa tinimpla kong choco.“Pag-isipan n'yo na para magsimula na tayo bukas," baling ni Matthew sa 'min habang nakangisi. Kanina kasi nang bumaba ako sa kusina para magluto ay naabutan ko ang best friend ko na si Zee. Schedule niya ngayon para magluto ng almusal nila at medyo nagkainitan kami dahil 'yong piniprito kong itlog, nabuhusan niya ng powdered choco kaya gumanti ako at nilagyan ko ng ketchup ang niluluto niyang champorado. At noong maabutan kami ni Kayden at Yuwi na nag-aaway, nakaisip ng id
TRIDA MONTANAMaaga kaming pumasok ni Ivy sa school dahil ipinatawag kami sa dean's office. Nabalita kasi sa department namin ang nangyaring pag-aresto at pagkakulong namin kaya kinausap kami ni Dean.Ngunit ang inaasahan ko ay iinterbyuhin niya kami regarding that matter, like kung totoo bang kami ang pumatay. Pero hindi pala."Nagpunta rito ang secretary ng daddy mo, Trida. All the misunderstanding has been cleared. So, focus on your study." Ngumiti si Dean bago ituloy ang sasabihin. "Kapag may narinig kayo o nagtanong sa inyo about sa nangyari, report to me right away. Their names, block, and course if they are from different department. Okay?""Okay po." Ngumiti lamang din ako nang bahagya sa kaniya at ganoon din si Ivy bago kami tuluyang nagpaalam."Buti naman kung gano'n. Alam mo bang kung anu-ano'ng pinagsasabi sa 'kin ng mga classmates natin noong pumasok ako?" sumbong ni Ivy sa akin paglabas namin ng Dean's Office."Nagmagaling ka kasing pumasok, eh. Hayun tuloy ang napala mo
TRIDA MONTANAAlas-onse ng gabi nang makarating kami ni Zee sa dorm. Siya ang nag-ayang umuwi sa ‘kin matapos namin matanaw sa lounge si Ivy at Matthew na magkalapit ang mukha at parang magki-kiss. Landi ni acckla!Nakiusap pa naman ako kay Zee na aantabayanan ko itong makalabas kaya naghintay kami sa labas ng building. Pero mag-iisang oras na ay hindi pa rin siya sumusulpot kaya kinulit ko pa si Zee na samahan ako pabalik sa loob dahil baka utak na niya ang pinasabog sa loob kanina.Pero hayun nga. Pagpasok namin, natanaw namin sila ni Matthew. Ang lalandi talaga."Matulog ka na para hindi ka mapuyat. May pasok pa bukas,” paalala ni Zee pagtungtong namin sa third floor.Huminto rin ako at nilingon siya. “Salamat kanina.”Dahil kasi sa nangyaring pagputok ng baril at pagkawala ng ilaw, agad naglabasan ang mga tao sa club. Nataranta rin ako noong oras na ‘yon dahil may mga nagsisigawan at halos lahat nagpa-panic. Buti na lamang ay agad niya akong natunton at iginiya palabas. Kung hindi
IVY PIÑAFLORIDABANG!Kumabog ang dibdib ko dulot ng narinig kong putok ng baril mula sa loob ng VIP room kung saan ako nanggaling.Sa sobrang nerbyos ko, hindi ko na tinangka pang katukin muli ang pinto. Napaatras ako kasunod ang mabilis kong paghakbang palayo roon kahit na halos magkandarapa ako dahil sa dilim ng paligid.Binuksan ko ang clutch bag ko at kinapa sa loob ang phone ko. Nang makuha ko 'yon, binuksan ko agad ang flashlight at mas binilisan ko na ang paghakbang palayo.Halos patakbo ang ginawa ko kaya nang pababa na ako sa hagdan, nagkamali ako ng tapak sa baitang kaya, dahilan para bumagsak ako at gumulong pababa."Aaww~" Hinilot ko ang tuhod kong naunang tumama sa matigas na semento. Sobrang sakit.Bumaling ako sa cell phone ko na isang dipa ang layo sa akin dahil nabitawan ko 'yon. Nakailaw pa rin ang flashlight pero nakabaligtad 'yon at sa sahig nakatama ang liwanag kaya wala akong masyadong maaninag sa paligid.Sinubukan kong tumayo kahit na ramdam ko na parang naipi
