TRIDA’s POVPagdating namin sa dorm ni Yuwi ay naabutan naming nanonood si Ivy sa sala, katapat ng lobby. Nang maagaw namin ang kaniyang atensyon ay agad siyang tumayo. "Oh, bakit kayo ang magkasama? Hindi ka ba pinuntahan ni Haze?" tanong niya. Ngunit hindi pa man ako nakakasagot ay narinig namin ang pagbukas ng gate at ang pagsulpot ni Haze sa bandang likuran namin. Kararating lamang nito. "Saan ka galing, Haze? Hindi mo ba pinuntahan si Trida?" usisa ni Ivy sa kaniya, ngunit hindi ito kumibo at agad kaming nilagpasan, papunta sa taas. "Problema no'n?" Nakatanaw kaming tatlo sa kaniya habang paakyat ito sa hagdan. Ilang sandali pa ay sumunod na rin na umakyat si Yuwi kaya naman niyaya ko na rin si Ivy sa aming kwarto, sa third floor."Bakit sinabi mo pa kay Haze ‘yung text ko sa’yo?" I asked, noong nasa kwarto na kami pareho."Wala kasi akong maisip na p'wedeng hingan ng tulong para puntahan ka. Alam mo naman ang nangyari sa ‘kin. Hindi pa 'ko masyadong makalakad." Sinulyapan niya
THIRD PERSON POVPalihim pa ring nakasilip si Ivy at Trida sa maliit na butas upang tingnan ang kaganapan sa loob ng abandonado at lumang karenderya kung saan naroon sina Meghan at Danica, ang co-officer ni Trida na kinuha ng dawalang lalaki.Nakatali ang kamay ng mga ito sa kanilang likuran. May tali rin na panyo ang kanilang mga bibig kaya naman hindi nila magawang sumigaw o umiyak nang malakas."Ano’ng gagawin natin sa kanila?" tanong ng isang lalaki sa kasama. Mga tauhaan sila ni Vincent at sila ang inutusan nito para dukutin ang dalawa sapagkat alam na rin ng mga ito ang tungkol sa natatagaong yaman sa dormitoryo."Sandali. Hinihintay ko pa kung ano’ng sasabihin ni sir," sagot nito habang nakatutok sa tainga ang kaniyang cell phone at hinihintay na sumagot si Vincent. "Hello, sir. Ano ba’ng plano rito sa dalawa?" Matagal siyang tumahimik at seryosong nakikinig sa kausap. Makalipas ang ilang sandali ay ibinaba na nito ang cell phone at humarap sa dalawang estudyanteng kanina pa ta
IVY POVNakahiga ako sa kama habang abala sa pagbabasa ng mga notes na ipinahiram sa akin ni Trida dahil mayroon kaming quiz bukas.Isang linggo na rin ang lumipas ngunit hindi pa ako pumapayag sa ideya niya na hanapin daw namin si Supremo. Nakakatakot kaya. Paano kung mapahamak na naman kami?Nabaling ang aking tingin sa cell phone kong nasa gilid ko lamang dahil tumunog iyon. May nag-text.Nang damputin ko, number lamang ang nag-appear sa screen. Ngunit alam kong hindi iyon kay Haze dahil nai-save ko naman na ang kaniyang number."Ivy, may ginagawa ka?" Agad nagsalubong ang kilay ko nang mabasa ang text na pumasok sa akin.Nag-isip pa ako kung magre-reply ako o hindi. Ngunit dahil binanggit niya ang pangalan ko, naisip kong kilala niya ako."Hu u?" I replied. "Ang nag-iisang g'wapo sa dorm." "Sino? Si Matthew lang naman alam kong g'wapo sa dorm, e.""Ako nga. Hahaha!" Napabalikwas ako ng bangon nang mabasa ang reply niya.Shuta! Shuta! Si Matthew? Omg! Hindi nga? Seryoso? Anak ng
