IVY'S POVNagdalawang isip ako kung gigisingin ko ba si Trida para sagutin niya ang tawag ng mommy niya o hindi. Pero naisip ko, huwag na lang. Mukhang malalim na kasi ang tulog niya kaya siguro hindi niya ramdam ang pag-vibrate ng phone niya. Hindi ko na rin 'yon pinansin at inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagkuha ng mga hanger para makapagsampay na agad ako.Palabas na ulit sana ako sa kwarto nang mag-vibrate ulit 'yon ang cell phone niya. Lumapit ako para tiningnan ang screen at nakita ko na mommy pa rin niya ang tumatawag.Tiningnan ko ang oras sa bandang itaas. 11:37 PM. Saglit akong natigilan at napaisip. Emergency kaya?Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko at dinampot ko 'yong cell phone ni Trida para sagutin 'yon. Naisip ko kasi na baka emergency kaya tumatawag ang mommy niya nang ganitong oras.“Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko! Nag-aalala ako sa'yo!” bumungad sa 'kin ang pagsigaw ng babae sa kabilang linya, ngunit bakas pa rin ang pag-aalala sa boses nito
TRIDA'S POV Kumakain kami ng almusal sa kusina, katabi ko si Ivy habang nasa kabilang mesa naman ang limang unggoy at kumakain din. Para silang ngayon lang nagkita-kita dahil sa ingay at tawanan.Nakagayak na si Kierzyuwi, Haze at Kayden. Samantalang si Matthew at Zee ay white t-shirt at pajamas ang gayakan. Ang alam ko kasi ay alas nuebe rin ang pasok nila ngayon tulad namin ni Ivy.“Ano, Trida? Napag-isipan n'yo na ba?” sumulyap sa amin si Kayden.“Hindi pa," tipid kong sagot sabay higop sa tinimpla kong choco.“Pag-isipan n'yo na para magsimula na tayo bukas," baling ni Matthew sa 'min habang nakangisi. Kanina kasi nang bumaba ako sa kusina para magluto ay naabutan ko ang best friend ko na si Zee. Schedule niya ngayon para magluto ng almusal nila at medyo nagkainitan kami dahil 'yong piniprito kong itlog, nabuhusan niya ng powdered choco kaya gumanti ako at nilagyan ko ng ketchup ang niluluto niyang champorado. At noong maabutan kami ni Kayden at Yuwi na nag-aaway, nakaisip ng id
TRIDA'S POVPagkagat ni Haze sa pandesal, agad niya 'yon nginuya. At ang sumunod na nangyari, nagtawag na siya ng uwak."UWAAAKHG!" Naduwal siya sabay luwa ng pandesal sa kamay niya.“Eww, Haze! Doon ka nga sa banyo!” sita ni Ivy habang nakatitig si Haze sa bagay na niluwa niya sa palad niya.“Trida...” bumaling siya ng tingin sa 'kin matapos pagmasdan 'yon at halos hindi maipinta ang mukha niya. Gusto kong matawa dahil sa itsura niya pero pinipigilan ko. “Sa buong relasyon natin 'di ako nagmura sa harap mo pero...t*ngina 'tong pandesal ala toothpaste mo. I'm so HAPEE!” “Bakit kasi kinuha mo? Sa'yo ko ba binibigay?” ganti ko sabay irap pa sa kaniya. Panira siya ng moment! Kung hindi niya kinuha 'yon, nakaganti na sana ako kay Ivy! Agad namang nagsalubong ang kilay ni Ivy sa narinig kaya dumukwang siya at inabot ang pandesal na kinagatan ni Haze at saka niya tiningnan ang loob no'n. “Hoy Trida, 'wag mo sabihing balak mo 'ko pakainin ng pandesal na may palamang toothpaste?” baling ni