IVY PIÑAFLORIDANakatayo ako sa harap ng full length mirror sa kwarto ko habang hawak ang baril. Nakatitig ako ro'n. Nakasuot naman sa hita ko ang leg gun holster.Hindi kasi p'wede na sa clutch bag ko lang 'to ilagay dahil makikita 'yon bago kami pumasok sa club kapag nag-check ang security.Ayoko naman sana talaga magdala ng baril. Kaso naisip ko, paano kung may mangyari sa 'kin? Paano kung may gawin na masama si Supremo 'pag nagkaharap na kami? Lalo na at pinapupunta niya akong mag-isa. Kailangan ko ng pang-self defense kung sakali. Mahirap na.Sinuksok ko na ang baril sa leg gun holster na nasa hita ko at saka ko na sinuot ang spaghetti strap kong dress ko na kulay black. Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin. Perfect! Hindi rin halata na may dala akong de@dly weapon.Dinampot ko na ang clutch bag ko pati na rin ang cell phone kong nasa kama. Paglabas ko sa kwarto, nakaabang agad sa akin si mommy."Anak, sigurado ka bang hindi mo kailangan ng kasama?" Bakas sa mukha niya ang
TRIDA MONTANA"What kind of outfit you think will suit me?" tanong ko habang patuloy sa pag-iikot sa loob ng isang clothing shop. Si Zee naman ay nakabuntot sa akin."Kahit ano. But I hope it will be something simple." Nakikihawi-hawi na rin siya sa mga naka-hanger na damit para maghanap ng para sa kaniya."Anong something simple? Usually di ba eye-catching outfit ang mga sinusuot ng mga nagpupunta sa club?" litanya ko."No, that's not true." Lumipat siya sa section ng mga pangbabae at doon namili. Mukhang tutulungan na niya ako.Nakakita naman ako ng black fitted skirt na leather at kinuha ko 'yon para ipakita sa kaniya. "Bagay ba sa 'kin 'to?" Ipinantay ko pa sa baywang ko para makita kung hanggang saan ko 'yon."No. Not that." Pinag-ekis niya ang kamay niya. "Ito na lang, oh." Sabay abot niya sa akin ng hawak niyang cotton long sleeves na kulay beige. "When I said simple, this is what I've been thinking about." Bahagya pa siyang ngumiti.Kinuha ko 'yon at saka ako ngumuso. "Club 'y
TRIDA MONTANAPababa ako sa hagdan nang masalubong ko 'yung tatlo. Si Kayden, Matthew at Zee. Nakasuot sila ng school uniform at halatang kauuwi lamang."Andito ka na? Ano'ng nangyari?" Si Kayden ang unang nagtanong."Bakit mas naunang nakalaya si Ivy?" Si Matthew."Hindi ba binanggit sa inyo ni Haze?" tanong ko naman sa kanila. Mukhang hindi pa nila alam ang tungkol kay Migz."Ang alin?" Nagtataka akong tiningnan ni Zee."Na nahuli na 'yung totoong pumatay kay Racquel kaya ako nakalaya," I stated. Nagtinginan saglit si Zee at Matthew bago ibalik ang tingin nila sa akin."Talaga? Mabuti kung gano’n! Edi makakapasok na ulit kayo ni Ivy?" nakangiting sabi ni Zee."Oo. Pero pagbalik na lang ni Ivy. Nahihiya akong pumasok mag-isa pagkatapos ng nangyari." Bahagya pa akong napabuntong-hininga."Bakit ka mahihiya? Wala na kayong dapat ipag-alala. Ngayon pa bang nahuli na 'yung totoong killer?" sabi naman ni Matthew sabay baling kay Zee. "Di ba, Zee?" Dinunggol niya pa ito nang bahagya sa bra