IVY's POV"Supermarket na ba agad tayo o kain muna?" tanong sa akin ni Matthew habang nagda-drive siya. "Hindi ka ba nagugutom?" Sinulyapan pa niya ako."Hind—" *Stomach growling*"Your stomach says otherwise." Natawa siya nang mahina habang nakatuon ang tingin sa harap. Bakit ba naman kasi ngayon pa tumunog ang tiyan ko! Paladesisyon din, e! "Kain muna tayo, baka pagalitan pa 'ko ni Trida 'pag ginutom kita."Ilang sandali pa ay huminto kami sa McDo. Matapos niyang i-park ang kaniyang sasakyan ay sabay na kaming lumabas at humakbang patungo sa loob.Siya ang nag-order habang ako naman ay naghihintay sa mesa, malapit lamang sa glass wall. Ngunit sa kaniya ako nakatingin, pinagmamasdan ko ang kaguwapuhan niya na pati ang crew ay hindi iyon maikakaila dahil napakalapad din ng ngiti nito kay Matthew at tila nilalandi pa ng tingin.Pero sabi ni Trida flirt daw 'tong si Matthew. Hindi kaya nilalandi n'ya lang ako at wala naman talaga s'yang balak na jowain ako?Napailing ako, kasunod ang a
TRIDA'S POVPagkatapos kong magbayad sa taxi ay agad akong bumaba dahil narating na namin ang prosecutor's office.Pumasok ako sa loob ng building at tinungo and opisina ni daddy. Medyo malayo pa ay tanaw ko na ang isang security na nakabantay sa tapat ng pinto."Paraanin mo 'ko. Kailangan kong makausap si daddy," utos ko sa kaniya. Ngunit agad niya akong hinarang nang magtangka akong abutin ang doorknob. "May kausap pa po si sir sa loob. Hindi po kayo p’wedeng pumasok," pigil nito sa akin."Anak n'ya 'ko!" Nagsimula nang mag-init ang ulo ko. "Alam ko po. Pero bilin po ni sir na bawal magpapasok sa loob kapag may kausap s'ya." Dahil sa naging sagot niya ay alam kong wala na akong magagawa pa kaya hindi na ako nakipagtalo at naghintay na lamang.Tutal ay mayroong upuan sa gilid, waiting area, ay doon ako pumuwesto habang nakasimangot.Halos kinse minutos pa ang aking hinintay bago ko nakitang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina. May lumabas doon na isang guwapong lalaki. Sa tingin
TRIDA's POVInayos ko muna ang sarili ko bago ako umakyat sa taas. Habang paakyat sa hagdan, sinilip ko pa ang suot kong relo. 11 pm na rin kaya tulog na ang receptionist sa lobby ng 3rd at 4th floor kaya hindi na nila ako napansin at malaya akong nakaakyat.Ilang malalim na paghinga muna ang aking pinakawalan bago ko tuluyang buksan ang pinto sa rooftop. Natanaw ko roon si Haze, naka-rest ang kaniyang mga braso sa brick wall railings at nakatanaw sa ilang mga ilaw sa kalapit na building.Humakbang ako palapit sa kaniya. Tumayo ako sa tabi niya habang diretso lamang ang tingin sa harap. "Ano'ng pag-uusapan natin?" I asked, adding, "Ayoko sanang pumunta rito. Pero naisip ko na ito na rin 'yung time para makapag-usap tayo. Dahil wala akong maalala na maayos nating pag-uusap noong iniwan mo 'ko. Parang wala tayong naging closure."Agad siyang lumingon sa akin, pero hindi siya nagsalita at pinagmasdan lamang ako. Iginala ko naman ang mga mata ko sa paligid habang pinakikiramdaman ko siya
TRIDA POVA year ago.Two weeks before the break up.Tahimik na umaagos ang luha sa aking mga mata habang nakahiga nang patagilid. Ang bigat ng nararamdaman ko.Hindi ko kasi alam kung ano'ng problema namin ni Haze. Bigla siyang nagbago. Hindi na siya katulad ng dati at hindi ko alam kung bakit. Pagod na pagod na akong mag-isip at magtiis.Kinuha ko ang cell phone ko sa gilid ng unan at saka ako nag-type ng message sa kaniya. Babe pa ang naka-save na pangalan niya sa akin dahil 'yon ang tawagan namin."May problema ba tayo, babe?" I texted him. Pinahid ko pa ang luha ko.["Wala."] "E, bakit ka gan'yan?"["Bakit?"]"Bakit bigla kang naging cold sa 'kin?"["Sobrang busy ko lang kaya wala akong time minsan."]"Ako rin naman busy. Pero I always made time for you. Bakit ikaw hindi mo magawa?"["Sorry."]"Sorry lang?"["Ano pa ba'ng gusto mo?"]"Usap tayo. Gusto kong ayusin natin 'to."["Okay. Rooftop."]***Nauna akong dumating sa rooftop ng dorm kaya kinailangan ko pa siyang hintayin. Ma