TRIDA'S POV“Ano'ng hinahanap mo?” tanong ko kay Ivy paglabas ko sa banyo, nakabalot ng tuwalya ang katawan ko. Abot naman ang kalkal niya sa cabinet, parang may hinahanap. Nakabihis na siya ng uniform dahil mas nauna siyang naligo at gumayak kaysa sa akin. "Pepper spray ko. Hindi ko kasi makita.” Patuloy pa rin siya sa paghahanap, ultimo ilalim ng kama ko at kama niya ay sinilip rin.“Aanhin mo naman ang pepper spray?” Nagsimula na akong gumayak habang busy pa rin siya sa finding pepper spray operation niya. “Mahirap na kasi. Baka tayo na susunod na target. Kailangan ko ng weapon.”“Eng-eng ka rin, 'no? Ano'ng magagawa ng pepper spray mo kung baril ang gagamitin sa'yo? Baka hindi mo pa napipindot 'yan may tama ka na sa noo!” Mula sa repleksyon sa salamin, nakita ko siyang tumayo at inayos ang nakabukas niyang cabinet pati na rin ang mga damit niyang nagsablay-sablay dahil sa paghahalungkat niya. At base sa ekspresyon niya, mukhang hindi niya natagpuan ang sinasabi niyang pepper spr
TRIDA'S POVKahit natatakot, muli akong lumingon para tingnan kung sino ang sumusunod sa amin. Pero gaya kanina, wala na naman akong nakita. Naglakad ulit kami habang palihim kong dinukot sa bulsa ko 'yong pangmalakasan kong flashlight na nakaka-comatose.“Aheeerm!” Nagkunwari akong umubo at saka ko siniko nang bahagya si Ivy. “Nadala ko pala 'tong FLASHLIGHT KONG MAY PANGKURYENTE!” Nilakasan ko ang boses ko para marinig 'yon ng taong sumusunod sa 'min. “ALAM MO BA IVY, MAY KINURYENTE AKO DATI GAMIT 'TO, NA COMATOSE!” Agad naman na-gets ni Ivy ang ginagawa kong pagpaparinig kaya nakisabay na rin siya. Inilabas niya sa bag niya 'yong isang water gun. “AKALAIN MO, DALA KO PALA 'TONG BARIL KO! BANG! BANG! BANG!” Halos pasigaw niyang sabi at inayos pa ang pagkakahawak doon na parang may babarilin.Kulay itim ang water gun na hawak niya at hindi mahahalata na tubig ang laman no'n. 'Yong itsura rin kasi ay parang totoong baril pero plastik lang.“Patingin nga ng bag mo.” Sinilip ko ang ba
THIRD PERSON POVTahimik na binabasa ni Supremo ang ipinadalang impormasyon sa kaniya ni Vincent patungkol sa dalawang pina-imbestigahan niya.Si Ivy, nagmula ito sa isang malayong probinsya, may simpleng pamumuhay at simpleng pamilya. May isang kapatid din ito, nasa Thailand. Bukod do'n ay wala ng nakuhang importanteng impormasyon si Vincent tungkol sa kaniya.Pero si Trida, napag-alaman niyang anak ito ni Mr. Nicholas Montana—kilalang Chief Prosecutor. Asawa naman nito si Mrs. Sabina Montana, ina ni Trida na siyang Director ng News Daily. Natuklasan din niyang naglayas si Trida sa kanila pagkatapos nitong maka-graduate ng hayskul. Ang kuya nito na nasa Canada ang tanging sumusuporta sa financial needs niya dahil pinutol ng kanilang ama ang pagbibigay ng suporta rito simula nang umalis ito sa poder nila.May gumuhit na pilyong ngiti sa labi niya pagkatapos niyang malaman na anak si Trida ng mga taong malaki ang kontribusyon sa ginagawa niyang misyon. Dahil ang kaniyang ama na si Dav
THIRD PERSON POVNakita ni Vincent na nag-appear sa mobile screen niya ang pangalan ni Supremo kaya agad niya itong sinagot. "Ikaw ba ang nagpadukot sa dalawang estudyante ngayong hapon?" bungad nito sa kaniya, bakas ang galit sa malalim nitong boses na nagdulot sa kaniya ng pangamba."Oo. Sa palagay ko alam na rin nila ang tungkol sa—""I-send mo sa 'kin ang picture ng dalawa, right this instant!" Nagtataka niyang ibinaba ang cell phone at saglit na pinagmasdan 'yon. Wala siyang ideya kung bakit gustong makita ni Supremo ang litrato ng dalawang estudyante, samantalang ang mga naunang biktima ay hindi naman nito hiningan ng larawan.Napailing siya habang tinatawagan ang tauhan niya na dumukot sa mga ito. "Hello, boss?" bungad ni John sa kaniya."Buhay pa ba 'yong dalawa?""Oo, boss. Humihinga pa.""Picturan mo sila at i-send mo agad sa 'kin. H'wag n'yo munang patayin." Hindi pa man nakakasagot ay agad na niya itong binabaan at hinintay na lamang ang bagay na hiningi niya rito. Ilang