TRIDA MONTANANakauwi na kami ni Haze sa dorm at naipaliwanag na rin niya kina Ate Mildred ang nangyari pati ang text message na kaniyang na-recieved mula sa totoong killer na si Migz, ex-boyfriend ni Racquel.Kaya lang...nakatulala ako sa kwarto namin ni Ivy. Ina-analyze kong mabuti sa isip ko ang nangyari.Inamin ni Migz sa text message na siya ang pumatay kay Racquel pagkatapos ay inilagay daw niya ang kutsilyong ginamit niya sa kwarto namin ni Ivy. After that, agad siyang tumakas sa dorm.Pero sa pagkakatanda ko, bago kami umakyat sa rooftop noong gabing ‘yon, wala ng mga estudyante sa dorm. Dahil usually ay weekend umuuwi ang mga estudyante. May iba nga na friday pa lang ng hapon ay umuuwi na sa kani-kanilang bayan pagkatapos ng klase. So, paano nangyari na siya ang pumatay kay Racquel?Pabagsak akong humiga sa kama at bumuntong-hininga habang nakatitig sa kisame. Bakit gano’n? Bakit hindi pa rin ako mapanatag? Feeling ko may mali sa nangyari pero hindi ko ma-sure kung paano o an
TRIDA MONTANA"Kumain ka na miss, oh. Kahapon mo pa hindi ginagalaw lahat ng pagkain na binibigay namin sa’yo," sermon sa ‘kin ng isang pulis. May inaabot siya sa akin na McDo na nasa take-out bag pero hindi ko ‘yon kinuha."Ayoko n’yan. Gusto ko BTS meal." Sabay irap dito."Mamayang tanghali na lang ‘yon. Kainin mo muna ‘to," pamimilit niya sa akin habang nasa loob pa rin ako ng selda at nakaupo malapit sa pintuan."Hindi ako kakain hangga’t hindi ako nakakalabas dito!""Magugutom ka kapag hindi ka kumain.”"Wala akong pakialam," ganti ko sa kaniya. "Napaka-unfair n’yo!" Tumayo ako bigla at hinarap ang pulis na ‘yon. "Pa’nong nangyari na nakalaya si Ivy tapos ako napag-abutan na ng magdamag dito?!" Naghy-hysterical na naman ako habang niyugyog ang bakal na pintuan ng selda. "Bulok ‘yung sistema n’yo! Hindi kayo patas!" Sunud-sunod ang paghahabol ko ng hininga dahil sa galit. "Remember this, I'll sue each and everyone here if you've broken any rules while investigating! You arrested an
IVY PIÑAFLORIDA Hindi ko pa nga masyadong naa-absorbed mabuti ang sinabi sa akin ni Precious about kay Trida, ngayon naman dumagdag pa sa problema ko si Zee.Napapikit ako at nanatiling nakayuko kahit namamanhid na ang mga binti ko. Tahimik lang ako at hinintay kong makaalis si Matthew. At nang sa wakas, after a century of waiting ay narinig ko na ang paghakbang niya palayo. Halos hindi na ako makatayo sa sobrang ngawit ng mga binti ko.Dahan-dahan akong umalis sa rooftop at bumaba sa hagdan nang matantya kong tuluyan na siyang nakababa. Sinikap kong hindi makagawa ng kahit kaunting kaluskos.Tahimik akong nakabalik sa kwarto at naabutan kong nakailaw ang phone ko. Chineck ko ‘yon. May nag-text sa akin na unregistered number pero alam ko na agad kung sino. Si Atty. Morris.Sinend niya sa akin ang lugar at kung anong oras kami magkikita ni Supremo bukas.☆゚.*・。゚Kinabukasan. Lunes. Maaga akong gumising at gumayak, pero hindi ako sigurado kung tutuloy ba ako sa school knowing na nasa k