TRIDA'S POV“Ano'ng hinahanap mo?” tanong ko kay Ivy paglabas ko sa banyo, nakabalot ng tuwalya ang katawan ko. Abot naman ang kalkal niya sa cabinet, parang may hinahanap. Nakabihis na siya ng uniform dahil mas nauna siyang naligo at gumayak kaysa sa akin. "Pepper spray ko. Hindi ko kasi makita.” Patuloy pa rin siya sa paghahanap, ultimo ilalim ng kama ko at kama niya ay sinilip rin.“Aanhin mo naman ang pepper spray?” Nagsimula na akong gumayak habang busy pa rin siya sa finding pepper spray operation niya. “Mahirap na kasi. Baka tayo na susunod na target. Kailangan ko ng weapon.”“Eng-eng ka rin, 'no? Ano'ng magagawa ng pepper spray mo kung baril ang gagamitin sa'yo? Baka hindi mo pa napipindot 'yan may tama ka na sa noo!” Mula sa repleksyon sa salamin, nakita ko siyang tumayo at inayos ang nakabukas niyang cabinet pati na rin ang mga damit niyang nagsablay-sablay dahil sa paghahalungkat niya. At base sa ekspresyon niya, mukhang hindi niya natagpuan ang sinasabi niyang pepper spr
TRIDA'S POVKahit natatakot, muli akong lumingon para tingnan kung sino ang sumusunod sa amin. Pero gaya kanina, wala na naman akong nakita. Naglakad ulit kami habang palihim kong dinukot sa bulsa ko 'yong pangmalakasan kong flashlight na nakaka-comatose.“Aheeerm!” Nagkunwari akong umubo at saka ko siniko nang bahagya si Ivy. “Nadala ko pala 'tong FLASHLIGHT KONG MAY PANGKURYENTE!” Nilakasan ko ang boses ko para marinig 'yon ng taong sumusunod sa 'min. “ALAM MO BA IVY, MAY KINURYENTE AKO DATI GAMIT 'TO, NA COMATOSE!” Agad naman na-gets ni Ivy ang ginagawa kong pagpaparinig kaya nakisabay na rin siya. Inilabas niya sa bag niya 'yong isang water gun. “AKALAIN MO, DALA KO PALA 'TONG BARIL KO! BANG! BANG! BANG!” Halos pasigaw niyang sabi at inayos pa ang pagkakahawak doon na parang may babarilin.Kulay itim ang water gun na hawak niya at hindi mahahalata na tubig ang laman no'n. 'Yong itsura rin kasi ay parang totoong baril pero plastik lang.“Patingin nga ng bag mo.” Sinilip ko ang ba
THIRD PERSON POVTahimik na binabasa ni Supremo ang ipinadalang impormasyon sa kaniya ni Vincent patungkol sa dalawang pina-imbestigahan niya.Si Ivy, nagmula ito sa isang malayong probinsya, may simpleng pamumuhay at simpleng pamilya. May isang kapatid din ito, nasa Thailand. Bukod do'n ay wala ng nakuhang importanteng impormasyon si Vincent tungkol sa kaniya.Pero si Trida, napag-alaman niyang anak ito ni Mr. Nicholas Montana—kilalang Chief Prosecutor. Asawa naman nito si Mrs. Sabina Montana, ina ni Trida na siyang Director ng News Daily. Natuklasan din niyang naglayas si Trida sa kanila pagkatapos nitong maka-graduate ng hayskul. Ang kuya nito na nasa Canada ang tanging sumusuporta sa financial needs niya dahil pinutol ng kanilang ama ang pagbibigay ng suporta rito simula nang umalis ito sa poder nila.May gumuhit na pilyong ngiti sa labi niya pagkatapos niyang malaman na anak si Trida ng mga taong malaki ang kontribusyon sa ginagawa niyang misyon. Dahil ang kaniyang ama na si Dav
THIRD PERSON POVNakita ni Vincent na nag-appear sa mobile screen niya ang pangalan ni Supremo kaya agad niya itong sinagot. "Ikaw ba ang nagpadukot sa dalawang estudyante ngayong hapon?" bungad nito sa kaniya, bakas ang galit sa malalim nitong boses na nagdulot sa kaniya ng pangamba."Oo. Sa palagay ko alam na rin nila ang tungkol sa—""I-send mo sa 'kin ang picture ng dalawa, right this instant!" Nagtataka niyang ibinaba ang cell phone at saglit na pinagmasdan 'yon. Wala siyang ideya kung bakit gustong makita ni Supremo ang litrato ng dalawang estudyante, samantalang ang mga naunang biktima ay hindi naman nito hiningan ng larawan.Napailing siya habang tinatawagan ang tauhan niya na dumukot sa mga ito. "Hello, boss?" bungad ni John sa kaniya."Buhay pa ba 'yong dalawa?""Oo, boss. Humihinga pa.""Picturan mo sila at i-send mo agad sa 'kin. H'wag n'yo munang patayin." Hindi pa man nakakasagot ay agad na niya itong binabaan at hinintay na lamang ang bagay na hiningi niya rito. Ilang