TRIDA's POVI was confused for a moment when I saw Kierzyuwi got out of the car and started walking towards us. Nakasuot siya ng simpleng white poloshirt, black jeans at white na converse shoes. Sobrang simple ng porma pero napaka-expensive ng itsura. Iba!"Ano'ng nangyari?" tanong niya nang tuluyang makalapit sa amin. But instead of answering him, I just stared at his f*cking handsome flawless face. Siguro no’ng umulan ng kaguwapuhan, nagkape ‘to ng isang drum kaya gising na gising siya no’ng panahon na ‘yon at nakadipa pang tumatakbo sa labas para saluhin lahat ng biyaya."S-sino 'yon, Trida?" Nabaling ako kay Ivy. Muntik ko na siyang makalimutan dahil kay Yuwi. Sasagot pa lang sana 'ko sa kaniya nang maagaw ang atensyon namin sa tunog ng police car na palapit sa aming direksyon. Pero nilagpasan nila kami nang kaunti dahil sa tapat mismo ng dalawang lalaki na dumukot sa amin sila huminto."Get in," baling ni Kierzyuwi sa ‘min at tinulungan akong alalayan si Ivy para makapasok sa sas
TRIDA MONTANAMaaga kaming pumasok ni Ivy sa school dahil ipinatawag kami sa dean's office. Nabalita kasi sa department namin ang nangyaring pag-aresto at pagkakulong namin kaya kinausap kami ni Dean.Ngunit ang inaasahan ko ay iinterbyuhin niya kami regarding that matter, like kung totoo bang kami ang pumatay. Pero hindi pala."Nagpunta rito ang secretary ng daddy mo, Trida. All the misunderstanding has been cleared. So, focus on your study." Ngumiti si Dean bago ituloy ang sasabihin. "Kapag may narinig kayo o nagtanong sa inyo about sa nangyari, report to me right away. Their names, block, and course if they are from different department. Okay?""Okay po." Ngumiti lamang din ako nang bahagya sa kaniya at ganoon din si Ivy bago kami tuluyang nagpaalam."Buti naman kung gano'n. Alam mo bang kung anu-ano'ng pinagsasabi sa 'kin ng mga classmates natin noong pumasok ako?" sumbong ni Ivy sa akin paglabas namin ng Dean's Office."Nagmagaling ka kasing pumasok, eh. Hayun tuloy ang napala mo
TRIDA MONTANAAlas-onse ng gabi nang makarating kami ni Zee sa dorm. Siya ang nag-ayang umuwi sa ‘kin matapos namin matanaw sa lounge si Ivy at Matthew na magkalapit ang mukha at parang magki-kiss. Landi ni acckla!Nakiusap pa naman ako kay Zee na aantabayanan ko itong makalabas kaya naghintay kami sa labas ng building. Pero mag-iisang oras na ay hindi pa rin siya sumusulpot kaya kinulit ko pa si Zee na samahan ako pabalik sa loob dahil baka utak na niya ang pinasabog sa loob kanina.Pero hayun nga. Pagpasok namin, natanaw namin sila ni Matthew. Ang lalandi talaga."Matulog ka na para hindi ka mapuyat. May pasok pa bukas,” paalala ni Zee pagtungtong namin sa third floor.Huminto rin ako at nilingon siya. “Salamat kanina.”Dahil kasi sa nangyaring pagputok ng baril at pagkawala ng ilaw, agad naglabasan ang mga tao sa club. Nataranta rin ako noong oras na ‘yon dahil may mga nagsisigawan at halos lahat nagpa-panic. Buti na lamang ay agad niya akong natunton at iginiya palabas. Kung hindi