IVY'S POV Pauwi na kami ni Trida sa dorm dahil tapos na ang huli naming klase. Ngunit simula pa kanina ay hindi niya ako kinikibo. Pansin ko rin na medyo mugto ang kaniyang mga mata.Saan kaya s'ya galing kagabi? Kahit isang reply kasi ay wala man lang akong natanggap mula sa kaniya. Pati ang oras nga ng pag-uwi niya ay hindi ko na rin namalayan. Basta nagulat na lang ako na kaninang umaga ay naroon na siya sa bed niya.Pag-akyat namin sa kwarto ay agad siyang nahiga at pumikit. Matutulog ba s'ya? Hindi ako sanay na ganito siya katahimik. Pakiramdam ko ay wala akong kasama sa kwarto."Trida?" Lumapit ako at naupo sa gilid ng kaniyang kama. "Saan ka nagpunta kagabi?" Naglakas-loob na akong magtanong dahil kung hindi ako kikibo ay siguradong mabibingi kami pareho sa katahimikan."Kay daddy."Daddy?"Ah. Dinalaw mo?" "Hindi," sagot niya habang nakapikit pa rin. "Kinausap ko s'ya tungkol sa nangyari sa pamilya ni Meghan at Danica.""Bakit s'ya 'yung kinausap mo?" Nagsalubong ang mga kil
TRIDA MONTANAMaaga kaming pumasok ni Ivy sa school dahil ipinatawag kami sa dean's office. Nabalita kasi sa department namin ang nangyaring pag-aresto at pagkakulong namin kaya kinausap kami ni Dean.Ngunit ang inaasahan ko ay iinterbyuhin niya kami regarding that matter, like kung totoo bang kami ang pumatay. Pero hindi pala."Nagpunta rito ang secretary ng daddy mo, Trida. All the misunderstanding has been cleared. So, focus on your study." Ngumiti si Dean bago ituloy ang sasabihin. "Kapag may narinig kayo o nagtanong sa inyo about sa nangyari, report to me right away. Their names, block, and course if they are from different department. Okay?""Okay po." Ngumiti lamang din ako nang bahagya sa kaniya at ganoon din si Ivy bago kami tuluyang nagpaalam."Buti naman kung gano'n. Alam mo bang kung anu-ano'ng pinagsasabi sa 'kin ng mga classmates natin noong pumasok ako?" sumbong ni Ivy sa akin paglabas namin ng Dean's Office."Nagmagaling ka kasing pumasok, eh. Hayun tuloy ang napala mo
TRIDA MONTANAAlas-onse ng gabi nang makarating kami ni Zee sa dorm. Siya ang nag-ayang umuwi sa ‘kin matapos namin matanaw sa lounge si Ivy at Matthew na magkalapit ang mukha at parang magki-kiss. Landi ni acckla!Nakiusap pa naman ako kay Zee na aantabayanan ko itong makalabas kaya naghintay kami sa labas ng building. Pero mag-iisang oras na ay hindi pa rin siya sumusulpot kaya kinulit ko pa si Zee na samahan ako pabalik sa loob dahil baka utak na niya ang pinasabog sa loob kanina.Pero hayun nga. Pagpasok namin, natanaw namin sila ni Matthew. Ang lalandi talaga."Matulog ka na para hindi ka mapuyat. May pasok pa bukas,” paalala ni Zee pagtungtong namin sa third floor.Huminto rin ako at nilingon siya. “Salamat kanina.”Dahil kasi sa nangyaring pagputok ng baril at pagkawala ng ilaw, agad naglabasan ang mga tao sa club. Nataranta rin ako noong oras na ‘yon dahil may mga nagsisigawan at halos lahat nagpa-panic. Buti na lamang ay agad niya akong natunton at iginiya palabas. Kung hindi