TRIDA's POVI was confused for a moment when I saw Kierzyuwi got out of the car and started walking towards us. Nakasuot siya ng simpleng white poloshirt, black jeans at white na converse shoes. Sobrang simple ng porma pero napaka-expensive ng itsura. Iba!"Ano'ng nangyari?" tanong niya nang tuluyang makalapit sa amin. But instead of answering him, I just stared at his f*cking handsome flawless face. Siguro no’ng umulan ng kaguwapuhan, nagkape ‘to ng isang drum kaya gising na gising siya no’ng panahon na ‘yon at nakadipa pang tumatakbo sa labas para saluhin lahat ng biyaya."S-sino 'yon, Trida?" Nabaling ako kay Ivy. Muntik ko na siyang makalimutan dahil kay Yuwi. Sasagot pa lang sana 'ko sa kaniya nang maagaw ang atensyon namin sa tunog ng police car na palapit sa aming direksyon. Pero nilagpasan nila kami nang kaunti dahil sa tapat mismo ng dalawang lalaki na dumukot sa amin sila huminto."Get in," baling ni Kierzyuwi sa ‘min at tinulungan akong alalayan si Ivy para makapasok sa sas
THIRD PERSON's POV[MATAPOS ANG INSIDENTE NA PAGDUKOT KAY TRIDA AT IVY]Friday, midnight, 1:30 AM.While everyone was asleep, Supremo took the opportunity to go to the basement. Pinilit niyang i-angat ang kwadradong semento gamit ang kaniyang lakas. At nang matanggal niya ito ay bumungad sa kaniya ang kwadradong pinto pababa sa secret room.Ngunit napansin niya na bukod sa iris biometric ay may isang maliit na device pa ang nakakabit sa pinto nito at mayroong numero na magsisimula sa zero hanggang nine.Napailing siya pero hindi na niya 'yon pinagtuunan ng pansin. Imbes ay agad niyang kinuha ang recognition device na nasa kaniyang bulsa at itinapat 'yon sa iris biometric, ngunit...nagulat siya nang hindi ito gumana."What's wrong?" tanong niya sa sarili at muling sinubukan na itapat ang recognition device ngunit wala pa rin nangyari. "Aish!" Agad niyang ibinalik sa bulsa ang bagay na 'yon at kinuha ang kaniyang cell phone para kuhanan ng larawan ang pinto ng secret room—iyong may mga
TRIDA’s POVWoah! I was speechless. Hindi ako makapaniwala sa ipinabasa sa akin ni Ivy na text sa kaniya ni Haze. Aba't marunong pala s'yang lumandi? I wasn’t informed!"Pero ‘wag kang mag-alala. Wala akong balak i-entertain si Haze,” she said reassuringly nang ibalik ko na ang cell phone niya."Ano ka ba, Ivy? Wala sa ‘kin, ‘yon! Kung gusto mo s’ya, ayos lang. Break naman na kami.” Hindi ko alam kung saan nanggaling ang sinabi ko. Kung sa puso ba o sa ilong lang."Hindi ko s’ya gusto. Alam mo naman na si Matthew ang bet ko. Pero alam mo, feeling ko? Baka pinagseselos ka lang n’yang si Haze kaya bigla s’yang naging ganito sa ‘kin.” Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya kaya nag-angat muli ako ng tingin rito. Pinagseselos? "Kasi napapansin ko, palagi pa rin s’yang concern sa’yo. So, naisip ko lang na baka gusto ka lang n’yang magselos. Tapos kapag nalaman n’yang may feelings ka pa— ‘tsaka s’ya makikipagbalikan." Natawa ako nang bahagya sa konklusyon niya. "Malabo ‘yon, Ivy! At saka
IVY'S POV Nasa sala ako ng dorm, abala sa panonood ng tv habang hinihintay na umuwi si Trida. Nag-text kasi ito sa akin na mayroon silang meeting sila sa auditorium. Ngunit hindi niya nabanggit sa akin kung ano'ng oras ang tapos."Hala? Ibalik mo! Nanonood 'yung tao!" reklamo ko. Paano ba naman ay biglang tumabi sa akin si Kierzyuwi, dinampot ang remote at saka inilipat ang channel sa basketball. E, wala naman akong kaalam-alam do'n!"Umuwi na ba si Trida?" tanong nito sa akin ngunit hindi ako nakasagot dahil inagaw ko sa kaniya muli ang remote upang ibalik ang pinapanood kong drama.Feel na feel ko pa ang background music habang umiiyak ang bida nang biglang nawala ang focus ko dahil sa pag-vibrate ng aking cell phone.Trida Raawwrr ang nakarehistrong pangalan kaya agad ko iyon binasa."IVY! NARITO PA 'KO SA AUDITORIUM! HUHUHU. I'M SCARED! HINDI AKO MAKALABAS DITO! NAGTATAGO AKO SA LOOB NG RESTROOM! 'YUNG ISANG LALAKI KASI NA NAGSAKAY SA 'TIN SA VAN, NASA LABAS NG AUDITORIUM! BAKA A