IVY PIÑAFLORIDABANG!Kumabog ang dibdib ko dulot ng narinig kong putok ng baril mula sa loob ng VIP room kung saan ako nanggaling.Sa sobrang nerbyos ko, hindi ko na tinangka pang katukin muli ang pinto. Napaatras ako kasunod ang mabilis kong paghakbang palayo roon kahit na halos magkandarapa ako dahil sa dilim ng paligid.Binuksan ko ang clutch bag ko at kinapa sa loob ang phone ko. Nang makuha ko 'yon, binuksan ko agad ang flashlight at mas binilisan ko na ang paghakbang palayo.Halos patakbo ang ginawa ko kaya nang pababa na ako sa hagdan, nagkamali ako ng tapak sa baitang kaya, dahilan para bumagsak ako at gumulong pababa."Aaww~" Hinilot ko ang tuhod kong naunang tumama sa matigas na semento. Sobrang sakit.Bumaling ako sa cell phone ko na isang dipa ang layo sa akin dahil nabitawan ko 'yon. Nakailaw pa rin ang flashlight pero nakabaligtad 'yon at sa sahig nakatama ang liwanag kaya wala akong masyadong maaninag sa paligid.Sinubukan kong tumayo kahit na ramdam ko na parang naipi
IVY PIÑAFLORIDANakatayo ako sa harap ng full length mirror sa kwarto ko habang hawak ang baril. Nakatitig ako ro'n. Nakasuot naman sa hita ko ang leg gun holster.Hindi kasi p'wede na sa clutch bag ko lang 'to ilagay dahil makikita 'yon bago kami pumasok sa club kapag nag-check ang security.Ayoko naman sana talaga magdala ng baril. Kaso naisip ko, paano kung may mangyari sa 'kin? Paano kung may gawin na masama si Supremo 'pag nagkaharap na kami? Lalo na at pinapupunta niya akong mag-isa. Kailangan ko ng pang-self defense kung sakali. Mahirap na.Sinuksok ko na ang baril sa leg gun holster na nasa hita ko at saka ko na sinuot ang spaghetti strap kong dress ko na kulay black. Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin. Perfect! Hindi rin halata na may dala akong de@dly weapon.Dinampot ko na ang clutch bag ko pati na rin ang cell phone kong nasa kama. Paglabas ko sa kwarto, nakaabang agad sa akin si mommy."Anak, sigurado ka bang hindi mo kailangan ng kasama?" Bakas sa mukha niya ang
TRIDA MONTANA"What kind of outfit you think will suit me?" tanong ko habang patuloy sa pag-iikot sa loob ng isang clothing shop. Si Zee naman ay nakabuntot sa akin."Kahit ano. But I hope it will be something simple." Nakikihawi-hawi na rin siya sa mga naka-hanger na damit para maghanap ng para sa kaniya."Anong something simple? Usually di ba eye-catching outfit ang mga sinusuot ng mga nagpupunta sa club?" litanya ko."No, that's not true." Lumipat siya sa section ng mga pangbabae at doon namili. Mukhang tutulungan na niya ako.Nakakita naman ako ng black fitted skirt na leather at kinuha ko 'yon para ipakita sa kaniya. "Bagay ba sa 'kin 'to?" Ipinantay ko pa sa baywang ko para makita kung hanggang saan ko 'yon."No. Not that." Pinag-ekis niya ang kamay niya. "Ito na lang, oh." Sabay abot niya sa akin ng hawak niyang cotton long sleeves na kulay beige. "When I said simple, this is what I've been thinking about." Bahagya pa siyang ngumiti.Kinuha ko 'yon at saka ako ngumuso. "Club 'y
TRIDA MONTANAPababa ako sa hagdan nang masalubong ko 'yung tatlo. Si Kayden, Matthew at Zee. Nakasuot sila ng school uniform at halatang kauuwi lamang."Andito ka na? Ano'ng nangyari?" Si Kayden ang unang nagtanong."Bakit mas naunang nakalaya si Ivy?" Si Matthew."Hindi ba binanggit sa inyo ni Haze?" tanong ko naman sa kanila. Mukhang hindi pa nila alam ang tungkol kay Migz."Ang alin?" Nagtataka akong tiningnan ni Zee."Na nahuli na 'yung totoong pumatay kay Racquel kaya ako nakalaya," I stated. Nagtinginan saglit si Zee at Matthew bago ibalik ang tingin nila sa akin."Talaga? Mabuti kung gano’n! Edi makakapasok na ulit kayo ni Ivy?" nakangiting sabi ni Zee."Oo. Pero pagbalik na lang ni Ivy. Nahihiya akong pumasok mag-isa pagkatapos ng nangyari." Bahagya pa akong napabuntong-hininga."Bakit ka mahihiya? Wala na kayong dapat ipag-alala. Ngayon pa bang nahuli na 'yung totoong killer?" sabi naman ni Matthew sabay baling kay Zee. "Di ba, Zee?" Dinunggol niya pa ito nang bahagya sa bra