IVY PIÑAFLORIDABANG!Kumabog ang dibdib ko dulot ng narinig kong putok ng baril mula sa loob ng VIP room kung saan ako nanggaling.Sa sobrang nerbyos ko, hindi ko na tinangka pang katukin muli ang pinto. Napaatras ako kasunod ang mabilis kong paghakbang palayo roon kahit na halos magkandarapa ako dahil sa dilim ng paligid.Binuksan ko ang clutch bag ko at kinapa sa loob ang phone ko. Nang makuha ko 'yon, binuksan ko agad ang flashlight at mas binilisan ko na ang paghakbang palayo.Halos patakbo ang ginawa ko kaya nang pababa na ako sa hagdan, nagkamali ako ng tapak sa baitang kaya, dahilan para bumagsak ako at gumulong pababa."Aaww~" Hinilot ko ang tuhod kong naunang tumama sa matigas na semento. Sobrang sakit.Bumaling ako sa cell phone ko na isang dipa ang layo sa akin dahil nabitawan ko 'yon. Nakailaw pa rin ang flashlight pero nakabaligtad 'yon at sa sahig nakatama ang liwanag kaya wala akong masyadong maaninag sa paligid.Sinubukan kong tumayo kahit na ramdam ko na parang naipi
IVY PIÑAFLORIDANakatayo ako sa harap ng full length mirror sa kwarto ko habang hawak ang baril. Nakatitig ako ro'n. Nakasuot naman sa hita ko ang leg gun holster.Hindi kasi p'wede na sa clutch bag ko lang 'to ilagay dahil makikita 'yon bago kami pumasok sa club kapag nag-check ang security.Ayoko naman sana talaga magdala ng baril. Kaso naisip ko, paano kung may mangyari sa 'kin? Paano kung may gawin na masama si Supremo 'pag nagkaharap na kami? Lalo na at pinapupunta niya akong mag-isa. Kailangan ko ng pang-self defense kung sakali. Mahirap na.Sinuksok ko na ang baril sa leg gun holster na nasa hita ko at saka ko na sinuot ang spaghetti strap kong dress ko na kulay black. Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin. Perfect! Hindi rin halata na may dala akong de@dly weapon.Dinampot ko na ang clutch bag ko pati na rin ang cell phone kong nasa kama. Paglabas ko sa kwarto, nakaabang agad sa akin si mommy."Anak, sigurado ka bang hindi mo kailangan ng kasama?" Bakas sa mukha niya ang
TRIDA MONTANA"What kind of outfit you think will suit me?" tanong ko habang patuloy sa pag-iikot sa loob ng isang clothing shop. Si Zee naman ay nakabuntot sa akin."Kahit ano. But I hope it will be something simple." Nakikihawi-hawi na rin siya sa mga naka-hanger na damit para maghanap ng para sa kaniya."Anong something simple? Usually di ba eye-catching outfit ang mga sinusuot ng mga nagpupunta sa club?" litanya ko."No, that's not true." Lumipat siya sa section ng mga pangbabae at doon namili. Mukhang tutulungan na niya ako.Nakakita naman ako ng black fitted skirt na leather at kinuha ko 'yon para ipakita sa kaniya. "Bagay ba sa 'kin 'to?" Ipinantay ko pa sa baywang ko para makita kung hanggang saan ko 'yon."No. Not that." Pinag-ekis niya ang kamay niya. "Ito na lang, oh." Sabay abot niya sa akin ng hawak niyang cotton long sleeves na kulay beige. "When I said simple, this is what I've been thinking about." Bahagya pa siyang ngumiti.Kinuha ko 'yon at saka ako ngumuso. "Club 'y
TRIDA MONTANAPababa ako sa hagdan nang masalubong ko 'yung tatlo. Si Kayden, Matthew at Zee. Nakasuot sila ng school uniform at halatang kauuwi lamang."Andito ka na? Ano'ng nangyari?" Si Kayden ang unang nagtanong."Bakit mas naunang nakalaya si Ivy?" Si Matthew."Hindi ba binanggit sa inyo ni Haze?" tanong ko naman sa kanila. Mukhang hindi pa nila alam ang tungkol kay Migz."Ang alin?" Nagtataka akong tiningnan ni Zee."Na nahuli na 'yung totoong pumatay kay Racquel kaya ako nakalaya," I stated. Nagtinginan saglit si Zee at Matthew bago ibalik ang tingin nila sa akin."Talaga? Mabuti kung gano’n! Edi makakapasok na ulit kayo ni Ivy?" nakangiting sabi ni Zee."Oo. Pero pagbalik na lang ni Ivy. Nahihiya akong pumasok mag-isa pagkatapos ng nangyari." Bahagya pa akong napabuntong-hininga."Bakit ka mahihiya? Wala na kayong dapat ipag-alala. Ngayon pa bang nahuli na 'yung totoong killer?" sabi naman ni Matthew sabay baling kay Zee. "Di ba, Zee?" Dinunggol niya pa ito nang bahagya sa bra