TRIDA MONTANANakauwi na kami ni Haze sa dorm at naipaliwanag na rin niya kina Ate Mildred ang nangyari pati ang text message na kaniyang na-recieved mula sa totoong killer na si Migz, ex-boyfriend ni Racquel.Kaya lang...nakatulala ako sa kwarto namin ni Ivy. Ina-analyze kong mabuti sa isip ko ang nangyari.Inamin ni Migz sa text message na siya ang pumatay kay Racquel pagkatapos ay inilagay daw niya ang kutsilyong ginamit niya sa kwarto namin ni Ivy. After that, agad siyang tumakas sa dorm.Pero sa pagkakatanda ko, bago kami umakyat sa rooftop noong gabing ‘yon, wala ng mga estudyante sa dorm. Dahil usually ay weekend umuuwi ang mga estudyante. May iba nga na friday pa lang ng hapon ay umuuwi na sa kani-kanilang bayan pagkatapos ng klase. So, paano nangyari na siya ang pumatay kay Racquel?Pabagsak akong humiga sa kama at bumuntong-hininga habang nakatitig sa kisame. Bakit gano’n? Bakit hindi pa rin ako mapanatag? Feeling ko may mali sa nangyari pero hindi ko ma-sure kung paano o an
TRIDA MONTANA"Kumain ka na miss, oh. Kahapon mo pa hindi ginagalaw lahat ng pagkain na binibigay namin sa’yo," sermon sa ‘kin ng isang pulis. May inaabot siya sa akin na McDo na nasa take-out bag pero hindi ko ‘yon kinuha."Ayoko n’yan. Gusto ko BTS meal." Sabay irap dito."Mamayang tanghali na lang ‘yon. Kainin mo muna ‘to," pamimilit niya sa akin habang nasa loob pa rin ako ng selda at nakaupo malapit sa pintuan."Hindi ako kakain hangga’t hindi ako nakakalabas dito!""Magugutom ka kapag hindi ka kumain.”"Wala akong pakialam," ganti ko sa kaniya. "Napaka-unfair n’yo!" Tumayo ako bigla at hinarap ang pulis na ‘yon. "Pa’nong nangyari na nakalaya si Ivy tapos ako napag-abutan na ng magdamag dito?!" Naghy-hysterical na naman ako habang niyugyog ang bakal na pintuan ng selda. "Bulok ‘yung sistema n’yo! Hindi kayo patas!" Sunud-sunod ang paghahabol ko ng hininga dahil sa galit. "Remember this, I'll sue each and everyone here if you've broken any rules while investigating! You arrested an
IVY PIÑAFLORIDA Hindi ko pa nga masyadong naa-absorbed mabuti ang sinabi sa akin ni Precious about kay Trida, ngayon naman dumagdag pa sa problema ko si Zee.Napapikit ako at nanatiling nakayuko kahit namamanhid na ang mga binti ko. Tahimik lang ako at hinintay kong makaalis si Matthew. At nang sa wakas, after a century of waiting ay narinig ko na ang paghakbang niya palayo. Halos hindi na ako makatayo sa sobrang ngawit ng mga binti ko.Dahan-dahan akong umalis sa rooftop at bumaba sa hagdan nang matantya kong tuluyan na siyang nakababa. Sinikap kong hindi makagawa ng kahit kaunting kaluskos.Tahimik akong nakabalik sa kwarto at naabutan kong nakailaw ang phone ko. Chineck ko ‘yon. May nag-text sa akin na unregistered number pero alam ko na agad kung sino. Si Atty. Morris.Sinend niya sa akin ang lugar at kung anong oras kami magkikita ni Supremo bukas.☆゚.*・。゚Kinabukasan. Lunes. Maaga akong gumising at gumayak, pero hindi ako sigurado kung tutuloy ba ako sa school knowing na nasa k