TRIDA MONTANANakauwi na kami ni Haze sa dorm at naipaliwanag na rin niya kina Ate Mildred ang nangyari pati ang text message na kaniyang na-recieved mula sa totoong killer na si Migz, ex-boyfriend ni Racquel.Kaya lang...nakatulala ako sa kwarto namin ni Ivy. Ina-analyze kong mabuti sa isip ko ang nangyari.Inamin ni Migz sa text message na siya ang pumatay kay Racquel pagkatapos ay inilagay daw niya ang kutsilyong ginamit niya sa kwarto namin ni Ivy. After that, agad siyang tumakas sa dorm.Pero sa pagkakatanda ko, bago kami umakyat sa rooftop noong gabing ‘yon, wala ng mga estudyante sa dorm. Dahil usually ay weekend umuuwi ang mga estudyante. May iba nga na friday pa lang ng hapon ay umuuwi na sa kani-kanilang bayan pagkatapos ng klase. So, paano nangyari na siya ang pumatay kay Racquel?Pabagsak akong humiga sa kama at bumuntong-hininga habang nakatitig sa kisame. Bakit gano’n? Bakit hindi pa rin ako mapanatag? Feeling ko may mali sa nangyari pero hindi ko ma-sure kung paano o an
TRIDA MONTANA"Kumain ka na miss, oh. Kahapon mo pa hindi ginagalaw lahat ng pagkain na binibigay namin sa’yo," sermon sa ‘kin ng isang pulis. May inaabot siya sa akin na McDo na nasa take-out bag pero hindi ko ‘yon kinuha."Ayoko n’yan. Gusto ko BTS meal." Sabay irap dito."Mamayang tanghali na lang ‘yon. Kainin mo muna ‘to," pamimilit niya sa akin habang nasa loob pa rin ako ng selda at nakaupo malapit sa pintuan."Hindi ako kakain hangga’t hindi ako nakakalabas dito!""Magugutom ka kapag hindi ka kumain.”"Wala akong pakialam," ganti ko sa kaniya. "Napaka-unfair n’yo!" Tumayo ako bigla at hinarap ang pulis na ‘yon. "Pa’nong nangyari na nakalaya si Ivy tapos ako napag-abutan na ng magdamag dito?!" Naghy-hysterical na naman ako habang niyugyog ang bakal na pintuan ng selda. "Bulok ‘yung sistema n’yo! Hindi kayo patas!" Sunud-sunod ang paghahabol ko ng hininga dahil sa galit. "Remember this, I'll sue each and everyone here if you've broken any rules while investigating! You arrested an
IVY PIÑAFLORIDA Hindi ko pa nga masyadong naa-absorbed mabuti ang sinabi sa akin ni Precious about kay Trida, ngayon naman dumagdag pa sa problema ko si Zee.Napapikit ako at nanatiling nakayuko kahit namamanhid na ang mga binti ko. Tahimik lang ako at hinintay kong makaalis si Matthew. At nang sa wakas, after a century of waiting ay narinig ko na ang paghakbang niya palayo. Halos hindi na ako makatayo sa sobrang ngawit ng mga binti ko.Dahan-dahan akong umalis sa rooftop at bumaba sa hagdan nang matantya kong tuluyan na siyang nakababa. Sinikap kong hindi makagawa ng kahit kaunting kaluskos.Tahimik akong nakabalik sa kwarto at naabutan kong nakailaw ang phone ko. Chineck ko ‘yon. May nag-text sa akin na unregistered number pero alam ko na agad kung sino. Si Atty. Morris.Sinend niya sa akin ang lugar at kung anong oras kami magkikita ni Supremo bukas.☆゚.*・。゚Kinabukasan. Lunes. Maaga akong gumising at gumayak, pero hindi ako sigurado kung tutuloy ba ako sa school knowing na nasa k